What Lies Beneath The Sand – Kabanata 29

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath The Sand – Kabanata 29

Kabanata 29
Drunk

Umaalon ang tingin ko habang palabas kami ng bar. Ilang beses akong muntikan nang nadapa sa sobrag pagkakahilo. Kung hindi lang ako hawak ni Zamiel ay kanina pa ako humandusay. He cursed so loud when he saw me holding another man’s arm for support. Busangot tuloy siya nang nakalabas na kami.

His luxurious black car is so flashy in front of the bar’s building. Agaw-pansin sa mga pumapasok at lumalabas sa bar pero tila walang pakealam si Zamiel sa mga iyon. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Pumasok naman ako at iginala ang mga mata sa looban noon.

Purong itim ang lahat ng interiors ng sasakyan. Lahat ng butones maging ang dashboard ay ganoon din. Ang gitna ng manibela ay may simbolong pakpak. I stopped glaring at it when he slid smoothly on the driver’s chair.

Tinitigan niya ako. Tumikhim ako nang hindi natagalan ang mainit niyang titig.

“What?” tanong ko.

He sighed. Inabot niya ako at muntik na akong mapapikit. May iba akong inakala pero nabigo ako nang ang seatbelts pala ang iniisip niya. His lips pursed and I saw a ghost of a smile, pero agad ding ginawang simangot.

Nang inayos niya na rin ang kanyang sarili ay ‘tsaka lang ako nakahinga ng maayos.

“Sakit ng ulo ko,” reklamo ko habang nakapikit.
“Tsss. You just won’t stop drinking.”
“I like alcohol. Kung marami akong pera, bibili ako ng marami. O baka rin gabi-gabi akong nasa bar,” wala sa sarili kong sinabi.

Hindi siya nagsalita kaya dumilat ako para tingnan siya. Zamiel’s hooded figure sent shivers down my spine. Mas lalo siyang naging intimidating ngayong nakatitig siya sa daanan at may shadow ang mukha. When the muscles on his jaw moved, kinilabutan muli ako. He looks like sex and danger personified. Wala pang sinasabi ay alam mo nang bulgar at malupit siyang lalaki.

My instincts never failed me. He’s the most crude and most ruthless man I’ve ever met.

His large hands made the sports car’s steering wheel look small. At ang pagkakahapit ng mamahaling tela ng kanyang longsleeves na tinupi hanggang siko ay tamang tama lang sa kanyang frame. His adam’s apple moved when he swallowed hard. Bumalik muli sa kanyang kamay ang aking mga mata. A wild memory flashed in my mind. Parang nagliyab agad ang North Pole dahil doon.

What has fucking happened to you, Astherielle? Nababaliw ka na yata!

I groaned and shut my eyes tight to stop my crazy thoughts. Dumilat ulit ako para sulyapan si Zamiel na mukhang wala namang alam sa mga naiisip ko. I moped. Bakit ba wala siyang interes? Hindi ba niya nararamdaman ang nararamdaman ko?

I moaned a little bit habang nakapikit. I opened an eye to see if he’s reacting pero ang naabutan ko lang ay ang paggalaw ng panga niya at ang pag adjust niya sa gearstick. His hand remain there while he’s driving fast for EDSA’s wide and uncongested road.

Sumulyap siya sa akin, matalim ang tingin. Ngumuso ako at nagkunwaring walang ibang motibo. He clicked his neck once and continued the driving without the talk.

Halos magmartsa ako palabas ng kanyang sportscar nang nakita ang aming apartment. He really meant it. At hindi ko alam kung anong kinababadtrip ko.

“Bye! Thanks!” sabi ko nang nakitang lumabas pa siya sa sasakyan.
“Ihahatid kita sa taas,” aniya.

Hinayaan ko siya sa gusto niyang mangyari. Each step on the staircase is a pain in my ass. Kaya niya siguro naisipan akong ihatid at iakyat talaga kasi alam niya na mahihirapan ako. Sa pangalawang hagdanan ay muntik na akong nabuwal. Mariin siyang nagmura ng malutong nang hinawakan niya ako galing sa muntikang pagkakadapa.

