What Lies Beneath The Sand – Kabanata 9

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath The Sand – Kabanata 9

Kabanata 9
Still

Is this worth it?

I was up all night thinking about that. Para ito sa aking kinabukasan, hindi ba? Walang mas mahalaga pa sa pangarap at ginhawa. Is there another way to get my dreams without doing this? Sumagi ang isang tao sa isip ko pero sa huli ay pinutol ko ang kaisipang iyon.

Pagkagising ko kinaumagahan ay may nararamdaman akong kung ano sa aking tiyan. It was like a hollow space tickled by thousands of feathers. Ang sinag ng araw ay pumasok na sa aking silid ngunit hindi gaya noong nakaraan, mas mahina ito. Parang pinipigilan ng mga ulap.

Bumangon ako at ilang saglit na natulala habang nakaupo lang sa aking kama. Kabado ako, unang mga minuto pa lang ng paggising. I’ve never felt this way before. Kahit pa sa mga araw na alam kong iinsultuhin at pagagalitan ako ni Tita Matilda, hindi ako nakaramdam ng ganitong kaba.

Pumasok na ako ng banyo pagkatapos at naligo. Noon pa man, maalaga na ako sa aking katawan. But for some reason, there are placed that don’t mean a thing to me before. Ngayon parang importante na ang lahat… Isang oras akong nagtagal sa banyo, making Petrina grow impatient outside. Mabuti at hindi ko naisarado ang pintuan ko kaya nakapasok parin siya sa silid.

Wearing one of the clothes he gave me, lumabas ako ng banyo at nagsuklay ng buhok.

“Ganda ni Miss Daniella!” tukso ni Petrina. “Kaya pala natagalan sa banyo.”

I smiled without looking at her to cover up my guilt. Natagalan nga ako sa banyo at bago iyon sa dati kong ginagawa.

“Nag-aantay na si Sir Zamiel sa baba, Miss. Mag-aagahan na kayo.”
“Si Kajik?” I asked without even thinking.

Ang tanging gusto ko lang ay makasama rin si Kajik sa hapag na iyon. Of course not because I like Kajik, pakiramdam ko lang na kung naroon siya’y magiging hindi awkward ang pagkain.

Kagabi kasi hindi kami masyado nakapag-usap ni Zamiel. Tapos ngayon, hindi ko yata kakayanin na ganoon ulit lalo na’t magdamag kong inulit-ulit ang nangyari kahapon. Bumaba ang tingin ko sa repleksyon ng aking labi sa salamin. Alam niya, syempre, na unang halik ko iyon. I did not move or do anything with my lips when his touched mine.

Uminit ang pisngi ko.

“Wala si Kajik, Miss. Hindi pa nakakauwi. Bakit?” nag-aalalang tanong ni Petrina.
“Wala lang.”

Sa mga palabas, gumagalaw ang naghahalikan. Their lips part and sometimes they tilt their heads. Kahapon ay nanatiling estatwa ako, hindi naibahagi ang labi, at walang imik. That is the give away why he realized that it was my first kiss.

“Naku, Miss! Marinig ka ulit ni Sir Zamiel na hinahanap si Sir Kajik, baka mag-away ulit kayo.”

Nilingon ko si Petrina. I shrugged my shoulders and smiled. Pagkatapos ay tumulak na pababa. Mamaya o ngayon, parehong haharapin ko si Zamiel kaya kabado man ay wala na akong magagawa.

“Huwag na huwag mong babanggitin ‘yan kay Sir, Miss. Para naman hindi na ulit kayo mag-away,” pangaral ni Petrina sa akin habang bumababa ako ng hagdanan.
“Hindi nga, Petrina,” sagot ko para mapanatag siya.
“Pero Miss, totoo ba talaga na gusto mo si Sir Kajik?” marahang tanong nito habang hinahabol ako.

Umiling ako. I gave Petrina a wry look before finally walking towards the dining area. Kailangan niya nang manahimik kung hindi ay maririnig kami ni Zamiel. Nakuha niya naman agad iyon kaya hinawakan niya ang bibig bago sumunod sa akin.

