What Lies Beneath The Sand – Kabanata 6

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath The Sand – Kabanata 6

Kabanata 6
Old

Gusto kong bumalik. Hindi ako makapaniwalang wala si Zamiel doon gayong inasahan kong naroon nga siya.

Lumiliit na ang isla habang lumalayo kami. Nilingon ko si Kajik na ngayon ay katawanan na ang mga kaibigan niya. Ayokong sumalida para lang hingin na pabalikin na ako sa mansyon. But then, how do I explain this to Zamiel?

Nag-ikot ako, refusing to believe that he really is not around. Nagtatawanan at nag-iinuman ang mga kaibigan ni Kajik. Tumigil ang yate hindi kalayuan sa isang maliit na isla. Kung wala lang akong problema ay inabala ko na ang sarili ko sa kakatingin doon pero I’m really bothered.

“Let’s swim?”

Napaigtad ako sa biglaang pagsasalita ni Peter sa gilid ko. He’s all smiles and topless, ready for a dip. Nagtatalunan na rin ang mga kaibigan ni Kajik sa malalim na dagat habang tumigil ang yate roon.

“Hindi ako marunong,” sagot kong wala sa sarili.

Tinuro ni Peter ang kulay orange na salbabida sa dagat. May lubid iyong nakakonekta at nakatali sa yate kaya kung sakaling sasakay doon ay hindi rin lalayo o mawawala. It is tempting, actually. Kung wala lang akong ibang problema ay ginawa ko na. I know I won’t enjoy that because of what I’m thinking right now.

“Meron noon. And I won’t leave your side-”
“Peter, tara na! Huwag mo nang ayain si Daniella,” I almost blurted out a big thank you for Kajik’s interruption.
“Sorry. Wala rin kasi akong pampalit,” sabi ko kay Peter.

Tumango siya at naintindihan naman. They all jumped and had fun. Nanatili naman ako sa yate, panay ang dasal na sana ay umuwi na kami. It is very impossible so maybe I should just pray for Zamiel’s nerve. Sana naman hindi kami magtalo ulit. I don’t like him, alright. I hate him, in fact. Pero ayaw ko namang lagi kaming nagtatalo.

Gusto kong kalmahin ang sarili ko. Lalo na noong nagdaan na ang isang oras doon at hindi parin sila nagpaplano na umalis. Pakiramdam ko marami pa kaming pupuntahan at mas matatagalan pa.

I suddenly wish I had his number just so I could text him. Hindi na iyon kailangan dahil nakatira naman kami sa iisang bahay pero sa mga panahong ganito…

Napawi ang kaba ko nang umandar ang yate. Pero nang narinig ko na lilipat lang sa tanawin ng isa pang isla ay para akong mahihimatay. Maingay sa tawanan at biruan ang lahat samantalang tahimik na akong nagpapanic.

“Ayos ka lang? Next time you should join us,” si Kajik na ngayon ay basang-basa na at kaaakyat lang sa yate.
Tumango ako. “Nag-enjoy din naman ako sa tanawin,” I lied.

Truth is, pakiramdam ko’y constipated na ako. Gustong gusto ko na talagang umapak sa buhangin at umakyat sa mansyon. I am deeply bothered. Hindi ako mapakali at makapagrelax.

Even with the relaxing view in front, the setting sun looking like embers on fire, hindi ko parin makuha ang payapang pag-iisip. Kahit pa anong kumbinsi ko na ayos lang iyon at kapag mag-eexplain ako’y maiintindihan naman siguro ako ni Zamiel.

“Nagpahanda ako ng barbecue sa bakuran. Doon na tayo mag dinner!” anunsyo ni Kajik dahilan kung bakit naghiyawan ang mga kaibigan niya.

Hinawakan ko ang bakal na railings at dinama ang hangin. I really want to go back now, ayaw ko lang magpaimportante at irequest iyon mismo kay Kajik. Pakiramdam ko pa namang kapag iniisip niyang namomroblema ako dahil doon, ako pa ang magiging dahilan ng pagbalik namin ng wala sa oras.

“You okay? Sea sick?” si Peter na may dalang beer ang lumapit sa akin.
Umiling ako. I probably look very constipated para isipin niyang sea sick ako.
“Mag enjoy ka! Want some beer?”

