What Lies Beneath The Sand – Kabanata 4

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath The Sand – Kabanata 4

Kabanata 4
Fiancee

Tahimik na naliligo si Kajik at ang mga kaibigan niya sa dagat. With some cute looking floaters, they looks so relaxed and calm. Ibang-iba sa pagligo nila kahapon na maingay at puro tawanan.

Umihip ang pang-umagang hangin sa aking buhok. Nilingon ko si Ivo na nakikipag-usap sa isang babae. Ngumiti ako. Sa paraan ng tinginan nila, pakiramdam ko’y ni hindi nila napapansin ang kahit ano sa paligid. Not even the beautiful vast sea in front, or my watching eyes… they are both so absorbed on their topic.

Nakaupo ako ngayon sa ilalim ng batuhan, sa may bukana lamang ng kwebang limestone. Bumaling ako sa aking sketchpad at nagsimulang gumuhit ng babae at lalaki sa ilalim ng kubo. I know who it is. I will probably never give justice to Ivo and the girl he’s with but I want to try.

Dadaan pa ang tatlong minuto bago ako titinging muli para makakuha ng detalye sa kanilang dalawa. Sa pangalawang balik ng tingin ko ay nakita kong bumababa na sa batong hagdanan si Bethany kasama ang babaeng kaibigan kanina.

Parehong busangot ang kanilang mga mukha.

“Where’s Zamiel?” si Ivo nang nakita ang dalawa.
“Ayaw sumama, e. Wala sa mood. Niyayaya ko ngang umalis ng mansyon o mamasyal sa planta, ayaw din.”

Bethany shook her head in disappointment. Naghubad ito ng damit hanggang sa bikini na lang ang natitira. Dumiretso ito sa beach ng medyo malalim parin ang iniisip.

Ang kasama niya naman ay ganoon din ang ginawa pero nakabawi na at malapad na ang ngiti. Kumunot ang noo ko at nagpatuloy na sa pagdo-drawing.

Naalala ko iyong sagutan namin kagabi. He said he wants me to be trained by their mayordoma, si Mercedita. Sa ano? Pagluluto at pag-aalaga ng asawa? Did he honestly believe that in the twenty first century, wives stay at home and do those things?

I know that maybe he means I should learn those things lalo na’t ang alam niya siguro sa akin ay spoiled at mayaman, pero kung ang iniisip niya’y titira ako sa bahay namin ng walang ginagawa, nagkakamali siya. Besides, I don’t need to learn that. I know how to cook.

Nilingon ko muli sina Ivo pagkatapos ng tatlong minuto at sa may barandilya sa taas ay naaninag ko si Zamiel. Looking grim and unpleased, he searched the whole scenery na tila ba kanya ang lahat ng nakikita sa baba.

“Zamiel!!!” I heard a scream from one of the ladies who are with Kajik.

Nilingon kong muli si Zamiel. Akala ko bababa siya at sasali sa kanila pero nanatili siyang nakatayo roon. He bent over so his forearm could rest on the stone bannisters. His stance is making me a bit uncomfortable.

Kunot-noo kong pinagpatuloy ang aking sketch. Pilit kong inaalis sa isipan ko si Zamiel at ang kanyang anyo habang nandoon sa spot na iyon.

Ilang sandali ang lumipas, umingay nang may iilang lalaking dumating. Binalingan ko si Zamiel na seryosong nakatingin sa mga kaibigang dumating.

His friends weren’t dressed for swimming, though. With boots and sneakers, long maong pants, and t-shirts, kumaway ang mga ito nang nakaapak na sa buhangin. Tinawag nila si Kajik at ang mga babaeng kasama nito.

Sumulyap muli ako kay Zamiel na nakahalukipkip na ngayon. Hindi ko namalayan ang biglaang paglapit ni Ivo at ng kasama niyang babae sa akin. I was startled when I realized they’re already in front of me.

“Gusto mong mamasyal, Daniella?” Ivo asked in a low tone.
Tumango ako at bumaling sa babaeng kasama. She’s smiling shyly. Iba, pati ang damit, sa mga babaeng kasama ni Kajik ngayon.

Binalingan ko ang mga naliligo at nakitang umahon na at sinisikop ang mga damit.

“Maglunch muna tayo.” Tumingala si Ivo sa langit. “Hindi maaraw ngayon kaya pwedeng mamasyal sa planta. Isasama ka namin. I assume Zamiel will go with us, too, since he’s handling the plant while Ali is busy.”

