What Lies Beneath The Sand – Kabanata 8

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath The Sand – Kabanata 8

Kabanata 8
Kiss

“Hi, Ace! How are you?” she sounds so happy.

Sa background ay naririnig ko ang musikang puno ng percussion. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Ang alam ko lang ay magbabakasyon sila ni Ashton habang ako ang tutulak sa Costa Leona para magpanggap bilang siya.

“F-Fine, Daniella. Ikaw? Ilang araw kitang tinawagan para…”
She chuckled.

I can’t believe she’s so relaxed. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako kabado gayong siya lang naman ito.

“Pasensya na. I’m super busy with Ashton, sa bakasyon namin.”

She laughed again, para bang may kumikiliti sa kanya. I forced my uneven breathing to calm down habang abala ito sa kung sino mang gumugulo sa kanya.

“Kumusta? Nalaman ba nila?” bakas parin ang tawa sa kanyang tinig.
“Hindi…”
“I told you! Hindi nga nila mamumukhaan! I only met Tita Lucianna and the old woman. I was so young back then! I’m sure hindi na nila ako mamumukhaan!”

Hindi ako nakapagsalita. Umahon na lamang ako sa bathtub at dinrain na ang tubig. Kinuha ko ang bathrobe at itinapis iyon sa aking sarili habang nag-aantay sa dagdag ni Daniella.

“So… how was it? Were they good to you? Do you have any problems?”
“I want to know what’s your plan about this.”

Lumabas ako sa banyo at chineck ang pintuan. Sinigurado kong sarado at lock ang seradura para walang basta-bastang makapasok. Lumapit din ako sa mga bintana at unti-unting sinarado iyon isa-isa.

“Are you going to show up or what? Tutuloy ka ba sa kasalan-”
“Oh, Ace! Isn’t it obvious? May boyfriend ako. Kung magpapakilala ako riyan, hihiwalayan ako ni Ashton. Hindi ako interesado sa fixed marriage at alam mo ‘yan.”
“So ibig mong sabihin ay hindi ka tutuloy dito? What do you want me to do, then?” pabulong ko nang sinabi. “Sisirain ko ba ang image mo para-”
“Nababaliw ka na ba? Of course, not! If you refuse the marriage right now, matutunugan ‘yan ni Mommy. She will probably fly back to Manila! Kaya makisama ka riyan!” she laughed horrendously.
“What?”
“By the end of summer, you will go back to Manila to study. E ‘di magkakahiwalay kayo ng fiancee ko. Ang usapan ay by the end of the year pa ang wedding so we will have to wait. Pagkabalik mo sa Manila, mag-uusap na kami ni Mommy na hindi ako papakasal sa lalaking iyan. Isa pa…” lumambing ang boses niya. “When everything turns well, I can get married to Ashton para lang talagang hindi ako makasal sa lalaking iyan.”

Napabuntong-hininga ako. Thank God, she has a plan. Hindi ako masyadong bulag sa iniisip niya ngayon dahil sa sinabi niya. At ang malamang siguro’y tama lang itong ginagawa ko ay nag-alu sa akin.

“By June, I will give you what I promised. Kaya labas ka na sa magiging away namin ni Mommy pagbalik ko sa Manila.”
“Okay…” mahinahon kong tugon.

She chuckled again. Parang may pinapahiwatig siya sa akin o ano.

“Kumusta? How’s my fiancee? Hindi ko pa siya nakikita pero based on my mother’s explanations, he graduated his degree in that province. Am I correct?”

Hindi ako nakasisiguro sa sinabi ni Daniella dahil ang alam ko’y may inaral din siya sa Manila. But, yes, I also have heard that he studied here.

“Yeah…”

Hinarap ko ang tukador at sinimulang suklayin ang aking buhok. The simple solitaire diamond ring is on the dresser waiting to be worn. Simula noong iginiit ni Zamiel na suotin ko iyon, sinusuot ko na araw-araw. Sa gabi’y hinahayaan ko ito roon.

“Oh my gosh! I can’t believe Mommy prefers that man over Ashton who’s from a good university! Kung yaman ang pag-uusapan, I’d rather have the city boy rich kesa diyan sa mga porbinsyanong ‘yan!”

Hindi ako nakapagsalita. Naupo ako sa upuan ng dresser. Wala sa sarili kong pinaglaruan ang singsing habang nakikinig sa humyaw ni Daniella sa kabilang linya.

“And the looks? Sunburned skin, I bet?”
“Yeah…”

Kinagat ko ang labi ko. I did not lie. It’s true. Zamiel is golden tan and probably because of the heat here in Costa Leona.

“See? And the face?”

Hindi ko alam kung bakit sa tanong niyang iyon ay para akong isdang kay tagal na nabuhay sa lupa at biglaang pinakawalan sa dagat. I can swim properly and excitedly in it when it comes to describing Zamiel’s physical features.

