What Lies Beneath The Sand – Kabanata 33

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath The Sand – Kabanata 33

Kabanata 33
Claim

Engineer Teodorico Fabre Zaldua founded the Zaldua Firm in July 2000 as a sole proprietorship engineering and construction firm with office at Quezon City. Nakasaad sa last will ng ama ko ang aking pangalan bilang natatanging tagapagmana ng lahat ng kanyang ari-arian.

The Zaldua Firm is mine, including all the assets within the company. Warehouses, cranes, mixers, trucks, and many other more. Our home in that exclusive village in Quezon City is mine, too. Nakasaad din doon na habang bata pa ako, si Tita Matilda ang pansamantalang mag-aalaga sa negosyo, until my age of coming. All of the properties are mine by the age of twenty one. And guess what? I’m twenty three now, that only means one thing…

“This is unfair! I treasured that company for years! I am basically the reason why it is so big now!” si Tita Matilda iyon pagkatapos basahin ng apprentice ni Attorney Palomar ang last will.

Hindi ko maproseso ng mabuti. My jaw dropped when I heard it all and I’m still so shocked right now. Nagpakahirap ako kahit na akin pala ang lahat ng iyon? Pinaghirapan ko, ultimo pag-aaral ko kahit na ganoon? I did not even wish for the most expensive school, kaya bakit ako pinagbawalan?

Bakit ako pinagkaitan?

“All the properties can be immediately transferred two years ago,” sumulyap si Attorney Palomar kay Zamiel. “Bumagal lang ang proseso dahil sa kondisyon ko.”
“Zamiel, you are the director of the firm now. I believe you can do something about this?” kalmanteng sinabi ni Senyora Domitilla.

Hindi na mahalaga sa akin ang mga sinasabi nila. Ni hindi ko na inisip ang presensya nila roon. Masyado akong nakulong sa pag-iisip na pagkatapos ng ilang taon, malalaman ko na ang kompanyang iyon ay akin.

Dinungaw kong muli ang mga dokumentong ipinakita sa akin ng matandang attorney kanina. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ko ito. Paulit-ulit ko mang basahin ang nakasaad ay hindi ko lubusang maintindihan.

“Wala siyang alam! Paano niya patatakbuhin ang kompanya? It will definitely f-fail!”

Napaangat ako ng tingin kay Tita Matilda. She looks so disturbed and moved. Nang titigan ko siya’y kumalma siya at kung hindi ako nagkakamali ay nakitaan ko siya ng takot. But then Daniella probably did not understand what was happening.

“Zamiel is still the director! We agreed on it! Kaya siya ang mamamahala dahil wala kang alam!” si Daniella.
“Even so… Astherielle Seraphine Zaldua is the sole owner of the Zaldua Firm. The process will begin. Hihintayin ko ang gagawin mo, Ace. You may visit my firm for further questions.”

Tumayo si Senyora Domitilla. Nilingon ni Tita Matilda at Daniella ang matanda.

“Zamiel, stay away from the feud. You have work to do.” Nilingon niya ang magpinsang Samaniego na parehong tahimik at nakikinig lamang. “The meeting is postponed until further notice.”

Inayos ni Tita Matilda ang kanyang bag. Nilingon niya ako gamit ang galit na mga mata pero agad ding ibinalik sa matandang abogado. Attorney Palomar looked amused.

“I will file a reconsideration!” sabi ni Tita Matilda bago sumunod sa umalis na si Senyora Domitilla.

Daniella turned to me with tears in her eyes. Umiling siya, mukhang sobrang disappointed sa akin. I looked at her with nothing but indifference.

“That won’t change a thing,” sabi niya, tinutukoy maaari ang relasyon nila ni Zamiel. “Keep your promise and remain dignified.”

Sumunod din ito sa dalawang nakatatanda. Zamiel moved towards the old attorney. Bumaling naman ang matanda at ngumiti.

“Thank you,” Zamiel said in a hard tone.

Bumaling si Zamiel sa akin. Bumalatay sa kanyang mukha ang lamig. He looked businesslike.

“Do you wish to rearrange the organization or will it operate the same until you decide?”

Ang biglaang pagbagsak ng awtoridad sa akin ay nakakagulat. Ni sa panaginip, hindi ko inaasahan na balang araw ay ako ang magbibitiw iilang kautusan. My brain blacked out and I don’t know what to say to him.

“I won’t rearrange it,” sabi ko ng nakabawi.

He nodded curtly then turned to the old attorney again.

“Let me escort you back, Attorney. I’m sorry to disturb you.”

Hindi ko alam kung ilang sandali akong tulala sa loob ng opisinang iyon. Naupo si Caleb sa pinakamalapit na upuan, titig na titig sa akin. Paulit-ulit naman ang buntong hininga ni Amer habang pinagmamasdan akong gulat pa sa nangyayari.

Nang natauhan ako ay humingi agad ako ng dispensa. I was too preoccupied with so many things. Lalo na nitong papel na hawak ko.