Mabilis akong tumango kahit pa hindi maintindihan ang mga sinasabi ni Ivo. Isa lang ang alam ko ngayon, makakapamasyal ako at magkakaroon ako ng bagong inspirasyon.

Pagbalik namin sa mansyon ay wala si Zamiel. Wala siya sa kuwadra at wala rin sa sala. Nang kumain kami kasama ang mga kaibigan nila, wala rin ito roon kahit pa pinapatawag sa kasambahay.

“Nasa kwarto po at naliligo. Hindi raw po siya sasama sa pamamasyal,” ang isang kasambahay ang nagbalita kay Ivo.
“Ganoon ba…” nakatingin si Ivo sa akin ngayon, confused but still a bit certain with his decision. “Alam niyang kasama ka, pinili niyang hindi sumama. So this should be okay,” Ivo concluded.

Three other men, si Ivo, ang kanyang girlfriend, si Kajik, at ang apat babae ang kasama namin sa hapag. Batid kong iyon din ang isasama sa pamamasyal. Nawala iyong isang kasama ni Bethany kanina, I bet she’s with Zamiel wherever he is.

As I’ve said, I’m not very comfortable being with some but seeing Ivo’s girlfriend trying hard to interact inspired me to do it, too. Hindi ako mahiyain gaya niya pero nakakaya niya naman kaya mas lalong kaya ko.

“Magbibihis lang ako,” paalam ni Kajik nang patapos na kaming mananghalian.

Across me is Petrina, looking alert for anything I might need. Tumango ako sa kanya bilang pagpapaalam na aakyat din ako para makapagbihis. Certainly, my white dress shouldn’t be for roaming around their plant?

“May boots ka po ba, Miss?” tanong ni Petrina nang sumali sa paghahanap ng maisusuot ko.

May long pants ako pero inisip kong kailangan kong ireserve iyon sa mas pormal na mga lakad. I chose a fitted maong shorts and a white t-shirt. Umiling ako sa tanong ni Petrina. Ngayon ay nasagot na rin ang tanong niya nang nakita ang tatlong pares ng sapatos sa cabinet.

Isang strapped sandals, isang ballet shoes, at isang stilletos na ibinigay sa akin ng mga Mercadejas noong ipinakilala ako.

“Miss, mabuti at hindi ka masyadong mamateryal na tao.” Nagtaas siya ng kilay. “Naalala ko ang mga mayayamang kaibigan nina Sir Kajik, sobrang daming mga sapatos ng mga ‘yan. Parang hindi nakokontento sa bilang ng lahat.”
“Kung hindi naman kailangan, hindi ako bibili ng labis, Petrina.”

Tinanggal ko ang pagkakabraid ng aking buhok. My straight hair curled at the ends, at mas nadepina nito ang kakaibang kulay ng aking buhok. Madaling dumalo si Petrina upang suklayin gamit ang mga daliri ang buhok ko.

“Wow! Mukha kang diwata, Miss!”

I smiled looking at my reflection. Habang tumatagal, mas lalong nadedepina ang aking panga, making me more like my beautiful mother. My face may not be as square, cheekbones not as defined as hers yet, kahit anong tingin ko sa salamin ay siya ang nakikita ko. Taliwas sa sinasabing si Tita Matilda ang kamukha ko.

Sometimes, I think Daddy only married Tita Matilda because she looked a bit like my mother. The only difference is that she’s taller, she’s more voluptous, and a bit bolder. Mas simple manamit si Mommy. Mas marahan ding kumilos kumpara kay Tita Matilda na laging agaw pansin ang suot, nakakulay pulang lipstick, lashes made up, cheekbones high with make up, and hair jet black and in a french twist.

“Maglagay ka kaya ng lipstick o kahit lipgloss? Hindi ka ba naglalagay ng kahit ano?”

Tumingin kaming dalawa ni Petrina sa salamin. I licked my lips and it turned a bit red.

“Ang ganda ng mga labi mo, Miss. Parang ‘yong sa mga artista.”
I smiled. Pakiramdam ko niloloko na ako nitong si Petrina. With her matching emotive expression while praising me, I can’t believe her words much.

She pouted her lips para maging kagaya ng sakin. Tiningnan niya ako at ginagaya ang hugis ng labi ko. Mas lalo akong natawa.

