What Lies Beneath the Sand – Kabanata 3

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath the Sand – Kabanata 3

Kabanata 3
Marriage

That night, he did not even try to glance at me habang kumakain kami ng dinner. Tahimik lamang siya, at kung hindi pa tatanungin ni Senyora Domitilla, hindi na talaga ata magsasalita.

“Nagpunta ka raw sa planta kaninang hapon, Zamiel? Why? You did not enjoy Ivo’s party?”

Hindi man lang sumulyap si Zamiel sa matandang nagtanong. He remained serious with his food. Ivo’s is watching him closely while eating.

“Nagkaproblema lang doon,” Zamiel answered after a long stretch of silence.
“Ganoon ba, hijo? But you came home too late for Ivo’s party.”
“It’s okay, Ma,” si Ivo. “Mas importante ang planta.”

Bumaling si Senyora Domitilla sa akin. She’s finishing her glass of water. Pagkatapos ay nilapag niya iyon sa mesa bago nagsalita.

“Ikaw, hija, nag enjoy ka ba?”

Napatingin ako kay Zamiel nang matalim ang naging baling niya sa akin. His dark eyes glared at me making it hard for me to even utter a word. Inilipat ko na lang ang tingin ko kay Senyora na ngayon ay napasulyap din sa apong titig na titig sa akin.

“Opo…” basag ko sa katahimikan. “Uh, Ivo’s friends are so friendly.”
“That’s nice! I’m glad you get along well with their friends!”
“Magaling pala itong magdrawing si Daniella, La. Naisketch niya ako kanina, pati si Ivo.”
Namilog ang mga mata ni Senyora, gulat sa talentong tinatago ko. “Oh! Really? That’s great, Daniella!”
Tipid akong ngumiti. Kuryoso naman ang tingin ni Senyora sa akin. Kinabahan agad ako.
“Where you always around you stepdad? He’s also a great Engineer, right? Like your father.”

Kinagat ko ang dila ko para pigilan ang sarili sa pagsasalita. Thinking about my family hurts me so. But then the years of being under Tita Matilda’s eyes made me stronger. Sa pamamahay na siya ang masusunod, at sa pagkawala ng aking ama, nawalan na ako ng puwang ng tuluyan. My education and needs are ignored. Kaya naman nangungulila ako ng husto sa aking mga magulang.

“Yes…” sagot ko.
“At mabuti’t pumayag si Matilda to bring your stepdad’s name, instead of your real dad?”
“He’s been good to me. I am grateful for it,” sagot ko.

Tumango si Senyora Domitilla at bumaling muli sa mga apo. Para akong nabunutan ng tinik nang tumigil siya sa pagtatanong.

“Anong ini-sketch niya, Kajik?” kunot-noong tanong ni Senyora.
“She made our quick sketches, Mama. Si Kajik at ako. Magaling siya. And she says hindi siya magaling sa portraits when she’s really good,” si Ivo sabay ngiti sa akin.
“She’s humble, Ivo,” si Kajik naman ngayon.

Tumikhim si Zamiel at uminom ng tubig bago tinulak ang sarili para makawala sa upuan. Natahimik kaming lahat at napatingala sa biglaang pagtayo ni Zamiel.

“I’m done. Excuse me…”
“Hijo!” Senyora Domitilla’s voice sounded furious for a moment ngunit agaran ding naagapan. “What’s wrong?”
“Pagod ako, La. Aakyat na ako…”

Lumapit siya sa matanda para humalik bago dire-diretsong umalis sa dining area. Napainom ako ng tubig. Kajik looked at me with an amused grin while Ivo’s watching his Mom.

“Kanina pa hindi maganda ang mood noon. Hayaan ninyo na po,” sabi ni Ivo.
Bumaling si Senyora Domitilla sa akin. Her eyes lingered for a while like she’s reading my mind. Tapos na akong kumain kaya uminom na ako ng tubig. Medyo ginapangan ako ng guilt pero mas nanaig parin ang pagtatama ko sa aking sarili.

“Ayos lang ba kayo ni Zamiel, hija?” basag ng matanda.
Tumango ako at ngumiti. “Opo!” Kunwari.
“Higit isang linggo ka na rito pero hindi ko pa kayo nakikitang mag-usap ni Zamiel maliban noong unang araw mo rito.”

