What Lies Beneath The Sand – Kabanata 7

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath The Sand – Kabanata 7

Kabanata 7
Noise

Imbes na libangin ko ang sarili ko sa masalimuot na pagkakagawa ng lumang mansyon, naging ukupado ang aking utak sa huling sinabi niya. Naglakad ako sa gilid ng bahay at iniwan siya para matakasan ang mga titig niyang nagpapakaba sa akin.

Daniella did not want to be engaged at a young age, more so to a man she’s never met. Iyak siya nang iyak lalo na’t masaya siya kasama si Ashton. When Tita Matilda revealed it to her just months ago, nagrebelde siya ng patago. She asked for my help in exchange for money and support.

Kung titimbangin kong mabuti, mas gugustuhin kong maniwala at manalig kay Daniella kesa kay Auntie Tamara. Kumapit ako kahit pa alam kong mali ang gagawin. The only thing in my mind is the money and what it could bring to me, that’s all.

We deleted our social media accounts. Lalo lang akong naniwala na tatalab ang lahat ng ito nang sinabi ni Tita Matilda na matagal na mula ng nagkita sila ni Lucianna Mercadejas at ng matandang Senyora Domitilla. Daniella was younger then. At dahil magkahawig si Tita Matilda at si Mommy, hindi narin naging kataka-taka ang resemblance naming dalawa ni Daniella.

Kasing tangkad ko si Daniella. While her body is more voluptuous while I’m petite, her curves are on the right places. Pareho kaming maputi, though I think she’s got warm undertones while I have cool. Her eyes are hooded, mistulang chinky. It made her cute and angelic-looking. My eyes is hooded, as well. Pero habang tumatagal ay lalong nadedepina ang pagiging almond shaped nito, gaya ng kay Mommy.

Noon, kapag magkasama kaming dalawa, napagkakamalan kaming magkapatid. She didn’t mind. Pero kapag nasa bahay kami at may mga bisita, I was nowhere near her sister. Wearing my old dresses while serving the visitors, I would sometimes get their attention. Ayaw ng ganoon ni Tita Matilda kaya inuutusan niya na lang akong manatili sa kusina at ipaubaya sa iba ang trabaho.

“Dito muna tayo para makita mong mabuti ang buong bahay,” sunod ng boses ni Zamiel sa aking likod.

Tumango ako at tumingala sa tore nito. This is indeed foreign inspired. Sa tore pa lang at sa balkonaheng sakop ata ang buong unang palapag, masasabi kong hindi ganito ang karaniwang bahay sa Pilipinas. People here are too scared to be a victim of thieves. Ang bahay na ito, nagsusumigaw ng karangyaan pero parang tinatanggap din ang lahat ng maaring lumapastangan. Though covered with wooden dividers right now, for sure kung may titira rito, puting kurtina lang ang ilalagay diyan bilang seradura ng buong haligi.

Napalingon ako sa likod nang may narinig na tunog galing sa sahig ng balkonahe. Naghila ng upuan si Zamiel doon at pinaharap sa malayong dalampasigan. Naupo siya roon at tumingin na lamang sa akin.

Hinayaan ko siya. Besides, I shouldn’t act too conscious. Lalo na’t may nahalata siya kanina.

“Do you plan on taking the course after you graduate?” he asked.

Abala ako sa pagdama ng mga masalimuot na ukit sa barandilya ng balkonahe. Each bannister is different from the other. I wonder who sculpted it.

I love contemporary art. Iyong nababagay sa modernong panahon ngayon pero hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ancient at classic art na meron ang bahay na ito.

“I’m not sure,” sagot ko kay Zamiel.
“Well, if you will. You can take it a year after. I want a child after your graduation.”

Wow. Wait lang. Napabaling ako sa kanya. He looks amused. Nakataas ang isang kilay at nakakurba ang labi sa paraang nanunukso.

