What Lies Beneath the Sand – Wakas

March 15, 2018 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath the Sand – Wakas

Wakas

“Maeengaged ka na raw, ‘di ba?” tanong ni Mona habang nakatayo sa aking harap.

I am spacing out here. Kanina pa kami nandito, nagkakatuwaan, pero wala akong ginawa kundi ang matulala paminsan-minsan.

I put my hand on Mona’s butt, the way she wants it to. Kanina pa ito paulit-ulit na lumalapit sa akin at palagi’y nagsisimula ng usapan. Tumingala ako sa kanya. Trying to get my lost appetite back.

“Engaged, my ass.”
“Ayaw mo?” Raoul asked as he downed a familiar liquor.

Tumuwid ako sa pagkakaupo at tinanggap ang bagong salin ng alak. Kahit na hindi na pinansin ay nagpatuloy si Mona sa gilid ko. Naupo siya roon at kumapit na sa aking braso.

“Who wants to be engaged, anyway? We’re too young for that,” si Kajik.
“Oo nga. That will only mean na hindi na tayo makakapag ganito, hindi ba?” Mona caressed my forearm indulgently. “Pero pwede rin… your fiancee won’t bother if she doesn’t like you. Wala rin siyang magagawa kung ito talaga ang gusto mo.”

Tumango ako. Tama si Mona. At kung sino man ang fiancee ko, nasisiguro kong napipilitan lang siya para sa pera. She won’t take this seriously. And if by chance she’ll like me, hmm, that’s a different story. I can be of use to her. I’ll definitely give her what she physically wants. Just as long as she won’t meddle with how I want my life to be lived.

Inangat ko ang madilim na likido at galing doon tiningnan ko ang sapa sa harap namin. This is my life. Bland. Brown and dark, over and over again. Like the color of sex and booze. Brown and black. Brown for the booze. Dark and black for the sex. I like it that way all the time. I’m not complaining at all.

Hindi ko alam na ang mga kulay na iyon, may ibang kahulugan. Ang mga kulay na iyon, hindi ko magugustuhan simula nang binanggit ko ang pangalang hindi sa kanya.

Days after I met my fiancee, my view of life turned upside down. That fucking fast.

“I’m sorry. Hindi ko inasahan na uulan at matatagalan kami. Hindi ka raw nagreply kay Kajik. Dapat sinabi mo na bawal akong sumama para malaman ko na ayaw mo pala,” she said sweetly.

This girl.

Hinila ko siya palapit sa akin. She got startled a bit pero nagpatuloy siya. Hinuli ang dulo ng aking basang buhok para mapunasan ng dahan-dahan. Seryoso siya habang ginagawa iyon. Her chinky eyes full of sweet mysteries. Ang malambot niyang mga kamay, dahan-dahang humahaplos sa akin. At saan ko man siya hawakan, wala akong maisip kundi ang takot na baka mabasag ko siya at masaktan.

She smells like fresh peonies. Her hair is so soft. Her eyes never wanting to get caught by my stare. And her actions, sweet and lovely.

“Saan ka ba galing at bakit ka ginabi? Nakauwi na ako rito kanina pang alas kwatro at hinintay kita. Nag-alala ako,” malambing niyang sinabi.

Tumindig ang balahibo ko. I just suddenly want to claim her mine. Mark her mine. She will be mine, anyway. She will carry my name, be my equal, and have me all the same. And I will be hers, for all time.

“Sorry. Are you… m-mad at me?”

Bumagsak ang tingin niya sa aking dibdib. I searched for her vision because I want her eyes on me all the time. At least while she’s rewiring my whole system.

Ayaw kong makasal? Talaga lang, ha? Anong meron sa pagpapakasal ang hindi ko gusto? Dahil matatali ako?

Nasaan na iyong sinasabi kong bawal siyang makealam sa buhay ko? Syempre, makekealam siya. Dahil ako, makekealam din ako sa kanya. We will be one before this year ends. I will be commit to only her. I’m tired of the games, anyway. I’m too old for that.

Talagang magpapatali ako! Talagang magpapakasal. Papakasalan ko siya. She’s so young, just eighteen, and ready to marry me. So I will give her what she wants. Get married and be a happy woman for the rest of her life… with me.

“Yes,” I whispered breathily.
“I said I’m sorry.”

Tunog nagtatampo siya pero sa pagpupunas, alam kong bigo at nagpapatalo na. Kinagat ko ang labi ko habang tinitingnan siya, submissive and almost miserable.

Yes, baby. I want your submission but that doesn’t mean you’re gonna be miserable. You’ll like it. You’ll love it bad.

“Fuck. You know I can’t stay mad at you… Damn!”

Hinanap ko ang kanyang labi para halikan ng marahan. One kiss and I knew it’s her first. Para akong nababaliw sa pag-iisip na ako lang ang hinayaan niyang ganito. And her kind of girl, this is not because we’ll get married soon. She likes me! She might even be falling for me!

She’s very beautiful. It’s almost impossible na hindi pa siya nakakahalik hanggang ngayon. And she’s here now, letting me kiss her. Letting her husband kiss her.

Tumigil ako pagkatapos ng pangalawang halik. I licked my lips and crouched so our forehead will touch.

“Is that your first kiss?” napapaos ang boses ko.

Tumango siya. To hear that it is, is a different story. Hindi siya nahihiyang aminin sa akin na ako nga ang tangi niyang halik. At simula ngayon, ako lang. Dahil hindi ko hahayaang magsawa siya sa akin. Hindi ko hahayaang magkaroon siya ng oras na maghanap ng iba. Magsisikap ako na makontento siya sa akin buong buhay namin.

“Good. And it will be your only.”

