What Lies Beneath The Sand – Kabanata 27

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath The Sand – Kabanata 27

Kabanata 27
Sister

I was tensed the whole night. Wala akong ibang maisip kundi ang pag-uwi ni Zamiel. Walang makakapagbalita sa akin kung maayos ba siyang nakauwi. Nagkulong ako sa kwarto at lumabas lamang kinabukasan ng kailangan ko nang magtrabaho.

Hindi ako ginulo ni Auntie Tamara. Pakiramdam ko, narinig niya lahat ng sinabi ko kagabi. Minsan kapag naaabutan ko siyang nakatingin sa akin, nag-iiwas siya. I feel like she wants to tell me so many things but she won’t dare yet. At least not when it’s still fresh for me.

Nakibalita ako sa TV at sa ibang officemates ko tungkol sa maaaring nangyari. Tingin ko, malalaman naman ni Caleb kung may masamang nangyari nga. On Thursday, sinadya kong magpagabi para maabutan siya. Inanyayahan ako ni Ashton na sumakay sa sasakyan niya pauwi pero tinanggihan ko at nagkunwaring may mga design na tatapusin kahit na hinihintay ko lang talaga si Caleb.

Hindi ko alam paano ko itatanong kay Caleb ang tungkol kay Zamiel. Ni hindi ko alam kung paano matutungo ang topic namin doon. That’s when I realized that we really are not in the same world.

“Magdinner muna tayo bago umuwi?” si Caleb.

I am not that interested to have dinner with him but I guess more time with him will increase my chance to talk about Zamiel.

“Sige,” sabi ko.

He smiled boyishly at niliko na ang sasakyan sa isang restaurant malapit lamang sa opisina.

“Ano bang tinatrabaho ninyo ni Architect Lagdameo at bakit matagal kang nakauwi ngayon?” tanong niya.
Ngumiti ako. “Just a few designs. Wala naman masyadong project, e.”
“That’s good. Amer is still abroad for some things kaya ang pending projects, maaaring hindi matapos sa linggong ito. Baka next week, when he’s back.”
I nodded. “Ayos lang. Alam naman ni Ashton. Naghahanda naman kami kung sakaling matutuloy nga ang project na naka line up.”
“How do you find your colleagues, by the way? Perrie? Bobby?” he asked.
“Their very nice to me. And I’m happy na sa team nila ako napunta dahil mababait sila sa akin. Lalo na si Ashton.”

The dinner was served. Caleb was friendly with me. Laging mabait at hindi kailanman naging masama sa akin kahit sa trabaho. Though, I saw him slightly strict with colleagues pero sa akin ay maluwang naman.

“I’ve seen your recent works and I loved it all. Iniisip kong ilagay sa bagong factory na gagawin namin sa Bulacan.”
Ngumiti ako. “Matutuloy pala ‘yon?”
“Yes. We have actually decided. We need a new factory. May opisina roon at tanggapan kaya iniisip kong ilagay ang ibang gagawin mong furniture doon.”

I am flattered with what he said pero hindi kaya sinisingit niya lang talaga ang gawa ko? Sa isang linggo ko sa Samaniego, alam ko ang kalidad ng mga produkto nila. They were all for the mass production of quality and affordable furniture. My designs were slightly a deviation from their vision and products.

Kaya pala hindi agad nakapagdesisyon si Amer Samaniego na kunin ako. Kahit pa nagustuhan niya ang disenyo ko, alam niyang kakailanganin ang mga iyon ng masalimuot na paggawa. I am trying my best to slightly downgrade the designs. Iyon din kasi ang sabi ni Ashton sa akin para bumenta ito sa market namin.

“May showroom kasi roon kaya kailangan ng magagandang furniture mismo sa mga opisina.”
“Exactly how large is the factory?” Nanliit ang mga mata ko.
“Thirty four thousand squaremeters.”

Padarag kong nabitiwan ang mga kubyertos ko. According to my research, that’s going to be one of the largest factories they will have. Ngumisi si Caleb at mayabang na tumango. Alam niyang alam ko na malaki nga ang itatayo nilang ito.