Umakyat ako sa balkonahe upang malapitan siya. His eyes traveled down my body. Tumikhim ako at nakaramdam ng hiya. He shifted a bit from his seat. He tilted his head before he finally looked at my face.

He checked me out! Damn him! Mapagkakamalan akong eighteen pero ang katawan ko’y kulang pa sa kurba hindi katulad ng kay Daniella.

“Actually, I want to procreate after the wedding but I know you’re serious with your studies kaya hindi na muna. But expect we’ll still explore in bed a lot.”

Pinandilatan ko siya. He smirked.

“Wala ka na ba talagang ibang nasa isip kundi iyan?”

He shifted on his seat again, tila handa sa maaaring sabihin ko sa kanya.

“You played with girls so much all your life na ngayon ay kahit fiancee mo, gusto mong paglaruan.”

His face turned grim. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Everytime he’s angry or just serious, parang nadadagdagan ng milya milya ang layo ng edad naming dalawa. He looks very intimidating and dangerous that I couldn’t even bring myself to say anything.

“Bakit mo nasabing paglalaruan kita? We will get married so we will procreate. That’s the reason for it.”

May sasabihin sana ako pero masyadong korny. Tingin ko ay pagtatawanan niya ako kaya hindi ko ginawa.

The reason for marriage is love.

Oh, come on, Ace! Alam nating hindi iyon kasali rito kaya huwag mo nang pilitin. Besides, hindi ka naman talaga si Daniella so wala ka dapat pakealam kung mahalin ka ng lalaking ito o hindi. It doesn’t matter.

“At paano ko malalaman na hindi nga ako katulad ng ibang babae mo?”

He laughed mockingly. Napawi naman ang nagbabadya kong ngisi.

“I will be your husband, that’s the difference between you and the other women. Why are we talking about them, by the way?”
“Because you talk about marriage like you are taking it seriously.”
“I am taking it seriously.” His face darkened.
“Then you’re giving up your affair with other women?”

Umigting ang kanyang panga. Kumurap ako ng marahan at umiling. The silence stretched and I know what it means.

“Yes.” His mouth tightened.

Napabalik ang mga mata ko sa kanya. Hirap na hirap, huh? Ang tagal sinagot. Pinilig ko ang ulo ko para ituon sa isip na wala naman talaga akong pakealam sa opinyon niya sa kasalang ito.

“Give up your affair with other men, too,” dagdag niyang nagpagulat sa akin.
“Do I look like someone who has an affair with other men to you?”

Dikit na ang kanyang mga kilay at tumulis na ang labi dahil sa namaling iritasyon galing sa kanya.

“I’m not like you Zamiel,” wala sa sarili kong sinabi.
“Then why can’t you wear our engagement ring?”

Napatingin ako sa aking mga daliri. Iyan ba ang sukatan para sa kanya? Na kapag suot ko iyon, ibig sabihin loyal ako? I’m not sure if he’s petty or just old fashioned.

“Fine. I’ll wear it.”

Iniligid kong muli ang mga mata sa kabahayan. I am well aware that he’s watching me while I’m doing that. Nanunuri ang kanyang tingin. Imbes na kabahan ako ay kinalma ko na lang ang sarili ko.

Tumayo ako para tingnan muli ang paligid.

“I’m gonna teach you how to ride a horse, pagkatapos nating mananghalian… pagbalik natin sa mansyon.”
“Alright. So I won’t have to ride with you…” I smirked.
“You think I’ll let you ride one when we decide to go somewhere esle?”
“Para saan ang pagtuturo mo sa akin kung hindi mo pala ako papayagan?” I turned to him with so much amusement in my tone and eyes.
“Hanggang bakuran ka lang. Kapag lalabas tayo, isasakay kita. Hindi ka pwedeng mangabayong mag-isa.”

Umirap ulit ako. Nakatayong humalukipkip sa kanyang harap. His eyes drifted again on my body for a little while. Nanuyo ang lalamunan ko pero hindi ko mapigilan ang ngiti.