Ipinakita niya ang kanyang dala at agad na umamba na kukuha ng isa pa para sa akin. Agad ko siyang pinigilan at inilingan.

“Huwag na…”

Mamaya kapag naamoy ako ni Zamiel na uminom ay madagdagan lang ang galit niya sa akin. I remember his reaction when I had one shot of their drink days ago. Ayokong lumala pa lalo ang galit niya sa akin pag balik.

“Bakit? Hindi mo pa na tatry o hindi mo gusto? May matamis na beer roon,” anito.
Umiling ako. “Ayos lang ako. Huwag na.”

We had a little chat while the yacht sailed back. Hindi ko mapalalim ang topic namin. Puro oo, hindi, at siguro lang ang naisasagot ko kay Peter dahil masyado akong okupado sa mangyayari.

Para akong nabunutan ng tinik nang lumipat na kami sa maliliit na bangka dahil tumigil na ang yate at pabalik na kami. Only a little light from the setting sun is lighting our way. The waves and the ocean looks scary in the dark but I’m too scared of Zamiel’s reaction to even care.

“Gutom na ako!” one of the girls said nang nakaapak na kami sa buhangin.

Inunahan ko sila sa pag-akyat. Kinabahan agad ako. Madilim na at siguradong kanina pa siya nag-aantay sa akin. Hindi ko aasahan na tuloy kami sa lakad namin dahil gabi na, pero inasahan kong nasa kuwadra siya gaya ng lagi kong nakikita.

And yes, he was there! He was squatting and feeding the pony. Nang namataan niya ako’y tumayo siya at inabala ang sarili sa lubid. Palapit na ako sa kanya at lubusan na ang kaba nang bigla siyang tumalikod at dumiretso sa bulwagan.

Nalaglag ang panga ko at natigil ako sa paglalakad. Sinundan ko siya ng tingin habang sa likod ko ay ang kadarating lang na mga kaibigan ni Kajik.

“Zamiel! Hindi ka sumama! Ang saya kaya namin!” sabay kapit noong isang babae sa braso ni Zamiel.

Natigil si Zamiel sa paglalakad dahil sa ginawa ng babae.

“I’m busy,” sagot niya.
“E ‘di sumama ka na lang samin ngayon sa pagbabarbecue?”
“I have things to do. Enjoy yourselves…” anito.
“Oh! What has happened to you, Zamiel? Simula ata noong engaged ka na, lagi ka nang hindi sumasama.”

He smirked. Napakurap-kurap ako. Hinila ako ni Kajik patungo sa harap ng mansyon dahilan kung bakit hindi ko na narinig pa ang sinagot ni Zamiel sa mga babae.

“Marunong ka bang mag barbecue!?” tanong ni Kajik sa interesadong tono.

I really hate to disappoint people. I don’t want to reject Kajik’s interesting offers pero may kasalanan talaga ako.

“Halika! Magbarbecue tayo!” anyaya ni Kajik sabay turo sa isang parihabang barbecue grill.

Lumapit na ang mga kaibigan ni Kajik doon. Kajik is smiling at me, expecting me to be hyped up but I had to tell him something.

“I can’t join you for tonight,” sabi ko.
Tumigil siya sa paglalakad at nagtaas ng kilay. “Bakit?”
“I have things to do,” palusot ko.
“Oh! Ayos lang. May hapunan naman sigurong niluto but if you’re done with the things you need to do, you can always join us here.”
“Okay. Thank you. Papasok na ako.”

Nagpaalam na rin ako sa iilang kaibigan niya. They all expressed their disappointments but I’m really determined to go back to the mansion, kahit pa hindi ko naman talaga alam kung paano ko sisimulan iyon.

Sinalubong ako ni Petrina ng mga tanong pagkapasok ko sa bulwagan.

“Miss, hindi ka ba sasali sa barbecue party nila? May hapunan naman na handa pero inisip kong sasali ka roon, lalabas na sana ako.”
“Hindi na, Petrina. Handa na ba ang hapunan?” tanong ko.
“Opo, Miss.”