“We are actually…”

Kumunot ang noo niya at nagpatuloy sa pagkain.

“… Do you remember Daniella Zaldua? Iyong sabi kong pinuntahan naming party noong nakaraan?”

I froze. Alam kong mahirap tunguhan ang topic doon pero nagulat ako nang dinala niya ngayon dito ngayong ang pinag-uusapan naman namin ay trabaho. What about her? Shit!

“We are letting them construct the whole factory. Their engineering firm is quite big now simula noong iyong boyfriend niya na ang naging direktor. They were quite big before but now, they’re booming.”

Napakurap-kurap ako sa nasabi niya. Boyfriend? Zamiel is the director of the Zaldua Engineering firm now?

The bastard! Siguro ay pagkatapos nilang ma engage ay may merging na naganap. Hindi ba iyon naman talaga ang gusto ni Tita Matilda? Zaluda Engineering will be under MERC. Ibig sabihin, bukod sa mas makakaattract ang pangalan, may sandalan pa sa ibang supplies at factories. But then Zamiel has his own company now! Ibig sabihin…

Gusto kong magalit pero nanghina na lang ako. Their plans are all clear to me now. Nag-aksaya nga talaga si Zamiel ng milyones para maipamukha sa akin ang lahat. He only said those sweet words to get me. Mabuti na lang at ipinagtabuyan ko siya. I look wounded but at least I have my pride. And you know pride can do wonders for the system of the lost.

He offered me a slot on his company because he knows I’d reject it. Bukod pa roon, siguro pa konswelo na lang sa akin sa dami ng nangyari sa akin sa nagdaang panahon.

“May merging bang naganap?” wala sa sarili kong tanong habang hinihiwa ang karne sa pinggan.
“I’m not sure about that but I guess diyan na nga patungo iyon. Ganyan naman lagi ang nangyayari. Mas lumalakas kasi ang negosyo kung ganoon.”

One thing is for sure that night, Zamiel is fine. Wala na atang ibang pumasok sa isipan ko sa lahat ng mga kwento ni Caleb. Ilang beses niya akong niyaya ring lumabas kasama siya at ang mga kaibigan niya at sinagot ko naman siya ng maayos.

Kinawayan ko ang palayong sasakyan ni Caleb pagkatapos niya akong ihatid sa apartment. Huminga ako ng malalim at agarang binaba ang nakaangat na gilid ng labi. Nagsimula na akong maglakad pabalik sa apartment.

It was eight in the evening. Nasabi ko kay Auntie Tamara na hindi na ako kakain sa bahay dahil lumabas kami ni Caleb. Naabutan ko naman siya na nakahilig sa barandilya habang umiinom ng kape sa ilalim ng wall lamp ng aming silid.

Pilit akong ngumiti at humalik sa kanya.

“Wow! That was the first smile since…” mapaglaro siyang ngumiti sa akin.

Ngumiti ulit ako at pagod na sumandal sa barandilya. I’m wearing the corporate attires she bought for me. Luckily, may mga jacket naman kaya kahit anong sexy pa ng looban, kaya ko paring suotin. The skirts were also bearable.

Pinaglaruan ko ang susi ng apartment. Kinuha ko sa bag iyon para sana buksan ang pintuan pero narito pala si Auntie sa labas. Ang buwan ay bilugan sa itaas ng madilim na langit. How can a simple color light the darkness up like that. Hindi man gaya ng araw na tuluyang sinasakop at inaalis ang dilim, kaya parin ng buwan na magbigay ng tamang ilaw sa gabi.

“Are you okay now?”

Tingin ko ngayon lang talaga niya ako tinanong pagkatapos ng ilang araw. Ngayon niya lang ako kinausap. Puro paninimbang lang ang ginawa niya noong nakaraan.

“Is that your boss?” Nanliit ang mga mata niya.
“Yeah.”
“Not bad.”