“Morning,” Zamiel greeted with a suppressed grin on his face.

Uminom pa siya ng tubig. Naupo ako at tumingin na lang sa aking pinggan.

“Good morning,” bati ko pabalik.

Kahit anong subok kong tumingin sa kanya ay hindi ko magawa kaya inabala ko ang sarili ko sa pagpupulot ng mga ulam patungo sa aking pinggan. His eyes are all on me. Kahit nakaupo ako, pakiramdam ko’y nakalutang ako.

“Hindi ako papasok sa planta ngayon,” aniya.
Tumango ako at sinubo na ang bacon na nilagay ko sa aking pinggan
“Naligo ka?”

Napabaling ako sa tanong niya. Ngayon ko lang napagtanto na dapat pala hindi na. But I won’t dare come here and eat with him without taking a bath! Shit!

“O-Oo.”

His lips twitched playfully. Hindi na naman ako makatagal sa titig niya. Ngayon ko lang narealize na dapat hindi ako nag-abala pang maligo dahil usapan namin kahapon na sa umaga ay maliligo kami ng dagat!

“Hindi naman mainit sa labas kaya kung mamaya pa tayo maligo ng dagat, ayos lang. We’ll stay on the beach. Nakapili ka na ba ng susuotin mo sa mga binili kong bikini?”

Pakiramdam ko ay masasamid na ako sa pinaghalong kaba at iba pang hindi maintindihang bagay.

“Uh, yup.”
“Which one?” he asked in an indulgent tone.
“Uh, the one with a black bottom and striped top?” sabi ko kahit na sa totoo lang ay suot ko na iyon sa ilalim nitong long dress na pwedeng gawing cardigan dahil sa disenyo nito sa harap.

I spent the whole thirty minutes inside the bathroom to make sure that I look okay wearing the bikini. Komportable naman ako habang nasa loob ako ng bathroom. Hindi ko lang sigurado kung kaya ko iyon sa open space, lalo na kapag nakatingin si Zamiel!

Inutusan niya na ibaba ang iilang pagkain sa hinandang plastic tables and chairs sa beach. Mas lalo tuloy akong na pressure. I thought it is going to be spontaneous pero nagpahanda pala talaga siya ng mga ganoon.

Dala-dala ang aking sketchpad, bumaba kami ni Zamiel sa hinagdanang bato. Sa malayo pa lang ay nakita ko na ang nakahandang pagkain sa lamesa. May dalawang silya roon. Walang serbidora, kami lang dalawa. May mga tuwalya rin at isang nakalatag na aztec designed sarong.

Kinuha ko ang sarong sa likod ng silya at dinala sa lilim ng mga punong kahoy. Wala akong intensyong maupo sa hinandang lamesa lalo na’t kakakain lang namin at may mga pagkain doon. Nilingon ko si Zamiel habang umaamba akong mag iindian sit.

“Mamaya na ako malili-”

Tumikhim ako at bumaling sa karagatan. He removed his shirt dahilan ng pagkakatigil ko sa pagsasalita. Huminga ako ng malalim ng makabawi.

“… Maliligo.”

Pinagpatuloy ko ang pag-upo. Nilagay ko sa aking kandungan ang sketchpad at nagsimulang maglagay ng linya. Sumulyap ako kay Zamiel nang nakita kong palapit siya sa akin.

“Mauna ka nang maligo, kung gusto mo,” sabi ko nang naramdamang naupo siya sa tabing likod ko.

I waited for him to settle down while my heart is wildly beating. Napapikit ako nang naramdaman ang balahibo ng mga binti niya sa aking magkabilang hita. His forearms rested on my knees and his head made its way to my left shoulder.

Hindi ko alam na posibleng maging sobrang kabado at sobrang galak sa iisang pagkakataon.

“What are you drawing?” he asked like nothing is happening.

Gusto kong punahin ang ginagawa niya. I can create a fit about his invasion of personal space but I didn’t. Natuyo yata ang mga salita sa aking isipan.

