What Lies Beneath The Sand – Kabanata 32

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath The Sand – Kabanata 32

Kabanata 32
Last Will

Hindi pa ako nakakabawi sa pagpunta nilang tatlo sa opisina ay nilapitan na ako ng sekretarya ni Amer.

Pinagtitinginan ako ng mga kasama ko. Iilan sa kanila, alam kong gustong magtanong kung ano ang ibig sabihin noon. Iilan din siguro ang natantong related ako sa mga Zaldua na may-ari ng Zaldua Firm.

“Miss Zaldua, Amer Samaniego wants you in his office.”

Noong una gusto kong tumanggi. Hindi ba may meeting sila? Ibig sabihin naroon din sina Tita Matilda at Senyora Domitilla? I don’t want to face them again. Especially after that big blow on my face.

“Ngayon din, po.”

Tumango ako bilang tugon. Pagod akong tumayo. May sinabi si Ashton para pigilan ako pero hindi na rumihistro sa utak ko. Kung sinabi ni Amer na pupunta ako sa opisina niya, pupunta ako. He’s my boss.

Fear welled in my stomach when I realize that it could be about it. Baka naman sisisantehin niya na ako gaya ng binanggit ni Senyora Domitilla. Saan ako pupulutin na hindi ako abot ng kapangyarihan nila? Kahit sa club ay paniguradong mahahawakan nila sa leeg si Madame Sonja. I have nowhere to go! Damn it!

My fear and loathing intensified when I got into the right floor. Alam kong nasa conference hall sila pero iginiya ako ng sekretarya sa kabilang side, kung nasaan ang opisina ni Amer. Sa sobrang kaba ko, hindi na ako makapag-isip ng matino.

Binuksan ng sekretarya ang pintuan. Pumasok ako at iniwan niya kami ni Amer doon.

Amer is looking at me intently on his swivel chair. Sabi ni Senyora Domitilla kanina, nasa conference hall na raw si Amer. Kung ganoon, hinayaan niya ang tatlo sa meeting nila. I don’t know what their meeting is all about but I’m sure it’s for business. Ang babaw naman siguro kung tungkol sa akin… pero… hindi ako makapaniwalang naiisip kong posible ngang iyon ang dahilan.

“Good morning, Miss Zaldua,” Amer said after a long stretch of silence.

Tumango ako at yumuko.

“Good morning, po.”

Tumingin siya sa gilid na dingding na tila iniisip pang mabuti kung paano sisimulan. He moved his swivel chair back and forth. Pagkatapos ng ilang saglit ay tumigil siya at huminga ng malalim.

“May meeting ako ngayon with the Zaldua Firm for the making of our thirty four thousand square meter place. Sila kasi ang kukunin namin para gumawa noon.”

Tumango lamang ako. Para akong hihimatayin sa kaba. Ano ang magagawa ko kung sabihin ni Amer na gusto niya akong mag resign sa kompanyang ‘to, ano nga ba ang magagawa ko. I will fight for my right? As an employee, may karapatan akong kwestyunin kung bakit ako sisisantehin gayong wala akong ginagawang masama. But then what about my involvement with the escort services plus the truth that I still don’t have my files from school?

Hindi ko maipagkakailang may grounds nga sila na sisantehin ako sa kompanyang ito.

“Si Caleb pa ang naroon para kausapin si Mrs. Zaldua at ang kanyang mga kasama.”

Tumayo si Amer. Nagtungo siya sa isang glass table na may inumin at nagsalin sa kanyang wineglass. It’s either he’s taking his time or he just didn’t know how to break it to me.

“How are you related to the Zalduas?” tanong niya.

Alam kong balang araw, itatanong ito sa akin. Hindi ko nasagot ng maayos noon si Caleb. Marami naman kasi ang pareho ng apelyido.

“Matilda Zaldua is my step mother, po.”
“You’re the daughter of Engineer Teodorico Zaldua, right? The real daughter?”
“Yes…”

Pumikit ng mariin si Amer na tila ba may pagkakamaling nagawa. Dumilat siya para sumimsim sa hawak na wine glass bago binaling ang atensyon sa akin at humalukipkip.