Won’t marry, my ass. Now, I’m fucking planning of our future together! I’m planning of building my life with her. I can’t waste time here playing around! Dapat, ngayon pa lang, naghahanda na ako para sa pamilyang bubuuin namin! Ngayon pa lang, nagsisimula na akong magnegosyo, hindi para sa sarili ko, kundi para sa amin, at para sa mga magiging anak namin!

“Akin ka. Buong araw. Bukas,” deklara ko.

There is no need to calm down. Ayos lang na isipin kong mabuti ang kinabukasan namin dahil doon naman talaga ang tungo namin. She’s okay with marrying me. Ang sabi niya, gusto niyang makapag-asawa ng lalaking mahal niya. Well, I have six months to pursue her and make her realize that she’s in love with me. Kaya sigurado akong ikakasal nga kami sa taong iyon.

“What are your plans, Zamiel?” my father asked me once while I was at work.

Ang sabi sa computer, nasa bahay lang siya sa Maynila. He’s alone in the video but I’m sure my mother is just around, wanting to hear what I have to say.

“I know you, son. Alam kong hindi ka pa handa sa buhay na ganito pero gaya ng sabi ng Lola mo, this is an essential part of your growing up. You will eventually learn to love that girl. Your mother thinks she’ll make a great wife. Although, a little bit too young for you but…”
“I’m fine, Papa…” mataman kong sinabi.
“You’re fine…” ulit niya, medyo nagulat sa sinabi ko.

Tumango siya, tila pinoproseso pa ang sinabi ko. I chuckled and started with my plans.

“We’ll go back to Manila before June so I can start with my masters.”
“Masters!” ulit ni Papa, gulat ulit.
“She’s determined to finish her studies first bago kami bumuo ng pamilya kaya naisip ko, habang abala siya sa pag-aaral, mag-aaral na rin ako. We’ll probably graduate together.”
“Hmm. Wow! Okay… ano pa?”
“I’ll also need to process her papers para sa pagpapalit ng apelyido niya para hindi na siya mahirapan sa university. My condo is a bit far from her school so baka rin lumipat kami. Maghahanap muna ako. Magtatanong din ako sa kanya kung gusto niya ba ng condo o bahay talaga.”
“What about you? Malapit ang condo mo sa opisina?”
“I’ll just adjust my time. Isa pa, I’ll drive her to her school everyday kaya baka huli na ako papasok sa trabaho araw-araw, Papa.”
“You are thinking about this, Zarrick…” medyo manghang sinabi ni Papa. “You like your fiancee that much, huh?”

Ngumisi lang ako at natahimik. Like is an understatement.

I smirked, remembering all of that in just a blink. Parang kailanlang, nangyari ang lahat ng iyon. Parang kailanlang…

“We were so young when you two got engaged! Ngayon, nandito ulit kami para sa after wedding party ninyo! You two did not even give us some closure! Dapat ay nagpakasal talaga kayo sa harap namin!” sabay tawa ni Mona, Peter’s wife.

After our lunch, my parents and my grandma decided to host a party. Hindi nga nila kaya na walang party pagkatapos ng kasal. Kaya naman nang nalaman nilang kasal na kami, mabilisan ang pagpaplano at informal na ang pag-invite ng guests.

“Oh, we will,” sabay ngiti ni Astherielle sa kanila.

Pinalupot ko ang aking braso sa kanyang baywang at hinigit siya palapit sa akin.

Peter grinned and nodded. He’s watching us closely. Probably shocked that we found each other again after all those years.

“We’ll send you the invites soon. We’ll have our grand wedding in Manila,” sabi ko nang hindi tinatanggal ang tingin sa maganda kong asawa.

She’s all smiles as she greeted our guests. Ilang taon na ang lumipas nang tahimik at seryoso niyang sinasalubong ang mga guests namin. Ngayon, nandito siya, kumportable at nakangiti.

Her smile gives color to my world. Simula pa noong una, at hanggang ngayon. She made me realize how dull my life was with just all the blacks around. Itinuro niya sa akin na ang itim ay hindi lamang para sa alak at lupa, ito rin ang kulay ng sakit… ito rin ang kulay ng pagpapaalam.

Alam ko. Dahil iyon lang ang naging kulay ng mundo ko simula nang umalis siya.

I closed my curtains right after I saw her burying the sketch and the ring beneath the sand. Hindi ko tatanggapin ang mga iyon. Pinaniwala niya ako sa mga kasinungalingan niya!

I fucking asked her if she lied with everything! Kinumpirma niya sa harap ko na ganoon nga!

Ibig bang sabihin noon, lahat ng sinabi niya sa akin, kasinungalingan? Her feelings, her want to marry me, her hopes and dreams, our future plans? Kasinungalingan iyon lahat?

And I fucking fell in love with someone way younger than me! Hirap na ngang isipin noon na eighteen siya, ngayon mas lalo na! She’s just fucking sixteen! Man, I could get sued for that! It’s just so sick and disgusting.

I have never liked someone that young. Noong akala kong eighteen siya, iyon pa nga ang pinakabatang nagustuhan ko tapos malalaman ko na mas bata pa siya sa pinapaniwalaan kong edad niya!

Fuck that! Disgusting!

Disgusting, your ass, Zamiel.

“Where are you going, Zamiel?” Daniella, the real one, asked.

I ignored her. Hindi ko kayang magsinungaling sa sarili ko. Maaaring galit ako sa babaeng iyon pero hindi ko kayang magbulag-bulagan sa nakita kong paglilibing niya sa singsing namin kahapon! She didn’t even want to keep it! For memories sake? Talagang isosoli niya sa akin, at nang hindi ko tinanggap, nilibing niya!

Ano ‘yon? Ililibing na lang ang lahat ng ganoon kadali?