“You really think I’m that weak? I won’t learn how to do it?”

Hindi ko alam pero matapang ako pakinggan sa sinabi ko kahit pa matagal ko nang alam ang kahinaan ko sa pagbabalanse ng kahit ano. I never learned how to ride a bike, or anything very adventurous. Matuto naman siguro akong sumakay sa kabayo pero tuwing naiisip ko ang unang sampa ko kanina, tingin ko’y hindi ko pa yata kakayanin mag-isa. It would take probably a year for me to get used to riding a moving animal.

“No. You will learn but I’d rather have you with me.”

Ngumuso ako at pilit na tinitigan siya pabalik. His icy stare is making my legs weak. Siguro ay ang nagpapatapang lang talaga sa akin ay ang kasinungalingang ako nga si Daniella.

Her name is power. I feel in control because I know that she has power because of her money and her social status. Astherielle may be witty but I don’t have enough resources to question anyone in a higher social status like Zamiel.

Iniwan ko siya sa mansion at gumala na ako sa bakuran nito. Sa harap ng dalampasigan, unti-unting napanot ang talahib. Nagkalat na ang bakas ng buhangin dahilan kung bakit ang mga puno na lang ng niyog ang nangahas na nanubo.

The sound of the waves crashing on the shore is very much like how it is back in the Mercadejas Mansion. Lumingon ako pakanan kung saan banda kami nanggaling at nakita ko ang distansya nito sa mala higanteng limestone, kung saan aakyat patungo sa Mansion. It’s a bit far. Kung lalakarin ay paniguradong nakakapagod. Mainit man o hindi.

Naupo ako sa buhangin at tumingala. The weather is weird. Mainit pero sa malayo ay kita ko ang dilim ng ulap. Siguro’y sa malayo ay umuulan? O naghihintay ang mga ulap na iyan na mapuno para bumuhos kalaunan.

Wala sa sarili akong gumawa ng bundok ng buhangin. Nababa ko lang ang tingin ko nang narinig ang marahas na yapak ng bota ni Zamiel. Naupo siya sa aking gilid at wala pa mang sinasabi ay nangingiti na ako. I find it amusing. I don’t know why.

Napawi ang ngiti ko nang naramdaman ko siya sa aking likod. Bumundol ang aking kaba, hindi sa takot, kundi sa gulat nang naramdaman ang katawan niya sa likod ko.

“What are you doing?!” sabay tulak ko sa kanya.

He held out his hands as if telling me he’s innocent. Umusod ako palayo.

“Where do you expect me to sit? Far from you? Come on, Daniella. We’re engaged!” depensa niya.

He is damn hopeless. Kaya natatawa na lang ako sa ginagawa niya.

“Zamiel!”
“Fine!” He chuckled.

Umatras siya ng ilang dipa pero nasa likod ko parin. Tinapunan ko siya ng matalim na tingin, naabutan ko naman siyang mapupungay ang mga mata at nakangisi habang tinitingnan ako.

Binaluktot ko ang aking binti at niyakap ang aking tuhod. Patuloy kong pinaglaruan ang buhangin.

“Anong gagawin natin ngayon?” he asked that in a very maliscious way.
“Shut up, Zamiel.”
He chuckled again. “Bakit? May masama ba sa tanong ko?”

I gave him a wry smile pagkatapos ay muling inabala ang sarili sa buhangin.

“Unless you have something very maliscious in mind, huh?”
“Ugh! Ang manyak mo! Tumigil ka nga!”

A bark of laughter escaped from him. Lumapit siya at naramdaman kong muli ang kanyang dibdib sa aking likod. Imbes na magprotesta ay pumikit na lang ako at suminghap. He is really damn hopeless.

I wonder if I could ever get used to him. Or I could tolerate his crudeness… pero dalawang buwan lang naman, ‘di ba? Actually, even less.

“I’m not! I’m asking an honest question. Inaakusahan mo akong manyak, wala naman akong sinabing masama.”