Nagkatinginan kami.

“Dream ko ‘yan noon. Makapangasawa ng boss ko. You know…” Nagkibit siya ng balikat at tumingin sa kanyang kape. “Kaya ‘di ako nakapag-asawa. Ang sabi nga nila, if you dream about something a lot, it will never come to you. Tama rin. Kasi lahat ng pinangarap ko, paulit-ulit kong inisip. Sa huli, lahat din hindi nagkatotoo…”

Nanginig ang boses ni Auntie Tamara. Natulala naman ako. Natatakot akong tingnan siya. Parang may kung anong sakit akong naramdaman sa puso ko para sa sinabi niya.

“I imagine myself married to a business tycoon. May mga anak, tatlo… masaya. Mayaman. Sa huli… wala.”
“Siguro ‘yan ang dahilan kung bakit hindi rin ako naging architect gaya ng pinangarap ko? Masyado kong pinangarap iyon ng paulit-ulit?” sabi ko.

Tumawa si Auntie at sumimsim sa kanyang kape. Nagkatinginan kami.

“Enough of the drama. Naalala ko lang ang pangarap ko noong bata pa ako.”
“Auntie, hindi po ‘yan ang nangyayari sa amin ng boss ko-” I said defensively.
“I know. Hindi ko naalala iyon dahil nakita kitang lumabas sa sasakyan ng boss mo. Naalala ko iyon noong dumating iyong lalaki rito at sinigawan mo.”

Umikot ang mata ko at pinirmi ko na lang sa buwan.

“He’s a business tycoon. Nakausap ko na iyon sa telepono bago ako umo-o. I imagined he was good looking. I saw his picture on the details pero noong nakita ko siya sa personal-”
“Auntie!”
“To make this story short, Ace. I wanna ask. Tama ba ang narinig ko noong nagtatalo kayo. You gave your self up to him?”

Hindi ako sumagot. Bumuntong-hininga lang ako.

“Did you use protection?”

Napatingin ako kay Auntie at pinandilatan ko siya. Of course that’s her concern.

“Dinatnan ako pag-uwi ko rito noon. I’m not pregnant.”

She smiled and then supressed it. Sinipat ko siya kaya mas pinagbutihan niya ang galit-galitang ekspresyon.

Imbes na magsalita pa siya ay natigilan siya nang nakita namin ang pagdating ng isang lumang pick-up. She groaned when she saw him open the apartment’s gate and went inside.

Ngumisi ako bilang ganti sa kanya.

“So? What happened to the tycoon?” panunuya ko kay Auntie.

Siya naman ang umirap ngayon. Umiling ako at dumiretso na sa pintuan para makapasok at makapagkulong na sa kwarto para hindi na makaistorbo sa kanila ni Renato.

I admit it. On Saturdays, we stay home and pass time. Kapag kakatok si Renato, nagmamadali akong pumunta sa pintuan para tingnan kung sino iyon. And each time I see him smile a bit when I open the door, my heart sinks.

Sinundan ako ng tingin ni Auntie Tamara pagkatapos kong pagbuksan si Renato ng pintuan at nakalimutan ko nang bumati nang nakita ko ito.

“Expecting someone?” Auntie teased.

Umiling ako at pinanatili ang mga mata sa TV.

“Saan ka pupunta?” nag-iba ang tono ni Auntie nang bumaling siya kay Renato.

Patungo ito sa kanyang kwarto. May dala pa itong pasalubong na ice cream at donuts na nilapag niya sa lamesa. He held his hand up, looking innocent.

“Ang sabi mo sa kwarto-”
“Diyan ka sa lamesa maghintay!” Sipat ni Auntie sabay baling sa akin.

Ngumuso ako. Lagi siyang nag-eeffort sa aking ipakitang disente ang samahan nila ni Renato. Kahit pa unang kita ko sa kanilang dalawa ay hindi gaanong disente ang ayos nila. Well, I give her a better grade for the effort. Baka iniisip niyang gagayahin ko ang mga kababalaghan niya kapag nakita ko. O baka ayaw niya lang ipakita na gusto niya rin ang lalaki. Either way, I don’t mind.

