What Lies Beneath The Sand – Kabanata 28

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath The Sand – Kabanata 28

Kabanata 28
Private

Isa-isa kong tiningnan ulit ang mga picture na nilapag ni Daniella kanina sa harap namin ni Ashton. Stolen shots iyon ng pagwi-waitress ko sa club. It’s the CCTV shots pero kahit na madilim ay may isang angulo na kita ang mukha ko.

Nahahapo ko iyong pinunit ng paunti-unti bago pinasok sa loob ng envelope. I intend to burn it once I’m home. If she has these kind of evidence, ano ang magiging panama ko? Ayos lang kung ako lang. Kung idadamay niya ang reputasyon ni Caleb, hindi ko na alam.

Para akong lumulutang sa hangin sa kaba noong pumasok kami sa conference room sa tamang palapag. Namilog ang mga mata ko nang nakitang kokonti lang ang naroon. Daniella isn’t even there!

Si Zamiel, kasama ang dalawang kanina… si Caleb, si Amer, at kami ng team.

Mabilis na sinet-up ni Bobby ang kanyang laptop sa nakaantabay na flatscreen sa harap namin. Lumapit ako at ibinigay ang harddrive kung nasaan ang aming iilang kakailanganin. Hindi ako mapakali. Kahit na walang tulong sa pagsiset up ay nakatayo ako roon katabi ni Bobby at Perrie.

“Ace, sit here,” utos ni Ashton sabay hila sa katabing swivel chair.

Tumikhim si Caleb. Sumulyap ako sa mga taong nasa long table. Nakita ko ang pagsulyap ni Amer sa pinsan pagkatapos ay balik ulit sa akin. The guilt crept within me. Hindi ko na yata kayang magkunwari na ayos pa ako.

“So… magbabago kayo ng furniture sa bar ninyo?” si Caleb sabay tingin sa kay Zamiel na tahimik na nakatitig sa akin.

Tumikhim ako at lumapit na kay Ashton. Sumulyap ako kay Amer na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.

“Yes. As I’ve said,” Zamiel drawled on his seat.
“Bakit dito sa amin gayong may-”
“We supplied them the first time, Caleb. It’s only right na bumalik sila sa atin para kumuha ng furniture.” Bumaling naman si Amer kay Zamiel. “I guess yours are really that expensive, huh?”
“Not really. I just realized I like a design here.”
“Understandable, Zamiel. We have a few new designers,” si Amer na ngayon ay tunog natutuwa na.

Bumaling si Amer kay Ashton na ngayon ay mukhang naguguluhan din.

“Architect Lagdameo, don’t worry, this is only brief. I know it’s late but I also know you are prepared…” sumulyap si Amer sa akin habang pabalik-balik na hinehele ang sarili sa swivel chair. “Mr. Mercadejas is revamping the furniture of a Class A bar for a friend,” Amer infomed us. “I believe you have your designs already?”

Tumango si Ashton at tumayo na. Naupo na si Perrie sa tabi ko at sinundan naman ni Bobbie pagkatapos. Huminga ako ng malalim at bahagyang sinulyapan si Zamiel.

Nakatuko ang kanyang kamay sa armrest ng swivel chair habang pinaglalaruan ang labi. Nakatingin siya sa akin at nang nakitang sumulyap ako ay umayos siya sa pagkakaupo at seryosong tumingin sa harap.

“These are our new collection. ,” Ashton drawled as he scanned through the pictures of our new designs.

Nasa harap ko ang hardcopy ng mga designs. I know it is my duty to give it to the client but then I’m chickening out right now. Hindi ko alam kung bakit.

“Ace, paki bigay kay Mr. Mercadejas ang hardcopy,” si Ashton.

Tumango ako at wala na sa sariling kinuha ang mga kopya at nagmartsa patungo sa malayong upuan ni Zamiel. Nang inangat ko ang tingin ko sa kanya ay nakatitig siya sa akin, hindi nakikinig sa mga sinasabi ni Ashton.

Hindi ako nagsalita. Kumunot ang noo ng babaeng sekretarya ni Zamiel sa medyo bastos kong pagkakalagay sa hardcopy. Hindi naman iyon padabog pero siguro dahil wala akong imik, hindi niya nagustuhan.