“Pasensya na po.”
“No, it’s okay. I’ll give you today to think about what happened,” si Amer na iminuwestra ang upuan sa tabi ko.
“I didn’t know you’re related with the Zalduas… Or… more like… the real Zaldua,” si Caleb na bakas parin sa mukha ang gulat.

Naupo ako sa iminuwestrang upuan ni Amer. Nanghihina ang mga tuhod ko. Wala akong lakas na tumayong mag-isa sa gitna ng mga nalaman.

“So… this means, even when you’re fired, you still have work, huh?” si Amer.
“You should rearrange the organization. Zamiel Mercadejas is the director now, pinalitan niya ang Tiyahin mo. And he’s also the fiancee of Daniella Zaldua so if you want to get rid of them-”
“She shouldn’t, Caleb. Kahit paano, may nagawa naman si Matilda para sa kompanya.”
“Did you hear what that woman said?”

Gaya ng magpinsan, nagtatalo rin ang utak ko. Hindi ko sila makausap ng maayos dahil tinatanggap ko pa ang lahat.

Naglakad ako pabalik sa aking lamesa ng wala sa sarili. Hindi ko alam kung paano kumalat ang tungkol sa pagkakasisante ko pero pagpasok ko pa lang sa aking floor, iyon na ang unang tanong sa akin.

“Bakit ka sinisante?”
“Are you okay, Ace?”

The questions flooded. Wala akong masagot. Hindi ko alam kung magliligpit ba ako ng gamit in preparation of my leave for this company or what.

“My offer still stands, Miss Zaldua. I’m true to my words so if you’re uncomfortable working on your own company, tatanggapin kita rito sa mga susunod na araw. And also, if you want to recommend someone, you may. Tulong ko na ‘yan sa’yo,” si Amer na sinundan pala ako hanggang sa palapag namin.

Tumango ako.

Hindi ko tinapos ang araw ko sa opisina. Bukod sa ayaw kong harapin ang mga tanong, kailangan ko ring isiping mabuti ang mga susunod na hakbang ko ngayong nalaman ko na ang katotohanan.

“Oh? Nagtrabaho ka ba? O kagagaling mo lang sa condo ni Zamiel?” si Auntie Tamara ang sumalubong sa akin.

Naabutan ko silang nagmemeryenda ni Renato sa kusina. Sa sobrang pag s-space out ay wala sa sarili akong nagmano at tumitig lamang kay Auntie.

“Anong nangyari sa’yo?” she sounds so worried when she saw my reaction.

Naupo ako sa sofa. Iniisip ko kung paano sisimulan ang pagpapaliwanag sa kanya.

It shocked her to the core. Pinaratangan niya si Daddy bilang tanga dahil sa inakala naming piniling desisyon nito na si Tita Matilda ang mamahala sa lahat ng aming ari-arian. She bashed Dad for being “too in love” with someone who only looks like my mother.

She laughed hysterically when it dawned on her.

“Hindi nga, Ace? Is this serious?”
“Si Attorney Palomar na ang nagsabi sa akin, Auntie.”
“You should go and confirm it again on his law firm,” si Renato na kanina pa tahimik na nakikinig.

Tumitig ako sa lalaki. He looks so serious. Ibinigay ko kay Auntie Tamara kanina ang mga papel. Pinasa niya ito kay Renato.

“Double check it. Pag-aralan mo rin ang organization. Don’t rearrange it until you know how everything works.”

Nagulat ako sa advise niya. Pakiramdam ko maalam siya sa mga ito. Tumango ako at tumingin kay Auntie Tamara. Nagtaas ng kilay si Auntie at iniwas ang tingin sa akin, tila may tinatagong kung ano.

“What are you planning now, then? Palamig muna? You want to-”
Matapang akong umiling.

Sa ilang oras kong pagmumuni-muni, sa gulat ko, at sa lahat ng nangyari, hindi ko hahayaang patagalin ng pag-iisip ko ang pagbangon ko galing sa lahat ng ito. The company is mine. My father’s company is mine. Wala nang kailangang isipin pa. Takot ako, oo. Dahil hindi ako maalam sa negosyong ito. I don’t even know the basics of it. Inisip kong kung kumuha ako ng kalinyang kurso, siguro ay may ibubuga ako. Pero dahil pinagkaitan ako, wala. Pinagkaitan ako ng mga taong pilit na inaagaw ang dapat pala’y sa akin.

Kaya bakit ako hihinto? Pansamantala man?

Hindi ako hihinto.

I will claim what’s mine. Kahit pa wala akong alam. Kahit pa mahihirapan ako. I will not let them reign over the properties my parents gave me. I will not let people like them rule it for another day.

“Anong plano mo, kung ganoon?”
“Uuwi ako sa bahay,” untag ko.

Namilog ang mga mata ni Auntie. Sumulyap siya kay Renato, nagbabakasakaling mapigilan ko pero hindi ito kumibo.