“Your designs got approved, Ace!” si Bobby, isang payat at kulot na lalaki sa aming team ang nagdeklara.
“Talaga?” nangingiti kong sabi.
“Oo, Ace!” kumpirma ni Perrie, isa ring ka team na babae at sinadyang kulay puti ang buhok.
“Finally?” natatawa kong sinabi.

Ilang designs ko na ang nadisapprove ni Ashton dahil nga sa kakumplikado ng mga iyon. Ngayon, sa wakas ay naayos ko na! May dalawang proyekto kami. Ang isa ay isang major project, ang pangalawa ay renovation or pagpapalit lang ng furniture.

“Congrats!” bati ng dalawa sa akin.

Lumabas si Ashton sa opisinang pinanggalingan at naglahad agad ng kamay. Tumayo ako at tinanggap iyon. He pulled me in for a hug. Nagulat ako pero pinagbigyan ko siya.

“You are learning, Ace.”
“Thanks to you!” sabi ko.

Magtatatlong linggo na ako rito. Nakatikim na rin ako ng sweldo at wala na akong hihilingin pa. Bukod sa paminsan-minsang pagkakatulala ay hindi ko na inisip pa ang ibang bagay. Tutal, magaling naman ako riyan, ‘di ba? Ang isantabi iyon.

Nagtatawanan kaming apat na nagtungo sa isang round table sa gitna ng opisina. Halos wala ang ibang empleyado dahil breaktime pa. Pinili ko namang dito na lang kumain ng snack para maka save at ganoon din yata si Ashton nang naupo kami roon.

“Bili muna kami ng pagkain. Babalik din kami, Architect?” paalam ni Perrie na tinanguan naman ni Ashton.

Ngumiti ako kay Ashton nang naiwan kaming dalawa. He smiled back, shook his head in disbelief.

“Your first project here is successful. At natanggap din ang iilang pinasa mo! The meeting for the approval will be later today or on Monday! We should celebrate!” si Ashton.
“Happy birthday, too!” dugtong ko na nagpagulat sa kanya.
“You remembered?!”

His eyes widened. Kitang-kita ko ang galak sa kanya. His angelic face turned friendlier when his lips curved for a smile.

Nagkasundo kami ng ka team ko na sa restaurant na namin babatiin si Ashton sa birthday niya pero hindi ko na napigilan. Lahat kasi bumati na sa kanya bukod na lang sa aming tatlo na kanyang team. I felt guilty.

“Of course, Ashton.”
“Kaya ako manlilibre mamaya dahil diyan. Pati na rin sa tagumpay ng unang project mo rito.”
Humagalpak ako sa tawa pero halos mabilaukan ako nang nakita kung sino ang nasa lobby.

In a bright red dress, black bag, and black stilletos, dumating siya roon at nahanap niya ang mga mata namin ni Ashton. She smirked once before she finally entered the office without breaking the eye contact.

Daniella Alena Zaldua, my step-sister, did not change. Hindi man ako nakatayo. I assume our height is the same. Kumurba ang katawan ko ngunit her obvious curves is an eye catcher. Ang itim at mahaba niyang buhok ay mariing nakatali sa tuktok ng ulo. She confidently strode towards us dahilan ng abot-abot kong kaba.

“Hello, sister,” sabay ngisi niya pagkatapos tinitigan ng mariin si Ashton.
“What are you doing here, Daniella?”

She smiled sweetly at her ex boyfriend.

“Bakit, Ashton? You think I’ll pick a fight? You think para sa’yo? Uh… No no… By the way, Happy birthday nga pala.”

Hindi ko pa maproseso ng mabuti na narito nga siya sa harap ko. Huminga ako ng malalim. What could be her motive of coming here? Si Ashton? Si Caleb? Si Amer? May business ba sila rito? Damn it.