“Paano kaya ‘yan, Miss? Gusto ko rin ng ganyan!” she exclaimed.
“Kung may ganyan ako, lalagyan ko lagi ng lipstick!”

Medyo natagalan ako sa kwentuhan namin ni Petrina. Mabuti na lang at hindi naman ako nahuli. Si Ivo ang huling nakapagbihis.

Napansin ko talagang nawawala iyong babaeng kasama ni Bethany kanina. Siguro ay nakapili si Zamiel. Hindi niya na pinili si Bethany kaya medyo busangot ang mukha nito ngayon. Ang napili niya siguro ay iyong kasama kanina. Oh, the nerve of him to speak of marriage when he can’t even keep our engagement pure? Hindi ko sinusuot ang ibinigay niyang singsing. Anyway, I don’t think it’s a big deal to Senyora Domitilla. I doubt alam nila na may singsing kami dahil sa dilim niya lang naman iyon ibinigay.

“Let’s go? We’ll walk,” si Ivo sabay tingin sa akin.

Siguro dahil ako lang ang first timer sa kanila. Mukhang sanay na silang lahat sa gagawin. Tumango ako para ipakitang walang problema sa akin ang paglalakad. I do that at home to school whenever I’m short of money, anyway.

We crossed the highway. Sa simula pa lang ng paglalakad, kita ko na ang matatayog na windmills sa mga burol, hindi kalayuan. Kasabay ko sa paglalakad ang girlfriend ni Ivo at sa likod namin ay ang dalawang lalaking kaibigan nila.

Ivo’s girlfriend knows how to maneuver her moves, kahit pa may iilang putik sa nilalakaran namin. I’m trying my best to avoid the muddy and swampy parts but I’m new to this so I couldn’t do much.

“Daniella, this is my great grandfather’s land,” si Ivo. “It stretches from here to there…”

Itinuro niya sa akin ang napakalayong kawalan. I expect the mountains and the hills were theirs, too. Nilingon ko ang malayong kaliwa kung saan mas mayaman at mas mataba ang lupa. May barb wire na nakapalibot doon. It probably means it’s not part of their property.

Tinanaw ko pa ang mas malayong dako at nakita ang nagtatayugang mga punong kahoy at ang madilim na madilim na kagubatan. Nanliit ang mga mata ko. Inilipat ko ang aking tingin sa mas maaliwalas na parte, ang lawak ng lupain ng mga Mercadejas.

“Kumusta si Lolo, Ivo?” si Kajik na bigla kaming nilingon.
“Maayos naman. Tutulak kami ng Maynila ni Mama sa lalong madaling panahon. She misses mother.”
Tumango si Kajik at nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi ko na namalayan kung ilang minuto ang nilakad namin hanggang sa nakita ko ang naglalakihang hugis silindrong mga building.

My jaw dropped. Ngayon ko lang natanto kung gaano sila kayaman! Alam ko na noon na leading supplier sila ng semento sa buong bansa pero ngayon lang talaga pumasok sa isipan ko ng husto ang ibig sabihin nito.

“This is one of the seven plants we have in whole country. Hindi ito ang pinakamalaki pero isa ito sa pinaka una.”

Napakurap-kurap ako. I can’t believe it. Kajik, Ivo, Zamiel, and Ali (who I never met yet) are the only heirs of this large company. Money and resources must be very easy for them. They will succeed without lifting a finger! Mag-aaral sa kahit saang gustong paaralan, sa pinakamalalaki, de kalidad, at mamahalin. Pagkatapos mag-aral, pwedeng mamiling magtrabaho o hindi. Kung hindi man, ayos lang. Kung magtatrabaho, may trabaho agad sa kompanyang ito.

And while I am struggling to earn money by whatever means, in front of me are men who will never fail in life. Wala silang patutunguhan kundi ang tagumpay. Magtapos man ako at magsikap, dahil wala akong resources, ilang taon pa kaya bago ko mapangalanan ang sarili kong matagumpay?

I can’t help but suddenly realize how Zamiel is very inspired to study kahit pa marami na silang pera. Samantalang ang ibang mayaman ay puro lakwatsa lang ang ginagawa…

“Bakit hindi sumama si Zamiel?” tanong ng isa sa mga lalaking kaibigan ni Kajik.

Umakyat na sila sa isang burol ngayon. Sa malapitan ay nakita ko ang isa sa mga naglalakihang windmills. Sumunod ako habang ang lalaking kaibigan ay nakabuntot din.