Nahukay ko ang nilibing niya kahapon pagkatapos ng dalawang oras na paghahanap. I almost lost all my hopes to get it back again but here I am, relieved that I have them. Hindi ko nga lang alam kung ano ang dahilan ng paghukay at pagkuha ko sa mga iyon. Ang alam ko lang, hindi ko kayang inilibing lang ang mga ito ng ganoon. Hindi ko matanggap na kahit alaala man lang, hindi niya kayang dalhin kung saan man siya pupunta.

“You know what, Zamiel. I have news for you…” Raoul said in a very intriguing tone.

For years, I tried to forget about her. For years, I concealed how much I regret everything that happened. Na pwede naman suwayin ko ang mga magulang ko at sabihing siya ang gusto ko. Just wait till she’s eighteen and then we’ll marry each other, right?

But then I realized she lied to me.

She lied to you, Zamiel. Niloko ka para sa pera. Kaya kahit anong gawin ko, hindi na mababago ang katotohanang nagsinungaling lang siya sa akin. Para saan? Para magustuhan ko siya?

Ni hindi niya man lang inisip na kaya ko namang ibigay ang perang iyon sa kanya, nagpakatotoo lang sana siya. Damn it! Fuck, why am I thinking this way? Anong pwedeng ibigay ang perang iyon? Hindi ko matatanggap kung pera nga lang ang habol niya sa akin. At mas lalong hindi ko tanggap na batang bata pa iyon. That’s sick and illegal. So for goodness’ sake, I should stop thinking about her every fucking time.

“What is it?” I tried to sound not interested.

Wala itong balitang hindi sinasabi agad sa akin. Isa lang ang alam kong ibabalita niya. Sigurado ako roon.

“She’s in Sta. Ana, Cagayan, according to my sources-”
“I don’t fucking care…” agap ko.
“Maraming manliligaw…” agap niya rin na parang alam kung saan ako dapat tinututukan.

Binalingan ko siya. He smirked and downed another shot. Madilim. Narito kami sa isang bar, kasama ang napakaraming kaibigan, inaaliw ang sarili, pero sa huli ay ito ang pag-uusapan.

“I don’t care,” paninindigan ko ito.
“Hmm. Fine.”
“Why do you have news about her anyway?” medyo umahon ako sa kinauupuan nang natanto iyon.

Is he secretly stalking her?

Padarag na nilapag ni Raoul ang kanyang iniinom. Alam niya agad ang iniisip ko.

“Nagkataon lang,” aniya at tumayo na parang pinal na ang kanyang naging sagot.

Oh, right. He’s searching for someone so…

Wala akong pakealam. Maraming manliligaw? Bakit? Ilang taon na ba iyon ngayon? I mentally counted her age. She’s… well… nineteen?

She’s of legal age!

“Tsss…” umiling ako at nilagok ulit ang isa pang shot ng alak.

Tinitigan ko ang baso, itinapat sa mga kulay na nagsasayawan sa harap. She’s nineteen now, with suitors parading in front of her. Hindi katakataka. I’d marry her immediately on her eighteenth… if the circumstances were perfect. And if she were true to me.

Damn!

“Akala ko ba wala kang pakealam?” Raoul said when one of the investigators revealed some things about Astherielle Seraphine Zaldua.
“Just checking…” sabay iwas ko ng tingin at baling sa mga papel na kahahatid lang ng inupahan kong imbestigador.

Nasa opisina ko siya ngayon. He’s watching his phone closely while comfortably sitting on the sofa of my office. Binasa ko ng isa-isa ang mga pahina na tungkol kay Astherielle.

Why will her father leave her with nothing? Kahit ang bahay man lang nila? Why will he give everything to her step mother?

“Hindi naman malupit ang ama niya sa kanya, hindi ba?”

Raoul’s eyes darted on me. He smirked. Parang ngiting tagumpay dahil ngayon kumbinsido na siya na pagkatapos ng ilang taon, interesado parin ako sa babaeng nanloko sa akin.

“My… my…” he shook his head. “Gusto mo yatang maloko ulit, ah?”

Ngumuso ako at muling binasa ang lahat. Through thorough investigation, I have learned about the secrets of her life. How her father only wanted to protect her innocence and how her step mother played with everything.

“Why don’t we plan for your engagement with Daniella already?” si Tita Matilda, isang dinner pagkatapos kong malaman ang lahat.

I stopped myself from saying bad things. Sumimsim ako sa wineglass at hindi agad sumagot.

“After all, you two are of age…”

Daniella smiled sweetly. I ignored her. Nag-angat ako ng tingin kay Tita Matilda. Hindi pwedeng malaman nila ang tungkol sa pakikialam ko sa mga ari-arian ng mga Zaldua. I have to earn their trust. Their trust… but definitely not through the engagement.

I am already fucking engaged!

“Oo nga, Zamiel…” singit ni Mama sabay ngiti.
“I have so many plans involving the company. That’s my priority for now.”
“W-Well, tha’ts… that’s great. I mean… para rin iyan sa future n’yo, Daniella…”

I really don’t know what’s my real purpose for all of these. Nababaliw na talaga yata ako. I am angry with her for using me, until now, but I am also solving her problem for her.

“Don’t you think you’re wasting your time on that?” si Raoul habang hinihilig ang ulo sa sofa.

Katatapos lang namin sa isang meeting. He has some free time and he decided he’s spending it here in my office. Matalim ko siyang tiningnan.

Katatawag lang ng doktor ni Attorney Ildefonso Palomar, ang lawyer ng mga Zaldua. He’s still not fit to do his job and I might wait for months before he’ll recover from his operation. And yes, after almost seven years, here I am still trying to solve the mystery of the Zaldua assets.

Mali. I’m not trying to solve it anymore. I solved it. Nalaman ko na ang pinakamalaking asset sa kompanyang iyon ay sa nag-iisang anak ni Engineer Teodorico Zaldua at Dorothea Zaldua. The house belongs to her, too. She’s not supposed to live like that because she has money.