“Don’t worry. I’m just here for my sister. Long time no see…” she smiled.

Pinasadahan niya ng daliri ang lamesang inuupuan namin. Hindi ko alam kung ano talaga ang nararamdaman ko para kay Daniella. Galit, pero hindi dahil sa nangyari noon kundi dahil sa inggit ko sa kanya. She paid me properly years ago. Hindi ko maipagkakaila iyon. Kung meron man akong kinamumuhian, si Tita Matilda iyon.

“It’s good to see you, Daniella,” I said as I gritted my teeth.

She smiled. Nilahad niya ang magkabilang braso para sa isang yakap. Nag-aalinlangan naman akong tumayo at tumanggap pero sa huli ay ginawa ko. I hugged her loosely while she hugged me so tight.

“Hmm. I miss you, Ace.”

Tinagilid niya ang ulo niya.

“I can see that you’re doing very well here…”

Pinasadahan niya naman ng tingin ang buong opisina. Ganoon din ang ginawa ko. Ang kaba ko ay hindi na magkamayaw. I am still torn about my opinion for her. Ayaw kong magalit na inggit lang ang nararamdaman kaya pinilit kong maging kaswal sa kanya.

I want to bring up what happened years ago but I know it’s useless.

“You like this job, Ace?” tanong niya.
“I’m doing quite well here.”
“Bakit ka pa nagpaMaynila? Hindi ba masaya ka naman sa kung saan ka galing?” now her voice turned vile.

Hindi ako nakapagsalita. Ayaw kong magalit. Ayaw kong magalit.

“Hindi ka ba makakapagtrabaho sa probinsyang pinanggalingan mo, Ace? At kailangan pa talaga rito?”
“Anong masama kung dito ko gustong magtrabaho? I-I’m not meddling with you and Tita Matilda anymore, Daniella-”
“Oh really?” her sarcasm is dripping around each letter.

Natahimik ako.

“You’re not meddling when you offered Zamiel your services as an escort?”

Fuck?

“Daniella!” Ashton’s voice thundered.

Mabuti na lang at breaktime. Kung may tao man na tumingin ay nasa malayo lang at hindi narinig ang pinag-uusapan namin.

“Napakasinungaling mo! Tama na ‘yan!”
“Shut up, Ashton. Wala kang alam. Bakit ‘di mo tanungin ang pinakamamahal mong Astherielle?”

Napakurap ako. Namumuo na ang bukol sa lalamunan.

“You shut up. Why don’t you leave?” banta ni Ashton.
“My fiancee has the power. You make me leave here, you’ll get fired so shut. The. Fuck. Up,” banta ni Daniella na nagpatahimik kay Ashton.

Ngayon ay sa akin naman tumingin si Daniella. Ngumiti ulit siya, gaya ng ginagawa kapag alam niyang nakakaagrabyado siya. Now, I don’t envy her anymore. I am seeping with anger as I looked at her.

“Nabasa mo ba ang kontrata mo rito, Ace?”

What the hell?

“It says there… no employee shall bring dishonor to the whole Samaniego company. Dishonor meaning iyong mga gawaing nakakahiya, ilegal, at nakakasira ng reputasyon.”
“Anong gusto mong mangyari, Daniella?” I cut her off because I realize where she’s going with this.

Hinaplos niya ang buhok ko. Hindi ako gumalaw. Punong-puno lang ako ng galit at pagkamuhi.

“Guess what? Zamiel is now the Director of Zaldua firm. Pumayag siya dahil alam niya na kami rin sa huli. You were just played, Ace, gaya noon.”

She laughed hysterically. Iniwas ko ang buhok ko sa kanya. Gustong-gusto ko siyang itulak pero natatakot akong tama siya. Kung kliyente namin sila, masisisante ako rito kapag may ginawa akong masama sa kanya! Kahit pa kaibigan ko si Caleb!