“The beach,” sagot ko at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa.
“Nandyan ba tayo?” his tone sounded playful.
“I can put us here,” sabay tuldok ko sa ibabang-kanan na bahagi ng sketchpad, tama lang sa kung nasaan kami dapat sa ginagawa ko.
“Okay. I’ll watch you do it.”

Hindi ako madalas nag-eerase ng mga guhit pero ngayon ay parang napapadalas ang gamit ko sa pambura. Marahan niya pang hinawakan ang lapis na gamit ko, parang tiningnan ang pangngalan nito. Hinayaan ko siya at nagpatuloy.

“Do you use that specific brand?” he asked.
“Yup.”

After a while, he sighed while I continue to put more and mor details to the drawing.

“Gusto mong magshift sa kursong mas gusto mo?”

Natigil ako sa sinabi niya. Nilingon ko siya ng bahagya at nakita kong mapupungay ang mga mata niyang nakatitig pabalik sa akin.

“You want architecture, right?”

Saglit ay naisip ko ang pag-aaral ko. Ang dahilan kung bakit ako nandito.

“You won’t have to think about your business. Pwede kitang turuan pagdating diyan. And I can also manage that, if you want me to. I want you to pursue your dreams.”

Parang kinukurot ang puso ko sa sinabi niya. Natulala ako sa kanya, pinilit ko ang sarili kong ngumiti pero hindi ko magawa.

“Only if you like, though.”
“Hindi pwede. May sarili kayong business, ‘di ba? You can’t handle our business.”
“Hindi sa akin ipapamana ang MERC. Isa pa, kung sa akin man, hindi ko rin iyon gusto. I have other things in mind. Along with that, kaya kong hawakan ang negosyo ninyo. Basta ipangako mo sa akin na kukunin mo ang pangarap mong kurso.”

Is he serious? Napatingin ako sa dinodrawing ko.

Galit at iritasyon ang naramdaman ko para sa sarili ko. Para kay Daniella na rin. Pero sa huli ay para ulit sa sarili ko.

I judged him from the very beginning. Yes, he is a playboy. Yes, he is an asshole. But how could I forget that every one of us has both darkness and light within us? Na kahit gaano pa kasama ay may kabutihan din. Gaano kabuti ay may kasamaan din…

Galit ako kay Daniella dahil paano niya nagagawang balewalain ang ganitong lalaki. Yes, he’s not all good but he’s not all bad, too.

I may hate his intensity and aura, but I would love to like his thoughtfulness. Kahit pa sabihing para sa akin man o sa ibang babae iyon.

“Hindi na,” sagot ko dahil ano man ang gusto ko, wala iyong halaga. I’m not Daniella. His thoughtfulness is displaced.
“Oh, well. Ayos lang din. If you want to pursue that as a second course, it’s okay with me. Basta kapag natapos ka sa kurso mo ngayon, we’ll have a child first before you pursue the next.” He chuckled.

Umirap ako. I feel silly. Nagdrama pa ako dahil sa mga sinabi niya sa huli ay ito pala ang iniisip niya.

“Why do you want a child so much? You are still young!” sabi ko.
“Ilang taon ba ako pagkagraduate mo ng college? I won’t be this young so it is just right!” deklara niya.

Nagkibit ako ng balikat at nagpatuloy sa pags-sketch.

“Unless you want other things… like exploring with other men?” paratang niya.
Tumigil ako at binaba ko ang sketchpad. “Bakit ba ‘yan ang iniisip mo sa akin, huh? Gawain mo kasi ‘yan kaya iniisip mong gagawin ko rin!”

His left arm slowly snaked on my waist. Kinuha naman ng kanang kamay niya ang sketchpad at nilagay ulit sa aking kandungan. Akala niya hindi ko napapansin ang ginagawa niya dahil sa distraction ng sketchpad. Nagtaas ako ng kilay at napangisi. This bastard knows his game well, huh?

“I know what you are doing, Zamiel!”
“What?” he asked innocently.