I would probably start on his eyes. Malalim ang kanyang mga mata at mahahaba at makurba ang pilikmata. His eyes are brooding and dangerous along with the hard features of his bone structure. His sardonic look is defined more by his thick eyebrows and curved lips.

Sa buhok naman, dahil wala akong mapagkukumparahan kundi si Ashton. Ang masasabi ko’y mas mahaba ang buhok ni Zamiel. When he’s riding a horse and is not caring of his hair, sometimes it would fall to his forehead making it seem longer than it is when he’s all made up. And something about it’s length is making him more masculine for me.

Kung ang pananamit ang pag-uusapan, he dresses well and clean. Well-groomed but not to the point of vanity like what the city boys are portraying nowadays. O baka na rin siguro dahil sa kanyang tikas at mukha dahilan kung bakit ko nasasabing lalaking lalaki siya. He’s tall. His height is proportioned to his body mass. He’s massive, with all the firm muscles in their right places. He is golden tan, making him vicious.

At hindi ko na isasali ang kanyang ugali. His crudeness and ruthlessness is hard to ignore.

Sa dami ng naisip ko, wala akong nasabi kundi…

“Uh, ayos lang.”
She exploded into another laughter. “You are so kind to admit it! Well, iba naman tayo ng taste, as you can see. Hindi ko lang din siguro bet ang taste mo o ‘di kaya, talagang ayaw mo lang aminin na para kang magpapakasal diyan sa ganoong klaseng lalaki.”

Gumapang ang iritasyon sa akin. How can she say that? How can she judge Zamiel without looking at him? She’s not interested, I know, kaya hahayaan ko siya. She loves Ashton so much that I don’t think she’ll bother with Zamiel.

“At ang ugali?”
“Uh, we don’t get along that well very much,” pag-amin ko.
“Bakit?” nagsisimula na naman siya sa kanyang pagtawa.
“Hindi ko gusto ang ugali niya.”
“Hindi siya mabait?”
“I couldn’t tell.”
“Mayabang? Feeling gwapo? Ano?”

Hindi ako nagsalita. Hinilamos ko na lang ang aking palad sa aking mukha.

“You can do it, Ace. Matiisin ka naman. And oh, the things you do for money.”

Pumikit ako ng mariin. It’s not the money. It’s the things it can get me… the things it can pay…

“So… ipagpatuloy mo lang ‘yang ginagawa mo. Maybe if you have time you can send me a picture of you two? Para may mapagtawanan naman tayo.”
“Oh… okay.”
“Sige. Nasa labas kami ni Ashton ngayon. We’re partying here. It’s so cool. Anyway, sige na. Just text me when you need anything. I can’t answer your call much, I’m very busy with Ashton.”
“Okay,” ulit ko sa huling sinabi.

Naputol ang linya namin. Binaba ko ang cellphone bago tuluyang padarag na humiga sa aking kama. Nakatingin ako sa kisame habang iniisip ang mga sinabi ni Daniella sa akin.

I guess, I just have to deal with the coming days. It will pass soon and I will forget it all.

“Good morning, Miss Daniella!” bati ni Petrina kinaumagahan.

Nakatulugan ko na ang pag-iisip kagabi. Bumangon ako para pagbuksan si Petrina. I locked the door of my room yesterday, the reason why she couldn’t get in. Ganunpaman ay napansin ko ang saya sa tinig ni Petrina kahit pa halos hindi ko naman siya marinig sa likod ng pintuan.

I opened the door and the first thing I saw is her wide smile. Ipinakita niya sa akin ang mga dala, sa baba ay mayroon din noon. Nakahilera ang malalaking paperbag na nagsusumigaw ng mga brand ng damit at kung anu-ano pa.

Pumasok si Petrina kasama ang mga paperbag. Pinanood ko lang siya habang binabalikan ang iba pa noon sa pintuan.

“Ano ‘yan?” tanong ko.
“Pinabili po ‘yan ni Sir Zamiel sa Maynila. Sekretarya ata ni Madame Lucianna ang namili niyan. Dumating na kanina kaya dinala ko rito.”
“Para saan?”

Tiningnan ko ang loob ng mga bag at nakita ko ang iba’t-ibang klase ng damit, sapatos, boots, at swimwear.

“Sa’yo, Miss!”

Huminga ako ng malalim. The guilt crept within me but it was short-lived. I have to just go with the flow. Ito ang dapat na mangyari kaya ayos lang.

Naligo ako at nagbihis. I’ve decided to try the dark pants he’s given me. Surprisingly, it fits perfectly. Pinares ko iyon sa brown boots na madalas niyang sinusuot.

