What Lies Beneath The Sand – Simula

Simula

He is the best artist. He knows how to color things like how it is supposed to be. Na ang langit at dagat ay asul. Ang mga dahon berde. Ang araw, dilaw. Ang mga ulap, puti.

Ang dugo, pula.

One color assigned perfectly on things…

And you don’t question it because in your heart you know those things were colored perfectly. Not just because He wants it that way, but because it feels that way.

Tumingala ako. Isang lawin ang nakita kong matulin na lumilipad sa langit. Maybe, hunting for food. Maybe, enjoying the view.

Binaybay ng aking kamay ang mga halamang nakapalibot sa bukana ng isang matayog at masikot na tarangkahan. Gawa sa tanso at bukod sa totoong nakapalibot na baging, may iilan din itong disenyong ganoon.

“Dito po, Ma’am Daniella,” the driver lead the way.

Sumubsob ang gulong ng sasakyan sa putikan dahilan ng paglalakad ko patungo rito. Mabuti na lang at hindi na gaanong malayo ang nilakad.

“Pasensya na po talaga, Ma’am, ha?” ulit noong driver.

“Ayos lang po, Manong.”

Nilingon ko ang tanaw pang sasakyan. Papaliko na ito rito nang nahulog sa putikan ang gulong kaya iilang hakbang na lang talaga at makakapasok na dapat kami. I admire people who say sorry for things as small as this. Because in my life, I seldom hear that word. For big things, what more for things as small as this.

“Malapit na po pala tayo. Hindi naman po sobrang layo ng linakad natin. Dapat nga po magpasalamat ako kasi sinundo ninyo ako,” I said.

Binati ko ang nagbabantay sa gate na pinasukan. He smiled at me and addressed me as “Ma’am Daniella”, too.

Iginala ko ang mga mata ko sa looban. Nakalatag ang berdeng bermuda sa buong bakuran ng pinasukan namin. On each end, it was dotted with colorful flowers and trees. Sa kaliwang bahagi ay tanaw ko ang gawa sa tansong duyan at ang mga halamang nasa harap nitong inayos ayon siguro sa panlasa ng maybahay.

I am not normally a hateful person. In fact, I have thrived for years without extremely hating anyone no matter how much pain they inflected on me. Pero inakala kong magiging impyerno sa pakiramdam ang pagpunta rito pero nagkamali ako. I thought I will hate it here but now I realized, I’m wrong.

Colors… I have always been fascinated with it. And how He knows how a color feels. Na may mga bagay din na hindi kaya ng iisang kulay dahil sa dami ng pakiramdam.

Na may mga bagay na dapat magkahalo ang kulay. Gaya ng papalubog na araw – kahel, sa una, pula… asul… itim. Itim ang sa huli. Itim kapag wala na ang araw. Itim kapag lumubog na.

Paano Niya nalaman na iyon dapat ang kulay ng pagpapaalam?

Naglakad ako patungo sa duyang gawa sa tanso. Huni ng ibon, ingay ng gangis, at yapak sa bermuda lamang ang naririnig ko. The driver was already on his way to the large and elegant mansion just beside where I was.

Tama ang hinala ko. Naamoy ko kanina ang alat. Narinig ko rin ang hampas ng alon. The mansion is beside a wonderful long stretch of beach. Ang buhangin nito’y kulay puti. I smiled when I saw it shine from the sun’s rays.

Some things are colored differently in different places. Ang buhangin ay puti. Sa ibang lugar, dilaw. Sa iba, abo.

At sa mga napuntahan ko, abo lamang ang kulay nito. I feel so happy when I saw the white sandy beach, very unlike what I ever saw my whole life.

“Ma’am Daniella?” narinig ko ang tawag ng driver galing malapit sa mansion.

“Opo!”

I snapped out of my dreamy reverie to go back and face what I should. Tinalikuran ko ang pinong buhangin at ang mangasul-ngasul na dagat para sa isang engrande at eleganteng mansyon.

The spanish inspired mansion is standing proudly with its majestic arched windows and properly colored walls. Nakatingala ako habang tinitingnan ang maingat at masalimuot na pagkakagawa ng window frames at bannisters ng mansyon. Ang magandang materyal na ginamit sa bubong nito ay agaw pansin.