Umiling na lamang ako at nagpatuloy sa ginagawang bundok na buhangin. Natigilan ako saglit nang pati siya’y tumulong. His large hand patted the mountain of sand beside us. Taas ang kilay ko habang pinagmamasdan ang kamay niya sa ginagawa.

“You don’t know how to swim, right?”

Hindi ako sumagot. Nanatili ang mga mata ko sa buhanging inaayos namin. Ngayon, mistulang isang palapag na parihabang cake na ito.

“I heard you say that while you were talking to my brother. Hindi ka pa nakakaligo sa dagat dito?”
“Hindi pa…”
“I’ll buy you a swimwear,” pagak nitong sinabi.
“I can swim with my t-shirt and clothes on.”
“Though, I’d like that better lalo na kapag may kasama tayo… ayos lang din sa akin na magsuot ka ng bikini once in a while. Unless you’re not comfortable with it.”
“Hindi pa ako nakakapagsuot noon.”

Tumigil ako sa ginagawa at patagilid na hinilig ang ulo sa aking tuhod para matingnan siya. Taas noo niya akong binalingan.

I can’t help but notice our position. If someone ever saw us in this position, they would think we are real lovers. Hindi maiisip na nireto o inayos lang ang relasyon, kundi totoo.

“You should try it. Pero dapat ako lang ang naroon lalo na sa unang suot mo ng ganoon.”
“You are so possessive, Mercadejas. Are you like that to your other women?”

He groaned dramatically. Hinayaan niya ang ulo niyang bumagsak na tila napapagod sa tanong ko. Hay naku! Ganyan talaga kapag may iniiwasang mga tanong, hindi ba? Ang daming palusot at pagpapapogi!

Tinulak ko siya para bumalik ang tingin niya. Slowly, he opened his eyes teasingly. Kahit pa anong pilit kong bigyan siya ng matalim na tingin ay hindi ko magawa.

“There will be no other women from now on.”
I groaned and laughed.
“I don’t do that with other girls. The hell I care what they do.”
“I bet. Siguro malupit ka sa kanila. You hurt them mercilessly-”
“What kind of hurt are you talking ‘bout?” his brow shot up.

What the hell? Agad kong nakuha ang ibig niyang sabihin dahilan kung bakit nag-init ang mukha ko. Sa init ay tinakpan ko na lamang ito. Hinawakan niya ang mga kamay kong pinangtakip ko sa aking mukha. Natatawa niya itong tinanggal kaya iniwas ko na lang ang aking mukha sa kanya.

“What I mean is their feelings, Zamiel!” giit ko.
He gave another bark of laugher while holding my hand. “They don’t have feelings for me. Don’t worry, it’s always a mutual understanding on that part. Kung gusto nilang gamitin ako sa gusto ko ring paraan, with no feelings involved, then I’ll be glad to oblige.”

Oh how I wish he is a one-girlfriend-at-a-time kind of man… pero hindi. He’s a lethal and ruthless playboy… I wonder if there will ever be a salvation for men like him.

“Bakit ba ito ang gusto mong pag-usapan nating dalawa? Let’s leave it all behind now and look forward to our future together.”

Wow! Future together!? Wala sa mukha niya ang pagseseryoso, huh? Wala sa itsura niya na mahalaga pala sa kanya ang pagpapakasal at pamilya. I wonder if this will last? Well, I shouldn’t waste my time thinking about that.

Nagpatuloy na lang ako sa pagpatong ulit ng buhangin sa aming ginagawa. Ang mga gilid ay nahukayan na ng medyo malalim para lang magawa namin itong nagmistulang cake sa aming gilid.