For the past few days, madalas siyang pumapasok sa planta ng umaga hanggang alas tres ng hapon. Hindi kailanman siya nalate pa sa alas tres. Minsan naman ay hindi siya pumapasok sa umaga, siguro ay kapag wala masyadong gagawin. And everytime he’s home, I will have that privilege to ride the horse around their front and back yard. Iyon ang pinagkakaabalahan namin tuwing nariyan siya.

Ngayon, nasisiguro kong papasok siya ng umaga. But then to let him know that I appreciate his efforts and gifts, sinuot ko parin iyon para man lang makita niya ito sa agahan namin.

Like usual, Kajik isn’t with us for breakfast. Ang sabi’y nag ja-jogging daw ito ng madaling araw kung hindi man tatanghaliin sa gising. For today, nasa labas siya at nagjo-jogging sa dalampasigan. Kaya sa hapag ay kaming dalawa lang ulit ni Zamiel.

His lips twitched at the first sight of me. I’m wearing a small white v-neck t-shirt, a dark maong pants, and the brown boots. Lahat ng ito ay galing sa regalo niyang dala ni Petrina kanina.

“Thank you. Hindi ka na sana nag-abala,” paunang sabi ko nang nakita ang titig niya sa suot ko.
“You should get used to that.”

Sumimangot ako at umupo sa aking upuan. Ang mga serbidora ay naglagay na ng iilan pang dagdag ulam sa aming harap.

“I can buy my own clothes!”
“Not yet. Nag-aaral ka pa kaya iyon ang pagtuonan mo ng pansin. Your clothes and other things will be my responsibility.”
Umismid ako. “I’m not a materialistic person, Zamiel. Kaya kahit na paulit-ulit ang magiging damit ko habang nag-aaral, ayos lang sa akin.”

Nagkibit siya ng balikat at hindi na sumagot. Pakiramdam ko’y hindi siya magpapatalo sa usaping ito pero para matigil ako sa kakangawa ay hindi na niya dinugtungan pa. Lalo pa’t nagkakatinginan ulit ang mga serbidora na para bang nag eexpect na ng panibagong gyera sa gitna naming dalawa.

“By the way, sa planta ako hanggang alas tres.”

Tumango ako. I expected that.

“Can I try and ride a horse?” singit ko kahit hindi pa siya natatapos sa pagsasalita.

The coldness in his eyes is screaming of disapproval. Tumikhim si Petrina dahilan kung bakit napatingin ako sa harap. Pumikit ito ng mariin, parang sinasabihan akong huwag nang iinsist ang opinyon ko dahil kahit kailan hindi naman pumayag si Zamiel na mag-isa ako sa ganoon.

“Maliligo tayo ng dagat pagbalik ko mamaya,” balewala ni Zamiel sa suhestyon ko.
“Okay. So buong araw akong tutunganga at mag-aantay ng alas tres, pagdating mo? Please let me ride a horse while you’re not around. Naka ayos nga ako ngayon para makasakay ako, e.”

Sa totoo lang, takot parin ako sa pagsakay. I cannot ride a horse alone yet. Kailangan may nagbabantay at siguro’y alam at nararamdaman iyon ni Zamiel. That’s the reason why he’s not allowing me to do it.

“You can sketch whatever you want. You also have access to our library so you can read.”

Muntik na akong masamid sa iniinom kong tubig. Hindi naman natinag si Zamiel. Tunog pinal lagi ang tono niya.

“I can’t sketch for… like… seven hours! Kahit tatlumpong minuto lang ng pagsusubok sa kabayo, please? You can ask a worker to guide me if you’re that doubtful!”
“Paano kung mahulog ka ng wala ako? Please, stop insisting it. I am not going to let you,” pinal niya ulit na sinabi.
“Zamiel! Kaya nga may trabahante kang gigiya sa akin, ‘di ba? I can draw for two hours, read for another hour, sleep for two hours, imagine my idle moments?”
“I let you ride a horse, Daniella, when I’m around. Kahit pa pagbalik ko mamaya ay isasakay kita sa kabayo. Kaya-”
I rolled my eyes. “I thought you say you’re responsible for my entertainment? Susubukan ko lang naman, e. ‘Tsaka may titingin naman sa akin. Even if you ask them to report to you? Kung anong oras akong nagsimula at natapos!”
Nanliit ang mga mata niya. “At kapag nakasakay ka na at gusto mong magtagal pa, wala akong magagawa dahil iyon ang gusto mo?”
“Hindi! I promise you! It will only be for thirty minutes!”

Hindi siya nagsalita. Sinulyapan ni Zamiel ang mga serbidora na naeestatwa na at mukhang handa nang maging human shield kung sakaling mag-away kami ni Zamiel.

“Fine.”
“Yes!”

The servers sighed at the end of our conversation. Hindi iyon gusto ni Zamiel. His mouth tightened and his face looked hard. I smiled at him. Wala rin siyang nagawa.

