What Lies Beneath The Sand – Kabanata 5

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath The Sand – Kabanata 5

Kabanata 5
Conversation

“Habang nasa banyo ka kanina, Miss, nagpapatanong si sir Kajik kung sasama ka ba sa kanila.”

Umaga ng sumunod na araw ay naroon na si Petrina sa kwarto para magligpit at tumulong na rin doon.

Kagabi, habang naghahapunan kami’y sinabi ni Senyora Domitilla na tutulak sila ni Ivo pa-Maynila para puntahan ang matandang Senyor. Bababa na ako para makapagpaalam natagalan lang sa sinabi ni Petrina sa akin.

“Huh? Saan ba pupunta?” tanong ko.
“Aalis kasi si Senyora at Ivo. Ihahatid nila at sasama rin sila sa Caticlan kaya mamamasyal na rin siguro. Nasa sala pa naman si Sir Kajik kasama ang iilang kaibigan.”

Tumango ako at bumaba na. Nakakahiya na tinanghali pa ako ng gising ngayon sa alis ni Ivo at Senyora Domitilla. Mabuti na lang at nang nasa hagdanan ako’y naroon pa si Ivo, Kajik, at ang mga lalaking kaibigan nila.

Pababa ako ay binabati na nila ako. Ngumiti ako sa kanila at nang tuluyang nakababa ay nagsimula na si Kajik.

“Sasama ka ba? Ayaw sumama ni Kuya. ‘Tsaka kagigising niya lang din.”
“Sumama ka na, Daniella,” si Peter na ngiting-ngiti sa akin ngayon. “Sigurado akong ‘di ka pa nakakapamasyal doon.”

Hindi pa ako nakakasagot ay napatingala na sila kay Senyora Domitilla na dala dala ang mga gamit. Nakabuntot ang dalawang bodyguard o driver at dalawa pang babaeng kasambahay.

“Aalis na kami ni Ivo, Daniella. I hope you enjoy it here. Uuwi rin naman agad kami, siguro ay bago magkatapusan.”

Nang nagtapat ay nagbeso si Senyora sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.

“Just call me whenever you need anything, hija. Hindi naman kami magtatagal sa Maynila. And besides, Zamiel is here to accompany you.”

Tumango ako. Bago ko pa mabati si Senyora ay narinig na namin ang mga hakbang galing sa hagdanan. Zamiel in his usual t-shirt, maong, and boots came down. Basa pa ang buhok nito at amoy na amoy ko pa ang aftershave at ang panlalaking pabango. Tumuwid ako sa pagkakatayo lalo na nang nailigid niya ang tingin niya sa banda ko.

“Zamiel, good morning!” si Senyora nang nakita ang kabababang apo.
“Good morning. Ingat po kayo sa byahe,” si Zamiel sabay halik sa pisngi ng matanda.
“Hindi ka ba talaga sasama?” si Kajik sa kanyang kapatid. “Isasama na namin si Daniella.”
“Hindi na,” sagot ni Zamiel.

Hindi pa nga ako nakakasagot sa alok ni Kajik ay may konklusyon na agad siya. It is tempting to come and go with them but for some reason, pagod pa ako sa sobrang interaksyon kahapon at gusto ko ng tahimik na araw lang para sa ngayon. Nasisiguro ko pa namang kasama nila ang mga kaibigang babae, which I don’t like very much.

“Kajik, huwag mo nang isama si Daniella. Dito na lang sila ni Zamiel sa bahay. Kayo na lang ng mga kaibigan mo ang mamasyal,” pigil ni Senyora.

Umawang ang bibig ko. Gusto kong magsalita ngunit hindi ko rin naman alam ang sasabihin dahil hindi ko alam paano sasabihin kay Kajik na dito na lang ako. Pinisil ni Zamiel ang balikat ni Senyora bilang pagpapaalam na tutulak na siya sa dining area. When Senyora noticed it, she immediately turned to me.

“Samahan mo na si Zamiel sa dining area, Daniella. Kajik, kayo na lang ng mga kaibigan mo ang mamasyal.”
“S-Sige po.” I nodded then turn to Kajik. He smiled at me like it’s no big deal.

Nagpaalam na ako na pupunta nang dining area. Naabutan ko agad si Zamiel doon na pinagsisilbihan na ng mga kasambahay. Kinuha niya ang garlic rice at nilagyan niya na ang kanyang pinggan. Isang beses kaming nagkatinginan at pareho ring nag-iwas ng tingin.