“Sige nga… Anong mangyayari kapag napatunayan mo nga? Sasabihin mo sa kanya?” I equalled Raoul’s hawk like eyes.
“Probably,” sabay iwas ko ng tingin.
“And what do you think will happen? She’ll run back to you? Thank you for saving her from-”
“I’m just wondering, Raj. I’m not stupid. She fooled me for money. At hindi ko na siya tatanggapin pa dahil sa ginawa niya. Ayaw ko nang maulit pa iyon! We won’t work anymore…” mariin kong sinabi para matigil na siya.

He sighed. I can almost hear his smirk on it. Matalim ko siyang tinitigan. Gusto niya talagang makita na tama ang hinala niya. Na ginagawa ko ang lahat ng ito para mabalik si Astherielle sa akin. Well, he’s wrong. I’m not doing this for that.

“Sa bagay. Ayaw niya na rin siguro sa’yo. Well, her new job is in full bloom. Hindi ka na rin papansinin noon, kung talagang pera ang habol niya sa’yo…”

He smirked evilly. Ano ang ibig niyang sabihin? Job in full bloom? What? Her involvement with the furniture thing back in Cagayan Valley?

“Bakit?” hindi ko na napigilan.
“Well, I saw her with Caleb Samaniego in some hotel.”

In Cagayan Valley? Caleb Samaniego? Hindi ako nakagalaw. It’s confusing. O baka naman niloloko lang ako ng isang ito?

Nagkibit balikat si Raoul na para bang wala lang ito. Normal thing.

“According to some, she’s working in this high end escort company. Probably how Caleb knew her… hired her… you know… hindi ba sa imbestigasyon mo, nalaman mong iyong Auntie niya’y ganoon ang trabaho-”
“You’re kidding me…” kalmado kong sinabi. Hindi ko alam bakit parang natatawa pa si Raoul ngayon.
“No, I’m not. You might want to ask Gino. Kasama siya noong nagpunta sila ni Caleb sa club. Caleb called her. Tinable-”
“Fuck! You’re kidding me!” napatayo ako sa galit.

Umahon si Raoul at ngayon seryoso na. Kahit anong isip ko na maaaring niloloko lang ako nito, hindi ko kayang hindi magduda. Her Aunt is working there so it’s not possible! At hindi ba kaya niyang gawin ang kahit ano para sa pera? Niloko niya nga ako para sa pera? Kaya bakit hindi ito, hindi ba?

“Apparently, I’m not.”

Tumayo si Raoul, inaayos ang coat, at umaamba ng pag-alis.

“Which club?” I asked.

Tinable siya ni Caleb Samaniego? At lumabas sila? Saang hotel? Did he… I feel like I’m losing my mind now. Hanggang ngayon ba, pera parin? Naghihirap siya kaya ganoon ang trabaho niya? She’s fucking rich! Hindi ko pa man mapapatunayan ngayon dahil sa kanyang attorney, kailangan niyang malaman na iyon para matigil na siya sa kahibangan niya!

“I thought you don’t care about her anymore?” Raoul said in a playful tone.
Unfortunately, I’m not playing here. “Tell me,” malamig kong sinabi.

He smirked. Nagdidilim lalo ang paningin ko. This is bullshit. I won’t take this.

“Kung pera lang pala ang problema niya…” hindi ko na natuloy sa sobrang frustration.
“… marami ka naman niyan?” dugtong ng kaharap ko.

Matalim kong ibinalik sa kanya ang aking titig pero hindi na ako nagprotesta. Tumango siya.

“I’ll send you the details about it later,” he said as farewell bago umalis ng aking opisina.

Hindi na ako nag-alinlangan pang pagbuntungan ang mga bagay sa harap ko. Kumalabog ang buong opisina ko sa kulog ng mga gamit na nabasag at nahulog.

“Sir? A-Are you okay?” My secretaries immediately opened my door.

I clicked my neck. Kinalas ko rin ang necktie at pumikit ng mariin habang nakaharap sa bintana sa likod lang ng aking lamesa.

Here I am, working my ass off, trying to solve her problems while she’s just there… whoring? Trying men. Exploring.

Kung galit ako sa kanya noon, mas lalo na ngayon. Nag-uumapaw ang galit ko. Sobra-sobra.

Kailangan kong makita siya roon. Hindi pwedeng sabi-sabi lang ang papaniwalaan ko. But then when I closed that deal for thirty million, I realized it is really true! Nagtatrabaho nga siya roon bilang escort! And for just thirty million? You cheap… I groaned my frustration and downed another liquor.

“I want Astherielle Zaldua. She’s your escort, right?” I said confidently.

Kausap ko ang kanyang Auntie sa kabilang linya.

“Uh, sorry, Sir, but she’s not a-available.”

What the hell? So she is an escort? I gritted my teeth.

“If you want, I can send you more of our most private escorts.”
“She’s not available? Ang dami bang customer niya? I want her and no one else-”
“Sir, meron po kami si Jeanne Michel o pwede rin po si Kirsten Cruz-”
“How much are they?”
“Ah!” now she sound relieved. Akala niya siguro kukunin ko ang mga binanggit na artistang kabilang yata sa agency. I just want to know how much they’re paid. “One hundred thousand a night, po. Kirsten just new to this so… she’s four hundred-”

Astherielle Zaldua for four hundred fucking thousand? Look at what you’ve become! Damn it!

“Thirty million for Astherielle Zaldua.”
“What?” gulantang niyang sigaw. “I mean… Sir… Uh… Well…” Tumatawa na ng pahisterya ang Auntie niya ngayon.
“I want her for at least three to five days. Give me your account and I will immediately transfer the money-”
“Sir… May exclusive rules po kasi iyong si… uh… Astherielle. Maraming bawal kaya-”
“I don’t care.”
“Bawal po siyang… ano… Actually, I have her contract.”