“Delikado iyan!” si Auntie.
“Sasamahan ninyo ako.”
Umiling si Auntie at nagsimula ng tumawa sa pagkakabaliw. “No… No… No way. Baka duraan ko lang si Matilda pag nagkita kami.”
“Tamara…” punong-puno ng awtoridad ang boses ni Renato.

Natigil si Auntie sa mga sinasabing pagtanggi.

“Auntie, please…”
“Ace, we have this building. Even without that house, we’ll live-”
“So you’re telling me na hahayaan ko na lang sila roon? Sa bahay ni Mommy at Daddy?”

Pumikit ng mariin si Auntie Tamara, problemado sa desisyon ko. Pero buo ang loob ko.

“Fine. If you won’t come with me, ako na lang!”
She groaned. “Sandali lang. Papalayasin mo ba sila sa bahay na ‘yon?”

Hindi ko alam ang sagot doon. Alam ko kung ano ang hinihintay na sagot ni Auntie pero hindi ko maipapangako sa kanya iyon.

“I don’t know. Bahala na.”
“Make an appearance in the company’s office, too. Bago pa nila malason ang isipan ng mga empleyado roon, Ace,” si Renato ulit na ngayon ay nakatayo at nakahalukipkip na.

Iniisip kong subok lang talaga siguro ng panahon si Renato kaya alam niya ang mga gagawin. Well, I think it is normal to know things about an organization, right?

Tumango ako, desidido sa gagawin.

Mag-iimpake ako ng mga damit. Sa oras na makabalik ako sa bahay, hindi na ako aalis. Doon ako titira, hindi para ipakita sa mag-ina ang kakayahan ko, pero para bawiin ang pinaghirapan ng mga magulang ko.

Tomorrow, I will go to their office and call for an urgent meeting with the employees. Hindi ko alam kung may ngipin ba akong gawin iyon o ano. Basta alam ko, iyon ang kailangan at dapat kong gawin.

Tumayo ako at dumiretso na sa aking kwarto. Sinundan agad ako ni Auntie Tamara.

“Ace, are you sure? Ang demonyong mag-inang iyon ay masama-”
“That doesn’t mean I will give the company to them, Auntie,” sabi ko habang nagliligpit ng gamit.

Padarag siyang naupo sa kama ko habang pinagmamasdan akong hinahalungkat ang aking closet.

“And oh my gosh, you’re living there?”
“I am asking you to come with me. Mahihirapan ako, Auntie, kaya gusto kong suportahan mo ako-”
“You are asking me to live with that monster, Ace!” giit niya.

Nagpatuloy ako sa pagliligpit ng gamit. Kung ayaw ni Auntie, wala na akong magagawa. Buo na ang desisyon ko.

“Ace…” nagmamakaawang tawag ni Auntie Tamara.

I stopped and turned to her.

“Hindi ko pinangarap ito, Auntie. This never crossed my mind at all pero eto siya. Eto ang nangyayari. The company and all the properties of my parents are mine. I have to claim it. Lalo na dahil hindi karapat-dapat ang mga nakikinabang nito sa ngayon. I won’t let Tita Matilda and Daniella claim it for me!”

She exhaled heavily. Nagpatuloy ako sa pagliligpit ng gamit.

“Ace…”
“I’m sorry, Auntie. I understand that this building is dear to you kaya ayaw mong sumama. Bibisitahin na lang kita rito kapag nagkaoras ako.”

She groaned in frustration. Ilang buntong hininga pa bago siya tumayo.

“I cannot let you do this alone. Sasama ako. Isasama rin natin ang tauhan ni Renato. Manlalaban ang mga iyan at hindi ko kayang isipin ang gagawin nila kapag mag-isa ka,” she said.

Tumigil ako at bumaling muli sa kanya. I nodded in approval. She shook her head in dismay.

“Magbibihis lang ako at mag-iimpake na rin.”
“Thank you,” I sincerely said.
She smiled weakly before she rolled her eyes. “Ayaw ko mang harapin ang impaktang iyon, gusto ko naman siyang makitang nakalugmok. Hindi ko hahayaang ma manipula ka nila, Ace. Mabait ka, hindi gaya nila. Kaya alam kong kahit na ikaw na ngayon ang mas may karapatan, natatakot akong magiging kahinaan mo ang kabaitan mo.”

Umiling ako. Hindi nila magagawa sa akin iyon. Hindi ako magpapamanipula.

“Hindi ‘yan mangyayari, Auntie.”

Time came like a whirlwind. Sa iisang iglap, nagbago ang lahat. Sa iisang iglap, nalaman ko na ako pala dapat ang nasa kalagayan nina Tita Matilda at Daniella.

I will consider the things they did for the company. Pinaghirapan din nila iyon kaya hindi ko sila kayang paalisin… sa ngayon.