Hinawakan ko ang kamay niyang inosente ring nakapahinga sa aking baywang. Tali lang ang nagpipigil sa bestida kong maipakita ang looban. Dahil sa malikot niyang kamay bahagya iyong nasisira.

“Oh please! Tsansing ka!”

Bahagya niyang inilayo ang kamay niya sa aking baywang. Inirapan ko siya.

“We’re getting married soon. Sa susunod, higit pa riyan ang gagawin ko.”

Oh his logic, right?

“Pero hindi pa tayo kasal kaya ‘tsaka na.”
“The kiss yesterday was even closer than this. Hindi ka naman nagreklamo.”

Pumikit ako ng mariin at sinukuan na ang sketch namin. Tinabi ko iyon. Kinuha niya agad. Pati ang lapis ay kinuha niya dahilan ng pagkalas niya sa pagkakayakap. He leaned closer to me that I felt his warm chest.

“I was shocked.”
“After it, bakit wala akong narinig na reklamo sa’yo? Noong dinner o kahit kaninang breakfast? Magreklamo ka nga ngayon,” hamon niya.

What? This damn bastard! Ngumuso ako at tiningnan kung paano niya hinawakan ang lapis. Humalakhak siya nang wala akong sinabi. Uminit ang pisngi ko at nanlamig agad ang tiyan. I feel guilty and mortified. Hindi ako makapagreklamo dahil… ayos lang ‘yon.

“You don’t know how to kiss, huh?”
“What?” naiirita kong pigil.

Nahihiya na nga ako pinopoint out niya pa ang mga bagay na ganoon!

“You have to part your lips so I could kiss you thoroughly,” aniya.

Sinapo ko ang mukha ko sa kahihiyan. Pakiramdam ko ay hindi ko na siya ulit matitingnan ng walang malisya dahil sa mga pinagsasasabi niya. Mabilis ding sumagi sa isipan ko kung ganito kaya siya sa ibang babae. Mabilis din akong nainis sa mga naging babae niya. What the hell is happening to me?

“If you think I don’t know how to kiss, h’wag mo na akong halikan ulit, kung ganoon!” iritado kong sinabi.

A bark of laughter is shaking him after my cold declaration. Mas lalo lang akong nahiya at nairita. Hindi ko nga lang magawang mainis ng husto sa kanya. Imbes ay natatawa na lang din ako sa sarili ko.

“No. In fact, we should practice. Don’t worry, we have a lifetime ahead of us. We can take it slow.”
“Kamanyakan lang talaga ang nasa utak mo no?”

Tiningnan ko ang pagpapatuloy niya sa guhit ko. His strokes were hard and sharp, ibang iba sa akin. And he’s not bad at drawing at all!

“We were talking about your course until you changed the topic,” he drawled.
“Ako pa ang nagchange ng topic? You switched into wanting a child so we changed the topic!”
“Anong manyak sa gusto kong magkaanak na tayo? There’s nothing wrong with that,” giit niya.

Natigil siya sa pagdodrawing kaya naramdaman ko na medyo seryoso siya roon. Oh my! This bastard wants a child immediately. Hindi ko maimagine ang sarili ko. Buti na lang at hindi ako si Daniella.

“Why do you want a child so much, anyway…” mahinahon kong tanong.

Naramdaman niya iyon. Nakita kong nagpatuloy siya sa pagdodrawing.

“Gusto ko lang. Kasal na naman tayo kaya ano pang hihintayin natin, ‘di ba?”
“I can’t have fun when we have a child. Alam mo ba kung gaano kalaking responsibilidad ang pag-aanak?”

Tumigil ulit siya. Pakiramdam ko’y may nasabi akong masama.

“Do you think I’ll get you pregnant na hindi ko alam anong ibig sabihin ng pagkakaroon ng anak? And what do you mean by have fun? Hindi ka ba masisiyahan na may anak na tayong dalawa?”
“No… I mean, you know… without the responsibility of being a mother, yet. Pero kung may anak tayo, masisiyahan ako syempre. Wala na akong hihilingin pa roon. But I’m still so young, Zamiel. I’ll build my career, have fun with friends, sleepovers and chitchat…” hindi ko alam kung nakuha niya ba ang ibig kong sabihin.