Sumunod si Petrina sa akin patungo sa dining area. Dire-diretso ang lakad ko kahit pa hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin ko kay Zamiel. Bahagya lang bumagal ang lakad ko nang naroon na sa pintuan at nakikita ko na ang likod niya. Nakaupo siya sa kabisera at sa tapat ay ang hapag.

Dumiretso ako sa kanang upuan, kung saan ako madalas umuupo kapag siya ang nasa kabisera. Hinila ko ang upuan at naupo na roon. Nanatili ang mga mata ni Zamiel sa pagkain samantalang nakatingin naman ako sa kanya.

Suminghap ako at tumuwid sa pagkakaupo. Kumuha ako ng ulam, bilang distraction para makapag-isip ako saglit kung paano ko sisimulan ito.

“Ba’t ‘di ka na lang doon kumain kasama sila?” naunahan niya ako.

Sumulyap ako sa kanya. He acknowledged my look with a cruel smile.

“I’m sorry. Akala ko kasama ka sa yate.”

Bumalatay sa kanyang mukha ang iritasyon. Umiwas ang mga mata niya kahit pa nakatitig parin ako. It was like he’s telling me my explanation isn’t enough.

“Uh… Did you wait?”

I immediately regret my question. Lalo na noong nag-angat siya ng titig sa akin. He sneered at my question.

“What do you think?”
“We can do it… uh… some other day, when you’re free…”
“When I’m free? Do I look busy to you? Ikaw, when are you free?”
“Uh… pwedeng bukas-”
“Sigurado ka na ba riyan? I don’t want to wait while you’re hanging out with Kajik and your other men.”

Oh my gosh? We’re doing this again?

“I thought you were there!” mariin kong sinabi pero hindi na siya sumagot. Nagpatuloy lang siya sa pagkain.

Naalala ko tuloy na ayaw niyang nagtatalo kami habang kumakain. Siya naman ang nauna, ah? Tinapunan niya ako ng matalim na tingin, ganoon din ako sa kanya.

Nagsinghapan ang mga naroong serbidora. Natanaw ko rin ang sulyap ni Petrina sa amin bago ako nagpatuloy na lang sa pagkain.

Ilang subo ay umingay ang dining area sa yapak ni Kajik at sa mga anyaya niya.

“Dito pala kayo kumakaing dalawa! May barbecue kami sa labas! Sama ka, Kuya?”

Tumingin ako kay Zamiel. His eyes met mine, as well. Hindi niya ako nilubayan kahit noong sinagot niya ang kapatid.

“Hindi na,” he said without tearing out eye contact.
“Ikaw, Daniella? Let’s go! We have enough for everyone.”
I smiled. “Busog na ako rito, Kajik. Okay na ako. Kayo na lang muna.”
“Oh! Too bad.” Pagkatapos ng sinabi ni Kajik ay nagtawag na siya ng kasambahay at nag-utos na ng kung anu-ano.

Nagpatuloy kami sa pagkain. Tahimik siya kaya tahimik din ako. I’d rather not talk. I know he’s short tempered at baka magsigawan lang kami kapag pinahaba ko pa ang usapan.

Sa sobrang tahimik ay naging awkward na. Mas nadepina ang halinghing ng mga serbidora na paniguradong nag-aabang sa away naming dalawa.

“Bukas ng umaga, pagkatapos nating mag-almusal, pupuntahan natin ang tinutukoy ko,” aniya nang patapos na kaming kumain. “Petrina…”
“Po!” agarang tugon ni Petrina.
“Siguraduhin mong ‘di makakalimutan ni Daniella ang usapan namin. Huwag mong hintayin na ako ang magpaalala sa kanya,” he said with a dangerous tone.
“Opo!”

I’m happy that it turned out well. Kahit pa iniisip kong baka hindi kami tuluyang nag-away dahil pinipigilan niya dahil lang nasa harap kami ng mga pagkain at mga kasambahay.

Gusto kong tingnan kung naroon ba siya sa bakuran pagkatapos kumain. Baka nakisali sa siya sa mga iyon pero hindi ko na ginawa. Imbes ay dumiretso na lang ako sa kwarto ko para dumungaw sa bintana.