“I know I shouldn’t ask you personal things, nor meddle with your private life, but I don’t have any other choice now.”

The anticipation is killing me. Hirap na hirap ata siya na hindi niya madiretso sa akin.

“Ako man ang head ng kompanyang ito, my father and my uncles are still part of the corporation as investors. Especially my father, Ms. Zaldua. Kung ako ang papipiliin, I will never let politics affect my decisions. Pero hindi ko maipagkakaila na kung hihingin na ng ama ko ang isang bagay, hindi na ako makakatanggi.”

Shit. I think Senyora Domitilla and Tita Matilda asked his father, instead. Hating hati ako. Gusto kong intindihin si Amer pero hindi ko matanggap na matatanggal ako ng ganoon lang.

“Am I going to get fired? Sir, please, no. Wala akong ginagawang masama. Ginagawa ko naman ang trabaho ko-”
“They have evidence of you working inside a night club.”
“Dati iyon. Bago po ako nakuha rito.”
“And they said that my cousin, Caleb, was once your customer?”

What the hell? Umiling ako.

Hindi ko alam kung paano pa ipagtatanggol ang sarili ko roon. Will he believe me, anyway? Will these influential and powerful people believe someone as small as me?

“Hindi po. Kahit tanungin ninyo pa si Caleb. Hindi po kailanman nangyari iyon-”
“You have a picture with him in an expensive restaurant?” nagtaas ng kilay si Amer.
“That was after you accepted me in the company. He treated me and that’s all!”

Sumimsim ulit si Amer sa kanyang wine glass. Naglakad siya palapit sa malaking salamin, dinungaw saglit ang kitang mga building bago bumaling sa akin.

“I believe you, Miss Zaldua.”

Bumalik siya sa kanyang swivel chair. He settled in and then he sighed heavily.

“Pero hindi ko matatanggihan ang ama ko. It is his decision to terminate your employment in this company.”
“Sir, please po. I will work harder for this!” Damn, I sound so desperate.
“I can only ammend it, Miss Zaldua. His memo is to terminate you immediately. I request you to find and recommend a good employee for me bago ka matanggal sa pwesto mo.”

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung makukuntento na ba ako sa alok niya o luluhod pa ako rito huwag lang ako tanggalin.

“Sir, baka naman-”
“I really want you as an employee. Kaya lang, wala talaga akong magagawa sa desisyon ng ama ko. Eto lang ang kaya kong gawin para sa iyo. To extend it for days so you won’t have to deal with it right now,” he said miserably.

Kitang-kita sa mukha niya na bigong bigo rin siya. Kahit pa natatabunan ang mukha ng make up ay nababakas parin ang stress.

“Wala po akong ginagawang masama sa kompanyang ito. O kahit sa mga taong gustong manira sa akin! They all just want me gone, without reasons! I tried my best not to see them again because I know they’ll hate me, hindi ako nanggugulo sa kanila, pero ganito?”
“Recently, I heard rumors about you and Zamiel Mercadejas.”

Shit.

Umiling agad ako. “Wala pong namamagitan sa amin ni Zamiel.”
Kumunot ang noo ni Amer.
“At hindi po iyon ang dahilan nina Tita Matilda at Daniella. Gusto lang talaga nila akong umalis ng Maynila.”
“Say it could affect their decisions. Besides, si Domitilla Mercadejas ang tumawag kay Dad kaya ito nagdesisyon ng pinal tungkol sa’yo. It is the old lady that wants you out and for sure she has her reasons, it’s for Zamiel.”
“Pero Sir…” bigo kong agap.
“Walang namamagitan sa inyo? Are you really sure?”

Kinagat ko ang labi ko at yumuko. Hindi ko kayang harap-harapang tanggihan ang nararamdaman ko sa isang taong gaya ni Amer. He’s done nothing bad to me. Tinutulungan niya pa nga ako.

I need more practice with my lies. I need to be a better liar!

“Well, if you say so, Miss Zaldua. But…”

Tumayo si Amer at naglakad palapit sa akin. His thin suit is all black, gaya ng madalas niyang suot. His small frame is screaming that he’s chosen his own gender, samahan pa ng make up sa mukha.