Hindi siya nagsalita.

“Alam mo ‘yon?”

Nilingon ko siya. Tumango naman siya at tila tinitimbang ang lahat ng bagay. Nagsisi agad ako. Bakit ko nga ba pinakealaman ang gusto niyang mangyari? I won’t carry out that so dapat tumahimik na lang ako at hinayaan siyang pangarapin ang bagay na iyon.

“I’ll make sure you do all of that…” he whispered.

Hindi na ako nagsalita. Dapat talaga hinayaan ko na lang siya.

“I’ll just wait till you want a child, then? Happy?”

Shit. Bakit ba ayaw ni Daniella sa kanya?

“My mind can change. Malayo pa naman ‘yon,” bawi ko.

Kinuha niya ang sketchpad at ipinagpatuloy ang ginagawa. Unti-unti akong napagod sa kakatuwid ng upo dahilan kung bakit bahagya na akong humilig sa kanya. He erased something then stopped drawing again.

“What do you mean by have fun, by the way? Party?”
“Party?” tanong ko habang nakapikit ang mga mata.
“Clubbing with your friends? Get drunk?”
“I don’t do that.”
“Tsss. Sa pasukan ninyo, tutulak din ako ng Manila.”

Shit! Nagulat ako roon.

“Bakit anong gagawin mo roon?”

Kita ko rin ang gulat at galit sa kanyang mga mata. Kabadong kabado ako. Pakiramdam ko ay hindi mangyayari lahat ng plano ni Daniella! Akala ko ba rito lang siya? Hihintayin niya ang tamang buwan na makasal kami? At sa mga buwang hindi kami magkikita, si Daniella na ang bahala kay Tita Matilda!

“Bakit ka natataranta? I bet you really have plans to party with…”
“Wala!” agap ko.

The smug look on his face made me tremble. The he smirked devilishly.

“Pupuntahan kita sa Manila madalas. Kapag naroon ako, I’ll drive you to school and back to your home. I’ll be with you during parties. At kapag nakauwi ako rito, you are obliged to tell me whatever you’re doing.”

Shit.

“Fine, Zamiel!”

Para matakasan ang usapan ay kumalas ako sa kanya at tumayo. Hinayaan niya naman ako. Nanatili siyang nakaupo roon, tinitingala ako.

“I’ll try to take a dip.”

Naglakad ako patungo sa dagat. Dinapuan ako ng hiya sa katotohanang kailangan kong magtanggal ng bestida para makaligo. And I know that Zamiel is expecting me to wear the bikini he’s given.

Nakaramdam ako ng pinaghalong hiya at kaba. Kung si Daniella lang sana ang narito, hindi na siya mahihirapan. She’s got all the curves in their right places while I don’t. Nasisiguro kong nakakita na si Zamiel ng mga napakagandang katawan sa mga babaeng nakasama niya, natatakot akong biguin siya sa katawan ko.

In the end, it won’t matter. Iyon lang ang kaisipang umalo sa akin.

I removed my dress. Nang dumapo ito sa buhangin ay naglakad na ako ng diretso sa dagat.

Ang lamig ng tubig at ang hampas ng alon ang bumati sa akin. Palayo ay lumalalim ang tubig. Nang narating ko na ang hanggang dibdib ay binalik ko ang tingin ko sa dalampasigan. Zamiel remained on our sarong. His intense brooding eyes are still all on me while he remained there sitting like I’m in between him.

Pinasadahan ko ng daliri ang aking buhok at nilagay sa kanang balikat. Binuntong-hininga ko ang takot at kahihiyan. Okay lang ito, Ace. Ayos lang ito.

Bakit ba ako mag-iisip ng maraming bagay. Overthinking will not get me anywhere because in the end, I don’t have to think. Si Daniella ang dapat na nag-iisip at hindi ako.