Natigil lamang ako nang nakitang papaliko na ako. Pagkaliko’y tanaw ko sa malayo ang silungan ng kabayo. May nagpapaligo roon sa isa sa mga ito, nilingon ako habang ginagawa. Maybe one of their keepers.

“Dito po, Ma’am Daniella,” the driver’s voice resounded just meters away to my left.

Nilingon ko ang malaking pintuan. Bulawagan ito patungo sa tanggapan ng bahay. Old hardwood chairs, and floors decorated with swoosh and laces filled me. Para akong nakawala sa isang sinaunang mansion way back the medieval times or at least the 1800s.

Ilang baitang hagdanan at nakapasok na ako sa roon. Tumingala agad ako. I slowly and deeply admired the paintings up above, like the heavens opened up but not to welcome, but to condemn. Tutok ang mga espada at mga sibat nila. Wings so magical and pristine spread enough to emphasize that they were angels.

A large chandelier hung just on the center of the whole large dancefloor. Sa tapat ay isang magarbo at engrandeng hagdanan, with red carpets on, bannisters in lazy curls, and porcelain lions on each sides as guards.

Sa taas naroon ang mga painting ng mga taong maaring may-ari rito. Some are so old, some are new looking and more intricate.

Ang mga muwebles ay purong misteryoso. Kung hindi kulay ginto, abo at kahoy naman.

“You’re just on time, hija!” isang boses ang sumalubong sa akin.

An old lady came to kiss me. I awkwardly smiled back. Kahit siya’y nakangiti, hindi ako makapaniwalang natutuwa siya. She looks unpleased, probably because of her eyebrows and eyes. Her pointed nose and curvy lips told me that she was once a gorgeous lady when she was my age. Dahil ngayon, kulubot man ang mukha at abo man ang buhok, she’s still more elegant and beautiful than anyone her age.

“Are you tired? You have the whole day to rest,” anito.

A wine flute is on her hand. Hindi na katakataka na namumuhay sila ng marangya rito. From the gates down to the smallest furniture of this house, I can say that they are old rich… and are still so damn rich.

“Ayos lang po, Ma’am,” sabi ko na agad niyang pinutol.

“Don’t call me Ma’am!” bahagya kong nakita ang galit sa kanyang mukha ngunit agad itong bumawi. “You may call me Lola, hija. Or however you want to call your grandma! Hindi ka ba nasabihan ni Matilda?”

Umiling ako, sinubukan kong mangiti pero hindi ko nagawa.

“What about the other things, were you informed?”

I don’t know how to react.

I don’t know what to do, actually.

I only know of two things right now. Una, kailangan kong tumira rito sa loob ng dalawang buwan, o buong summer. Pangalawa, kailangan kong makisama sa pakakasalan. With the latter, unsure, because I never really didn’t care to ask about it.

She sighed and rolled her eyes. “Your Mum is cruel! Kung sana ay sinamahan ka niya rito. Saan ba siya nagbakasyon?”

“Sa Switzerland, po,” sagot ko.

Tumango siya at pinasadahan ako ng tingin. Kinabahan agad ako. Nananantya at nanunuri ang kanyang tingin. Napatingin tuloy ako sa sarili ko.

I am wearing a white floral dress, strappy sandals, with my naturally straight brown hair down. Napalunok ako. I tried to hide my fast beating heart by smiling.

“It’s been a long time since I last met you. You were just ten years old! Look at you now!” sabay lahad niya sa akin.

Lumapad lalo ang ngisi ko. Nawala saglit ang takot. Lalo na noong niyakap niya ako.

“You slightly resemble your mother now. Except that your eyes are a not…” her face distorted. “as… chinky as I remember. Well, nagbabago ang mga katangian over time.”

Muli niyang ginala ang mga mata mula sa aking ulo hanggang paa.

“I hope you’re not that tired yet. Hinihintay ko pang bumalik dito ang aking apo.”

Tumango ako.

“Senyora,” a uniformed housemaid went to us. Sumulyap ito sa akin bago nagsalita. “Papasok na si Sir Zamiel.”

“Mabuti,” matamang sagot ng matandang ginang.