What the fuck? She even has a contract? She’s legit part of this fucking agency? Gusto kong ibato ang telepono.

“Sabi rito… uh… she’s not allowed to have any sexual intercourse… and uhmm…”

Hinilot ko ang sentido ko. Hindi ko alam kung mapapanatag ba ako ngayong nalaman kong maaaring walang nangyari sa kanila ni Caleb Samaniego o magagalit parin dahil sa trabahong pinapasok niya.

Wait? I really believe that nothing happened between them? This industry is dirty as fuck! We can’t tell if that’s true!

“Marami po kasing bawal-”
“Thirty million for her. I want her. I won’t deal if it’s not her. And yes, send me that contract. Wala akong pakealam kung maraming bawal sa kanya. Gusto ko, siya,” mataman kong sinabi.
“Oh… Okay. Sige po. I will also send you the account number. I need to make sure if you can pay half of it so I can reserve her-”
“I will pay in full, immediately. My secretary will call you back for your bank account,” mariin kong sinabi at binaba ang telepono.

I pinched the bridge of my nose to stop myself from the maddening anger I have. This is not happening, right? She’s not in that escort company! Fuck!

I just booked her! Kaya kasali nga siya!!!

Purong galit at poot ang umahon sa aking puso nang nagkita kami. Pero kalaunan, gaya noon, napapaikot niya talaga ako ng husto. There’s just something about her… and I don’t understand.

Tinitigan ko siya habang natutulog. She looks so peaceful. Papunta kami ngayon sa kung nasaan ang aking yate. I planned all of these. Dadalhin ko siya sa Romblon, ipapakita ko sa kanya ang nakahiligan niya. Maybe we’ll both begin to understand each other again kapag may nakita siyang pagkakapareho namin.

Her head fell on my shoulder. Ngumuso ako at kumunot ang noo. Marahan kong hinawakan ang kanyang kamay. Her soft hand is doing wonders to me.

“Kung sana sinabi mo sa’kin noon na pangalan mo lang ang pinagsinungalingan mo, sana naging tayo agad…” I whispered, while she’s sleeping. “I can wait till you’re eighteen…”

Pero ang tanong, mahal niya ba ako? Ilang beses niyang sasabihin sa akin na hindi? At ilang beses kong susubukan? Hindi ko alam.

Napaatras ako nang tinulak niya ako ng buong lakas. I am too stunned. She’s frustrated and angry in front of me. Kung hindi ko lang lolokohin ang sarili ko, pwede kong masabing halos nandidiri siya sa akin.

“Hindi, Zamiel! Hindi mo kasi maintindihan! I don’t want you here with me! Gugulo ang buhay ko kapag nandito ka kaya sana lubayan mo na ako!”
“Come on, baby, what’s this all about?” napapaos kong sinabi pagkatapos kong subukan ulit.
“Bakit ‘di mo maintindihan? Ilang beses kong uulit-ulitin na tungkol nga ito sa atin! Na ayaw ko ng ganito! Huwag mong ipilit ang sarili mo sa akin, Zamiel! You think I don’t know what you’re planning? I know pero pinagbigyan lang kita sa islang iyon para matapos ang lahat!”

Namilog ang mga mata ko. I have never hurt so much in my life. Una pa iyong inamin niyang nagsinungaling siya. Sunod naman ay noong nalaman kong nag-eescort siya. Ngayon, ito na yata ang pinakamasakit.

Bakit ganoon, kung ganun? Why did she kiss me so passionately back in Romblon? Because we’re too consenting adults? At tao lang siya’t nakakaramdam din ng ganoon? That’s bullshit! I know her! She’s not that kind of girl who’d let the tide of desire run her mind! Sigurado akong mayroon siyang nararamdaman sa akin!

“What plan are you talking about-”
“Don’t bullshit your way around here! Sinungaling ka! I don’t want to hear anything-”
“Nagmamadali ako kahapon pauwi dahil nalaman ko na may ginawang party para sa akin,” nabasag ang boses ko.

Kabadong kabado ako habang tinitingnan ang galit sa kanya. I’m not losing her again. She’s not drifting away from me again!

“Engagement party, you mean? Get out!” she screamed.

Suminghap ako at hinagilap ang mga siko niya para makalma.

“Please, let’s stop the shouting. Baby, please, we won’t solve anything if we raise our voice-”
“Get. Out. Zamiel! I don’t want to see you again.”

Huminga ako ng malalim. My last resort is to tell her that I’m researching about her family. That the firm might be hers or she has a right to most of the assets… para lang masalba ang sarili ko… para naman makitaan niya ng maganda ang lahat ng ginagawa ko.

“It was a surprise birthday party for me by Daniella. Hindi tinuloy ang engagement, Ace…” I whispered, trying to control the situation.
“Get out now! I don’t care, Zamiel!” she shouted.

Kinagat ko ang labi ko. Nanginginig ang aking mga kamay.

In this life, you don’t get to have everything that you want. No matter how hard you’re working for it. Kahit pa ayusin mo ang mga problema niya… kahit pa isugal mo pati ang pangalan mo, pera, yaman, at dignidad.

If she says no… she can’t take it back just because you’re doing things for her.

That’s unfair.

Kaya naman, wala akong ginawa kundi ang pagbigyan siya sa lahat. But I’m not a heart of stone… and she’s the only person who can hurt me so bad.

“Zamiel,” banayad na boses ni Mama sa unang araw ni Astherielle sa opisinang dapat sa kanya.