Yumuko ako. Sukat sa tono niya’y pakiramdam ko may alam na siya. Masyado ba kaming maingay sa sigawan namin ni Zamiel kanina sa kitchen?

“Uh, nag-uusap naman po… kami,” I said guiltily.
“Narinig ko kay Mercedita, hija, na nag-away raw kayo ni Zamiel kanina sa kusina. Totoo ba iyon?”

Oh wow. I’m right.

“Ah. Opo. Pasensya na po. Kasalanan ko rin.”

Iniisip kong kapag sasabihin ko iyon ay matatapos ang lahat ng tanong ni Senyora tungkol sa nangyari. Or maybe, she can just suggest kung paano ko papakisamahan si Zamiel… pero hindi pa ata siya tapos.

“Naku! Aalis pa naman kami ni Ivo. Kayong tatlo lang ang maiiwan dito kung may gagawin kami kaya sana naman ay magkasundo na kayong dalawa ng apo ko. You’ll wed soon and I’m sure it’s better to build a good relationship while you are not yet married.”

Tumango lamang ako. I can’t believe I will endure this one, too. Hindi ko masyadong naisip ang consequences ng pagpayag kay Daniella sa gusto niyang mangyari. Iniisip ko lang ang perang makukuha ko at ang kakayahan nitong tustusan ang gusto kong i-pursue na kurso. My drive had been money and its promised future. Pakiramdam ko noon, kaya ko ang lahat para rito.

“Talk to him and settle your fight,” dagdag ni Senyora.
Tumango muli ako. “Sige po. Kakausapin ko siya bukas.”
“Ano ba ang pinag-awayan ninyo, hija?”

Napatingin ako kay Ivo at Kajik na parehong tahimik at nakatingin lamang sa akin. I don’t know if they have any idea. Kanina’y hindi nila napansin na galit si Zamiel pagka walk out nito.

“N-Nagreklamo po siya noong nalaman niyang uminom ako.”
Senyora groaned and Ivo laughed a bit.
“Really? Since when was he conservative with his girls, Kajik? I can’t remember.”
“Ivo!” banta ni Senyora. “This is defintely different from all of his playthings. This is his future wife? Bakit at sino ba sa inyong dalawa ang nagpainom kay Daniella!?”
“Ayos lang po, Senyora. I was curious, too-”
“Ako po, Lola. We were just having fun and it was only a glass of it,” si Kajik.
Umiling si Senyora bago bumaling sa akin. “Kailangang kausapin mo siya, hija. And don’t wait for another day to settle a fight. Ngayon pa lang, matuto kayong dalawa na ayusin ang problema bago matulog, hija. That way, your relationship will be stronger. Don’t wait for tomorrow to solve it.”

Kinagat ko ang labi ko. Anong gagawin ko ngayon, kung ganoon? Para ma solve namin ang “problem” namin ni Zamiel?

If he just wasn’t so arrogant, hindi na sana ito nangyari! Kung sana ay hinayaan niya na lang ako, gaya ng ginagawa ko sa mga ginagawa niya, wala sanang ganitong problema.

“Petrina!” nagulat ako sa tawag ni Senyora.
“Opo…” mabilis na dumalo si Petrina sa lamesa para sa sugo ng Senyora.
“Ihatid mo si Daniella sa kwarto ni Zamiel pagkatapos niyang kumain.”

Po? I almost said that out loud. Is she serious?

Ngumiti ang matanda sa akin. “I hope you settle your problem before the night ends.”

I don’t know what is it about her at kung bakit tila napapasunod talaga ako. Siguro ay dahil wala naman siyang ginawa kundi ang maging mabait sa akin. Wala siyang ibang intensyon bukod sa pagkakasunod namin ni Zamiel.

I left the dining table for Senyora’s request. Kung tutuusin, pwede kong baliwalain iyon pero masyado naman yata akong abusado kung ganoon ang gagawin ko. I have to do it. And I have to do it fast just so I can get this over with.