“And you? I want you out of our sight. Ayaw kong kapag lilingon ako’y nakikita kita sa mga gilid-gilid ng buhay kong ‘to. Go back to your province, live there, marry a carpenter, and live a happy life. Busog ka na naman sa milyong binayad ni Zamiel sa’yo para lang makuha ka, ‘di ba? Kaya ano pang tinatrabaho mo rito-”
“Wala akong ginagawang masama sa inyo, Daniella! Hindi ako pumunta sa bahay o sa kompanya para maningil sa kung anong ginawa ninyo sa akin noon. I am living peacefully here! Kayo ang nanggugulo sa akin!” naiiyak kong sumbat.
“Hindi kita guguluhin kung hindi ka bumalik! Bobo ka ba? Ang sabi ko, ayaw kitang makita rito! Kahit pa sa putikan, Ace! Kaya umuwi ka sa probinsya mo kung ayaw mong sabihin ko sa mga boss mo kung anong klaseng babae ka!”
“Bakit mo pa ako papakealaman? I swear I won’t bother you! I will avoid you two-”
“That isn’t enough for me!” nanggagalaiti niyang sinabi.

Hinawakan ako ni Ashton at inatras dahil nakikita niya na lubusan na ang galit ni Daniella sa akin.

“Leave this city! Leave and never come back! Never show your face to us again!” she screamed.

Naaalala ko iyong sinabi ni Tita Matilda sa akin noon. Naaalala ko rin kung paano ako nagmakaawa noon. But then, unlike before, I have a degree. Maaagaw ang kahit ano sa akin pero hindi ang edukasyon.

“Nananahimik ako rito, Daniella! Hindi ako nanguguli sa inyo ni Tita Matilda kahit pa ang dami kong sama ng loob sa inyo! Pinalayas ako ni Tita at wala kang ginawa! Ikaw na inasahan ko at pinagkatiwalaan ko!”
“I don’t care what you think of me, Astherielle. Hindi mo ba ako narinig?” mas kalmado niyang sinabi ngayon. “Umalis ka rito o malalaman ng lahat ang pinaggagagawa mo-”
“Walang maniniwala sa’yo, Daniella!” Ashton spat.
Tumango si Daniella. “Wala? Talaga? Paano sila hindi maniniwala sa katotohanan? Ashton, your beloved is a whore. Ano pa bukod sa pantitable at pagsama sa labas ang ginagawa mo, Ace? Hindi pa kita nakitang sumayaw doon sa entablado pero-”
“Stop it, Daniella!” I desperately pleaded.
“I talked to the general manager of that Club, Ace. Madame Sonja, is it? And guess what? I’ve seen you in full costume…” natatawa niyang sinabi. “Bilang isa sa mga babae roon. Tinable ka nga ni Caleb Samaniego, ‘di ba?”

What the fuck? I am so lost for words. Nanuyo ang lalamunan ko at nanginig ang mga kamay ko.

“Nilabas ka rin ata niya, ayon sa sabi-sabi. At syempre, madali kang makapasok doon dahil mismong tiyahin mo, iyon ang gawain. Bugaw mo nga, ‘di ba?”

Nanginginig na sampal ang iginawad ko sa kay Daniella. Iniwas agad ako ni Ashton. Bumaling siya sa amin, namumula ang mga mata at medyo nagulo ang buhok.

“Galit ka sa katotohanan, Ace? Ano kayang sasabihin ng mga magulang ni Caleb Samaniego kung malaman nila na tinable ka niya, at ikinama, tapos kinuha pa rito. Kaya pala may special treatment ka dahil gabi-gabi ka palang bayaran.”
“Fuck you, Daniella!”

Pinigilan ako ni Ashton nasampal ulit si Daniella. Umatras siya. I see no other color right now but red and revenge. Pero namimili talaga ang tadhana ng taong pagbubuntungan. Bakit kaya ako ang laging pinipili gayong ilang beses na naman akong nasaktan?

“Resign and leave or I’ll send this to your bosses.”

Nilapag niya sa round table ang isang brown envelope na lumuluwa ng mga larawan ko sa iba’t-ibang costume. Me in western cowgirls, in bunny costume, in leopard, in every little thing I wore in that frigging club.