Hindi pa nakakaalis ang kasambahay ay narinig ko na ang tunog ng yapak ng kabayo. A man gracefully maneuvered a shiny brown horse. Ang buhok ng kabayo ay sumayaw sa hangin dahil sa biglaang pagtigil. The man’s movement equaled the gracefulness of the horse he’s riding. Igting ang braso at kamay, wala siyang kahirap-hirap na bumaba roon.

One booted foot after another. He said something to the man in a buri hat before finally turning to the large mansion, where I am.

“Andito na siya. Ilagay ninyo ang meryenda sa terasa. Pagkatapos ihatid mo siya sa kwarto niya, Petrina. Pakisabi kay Mercedita na kailangan nang ihanda ang lahat para mamayang gabi.”

“Sige po, Senyora.”

Sumulyap ang babae, puno ng kuryusidad sa akin ang mga mata bago umalis para sundin ang lahat ng inutos sa kanya.

Pagkabaling ko sa lalaking kabababa lang ng kabayo ay nakita kong naglalakad na siya patungo sa amin. With brows furrowed, eyes immediately directed at me, agad akong kinabahan.

He’s wearing a white t-shirt. Tamang yakap ito sa kanyang katawan, defining the lines of his muscles from his arms down to his torso. His faded jeans hung lazily on his belt, and the black boots completed his whole look.

Sporting a deep frown, and eyes hard and ruthless, hindi ko siya kayang titigan. Isang tingin ko pa lang ay nagagaspangan na ako. Marami akong nakilala nang lalaki, ang iba’y mas matanda sa akin ng ilang taon, siguro’y kasing edad niya, pero wala pa ako ni isang nakilalang mukhang walang kahinaan. Ngayon pa lang.

He looked arrogant, forceful, and even violent. He’s screaming of vigor, na alam kong hindi ko mapapantayan. And of hostility, that is scaring the shit out of me.

He is not masculine because of his well defined body, he’s masculine because of the bone structure and the way he moved. Wala pa nga ay pinaparamdam niya na na siya ang awtoridad dito.

“Magandang umaga, hijo. Mabuti at nakauwi ka agad,” bati ng matandang ginang sa gilid ko.

Yumuko ako para pigilan ang mga iniisip. I know I shouldn’t judge people pero hindi ko maiwasan. Madalas kasi tama ako sa mga iniisip ko.

He kissed the old lady then turned to me. Sumulyap ako sa kanya. His lips pursed. He looks amused about something pero kapag tinitingnan naman ang mga mata niya’y may panganib naman.

“And… this is?” his voice is almost a growl.

Hindi nga ako binigo ng espekulasyon ko. All of him… I mean… all of him is screaming of force and power. Even his voice.

Ngayon ko pa lang na appreciate na hindi ako ang para rito. Ngayon lang ako talagang nagpasalamat na wala naman talaga akong kinalaman dapat dito.

“This is Daniella Zaldua…” the old lady proudly presented me. “Your fiancee! Daniella, this is my grandson, Zamiel.”

Parang nanunusok ang intensidad ng mga mata niya. Agad akong nagsisi kung bakit pa ako narito. At kung worth it ba ang lahat ng ginagawa ko. Huminga ako ng malalim at muling itinuon sa isip na walang mangyayari sa buhay ko, kung hindi ko ito gagawin. This is my last shot to a better life. And I have no right to question it.

Pinaupo kami sa terrace ng bahay. Puting bilugang lamesa sa aming harap na may meryenda at juice. Nakaupo ako ng matuwid habang ang tapat ko’y maluwag at tila walang pakealam.

He’s looking at me while slightly touching his lips with his knuckles. Hindi makapagtagal ang titig ko sa kanya.

I was raised by my soft spoken mother. Marahan ang kanyang bawat haplos. Natuto rin akong kumilos gaya niya, sa hinhin at sa pagiging pormal. Though, we may not be as rich as this family here, I know how to act and talk that way. Pero ngayon… heto ako sa harap ng isang lalaking mula pagkabata ay namuhay na marangya, pero hindi pormal kumilos.

“How old are you?” he asked.

My heart raced. Hindi para sa rason na gaya ng mga sinasabi sa libro. In fact, I don’t believe that your heart will ever race when you like a person. My heart raced because of fear… pero hindi iyon kita sa aking mukha.

“Eighteen,” sagot ko. Mali.