Maaga ako roon. Wala pang tao. My parents were invited but I never thought they’d really appear. Of course, concerned sila. It was late when they all realized that Tita Matilda fooled someone. Hindi man kami ang niloko, nanloko parin siya. Pinagkaitan niya ang totoong tagapagmana ng firm.

“Yes…” sabi ko, medyo hindi mapakali.

I want everyone to fall into their perfect place for her. Firm and house, ayos na. Opisina, ayos na rin. Mga empleyado, ayos na rin. I will give her an efficient secretary and all of her employees know her strength and weaknesses. Baguhan siya sa larangan na ito kaya iintindihin iyon ng lahat. For further questions, everyone should direct it to me. I don’t want her to be stressed when she’ll realize that this job is too much.

Nagkatinginan kami ni Mama. Just one look and I know she’s trying to reach my thoughts. Alam niyang hindi ko sasabihin ang kahit ano sa kanya. Lalo na sa bandang ito ng buhay ko.

“Son… I know this day means so much to you… I don’t want to ruin it…”

Kinabahan ako sa sinabi ni Mama. Ano maari ang pwedeng sumira rito? I already told Lola that I’m not marrying Daniella Zaldua. Sinabi ko na rin na hindi ako naging klaro sa simula pa lang dahil gusto kong magkaroon ng kaugnayan sa kompanya nila. I pretended to be interested with the firm and its function because I want to get the highest position in it for Astherielle.

“What is it?” kabado kong tanong.
“You know… ang mga pictures kasi noon…” hindi siya agad nagpatuloy, tila tinatantya ako.
“Pictures ng?”

Mabilis kong inisip kung ano maaari ang makakasira sa araw na iyon. Pictures? Ano ba bukod kay Daniella at kay Tita Matilda? They are both easy to deal with. They have no power to anything. My grandma gave up on them. Wala na silang kakapitan pa.

“Pictures ng engagement n’yo…”

Engagement namin years ago?

Naalala ko kung paano pinigilan ni Mama na ipublish ang mga iyon sa magazine dahil sa kahihiyang idudulot nito sa amin. Naaalala ko kung paano binayaran ang mga photographer para manahimik.

“Kumakalat kasi ngayon. And… everyone is assuming that you’re engaged with her.”

Fuck! This could ruin it!

“Are you still going to do the presscon?” tanong ko.

Kita kong medyo naguluhan siya sa naging tanong ko. Hindi niya naintindihan kung ano ang koneksyon noon.

“Yes, son. Why?”
“Clear her name. Sabihin mo po na hindi totoo iyon.”
“I thought you love her?” nagtaas ng kilay si Mama.

Natigilan ako roon. Hindi ko kailanman sinabi sa kanya iyan. Funny how she knows things. Nanatili ang titig ko sa kanya, hindi kinumpirma at hindi rin pinabulaanan.

“Hindi ba mas maganda iyon, Zamiel? Na maisip ng lahat na kayo talaga ang engaged? Especially that it’s true. You got engaged to her. Just a different name. But who can deny those pictures? That’s definitely her. Wala masyadong ibinago sa mukha niya, Zamiel. Just a bit of her body and height. But the face… all the same.”
“I don’t want to pressure her, Mama. Just deny it. She might get upset kapag nalaman niya iyan.”

She tilted her head. Hindi na ulit nagsalita. Hahayaan ko na siya riyan. Dahil kung ako ang tatanungin noon, hindi ko rin yata maitatanggi. I was engaged to her. I am still engaged to her. At least for me.

“Mr. Mercadejas, ano pong masasabi ninyo sa mga pictures na kumakalat. Engagement n’yo raw iyon ni Miss Astherielle Zaldua years ago. Is it true?”ang tanong na ito ang sumalubong sa akin nang nagsidatingan na ang mga panauhin.

Nilagpasan ko lang ang napakaraming reporters. Diretso na ang lakad ko patungo conference room para sa meeting. Hindi ko sasagutin ang mga tanong.

I think it’s a blessing in disguise that the news spread that way. Everyone assumed that we really are still engaged. Lalo na dahil naging malabo ang sagot ng pamilya ko sa conference tungkol sa parteng iyon. So everyone just assumed that we’re keeping it a secret.

“Welcome home, hijo! Pasensya na at noong tumulak ang mga sasakyan ay hindi pa umuulan kaya hindi nakapaghanda…” my Grandma declared.

Naabutan ko siyang kahalikan ang “kaibigan” niyang nakilala sa Sta. Ana. I am half blaming myself for that, though. Hindi niya sana nakilala iyon kung noon pa lang ay tinulungan ko na siya. Damn it! Talagang pati iyan, ipinagkakasala ko pa sa sarili ko!

I just can’t stay mad at her. I’ll just erase the memory of her kissing another man. She’s marrying me soon, anyway. Sinabi niya ring mahal niya ako kaya kakalimutan ko na lang iyong nangyari.

Nagkatinginan kami. I can sense her defensive stance. Alam niyang galit ako sa ginawa niya. Kinuha niya ang tuwalya. My eyes widened a bit when I realized what she’ll do.

“Welcome everyone! I’m so glad you’re all here. Feel at home, gentlemen…”

Damn it! I always fall for her moves!

Tinagilid niya ang ulo niya at marahan akong pinunasan gamit ang tuwalya. Kanina’y nilalamig ako dahil sa tubig-ulan, ngayon may init sa aking batok na agad na kumalat sa lahat ng parte ng katawan.

I exhaled slowly trying to calm myself down. She really knows how to wrap me around her little finger.

Hinayaan kong maglakbay ang mga mata ko sa kanyang maninipis na balikat, sa kanyang dibdib, sa kanyang labi, kanyang mga mata… She caressed my face languidly and I’m done.

Lalo pa noong tumingkayad siya para maabot ang labi ko. Her hot kiss made me completely forget everything. Pakakasalan kita. Hindi ka uuwi nang hindi ka tali sa akin.