Sa bahay naman, hindi ko sila papalayasin. I will take my usual room and I will give Auntie Tamara a large guestroom. Hindi ko palalayasin ang mag-ina dahil hindi ako gaya nila. Wala man silang karapatan doon, hindi ko sila sapilitang ibabasura. I am beyond that.

Nagdala si Renato ng mga kasama bilang proteksyon namin. Si Auntie Tamara naman ang tumawag sa Palomar Law Firm para kumpirmahin muli ang tungkol sa last will ni Daddy at kung ano pa ang gagawin para tuluyan nang makuha ang mga dokumento. She’s set a meeting for me while I sit on Renato’s car hanggang sa lumiko ito sa aming village.

Memories suddenly hit me.

Dito ako lumaki. Tinalikuran ko ito nang nawalan ako ng pag-asa. I was so young then. Naaalala ko ang paglalakad ko palabas ng village. Naaalala ko na huling naglakad ako rito, ang tanging iniisip ko lang ay ang mabuo ang tsekeng pinunit ni Tita Matilda.

I feel filthy. Pakiramdam ko para akong tuta na walang mapuntahang bahay pero nagpatuloy parin ako. Nang nakapagtapos at umunlad ang buhay, hindi ako bumalik para maningil. I did not even think about coming here a bit. Sinikap kong magpatuloy nang hindi na ulit nililingon ang masakit na kahapon. Only to find out na lahat ng ipinagkait sa akin, akin naman pala.

Ang perang pinunit, hindi ko na dapat pang pinaghirapan. Ang bahay na iniwan, hindi ko pala dapat hinahayaan.

Tumigil kami sa labas ng gate. Ang mansyon naming bahay ay nanatiling engrande. Siguro ay taon-taon pinapaayos ang pintura at iba pa. The front yard garden looks alive and well so for sure the backyard is that way, too.

Hindi na ang dating guard namin ang nagbabantay kaya naman lumapit ito sa gate, busangot ang mukha at nagsisimulang manakot sa aming pagdating.

“Anong kailangan n’yo? Hindi umaasa ng bisita ang mga Zaldua.”
“Aba’t…” umapila agad si Auntie Tamara pero pinigilan siya ni Renato.
“Good afternoon. I have here a memo and testament regarding this property.”

Ibinigay ni Renato ang papel sa security guard bago bumaling sa akin.

“Mga Zaldua ka d’yan. They are not the real Zaldua…” bulong-bulong ni Auntie Tamara na mabilis na nahighblood.
“This is Astherielle Seraphine Zaldua, daughter of Engineer Teodorico Zaldua and Dorothea Zaldua. Sila ang tunay na may-ari nitong bahay.”
“Tatawagan ko lang po ang amo ko,” diskumpyadong sagot ng sekyu.
“Pakisabi na rin na may kasama syang mga pulis.”

Kumunot ang noo ng sekyu sabay pasada ng tingin sa mga naka uniporme sa likod ko. Hati ako roon. I feel like I shouldn’t fight for my spot like this. Pero para sa habilin ng mga magulang ko, gagawin ko ang lahat mabawi lang ang lahat ng ito.

“Pasensya na po pero bilin na huwag kayong papasukin,” sabi ng sekyu pagkatapos ng isang tawag, siguro’y galing sa loob.

Naroon kaya si Tita Matilda sa loob? Umuwi ba agad siya rito pagkatapos ng nangyari sa mga Samaniego?

“Pakibasa po ng mabuti ang dokumento-” pinutol ng sekyu si Renato.
“Pasensya na po pero hindi talaga pwede.”
“Nandyan ba si Tita Matilda sa loob?” tanong ko at lumapit sa malaking tansong gate namin.

I will not stop or back down now. I will not wait until Tita Matilda arrives and approves my arrival. This house is mine. Hindi ko kailangan ng permiso para pumasok. Hindi ko kailangang magtagal sa likod ng tansong barikadang ito.

“Hindi talaga pwedeng pumasok.”
“Manong, kilala n’yo po ba ang tunay na may-ari ng bahay na ito? Nakita n’yo po ba ang titulo man lang nito-”
“Hindi po,” he said dismissing me. He looks so annoyed with me and he’s not willing to listen anymore.

Nagtiim bagang ako. Nilingon ni Renato ang mga kasamahan niya sa likod pero hindi ako tumigil. Naglakad ako palapit pa sa gate. Hinawakan ko ang maninipis na tanso habang nilalapit ang mukha roon.

“Manong, ako po ang tunay na anak ng may-ari nitong-”
“Pasensya na po, Ma’am. Hindi ka kilala ni Ma’am Matilda.”

Fuck.

I understand that he’s just doing his job. He’s doing it very well, actually.

“Paki basa po ang mga dokumento. Hindi naman po ako papayagang magdala ng mga pulis dito kung hindi aprubado ng gobyerno o ng saligang batas-”
“Umalis na lang kayo! Naiirita na ako, ha? Sabi kong hindi pwede, e!” now his voice was raised.
“Aba’t huwag kang magsalita ng ganyan sa pamangkin ko!” sigaw ni Auntie Tamara.