“Which one is your design for this collection?” Zamiel asked coldly.

Pakiramdam ko dinig ng mga naroon ang pintig ng puso ko. Tumigil si Ashton nang narinig ang sinabi ni Zamiel. Bumaling naman si Amer at Caleb sa amin dahil sa nangyari.

“Uh.”

Lumapit ako. Nanginginig ang kamay kong itinuro sa hardcopy ang disenyo ko.

“This one, S-Sir.”

I want to curse on myself so bad. Nagtaas siya ng kilay at masuring tiningnan ang gawa ko. He licked his lips and tilted his head. Lahat kami ay nag-aabang sa isasagot niya.

“I’ll take your design. It’s a done deal, Amer.”

Pumikit ako ng mariin at agad na nagmartsa pabalik sa upuan. Pumalakpak si Amer at tumawa. Tumayo naman si Caleb at si Ashton ay bumalik na sa tabi ko.

“It’s an honor to have a client like you, Zamiel. But I’m starting to think that this is not because you believe in our competence,” si Amer sabay sulyap muli sa akin. “Anyway, happy birthday, Ashton. You and your team should be celebrating today.”
“Thank you, Sir!” sabay sabay na puri ni Bobby at Perrie kay Amer.

Alam kong mabuti ang sinabi niya pero hindi ko talaga maproseso sa utak ko.

“That was one hell of a brief meeting. Adjourned, then,” si Amer muli na mukhang tuwang-tuwa sa kung ano.

Tumayo si Zamiel. Hinintay niya ang mga sekretaryang maayos ang mga dadalhin. Tumayo rin si Amer at agad na kinausap ang sariling sekretarya.

Bobby closed his laptop. Kinuha ko naman ang hard drive nang lumapit si Caleb sa akin.

“Shall we go home?”
“Isasama ko na siya, Sir,” Ashton slightly sounded angry.

Namilog ang mata ko nang natantong mas nagdududa na siya ngayon sa relasyon namin ni Caleb dahil sa nalaman galing kay Daniella.

Bago ko pa mapigilan ang namumuong tensyon sa dalawa ay nakita ko nang dumaan si Zamiel sa gilid ko, paalis doon, screaming with so much authority and power.

“Thank you, Sir,” ulit ni Bobby at Perrie kay Zamiel na hindi niya man lang sinulyapan.

Sinapo ko na lang ang noo ko. Hindi ko alam alin ang unang iisipin ko sa lahat ng ito. Sa huli ay pagod kong tiningnan ang aking mga kamay. Should I start to enumerate all of my problems?

Walang imikan kami ni Ashton nang ihatid niya ako sa bahay. Magbibihis lang daw siya at babalikan agad ako para sabay na kami sa kakainang restaurant sa BGC.

May plano ang grupo na surprise birthday sa kanya pagdating doon. Napag-usapan namin kanina kaso nawala na sa isipan ko. Sa dami ba naman ng nasa utak ko.

“You’ll come to my party, right? Even after…”

Alam ko ang tinutukoy niya. Pareho kaming nawalan ng gana dahil kay Daniella. Mas nawalan din siya ng gana nang nalaman niya ang tungkol sa akin. Maybe his opinion of me has changed or something?

“Of course, Ashton. Pasensya ka na sa nangyari, huh?” sabi ko.

Tumango siya. Agaran kong binuksan ang pintuan ng kanyang sasakyan para makaakyat na sa apartment.

Nagbihis ako at naligo. I had no time to talk to Auntie Tamara lalo na’t hindi siya lumalabas sa kwarto niya. Nakapagpaalam na ako tungkol sa pag-alis ko noong nakaraan kaya sinigawan ko na lang siya galing sa labas.

“Auntie, may lakad po ako ha.”

Lumabas siya sa kwarto pagkatapos kong magsabi. Sinuri niya ako, ganoon naman ako sa kanya. She’s wearing a loose shirt and her messy hair. Nagtaas siya ng kilay at nilapitan ako.

Nagulat ako nang pinarte niya pa ang cleavage sa damit ko.

“Ganito siya suotin, Ace,” turo niya habang inaayos iyon.