I arched my back a little bit. He sighed heavily and finished all the steps till our floor. Damn it! Can’t he understand my gestures? Nababaliw na yata ako. Sinimangutan ko siya at nauna na akong naglakad patungo sa aming pintuan.

Bago pa ako makalapit ay bumukas ito at iniluwa roon si Auntie Tamara at si Renato. The timing fucking sucks! I saw how Auntie Tamara’s eyes widened when she saw who I’m with.

“The party’s over?” sa akin ang tanong na iyon pero kay Zamiel siya nakatingin.
“Yup,” sabi ko.

Nagkatinginan kaming apat sa labas ng apartment. Zamiel smiled curtly at them.

“Good evening, Ma’am, Sir…” he said politely.
“Zamiel, right?” si Auntie Tamara na dikit na dikit ang mga mata sa kasama ko.
“I’m Tamara. And this is Renato.”
“Nice to meet you…”

Naglahad siya ng kamay para sa dalawa. Pareho naman nila itong tinanggap. Renato is silently looking at me and on Zamiel. Lumapit naman si Zamiel sa akin at hinawakan ang kamay ko para mas mapalapit pa ako sa kanya.

“Good night,” bulong niya sa akin.
Hindi ko na napigilan ang pagnguso. “Text me when you’re home.”

Zamiel nodded before turning to Auntie and Renato. Pormal siyang nagpaalam sa dalawa bago umalis. Hindi tuloy natuloy sa pag-alis si Renato dahil sa nangyari. Pareho nila akong tiningnan.

“Nagkaayos na kayo?” usisa ni Auntie.

Umiling ako at pumasok na lang sa loob para makasilip ulit sa bintana para sa pag-alis ni Zamiel. Saktong pagdating ko ng kwarto at pagsilip ko ay siyang pag-alis ng sportscar. Kahit pa nakainom ako at medyo hilo ay nagawa kong magbihis ng pantulog sa kahihintay sa text niya kung sakaling nakauwi na siya.

Pagkahiga ko ay sakto namang pagkatext niya. I suddenly wonder if he’s alone in his room. Hindi kaya magkasama sila ni Daniella? O may ibang babae siya? Oh my gosh, what is wrong with you, Ace?

Zamiel:
I’m home.

Ako:
Okay.

Hindi ako agarang nakatulog sa pag-aakalang may idudugtong siyang reply. At nang nakatulog naman ako at nagising kinabukasan ay para akong uod na binudburan ng asin sa pagbangon para makita kung nakatulugan ko ba ang pagtitext namin!

What the heck?

He did not reply anything last night.

Nagkakape ako habang tinititigan ang cellphone. May iilang texts na galing sa mga katrabaho ko at wala pa ako ni isang nirereplyan sa kanila.

Natigil si Auntie sa sasabihin nang may kumatok sa pintuan. Tulala kong tiningnan ang aking mug na may lamang kape. I am expecting it to be Renato so sitting here with a messy hair and without taking a bath should be okay, I think.

“Good morning!” isang pamilyar na baritonong boses ang narinig ko galing sa labas na papasok na ngayon.

Parang nagscramble agad ang senses ko. Zamiel Mercadejas, tall and massive, is on our door with food on hand. Para akong isdang nahuli at bumagsak sa lupa sa hindi ko alam na gagawin.

“Why are you h-here?” natataranta kong sabi. Hindi ko malaman kung iinom pa ba ako ng kape o kakaripas na sa kwarto ko.

He’s already dressed. Kahit sa malayo ay naamoy ko ang kanyang mamahaling pabango. And here I am, pretty sure with dirt on my face and messy hair. Malas ko pa at ang kwarto ko’y sa tabi ng TV kaya makikita niya muna ako ng buo bago ako makapasok at makapagmukmok.

I can’t make eye contact with him. Not now when I’m looking like a potato.

“Good morning!” bati niya sa akin.

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong palapit siya. My plan was to go inside my room and lock myself in. Magbibihis ako at mag-aayos. Gusto kong magmura at magsisi kung bakit walang banyo sa loob ng kwarto ko ngunit bago pa ako makapasok ay pinulupot niya na ang braso niya sa aking baywang.