“Hindi ko alam, e.”

Humalakhak ito. Nilingon ko ang lalaki at nakita kong matamis ang kanyang ngiti. The dimple in his left cheek showed up. Naglahad siya ng kamay.

“You don’t remember my name, I assume. I’m Peter.”
Ngumiti ako. “Pasensya na. Marami kayo kaya hindi ko na maalala ang mga pangalan.”
“Peter, let’s go!” tawag ng isa pang babae na kasama ni Kajik.

Nilingon ko ito sa likod ko pagkatapos na sumenyas ni Peter na mauna na ito. Lumapit siya sa amin at nagtaas ng kilay sa akin. She had that insulting grimace at me. Kumapit siya sa braso ni Peter at nakita ko kung paano kinalas ni Peter ang kanyang kamay.

“Mauna ka na, Sophia. Nag-uusap pa kami.”

Nagulat ang babae sa asta ni Peter ngunit agad ding nakabawi. Lumagkit muli at tingin nito sa akin nang nakalapit.

I cannot stress how amazed I am na kayang tanggihan ni Peter ang babaeng ‘to. Walang kapintasan ang mga kasamang babae namin. I admit that they are good looking in their own ways, sexy, and a bit daring, too. Mga tipikal na anak mayaman na naglalaro kasama ang iilan ding anak mayaman.

She lifted my chin. Sa gulat ko’y kumalabog ang puso ko. She tilted my face.

“Sophia!” saway ni Peter ngunit lumapit din ang isa pang babae na kasama ni Kajik sa amin.

She smirked and watched me carefully, too.

“Anong gamit mong foundation?” tanong sa akin ng may hawak sa baba ko.

Gusto kong tanggalin ang kamay niya pero wala naman siyang ginagawang masama bukod sa pag iinvade ng personal space. And with her question, I don’t think she wants to inflict pain to me.

“Wala.”
She laughed mockingly. “BB cream? Concealer? Ano?” muli niyang sinuri ang mukha ko.
“Cheek tint?” dagdag tanong noong babaeng sumali.
“Ano ‘yan?” umalingawngaw ang tinig ni Kajik galing sa taas ng burol.

Binitiwan ako ni Sophia at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

“Wala,” sagot ko.

She softly slapped my face twice before she walked out.

“Imposible,” bulong niya at umalis na.

Kinausap ni Kajik ang dalawa nang nakasalubong na niya. Ngumuso ako at tiningnan ang bahagyang pagtatalo.

“Ayos ka lang? Pasensya ka na,” si Peter.
Tumango ako. “Ayos lang ako.”

Ganoon din ang tanong ni Kajik sa akin nang nakaakyat na ako. He looked at me intently, without humor, and with much concern. Umiling ako at ngumiti na lang.

“Wala lang ‘yon,” sagot ko.
“Dito na kayo, Kajik…” tawag ni Sophia sabay tingin sa akin.

I am not sure if she’s being friendly or being a bitch. Or both. Well, it doesn’t matter.

Nagdala sila ng iilang finger foods at inumin. Sa tuktok ng burol, paanan ng windmill, nilatag nila iyon para makakain.

Tahimik akong umupo sa nakalatag na kulay berdeng damo. Pinagmasdan ko ang malawak na lupain sa harap at ang naglalakihang silindro sa kanan ko.

Ang anino ng malaking ulap sa aming taas ay nagsilbing tabing sa masakit na sikat ng araw. Masaya silang kasama. Bukod sa maraming jokes ay nagkakantahan pa dahil may dalang gitara ang isa sa mga kaibigan ni Kajik. They are also drinking but I did not dare drink with them.

Si Ivo at ang kanyang girlfriend ay may sariling mundo sa baba ko. Nakaupo rin sila at nag-uusap ng masinsinan. Nagulat ako nang may biglang umupo naman sa tabi ko. Nang nakitang si Peter ay napabuntong-hininga na lang ako sa relibo.

I realized that Kajik and Ivo are both fine. Kahit parin pala mga kaibigan nila’y ayos lang. Bakit ganoon? Bakit si Zamiel may saltik sa utak?

“So you’re Zamiel’s fiancee, huh?” si Peter.
Tumawa na lang ako at hindi na kinumpirma. That was a rhetorical question, anyway.
“Like him?” he asked.

Sumulyap ako pero nairap na lang at nanatili muli ang mga mata sa malawak na lupain.