Kumunot ang noo ko at binabalik sa dating ayos ang damit. I’m wearing a black off shoulder sweetheart neckline top. Hapit ito sa balingkinitan kong katawan at ang palda ay hanggang hita lang.

Nasa kama ko na ‘to pagkauwi ko kanina at pakiramdam ko ang ibig sabihin ni Auntie roon ay iyon ang suotin ko. I don’t know much about dressing up for a party so I believe in everything she’s saying. Pwera na lang sa pagpapakita ng cleavage. That’s her style, not mine.

Hinatid ako ni Auntie sa labas. Nakita niya rin kung sino ang kumuha sa akin, si Ashton. Kunot-noong tumango si Auntie. Nalaman ko agad ang opinyon niya. Maybe she’s thinking na si Caleb ang kukuha sa akin, tapos ngayon ay iba pala.

“Have a great night, Ace!” sabi niya.

Pagkalayo namin sa apartment, tahimik ulit kami ni Ashton. Mukhang may malalim siyang iniisip. Pinagdasal ko na sana hindi siya nag-iisip ng tungkol sa nangyari. It’s his birthday and I feel like I ruined it.

Pagdating sa restaurant ay naroon na nga ang grupo. We’re all in all fifteen to twenty people. Composed of the five teams under the Samaniego furniture. They surprised Ashton with a cake and a birthday song. Pagkatapos ay kumain na kami ng sabay sa isang mamahaling buffet.

I like the feeling of blending in with the normal people. Pakiramdam ko tuloy, kailangan kong lubusin iyon. I’m scared of Daniella’s threats. I’m scared that I’m leaning more on leaving the company than staying.

Wala na bang magtatagal na trabaho? Naisip ko tuloy kung mahahawakan pa ba ako ni Daniella kung bumalik ako sa club? Maybe. Nagawa niya ngang kunin ang mga pictures ko sa CCTV. Her connections are widespread.

“Ang tamlay mo, ha!” si Perrie na ngumiti sa akin sa tabi ko.
“Hindi naman. Kinakabahan lang,” sabi ko.
“First time mong lumabas? Mag bar?”

Kung hindi ako nag-isip ay napatango na ako. This isn’t my first time. My first time was with Zamiel. That night when he’s poured out his anger towards me…

“Saan ka unang nakapunta?” Ashton asked. “At kailan?”

Nagulat ako noong narealize na nakikinig pala siya sa pinag-uusapan.

“I don’t remember the bar’s name. Just recently. Simula noong… dumating ako rito.”
“With a client?” the tone of his voice was hard.

Napabaling ako sa kanya. Alam ko ang ibig sabihin niya. Bumaling din agad siya sa tawanan ng ibang mga kasamahan namin kaya hindi ko na nadugtungan. Ngumiti si Perrie sa akin, hindi nakuha ang ibig sabihin ng tanong ni Ashton.

Alam kong magbabago ang tingin niya sa akin dahil doon. He was gentle the whole time, though. Inaalalayan niya ako patungo sa bar at hindi rin minsan ay hinahawakan niya ako sa baywang para hindi mapalayo sa kanya.

Isang kasinglawak ng sofa namin ni Zamiel ang nakareserved para sa amin. We went inside that bar at around nine in the evening. Nakaupo kaming lahat doon habang siniserve ang mga inumin. Katabi ko si Ashton at si Perrie at Bobby naman sa kabila. Sa dami namin, hindi ko na alam kung kaninong kwento makikinig.

Ang dilim ng buong bar ay nahahaluan ng iba’t-ibang kulay na pinilit ipasok dito. Funny how I loved the colors so much. I feel like I was once their master and now I’m not anymore.

Imbes na makipag-usap ay tumitig na lang ako sa paligid. Drinks poured and I sipped once. Hard iyon, hindi gaya ng ininom naming wine ni Zamiel sa bar na iyon.

Why do I think about that bastard all the time? Come on, Ace! He’s insulted you, fucked you senseless, and he’s basically your poison. Tanga ka talaga, ‘no? Pwede ka namang mamili at magmahal ng ibang hindi kumplikado. Perhaps Ashton, or Caleb, or Judson, but you’re choosing the bastard Zamiel Mercadejas! Tanga ka talaga!