Pagkatapos naming kumain ay nakita ko siyang kinakausap ang mga trabahante sa kuwadra. Noong una ay tiningnan ko lang sila, kalaunan ay lumapit na ako para marinig kung anong mga bilin ni Zamiel.

“Tumawag kayo agad kung may mangyari. Hindi siya pwedeng lumabas, hindi pa siya gaanong marunong.”
“Opo!” tugon ng trabahante.

Nilingon ako ni Zamiel. I smiled but he just gave me his usual grim face. Natawa na lang ako.

“Uuwi rin ako.”

Iyon nga ang ginawa ko. Pagkaalis ni Zamiel ay nagpasya akong gumuhit muna. Sa lilim ng mga nagtatayugang punong kahoy, naiguhit ko ang mga kasangkapang nakita ko sa bahay ng mga Hidalgo. The different bannisters, the tables, the chairs, complete with their intricate designs.

Sa huli ay gumawa ako ng sarili kong disenyo. And because I like modern art, I gave a contemporary touch to it. Uminit dahilan kung bakit nagpasya akong bumalik sa mansyon. I never thought the sun could shine bright that day. Paano ba naman kasi, gaya noong nakaraang may pag-ulan, may madilim na parte ng ulap sa malayong dagat.

Pagkatapos kong libangin ang sarili sa pagguhit, nagpatulong na ako sa pagsakay sa kabayo. Narealize kong mahirap palang sumampa lalo na’t nasanay akong tinutulungan o binubuhat ni Zamiel. I want to ask the workers to at least lend me a hand while I’m trying to ride on the horse pero nahihiya ako. Nobody also dared to do it until the oldest worker tried. Ganoon din sa pagbaba ko pagkatapos ng tatlumpong minuto.

Nananghalian akong mag-isa. Minsan umuuwi si Zamiel kapag tanghalian pero iyon ay kung babanggitin niya bago umalis. Kanina’y wala siyang sinabi kaya nasisiguro kong sa planta na rin siya nananghalian.

Sinubukan kong matulog ngunit hindi ako makaidlip kahit saglit. Kaya imbes na manatili sa kwarto ay bumaba na lang ako at naupo sa sala. Thinking I could probably read, instead, dinala ko ang aking libro.

Ilang pahina pa lang ay naagaw na ang pansin ko sa tunog ng isang sasakyang papasok sa bakuran ng mga Mercadejas. I remember Kajik is out with their pick-up. Nilingon ko ang bintana at nakita ang pagbabalik nito.

Bumukas ang mga pintuan at tawanan agad ang narinig ko. I realized Kajik is with his friends again.

Nakita ko sila sa bulwagan. Umaliwalas ang mukha ni Peter nang nagtama ang mga mata namin. Binaba ko ang aklat at nginitian ko na lang sila.

Sukat sa naalala ko, ang mga babaeng kasama nila ay iyong tingin ko’y mababait. Huling pumasok si Kajik na agad kinausap ni Peter.

“Daniella!” si Kajik.
Ngumiti ako. May sinabi si Kajik sa kasambahay, mukhang may pinapakuhang kung ano sa kusina bago dumiretso sa aking tabi.

Ganoon din ang ginawa nI Peter, kasama ang dalawang babaeng nagtatawanan lang.

“Mabuti pa sumama ka sa amin saglit?” si Kajik.
“Saan naman?”
“Pupunta lang kami saglitkina Peter. I bet you’ll stay here for the whole afternoon, huh? Isang oras mahigit lang naman. Hindi tayo magtatagal,” anyaya ni Kajik.

Nakatayo si Peter at nakangiti sa gilid. Hindi niya na dinagdagan ang sinabi ni Kajik, nagtataka tuloy ako. Hindi naman siya naging mahiyain sa akin noon.

“It’s his birthday and we’re leaving for a quick vacation this evening. Bago iyon, may celebration sa bahay nila kaya pupunta sana tayo. I can text my brother. Sasama dapat siya pero dahil busy sa planta, hindi naman siguro iyon magagalit kung isasama ka saglit.”
“Uh, hinintay ko kasi si Zamiel na makauwi, e.”
“Mamaya pa ‘yon! Kung ganoon ilang oras kang mag-aantay dito?” si Kajik sa gulat na tono.
“You’ve been busy for the past few days. Hindi ka na nga sumasama sa amin tapos ngayong kaarawan ko, ayaw mo parin?” tunog nagtatampo si Peter.
“Sorry, pero next time na lang siguro ako sasama.”

May ibinigay na isang malaking box kasambahay kay Kajik. He then declared how hungry he is. Nangiti ako ngunit napawi rin nang bumaling si Peter sa akin.

“I thought we’re friends…”
“We are, Peter. Pero kasi, hihintayin ko si Zamiel. May usapan kasi kami mamayang alas tres.”
“Alas tres! It’s still one on the afternoon, Daniella! Hindi tayo lalagpas ng isang oras doon. ‘Tsaka, aalis kami kaya kailangan naming umuwi rin ng mas maaga!” si Kajik.