Ilang sandali akong tumitig sa mga naroon bago ko nakumpirma na wala si Zamiel doon. Dumungaw din si Petrina sa bintana nang nakitang panay ang dungaw ko. Halos maihulog ko na ang sarili ko sa kakatingin.

“Sinong tinitingnan mo, Miss?”

Mabilis akong bumalik sa kwarto at tiningnan ng masama ang nakatokang kasambahay sa akin. She usually tucks me in my bed. Naisip ko tuloy na kung may babaeng kapatid o pinsan si Zamiel ay paniguradong may laging kasamang kasambahay din.

“Galit na galit si Sir Zamiel kanina. Hindi ka pala sumipot sa usapan n’yo kaya siya nagalit?”

Naupo ako sa aking kama at nagsimulang magsuklay ng buhok. I’m done with my night bath and I’m preparing to sleep. Hinihintay na lang siguro nitong si Petrina ang pagtulog ko.

“Anong ginawa niya?” tanong ko.
“Pinahanap ka niya sa buong mansyon. Pinagalitan niya nga si Mang Kardo, iyong bangkero, dahil siya ang nagbalita na sumama ka kina Si Kajik. Buti ‘di kayo nagkasigawan ulit, Miss. Akala namin nina Frida na magkakasigawan kayo sa hapag kanina, e!”
“Frida?” kunot noo kong tanong.
Ngumisi si Petrina. “Ah! Iyong kasambahay din na nandoon sa hapag kanina.”
“Akala ko kasi sumama siya roon sa mga babaeng nasa yate kaya…”
“Ay naku, Miss! Hindi po ganyan si Sir Zamiel!” Malapad ang ngisi ni Petrina.

Nanliit ang mga mata ko. Alam kong nagsisinungaling siya. Napawi ang ngiti niya nang siguro’y napagtantong hindi niya ako maloloko rito.

“Ayos lang sana kung hindi ko nakita ang abilidad niya sa babae. I know he’s a playboy, Petrina. No need to hide it from me and blame it on those girls.”
Hilaw na ngumisi si Petrina. “Pero Miss, base sa mga pagtatalo ninyo ni Sir, parang may nararamdaman akong kakaiba. Hindi siya ganyan sa mga babae niya, e. Wala siyang pakealam sa mga iyon.”

Nanliit ulit ang mga mata ko. I wonder if she’s told to feed me this.

“Pa iba-iba pa! Kahit sa Maynila, Miss. Pampalipas oras lang yata ang mga babae sa kanya.”
“Tsss. Tigilan mo ‘ko, Petrina. Sinasabi mo sa aking iba ang turing niya sa akin sa mga naging babae niya? Of course. Maybe because I’m new to him. Or he hasn’t win me yet.”

Nasisiguro ko iyon. Humans and their tendencies… it is always certain that once we all get used to something, we’d want more or something else.

“Hindi, Miss. Ang sinasabi ko, kahit na ganyan si Sir, alam kong seryoso siya sa pag-aasawa. Siguro nga naglalaro ‘yan ng babae dahil alam niya na irereto rin siya sa huli. At ikaw iyon!”

Huminga ako ng malalim at sinulyapan na lamang ang aking cellphone. Aside from messages from some of my friends, wala nang iba pa roon kahit galing kay Daniella.

Humiga ako sa aking kama at nilingon si Petrina. I smiled at her while she nodded and grinned back. I suddenly wonder, paano kung malaman nila na hindi ako si Daniella? Paano kung malaman ni Petrina? Ni Kajik? Ni Senyora? Ni… Zamiel?

Maaga akong ginising ni Petrina sa sumunod na araw. Binuksan niya ang kurtina ng mga bintana para maarawan ang aking silid. Nagtungo naman ako sa banyo kahit sobrang antok pa.

I love searching about Architects and their works in Google. Pakiramdam ko nakakapaglakbay ako kung saan-saan dahil sa internet. But nothing will ever beat seeing it live in front of my eyes so this means so much to me.

Pagkatapos maligo ay bumaba na ako. Ang sabi’y tulog pa si Kajik dahil matagal silang natapos kagabi kaya si Zamiel na naman ang kasama ko sa hapag.

Like our usual dines, the awkward silence filled the air. Tanging ang mga kubyertos lamang ang naririnig.