“Oh! That’s new. You don’t like him?”

Hindi muli ako sumagot kaya nagpatuloy siya.

“Pero papakasal ka, ‘di ba?”

Naisip kong isatinig ang matagal ko nang tanong. Hindi ko alam kung bakit mas madali talang mag share sa mga taong hindi mo masyadong kilala.

“Uso pa ba ngayon ang fixed marriage?” tanong ko.
“Well, yes. Apparently most of our families here believe in marriage for convenience.”
“Do you believe in that?” nagtaas ako ng kilay.
“Not really. But who cares. May ibang gusto ka ba? Susuwayin mo?”

Umiling na lamang ako. Ngayong iniisip ko ito, kung ako kaya talaga si Daniella o ako talaga ang mapapangasawa ni Zamiel, magpapanic kaya ako ngayon? Magbabayad din ba ako ng babaeng rerepresenta sa akin para makatakas? Susuwayin ko ba iyon? I wonder. I am not panicking right now because it’s not me, anyway. I won’t be married to him, anyway. So I don’t really care if we work out or not…

“That’s new, huh? Most of our classmates like Zamiel… most of the girls in school, actually. At balita ko’y kahit noong high school pa lang siya-”
I chuckled. “For the money, probably.”
“It’s not like the girls who likes him don’t have money. And I assume you’re rich, too, at hindi pera ang importante sa’yo kaya ka hindi interesado sa marriage for convenience na ito?”

Nagkatinginan kami ni Peter. Wala akong masabi dahil hindi ko alam ang sasabihin sa parteng iyan. I am here to represent his real fiancee but sometimes, especially when Zamiel’s too intense, I forget things.

“I don’t think it will work between us… Hindi kami magkasundo.”
Tumango siya at ngumisi. “Well, in the end, it’s your choice, I guess. Pwede kang umayaw, hindi ba? Walang magagawa ang kahit sino kung talagang aayaw ka.”

Oo nga. Kung ayaw ni Daniella dahil mahal niya si Ashton, I’m sure walang magagawa si Tita Matilda, hindi ba? Tita Matilda will never hurt Daniella. Tita Matilda will never stop giving her money or so. Nag-iisang anak siya ni Tita Matilda kaya hindi niya magagawa iyon kay Daniella.

Kapag tumawag siya, iyan ang sasabihin ko sa kanya. And if she’s that determined to just be with Ashton, I am very much willing to say no to Zamiel. I’m willing to fail everyone, including Senyora Domitilla, gaano man siya kabait sa akin.

Hapon na nang natapos kami roon. Papalubog na ang araw. Gusto ko sanang saksihan ang paglubog nito sa burol, lalo na ngayong nag-aaway na ang kahel at dilim ngunit nagyaya na si Ivo na bumalik na kami.

Binalikan lang namin ang dinaanan kanina. Nang may narinig akong mga yapak ng kabayo kung saan ay bahagya akong luminga-linga. Riding horsebacks, I always remember Zamiel. At kapag nariyan siya, saan man ako, lagi na lang kaming nag-aaway.

Ang tawa ni Peter sa joke na kakasabi lang ay nalunod sa yapak ng mga kabayo. Tumigil sina Ivo sa harap at bumaling sa kananag bahagi kung nasaan ang tanaw kong lupain kanina. I felt relieved when I realized it’s not Zamiel.

“Alis ka, Peter,” dinig kong sabi ng lalaki.

I craned my neck to see who it is. Kaedad ni Zamiel o siguro’y mas matanda ng konti ang nakasakay sa kulay itim na kabayo. He looked at me with so much curiosity bago tumawa si Kajik.

“Anong nangyari, Raoul?” si Ivo na ngayon ay seryoso.

Tinitigan ako noong lalaki. Wearing a white t-shirt and a dark maong pants and boots, he kinda reminded me of Zamiel. With light dusting of black stubble on his face and the dark thick eye brows and clean haircut, iyon lang ata ang pinagkaiba nila. Nang hinila ang lubid sa kabayo ay gaya noong kay Zamiel, his arms corded.

He pinched the bridge of his nose, mariing pinikit ang mga mata na tila ba masakit iyon, at pagkadilat muli at tumingin ng seryoso sa akin.