“Besides, my experiences will be of great use to you. Isipin mo na lang na naghanda ako para sa’yo…” patuya niyang sinabi.
“Oh, here we go again!” I rolled my eyes.
“Ikaw, hindi mo na kailangang maghanda sa parteng iyan. Instead, you should learn how to take care of me, properly.”
“Oh yeah?” hamon ko.
“Yes! Because I know how to take care of you… samantalang ikaw, you haven’t been with a boyfriend, right?”
“If you’re telling me I should learn to cook and clean the house, Zamiel, ikaw din dapat. Isa pa, are you going to marry me so you could have a personal maid?”
“Of course not. We will have househelpers. And I know how to cook and clean the house, Daniella. Ibang pag-alaga ang gusto ko galing sa’yo.” He whispered the last sentence dahilan kung bakit kami nagkatitigan.

He licked his lower lip without tearing the eye contact apart. Naiinis ako dahil hindi ko magawang titigan siya ng matagal. The heat from his body behind me is too hot to ignore. The heat from his eyes is too hot to miss, too. Bumaling ulit ako sa buhangin na para bang ito ang nagpapawi sa nararamdaman kong repleksyon ng ipinapakita niya.

It’s so unfair how he could look at me straight in the eyes without failing while I couldn’t even last for seconds.

“I will learn that eventually…” sabay tapik ko sa pangalawang palapag ng ginagawa namin sa buhangin.
“I guess you’re right,” he drawled lazily before he participated again in creating our little sand castle.

Huminga ako ng malalim at inayos pa ang mga bagong buhanging ipinatong niya.

“I guess I just can’t wait…” he whispered.

Bahagya akong natigilan. Gusto kong isipin na may malisya ang sinabi niya. Gusto kong isipin na iba ang ibig sabihin. But even when I think about it that way, I can’t help but be stunned… a bit.

Para maiba ang usapan ay nilingon ko ang hukay namin sa gilid. Habang tumatagal ay mas lalo itong mahirap hukayin. Kaya niya pero kapag ako ang gagawa ay halos wala na akong mahukay pa. Siguro lupa na kalaunan? O mga bato? Hindi ako sigurado. But he keeps on digging it without hesitation just so we could put more sand on our castle.

“That’s enough. This castle is fine,” sabi ko.
“We can make it bigger.”

Nilingon ko siya. Seryoso siya, walang bahid ng humor o ano man sa mukha.

“Kuntento na ako d’yan. Mahirap na ring hukayin ang buhangin.”
“I can still do it but… if you wanna stop, then we will…”

Tinulak ko ang pinaghirapan naming sand castle sa tila wormhole nitong gilid. Kahit nakita niya ang ginagawa ko ay hindi siya sumali sa paggiba ng kastilyong buhangin. Hinayaan niya akong sirain ko iyon at ibalik sa hinukayang butas.

“Umuwi na tayo?” anyaya ko nang nakuntento na sa ginawa.

I looked at him again while he is watching me with those lazy and brooding eyes. Tumango siya at naunang tumayo. He held out his hand for me. Tinanggap ko ito at inangat niya ako.

Hindi yata ako kailanman masasanay. Noong inangat niya muli ako para makasakay sa kabayo ay napasigaw ako sa kaba at sa biglaang ginawa niya. Panay ang pananakit ko sa braso niyang nanatili parin sa aking hita pagkabalik. He didn’t flinch at my slaps. Kaya naman nang napansin ang magaang latag ng kanyang balahibo sa bisig ay iyon na ang pinagdiskitahan ko.

I curled it with my finger and slightly pulled it. He groaned painfully dahilan kung bakit agad akong nagsisi at naguilty.

Pero nang nilingon ko siya na tila nagdadrama lang sa sakit ay nagsisi naman ako sa pagkakaguilty.

“You’re so violent. Paano na lang ako nito sa magdadaang taon sa atin?” he groaned again in “pain”.
“You’re a bad actor!” sabi ko.
“It’s true! I can only imagine the pain I’ll go through in the coming years.” He smirked devilishly.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang tila nangingiliting ngisi ko. Tinawanan ko na lang siya buong byahe namin pabalik sa mansyon.

Tahimik kaming dalawa pagpasok sa bulwagan. Nauna ako patungo sa loob ng dining area dahil sinalubong ako ni Petrina.