“Zamiel,” I slightly pushed him away from me, conscious of my self.
“I just wanna check if you’re now sober,” namamaos niyang sinabi.

Pinandilatan ko siya at pinilit kong kumawala pero hindi ko magawa. His arm is all it really takes for me to stop whatever I’m doing.

“Magbibihis muna ako. Mag-antay ka diyan sa sala,” sabi ko.
“I can’t stay long,” agap niya na nagpatigil sa akin.

Parang may gumuho sa looban ko pero hindi ko na pinahalata sa kanya iyon. Nagkibit na lang ako ng balikat.

“Okay.”
“I have a meeting with someone this morning. Sa hapon hanggang gabi ay may kakausapin naman ako.”

Kitang-kita ko ang paninimbang sa titig niya sa akin. Tumango ako ng marahan para ipakita sa kanyang hindi niya na kailangang mag-explain sa akin. That it doesn’t matter and I don’t really care at all.

“Okay,” I tried hard to sound indifferent.
“I will text you my whereabouts,” aniya.
Umikot agad ang mata ko. “Kagabi nga, hindi mo sinabi kung nasaan ka na, e!”
His lips pursed at that. “I texted you and you replied to me.”
“Pagkatapos?” hamon ko.
“I was already home. Where else will I go?” lito niyang sinabi.
“Anong ginagawa mo sa inyo, kung ganoon?”

Itinago niya ang kanyang ngiti sa pamamagitan ng seryosong ekspresyon. Mas lalo tuloy akong nairita. His eyes turned menacing. Kumalabog tuloy ang puso ko dahil alam na alam ko ang mga matang iyan. Those evil and dangerous eyes were the same eyes I fell in love with back in Costa Leona.

“You like me now, huh?” mas bumaba pa ang boses niya nang huminahon siya.
“Of course not!” Hindi ko siya matingnan.
“I went inside my bathroom for a cold shower. Tapos ay natulog ako ng mag-isa sa kama ko.”

Kumunot ang noo ko. Alam ko. Hindi niya na kailangan pang sabihin iyan lalo na’t nakikinig si Auntie Tamara sa amin.

“I’ll text you what I’m doing the whole time, then. Stay here in your apartment. No partying when you’re not with me.”

Pasalampak akong naupo sa sofa pagkatapos kong maligo noong umalis na si Zamiel. Nilapag naman ni Renato ang mga dalang pasalubong para sa amin. He smirked and looked at me. He’s silently listening and understanding whatever is happening with my life. Mabuti na lang at tahimik siya dahil masyadong maraming sinasabi si Auntie.

“That man is literally just waiting for whatever you want him to do, Ace!” kanina pa itong sermon ni Auntie.
“It’s complicated,” sagot ko.
“Sa dami ng problema mo. Bakit kaya hindi ganito ang gawin mo?”

I listened for maybe a good solution to my problem. Pero lagi kong pinagdududahan ang mga motibo ni Auntie. I can’t help it. I know her.

“Marry Zamiel Mercadejas and see what happens next?”
“Are kidding me?” malamig kong sagot.
“For a change! Ang dami mong problema kaya tuluyan mo ‘yang isa mong problema.”
“Baka mapalayas tayo sa apartment na ‘to. You know Tita Matilda. She has connections even when we have money now, she has more.”
“Alam ko. Inaabangan ko ngang harangan ang papeles nito sa Registry of Deeds, e. Wala naman.”
“Wala pa!” sabi ko.
“But can she really do that if you’re a Mercadejas already?”
“Hindi ko pakakasalan si Zamiel, Auntie. Lalo na para diyan. Mas lalong kumplikado iyan. His parents won’t like me. His grandmother will probably kill me-”
“My goodness, Ace! He’s not a boy! For sure he can protect you from all of that-”
“Oo nga,” si Renato na titig na titig sa passionate kong Auntie. “Ikaw? Bakit hindi mo ako pinakasalan noon?”

Matalim ang tingin ni Auntie na bumaling kay Renato. Hindi na ulit nasundan ang mga sinasabi ni Auntie dahil mukhang nawalan na siya ng gana na talakayin pa ang subject na iyon dahil sa sinabi ni Renato.