Sana pwedeng turuan ang tangang puso. Ang bobo rin kasi ng mga puso, e. Hindi natuturuan. Sa bagay, kaya nga puso kasi hindi utak.

Natawa ako sa sariling iniisip. Hindi ko na namalayan kung nakailang inumin na ako.

“Let’s go and dance!” anyaya ng isang babaeng architect sa lahat.

Dumami na kasi ang tao at may iilan nang nagsasayawan. Nakihalo ang iilan sa amin pero marami parin kaming nagpaiwan.

“Kailan ka ba magkakagirlfriend ulit, Ashton? O may girlfriend ka na?” tanong ng isa pang taga kabilang team.

Ashton’s hand snaked around my waist. Napatuwid ako ng ubo. Naghiyawan agad sila.

“Sinasabi na nga ba, e! Childhood sweethearts kayo ‘no?” tukso nila.

Tumawa ako. Ashton sniffed on my ear. Naamoy ko agad ang alak sa kanya. He’s drunk?

“Hindi, ah? Magkaibigan lang kami,” deklara ko.
“I was secretly in love with her,” he declared back shamelessly.

Laglag panga ang mga naroon sa lamesa. Nagtikhiman sila. Ang ilan ay ginawa iyong cue ng pag-alis para sa dancefloor. Tinampal ko naman si Ashton para tumigil siya. Nagawa ko pang tumawa para ibsan ang awkwardness but he remained a bit too intimate with me.

“Maiwan na muna namin kayo,” nangingiting sabi nila.
“Uy saglit lang!” tawag ko para mapigilan sila pero hindi sila nagpapigil.

Sa kalagitnaan ng awkwardness ay naigala ko ang tingin ko sa buong parte ng bar. Pagkatingala ko ay nakita kong nakayuko at nakadungaw sa barandilya ang isang pamilyar na imahe.

In his white long sleeve polo, Zamiel’s eyes found mine. Nakahawak siya ng isang basong may lamang inumin habang mariing tinitingnan kami sa baba. He looked at us like some god and we’re the poor mortals.

Hindi man lang siya nagulat sa pag-angat ko ng tingin. Imbes ay nagawa niya pang bahagyang magshift sa kinatatayuan.

“Let’s dance, Ace…” Ashton hissed.

Kumuha ulit ako ng inumin pagkatapos ay umiling na kay Ashton.

“Why not?” he said breathily.
“Later,” sabi ko, palusot para tumigil siya.
“Bakit hindi ngayon?” Ashton asked.

Sumulyap muli ako sa taas. Zamiel’s with a girl now. Kumunot agad ang noo ko. Tiningnan ko ng maayos ang babaeng kasama niya at kahit sa malayo at sa dilim ay alam kong hindi si Daniella ‘yon. Some morena girl with a frigging cleavage.

Kinakausap niya si Zamiel. Ang buong atensyon ng babae ay nakay Zamiel pero ang mga mata naman ni Zamiel ay nasa akin. Nagtaas ako ng kilay.

Akala ko ba may fiancee siya? Bakit siya nandito sa isang bar at may ibang babaeng kasama? And more importantly, why is he here? Hindi ba sinabi ko sa kanya na ayaw ko siyang makita? Sinasadya niya ba ‘to?

Nilingon ko ang mapilit na si Ashton. He smiled at me. Medyo namumungay na ang mga mata niya. Hindi ko nasundan kung gaano karami ang nainom niya pero lahat ng nag-ooffer ay kinukuha niya.

Tumingala ulit ako. Kung kanina ay nasa kaliwang side ni Zamiel iyong babae, ngayon naman, ibang babae ang nasa kanan niya. My blood boiled when I realize that he’s just playing again. Naaalala ko noon, iba-iba na lang ang babae niya.

“Come on, Ace,” Ashton said.

Nilagok ko ang pang-ilang shot ko at inangat ang kamay para ipakita sa kanyang hindi pa ako interesado. Bumalik si Perrie sa upuan. Nagpasalamat agad ako sa presensya niya. I don’t want to be left alone with Ashton. Not when he’s drunk.