Nilingon ako ng mga babaeng kaibigan nila. Tumango ang isa sa kanila at ngumiti sa akin. Siguro ay ang tanging konsolasyon lang dito ngayon ay hindi si Harriet o si Sophia o si Bethany ang kasama nilang mga babae.

Kinuha ni Peter ang kamay ko at hinila ako patayo.

“I promise, uuwi ka kaagad. Kailangan ko lang magpakita sa parents ko saglit bago kami tumulak nila patungong Boracay,” anito.
“But I have to be home before three in the afternoon,” giit ko.
Tumango si Peter. “Of course! Kailangan din kasi naming umalis bago mag alas kuwatro o alas singko kaya sige na! It’s my birthday, Daniella.”

The moment we left the mansion, I immediately regreted it. Iniisip kong maiintindihan ni Zamiel iyon dahil kaibigan ko naman sila kahit paano. Iniisip ko rin na ayos lang dahil kumpara noong unang linggo ko rito, naging maayos na ang samahan namin ni Zamiel. Hindi na muli kami nagkasigawan o ano man. Besides, wearing our engagement ring, he will probably realize that I’m not “cheating” on him like what he’s always concluding.

Nagsisi lamang ako nang labing limang minuto na ang nagdaan ay hindi parin kami nakakarating kina Peter. Hindi ko alam na taga ibang bayan pala siya kaya naman inabot pa ng tatlumpong minuto bago kami nakarating sa kanilang bahay.

Their mansion is big. Not as big as the Mercadejases but I think it is still large compared to the other houses I’ve seen through the whole trip.

Tahimik ang kanilang mansion. Wala masyadong tao at kami lang ang naroon bukod sa kanyang Mommy at Daddy. I don’t think his parents are from here, too. Para bang umuwi lang ang mga ito para sa birthday ni Peter.

Tahimik akong kumain. Nakampante ako nang narinig ko si Peter na nagpapaalam na sa kanyang mga magulang para sa birthday trip nila.

It is still two fifteen and if we go now, we’d be home before three in the afternoon.

Nang pinayagan siya ay pinakain pa kami ng panghimagas. Overall, unlike what happened in the yacht, I feel less guilty now. Siguro dahil na rin iyon sa improvement ng relationship namin ni Zamiel.

“Nice boots. Ngayon lang kita nakitang nakadamit ng ganyan. Where are your dresses?” tukso ni Peter sa akin.
Humalakhak ako. “Bigay ‘to ni Zamiel.”
“Oh! Some sort of couple things, huh?” tukso naman ni Kajik sa akin.

Nagtawanan sila. Uminit ang pisngi ko ngunit nakabawi rin sa huli.

“Kajik, did you text Zamiel?”
Tumango si Kajik.
“Nagreply ba?”
Umiling ito habang umiinom ng softdrinks. “Hindi iyon nagrereply basta nasa trabaho. Hindi bale, uuwi na rin naman tayo ngayon.”

Naging kampante ako nang umuwi nga kami sa tamang oras. Pero gaya ng mga panahong nagmamadali ka, isang pangyayari ang hindi namin inasahan.

Bumuhos ang napakalakas na ulan hindi pa man kami nakakalayo sa kina Peter. Sa sobrang lakas ay kinabahan ako. Hindi na kasi namin makita ang daanan kahit pa mabilis na ang wiper.

“Tumigil muna tayo! Mamaya ma disgrasya pa tayo!” sabi ng isa sa mga kaibihgan nilang babae.

I can’t help but agree with her. Gusto ko mang umuwi ay ayaw ko namang may mangyaring masama sa akin. Sa buong buwan na ito, ngayon pa lang umulan ng ganito ka lakas. Umaambon minsan sa isang linggo pero hindi tuluyang bumubuhos. Siguro ay napuno na ang mga ulap.

Sa sobrang tagal ng malakas na buhos ng ulan, hindi ko na namalayang pasado alas tres na. Bumabaha ng konti ang kalsada sa sobrang lakas ng ulan.

“Baka hindi tayo makaabot sa lakad natin, ha?” sabi noong katabi ko.
“Kaya ‘yan,” si Peter.

Kajik tried to start the engine again. Ngunit hindi na siya nagpatakbo ng sobrang bilis gaya kanina. Binagalan niya ito para lang hindi kami madisgrasya lalo na’t wala talagang makita sa kalsada.

“Magpark ka na lang kaya muna, Kajik,” I suggested.

Nakakatakot kasi talagang wala kaming nakikita. Mabuti na lang at pagkatapos ng ilang minuto ay humina ang ulan. The flooded roads are now visible. Ganunpaman ay nanatiling marahan ang takbo ng sasakyan and it’s fine with me.