The awkwardness is so contagious that I had to go inside my room and stay there for the rest of the weekend. Hinihintay ko rin ang mga mensahe ni Zamiel sa akin na siguro’y meron sa bawat isang oras.

Kabado ako magtrabaho pagdating ng Lunes. They all witnessed what happened last Friday at hindi man nagtatanong sa cellphone, alam kong pinag-uusapan na nila iyon.

Medyo nahuli ako. Seven thirty ako nakatime in sa trabaho at nang dumating ako sa cubicle ay napansin kong naroon na sila lahat.

“Good morning, Ace!” bati ng mga katrabaho ko.
“Good morning!”

Iilang makahulugang tingin ang iginawad sa akin. Nobody would dare ask what is it but my teammates Bobby and Perrie. Makahulugan akong nginitian ni Perrie samantalang si Bobby ay parang may inaabangan.

Lumapit si Ashton sa akin at nilapag niya ang iilang mga dokumento.

“Good morning, Ashton!” bati ko.”
“Tapusin mo ‘yan ngayon,” malamig niyang sinabi at umalis agad.

My jaw dropped at that. Nakita kong lumabas siya ng opisina. Pagkaalis ay nagkatinginan agad ang iilang katrabaho ko.

“Badtrip siya simula pa lang pagdating ko,” si Perrie.

Napalunok ako. Ngumisi si Bobby.

“Boyfriend mo si Mr. Mercadejas?” tanong ni Bobby.
Halos mabali ang ulo ko sa kakailing. Ang nasa kabilang team ay sumungaw na rin sa banda namin.
“Ace, ang gwapo gwapo ni Mr. Mercadejas! Kabibirthday lang nun, ‘di ba? Ibig sabihin nandoon ka sa birthday niya?”
Umiling ako. Ngayon, halos lahat na yata ang nakikiintriga.
“Nabadtrip si Ashton noong umalis ka kasama ‘yon! Nagulat kami!”
“Oo nga! Grabe, Ace!”
“Are you related to the Zalduas?”

Halos magpasalamat ako nang agad na bumalik sa loob si Ashton dahilan ng pagkakalimot ng lahat sa kanilang mga tanong. They resumed on their posts at mga mata na lang ang pinag-uusap.

“Wala ka pang nagagawa?” malamig na buntong ni Ashton sa akin nang nakitang hindi ko pa na-o-on ang computer ko.
“Ah. Wait lang. Bibilisan ko, Ashton,” sabi ko sabay pindot sa computer para mabuhay.

Nagkatinginan ang mga katrabaho ko. They all smirked but I’m not happy about it. Kinakabahan tuloy ako.

Mabilis kong piniga ang creative juices ko para sa mga proyektong pinapagawa ni Ashton. Is he serious? Ang kapal nitong lahat at kailangan kong matapos ng isang araw?

Dalawang oras na at iilan pa lang ang natapos ko. Humikab ako dahil masyado na akong nakatutok sa computer. I stretched my hands. Palabas na ang mga katrabaho ko para sa morning break nang narinig ko ang iilang mga hagikhikan ng mga babaeng naroon.

Hindi ako nagbreak dahil kailangan kong trabahuhin ang mga sinabi ni Ashton. Just when I’m about to finish another one, I heard the choruses of greetings from my colleagues.

“Good morning, Mr. Mercadejas!”
“Good morning, Sir!”
“Pleasant day, Sir!”

Mabilis akong lumingon sa likod ko lalo na nang nakitang sa banda ko sila nag-greet. Zamiel, with a frappe and a sandwich on hand is just inches away from my table.

“Why are you here?” gulantang kong sinabi sabay tayo.

Sumulyap ako sa lamesa ni Ashton at nakita kong matalim siyang nakatitig sa amin. Ang iilang mga kasamahan ko ay nakita agad ang tensyong namumuo. Meanwhile, Zamiel is oblivious to everything he’s causing here.

Nilapag ni Zamiel ang pagkain at ang kape sa aking lamesa. Ibinalik niya naman ang kamay niya sa kanyang slacks. He was huge that nobody in the office would ever fail to notice his presence.

“Napadaan lang,” aniya.
“Napadaan lang?” Is he joking? Dadaan talaga rito sa opisina ko.