Miminsan ay sumusulyap siya sa akin. Napapatingin din ako sa kanya.

“You can’t ride a horse till the Hidalgo’s…” paunang sabi niya.
“Akala ko ba tuturuan mo ako?”
One perfect brow shot up. “You can’t be good at that immediately.”

Well, I can’t help but note that he’s right. Bukod sa hindi pa ako nakakasakay ng kabayo kailanman, hindi pa ako sigurado sa balanse ko kaya mas mabuti na ring hindi ganoon.

Bumalik ako sa kwarto para maghanda. Siya’y dumiretso sa labas, siguro sa kuwadra. Pagkatapos kong maghanda ay lumabas na rin ako ng mansyon.

I saw him at the stables petting the dark brown horse he rode on the first time I saw him. Nilingon niya ako at lumigid agad ang mga mata niya sa suot ko.

I’m wearing my usual sandals and a white spaghetti dress. His dark eyes narrowed. Agad akong napatingin sa suot ko dahil may ipinapaghiwatig ang titig niya.

“You’re wearing that?”
“What’s your problem with my dress?”

He licked his lips slowly before he answered. Mamulamula ang kanyang labi nang sumagot.

“Sasakay tayo kay Alegro. Wala ka bang ibang damit?”
“I thought we won’t go horseback?” giit ko.

Umikot ang mga mata niya tila nawawalan ng pasensya sa argumento ko. Naglahad na lamang siya ng kamay at hindi na nagtanong pa tungkol sa aking damit.

Tiningnan ko ang kabayo. The massive brown horse is tall and proud in front of me. Normally, ayaw kong sinasakyan ang mga hayop pero ang makita ang kabayong ito sa harap ko na handa at tila bakal ay tinanggap ko na. But wait… I’ll have to part my knees for its back, right?

Nag-aalinlangan akong tumingin kay Zamiel. His mouth twisted in amusement. Bumundol ang kaba sa aking dibdib sa takot sa pagsakay.

He groaned when he realized I won’t put my hand on his. Dalawang kamay ang pinasikop niya sa aking magkabilang baywang. He could span my waist with just his hands. Napatili ako at napahawak sa braso niya nang inangat niya ako sa kabayo!

“Oh my gosh!?” protesta ko nang nasa ibabaw na ng kabayo.

He chuckled. Nag-init ang mukha ko sa takot at kahihiyan. Hindi ko mabitiwan ang kamay niyang naroon.

“Baka mahulog ako, Zamiel!?”
“Relax. Alegro’s used to this.”

Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan niya iyon. Kapit na kapit ako sa kamay niya. Lalo na’t hindi ko makuha ang balanse ko dahil nakasampa akong patagilid. Hindi parte ang mga binti at hindi sa harap nakatingin.

In a swift motion, sumampang mag-isa si Zamiel sa kabayo. The horse moved a bit making me shriek again. Ang mga ibon sa mga puno ay nagsiliparan sa ingay ng sigaw ko.

“Oh… Damn!” he said with so much amusement.
“Sabi mo hindi tayo sasakay ng kabayo!” naiiyak kong sinabi nang gumalaw pa ulit ang aming sinasakyan.

Pilit ko siyang nilingon. His menacing smirk is plastered on his face. Kinuha niya ang lubid upang maniubrahin ang kabayo habang hawak parin ng kanang kamay niya ang kamay ko.

Nakita ko ang iilang trabahante na nag-aalala na rin sa mga sigaw ko. Zamiel’s just there laughing like a frigging idiot behind me.

“Alis na kami,” paalam niya sa mga ito habang unti-unti nang napalapit ang kabayo sa gate.

Binuksan ng gwardya ang gate. Nakalabas na kami at mas lalong naging lubak ang daanan kaya mas lalong pakiramdam ko’y mahuhulog na ako.

“Zamiel!” panay ang tawag ko. “Mahuhulog na ako!”

Binaba niya ang magkahawak na kamay namin. Pinirmi niya ito sa aking hita para pigilan ako sa pagkakahulog o sa ano mang ilusyon kong ganoon.

“Don’t worry, you won’t fall,” he said with so much amusement.