Kumatok ako sa kwarto ni Zamiel. Si Petrina ay nasa likod ko. Kanina nang nasa kwarto ako at nag-aayos, inabangan niya talaga ako para maihatid dito. Nilingon ko si Petrina na ngayon ay medyo kabado rin yata. She’s seen Zamiel’s wrath a while ago and she’s probably expecting that kind of viciousness now.

“Dito lang po ako sa labas mag-aantay, Miss Daniella,” si Petrina.

She stepped back to emphasize her choice. Kakatok muli sana ako nang biglang bumukas ang pintuan.

Hindi ko alam kung alin ang naunang nangyari, ang pagkakakita ko ba sa kanyang katawan, pagkakaamoy sa kanyang bango, o ang pagkakapansin ko sa kanyang anyo. He looks dark especially with the dimmed yellow light on his background. Isang maliit na puting tuwalya ang nasa kanyang leeg. Basa ang buhok niyang mas humaba sa naalala ko kanina. His crouch defined the deep sculpted canals of his upper extreme’s muscles.

Nakahawak ang kamay niya sa pintuan at painsultong nakatitig sa akin. Paano kami magkakaayos kung sa simpleng titigan ay hindi ko na siya maarok?

Hindi na siya nagsalita pa. He opened the door of his room widely. Naglakad siya papasok sa kanyang kama. His gesture told me that I must go inside his room. Akala ko magtatalo pa kami at hindi niya ako papasukin sa mahiwagang kwarto niya.

Pinadaan ko ang mga mata ko sa buong kwarto. His room was definitely bigger than mine. Isang king size bed sa gitna, may nakalatag na itim na carpet sa sahig, at isang pintuan sa right corner, probably leading to his walk in closet and bathroom.

Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kama at inilipat sa isang maliit na lamesa sa gilid nito. And then he opened the large windows that I could see the moon and the stars in the sky. Bumaling siya sa akin. Mumunting patak ng tubig ang tumulo sa magulo niyang buhok. Ang ilaw sa labas ay nagpadepina sa bone structure ng kanyang mukha and I can’t help but compare him to the men I usually imagine while reading a book.

“Inutusan ka ni Lola?” panimula niya na siyang nagputol sa aking mga iniisip.

Mabilis kong nakalimutan kong paano nga ba ako nakumbinsi ng matandang pumarito.

“Look, ayaw ko ng gulo. I am not rude. I can easily adjust to all kinds of people so just tell me what or how do you want this to work para hindi na tayo mag-away ulit.”

He laughed mockingly. Nakapamaywang siya habang tumatawa. Nag-ugat ako sa kinatatayuan at muling narealize kung gaano ko siya ka ayaw. Umiling siya at panandaliang pinagpahinga ang dila sa labi, licking it thoroughly like a yummy desert. Tinikom ko ang bibig ko.

Naglakad siya patungo sa maliit na mesa bago bumaling sa akin.

“Do you know why you’re here in Costa Leona?”

Ilang saglit akong nalito sa sinabi niya. Of course, I know. I don’t have to answer that. I will look dumb.

“You’re here to get to know me because we will marry each other before the year ends,” mataman niyang sinabi.

Alam ko ‘yon. Anong problema niya?

“Do you honestly believe that we will work as husband and wife when you’ve just told me who you want to marry instead?” may pagbabanta sa tono niya dahilan kung bakit ako kinabahan.

He advanced. I was too rooted to even step back.

I am a calm and soft spoken person kaya naiistress ako sa mga taong gaya niya. Ayaw ko sa mga masyadong ma-energy at magalaw. And like my first impression of him, he really is brisk and full of vigor. He’s stressing me out!

“Hindi ka narito para sumang-ayon lang sa inutos sa’yo! Nandito ka para gampanan ang gagawin nating dalawa sa buhay na ito!” he said angrily.

Aling parte ba roon ang hindi ko naintindihan? Hindi ko kasi alam.