“I will give you a chance to explain your side,” aniya na nagpaangat ng tingin sa akin.

Explain my side? To who? To Tita Matilda, Daniella, and Senyora Domitilla? Una kong naisip kung hahayaan ba nila si Amer na gawin iyon. Sunod ay ang kaba ko. They will never hear my explanations. Mas lalo lang silang magagalit.

But if I am doomed to have nothing and lose more, then I will drain all my energy para lang maipagtanggol ang sarili ko. Kahit pa alam kong wala nang patutunguhan ‘to, I’ll take every chance I can get to voice out my feelings and my decisions for this.

“Are you willing to?”
“How am I going to do that?” nalilito kong tanong.
“The meeting is exclusively for the firm and the chairman, kasama si Caleb. I will invite you in that meeting and tell them whatever you want to tell them.”

Napaawang ang labi ko. Hindi ko maiwasan ang pag-iisip ng tungkol kay Amer. Paano siya? But then he’s chairman, he can’t be touched. Kahit pa sabihing pagagalitan siya ng ama niya, hindi siya gaya kong mabilis matiris.

“Sinabi mo sa aking wala kayo ni Zamiel, sabihin mo sa kanila. Sabihin mo rin lahat ng pinagdaanan mo, kung gusto mo. I will give you that time. Ayaw kong sisantehin ka nang hindi binibigyan ng pagkakataong magpaliwanag sa mga taong galit sa’yo.”

Kahit pa alam kong ‘di ako pakikinggan, I will grab this chance to fight. Matapang akong tumango. Tumango rin si Amer sa akin.

“Good. Done deal.”

At naglakad siya patungo sa pintuan, hudyat na dapat ko siyang sundan. Kabadong kabado ako. Pero hindi gaya noong unang kita ko kay Tita Matilda kanina, mas may lakas ako ngayon. Siguro dahil alam ko na huling tsansa ko na ‘to. Na matatanggal ako sa trabahong ito kahit pa lumaban man ako o hindi. Lalaban ako dahil pakiramdam ko, magsisisi ako sa huli… kung bakit ko hinayaang pangunahan ako ng takot.

Binuksan ni Amer ang puting double doors na paniguradong papasok sa conference room. I’ve never been here. This is my first time. And probably, last?

Isang mahabang lamesa ang bumungad sa akin. Nakaupo si Caleb sa malayong kabisera at inaasahang uupo si Amer sa malapit na kabisera. Tita Matilda and Senyora Domitilla is sitting on the left side while Daniella is on Amer’s right.

Kanina pa walang ngiti si Senyora Domitilla, nanatiling busangot ang kanyang mukha nang nakita ako. While Daniella and Tita Matilda were both smiling a bit. Their expression changed when they saw me grace the room.

“Good morning, everyone. Sorry for that,” si Amer.

Sinarado ng sekretarya ang pintuan sa likod ko. Hindi na ako uupo. Pakiramdam ko ay hindi na kailagan. Dito lang ako sa likod ni Amer. Pagkatapos kong depensahan ang sarili ko ay aalis na ako rito.

“I am actually expecting Zamiel Mercadejas in this meeting but-”
“He won’t be here, Amer. He trusts my leadership as his future wife kaya hinayaan niya na kami rito,” putol ni Daniella.

Ngumisi si Amer pero agad ding nakabawi. Nakita niya ang titig ni Tita Matilda at Senyora Domitilla sa akin. He turned to me. Iminuwestra niya ako bago pabirong nagsalita.

“This is Astherielle Zaldua, my employee…”

Kunot-noong humilig si Caleb sa kanyang swivel chair, lito sa ginagawa ni Amer. But then this is also to save his name… to clear it before it breaks out as a hideous rumor. Naging mabait si Caleb sa akin at kung isusukli ko sa kanya ang pagdudungis ng pangalan, wala akong kwentang kaibigan.

“What are you doing, Amer? I believe you know my request?” mariing tanong ni Senyora.

Parang humalukay ang tiyan ko sa kaba. Gusto kong magsalita pero hinayaan ko muna sila.