Naupo ako sa gilid niya. Siya’y nasa kabisera at tahimik na kumukuha ng pagkain. Recalling what happened last night, I did not even say thank you to him. I was to nervous to be at my senses na hindi ko man lang naappreciate ang kabutihang ginawa niya.

He’s sporting a sarcastic look on his face. I don’t know if he wants to torment me for today or what. I hope not. I find the gesture yesterday better.

Tahimik kaming kumain doon. Hanggang sa narinig na naming umalis na sila, nanatili akong tahimik. Sinusulyapan ko siya paminsan ngunit hindi dumadapo ang mga mata niya sa akin.

Pailalim niya akong tiningnan nang patapos na kaming kumain. Nang natapos ako’y tumayo na siya at nagbilin na ng kung anu-ano sa kasambahay.

I honestly don’t have anything to do today. Naisip ko na lang na magsketch sa umaga. Bibisitahin ko ang bagong panganak na mga kabayo at baka mainspire din akong iguhit ang mga iyon.

Dala ang sketchpad ay dumiretso na ako sa kuwadra. Like what I’m expecting, Zamiel is there to attend to the horses. Isang batang kabayo ang naroon sa kuwadra. Napatingin ako kay Zamiel na seryosong nakatingin sa mag-inang kabayo. His jawline defined and his eyes, serious.

Nalingunan niya ako habang nakatitig sa kanya. Nagtaas siya ng kilay at unti-unting lumapit sa akin. I was curious about the pony. I want to ask him if it’s a girl or boy pero inunahan niya ako ng matabang na salita.

“What are you looking at?” he said coldly.

Napakurap-kurap ako. The corner of his mouth twisted upward in a mocking smile. Tumikhim ako. Sa gulat ko’y hindi ako nakapagsalita o ano man. Lumabas siya sa kuwadra at mayabang na pumusisyon sa harap ko. Nakahalukipkip siya at nakahilig sa haligi habang nakakainsulto akong tiningnan.

I can’t believe he’s making me uncomfortable. I have been around men and I’ve never been this uneasy and nervous before. At hindi ito nerbyos dahil may gusto ako sa kanya, nerbyos ito dahil nararamdaman kong may masama siyang binabalak.

Why I ever questioned his ability to be very dangerous is beyond me. Akala ko maayos siya kagabi. At akala ko rin na magiging maayos siya ngayon pero sa tono at itsura niya ngayon, binabawi ko na ang lahat.

“Hm.” A mocking smile escaped. “Sinabi mo na ba kay Lola ang gusto mong mangyari bago sila umalis?”

I am at lost for words. I never thought I will ever have to rebutt to him again. I guess this will really be a never ending fight between us.

“Anong ibig mong sabihin?”
“That you want my brother as husband, instead?” he said in a low and menacing tone.

Naitikom ko ang bibig ko. Here we go again. I thought the gesture yesterday was a peace offering or something. Kinabahan pa ako at nag overthink pa ako ng husto tapos ganito ang sasabihin niya kinaumagahan?

Tumitig ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala dahil inasahan kong magiging mas mabuti na siya sa akin sukat kahapon. I must say, nothing is really perfect. Everything in this world is flawed. Including this man who looks perfect.

“Kung makatitig ka, iisipin kong ako na Mercadejas ang gusto mo, hindi ang kapatid ko.” He shook his head in disappointment.

The mocking smile appeared again. Pakiramdam ko’y pinapamulahan na ako ng mukha. Is he suggesting that I’m staring at him too much? Well, maybe. Dahil hindi ako makapaniwalang nandito siya at naghahamon na naman sa harap ko.

“Ano na naman ang problema mo ngayon?”

Kinalas niya ang kanyang nakahalukipkip na kamay. Inangat niya ang kanang kamay at pinagpahinga sa haligi. He advanced so I stepped back. Nakita kong ang mga abalang trabahante sa loob ng kuwadra ay bahagyang tumingin sa amin. Pakiramdam ko’y kalaunan masasanay na sila sa away naming dalawa.

Umigting ang kanyang panga. Naramdaman ko kaagad ang matinding pagpipigil niya.

“I was here all day yesterday and you went with Kajik and his friends…” he trailed off.

Hinayaan ko siyang magsalita. Tinagilid ko ang ulo ko para makita niyang handa ko sa kung ano mang ibato niya sa akin. His eyes slipped on my neck. His jaw clenched again before he continued.

“Magkahawak kamay pala kayong naglalakad na dalawa?”

Saan niya kaya nalaman ang kwentong ito? From one of his girls who were with us or from that man, his bestfriend on horseback?