“I wanna go to the bathroom. Saan ba ang bathroom dito?” tanong ko kay Perrie.
“Uh, may powder room sa floor na ito, Ace, pero mas malinis ang pinuntahan ko kanina.”

Tumayo ako. Ashton’s hand remained on me. Huminga ako ng malalim at sa hul ay binitiwan niya ako nang nabigyan siya ng inumin ng isa pang kaibigan.

“Saan ka ba nag CR?” tanong ko kay Perrie.

Tinuro niya ang taas. Napatingala ulit ako. Zamiel’s eyes are still on me. He looks so dangerously sinful from there. Kabado ako pero kaya ko pang umakyat diyan para magpunta sa comfort room.

“Okay, Perrie, thank you…” sambit ko.

I sauntered my way to the spiral staircase. Pagkaakyat ko lang natantong medyo nahihilo na ako sa ilang baso ng alak na nainom.

Marami ang tao sa itaas. They were more tamed than the ones on our floor. Bago pa ako makadiretso sa bathroom ay humarang na si Zamiel sa akin. Pinandilatan ko agad siya. Nilipat ko ang aking clutch sa kabilang kamay at tinagilid ang ulo.

“Why are you here? Are you stalking me? Hindi ba sinabi ko sa’yo na ayaw kong makita pa kita?”

His lips protruded. Pakiramdam ko ay nagtatago siya ng ngiti. He tilted his head cockily before his lips pursed for an answer.

“I’m trying to socialize. I’m not stalking you.”

He made it sound like I assumed too much. Uminit ang pisngi ko sa pagkapahiya at tinulak ko siya para makadaan ako pero hindi niya ako hinayaan. Hindi ako makatingin sa kanya. Naghahanap ang aking mga mata sa baba habang inaangat niya naman ang aking baba para magtama ang aming tingin.

“Tss…” I tilted my head so he won’t see my expression.

Tumigil siya at umatras ng bahagya dahilan ng pagkakaagaw niya sa atensyon ko.

Standing just beside me is Zamiel Mercadejas. And to stand beside him is to brace for all the curious eyes around us. Iilang babae ang nakatingin at nag-uusap-usap. I am very sure that the topic is us. Tanga na lang ang hindi makakahalata noon.

Iginala ko pa ang mga mata ko kung saan saan at ganoon talaga ang nakita ko. What is he, some god here?

Truly, his aura is intimidating. Nakatayo nga lang siya sa tabi ko ay nararamdaman ko na na center of attention na kami. Binuhay ko ang galit na kanina ko pa inaalagaan para lang sa sitwasyong ganito. And no, I won’t back down no matter how intimidating he is right now.

“Ganyan ka pala kahit na may fiancee ka na? Nambababae ka parin?”

His eyes widened. My eyes drifted to his lips, they were in a sensual grim line. When he shifted his weight, I felt the familiar feel of energy simmering in him. Noon, ayaw na ayaw ko talaga sa kanya dahil masyado siyang masigla para sa akin. I find his energy draining. I find him too much for me. Now, I can feel it again.

Nakakatawa dahil hindi ko siya ayaw dahil sa mga nangyari. Ayaw ko sa kanya sa mga dahilang tulad ng pag-ayaw ko sa kanya noon. Mali dapat. Dapat ayawan ko siya ngayon dahil sa maidudulot ng presensya niya sa buhay ko. Truly, alcohol can break your system.

Nilapag niya ang inumin sa isang tray ng lumapit na waiter bago sumagot.

“I don’t have a fiancee,” sabi niya. “At hindi ako nambababae.”
“Don’t bullshit me around this again, Zamiel. Alam ko na kayo na ni Daniella. Hindi ba ikaw nga ang Direktor ng firm ngayon dahil may merging na naganap? Don’t bullshit me again,” damang dama ko ang galit sa tinig ko.

Pumikit siya ng marahan. He sensually bit his lower lip like he’s holding back something else. Huminga siya ng malalim at dumilat. He clenched his jaw before he responded.

“Have you seen our engagement in papers, then? Or is it just rumors, you hear? I’m not engaged with her.”

Naiinis ako hindi dahil sa sagot niya. Naiinis ako dahil kahit paano nakaramdam parin ako ng konting relief doon. Seriously, Ace? Just that and you’re fine?