“How’s your flight?” she asked confidently.
“Fine. Yours?” Lumapit ako ng konti dahil naaatat na akong mapag-isa kami.
“Fine, too. Kumain ka na?”

This is the feeling of comfort and home that I wanted years ago. This exact feeling of someone I’m in love with caring for me. Simple things like this. Ito ang hiningi ko noon. Ito ang pinlano ko para sa amin. Gumuho lang nang sinabi niyang nagsinungaling siya.

“Yes. You?”
“Tapos na rin.”

I nodded at that. Baby, we are both ready for this. It’s only the papers that’s missing now. She’s my wife. I am married to her.

“Nasa kwarto natin ang mga gamit mo?”

Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. But then she relaxed after that…

“H-Hindi. I guess Senyora thinks it’s inappropriate because we’re not married.”

Nagtagis ang bagang ko at binalingan ang mga kasambahay.

Looking back at it all, parang ang dali lang ng nangyari. I shed tears, wrecked my own heart, to try and make her life whole. Hindi ako nag-iisip noon ng kapalit pero umaasa rin ako na meron nga.

I smirked. Nakawala siya sa akin kanina habang kausap ang iilang kakilala. But I’m not worried. She looks fine. She’s enjoying the party, actually.

Tinitigan ko siya. Ang kanyang kulay champagne na damit ay kumikinang. Its train is half meter behind her. She looks stunning and cute as she entertained some of our invited friends.

Huminga ako ng malalim at nilapitan sila. Kausap niya ang iilang mga kaibigan ko at si Kajik.

“It is only right that you marry him after what he did! My gosh, it’s heroic!” excited na sinabi ni Mona.

Ngumuso ako at bumaling sa inumin. Nagpatuloy parin ako sa paglapit.

“Of course. Pinaghirapan ‘yan ng husto ng kapatid ko,” panunuya ni Kajik.

Ang tinutukoy nila’y ang pag-aabala ko sa sarili kong malaman ang tungkol sa sekreto ng assets ng mga Zaldua. It’s not a secret anymore. At least not to my friends.

“And he did not expect any in return, ha!”

How they all got it right is a mystery to me. Oo, pinaghirapan ko. Pero habang magkasama kami, I realized it’s not that hard. I can do it over and over again. I can even deal with more painful scenarios just so I can have her in the end.

Pumikit ako ng mariin habang inaalala ang lahat. Naging abala kami buong buwan dahil sa kasal at maraming party na dinaluhan. We are bound to go abroad for our honeymoon but she asked for Romblon, pinagbigyan ko. Syempre.

She’s satisfied with everything now. Nasa condo ko na siya nakatira. Her Aunt Tamara and Renato is living on their mansion. Ganoon din si Tita Matilda, Daniella, at iyong… “kaibigan” niyang si Judson. The building they bought is now all for rent. Mabuti na lang at nagkasundo naman ang mga relatives niyang manatili sa iisang bubong. Their mansion is big, anyway. They can go on for days without seeing each other so they should be good.

Ang importante sa akin, nasakin siya at wala siyang inaalalang maliliit na problema sa kanila.

Dumilat ako at nakita ang kulay ng langit. The horizon is full of embers on fire because of the setting sun. I could not ask for more. This is the life I want – the life with her.

Nakatalikod siya sa akin. Hanggang baywang niya ang tubig at ang buhok ay hindi pa basa dahil kakalapit niya lang sa akin dito.

“I like this view so much… the setting sun…” she said.
“Yeah… me, too…” sabi ko, hindi dahil gusto ko rin iyon, kundi dahil sa tanawin ko, kasama siya.

Nilingon niya ako. Tipid siyang ngumiti. Hindi ako makangiti pabalik. Lumapit siya sa akin. Her red bikini is revealing so much of her skin. I should be concerned if we were in a public resort but since we’re here in my resthouse, hindi na ako nagreklamo.

Inabot niya ang aking leeg. She hooked both of her hands on my nape. Tiningala niya ako, nakangiti.

“Zamiel…” she said in a soft tone.

Hindi ako kumibo. Nanatili ang mga mata ko sa kanya kaya nagpatuloy siya.

“Do you believe that I love you?” she suddenly asked.

My heart started pounding. For whatever reason. Tumango ako, pilit na kinalma ang sarili.

“Y-Yes…” napapaos ang boses ko.

Ngumuso siya at kinagat ang labi. Hinawakan ko siya sa baywang at inilapit pa sa akin.

“Do you think I married you just because you made my life better?”

My lips parted to say something. Sa huli ay umiling lamang ako. My heart is still pounding.

“I’m sorry…” she whispered and caressed my face.

Her hand is so soft on me. Para akong hinihele. I could close my eyes and feel her, kung hindi lang ako kabado sa mga sinasabi niya ngayon.

“I’m sorry for all the hurtful words. I’m sorry if you think that I married you just because of all that you’ve given me… or all that you’ve lost because of me…”

Hinawakan ko ang kamay niya at dinala ko sa aking labi para masuyong mahalikan. She looks so hurt and sad. Nakangiti pero malungkot kaya hindi ko maintindihan.

“It’s okay. I have you, anyway…” I assured her.
“No…” umiling siya.

Binitiwan niya ang kamay ko at muling hinawakan ang pisngi ko.

“I want you to remember this, Zamiel. Remember it clearly…” she said, her voice hoarse and broken.

Suminghap ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. I cannot believe this woman! Even my most private thoughts, alam niya. Alam niya… lahat ng kahinaan ko.

“I have loved you ever since. Back when I was just sixteen. I was just bitter because of my life. But… you know… I have loved everything about you.”

Iniwas ko ang mukha ko sa kanyang haplos. Her hand and her soothing voice is too much to take.