“I know Senyora, in fact, I went back to my office to tell her about the situation. She’s fired. Although, I am asking for an intern from her bago ko siya tuluyang patalsikin-”
“Anong ibig mong sabihin, Amer?” gulat na tanong ni Caleb.
“Can’t you see, Amer? If you fired her immediately, hindi na magiging kumplikado ito kaya bakit mo pa dinala ang babaeng ito rito?” painsulto akong hinagod ng tingin ni Senyora Domitilla.

Unti-unti namang namutawi ang ngiti sa mukha ni Tita Matilda. While Daniella looked at me with an eyebrow shot above to confirm my inferiority.

“Although, I take my father’s commands diligently, I have my own ways.
“She’s fired, Amer?” Tumayo si Caleb sa gulat ngayon.
Nakakalokang tumawa si Tita Matilda. “Of course, she should be! Kung pwede lang pati ang boss ay matanggal dahil sa ginawa ay…” makahulugang tiningnan ni Tita Matilda si Caleb.
“That’s enough, Tita! Hindi ‘yan totoo!” pigil ko.

Hindi ko na kayang makinig habang pinaparatangan niya si Caleb na ganoon. Wala siyang alam kaya bakit siya magsasalita ng ganyan. Pure confusion is on Caleb’s expression. Tahimik naman si Amer habang tinitingnan ang mga taong nasa harap namin.

Humakbang ako palapit sa lamesa. Nagpupuyos ang aking damdamin at pinipigilan ko ang galit ko. I have to set it aside to think clearly. This is my last chance to say everything. I have nothing to lose, anyway.

“Hindi totoo? Alin dun?” Hinampas ni Tita Matilda ang lamesa at tumayo siya sa panggigigil.

“The manager said that it’s true! Sinungaling ka rin, e. Nagsisinungaling ka para tabunan ang kamalian mo at manatili ka sa kompanyang ito?”
“Yes, it is!” natakot ako sa sarili kong boses.

Natahimik silang lahat. Kahit pa kabado ako ay buo parin ang boses ko. Hindi gumagaralgal ko nanginginig.

“Nagtrabaho ako sa isang night club bilang waiter.”
“That’s not what I heard-”
“The picture you presented was me in my usual uniform bilang waitress sa night club na iyon dahil wala kaming pera. Marangal iyon na trabaho-”
“Marangal? You were an escort just like your filty Aunt!”
“I was, yes, it is true!”
“Kita mo na…” sabay baling ni Tita Matilda kay Senyora Domitilla.

Senyora’s face hardened. I can sense her blood boiling but that did not stop me from telling the truth.

“Naging escort ako! Zamiel offered Auntie Tamara a large sum of money. Bago ko pa nalaman iyon, nagastos na ni Auntie ang milyon o higit. Wala kaming pera pambayad doon! Nagalit ako kay Auntie pero alam ko sa sarili ko na wala ring magagawa ang galit ko. I accepted Zamiel’s offer and that’s it-”
“You liar! Pati ang boss mo rito, hindi ba?” sumulyap si Auntie kay Caleb.
“No!”
“Anong ibig sabihin nito?” si Caleb.
“Tinulungan ako ni Caleb sa kompanyang ito. He treated me for dinner and that’s it. He knows I’m only a waitress! Hindi ko kailanman-”
“Wala akong pakealam sa eksplenasyon mo. Isa lang ang alam ko. Bayaran ka. You are targetting Zamiel just so-”
“I am not! Bakit hindi si Zamiel ang kausapin ninyo? Why don’t you tell him to leave me alone!” I shouted.

Nanlalaki ang mga mata ni Tita Matilda. Tumayo si Daniella, ngayon ay mabilis ang bawat hininga at galit na rin.

“Malandi ka! Inaakusahan mo pa ang fiancee ko na lumalapit sa’yo!? Bakit siya lalapit sa’yo? You cheap whore!” she spat.

I turned to her. Bawat bigkas niya ng salita ay naaalala ko kung paano ako nagsakripisyo noon para sa gusto niyang mangyari. Hindi ko inakalang pagkatapos ng pagbibigay respeto at halaga ko sa kanila, ganito ang aabutin ko.