“This is a serious matter! This is marriage and you’re here like some negotiator nodding at my grandma’s bidding! Tayong dalawa ang magsasama habang buhay at dapat ay ngayon pa lang, nag-aaral ka na kung paano maging magaling na asawa at magseryoso. But instead, you’re wasting your time entertaining other men, flirting, and drinking…” he put emphasis on the last three words na tila ba nakakadiri ang lahat ng iyon.
“Sandali nga…” pinigilan ko ang sarili ko pero hindi ko na nagawa pa. “Sino sa atin ang hindi ito siniseryoso, huh? Hindi ba ikaw itong maraming babae? I am here to get to know you. And yes, I got to know you a bit well for a week of being here. At kahit Linggo, Zamiel, may kasama kang babae? Tingin mo ginagampanan mo rin ng maayos ang pagiging asawa mo sakin? Hindi!”

Umigting ang kanyang panga at wala siyang naidugtong. There! I fucking said it!

Hindi ko maintindihan kung ano ang pinaglalaban niya. Galit siya kasi sinunod ko ang sinabi ng Lola niya? Galit din siya dahil hindi ako nagseseryoso sa mga bagay na ito? Ano ba ang dapat kong gawin para hindi siya magalit? And hell, I won’t bend for him when he can’t even keep his hands off his girls!

“You’re a big hypocrite! All is fair, men and women. If you can entertain, why the hell can’t I? I’m only eighteen and I haven’t explored much! Kaya huwag mo akong pagbawalan kung kahit ikaw na mas matanda’y ‘di rin magawa!”

Ramdam ko ang galit niya sa akin. He advanced more making me step back till his bed. Ngayon ko lang napansin kung gaano siya katangkad at kalaki. His expanse made me feel small even at 5’5. Dahil nakalapit na siya, nakatingala na ako sa kanya. Dark and brooding, his aura is screaming of authority and menace. Para akong trapped na small animal, sa harap may nagbabantang leon.

“Oh, you want to explore, huh? You don’t understand the meaning of marriage. When we are married, you are forbidden to explore with other men. Kaya bakit hindi ka na lang mag-aral, magpaturo kay Mercedita paano magluto at paano mag-alaga ng asawa? No matter how much you explore, with my brother, you’re still going to marry me in the end!”

Pumikit ako ng mariin, hindi maiintindihan kung ano ba talaga ang punto niya.

“I was not informed, Zamiel, na seryoso ka pala sa pagpapakasal nating dalawa. Tuwing nakikita kitang nambababae, hindi halatang nag-eensayo ka na rin pala sa pag-aasawa natin. Ano ‘yong practice mo? Kung paano magkaroon ng kabit?”

The gleaming anger in his eyes made me shut up. Sa takot ko’y pakiramdam ko’y sasaktan niya na ako! His chest heaved. Tinalikuran niya ako, tila kinakalma ang sarili. Now that he’s out of my reach, I can finally complete my rant. Saktan niya man ako, I could probably duck because he’s far from me.

“Galit ka dahil mas gusto ko si Kajik kesa sa’yo? Syempre, I would like him. You’re an asshole, he’s not!”
“What the fuck did you just say?” the cold baritone in his voice made my skin tingle.

It was like hearing the mythical prince charming’s voice only with a curse. Damn it! Kasmbilis ng pagkakasabi niya ang pagbaling. Natahimik muli ako, nanlalamig sa takot.

“He’s with women, too! How dare you call me an asshole and skip him!” I shuddered at his cold and angry baritone.
“So you admit now, huh? Na asshole ka nga?” I said softly.

Hindi siya nagsalita. Nanatili lang ang madilim at malalim niyang mga matang nakatingin sa akin. Nararamdaman ko ang pagpipigil niya ng gigil. Nararamdaman ko ang galit na sasabog na kung hindi ako tumigil.

“You know what? Forget it! I don’t think magkakasundo tayo eventually.”

Tinalikuran ko siya. Hinablot niya ang aking braso at pinaharap ako. My heart hammered violently in my ribcage, slightly shaking my small frame.

“Why don’t you fucking tell my grandmother how you want Kajik instead?”
Binawi ko ang braso ko sa kanya. “Oh, don’t worry. I will!” I spat before finally leaving him in his room.

Kumalabog ang pintuan pagkalabas ko. Hindi ko na nilingon muli ang kwarto niya o kahit si Petrina. Dumiretso na lang ako sa kwarto ko sa sobrang panggigigil at pagkakairita.