Sumulyap muli ako kay Ashton bago umalis doon. Ngayon ay ginaya na ako ni Zamiel pero nanatili ng ilang sandali ang titig niya sa aming head architect.

Itinulak ko siya palabas para matanggal doon. Sumunod naman siya at bigla kong naalala ang ayos ko sa ayos ni Auntie Tamara nang itinulak niya si Renato noon.

Nasulyapan ko ang repleksyon ko sa salaming dingding. My lips are red and my skin almost paperwhite. My straight hair is falling messily after countless of fingercombing.

“You’re causing so much ruckus in that office, Zamiel. Why are you here?”
“Bakit hindi ka bumaba? Breaktime ninyo, ‘di ba?” parang hindi niya narinig ang sinabi ko.
“I have so many projects to do.”
“Maybe your architect is giving you a hard time, huh?” Ngayon ay mukhang may malalim siyang iniisip.

Ayaw ko nang alamin pa iyon. I groaned and pushed him to the lift. I hope he gets the signal but he’s too engrossed with his thinking that I had to explain what I want.

“Sige na! May trabaho pa ako, Zamiel!”

The elevator’s door opened. Itinulak ko na siya papasok doon ng tuluyan. He looks so mad and defeated at the same time nang tuluyan nang sumarado ang pintuan ng lift. Napabuntong-hininga ako pagkaalis niya. Pakiramdam ko, nabunutan ako ng tinik.

Bumalik ako sa trabaho. Dinagdagan ni Ashton ang pile ng dokumento sa akin. Natigilan ako bago naupo dahil sa gulat. Dumarami ang trabaho ko!

Ayaw kong isipin na tama si Zamiel pero wala akong ibang eksplenasyon. Marami rin ang trabaho ng mga kasamahan ko pero hindi ganito karami sa ibinigay ni Ashton sa akin.

Hindi muna ako nagreklamo. The sandwich Zamiel gave me was big and a bit heavy. Pwede nang pang lunch kaya nabusog ako at pinagpaliban ko ulit ang lunch.

Caleb even asked me to eat with him for the lunch break pero tinanggihan ko dahil sa trabaho.

“Kaya?” tanong ni Perrie na tinutulungan na ako sa iilan.

Hindi ko kaya. Iyon ang realidad. Pero ayaw kong mauna ang pagrereklamo ko kesa sa paggawa kaya inuna kong subukang gawin hanggang sa nag alas kuatro na at hindi pa ako nagkakalahati.

Sinulyapan ko si Ashton na nanatiling seryoso sa sariling trabaho.

Inisip kong mag overtime na lang pero kahit pa siguro umabot ako ng madaling araw, hindi ko ito matatapos. I’ve decided to confront him about this.

Tumayo ako at lumapit sa kanyang lamesa. Pinagmasdan kami ng iilang katrabaho at pakiramdam ko, alam nila ang sadya ko.

“Ashton…”

His eyes leveled on me. Kitang-kita ang pangingilap sa kanyang mga mata.

“Uh, I know hindi ako pwedeng magreklamo pero gusto ko lang malaman mo na hindi ko ata kakayaning matapos ang pinapatrabaho mo sa akin ngayon.”
“Mag-overtime ka, kung ganoon.”

What the hell?

Hindi ko kayang magalit ng lubusan sa kanya dahil hindi siya kailanman naging malupit sa akin.

“Susubukan ko pero tingin ko ay hindi talaga kaya,” sabi ko.
“Subukan mo muna bago sabihin ‘yan.”

I had no choice. Umuwi na sina Perrie at Bobby na parehong naaawa sa akin. Kinawayan ko sila at inassure na ayos lang ito. Kung kailangang alas diez na ako makauwi para rito, gagawin ko.

Alas sais na ng gabi at hindi parin ako nangangalahati. This is mission impossible!

“I’m sorry,” nagulat ako nang narinig ko ang boses ni Ashton sa likod ko.

Nilingon ko siya at nakita kong nakatitig siya sa monitor ng aking screen. Maybe he realized that he’s too hard on me. Or this is mission impossible?

“Nagtatampo ako sa’yo…” aniya at naupo sa bakanteng swivel chair sa tabi ko.