“Iskwater ka! Nangangarap ka sigurong umangat sa sosyedad kaya ganoon, ano? Guess what, he’ll never like you. Guni-guni mo lang ang mga naiisip mo. Gusto ka lang paghigantihan noon. Because he’s so angry with you, all those years… Kaya ‘wag ka nang mangarap, Ace.”
“She probably thinks he’s been waiting for her for years. Baka nga, Ace. Para saktan ka sa ginawa mong panloloko…” humagalpak si Tita Matilda.
“Bakit hindi ninyo sabihin sa kanyang layuan ako, kung ganoon? Bakit ako ang ginugulo ninyo!? I did not offer my services to him! I did not even know how he knew that I was working there!”
“Sinasabi mo bang hinahabol ka ni Zamiel? Ilusyunada ka rin, ‘no?” si Daniella.
“Ang sinasabi ko lang, Daniella, imbes na ako ang pagbuntungan mo, bakit hindi mo kausapin si Zamiel? Pigilan mo siya, kung ganoon! Stop him from leaving your side! Stop him from going to me. Dahil sa totoo lang, nananahimik ako rito! I just want to work hard for myself. Ayaw kong may binabanggang ibang tao. Did you ever see me near your village? O kahit sa building man lang ng opisina ninyo? Hindi! Dahil ayaw ko na ng gulo!”
“Why couldn’t you push him away, then? Pinapatulan mo kasi!” naiiyak na sigaw ni Daniella sa akin.

Now this is becoming so ridiculous. I find it so shallow. Hindi ako makapaniwalang sa harap ng mga taong ito, pinag-aawayan namin ni Daniella ang atensyon ni Zamiel.

“Is this the reason why you want me to leave this company? Is that it?” nanliliit ang mga mata ko.

Ayaw ko nang dugtungan pa ang kahibangan niya. Ayaw ko nang tudyuin pa siya sa takot niyang maagaw ko si Zamiel sa kanya.

I just want to know… is that the reason why they want me fired… or even leave Manila. Si Zamiel ba talaga ang rason? Na kahit si Tita Matilda ay gigil na gigil na itulak ako palayo?

Maiintindihan ko si Senyora Domitilla. Maybe she did not want a filthy cheap girl like me ruining his grandson’s future.

“To leave Manila, Ace,” pagtatama ni Daniella.
“Is this the reason, Daniella? You’re scared I’m going to take Zamiel away from you?”

Walang nagsalita. Caleb shifted his weight. Tumikhim si Senyora Domitilla at kumurap kurap. Natameme naman si Daniella at Tita Matilda, isang bagay na ikinagulat ko pero ginawa kong pagkakataong masabi ng tuluyan ang mga gusto kong sabihin.

Daniella shifted her weight, too. Kumurap-kurap siya at huminahon.

“C-Choose then. Staying here… or Zamiel.”

Kinagat ko ang labi ko. Zamiel is the main reason why they are making my life hell for me, huh?

“You think I’m not pushing him away kaya mo ako pinapasisante rito at pinapaalis sa buong syudad, is that it?”

Walang nagkumpirma. Natahimik lang silang lahat.

“Then, I will. I want to chase my dreams, not some guy.”

No matter how much I love him. I know he’s not for me. Matagal ko nang tanggap ito noon pa. Siguro ay ang pagkakamali ko lamang ay ang pagbibigay sa sarili ko sa iilang pagkakataon namin.

“I will choose my dreams over anything. At salamat sa inyo dahil itinuro n’yo sa akin kung gaano kahalaga ang bagay na ito. Fine. If it is Zamiel and my job here, I am choosing my job. Just promise me to go and tell Zamiel to never see me again. Na hindi ko siya kailanman nagustuhan,” mataman kong sinabi.

Sumungaw sa magkabilang sulok ng aking mga mata ang mga butil ng aking luha. Kung anong tapang ko kanina, ganoong hina ko naman ngayon habang sinasabi ang pinakamalaking kasinungalingan sa talambuhay ko.