“Miss, Sir Zamiel, handa na po ang tanghalian ninyo. Kakatapos lang kumain ni Sir Kajik at nasa planta siya ngayon kasama ang mga kaibigan.”

Tahimik din kami sa pagkain. Ayaw ko ring magsalita masyado lalo na’t alam kong iisipin ng mga serbidora na puro away ang gagawin namin ni Zamiel. Parang nahihiya ako kapag binigo ko sila… o makitang nagkakasundo na kami.

Well, not that nagkakasundo na talaga kami. I still hate his guts and his crudeness. But then… I don’t know.

“Magpahinga ka muna. Later, I’ll teach you how to ride a horse,” sabi niya.

Tumango ako at sumang-ayon. Kahit hindi masyadong mainit ay sumakit parin ang ulo ko sa bahagyang pagkakabilad. A little nap would do to bring my energy back. But will he take a nap, too?

“Saan ka naman pagkatapos ng tanghalian?” tanong ko ngunit agad ding minataan si Petrina na ngayon ay napakurap-kurap.

Nakita ko rin ang pagkakatinginan ng ibang naroon. Pagbaling ko kay Zamiel ay naabutan ko rin siyang tiningnan ang mga kasambahay na tiningnan ko rin kanina.

I shifted uncomfortably on my seat. He smirked when he probably realized why I’m uncomfortable.

“I’ll be in your room?”
“What?”

Isang singhot at naubo si Petrina sa aking harapan. Nasamid yata siya sa sariling laway dahil imposible namang may nilunok siyang iba gayong nakatayo lang siya sa aming harapan.

Uminit ang pisngi ko. Zamiel laughed hoarsely making some other maids crane their necks for any commotion.

“Kidding. Bibisitahin ko ang planta. Huwag ka nang sumama dahil mainit. Matulog ka na lang at pagbalik ko, tuturuan na kita.”

Nanatili ang talim ng tingin ko dahil sa pasaring niya kanina. He smiled boyishly before drinking his water.

Kaya naman nang natapos kaming kumain at napag-isa kami ni Petrina ay iyon na ang bukambibig niya.

“Mabuti naman at nagkakaigihan na kayo ng batang don, Miss Daniela.”
Natawa ako roon. “Nagkakaigihan? Basta’t hindi na kami nagkakasagutan, yun lang ‘yon.”

Pumasok ako sa kwarto. Sumunod si Petrina para ayusin ang mga kurtina para makapagsiesta na ako. Kinuha ko ang aking sketchpad at nahiga na sa kama pagkatapos mag toothbrush. Pagod at antok ako pero ayaw kong mawala sa isipan ko ang itsura ng mga kasangkapan sa binisita naming bahay kaya iginuhit ko iyon bago umidlip.

I admit it. I am glad with the current state of our relationship. Nakakapagod makipagtalo sa kanya at nakakapigtas ng pasensya tuwing naiinis ako. Mabuti na rin na kahit nakakairita siya at ayaw ko parin sa kanya, medyo may improvement naman kami.

Nakaupo ako sa tatlong palapag na hagdan sa bulwagan, alas dos pa lamang ng hapon. Wala pa si Zamiel at ala una raw ng umalis ito patungong planta.

Nakapangalumbaba ako. Kahit na isang oras lang higit ang tulog ko ay gising na gising na ako kaya naman bumaba na ako at naupo roon.

“Anong oras po ba dumarating si Zamiel kapag pumupunta siyang planta, Kuya?” tanong ko nang may dumaang hardinero.
Luminga-linga ang mang bago ako sinagot. “Hindi ko po matukoy, Miss. Pero pwede nating ipatawagan sa planta para malaman niyang naghihintay ka na rito?”
“Ay naku! Huwag na po!” nagising ang diwa ko sa alok ni Kuya. Siyempre ayaw kong isipin niya na hinintay ko siya rito, ‘no!