Alas kwatro nang nakauwi kami sa mansyon. Ako lang ang hinatid nila dahil tutulak na sila sa kanilang trip. Mabilis kong binuksan ang pintuan ng sasakyan pero bago ako nakalabas ay nilingon ako ni Kajik galing sa driver’s seat.

“Sorry, Daniella. Natagalan tuloy tayo.”
“Ayos lang. Hindi mo kasalanan. Tama ka naman, e. Natagalan lang tayo dahil sa ulan, Kajik.”
“Thanks, Daniella. Yayayain sana kita sa trip na ito but I’m sure hindi ka papayag,” si Peter naman.
Ngumiti ako. “Happy birthday. Sana ma enjoy mo. Next time na lang ako dahil may gagawin pa.”

Siguro ang nagpaalu na rin sa akin ay ang katotohanang imposibleng matuloy kami ni Zamiel ngayon sa pagsu-swimming. Hindi parin humuhupa ang ulan kaya baka sa susunod na araw na kaming maligo sa dagat.

Kumaway ako sa kanila pati sa mga kasamang babae. Pagkababa ay pinayungan agad ako ni Petrina at iginiya patungo sa bulwagan. Nilingon ko ang sasakyan na nagbabacking para makalabas na rin sa gate.

“Si Zamiel? Nakauwi na ba, Petrina?” tanong ko nang nagpatuloy kami patungo sa bulwagan para makasilong.
“Oo, Miss. Nakauwi na siya kanina pero umalis din.”

Nagulat ako sa sinabi ni Petrina. I wonder if there’s a problem in the office? Umuulan, ah? Baka nga meron? Dahil kaya sa ulan?

“Galit ba siya?” tanong ko at unti-unting umakyat para makapagbihis.

Medyo putikan na ang boots ko at kahit pa pinayungan ay nabasa parin ako ng konti. Mamaya sisipunin pa ako dahil sa pagkakabasa kaya magbibihis na lang muna habang wala pa si Zamiel.

“Hindi ko alam, Miss, e. Bakit? Nag-away kayo?”
Umiling ako. “Hindi ba siya pumasok sa mansyon?”
“Hindi, e. Hanggang kuwadra lang siya. Nangabayo ‘yon pag-alis. Nag-aalala nga si Aling Mercedita dahil umulan ng malakas tapos umalis si Zamiel.”
“Pakitawag ako kapag dumating siya. Magbibihis lang ako.”
“Sige, Miss.”

Nagbihis ako at nag-ayos. Wearing my dress and my slippers, bumaba ako sa bulwagan nang hindi parin kumakatok si Petrina. Dumiretso ako sa balkonahe ng bahay para makita kung may dumating ba o wala. Nang nakitang wala ay bumalik ako sa bulwagan para matingnan naman ang kuwadra.

Malakas parin ang ulan pero hindi singlakas noong tumigil kami dahil wala nang makita.

Gusto kong magtanong sa mga nagtatrabaho roon pero dahil umuulan pa, hindi ako makalapit. Sa sofa na lang ako naghintay. Pinilit kong ipagpatuloy ang pagbabasa pero walang pumapasok sa isipan ko.

I wonder if he’s angry with me? If he is, how will I explain it?

Sabi na nga ba, e! Dapat hindi na ako umalis. Pero kung hindi ako umalis, hindi rin naman kami matutuloy sa pagligo dahil umulan ng malakas. Kung galit siya, ang kinagagalit niya ba ay sumama ako kay Kajik at Peter?

Tiningnan ko ang singsing na suot ko. Wala ba siyang tiwala sa akin? O kahit sa kapatid at kaibigan niya? They are nice to me as a friend. Alam din ng dalawa na kami ni Zamiel ang magkakatuluyan kalaunan kaya alam nila kung saan sila lulugar. Zamiel is overreacting.

Kung ilalagay ko ang sarili ko sa sapatos niya at makita ko siyang may kasamang ibang babae, magtatampo rin naman ako. Well, that’s because the girls he’s with are not my friends. I don’t know if these girls love him as a friend or as something else kaya hindi ko rin makumpara.

“Daniella,” malamig na tawag ng matandang ginang sa akin, hindi kalayuan.

The whole household is calling her Mercedita. Tipid itong ngumiti at tumango sa akin.

“Kumain ka na ng hapunan. Baka mamaya pa si Zamiel at baka may problema sa planta,” anito.
“Ah. Uhm… Hindi pa po ako nagugutom kaya aantayin ko na lang siya.”
Tumango ang matanda. “Sige, pero ang pagkain mo ay nakahanda na. Kapag gutom ka na’y dumiretso ka na sa dining area para makakain na. Kung may kailangan ka’y tawagin mo ang mga serbidora at pagpapahingahin ko lang sila saglit.”