“Hinigit niya lang ako, Zamiel, kaya niya nahawakan ang kamay ko,” paliwanag ko.
He laughed mockingly. “And you like it, huh? Because you fancy him a lot. Bakit ‘di mo sabihin sa Lola na siya ang gusto mo at nang matapos na ang paghihirap mo.”

What the hell? Ayokong magalit pero nandito na naman siya at tinutulak ako sa iritasyon.

“Bakit hindi ikaw ang magsabi, huh? Tutal at mukhang miserable ka rin sa engagement na ito? Mas pakikinggan ka ng Senyora kasi apo ka niya. You should go and tell your grandma how you want out and be with your girls, too.”
“What girls? Have you seen me with other girls since…”
“I don’t need to see it, Zamiel. Nasaan si Harriet kahapon at bakit nawala siya. Hindi rin sumama sa amin kaya baka nasa kwarto mo?” iritado kong sinabi.

Nilingon niya ang mga trabahante, tila nakaramdam siya ng hiya. Hinawakan niya ang braso ko at dinala sa halamanan palayo roon kaya mas lalo lang akong nairita.

“Oh! Are you ashamed of your doings? I bet everyone here knows about your activities! Ako nga na dalawang linggo pa lang dito, alam na ang ginagawa mo? Ang mga trabahante n’yo pa kaya-”

Gigil niyang niyugyog ang aking braso. Nakita ko ang galit sa kanyang mga mata dahilan kung bakit natigil ako sa pagsasalita. I bit my lower lip as he slowly pulled me closer para makapagsalita.

“Harriet went home because I am not interested with her. Ngayon, kung gusto mo at nagdududa ka, palagyan mo ng CCTV ang kwarto ko para makita mo kung may babae ba akong dinadala roon.”
“Ba’t ko gagawin iyon? Do whatever you want to do, and let me do whatever I want to do, Zamiel!”

Mas lalong rumahas ang hawak niya sa aking braso.

“Kajik or Peter, I forbid you to hold hands with another man. Kiss another man, more so!”

Binawi ko ang braso ko sa kanya. Ang kaba ko’y abot langit na pero ang galit ay hindi matumbasan. Lalagpas yata ito kaya kaya ko pa siyang itulak.

“Anong nangyayari?” A sweet voice from a girl in front of us.

Nalingunan kong ito iyong si Harriet kahapon. Binitiwan ni Zamiel ang braso ko at bahagya akong nainstulto sa ginawa niya. Humarap lang sa amin ang babae niya, bigla siyang umayos? Ang kapal din naman talaga ng mukha niyang pagbawalan ako sa ibang lalaki samantalang siya’y parang bubuyog na palipat lipat lang ng bulaklak?

Damn him!

Nagsisi agad ako kung bakit nga ba hinayaan ko si Senyora na magdesisyon gayong pwede naman akong sumama kay Kajik sa Caticlan. Hindi pa sana ako nabadtrip ng ganito!

I want to walk out and leave them but I want to end it with the last words from me. Nilingon ko si Zamiel, his intense and brooding eyes bore into me.

“Kaya ka nagtatagal dito sa kuwadra e kasi alam mo na rito ka matatagpuan ng mga ‘yan!”

Umirap ako at umalis na roon. Nilagpasan ko si Harriet at dumiretso na ako sa kung nasaan ang duyan. Bawat hakbang ko ay mabigat at tila may galit sa mundo. Bawat hakbang ay may sinasabi akong masama kay Zamiel.

He really knows how to piss me off. Pumunta akong kuwadra para maghanap ng inspirasyon sa bagong panganak na kabayo pero binigyan niya lang ako ng sakit sa ulo.

Palayo ay naririnig ko pa ang malanding tawag at halakhak ni Harriet. Sa iritasyon ko’y nang nakarating sa duyan ay halos hilahin ko pababa ang kadena nito.

Naupo ako roon. Wala na akong naririnig sa kay Harriet pero naiimagine ko silang naglalandian na naman.

Sinubukan kong mag sketch noong batang kabayo. Inalala ko iyon at sinumulan na pero isang maling stroke ay nilukot ko na ang papel at itinapon sa nakalatag na bermuda. I’ll pick that up later once I’m done with my sketches!