“Ano? Zamiel’s fiancee. Don’t tell me she looks like the Lady of The Light?” sabay halakhak ni Kajik.
Umiling si Peter at hinawakan ang kamay ko para makapagpatuloy kami sa paglalakad.
“Fiancee ni Zamiel? Bakit hawak ni Peter ang kamay?” iyon lang ang nasabi nito bago pinaliko ang kabayo at muling umalis.

Hindi ko na narinig ang sagot ni Kajik dahil nauna na kami ni Peter.

“He’s Zamiel’s bestfriend,” bulong ni Peter na parang sekreto iyon.
Marahan akong tumango at inintindi iyon.

Kajik rudely tore us apart. Nabitiwan ni Peter ang kamay ko nang dumaan si Kajik sa harap namin at kinuha ang kamay ko. He shot Peter a warning look before looking at me.

“Umuwi na tayo. Dumidilim na.”

Tumango agad ako, medyo nagulat.

“Take the girls home,” aniya sa kung sino man ang nasa likod ko.
“Mauna na kayo, Kajik. Ihahatid ko lang si Aia sa kanila.”
Tumango si Kajik at tumingin sa akin. “Tayo na.”

Hinila niya ako palayo sa grupo. Hindi siya tumigil sa paghila at paglalakad hanggang sa nakarating na kami sa kalsada. Hindi ako naging maingat sa paglalakad dahil bukod sa madilim, mabilis din ang lakad ni Kajik.

“I’m so tired. I usually go there with my horse but ang dami natin kaya naglakad nalang tayo. Ikaw?”

Medyo hinihingal pa ako. Tumawa si Kajik at umiling.

“I bet you’re not used to walking that far, princess, huh?”
Natawa ako sa panunuya niya. “Sa concrete, oo. Pero sa putikan, hindi…”

Binaba ko ang tingin ko sa aking mga paa na puno ng putik. Parang sinapatos ko yata ang putik. Hindi na maitsura ang sandals ko. Nalungkot tuloy ako dahil paborito ko pa naman iyon. Isang taon na iyon sa akin.

“Tara na. Gutom na ako!” wika ni Kajik.

Sumunod ako sa kanya. Nadagdagan pa ang putik nang palapit na kami sa mansyon. I’ll probably just wash my feet before going inside the mansyon.

Pagkapasok namin sa gate, kahit madilim, natanaw ko agad ang medyo maliwanag na kuwadra. It is unusually crowded and well lit. Mabilis ang lakad ni Kajik patungo roon kaya naiwan niya ako.

Nakita ko agad si Zamiel kasama ang iilang trabahante nila. Nilingon niya kami at nagtagal ang tingin niya sa amin.

Lumapit si Kajik sa kuwadra. Bumati siya at sa huli ay nagpasyang dumiretso sa mansyon dahil gaya ng sabi niya, pagod siya at gutom. He smiled at me bago siya sumenyas na papasok na kami sa loob.

“Maghapunan na tayo para makapagpahinga!” yaya ni Kajik.

Tumango ako, papalapit pa lang. Iniwan ni Kajik ang kuwadra. Pagkapasok sa mansyon at habang papalapit pa lamang ako ay narinig ko ang iyak ng kabayo. Nakatingin parin si Zamiel sa akin ngunit nang umiyak ang kabayo ay bumaling siya sa tinatrabaho.

The men inside the stables were a bit busy. Tumigil ako sa paglalakad at tumitig sa kuwadra. Ano kaya ang nangyayari?

Nilingon ko ang bulwagan, pagkatapos ay ang kuwadra muli. Nalilito ako kung papasok na ba ako o titingin muna kung anong pinagkakaguluhan nila roon.

My feet worked faster than my mind. Nauna itong naglakad patungo sa kuwadra. At huli na nang natanto kong mapangahas pala iyon.

Zamiel saw me coming. Tumuwid siya sa pagkakatayo. He was squatting when I first saw him. Nakita ko rin ang kabayong nakahiga na pinapalibutan ng mga trabahante nila.

“Ano pong nangyayari?” I asked, panicking.

May dugo sa hinihigaang dayami ng kabayo. Naghihingalo rin ito at mukhang nahihirapan. Kinabahan agad ako. I, sometimes, don’t understand why I feel more for animals than most men.

“May sakit po ba siya?” tanong ko.

Nilingon lang ako ng mga trabahante. Ang pinakamatanda ay umiling at tumingin kay Zamiel.

“Nanganganak siya,” sagot nito.
“Ah!” Tumango ako at muling tiningnan ang kabayo.