Tumayo si Zamiel. Kumabog lalo ang puso ko.

Dahan-dahan ay lumapit din siya sa dagat. Dahan-dahan, palapit nang palapit sa akin hanggang sa pwede na siyang lumangoy.

The way my heart is beating hurt. My ribcage is shaking too much.

Isang hawak ng kamay sa aking baywang ang naramdaman ko. Kasabay ng pangalawang kamay ang pag-ahon ni Zamiel sa aking harapan.

He inhaled while the seawater dripped on his hair down his body. Inangat niya ang baba ko. He crouched a bit.

“Part your lips,” he breathed.

Namilog ang mga mata ko. That’s when I realized that my body has been serving a new master. My lips parted a bit gaya ng gusto niyang mangyari. He licked his lips before tilting his head to kiss me more.

Napapikit ako sa ginawa niya. Marahas na tumambol ang puso ko. The smothering of his lips were at first slow and tender… habang tumatagal ay lumalalim at pumipirmi ito. And one flick of the tongue made me gasp softly. Ang init sa aking katawan ay kumalat na parang tubig na natapon.

He stopped, then. Hinahabol ko ang aking hininga. Napatingin ako sa kamay kong nakakapit ng mariin sa kanyang braso. Like I was holding on for my dear precious life.

His face turned grim and dark. He tilted his head again and I saw how clenched his jaw was. Hindi ko alam kung bakit tila galit siya. Uminit ang pisngi ko at agad nakaramdam ng pagkakainsulto.

“What? Are you angry? Did you get your hopes up? You know I don’t know how to kiss!” namutawi sa aking labi pagkatapos ng nakakastress na pag-ooverthink at maraming beses na pagkapahiya.

Hinampas ko ang braso niya at magmamartsa na sana palayo sa kinaroroonan namin nang bigla niya akong hinila pabalik.

“I’m not angry. I’m…”

Iginapos niya ako sa kanyang mga bisig. Hindi ako makagalaw. Nanghihina ako kaya hinayaan ko siyang gawin iyon. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko na ikinakahiya ko ito kung maramdaman man niya. Especially now that his forearm is all over my chest.

He’s what? He’s… I felt a hard thing, like a steel, just behind me.

“What?” tanong ko, kinakabahan.
“Shush…” he stopped me.

Ano ‘to?

I’m still young but I’ve been reading books. I’ve been drawing things. Including the human body, gaya ng mga ginagawa ng mga classic na paintors at artists. I know this.

“What is it-” pilit ko siyang nilingon.
“Shush… please stay still and be quiet.”

Ano? Magsasalita pa sana ako pero sige, hinayaan ko siya. We stayed like that for minutes. Agad kong naappreciate ang katahimikan at ang tanawin sa harap namin. Ang limestones, ang mansyon, ang buhangin, ang mga puno ng niyog, ang dagat, ang alon, ang malayong dako na punong puno tropikal na kagubatan at kung anu-ano pa.

“Tama nga ang size na pinabili ko sa bikini mo. Small.”

Nang-iinsulto siyang tumawa. Pilit kong kinalas ang kanyang kamay sa iritasyon at kahihiyan. This bastard really knows how to piss me off after a moment of peace and silence with him!

Hindi ako nakawala gaya ng pinangarap at sinubukan. Tila bakal ang kamay at bisig niyang nakapalibot sa akin. And I hate how territorial and possessive it feels for me. I hate how he thinks he can control all of this, all of me, when the truth is… he can’t control anything. The circumstance… the truth… this life…

“Bitiwan mo nga ako!” sabi ko.
“You’re petite,” he chuckled again.
Umirap ako. “Oh? Is that why you poked me with your thing down there, Zamiel?”

Gumaralgal ang tawa niya at mas lalo pa akong niyakap patalikod. Umirap muli ako at umiling.

“Ano? Ha?” hamon ko pa.

Wala na siyang nasabi. He laughed out so loud that I think all the enchanted things of the peaceful place fled. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking batok bago ilang mura ang pinakawalan.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.