At kapag isasali pa ang testimonya ni Madame Sonja na paniguradong tatango sa tanong na iyon, wala nga akong kawala. Caleb Samaniego will fall with me, too. Kahit pa walang katotohanan. I am aching so much for the people who will suffer for me.

“Besides, wala kang magagawa. Kapag nakita nila ito, bukod pa sa sisisantehin ka agad dahil sa mga kalaswaang pinaggagawa mo, masisira mo rin ang reputasyon ng boss mo. You whore!”

She smiled sweetly. Inayos niya ang kanyang buhok at niligid ang matalim na tingin sa aming dalawa ni Ashton.

“I’ll be back soon. Sana, wala ka na rito pagbalik ko. O ‘di kaya’y nakapag-isip isip ka na ng makakabuti sa’yo, Ace.”

Marahan siyang kumaway bago tuluyang umalis. Ngumiti pa siya sa mga papasok kong kasama. Nagkatinginan kami ni Ashton. Pareho kaming gulat pa at medyo maputla.

“Hay! Mabuti na lang nakababa kami kanina bago pa dumami ang tao,” sabi ni Bobby sabay upo sa harap namin.

Tinitigan nila kami habang nanatili kaming nakatayo at gulat pa ni Ashton.

“O? Anong nangyari sa inyo?”

I did not expect to see Daniella here. Lahat ng sinabi niya, hindi ko inasahan. Ni hindi ko inasahan na hanggang ngayon ay hindi niya parin maatim na makita ako. Hindi naman ako nagpakita, ah? Pumunta siya rito para sadyain ako. Para sabihin sa akin na gusto niyang lumayo ako.

Paano ko gagawin ito?

“Are you okay?” tanong ni Ashton ilang oras ang lumipas.

Pareho kaming tahimik. Sa cubicle ko, wala akong magawang matinong disenyo dahil isa lang ang nasa isip ko. Ayaw kong masira ako sa mata ng mga tao pero kakayanin ko kung iyon ang mangyayari. Ang hindi ko makakaya ay ang masira si Caleb dahil sa akin.

Hindi totoo ang paratang niya kay Caleb! But then would anyone believe me if that’s the case? Lalo na dahil kinuha ako ni Caleb dito at may special treatment na ginagawa? Fuck!

“Yeah…”

Tumitig si Ashton sa akin. He dragged the swivel chair beside my cubicle. Nilagay niya ang kamay niya sa aking tuhod at bahagya akong nilapit sa kanya.

I sighed and looked at him. Punong-puno ng pag-aalala ang mga mata nI Ashton.

“Ace, please tell me she’s lying…”

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung saan magsisimula sa pag-eexplain kay Ashton sa lahat.

“Hindi ako tinable ni Caleb, Ashton. At lalong hindi niya ako binili.”
His expression didn’t change. Nanliit ang mga mata niya.
“But… yes, it’s true. Nagtrabaho ako sa Club na iyon-”
“You’re an escort?” mahina ngunit may diin ang kanyang tinig.
“I escorted only one-”
“What the hell, Ace!” tumaas ang boses niya.

Yumuko ako at pumikit ng mariin. I know he’d be shocked and angry. Ilang oras kong inisip ng pabalik-balik ang magiging reaksyon niya sa narinig galing kay Daniella.

“Why the hell did you-”
“What’s wrong here, Architect Lagdameo?” pormal ang boses ni Caleb nang bigla siyang nagsalita sa aming likod.

Napaatras ako ng bahagya ngunit hindi binitiwan ni Ashton ang tuhod ko. Nilingon niya lang si Caleb at sa paraan ng titig nito’y naramdaman ko kaagad ang tensyon.

“Just our personal problems,” sa tonong may halong galit sinalubong ni Ashton si Caleb.

Nakita ko ang agarang pagpapalit sa ekspresyon ni Caleb. Kung kanina’y ayos pa, ngayon ay mukhang unti-unti na siyang naiinis. Nilingon niya ako.