Maybe she’s in labor? Ngumiwi ako habang dinadama ang paniguradong sakit na nararamdaman noong kabayo.

Nakatitig si Zamiel sa akin. He’s wearing gloves na ngayon ay unti-unti niyang tinatanggal habang naglalakad palabas sa kuwadra.

Luminga-linga ako. Parang ngayon ko lang napagtanto muli kung gaano kamali ang pagpunta rito. Naghugas siya ng kamay at nagsabon bago kinuha ang isang hose at lumabas.

Saan kayo galing?

Kasama mo na naman si Kajik?

I expected him to question me that way. Besides, his tongue stings a lot. He’s crude and ruthless. I won’t even be surprised if he calls me “malandi” here.

Umigting ang panga niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Ginawa ko rin sa kanya iyon. He’s wearing a black v-neck t-shirt, faded maong pants that’s a bit dirty, and black leather boots.

With the yellow light from the stables, he looks like art. In fact, I can imagine sketching him. Half of his face, well lit. The other half, dark and mysterious. It is the scowl and the weary expression that’s hard to draw.

Nagulat at halos sumigaw ako nang pinaandar niya ang hose at itinapat sa akin.

“Ano ba?!” pagalit kong sinabi, ngayon medyo nakumpirma na ulit kung gaano ako naiirita sa kanya.

Dumiretso siya sa akin at handang handa akong itulak siya kahit pa mag-away ulit kami o magkagulo man doon! Itinulak ko siya nang abot kamay na but his frame did not even flinch a bit. My full energy is not enough to move him!

Patuloy ang andar ng tubig sa hose. Huli ko nang naunawaan na hindi ang katawan ko ang pinuntirya niya kundi ang aking mga paa.

He squatted in front of me!

Namilog ang mga mata ko habang pinagmamasdan siyang halos nakaluhod sa paanan ko at marahang hinaplos ang aking binti pababa. Hindi ako nakahinga. I was so stunned that I couldn’t even tell him to stop!

Ang tamang paghaplos niya, nasa gitna ng marahas at malambot ay bahagyang nagkurot sa puso ko. Nang ang paa na ang hinaplos niya ay gusto kong tumakbo. Kung hindi lang ako nag-ugat sa kinatatayuan ay kanina pa ako kumaripas.

Sobrang dumi noon! The mud is so thick and already a bit dry because of the long walks yet he’s there trying to clean it up with his bare hands!

My heart hammered making me flinch. It hurt so much. Parang gusto nitong kumawala sa ribcage ko.

Napaatras ako bahagya ngunit hindi ko magawang tumakbo ng tuluyan. Nakadungaw lang ako sa kanyang buhok at sa kanyang malapad na likod. Hindi niya ako tiningala nang napaatras ako. Nagpatuloy siya sa ginagawa hanggang sa tuluyang nalinis pati ang aking sandals.

Tumayo siya at tinapon ang hose sa lalagyanan. Hindi siya makatingin sa akin.

His jaw is clenched tightly like he’s controling something within himself. Umawang ang bibig ko para magsalita ngunit walang salita ang lumabas. Para akong nawalan ng lakas sa ginawa niya.

Nakatitig ako sa kanya pero nasisiguro kong kung babaling siya sa akin ay iiwas agad ako.

“Handa na ang hapunan. Kumain ka na at magpahinga,” he uttered it in a cold slow tone.

Awang parin ang bibig ko. Hindi ako agarang nakapagsalita kaya tumango na lang ako.

Nang nakabawi ay hindi na ako nag-alinlangan. Halos patakbo akong bumalik sa mansyon. At hindi ang dining area ang tinungo ko kundi ang aking kwarto.

I regret it… Pumikit ako ng mariin habang tumatakbo paakyat sa engrandeng hagdanan.

Nagsisisi ako kung bakit nag-isip pa ako ng matagal kung tatanungin ko rin ba siya kung naghapunan na ba siya. Gusto ko siyang tanungin ngunit pakiramdam ko’y tatanungin ko lang siya ng ganoon, hindi dahil concern ako kung kumain na ba siya, kundi dahil gusto kong suklian ang ginawa niya.

I shut the door close. Humilig ako sa pintuan at mas lalong natanto kung gaano kabilis at lakas ang pintig ng puso ko. Sa takbo ko lang ito. I closed my eyes at kinalma ko ang sarili ko.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.