Lumakas lalo ang ulan. Hindi ito humupa. Humihina lang pero lalakas ulit kalaunan. Alas sais y media nang tuluyan itong tumila. Madilim na. Dinig sa mansyon ang mas umigting na tinig ng gangis sa kagubatang hindi kalayuan. Huminga ako ng malalim. Hindi parin ako nakakaramdam ng gutom. Sa bagay, kakakain lang namin kina Peter.

I wonder where they are now? I hope they are doing fine wherever they are.

Ang tinig ng talon ng kabayo ang gumising sa diwa ko. Isang hudyat ng pagbaba ng kung sino ang nagpakaba sa akin. Wala nang ibang pwedeng dumating kundi si Zamiel kaya natuliro ako.

Pabagsak na yapak ang narinig ko pagkatungtong niya sa bulwagan. Ngumiti ako at hindi na muna tumayo ngunit nilagpasan lang ako ng tingin niya. Napawi agad ang tingin ko. I know that smug look on his face.

“Zamiel!” tawag ko nang dire-diretso ang lakad niya patungo sa dining area.

Nag-iiwan siya ng basang marka sa mga apak niya. Basang basa siya. His hair looked longer than when it is dry. Ang katawan ay bumakat sa puting damit. Mas lalong dumilim ang kanyang maong dahil sa pagkakabasa. Ang bota ay putikan at ganoon din kabasa.

Tumayo ako at hinabol siya pero hindi ko naabutan. Ang malalaking hakbang niya ang kumain sa distansya patungo sa dining area at diretso sa walang taong kusina.

“Zamiel!” ulit ko. “Sorry!”

I figured it is better to explain it and not wait for his questions. Ayaw kong nag-aaway kami kaya kailangan ko nang mag-explain. Alam ko ang kasalanan ko.

Tumigil ako nang nakita siyang nasa ibang side na ng lamesa sa dining area para magsalin ng tubig. Isang kasambahay na may dalang malinis na tuwalya ang lumapit para siguro ibigay sa kanya pero inagaw ko iyon.

“Ako na…” sabi ko.

Tumango ang kasambahay at nagkukumahog na umalis. Kumunot ang noo ko at sinundan iyon ng tingin. Pakiramdam ko’y may kinakatakutan siya. Narealize ko agad nang bumaling ako kay Zamiel.

“Sumama ka ulit sa kay Kajik at Peter?” pauna niyang sinabi. His tone is grimly mocking each word.
“Birthday kasi ni Peter. Tinext ka naman ni Kajik, ah? ‘Tsaka… hindi rin tayo matutuloy dahil umulan ng malakas.”

Unti-unti akong lumain. Sumimsim siya sa tubig na sinalin niya at padarag din itong nilapag dahilan kung bakit natigil ako.

“May usapan tayong dalawa, Daniella! Kung ganito ang mangyayari lagi sa usapan natin, ano sa tingin mo ang magiging reaksyon ko? Paano kung hindi umulan ng malakas, hindi ka tutupad sa usapan?”
“Kung hindi umulan, nakauwi na ako rito ng alas tres!” Nagpatuloy ako sa paglapit ng marahan sa kanya.

I saw his eyes darkened when he realized I’m coming closer to him. The rain water is dripping on his hair down to his body. Hindi man lang siya nag-abalang magpatuyo bago pumasok sa mansyon nila. Oh this spoiled and authoritative man!

“And I thought we had a deal about this?”

Nakuha ko agad ang gusto niyang sabihin. I’ve been waiting for that, actually.

Binaba ko ang tuwalya at umirap ako.

“They are just my friends, Zamiel. Alam ng dalawa na magpapakasal tayo kaya tumigil ka na sa pagdududa mo. Kung mag-aasawa na ba tayo, hindi na ako pwedeng makipagkaibigan sa iba?”

Hindi siya nakapagsalita. His jaw clenched tight like he’s suppressing something. Nagpatuloy ako sa paglapit.

“It’s not like I’m flirting with them-”
“But you like Kajik,” he said without looking at me.

Gusto kong matawa. How can a man of his age give off that boyish vibe. Kung hindi ko lang nakita ang pagdaan ng galit at panganib sa mukha niya ay matatawa na ako.

“I like him as a friend. He’s good to me gaya ni Peter.”

Nakalapit na ako ng tuluyan sa kanya. Nanatiling dugtong ang kanyang makapal na kulay at nakausli bahagya ang labi. Pinigilan ko ang ngiti ko dahil alam kung galit na galit siya.

“I’m sorry. I just think it is unfair that I couldn’t make friends with other people just because we’re engaged.”
“So you allow me to be friends with other women?”

Kung iniisip niyang lumandi sa ibang babae, choice niya na ‘yon. Naiinis ako pero sa huli, hindi rin naman magiging kami kaya hindi ko na pinagtuonan pa iyon ng pansin. Oh, Ace… I know once you see him with his bitches, you’d probably fume like a mad woman.