Ni hindi na mahalaga sa akin kung saan kami dumaan. Mas concern ako sa posisyon ko at sa takot kong mahulog!

He manuevered the rope a bit making the horse gallop faster. What the hell?

Mas lalong hinigpitan ni Zamiel ang pagkakahawak sa akin. Binitiwan niya ang kamay ko kaya kumapit na lamang ako sa braso niya. His arms corded as the horse galloped faster.

“Ano ba! Zamiel, tumigil ka nga!” iritado kong sinabi.
He chuckled again. “If I had known we’d get closer like this, I would’ve done this the first day…” he whispered.

Sinipat ko siya ng matalim na tingin. He gave me an intriguing grimace. Binaba ko ang tingin ko sa kanyang braso na nanatili roon sa aking hita. Oh, damn him! Tsansing pa!

“Get your arm off me!” sabi ko.
“You’ll fall kung hindi ko gagawin ‘to,” nangingiti na siya.

Umirap ako.

“Ugh! Zamiel! We can just walk, alright?”

Tinanggal niya ang braso niya sa hita ko. Naramdaman ko agad ang takot dahil sa walang kasiguraduhang pagkakaupo ko roon. Kumapit muli ako sa braso niya at ako na mismo ang nagbalik noon doon!

“See?” he said cockily.

Nagpupuyos ako sa iritasyon habang sakay sa kabayo. Hininaan niya na ang talon nito pero hinayaan ko na lang din ang braso niya sa hita ko.

“You pervert!” akusa ko sa kanya.
Humagalpak siya. “I didn’t touch you anywhere private…”
“My thighs are private, for your information.”
“Well, that’s right! They are…” bulong niya.

Hindi ko na magawang umusod pa kahit noong inilapit niya na ang labi niya sa akin.

“Sa akin, hindi. I’m your husband-”
“Future husband! Hindi pa tayo kasal kaya hindi pa!”
“Wanna move our wedding date this month? Hmm?”

Laglag panga ko siyang nilingon. His lazy eyes and disarming smile made me shake my head in disbelief.

“Shut up!”

Gusto kong magalit pero wala naman sa lugar. Kung magpumilit akong kumawala sa kanya ay baka kung ano pang mangyari sa akin. Mahulog pa ako rito. And he’s enjoying this so much… I know because he can’t stop himself from smiling.

“Medyo distansya pa… So… shall we talk more?”
“Whatever, Zamiel.”

Tss. He’s enjoying this very much. Damn him!

“Did you enjoy the yacht?” tanong niya.

Did I enjoy the yacht? Actually hindi. But I’d rather die than tell him that. For sure he’ll hold it against me and my decisions. Baka nga magyabang pa siya na dapat sumama na lang ako sa kanya kahapon kesa roon.

“Ayos lang. I’ve never been to a yacht before.”
“We can have it for our honeymoon. Do you wanna sail?”

Biglang nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. He’s looking forward to our wedding samantalang…

“Uh… Pwede rin.”
“Why? Do you have a place in mind for our honeymoon?” he whispered lethally.
Tinapunan ko siya ng matalim na tingin. “I don’t think about that much, Zamiel. Ikaw na lang ang mag-isip, tutal ay ikaw naman itong maraming karanasan.”
“You’re lucky I know how to please a lady. Hindi ako magkukulang sa’yo sa parteng ‘yan ng pagsasama natin.”

This man. I can’t believe him. Kung paano napunta sa makamundo ang usapan naming dalawa ay hindi ko na pinagtataka. The first time we met, he asked me if I’m virgin. Ngayon ito ang pinag-uusapan namin?

“So are you telling me na magkukulang ako sa’yo dahil wala akong karanasan? You’re just justifying all your sexploits.”

He laughed so hard I could feel him shaking behind me. Ngumuso ako para magpigil ng ngiti.

“Hindi mo na kailangan ng karanasan. I’ll provide you the experience, Daniella. You won’t need another men.”

Umirap na lamang ako. Zamiel Mercadejas, very territorial and jealous. Pwede raw siyang mambabae pero ang kabiyak, hindi. Hay naku.

Bumagal ang takbo ng kabayo. Isang haliging napapaligiran ng baging ang nakita ko. A tall rustic brass gate is standing in between the walls covered with thick vines.