Didiretso na sana ako patungo sa bathroom. Hindi naman talaga ako naiihi. I just want to get out of Ashton’s sight pero ngayon nandito naman kay Zamiel.

Zamiel put his hand around my waist. Muntik na akong napatili sa gulat nang naramdaman ang hininga niya sa aking leeg.

“Come here and let’s talk.”
“Bitiwan mo nga ako,” I said.

Huminga siya ng malalim at matalim akong tiningnan. Napatingin ako sa paligid. May iilang nakatitig sa amin. May isa pang napatayo sa kanyang inuupuan dahil sa nakita. Para bang sobrang nakakagulat na makita si Zamiel na may hawak na babae sa gitna.

“Zamiel, is that your girlfriend?” a man from somewhere asked.

His jaw clenched. Sumulyap ako sa likod niya para makita kung sino ang nagtanong pero hinabol niya ang tingin ko at ginamit ang katawan para matabunan ang titingnan.

“Let’s talk somewhere private-”
“What private are you talking about?” maagap akong umapila.

Naiisip ko na kung pribado ay baka ano pang mangyari sa amin. Hindi naman sa hindi ako nagtitiwala sa sarili ko pero natatakot akong… uh… makumbinsi ni Zamiel na… alam mo na.

Fuck!? Why am I thinking about that?

Anyway, he doesn’t mind if the place is private! He even fucked me in public, for Pete’s sake!

Bahagya kong nakitaan ng paglalaro ang kanyang mga mata. Mas lalong nag-init ang pisngi ko. I know he can tell. Nag-iwas pa ako ng tingin sa kanya sa kahihiyan ulit. Hinayaan ko siyang igiya ako sa dulong bahagi ng barandilya para mawala sa tingin ng mga taong naroon.

Although, I saw them turning their heads towards us. Tinigilan ko ang pagtutulak kay Zamiel dahil sa tuwing ginagawa ko iyon, mas lalo niya lang akong iniipit sa kanya.

“This is what I mean by private, Astherielle? Bakit? Saan satingin mo ang pribadong gusto ko?” aniya nang naroon na kami sa dulo, malayo sa pandinig ng mga tao, dinudungaw ang lahat ng nagsasayawan pati na rin ang mga sofa.
Umikot ang mata ko at hindi na siya nilingon. “Mali ako. You don’t mind if it’s private or public…” nasabi ko bago ko pa napigilan ang sarili ko.

He groaned and chuckled a little. Napasulyap ako sa kanya. Matalim ko siyang tiningnan pero pilit iyon. I wish he didn’t chuckle. I wish he didn’t have sense of humor. Damn it!

“You always assume I want that to happen between us, huh…”

Bahagya akong nainsulto at napahiya roon. Bakit tunog paratang iyon na gusto kong may mangyari sa amin? At ayaw niya? Ganoon ba? The anger sufficed again. Humalukipkip ako at umatras pero naroon na ang braso niya sa likod ko.

The cold rough wall is on my left side. Nakatuko ang kamay niya roon bilang pagkukulong kung sakaling maisipan kong umatras at tumakas. Nilingon ko siya. His expressive eyes is watching me carefully and heavily.

Ngumuso ako at diniretso ang tingin sa dami ng tao sa kabilang banda ng bar. Fine. I won’t assume that he wants it. Then what does he want now? Why are we here in this secluded area?

“Kaya ba dinala mo ako rito dahil ayaw mong makita ng mga tao na may kasama kang ibang babae gayong si Daniella naman ang talagang pakakasalan mo?”
He groaned. “Kung si gusto ko pa siyang pakasalan, bakit hindi ko siya pinakasalan noon, hmm?”

Natahimik ako sa sinabi niya. Nanatiling diretso ang mga mata ko habang siya’y nakatitig sa akin.

Isang waiter ang lumapit at naglahad ng tray ng inumin. Umiling si Zamiel dito pero agad akong kumuha ng isa.

He eyed me warningly pero ginawa ko parin. He sighed heavily. Umalis ang waiter at ngayon may inumin na ako na hawak. Sumimsim ako roon at naramdaman ang epekto nito nang dumaloy sa aking lalamunan.