Ngumiti ako at hinarap siya.

“I know. I’m sorry for your birthday. Hindi ako nakapagsayaw sa’yo at nauna pa akong umuwi. I felt bad… actually.”
Tipid siyang ngumiti. “Never mind that workload. Dinner tayo. Bumawi ka sakin.”

Pakiramdam ko ang narinig ko lang sa sinabi niya ay ang pagbalewala sa trabaho kong sandamakmak ngayon.

Kinuha ko agad ang bag ko para ipakita sa kanyang willing ako. Ngumiti ako at tumango.

“Sige ba! Saan tayo?”

We went to a grill and bar somewhere in BGC. Hindi gaya ng restaurant na kinainan namin noong birthday niya, mas laid back ito. They also serve drinks and the ambiance is cozy. Dim ang lights at may bandang tumutugtog.

“I’m really sorry, Ace. Nagtampo lang talaga ako sa ginawa mo noong birthday ko.”

Kinagat ko ang labi ko at guilty na ngumiti.

“Ako ang dapat mag sorry. That was so insensitive of me.”

Nanliit ang mga mata niya. Nagsimula kaming kumain at naramdaman ko agad ang mga tanong niya base sa ekspresyon niya.

“Zamiel Mercadejas is Daniella’s fiancee, right?”

Kahit na ilang beses nang sinabi ni Zamiel sa akin na hindi iyon totoo, it always gets to me. Alam ko kasi noon pa na ganoon nga. Ako mismo ang nakasaksi noon. Kumpirmado ko. The only thing that’s keeping me sane is Zamiel’s assurance and the realization that he did not marry Daniella after all those years, gaano niya man kagusto nang makasal.

“Why are you with him that night?”

Yumuko ako at nanghagilap ng sagot sa dagat ng mga salita sa utak ko.

“Is he your client, too? Gaya ni Caleb Samaniego?” he concluded.

Hindi ko alam kung kukumpirmahin ko ba iyon o hindi. Ngumiti na lang ako.

“Nag-iba ba ang tingin mo simula noong nalaman mo nag escort ako?”

Hindi siya nagsalita. Zamiel paid me 30 miliion. Kahit sabihing si Zamiel lang ang naging “kliyente” ko, pareho parin iyon. I was an escort. Nobody would probably believe that it’s just Zamiel. Hindi ko naman masisi si Zamiel dahil sa huli, pirma ko ang dahilan kung bakit nangyari nga iyon. Kung hindi ako pumirma, hindi rin naman mangyayari.

“Hindi naman,” si Ashton pero alam ko ang totoong sagot. “Let’s not talk about that now. Magsaya na lang tayo. Hindi ba sabi mo, babawi ka?”

Sumang-ayon ako sa gusto niya. Kumain kami at nag-usap. Medyo tungkol sa nakaraan ang lahat ng pinag-usapan namin.

After eating, he ordered a bottle of vodka. The fruity shots of vodka is a bit too much for me pero hindi ko na inalintana dahil gumaganda na ang usapan namin ni Ashton.

“Well, pinilit ako ni Daniella na magpakasal kami. Sinabi ko sa kanya noon na bata pa kami.”
Tumango ako. “Tama. Though, I hope you did not break apart because of that. Natural lang na mangarap makasal ang isang eighteen years old, Ashton.”
“Why? Nangarap ka bang makasal sa parehong edad?” he smirked.

Actually, sixteen ako nang pinangarap ko ‘yon.

“We broke up that summer, Ace. She suddenly turned cold. Akala ko dahil sa pag-ayaw ko pero noong kinumbinsi ko siya na gusto ko rin hindi nga lang sa parehong edad, umayaw parin siya. Sinabi niya sa aking may iba siyang mahal kaya nakipagbreak na agad ako.”

Ito yata iyong umalis si Daniella at nagpuntang Costa Leona.

“Sino raw ang mahal niyang iba?” I fished out for information.
“I assume it’s Zamiel Mercadejas?” uminom si Ashton ng vodka.

I knew it. She liked him. Isang send ko lang sa picture ni Zamiel, dumiretso na agad si Daniella sa Costa Leona.