Sumuko ako nang natantong wala akong magagawang maganda rito. Pinagpupulot ko ang mga nilukot na papel at nilagay na iyon sa medyo may kalayuang basurahan. Dahil ayaw ko nang makita pa ang kuwadra, bumaba ako sa dagat gamit ang mahirap na daanan sa gitna ng halamanan. Remembering my first night here, I got pissed off when I realized na rito ko naabutang naghahalikan si Zamiel at ang kanyang babae.

Dire-diretso ang baba ko sa dalampasigan. Mainit ng sikat ng araw kaya roon lang ako sa lilim ng niyog namalagi. Pwede rin naman ako sa kubo pero mas gusto ko ang natural na lilim ng puno.

Natagalan ako bago nagsimulang gumuhit. Paano ba naman kasi, nagpupuyos pa ang galit ko. Kinalma ko ang sarili ko sa pamamagitan ng panonood ng mga alon na humahampas at inaabot ang dalampasigan. The sand pliant with every harsh touch of the waves…

One stroke and I heard Petrina’s voice from above.

“Miss Daniella? Miss Daniella?”
“Petrina?” tawag ko.
“Miss, kakain na raw po kayo ng tanghalian ni Sir Zamiel.”

Umikot ang mata ko pagkatapos ay tumayo na. Hindi ko maintindihan kung bakit parehong ayaw at gusto kong tumugon sa sinabi ni Petrina. Ayaw ko dahil nasisiguro akong naroon si Harriet sa hapag. I know Zamiel wants to torment me and it will be his way to keep me annoyed. Gusto ko dahil gusto kong ipagpatuloy ang pagtatalo naming dalawa.

Habang pinapanood ko ang alon at ang buhangin, iniisip ko rin kung bakit niya patuloy na itinutulak ako sa kanyang kapatid. Kung ayaw niya sa akin, bakit niya pa magugustuhang maturuan ako kung paano maging mabuting asawa? There must be something else in his mind?

Is he jealous?

Umakyat na ako kasama si Petrina. Inaayos ko ang mga salita sa aking utak habang panay ang salita ni Petrina sa gilid ko.

“Tama nga talaga si Sir Zamiel, sabi niya nasa dalampasigan ka raw.”

Umikot muli ang mga mata ko.

“Kanina pa siya sa hapag, Miss, ayaw niyang magsimulang kumain kung wala ka. Pinahanap ka ni Aling Mercedita kaya pinaghahanap kita sa bakuran…”
“May kasama ba siya sa hapag?” tanong ko, taas noo para bawiin ang bahagyang pagbaba ng dignidad sa sariling tanong.
“Wala naman. Bakit? Meron ba dapat, Miss?”
Umiling ako at nagpatuloy.

Nakapasok ako sa bulwagan at dire-diretso na sa dining area. And just like what Petrina said, Zamiel is already seated on the same seat kaninang almusal. Ang kumpletong pagkain sa harap niya ay nagsasabi sa aking kanina pa ito naroon. Wala siyang ginalaw, kahit pa ang kanyang tubig.

He eyed me warily. His dangerous eyes a bit hooded and curious. He shifted on his seat. Naupo ako sa sariling upuan. Ang mga servers ay nasa gilid namin, tahimik gaya ng dati pa nilang ginagawa.

“Let’s eat,” Zamiel said in a lazy tone.

Sinipat ko siya. Inangat niya ang tingin ng isang beses at bumaling muli sa pagkain. Tumikhim siya at nagsimula.

“I’m sorry for all the things I said,” tahimik niyang sinabi.

Kitang-kita ko ang pagkakatinginan ng mga serbidora. Maging si Petrina ay kumunot ang noo sa narinig kay Zamiel. Hawak ko ang mga kubyertos ay hindi ko naisubo ang mga pagkain. Nilingon ko si Zamiel na ngayon ay ganoon din ang ginagawa.

“Na guilty ka?” panunuya ko sa iritasyon.

Lahat ng planong salita kanina ay napawi sa isipan ko. His jaw clenched again. Kinuha niya ang baso at uminom galing doon. Hindi niya ako sinagot. Nagpatuloy siya sa pagkain. Mas lalo akong natrigger.

“Tapos ka nang makipaglandian kaya humihingi ka ng tawad ngayon.”

I saw his eyes dart towards me like a bullet to its target. Kung nakakamatay pa ang titig ay pinaglalamayan na ako ngayon. Tumigil ako. May hangganan din naman ang panunukso ko sa kanya. And the last thing I want to do is provoke him when he’s already this dangerous.

“We’re eating, Daniella. Let’s not talk about this here.”

Kinagat ko ang labi ko at pinagpatuloy na lang ang pagkain. This is awkward and ridiculous. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain kahit pa naiirita talaga ako sa kanya.