I hate him. I hate him so much! His attitude, his voice, his expression, his cursing and crudeness… I hate everything about him.

Sumakit ang ulo ko sa sagutan namin ni Zamiel. Hindi ko mabalikan ang lahat dahil hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang pinag-aawayan namin. Sa sobra kasing dami ng argumento, hindi ko na mapagconnect ang lahat. Hindi ko alam ano ang puno’t dulo.

Nakay Daniella man ang lahat ng kailangan ko para makapag-aral at makamit ang mga pangarap ko, nagpapasalamat parin ako ngayon na hindi ako siya.

“Paki sabi kay Senyora na okay na kami ni Zamiel,” sabi ko kay Petrina at pumikit ako ng mariin.
“Bakit padabog mong sinarado ang pintuan, kung ganoon, Miss?”
Huminga ako ng malalim. “Hindi pa kami masyadong magkasundo pero ayos na ‘yon. Nakapag-usap na kami,” paliwanag ko bago umalis si Petrina sa aking kwarto.

Hindi parin sumasagot si Daniella sa aking tawag. Naiintindihan ko naman na abala pa siya sa trip nila ni Ashton. But, God, I need her help right now. I need to know what she wants me to do!

Pakiramdam ko’y parusa na ang bawat araw sa mansyon. Bukod sa kailangan kong makisama kay Zamiel, kapag nag-aaway pa kami’y sinasabi o sinusumbong pa ng mga kasambahay.

Petrina loosely braided my hair while I’m looking at the stables from my room. Umagang-umaga pa lang, naroon na si Zamiel. At umagang-umaga pa lang, naroon na rin si Bethany kasama ang isa pang babaeng kaibigan.

Dahil sa layo, hindi ko naririnig ang mga pinag-uusapan nila. I just saw Bethany pulling Zamiel’s arm a while ago. Nang hindi sumunod si Zamiel at nagpatuloy sa pagsusuklay sa kabayo’y nagtawanan na lang ang dalawa at patuloy na kinakausap at nilalandi si Zamiel.

“Ang mga babaeng ‘yan talaga, Miss, mayayaman ‘yan sa kabilang bayan, e, pero kung umasta parang mga mumurahin,” si Petrina nang siguro’y napansin ang titig ko sa baba.
“They won’t come here without anyone inviting them, Petrina. It’s not only their fault, kasalanan din ng lalaki iyon.”
“Pero, Miss, kahit na! Kung likas na malandi, aabusahan ang mga imbitasyon.”

Nagtiim-bagang ako. Lumapit ang kasamang babae ni Bethany kay Zamiel at kumapit ito sa braso ni Zamiel. Zamiel looked at her. Hindi ko lang malaman ang ekspresyon niya pero dahil tumatawa ang dalawang babae, imposible namang nakasimangot ito, hindi ba?

“Sabihin mo nga, Petrina. Kung may asawa ka na at may naging kabit siya, kanino ka magagalit?”
“Syempre sa kabit, Miss! Alam niyang may asawa ‘yong tao, nilalandi niya pa!”
“Mali,” sagot ko. “Hindi nangako ang kabit sa altar. Ang asawa mo ang nangako sa altar kaya responsibilidad niyang tuparin ang pangako niya. He should be blame not the other girl. The other girl is evil. Your husband was too weak, his love too shallow, that he can afford to break a holy promise.”
Tumawa si Petrina. “Ilang taon ka ulit, Miss? Para kang matanda kung magsalita.”

Ilang beses na akong nasabihan ng ganyan. Siguro ay dahil na rin sa buhay, hindi ko na naranasang maging spoiled teenager. I was ten when my mother died. My famous engineer father dysfunctioned after her death. Hindi niya na ako maalagaan dahil sa bisyo at depresyon. He loved me so much but he was so weak without my mother.

Ayaw niyang nakikita akong kulang sa aruga. Thinking he’d make up to me, he married Daniella’s Mom, Tita Matilda, when I was eleven years old. Sa sumunod na taon, namatay si Daddy, leaving me alone with Tita Matilda and her daughter Daniella.