“I don’t know with you. Maybe you have other plans.”
“Yes, I definitely have other plans.”
Nagkibit ako ng balikat.
“Maybe you still want to play with girls-”
“Bakit handa kitang pakasalan noon, kung gusto ko pang maglaro?”

Natahimik ako roon. Napasimsim ako sa inumin nang natantong wala akong maisasagot sa kanya.

“Ako naman…” he whispered sensually.

I licked my lips. Nararamdaman ko ang katawan niya sa likod ko. I don’t understand why we attract each other so much when I hate him so much, too.

“I’m proud of what you have achieved so far. You’re really good at drafting. I really want you under me…”

Hindi ko maitatago ang pag-init ng aking puso. To hear him say the first few words, pakiramdam ko ay nasabitan ako ng medalya. Zamiel is proud of me! He is proud of my small achievements! But the euphoria was shortlived.

I laughed mockingly. “Is that one of your strategies para pabagsakin ang Samaniego furniture? Kumuha ng empleyado nila para higitan sila?”
“There is no competition. From the very start, the companies are in a different scope. Kanino ka ba nakikinig sa mga ganyan? Caleb Samaniego?” his tone turned vile at the mention of my boss’ name.
“Caleb is a nice guy.”
“Hindi ko sinabing masama siyang tao. But maybe you’re just exaggerating things. You think Amer would let me meet with him kung ganoon nga ang nangyayari?”
Umirap ako. “Amer is gay. He finds you hot…”

Tumingala siya. He groaned lazily bago madramang yumuko. His desperation is dripping bad.

“Pinagbibigyan ka lang nun.”
“If you’re to be a head of the company and you find someone hot, would you say yes to everything, then?” inangat niya ang matalim na tingin sa akin.
Nagtaas ako ng kilay. “Why will I be head of the company?”
“Just answer my damn question, Astherielle! Iyan ba ang batayan sa’yo?”
“That’s Amer’s s-side, n-not mine!” Tumingala ako para mag-isip. “Syempre hindi. Siya ‘yon! Hindi ako!” sabi ko.
“Good. Though I don’t trust your answer that much. You hesitated.”

I pouted and sipped on my drink again. I am well aware that he is looking at my each move. Sa lapit niya sa akin, halos tumama na ang ilong niya sa aking pisngi. Ni hindi ko na siya nililingon para hindi kami mas lalong maglapit.

“You like hot boys, huh? I don’t think the boys you’re with are good-looking, though. Sino ‘yong nakahawak sa’yo kanina sa baba?” tunog interrogation naman siya ngayon. “Architect, n’yo?”
“Ex ng fiancee mo.”

Kumunot ang noo niya. Naramdaman kong hindi niya agad nakuha kung sino ang tinutukoy ko. Hindi niya ba alam na si Daniella ang fiancee niya?

Matalim niya lang akong tinitigan.

“Kaya ba, special treatment ka kanina. Is that the boy she’s talking about. Your childhood sweetheart?”
“Childhood sweetheart!”
“Right. He’s not your childhood sweetheart. Just someone you dumped. I was your childhood sweetheart.”

Muntik na akong masamid sa sinabi ni Zamiel. Humagalpak ako sa tawa. Sinulyapan ko siya at nakita kong seryoso talaga siya sa sinabi niya.

“I was a child, then. You were already old, Zamiel. Baka nakakalimutan mo na matanda ka na noong naging tayo?”

He cocked his head to the other side. Ngumuso siya, kitang-kita ko ang tinatagong ngisi. Tumikhim ako at pumormal.

“I mean, noong inakala mong fiancee mo ako!” giit ko.

Hindi siya nagsalita. Imbes ay inipit niya pa lalo ako sa dingding. He removed his hand on the wall at inilipat niya iyon sa barandilya. He closed the space between us. I felt his warm chest behind me. Ang kanyang kamay ay gumawa ng paraan na makalusot sa gitna ng aking baywang at braso.

Kinagat ko ang labi ko at pumikit. Naramdaman ko ang hininga niya sa aking tainga. He caressed my stomach for a little while. Dumilat ako para tingnan ang kamay niyang malamyos na hinahagod ang aking baywang.