“Umuwi na si Harriet,” hirit niya.

Nagtaas ako ng kilay at nagpatuloy sa paghihiwa ng steak na kinakain. Hindi na ako sumagot. What for?

“Anong gagawin mo ngayong hapon?”

Wow. Umeeffort na magkaroon ng conversation na maayos at matiwasay. That’s new Zarrick Amiel Mercadejas. No cursing, no insults, and no shouting. Is this the first time?

Napapaamin tuloy ako na may kasalanan din naman talaga ako kahapon. Hindi ko naman binigyan ng malisya ang paghahawak kamay namin ni Peter o ni Kajik. Only that, Zamiel thinks I am attracted to his brother.

“Sketch lang,” simple kong sagot.
“Sa dalampasigan?” tanong niya.
“O…”

Tumikhim si Petrina. Napatingin ako sa kanya at nakita kong bumalik ang diretsong tingin niya sa haligi. Napainom ako ng tubig. This is so awkward. Damn it!

“Do you really like your course? Why didn’t you pursue anything related to drawing?”

Napasinghap ako roon. Kamuntik ko nang makalimutan na ako nga pala si Daniella at ang kurso ko ay Business. Ace wants Architecture.

“We have a business to take care of,” I answered like a pro. Sasabitan ako ng medalya ni Daniella pag nalaman niyang ganito ang performance ko.
“But if you have a choice, what course do you want to take up?”

Wow. So far our conversation is going good.

“Architecture.”

Nakita ko ang pagtaas ng kanyang kilay. He leaned a bit closer. He’s tall and massive kaya tuwing gumagalaw siya ng pino ay naalala ko sa kanya ang leon.

“There’s a late famous architect living here in Costa Leona.”

Nagulat ako roon. My Father is an engineer. I grew up with their books and some books related to it. Kilala ko halos lahat ng magagaling sa larangan at hindi ko matandaan kung alin doon ang taga rito.

“You might want to visit his ancestral house? Luma na pero if you’re interested with architecture, you’ll like it.”
“Sinong architect?” tanong ko na punong-puno ng kuryusidad.
“V. A. Hidalgo.”

What? He’s from here? But he died very young!

“M-Malapit lang ba rito ang bahay nila?” tanong ko.
He nodded. “Puntahan natin mamayang alas tres. You know how to ride a horse?”

Umiling ako.

“I’ll teach you, too.”

Hindi ko mapigilan ang pagsang-ayon. Natahimik kaming dalawa ng dumaan si Mercedita para tingnan kung maayos ba ang mga pagkain namin. The old woman looked at us. Pabalik balik ang tingin niya bago ang mga pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay hindi ko na siya dinagdagan pa ng tukso. He put an effort to strike a normal conversation with me, I give him that. Huwag ko lang balikan sa isipan ko ang lahat ng mga pagtatalo namin ay maayos na ang tingin ko sa kanya.

Maybe he got carried away kanina kaya kami nagkasagutan ulit. Iyon lang ang inisip ko.

Umakyat ako sa kwarto para makatulog muna bago kami tumulak. Since we are going there horseback, I’m sure mamaya pa ‘yan kapag hindi na masyadong mainit.

Itinulog ko sa hapong iyon lahat. Hindi na ako nakapagsketch dahil mukhang hindi naman ako dinadapuan ng inspirasyon ngayon.

Nagising lamang ako nang nag-alas dos at may kumakatok na sa aking kwarto. I thought it’s Petrina at first but when I heard him talk, si Kajik pala.

“Daniella? Gising na!” panunuya niya.
“Kajik?”

Pinagbuksan ko si Kajik ng pintuan. Ngumisi siya nang nakita ako at agad kong narinig ang ingay ng mga kasama niya sa sala. Anong meron?

“Gusto mong sumama? Mag a-island hopping kami!” anyaya niya.
“Island hopping? May bangka ba kayo?”
“We have a small yacht. Kababalik lang noon pero aalis din agad bukas kaya pagsasamantalahan namin ang pagkakataon.”

A yacht! Wow! I can’t believe it! Alam kong mayaman sila pero ganoon sila kayaman para mag-aksaya ng pera sa mga ganyang bagay. Kahit pa sabihing maaring kailangan nila iyon, masasabi ko paring luho na talaga iyon.

“There’s no tomorrow for this so you must join us! Babalik kasi ito ng Romblon bukas kaya sige na!”

Tumango ako at natataranta na para makapagbihis.