Hindi na raw ako kailangang mag-aral, sabi ni Tita. Mas nakakatulong daw ako sa bahay, sa pagluluto, at paglilinis. Daniella has everything she needs and wants. She was not cruel to me unlike her mother, but she’s not very kind, too.

Pinilit kong mag-aral kahit pa ginagawa ng lahat ni Tita Matilda para matigil ako. Nagbayad ng teacher para ibagsak ako at mawalan ng scholarship. Scholarship na sinikap kong kunin bago namatay si Daddy. Lumipat ako sa pampublikong paaralan dahil sa nangyari. And she would not provide me anything for school, whatever I have, I earned all of it alone.

Ngayong nasa huling taon na ako sa senior high school, I want to pursue college even when Tita Matilda doesn’t like it. Ang sabi niya, mag sekretarya na lang ako sa kompanya niya. O ‘di kaya’y mga trabahong klerikal. I have no problem with those jobs but I have my own dream.

I want to become an architect. Para matustusan ko ang buwan-buwan na bayarin, kailangan kong sundin ang pakiusap ni Daniella sa akin. Her allowance is roughly around a hundred thousand pesos a month. Kaya alam kong kaya niya akong bayaran sa ipinangako niyang halaga.

Is it worth it? Yes. No matter how hard this is going to be, education and dreams will always be worth it.

Ang pagsisikap na mabuhay at makapag-aral siguro ang dahilan ng matanda kong pag-iisip. I was once a child but I didn’t enjoy the process to adolescense. I immediately grew up as an adult, never enjoying the teenager years because of the responsibilities life has given me.

“I’m just eighteen, Petrina,” sagot ko.

Huminga ako ng malalim at tinalikuran na ang bintana. Kinuha ko ang sketchpad at nagpaalam na na sa duyan na muna ako uupo para makakuha ng inspirasyon sa susunod na iguguhit.

Pagkalabas ng kwarto ay naabutan ko si Kajik kasama ang tatlo pang lalaking kaibigan. There were two other girls, may dalang mga floaters ang mga ito.

“Daniella, great timing. Sumama ka sa amin magsi-swimming? Don’t worry, we’re not drinking alchohol,” Kajik winked.

Ipinakita ko sa kanya ang sketchpad at nagkibit ako ng balikat. Kaya naman nagulat ako nang hinila niya ako sa palapulsuhan. I can’t help but really confirm how Kajik is just way better than his intense brother.

“Doon ka na lang magsketch, sige na. Sketch mo ang dagat!”

Now that he suggested it, okay din pala iyon. Bakit ba hindi ko iyon naisip? Tumango ako at ngumiti.

“Sige!”

Hinila niya ako pababa. Sa bilis ng takbo niya sa stairs ay napabilis na rin ako. Nasalubong pa namin si Ivo na ngayo’y may kasama ring babae. Pababa rin daw sila sa beach kaya sumama na sila sa amin.

Palabas ng bulwagan ay naririnig ko ang hagikhikan doon sa stables. Napawi ang ngiti ko at naalala ko ang pinag-usapan namin ni Zamiel kagabi. See? He really just did not get it.

“Sige na, Zamiel. Saglit lang naman, e…” ang isang babae na lang ang naiwan doon. Hindi ko alam kung nasaan na si Bethany at bakit naiwan na lang ang dalawa.

Hinahawakan noong babae ang braso ni Zamiel. He continued his thing pero nang nasulyapan kami ay tumitig siya sa amin. Nag-iwas agad ako ng tingin.

“Zamiel!” si Ivo. “Mamaya na ‘yan! Baba tayo. Nandito si Aia!”

Hindi ko alam kung anong naging reaksyon ni Zamiel kasi panay na ang hila ni Kajik sa akin patungo sa stone stairs.

“Hayaan mo na, Ivo. Nandoon si Harriet, e.” Tumawa si Kajik. “Baka may gagawin…” malisyoso nitong sinabi.

Nag-init ang pisngi ko sa narinig. Nanlamig naman ang aking tiyan habang naalala muli ang pinag-usapan namin kagabi. See? This hypocrite has time to educate me about being his wife when he can’t even be a good husband? Tangina niya rin, e.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

21

Comments are closed.