The security guard’s neck craned to see who it is. Napakurap-kurap ito nang nakita si Auntie.

“Manong, hindi po kami manggugulo. Pakitawag na lang po si Tita Matilda, o…” sabi ko.
“Hindi nga sabi pwede, e! Ang kulit n’yo ah! Akala n’yo natatakot kami sa mga pulis?” now his voice hurled.

Lumapit ang iilang trabahante. Isang security guard pa ang tumulong, ang hardinero, at iilang mga kasambahay. Some of the househelps were our old househelps. Ang hardinero ay kilala rin ako.

“Ace!” tawag ng iilan.
“Umalis na kayo!” sigaw ng sekyu ulit.

Ngumiti ako sa mga nagpakitang kasambahay at hardinero. I even tried to stick my hand in so I could hold those who were shocked and happy pero tinampal ng sekyu ang aking kamay.

“What the hell?!” Auntie Tamara screamed.

Narinig ko ang iilang yapak ng mga kasamahan ni Renato. I even heard the clicking of, I think, guns.

“Sisisantehin ka sa oras na mabawi na ang bahay na ito! Nasisiguro ko ‘yan! Tangina mo!” pahisteryang sigaw ni Auntie Tamara habang inilalayo ako sa gate.

Hindi nakapagsalita ang dalawang sekyu. The maids were afraid, ang iba’y nakikitingin na lang.

“Siya ang anak ni Engineer, Rommel! Papasukin mo siya…” sabi ng pinakamatandang kasambahay namin.

“Ang bibilis din naman talaga ng radar ng mga hampas-lupang gaya n’yo, ano?” boses ni Tita Matilda ang nasa likod ng mga kasambahay.

Anger welled deep within me. Hindi pa siya nakakapagbihis. Mukhang galing pa siyang trabaho. Tumabi ang mga nakiusisang kasambahay, pati ang mga sekyung naroon. Ngumisi si Tita Matilda habang tinitingnan kaming nasa labas at walang magawa kundi manatili roon.

“I will claim what’s mine, Tita. Alam mong wala kang magagawa kundi magbigay dahil ito ang nakasaad sa mga dokumento,” kalmado kong sinabi.

Tiningnan ni Tita Matilda ang mga kasamahan ko. She looked at Auntie Tamara with disgust while I can hear my Aunt muttering curse words.

“Talaga ba, Ace? Tingin mo wala akong m-magagawa?” naririnig ko ang takot sa boses niya pero kaya niya paring mag mayabang at mas manakot. “Hindi mo kami mapapaalis sa mansyong ito.”
Umiling ako. “I am beyond that. Hindi ko kayo papalayasin. I just want to claim it. Don’t worry, until your death, I will let you stay here.”

Matalim akong tinitigan ni Tita Matilda. Itinuro niya ako.

“Once Daniella marries Zamiel, we will leave this ugly mansion, a-anyway,” mas lalo kong nahimigan ang kanyang takot.
“Open this, then. If you won’t, we will. At huwag mong hintayin na magbago ang isip ko sa pagpapatira sa inyo rito, Tita. Baka mapaaga ang paglipat ninyo sa mga Mercadejas kung sakali.”

Ngayon, kahit pa magmayabang siya ay hindi niya na maitago ang kaba. Napakurap-kurap si Tita. Nagkatinginan sila ng security guard at tila alam agad ng guard ang gagawin.

The two guards slowly opened the gates. Pagalit na tumalikod si Tita Matilda para mambastos. Sumilay ang ngiti sa akin nang unti-unting nabahagi ang tansong barikada sa harap.

“Schedule a meeting tomorrow morning, Tita. For the whole firm. I won’t be there, I have other things to do, so I am counting on you. Tell them who the real owner is, then I will let you take your part on-”
“Walang hiya ka! May parte talaga ako sa kompanya kahit anong sabihin mo-”
“Walang kwenta ang parte mo, Tita, kung iisipin kong mabuti ang lahat ng ginawa n’yo sa akin noon!”
Nawala ang tapang sa kanyang mukha.
“Tell the whole organization that I will start to fill my post on Monday. I need an office. Pakisabi na rin kay Daniella para malaman niya,” pahabol ko.

Sumulyap si Tita Matilda sa akin para sa pahabol niya rin.

“My daughter will not sleep here from now on. She’ll live with Zamiel Mercadejas. Hindi kakayanin noon na makasama ka sa iisang bubong,” bago siya tuluyang nakadiretso sa malaking bukana papasok ng bahay.

Nagtagis ang bagang ko nang agaran ang pagbuo ng mga kulay sa aking utak. The image of Zamiel in tangled sheets with Daniella filled my mind.