Tinagilid ko ang ulo ko. Maybe it’s the alcohol but I feel like everything is just right. I feel like everything is in their rightful place. Everything… I mean even our intertwined fingers.

“Do you really mean it? That you don’t want to see me again?” his words were marked with finality.

Pakiramdam ko, sa oras na umo-o ako, hinding hindi ko na siya makikita ulit. Hindi ako sumagot. Inangat ko ang isang kamay na may inumin para makainom ako.

“Will you stop drinking?” he whispered.

Ubos ko na ang inumin kaya noong kinuha ni Zamiel at nagtawag siya ng waiter para sa tray ay hinayaan ko siya. Sinubukan kong umabot ng isa pang inumin pero agad niyang pinaalis ng marahas ang naghihintay na waiter.

“I wanna drink more!” medyo umaalon na ang tingin ko.

I pulled the hair on his forearm to prove a point. He sighed and hugged me tighter. Kinagat ko ang labi ko at hinayaan siyang hagkan ako patalikod. Sa ginawa ko sa kanyang balahibo, naaalala ko ang nakaraan. That was my favorite move on him.

“I want to get over you…” his husky voice is music to my ears. Kung hindi lang masakit ang mga kataga.
“Then stop seeing me.”

Pumikit ako ng mariin. I set aside all the complications and the other things. Dinama ko lang siya gaya ng pagdama ko sa kanya noon. Gaya ng paglimot ko noon na hindi naman talaga ako si Daniella.

“I did not see you for years. You think it was effective?”

Umiling ako at ngumiti. My heart is beating fast, nakakahilo. O baka sa ininom ko lang.

Ilang sandali kaming nanatiling ganoon. Ilang sandali ko rin bago natantong maaaring pinaghahanap na ako dahil hindi na nakabalik pagkatapos magpaalam na pupunta ng bathroom. Humikab ako. Kung ako ang papipiliin, gusto ko nang umuwi. I’m not really fond of parties but they are tolerable.

“Are you sleepy?” he asked.
“Hmm. Medyo lang.”

Kumalas ako sa kanya. He looked worried when I did it.

“Bababa na ako. Baka hinahanap na nila ako.”
“I can drive you home instead. You’re tipsy.”

Umaalon na ang tingin ko pero ayos pa naman. Kaya ko pa ang sarili ko. Isa pa, ayaw kong isipin ng mga kasama ko na bigla-bigla na lang akong nawawala.

“Huwag na, Zamiel. I can handle myself. Nakakahiyang umuwi kung ang mga kasama ko ay ayaw pang umuwi,” I said.

Iniwan ko siya roon. I can’t believe we managed to talk about things peacefully. Gumaan ang pakiramdam ko habang pababa ako ng hagdanan. Mas lalong lumalim ang gabi ay mas lalo namang naging wild ang mga tao.

The dancing is extreme and almost majority of the people were drunk. Dumiretso ako sa sofa namin. Nakita kong naroon pa rin ang iilan sa mga katrabaho ko. Ashton was still there, too. Nang nakita niya ako ay agad siyang nagalit.

“Where have you been, Ace? I was worried!” tumayo si Ashton, galit, palapit ngunit hindi natuloy.

Nakita kong lumagpas ang tingin niya sa akin. Narealize ko agad kung bakit nang naramdaman ko ang init ng malapad na kamay ni Zamiel sa aking baywang.

“G-Good evening, Mr. Mercadejas…” parang sabay-sabay na bumati ang mga nasa lamesa namin sa dumating.

Oh shit. What the frigging hell?

“I’ll drive her home. She’s sleepy,” he declared.
“Ah! Sure, po.”
“Sure, po!”
“Take care po kayo, Sir!”

Nag-uunahan ang mga katrabaho ko sa pagsagot habang hindi makaimik si Ashton doon. I felt bad for him. It’s his birthday and they all expected us to be a thing. Alam ko namang mali iyon pero inisip kong hindi dapat ganito.

Pinagsalikop ni Zamiel ang aming mga kamay. Kitang-kita ko ang pagbagsak ng mga tingin nila sa aming kamay bago ko hinarap si Zamiel para makaalis kami.

“Take care and have a good night, too…” Zamiel’s formal farewell to my colleagues before he snatched me out of there.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.