Ilang singhap at buga ng hininga ko na iyon at wala parin siya. Ilang mga trabahante na rin nila ang dumadaan sa harap ko at nag-alok na tawagan ang opisina ng planta pero hindi ako pumayag.

When I heard the galloping of his horse, Alegro… at nang nilingon din ako nang naunang mga nakakita sa kanya ay tumayo na ako.

“Andito na pala siya, Miss!” deklara ng hardinero.

Akala niya siguro’y tatakbo ako patungo kay Zamiel pero nagkakamali siya. Imbes ay tumakbo ako papasok ng bahay, papasok sa dining area, at sa kitchen… kumuha ako ng pitsel ng juice sa ref kahit pa hindi naman ako uhaw.

“Ako na po, Miss,” alok ng kasambahay na naroon.
“Kaya ko naman,” sagot ko at nagsalin na ng tubig sa baso.

Mabilis ang paghabol ko sa hininga dahil sa biglaang pagsprint nang narinig si Alegro. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko tuluyang uminom ng juice.

Pagkainom ko’y siyang pagsungaw ni Zamiel sa kusina. The devilish smirk is already plastered on his face. Kamuntik na akong magaya kay Petrina, ngayon lang ay juice ang makakasamid sa akin!

“Nag-antay ka raw sa ‘kin?” mayabang niyang deklara.
“Hindi naman…” kunot noo kong sagot. “Nabagot lang ako.”

Lumapit siya sa akin. Kahit pa kababa lang ng ininom na juice ay nanuyo agad ang lalamunan ko. Ilang beses kong binalikan ng tingin ang kanyang katawang papalapit. Gusto kong tumakbo pero mamatay muna ako bago niya malamang naduduwag ako kapag lumalapit siya.

Though for sure my face is a give away… I can feel it heating up from my cheeks down to my neck. Shit!

Tumayo siya sa gilid ko. Ako, nakaharap sa granite nook kung nasaan ang pitsel at baso na pinangalahatian ko. Siya ay nakaharap sa akin at tila nanghihimasok na naman sa personal space ko.

Hindi ko siya nilingon. Diretso ang tingin ko habang inaangat muli ang baso para makapagkunwaring iinom muli.

“Sorry,” he said before snatching the half glass of juice.

Napatingin ako sa kanya. Sinimangot ko ang aking mukha para hindi niya makita ang nararamdaman ko ngayon.

“Your entertainment is my responsibility as your husband.”

Inubos niya ang juice ko at nilapag sa harap ang baso.

“Hanggang alas tres ako minsan sa planta, unless there’s a problem. Call the office if you want me home, already.”
“I can’t do that!” giit ko.
“You can. You’re my wife, Daniella. I’ll do everything you want.”

Ngumuso ako at bahagyang nagkunot ang noo. Daniella… it is starting to get to me. It is starting to… annoy me.

“Let’s go. I’ll teach you how to ride a horse…”

Hinila niya ako palabas doon at nagpatianod na lamang ako. And the remaining days of that week was spent that way only in a different circumstance. Everytime he calls me using Daniella’s name, it would get to me. Parang may inuusig ang pangalang iyon sa akin dahilan ng panandalian kong pagkakatulala minsan kahit pa magkasama kami.

I am a slow learner when it comes to anything involving the body. Salungat sa kay Zamiel na tila laging puno ng lakas at kakisigan. His energy and vigor is new to me. Simpleng galaw niya’y nasstress ako sa bilis at gaspang. It’s like noise to my calm soul… like storm to my serene mind… and tragedy to my peacful heart.

Napabangon ako galing sa pagkakahiga sa bathtub. Bigla kasing tumunog ang aking cellphone… para sa isang tawag na hindi ko inasahan sa gabing iyon.

Pinahid ko sa tuwalya ang aking kamay nang nakita ang pangalan ni Daniella sa screen. I clicked it to answer the call.

“Daniella…” sabi ko sa kabilang linya, kinakabahan.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.