Parang iyong pagsisinungaling ko lang noon kay Zamiel. Noong sinabi ko sa kanyang kasinungalingan lahat ng trato ko. Dahil ang totoo, that’s the most raw feelings I ever had in this life time. Minahal ko siya noon, ng walang hadlang at pagbabawal. Minahal ko siya na parang ako si Daniella, ang kanyang mapapangasawa. Minahal ko siya ng husto kahit pa alam kong sa huli, masasaktan ako at hindi na mabubuo pa ulit.

“At hinding hindi ko siya magugustuhan. Sabihin n’yo sa kanya na tigilan na ako. Sabihin n’yo na I never realy cared for him… I never liked him… and I will never like him… so he should stop trying. Sabihin mo.”
“I will tell… him…” banayad na sinabi ni Daniella.
“Then, can I keep my job here?”

Marahang tumango si Daniella. Nilingon ko si Amer na ngayon ay nasa malapit kong likod para ipakita sa kanya na kahit paano, nagkaliwanagan na. Pero imbes na kausapin si Amer ay nawalan na ako ng boses nang nakita ko si Zamiel sa nakabukas na pintuan.

His cold, cold stare is like steel puncturing me. Kung kinakabahan ako kanina, walang panama ang kabang naramdaman ko sa galit at panganib na hatid ng tingin niya sa akin.

“A-Apo, I thought you’re busy with something else?” narinig ko ang pagtayo ni Senyora Domitilla.
“Yes, I am busy,” mariing sinabi ni Zamiel at bahagyang tumabi.

His jaw clenched. Nilingon niya ang papasok na isang matandang lalaking nakawheel chair, kasama nito sa likod, ang nagtutulak na naka all white na nurse, at isa pang mas batang lalaki sa tabi nito na may dalang iilang folders.

“Anong ibig sabihin nito!?” parang kulong ang boses ni Tita Matilda.
“Mommy,” sabay pigil ni Daniella kay Tita Matilda.

Namilog ang mga mata ko nang nakita kung sino ang nakawheel chair na kasama ni Zamiel. This is Attorney Ildefonso Palomar, father’s legal counsel! Nag-angat ng tingin ang matanda sa akin. Pilit siyang ngumisi kahit na kitang-kita ko ang paghihirap.

Sa pagkakaalala ko, hindi siya ganito ka tanda. Kung sabagay, ilang taon na ang lumipas. He looks well, however, with the wheelchair and some tubes on him, I realized that he’s not.

“Attorney Palomar…” pabulong kong sinabi.
“It’s nice to see you again, Ace. I’m glad you remember me…”
“What’s happening?” naglakad si Caleb palapit sa akin.

Sinundan siya ng tingin ni Zamiel pero agad din itong nag-iwas. Nanatiling tahimik si Amer habang si Tita Matilda ay nagpapanic at si Daniella ay nagpipigil.

“I’m sorry, natagalan. I was abroad for my heart transplant. But… I hope it’s not too late to read the last will and testament of Engineer Teodorico Zaldua…” pagkatapos ay bumaling ito sa kay Tita Matilda at Daniella, with pure distaste on his face.
“Stop it,” hindi na napigilan ni Tita ang sarili. “I am the rightful owner of that firm! Ako ang nagpalago noon kaya kahit na sole proprietor siya, ako parin ang may karapatan kumpara sa kay… kay…”
“Sa anak niya, Matilda?” dugtong ni Attorney Palomar.

Nanlalaki ang mga mata ko nang natanto kung ano ang ibig sabihin noon. Nilingon ko si Tita Matilda na ngayon ay naiiyak ngunit galit na tumingin sa akin.

“How dare you, Ace! Wala kang utang na loob kay Mommy!”

Nanginig ang labi ko. Hindi ko lubos ma proseso kung ano talaga ang ibig sabihin ng lahat ng ito. I turned to the attorney once again.

“Sole proprietor? A-Ano po ang last will ni Daddy, Attorney?” maingat kong tanong.
“Let’s go now, Mommy. Iyan naman kasi ang mahalaga kay Ace, e. She doesn’t care about people and relationships. All she cares about is the money. Mas pipiliin niya iyon-”
“Shut up, Daniella! I want to know what is my father’s last will!” putol ko.

Tingin ko, alam ko na. What the fuck?

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.