“Your thoughtfulness… your vulgarity and ruthlessness, I have loved your perfection and flaws.”

Pumikit ako ng mariin, trying to hide the materializing pain in my eyes. Nakakasaya ang sinabi niya pero parang winawasak ang puso ko.

“And just recently, I have fallen more in love with you. And it’s not for the things you’ve done, Zamiel. Kaya huwag na huwag mong isipin, at ilihim sa akin, na nagdududa ka sa p-pagmamahal ko…” she cried.

Dumilat ako, never minding my own tears just so I can wipe hers. Hinayaan niya akong gawin iyon.

“I have hurt you because of my bitterness and insecurities. Naging malupit ang buhay sa akin-”
“Let’s forget about that. We’ll start a new life together,” sabi ko.
“No… I want to remember it all, Zamiel. Dahil kung hindi dahil sa lahat ng iyon, hindi kita makikilala.”

Hindi ako nagsalita. Patuloy kong hinaplos ang kanyang pisngi para sa mga luhang tumutulo.

“Hindi ako bulag sa mga ginawa at sinabi ko sa’yo. I know of your pain… like how you know mine.”

Yumuko ako para mahuli ang labi niya. I’m fine now. I’m assured. She should stop it. I can’t stand to see her crying. Mas nasasaktan ako kapag nakikita siyang umiiyak.

“You have lost so much loving me, now I’m giving you back all the love you lost…” she whispered.
“That doesn’t work that way, Astherielle. I’m not asking you to-”

Natigil ako nang iginiya niya ang aking kamay sa kanyang tiyan. She smiled sweetly even through the tears. I’m standing there, stunned and surprised. Nagkatitigan kaming pareho habang hawak niya ang kamay ko at hawak sakop ng aking palad ang kanyang tiyan.

Is this what I think it is?

Is that what I’ve been hoping for since the day I fell for her?

Is this fucking true?

Hindi ako makangiti sa sobrang saya. Hindi ako makagalaw sa sobrang saya. At hindi ko maintindihan kung bakit kahit masaya ako ay parang pinipiga sa sakit ang puso ko.

Nanatili ang mga mata ko sa kanya kahit pa noong umiyak na siya at tumango bilang kumpirmasyon sa akin.

“You’re not asking me, but I will love you… everything of you, and our little one, Zamiel.”

Nanginig ang kamay kong hinawakan muli ang kanyang tiyan. Tumingkayad siya at agresibo akong hinalikan.

My wife is pregnant! Can you fucking believe that? My dreams coming true, finally!

“Tutuparin na natin lahat ng pangarap at pangako natin sa isa’t-isa…” she whispered. “I wanted a family with you so, too…”

Marahan ko siyang hinila palapit pa sa akin. I attacked her lips with equal hunger. She smiled at that. Tumigil ako sa huli para lang muling hawakan ang kanyang tiyan. Tinitigan ko ito.

Wala pa namang nakikitang pagbabago pero alam ko… nararamdaman ko. I tilted my head as I watched her cute stomach. Inangat ko rin ang tingin ko sa kanya. Suminghap ako. Uminit ang aking puso habang dinaramdam ang aming magiging anak.

I kissed her better. I kissed her tenderly and wildly at the same time.

“I’m so in love with all of you, Zamiel. Your ruthlessness, very much…” her voice is so soft and tender.

Nagpatuloy ako sa mga maiinit at mapaghanap na halik sa kanyang leeg. I swear my excitement is to the moon that I can’t get enough of her. My kisses is just not enough for what I’m feeling.

She moaned when I reached her nipples. She’s as hard as acorn now, hindi ko pa nga siya nahahalikan ng mabuti! Damn it! She’s pregnant! I can’t just take her now. Kahit pa nanginginig na ako sa kasabikan, hindi pwede!

“No… You’re pregnant… Our…”
“Nagtanong ako. Ayos lang daw…” humagikhik siya.

Nagtagis ang bagang ko. I can’t believe this woman. Umiling ako pero natigil nang hinalikan niya. She flicked her tongue inside of me. Idiniin ko ang sarili ko sa kanya para malaman niya na hindi ako nagbibiro. I saw her smile and blush.

“You have become a pervert, my wife…” bulong ko sa kanyang tainga.
She chuckled sexily. “Hmm. Sino kayang nagturo?”
“I’m a changed man,” I said cockily.
Pinandilatan niya ako at ngumisi. “But I want the ruthless Zarrick Amiel…”

Oh fuck! Damn!

I scooped her butt and moved her closer to me.

“Please, baby…” she whispered softly.

Tumindig ang balahibo ko at inangat na siya galing sa dagat.

“You really know how to make me lose control, huh?”

She shrieked when I started to kiss her neck slowly. I will make love to you the way you want, Astherielle. I will be a good husband to you, always. At ngayong magkakaanak na tayong dalawa, I will be a good father to our children. I promise you that.

I’ll promise you that everyday.

You painted my life with so many colors. You made me realize that black, no matter how painful and dark, is a color, too. Na ang pagpapaalam, tulad ng kulay nito’y, may hangganan din sa huli… liliwanag din. The lies you buried and the goodbyes we said to each other were just part of our life in the future together.

Today, our future starts with my hand on your stomach, other hand around you… and my lips on yours.

I will protect you and our future children. I will love you more and more each passing day, Ace. Remember that.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

35

Jonaxx on FacebookJonaxx on InstagramJonaxx on Twitter
Jonaxx
Jonaxx
Writer
The Official Website of Jonaxx Stories. She writes romance stories in Tagalog/Filipino, Teen Fiction, Non Teen Fiction including her popular published books like Mapapansin Kaya, Heartless, Every Beast Needs a Beauty and 24 Signs of Summer. All Jonaxx Stories and New Updates are available here..

Comments are closed.