“Saan ka nag-aaral?” tanong sa akin.

Mas lalo akong kinabahan. But then maybe I should just go with what should be true, right?

“La Salle, Business…” sagot ko.

He shifted on his chair. He tilted his head a bit making him look more intense than he ever was.

“Do you have a boyfriend?”

Nagtiim-bagang ako. I am just not sure of this part. But, I answered…

“Wala.”

“Took you long to answer that, huh?” he smirked. “Better break up with him now or he’ll be sorry.”

Nanuyo ang lalamunan ko. Buti na lang at agad nakabawi.

“I don’t have one.”

Umangat ang gilid ng kanyang labi. He looks amused again. “Then, shall I put your things on my room?”

What?

“We are getting married soon. Wala nang dahilan para magpaliguy-ligoy pa tayong dalawa. Are you virgin?”

My heated face boiled from his first sentence down to the last question. I knew it. He’s not only looking ruthless and forceful, he’s also vulgar and rude!

“I’m not that kind of girl. Habang hindi pa tayo kasal, hindi ako tatabi sa’yo sa pagtulog,” diretso kong nasabi.

His hoarse laugh echoed inside the room. Nakita kong bumaling ang iilang abalang kasambahay sa amin bago nagkatinginan at nagpatuloy sa ginagawa.

Uminom ako ng juice habang siya’y natatawa pa sa sagot ko. He licked his lower lip, revealing its curve and redness.

“You’re of legal age. We’re getting married this year. Don’t worry, hindi kita bubuntisin agad.”

This spoiled, rude bastard thinks he can have it his way all the time! Pakiramdam ko’y sing pula ng kamatis ang mukha ko dahil sa init na nararamdaman. My strong disgust of the vicious male in front of me made me realize that I will never, ever probably get along with him.

“I’m sorry but I’m not that type of girl. Wala tayong relasyon ngayon bukod sa fiancee kita at magpapakasal tayo. In the mean time, I don’t care what you do to satisfy your own needs. And I hope it has nothing to do with me.”

His brow shot up. His lips pursed a bit. Umigting ang kanyang panga bago tumayo at iniwan ako roon.

Bumuga ako ng hininga pagkaalis niya. Ngayon pa lang, litung-lito na ako.

Dinala ako ng kasambahay sa kwarto ko. The four poster bed with white see through net looks like it is made for a princess. Malawak ang kwarto, tila hindi nagtipid sa espasyo. At ang maisip na isa lamang ito sa mga guestrooms nila ay parang nakakalula. That means, the master’s bed and all the other beds for Senyora’s grandsons were better than this?

Dinalhan ako ng lunch sa kwarto. Ag sabi’y gusto ni Senyora na magpahinga akong mabuti para mamayang gabi. And it was to my advantage… because seeing that Zamiel has an attitude like that, I’m pretty sure the other men were also like that.

Dumungaw ako sa bintana. Round tables covered with a white cloth dotted the front and back yard. Naghahanda sila para sa party na gaganapin ngayon bilang pag-aannounce sa engagement namin ni Zamiel.

Alas kwatro nang pasukin ako ng kasambahay. Si Petrina, ang kasambahay na nagdala sa akin dito kanina ay may dala ngayong damit na susuotin.

“Ako po ang mag-aayos sa’yo, Ma’am Daniella.”

Though I can certainly do that myself, I don’t mind a company.

Naligo ako at nagbihis ng damit na dala ni Petrina. A red backless dress revealing so much of my skin from my shoulders to my back looked stunning on me. It is paired with a simple black stilletos. Ngayon lang yata ako makakasuot ng ganitong damit. As sexy and elegant as this.

Naupo ako sa harap ng tukador at nagsimula na si Petrina sa pagsusuklay sa aking buhok. Tutok siya sa trabaho, her small eyes were all on my hair. Her lips protruded pero hindi niya na iyon napansin dahil masyadong siyang abala sa pagsusuklay at pag-aayos sa aking buhok.

“Nag-iisang anak ba si Zamiel?” sa wakas ay natanong ko pagkatapos kong pagmasdan ng mabuti si Petrina.

“Ah!” she smiled. “Dalawa po sila, Ma’am. Siya ang panganay.”