“Friends lang. You’re not allowed to flirt or more. I didn’t flirt with Peter or Kajik.”
“Tsss…” his eyes turned grim and menacing. Parang sarkastiko itong tumingin sa akin.

Gusto ko siyang suntukin sa inasal niya pero inirapan ko na lang ulit siya.

“Unless gusto mong magflirt sa ibang babae gaya ng mga ginagawa mo noon bago ako dumating dito, bahala ka…” hamon ko.
“I won’t do that.”

Ngumiti ako at unti-unting inangat ang tuwalya. His eyes trailed on the towel. Nanatili siyang matigas na nakatayo sa harapan ko. Marahan kong idiniin ang tuwalya sa kanyang buhok, to dry them. His lips parted and he looked at me intently while I’m busy doing that.

“You can be friends with other women pero hindi ka pwedeng lumandi. Ganoon din ako, ‘di ba? But I know I’m at fault… nahihiya lang kasi ako dahil birthday ni Peter at ilang araw ko na silang hindi gaanong napapansin.”

Hindi siya nagsalita. Nanatili siyang nakatitig sa akin habang pinapatuyo ko ang buhok niya gamit ang tuwalya.

“I’m sorry. Hindi ko inasahan na uulan at matatagalan kami. Hindi ka raw nagreply kay Kajik. Dapat sinabi mo na bawal akong sumama para malaman ko na ayaw mo pala.”

Hindi parin siya nagsalita. Bumaba na ang kamay ko sa kanyang balikat pero may tumutulo parin sa buhok niya kaya binalik ko iyon. Marahang inangkin ng palad niya ang aking baywang. He pulled me closer to him from the small of my back.

Natigilan ako. Abot-abot ang tahip ng puso ko nang napagtantong ngayon lang kami naging ganito ka lapit. I know what kind of man he is at kung nagbibiro pa siya’y kanina ko pa siya tinulak at pinalayo. Pero nang nakita kong seryoso at mapupungay ang mga mata niya ay hindi ko na nagawa.

I rested my palms on his massive chest.

“Saan ka ba galing at bakit ka ginabi? Nakauwi na ako rito kanina pang alas kwatro at hinintay kita. Nag-alala ako.”

His jaw clenched more. Nagkatinginan kami. The intensity of his serious eyes is too much. Matapang ako pero naduduwag akong tumitig sa mga mata niya kapag ganito ka seryoso.

“Sorry. Are you… m-mad at me?”

Binagsak ko ang tingin ko sa kanyang dibdib nang hindi ko na nakayanan ang mga mata niya. He searched for my line of vision just so we would retain our eye contact pero iniwas ko parin. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Uminit ang pisngi ko at pinagdasal kong hindi niya iyon naririnig.

“Yes,” he whispered while searching for my eyes.
“I said I’m sorry.”

Inangat ko muli ang kamay ko para ipagpatuloy ang pagpupunas sa kanya.

“Fuck,” he said softly. “You know I can’t stay mad at you… Damn!”

Bigong-bigo siya. Binaba niya ang kanyang mukha at pinatakan ang labi ko ng isang halik.

Sa sobrang gulat at pagkamangha ko ay natigil ang oras para sa akin. Nangatog ang aking binti at pakiramdam ko’y natunaw iyon. Kung hindi niya sapo ang baywang ko ay kanina pa ako napaluhod.

His kiss felt like a feather on my lips. Ngayon ko lang narealize na gaano man ka tigas ang lahat ng bahagi ng katawan niya, kahit ang mga mata, may itinatagong lambot siya. And that is his lips… His kiss feels like a mellow song whispering in my ears, making me smile.

For the second time, he kissed me again this time a bit longer and deeper. Iba sa naunang malambot niyang halik, but nevertheless, it is still soft and caressing.

It’s my frigging first kiss and I don’t know what to say or what to feel. Basta’t kabado ako at nanghihina.

He stopped after the second kiss. I saw him lick his lips before putting his forehead on mine. He crouched habang ako’y inaangat niya ng konti para lang maabot.

“Is that your first kiss?” he asked hoarsely.

Kumawala ang hinga sa akin pagkatapos ay marahang tango. Akala ko ay tutuksuin niya ako. Hinintay kong sumilay ang ngisi sa kanyang labi pero hindi nangyari. Imbes ay umigting ang kanyang panga, tila galit o may pagsisisi.

“Good. And it will be your only.”

Shit. Para akong nilalagnat sa init na naramdaman ko sa aking mukha.

Hinayaan ko ang tuwalya sa kanyang balikat. Hindi ko na mabalikan iyon dahil sa gulat.

“Akin ka. Buong araw. Bukas,” deklara niya bago ako pinakawalan.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.