“Good afternoon, Sir,” pormal kong sinabi. Guilty dahil nasa kamay ko ang tadhana ng reputasyon niya.

“Mr. Samaniego, nandito na po si Mr. Mercadejas para sa meeting ninyo.”

Lumundag ang puso ko nang narinig ko iyon. Hindi ko na namalayang lumigid agad ang mga mata ko sa paligid at agad ko ring nahanap ang hinahanap ko! Zamiel, in his fresh haircut, and perpetual scowl, is standing near the entrance of the whole office. May kasama siyang isang babae at isang lalaki. Ang isang babaeng nasa mga late thirties na ang tumawag kay Caleb.

Palipat-lipat ang tingin ni Zamiel sa akin, kay Ashton, at kay Caleb. Unti-unti naman akong lalong umatras kay Ashton para mabitiwan niya ang tuhod ko. He noticed it. Binalik niya sa akin ang nagtataka at nag-aalalang titig.

Unti-unting gumapang sa aking loob ang kaba. I have not seen him in weeks and to see him again right now is a relief. Alam kong nabalitaan ko na dapat kung may mangyaring masama sa kanya pag-alis niya sa apartment pero iba parin ang makita siya ng harap-harapang ganito.

I looked at him again. He’s scowling. Galit na galit siya habang tinitingnan ako at ang mga kasama. I felt the guilt, immediately. Dapat nga ako pa ang magalit, ‘di ba? I told him to fuck off and here he is. I know this is probably business matters pero imbes na magalit ako dahil nagpakita siya, ibang klaseng relief pa ang naramdaman ko.

Pinilig ko ang ulo ko at itinabi ang salungat na opinyon. Inalala ko ang pagpunta ni Daniella kanina at ibinaon sa aking puso lahat ng mga sinabi niya. Kaya pala nandito si Daniella kanina. Pupunta rin dito si Zamiel. Baka naman kasama niya, hindi nga lang pumasok dito?

“Architect Lagdameo, send your team in the conference room. We have an urgent meeting,” malamig na sabi ni Caleb.

Zamiel’s eyes bore into me intensely. He tilted his head and I saw the muscles on his jaw moved violently. Tinalikuran niya kami at sumunod ang dalawang kasama palabas ng opisina.

“Sir,” tumayo si Ashton para umalma.

Nag overtime kami the whole week para lang makauwi ng maaga ngayong Biyernes, sa birthday ni Ashton, tapos alas kuatro y media na’t may urgent meeting pa. I know how Ashton feels. But I’m more concerned with Zamiel’s appearance here.

My heart is pounding so hard against my ribcage. Para akong nasusuka na nahihilo habang hinahagilap ang gamit. Ganoon din ang ginawa nina Bobby at Perrie sa hindi kalayuan. Siguro ay narinig nila ang utos ni Caleb sa amin.

“I know you’ll be out with the whole group here…” anunsyo ni Caleb sa mga kasama sa opisina.

Tumango ang iilang kasama ni Ashton na architect. All of us are invited and it’s pretty big. If Caleb asked us to spend more time in the office tonight, mapupurnada ang lakad namin.

“Don’t worry, this meeting is going to be brief,” Caleb promised before he exited our floor.

Matalim na tumitig si Ashton sa labasan. Nilingon niya kami pagkatapos.

“Bring your presentations,” utos niya na sinunod naman namin agad.

Nahihilo na ako sa kaba pasakay pa lang kami ng lift. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit parehong excited si Bobby at Perrie na ngayon ay katabi ko. Hindi na ako makasabay sa sobrang kaba. I feel like Daniella is on that meeting and I’m scared for Caleb. Amer will be there, for sure at kapag nalaman niya ang banta ni Daniella sa akin ay patay kami.

Plus Zamiel is there, too. My heart is madly and irrationally beating hard whenever he’s fucking concerned and I hate it.

Fuck!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.