I nodded. Nanatili ang mga mata ko sa aking mukha sa salamin. Ang cheekbones ko’y na highlight ng mayos. Ang kulay ng labi ko’y pink pero ngayo’y pinahiran ng marahang pula dahilan ng mas lalong pagkakadepina at pagkapal nito. My narrow nose made me look so much like my mother. Nadepina ang aking mga mata ng nakalatag na eyelashes, ngayong lalagyan ito ng mascara ay parang hindi ko na makilala ang sarili ko.

“Dadalo ba ang mga magulang niya mamaya?” tanong ko.

“Opo, Ma’am. Kadarating lang nila kanina. Hindi mo pa po ba sila nakikilala, Ma’am?”

Umiling ako.

“Si Sir Amschel at Ma’am Lucianna Mercadejas. Hmmm. Hindi ako sigurado kung mabait, Ma’am, pero Mercadejas sila,” iyon lamang ang description ni Petrina sa ime-meet kong mga tao mamaya.

Well, that was informative. I’m not even sure what kind of person they are.

“Wala si Sir Ali at Sir Ivo ngayon, Ma’am. Kaya ang magkapatid lang at siguro’y ang kanilang mga magulang.”

Tama nga siya. Bago ako pinakilala sa lahat ay nagkita kami ng mga ito sa pangalawang palapag ng mansyon. Doon kami manggagaling bago ihayag sa lahat na ako ang fiancee ng nakakatanda sa magkapatid.

“Hindi sumama ang Mommy mo?” tanong ni Amschel Mercadejas.

He looked arrogant and mean, hindi ko na pinagtakhan kung saan nagmana ang kanyang anak. But then he was never mean to me the whole time. Sana lang ay mali ako ng impresyon.

“Hindi po, Tito,” sabi ko.

Suot ang isang itim na tuxedo, with a stubble mixed with colors gray and black, jaw very defined, and expanse still muscular, he stood there screaming mutely as the head of the house. Ang kanyang asawa ay taas noo na nakatingin sa akin, never smiling. Lucianna Mercadejas looks classic in her french twist hair, white elegant gown, and her husband as an accessory.

Naglahad siya ng kamay sa akin.

“I hope you enjoy the night. And I hope you get along well with my son, Zamiel,” her voice was sexy even for a woman her age.

Tinanggap ko ang kamay niya. Pagkatapos ay bumaling siya sa mas batang lalaki sa likod.

“Kajik, where’s your brother?” she asked coldly to his son.

“Nasa kwarto pa, po. Lalabas na rin iyon.”

Mabilis ang naging pangyayari. Pagkalabas ni Zamiel ay bumaba na agad kami sa kung nasaan ang bulwagan at nasaan din nag-aantay ang ilang piling bisita nila. Everyone is wearing designer clothes. Para nga itong isang party na dinadaluhan ng mga elitista sa sobrang tahimik at pormal.

“Ladies and gentlemen, welcome to the engagement party of my Son, Zarrick Amiel Mercadejas and Daniella Alena Zaldua!”

Nagpalakpakan ang lahat. Ngumiti ako. Umalis sa aking tabi si Lucianna Mercadejas at pumalit si Zamiel sa akin.

Even wearing heels, hanggang tainga niya lamang ako. Hindi ko siya matingnan kahit pa sumusulyap siya paminsan minsan sa akin. And the formality was suddenly disturbed nang may malakas na pumalakpak sa likod. Humagalpak ang tabi ko at itinaas ang kamay bilang pag acknowledge sa grupo ng mga lalaking siguro’y kaibigan niya.

Pinaupo kami sa isang parihabang lamesa. Ang kapatid ni Zamiel ay nakihalo sa mga lalaking binati niya kanina kaya ang nasa lamesa’y kaming apat lang ng Senyora, at mga magulang. Kami lang, oo. Dahil pagkatapos kumain ng main dish kanina, tumayo na ito at umalis sa tabi ko. Hindi ko alam kung nasaan at tila wala ring pakealam ang mga magulang at maging ang Lola.

“Magsaya ka, hija. Make friends. We invited almost all of Zamiel’s friends. I’m sure you’ll find some interesting girls, who can be friends with you. Ang narito sa loob ay iilan lamang sa bisita. The whole of them is outside. You should go and dance, too!” himok ni Senyora Domitilla sa akin.