“Eto na ba ‘yon?” tanong ko, binalewala ang panunuya niya kanina.

Dumaan kami sa parteng gubat sa kanang bahagi ng mansyon. At sa dulo pala niyon ay ang ganitong klaseng bahay. In front of the rustic gate is a bumpy road to the highway.

Hindi ko na matanggal ang titig ko sa makalumang gate. I expected the whole house to be basque-inspired and I was right. Sa gate palang nito ay alam ko ng ganoon nga.

Bumaba si Zamiel sa kabayo. Naglahad siya ng kamay sa akin. Ipinatong ko ang kamay ko sa kanya pero sa huli, mukhang hindi siya kuntento, hinawakan niya muli ako sa baywang at walang kahiraphirap na binaba. I glared at him for doing that again. He only sneered and turned to the house.

“Ito pinakamatandang mansyon dito sa Costa Leona. It’s been renovated many times so I can’t say V.A. Hidalgo is the sole designer of it. Probably his father or whoever from their family.”

Tumapat ako sa gate nila. May kadena roon at sa gitna ay isang malaking kandado. Although seeing the whole house of a celebrated Architect is enough from here, iba parin ang makita iyon ng malapitan.

“Their ancestors designed our mansion, too,” ani Zamiel sa aking likod.

Tumango ako. That explains it.

The glory of this house is still there despite its unmaintained state. Mas malaki ang mansion ng mga Mercadejas pero hindi maipagkakailang mas mahiwaga ang isang ito. The walls are probably bricks and hardwood. The roof is in deep red. May dalawang mukhang tore sa magkabilang panig ng bahay. I wonder what it looks like in front of the sea?

Lumapit si Zamiel sa gate. Namilog ang mga mata ko nang nakitang walang kahirap-hirap niyang binuksan ang kandado.

“What are you doing?” I hissed. Natatakot akong may tao sa loob kahit mukhang wala. Natatakot din akong maakusahan pa ako ng trespassing dito.
“Let’s go inside.”
“Pano ‘yong nakatira?”
“Walang nakatira rito. The heirs are gone.”

Kumunot ang noo ko. The brass croaked at his forceful entrance. Gusto ko siyang pigilan ngunit huli na ang lahat.

Ang hanggang tuhod na talahib ay makapal. Ang nakapalibot na mga halamang matatayog na at makakapal na dahil sa hindi pagkakamaintain ay nagpadagdag pa sa hiwaga.

I can imagine a beast living inside of the mansion. Lalo na noong nakita ko ang mga letra at salitang halos ‘di mabasa na nakaukit sa mga dingding nito.

Zamiel walked towards the house’s window, tila ba alam na alam niya na rito. Kahit na walang tao ay umiihip parin ang hangin sa maputing kurtina na nasa bintana nito.

Tumingala ako para tingnan ang maingat at magulong disenyo ng mga tore at ng mga dingding.

Hinawakan ko ang barandilya ng terasa sa bahay na iyon. The old furniture made of ironwood is still standing proudly on its balcony. Ultimo ang silya at ang bilugang lamesa ay detalyado ang pagkakagawa. I’m pretty sure that it was made by the famous celebrated architect.

Sa sobrang pagkakamangha ko sa buong mansyon, hindi ko na namalayan na nakapamulsa si Zamiel na nakatingin sa akin. Mouth protruding, gaze maliscious, naputol ang aking isipan. He swallowed hard before uttering a question that shook me.

“How old are you again?” the gruffness in his voice resounded.

Isang malakas na pintig ang ginawa ng aking puso at hindi na nasundan. Pakiramdam ko ay namatay na ito sa kaba.

May nakita ba siyang nagsasabing hindi ako ang sinasabi kong ako?

“I-I’m eighteen…” nanginig ang tinig ko.

Umihip ang hangin. Ang tanging narinig ko ay ang mga dahong nakikiisa sa direksyon nito. Iniwas ko ang tingin ko at nagkunwaring inabala ang sarili ko sa mga kasangkapang naroon.

“You look like a child to me…” wika niya.
I smiled… and hoped that my smile did not give any hint about the lies I’m telling him.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.