“Ano?!” dagdagan pa ng gulat na tanong ni Auntie Tamara. “She’s… what the hell, Ace? Hahayaan mo ba ‘to?”
“It’s her fiancee, anyway…” mariin kong tugon. “Kakausapin ko po muna ang mga kasambahay. Choose a guestroom, Auntie…” sabi ko para walain ang usapan doon.
“Pero, Ace! Anong klaseng…”

Iniwan ko si Auntie roon na lito. I get that her impression of Zamiel probably changed. I don’t care. I have other things to do. Mas marami pa ang problema ko at mas importante pa ang iba.

Zamiel is my least priority. In fact, he’s not a priority. I will stand by my decision.

Takot si Renato na iwan kami ni Auntie Tamara sa mansion na mag-isa. Kahit pa pinanatag ko siya sa pagsasabing kilala ako ng iilang kasambahay. So I let him stay with Auntie Tamara without her approval.

“Ace! Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko! Kaya kitang ipagtanggol!”
“Auntie, sige na po. Maayos naman ang intensyon ni Renato. Wala namang mawawala-”
“Then at least give him another guest room!” kumurap-kurap si Auntie Tamara sa sinabi niya.
Nagkasalubong ang kilay ko sa pagtataka. “Bakit?”
“Anong bakit? Hindi dapat nag-iisang kwarto ang babae at lalaki!”

Umirap ako. I know what she means. It is true. However, I did not expect to hear it from her. Hindi ko alam kung nagkukunwari lang ba siya, o ayaw niya lang talagang makasama si Renato, o ipinapakita niya sa akin na maayos at matino naman siyang Auntie.

“Haaay!” pati ba ito problema ko pa? “Fine! Choose a guestroom for him.”

Hindi na ulit lumabas si Tita Matilda kahit pa noong gumabi na. Pinadala niya lamang ang pagkain niya sa kanyang kwarto habang kaming tatlo naman ngayon ang nasa hapag.

The househelps look happy. It’s clear that they weren’t treated very well kaya ngayong kami na ang naroon at nakikita nilang maayos ang tungo, tuwang tuwa sila.

“Hindi ka pa pupunta sa opisina mo bukas?” tanong ni Renato.
Tumango ako. “Si Tita Matilda na muna ang ipagdedeklara ko tungkol sa akin. Babalik muna ako sa Law Firm ni Attorney at siguro’y pag-aaralan ko muna ang organization.”
“I’m sure Zamiel can help you with that,” si Renato ulit.
“Naku!” agap ni Auntie. “Huwag ka nang umasa sa manlolokong iyon! He’s with Daniella right now kaya nga wala pa iyong bruha rito, e! Tanggalin mo nga iyon sa poste niya, Ace!”
“Tamara, he’s the director because of his skill. To remove him now habang hindi pa alam ni Ace paano patakbuhin ang kompanya-”
“Wala akong pake! Gwapo lang siya pero manloloko pala! Ganyan talaga ang mga tycoon! Masaya kahit na ibasted may nakareto naman kaya okay lang!” hindi ko maintindihan ang pinaghuhugutan ni Auntie.

Inirapan niya si Renato. Si Renato naman ay napainom ng tubig at natahimik na lamang.

Mas lalo ko tuloy naramdaman ang pagtanda ko. Bigla ko na lang pasan ang mundo. Pati ata si Renato at Auntie Tamara ay pasan ko rin. Para silang mga teenager na nagliligawan na ewan.

After dinner, we toured the house. Tatlong house helper ang sumama sa amin para gawin iyon. Ipinakita rin sa amin ang dati naming library at study na ayon sa kanila’y nililinisan madalas kahit na walang gumagamit.

Pareho kasing umuuwi si Daniella at Tita Matilda rito para lang matulog at kumain. They are mostly in social events, abroad or whatnots.

“Madalas din po kasi si Ma’am Daniella kay Zamiel Mercadejas, Ma’am…” kwento ng pinakabatang kasambahay.

Tumango ako kahit pa nararamdaman ko ang pagkakamuhi. While Auntie Tamara is starting her litany of curses for Zamiel again.

“Wala talaga, oh! Hindi pa umuuwi kahit alas nuwebe na! So totoo nga!” si Auntie Tamara nang sa wakas ay naupo kami sa tansong mga upuan sa backyard garden ng bahay.

It feels good to really be back here. Naaalala ko noong buhay pa si Mommy. We used to have a picnic here and I would play with my toys while she enjoys her tea below the shade of our decorative trees.

Kung hindi lang sana binabanggit ni Auntie si Zamiel at Daniella, tuloy tuloy na ang pag-iisip ko sa nakaraan. She’s right, though. Daniella is not back here. Maybe it’s true, then.

Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang may mensahe galing kay Zamiel. My heart leapt but when I saw how businesslike the text was, ibinalik ko ang indifference ko para rito.

Zamiel:
I will call a meeting for the whole organization tomorrow. Will you be there?

Kanina niya pa ito tinext. Ngayon pa lang ako magrereply.

Ako:
No.

Nagulat ako sa agaran niyang pagrereply. Halos hindi ko pa nabababa ay nagreply na si Zamiel.