“Pero hindi ko alam ‘yon noong kakabreak lang namin. I heard her claim that she’s engaged to him.”
“Were you there? Sa engagement party nila?” pasaring ko habang umiinom ng vodka.
“No. Wala naman akong naririnig na engagement party pero iniisip kong ganoon talaga kapag fixed marriage. Hindi na ata kailangan iyon.”

Fixed marriage for seven years? Kung ako ang ka fixed marriage ni Zamiel, kailan kaya ang naging kasal namin? Oh my… stop hoping, Ace. By now alam mo na dapat kung saan talaga ang lugar mo.

You’ve been paid because you are rat poor. Nagsisikap ka ring magtrabaho kasi wala ka ngang pera. Napasok pa sa club para parin sa pera. Ayaw kong isipin ang perang hawak ni Auntie Tamara dahil hindi iyon akin kahit pa sa akin binayad.

You are definitely an inch to the slums. Ang panama ko lang ay ang pinag-aralan ko at wala ng iba. Kaya nagsisikap ako para sa sarili ko. Ang mangarap na mapantayan si Zamiel para bumagay sa kanya ay sa susunod na buhay na lang.

“But then, we don’t know. Daniella is pretty wild in bed. I’m sure it’s only a matter of time now before they get married and have kids,” bawi ni Ashton.

Napainom ulit ako. Napangalahatian na namin ang isang bote ng vodka. Iniisip kong may trabaho pa kami kaya kailangan na naming umuwi. Tiningnan ko ang cellphone ko pagkatapos ng ilang oras na pag ignora at ang huling nakita ko ay ang oras na 9:30PM bago ito namatay.

“Shit! I’m dead batt!” sabi ko.

Ashton chuckled.

“Hayaan mo na. Sino naman ang itetext mo?”

Sinandal ko ang ulo ko sa likod ng upuan ko. Sino ang itetext ko? Shit! Si Zamiel!

Para akong natauhan at agad na tumayo. Nagulat si Ashton sa ginawa ko.

“Let’s go home, come on!” anyaya ko sabay kuha sa bag at tayo.

Nakainom na ako ng ilang beses na pero ngayon lang ako natamaan ng ganito. Hindi ako makalakad ng maayos sa pagkakahilo. Napahawak ako sa lamesa dahil halos magdilim ang paningin ko.

Natawa ako, hindi na makapag-isip ng maayos.

“Oh… Anong nangyari?” Ashton teased.

Hinawakan niya ako. His arm snaked around me. Ang isang kamay ni Ashton naman ay kinapitan ko. Natawa na naman ako.

“Nahihilo ako,” sabi ko.
“Uuwi na tayo? Maaga pa.”
“May pasok pa tayo bukas, Ashton. Paano iyong mga pinagawa mo?”
“Ayos lang ‘yon. Hmm. But, I guess, you’re right. We should go home.”

My thoughts are incoherent. Laking pasasalamat ko sa sinabi ni Ashton. Uuwi na talaga kami. Nag black out ako palabas doon. Hindi ko naalala kung paano kami nakalabas at nang muli akong nadatnan ng wisyo ay nasa parking area na kami sa BGC. Katabi ko ay ang sasakyan na ni Ashton.

“Nahihiya akong iuwi ka sa inyo ng ganito. Sa amin ka na lang magpalipas ng gabi,” ani Ashton.
Umiling ako. “Hindi naman mahigpit si Auntie Tamara kaya hindi iyon magagalit.”
“Sige na, Ace. Sa bahay ka na lang matulog. Ako ang bahala sa’yo…” he said softly.

Naramdaman ko ang hininga niya sa aking batok. Pumikit ako ng mariin at bahagyang umiwas sa kanya. Binuksan ni Ashton ang pintuan ng sasakyan niya.

Umiling ako. I need assurance na sa apartment nga ang punta namin at hindi sa kanila!

“Ashton, sa apartment ako uuwi.”

He chuckled and moved closer to me. Ang mukha niya ay malapit na sa akin. I’m too tired to open my eyes kaya nanatili akong pikit.

“Iuuwi rin kita bukas, Ace,” he whispered and I felt his wet lips brushing mine.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.