Tumango ako at ngumiti. Tumayo ako at nakihalo na rin sa mga tao. The eyes of the people around are meeting me with every step. Sila man ay kuryoso rin sa pagkatao ko. Pero hindi ako umalis sa lamesang iyon para makihalubilo…

Tuyong dahon ang naaapakan ko sa bandang ito ng mansyon. Tila malayo na ang sayawan at tawanan, natatabunan na ng ihip ng hangin at hampas ng alon.

Umalis ako roon para magpunta sa lugar na ito. Ang langitngit ng gawa sa tansong duyan ay nagpabasag sa katahimikan. Naupo ako sa dyuan at pinagmasdan ang mumunting ilaw galing sa mga alitaptap.

Tumingala ako. The big round moon conquered the sky. There were no stars. Only thick clouds around the mystical full moon.

Gabi. Itim. Paano Niya nalaman na ang gabi ay itim? Na ang pakiramdam ng gabi ay gaya ng sa dilim?

Sa ibang pagkakataon may halong ibang kulay. Ngunit palagi – itim. Gaya ng gabing ito.

Mararahang paghinga at halinghing ang narinig ko. Mababang baritono, pagkatapos, at iilang tunog ng paglalapat ng balat. Tumayo ako at nagpunta sa halamanan. Kumunot ang aking noo habang sinisikap na marinig kung ano ba talaga iyon.

“Shhh… Shhh… Ang ganda mo talaga…” the voice is thick but cajoling.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Lalo na noong dumaan ang munting alitaptap sa batuhang dungaw ngunit dapat ay hindi tanaw sa sobrang dilim.

“Zamiel, it hurts… Ah!” ang pangalawang boses ay galing sa isang babae.

Napasinghap ako nang natanto kung anong ginagawa at bakit ganoon ang mga boses.

“Oh shit!” the girl hissed.

Narinig ko ang mga pagmamadali. Kumalabog ang puso ko. Imbes na umalis doon ay nag-ugat ako sa takot na kapag gumalaw ako’y malalamang may ibang tao.

But then, they knew. Kaya nga nataranta. Kaya rin inangat ni Zamiel ang sarili galing sa batuhan. With coat out, white long sleeves disheveled, lips so red, and eyes in heat and dangerous.

“What are you doing here, Daniella?”

Napakurap-kurap ako. Nalaglag ang panga habang hinahanap ang kasama niya pero pinutol niya ang paghahanap ko sa pagbara sa aking tingin.

He is biting his lower lip and looking so dangerously ready to strike. Ito ang unang pagkakataong nawalan ako ng kakayahang magsalita. Pinilit ko pa ang sarili kong gumalaw at talikuran siya.

Marahas niya ang hinawakan sa braso at hinarap muli. Inilapit niya ang aking mukha sa kanyang labi. Pumikit ako ng mariin.

“Hinahanap mo ako?” he said coldly.

“B-Bitiwan mo ako, Zamiel!” utos ko, natatakot.

“Inistorbo mo ako sa ginagawa ‘ko.”

“Kaya nga bitiwan mo na ako! Aalis na ako!”

“Hm.” He laughed mockingly. “Hindi naman yata iyon ang plano mo kanina. You wanna watch, huh?”

I squirmed and struggled.

“Or do you wanna be her instead?” he whispered so softly. Tumindig ang balahibo ko.

Nalaglag ang panga ko. Parang naibalik ang buong lakas ko sa aktong panghihina rin ng kanyang pagkakahigit sa akin. I pushed him away from me hanggang sa nakawala ako. Hindi ko na binalik ang tingin ko sa kanya at tinuloy-tuloy ko na ang takbo ko.

“Ma’am Daniella?” narinig ko kung saan pero hindi ako tumigil.

Hindi ako tumigil, hindi lang dahil gusto ko paring makalayo, kundi rin dahil hindi naman talaga ako sanay na tawagin sa pangalang hindi akin.

I am not Zamiel Mercadejas’s fiancee. I am not eighteen. And I am not Daniella Alena Zaldua.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

9121

One Response to What Lies Beneath The Sand – Simula

  1. Whats Going down i am new to this, I stumbled upon this I have found It absolutely useful and it has helped me out loads. I’m hoping to contribute & help other customers like its helped me. Great job.