“We are swimming. Huwag kang mag-alala, hindi ka namin pipilitin ni Kuya maligo.”

Tumango ulit ako at napagtantong may plano nga pala kami ni Zamiel na pumunta sa bahay ni Architect V. A. Hidalgo. Pero mukhang sasama rin naman siya, para siguro hindi mapalagpas ang pagdating ng yate rito. We can do it next time, anyway. For sure the ancestral home won’t leave this island yet?

Pagkatapos kong magbihis ay si Peter na lamang ang natitira sa sala. Siya ang naghintay sa akin. Magtatanong na sana ako kung nasaan sina Kajik pero ang sagot nito’y nasa yate na raw.

“Nakakahiya naman. Ako pa ang dahilan bakit natagalan,” nahihiya kong sinabi.

Nagmamadali na kami ngayon pababa sa stone path. Naisip ko si Peter at ang magiging reaksyon ni Zamiel kapag nakita niyang magkasama kami patungo sa yate. But if he doesn’t want Peter to be with me, sana nag volunteer siya na siya ang mag-antay sa akin tutal ay fiancee niya naman ako, hindi ba?

Muling nag-init ang galit ko sa kanya. Baka naman nauna na sa yate kasi for sure naka bikini na naman ang mga babae niya?

Isang maliit na bangka ang nag-aantay sa amin. Sa malayo at siguro’y malalim na parte naroon na ang puting yate. Hindi ko alam kung nasaan diyan ang “maliit” na tinutukoy ni Kajik kanina?

Kahit sa malayo ay naririnig ko ang ingay ng mga kaibigan ni Kajik. Kumakaway sila sa amin. Tumawa si Peter at inalalayan ako sa bangkang sasakyan namin. May bangkero roon na siyang magdadala sa amin sa yate.

“Mabuti na lang talaga at nasabi ni Senyora kanina ang pagdating nito. Magtatagal pa naman sana kami sa Caticlan,” si Peter.
Tumango ako. “Anong ginawa n’yo roon?”
“Kumain. Namasyal. Sana sumama ka. Zamiel usually goes with us…”

Umandar na ang pump boat at nagsimula na kaming dalhin sa yate. Kumapit ako ng maayos dahil masyadong mabilis ang patakbo nito. Bumilis din ang takbo ng puso ko sa takot at sa thrill.

“… He’s not in the mood these past few days… Bakit kaya?”

Makahulugang tumingin si Peter sa akin. His angelic face reminded me of Ashton, Daniella’s boyfriend, who courted me years ago.

Nagkibit ako ng balikat. Halos hindi kami magkarinigan sa ingay ng makina.

“Baka ayaw niya sa fixed marriage? Ayaw niyang pakasal sa’yo? Kaya laging badtrip.”

Tinitigan ko si Peter. Tumango ako at napatingin sa mangasul-ngasul na dagat. Maybe that’s why he’s always tormenting me. Well, isn’t it obvious? I am the reason why he’ll restrain himself with girls. Kaya nga lagi kaming nagtatalo, ‘di ba?

Then umayaw siya, kung ganoon. Wala naman kasi ako sa lugar kung aayaw ako. Hindi naman ako si Daniella.

Umayaw siya kung ayaw niya sa kasalan. Tinanaw ko ang yate. I owe him one serious and good conversation. Nag effort siya kanina, e, kaya ako naman ngayon. Pagdating namin sa yate ni Peter, I will tell him how I’m open to him calling off the engagement.

Sigurado rin naman akong ayos lang iyon kay Daniella. She’s happy with Ashton so ano pa ang hihingin niya. This engagement is horrifying to her so she’ll thank me once I convince Zamiel to call it off. Hindi rin siya mapapagalitan ni Tita Matilda dahil si Zamiel mismo ang tumanggi, hindi siya.

Umakyat kami sa Yate nang nakalapit. I was ready with my arguments. The yacht is ready to go, too. Nagsimula na itong umandar at naghiyawan na ang mga kaibigan ni Kajik. Luminga-linga ako para hanapin si Zamiel pero sa ilang minuto kong paggala ay wala akong nakita ni anino niya.

“Kajik,” tanong ko, interrupting his talk with the girls.
“Yes, Daniella? Stay here… You won’t swim, right?” tanong niya sabay lahad sa isang upuan.
Tumango ako pero wala roon ang sasabihin ko. “Si Zamiel?”
Umiling siya. “Ewan ko roon. May gagawin daw kaya hindi sumama.”

Oh. Shit.

Yung lakad namin!!!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.