Zamiel:
Okay. We’ll have a meeting with some clients. I hope you can come by then.

Ako:
Kailan ba?

Zamiel:
I’ll send you a full schedule of the meetings. For now, I can represent you.

Ako:
Ipasend mo na lang sa sekretarya ko. That’s not your job.

Hindi siya nakapagreply agad. Dalawang beses kong dinungaw ang cellphone ko bago naupo sa tabing upuan ni Auntie Tamara.

Tiningala ko ang dami ng mga bituin sa langit. Funny how my most private thoughts include some terrifying things… like… hindi kaya pati ang pagkakasundo, nagkamali rin? Hindi kaya ako talaga ang pinagkasundo kay Zamiel at hindi si Daniella?

Nahihibang na talaga yata ako. Sobrang dami na ang ibinalik sa akin ng tadhana pero nanghihingi pa ako ng sobra sobra pa.

I hope I won’t think about that again. I have to be strong for this new opportunity. Hindi iyon akin para isipin.

Zamiel:
Okay.

Nilapag ko ang cellphone ko sa lamesa. Nilingon ako ni Auntie Tamara.

“Aayusin ko ang bank accounts ko,” sabi ko sabay lingon kay Auntie Tamara. “Ibabalik ko ang pera ni Zamiel.”

KItang-kita ko ang pag-ahon ng dibdib ni Auntie Tamara. Naramdaman ko ang pagsisisi niya. I am not blaming her, anymore. Tapos na iyon. Isa pa, ako naman ang pumayag sa huli kahit pa sabihing napilitan ako dahil nagasta niya ang pera.

“Ayaw kong magkautang ng loob sa kanya,” tanging nasabi kong rason.

The mornings were awkward. Pagkagising ko, pagtatalo at tarayan ni Tita Matilda at Auntie Tamara ang naaabutan ko. Renato looks so stressed as he held Auntie’s shoulders para lang mapigilan itong sugurin si Tita.

“I will leave now for work. Huwag kayong magkakalat dito…”

Nagtagal ang tingin ni Tita Matilda kay Renato. She flipped her long hair at supladang umalis sa harap ng dalawa. Nang nakita ako ni Tita Matilda ay nilagpasan niya lang ako.

Sinundan ko ng tingin si Tita. No need to remind her of the meeting and my office. Sinabi na rin naman ni Zamiel na magpapameeting siya ngayon.

“Anong nangyari?” tanong ko sabay upo sa hapag.

Padabog ding umupo si Auntie Tamara, inaalalayan ni Renato kahit pa binabalikwas naman niya ang kamay nito.

“I just hate that old bitch,” she said without further explanations.

I guess I’ll have to deal with that everyday, then. Hindi ako makapaniwalang mabilis talaga ang pangyayari. Kailanlang ay sa apartment ako gumigising, ngayon nandito na.

Unang ginawa ko sa araw na iyon ay ang bisitahin ang puntod ni Mommy at Daddy. I did not have a chance to visit their graves before because it is near the village. Natatakot akong makita si Tita Matilda kapag napunta ako roon. Funny why I think she’ll see me when I don’t think she visits the grave of my father.

Then, I went to Attorney Palomar’s law firm. Kasama ang isa sa lawyer-apprentice niya, pumunta kami sa bangko para kausapin ang head tungkol sa mga funds ni Daddy.

“Naiprocess na po ito two years ago, noong nag twenty one ka po, Miss Zaldua,” sabi ng attorney.
Tumango ako. “Okay, po. So ano ang gagawin ko ngayon?”

It’s transferred immediately. In fact, kakatapos lang noon. Just last week. Nagulat naman ako. Inasahan kong marami pang gagawin.

Bumili ako ng laptop. Kasabay noon ang follow-up ni Amer sa akin at wala akong ibang maisip kundi si Judson. Though he only has a senior high experience with drafting, and nothing more.

Amer:
I’m fine with that. Bring him to me.

Sa sumunod na araw, tinawagan ko si Judson. Inabala ko rin ang sarili ko sa pag-aaral sa organizational chart ng aming firm. The secretary sent me the complete chart and functions of everyone in it.

Managing Director, Zarrick Amiel Mercadejas. Walang post si Daniella at wala rin kay Tita Matilda. They are so confident, huh? Kung sa bagay…

Hindi umuwi si Daniella. Madalas ko na lang marinig si Tita Matilda na kausap ito sa cellphone habang tumatawa.

“I’m glad you like it there, hija. Send my regards to Zamiel…” malambing na sinabi ni Tita sa kanya.

Pokerfaced ako lagi tuwing naririnig ko iyon pero hindi naman kaya ni Auntie Tamara na manahimik. Araw-araw, mas lalo siyang nagagalit kay Zamiel. Hindi ko na alam kung paano pa siya papakalmahin sa opinyon niya rito.

“Get the Executive Director post,” si Amer nang bumisita ako sa Samaniego at nagkausap kami sa opisina niya.

I had to go back and explain what happened to my colleagues. Hindi nila lubusang naintindihan o hindi lang talaga sila makapaniwala. Ako rin naman. Hindi ko pa lubusang maisip ngayon ang nangyayaring ito. That’s why the opinion of those in the field matters so much to me.

“Tama lang na hindi mo ni reassign. You still don’t know how this works and Zamiel is a good businessman,” si Amer.
“You just like him, Amer,” si Caleb naman na nasa likod ko.

Tumayo ako. For four days now, pinag-isipan ko ang susuotin sa lahat ng mga lakad ko. Ang sabi kasi ni Auntie Tamara, I need to look like a boss – far from my image weeks ago.

I’m wearing stilletos, a white longsleeves and deep v-neck bodycon dress. Kanina’y pinuri ako ni Amer sa pagbabago sa akin. Now Caleb is watching me closely.

“Though, I’m sticking with that. I won’t reassign him, at least-”
“Ace… you do know that Zamiel Mercadejas is bound to marry Daniella, right? Hindi naman kaya maibabalik sa kanila ang lahat kapag hinayaan mo siyang mamuno imbes na ikaw? I can help you with the decision making for free! Promise!” si Caleb.
“Kahit pa magkatuluyan sila, hindi mawawala ang katotohanan na akin ang kompanya. Zamiel is just my employee and that’s all. The assets and liabilities are under my name. His impressive leadership won’t change that.”

Lumapad ang ngisi ni Amer at nag slow clap para sa akin. Uminit ang pisngi ko.

“You are a fast learner. Ipagpatuloy mo lang ‘yan!”

Ngumiti ako. I can’t believe I found friends in them. I appreciate Amer and Caleb’s help. Ni hindi ko inasahan na ganito ang mangyayari.

“Asan na ang ipinangako mong magaling din mag draft, Ace? Papag-aralin ko iyon, kung sakaling gusto niya.”
Ngumiti ako. “Luluwas siya sa Linggo. I will bring him in my first office appearance-”
“Hmmm. Meeting natin iyan, ‘di ba? Zamiel told me that the meeting will be in your conference room for our thirty four thousand squaremeter warehouse.”
Tumango ako. “Doon ko na lang din siya dadalhin, kung ganoon?”
Amer smirked. “Okay. I’m fine with that. Does he have a place to stay, anyway?”

May nahimigan akong kung ano sa boses ni Amer. Mabilis akong tumango.

“He’ll stay in my apartment-”
“Boyfriend mo? Pamalit kay Zamiel?” humagalpak siya sa tawa.
Natawa rin ako. “Hindi naman. He’s an old friend back in Sta. Ana…”
“Tsss. Magaling ba talaga ‘yan, Ace?” si Caleb naman.

Tumango ako at tipid na ngumiti.

For some reason, talking with the people who are good in business boosts my confidence. Reading about the chart and the functions supported what I’ve learned from them. At nalaman ko rin kung gaano na talaga kalaki ang business ngayon. It is the leading firm when it comes to constructing large public buildings. Mga warehouse, gymnasiums, at marami pang iba. The operations even expanded till Visayas. Kaya naman hindi ko masabing walang kwenta ang ginawa ni Tita Matilda. She did good. I can’t believe it.

“Judson!” bati ko nang inanyayahan ni Auntie Tamara si Jud, umaga ng Lunes.

Kabadong-kabado ako kanina pa lang paggising. Ngayong nakita ko ang kaibigan, naibsan ang kaba ko. Today is my first office appearance. I’m physically ready but not mentally.

Niyakap ko si Jud. Wearing a simple white t-shirt and a faded jeans, walang nagbago sa kanya. Samantalang titig na titig siya sa akin dahil siguro sa suot ko.

I’m wearing one of Auntie Tamara’s personal choice of dress. Isang puting haltertop bodycon dress na walang saplot ang likod. Iyon ang pinili ko dahil iyon ang pinakabalot ang harapan. The rest were all deep v-necks and the likes. This one is sexy at the back and formal in front, kaya ayos lang.

“Ibang-iba ka na, ah!?” natutuwang sinabi ni Jud.

Tinampal ko siya sa balikat. Noong tumawag ako sa kanya, sinabi ko ang tungkol sa nangyari kaya hindi ko na kailangang magpaliwanag pa.

“Buti pumayag ka na lumuwas, Jud!” si Auntie Tamara habang pinipresinta si Renato para maipakilala.
“Oo naman, Auntie. Miss ko na si Ace, e…” Ngumiti si Jud sa akin. I grinned. I missed him, too.
“Ay naku! Kayo na lang! Hindi na ako boto doon sa lecheng ex boyfriend ni Ace, e. Kayo na nga!” tukso ni Auntie Tamara.

Sinipat ko si Auntie na agad namang tumahimik at ngumiti. I smiled at Judson again.

“Kung sasagutin ako, bakit hindi?” pasaring ni Jud habang umuupo sa tabi ni Auntie Tamara.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.