What Lies Beneath The Sand – Kabanata 26

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath The Sand – Kabanata 26

Kabanata 26
Lose

Ayaw ko na siyang makita at makausap pa.

Patalikod akong nahiga sa kama pagkatapos ng dinner namin ni Caleb. Hinatid niya agad ako sa apartment dahil sa dadaluhang party. Ibinaon ko ang aking mukha sa unan. Basang-basa na ito sa luha na bumabagsak sa aking mga mata.

From the very beginning, he never pretended to be someone else. Alam ko na playboy siya at alam ko rin na pisikal siya. Alam ko ang lahat ng iyon, and yet I still let myself fall deeply mad at him.

I have long accepted things like these. Na sa simula pa lang, hindi na talaga ako pwede kahit pa pilitin ko pa. Pero bakit hindi ko parin mapigilan ang masaktan. Ang tanging konsolasyon na lang dito ay umiiyak ako sa loob lang ng aking kwarto, ng walang nakakaalam. Mas mabuti na rin ito. Ayaw kong malaman ng ibang tao na nasasaktan ako. Mas madaling kalimutan ang isang bagay kapag wala nang ibang nagpapaalala sa’yo sa sakit.

“Ace?” katok ni Auntie ang sumunod sa tawag galing sa likod ng aking pintuan.

Quickly, I wiped my tears away. Suminghot ako at hinayaang patay ang ilaw habang binubuksan ang pinto. Ngunit nang tuluyan kong nabuksan ay nakita ko agad ang pag-aalala sa mga mata ni Auntie habang tinititigan ako. May dala siyang nakatuping mga damit.

“Uh, Ace, binilhan nga pala kita ng mga damit. Alam kong wala ka masyadong damit pantrabaho mo kaya kanina binilhan kita habang may lakad ka.”

Tumango ako nang ‘di siya tinitingnan at tinanggap ko iyon.

“Salamat.”

Isasarado ko na sana ang pintuan pero pinigilan ako ni Auntie Tamara at malawak niyang binuksan ito.

“Sandali nga. Anong nangyari sa’yo? Don’t tell me fired ka sa trabaho na magsisimula pa lang bukas?”

Shit. She noticed!

“Hindi naman, Auntie. Pagod lang ako.”

Sumulyap ako sa kanya at nakita kong hindi bumenta sa kanya ang sinabi ko. Nanliliit ang kanyang mga mata habang tinitingnan akong mabuti.

“Sabihin mo nga sakin. Anong nangyari sa Romblon?”
Umiling ako. I don’t want to talk about it kahit pa agresibo ang tono ni Auntie ngayon. Determinadong malaman ang buong istorya.
“Is that man the reason why you can’t open your heart for anyone else for the past years, Astherielle?”

I laughed mockingly. I really don’t want to talk about it. Nakakatawa rin talaga ang sinabi ni Auntie. Heart daw. There is nothing between us that involves the heart. Kung ano man iyon, makamundong pagnanasa lang at wala ng iba. I declared to have fallen for him but then could we really identify our true feelings? Paano kung hindi pala ito pagmamahal? Paano kung pagnanasa lang ito na mas lalong pina igting ng apoy sa nangyari doon sa isla?

Love, my ass, Ace. How will you know anyway?

Iyon lang ang pang-alu ko sa aking sarili. Tears won’t stop falling but at least I can now control my mind.

I left Auntie Tamara hanging that night. Kinailangan ko ring matulog ng maaga. Alas otso ang pasukan doon at ang pinakamahabang biyahe ko galing dito ay nasa tatlumpong minuto hanggang isang oras. But I intend to leave the apartment by six in the morning. Takot akong totohanin ni Zamiel ang sinabi niyang susunduin ako kahit na tingin ko’y malabo na iyon ngayon.

“Ang aga mo naman yata. Alas otso pa ang pasok mo, ‘di ba?” Auntie Tamara is wide awake at four thirty in the morning!

Nagulat ako roon. Akala ko tanghali na itong nagigising lalo na’t wala na kaming trabaho tuwing gabi.

“Alas sais ako aalis,” sabi ko at dumiretso na sa banyo para makaligo.

I should be happy and energized right now. Unang araw ko sa isang desenteng trabaho pero parang ang bagal kong kumilos sa bathroom. Masyado akong maraming iniisip. The only thing that’s probably kept me going is the knowledge that I don’t Zamiel to come here and see me.

“Auntie, kapag hinanap ako ni Zamiel Mercadejas dito, paki sabi na huwag niya na akong gambalain pa. I have so many things to do and I’m not interested with him.”

Napakurap-kurap si Auntie, puno ng pagtataka ang mga mata. Medyo madilim pa sa labas pero handa na akong pumasok.

“Okay. Though, I’ve seen him in pictures but can you properly describe me the man, Ace? Para hindi ako malito?”
“Well, tall, and…” nangapa ako sa salita.

Humalukipkip si Auntie at naghintay sa idudugtong ko.

“Masculine. But he’ll probably wear a suit so hindi gaanong kita. He’s not very friendly looking. He’s intimidating and brooding. Makapal ang kanyang kilay at malalalim ang mga mata. His lips red and thin. Tama lang ang haba ng kanyang buhok. His stubble is not very visible but you can tell if you’re close enough.”
“How close?”

Tumikhim ako nang natantong may halong panunuya ang sinabi ni Auntie. Tumaas ang kanyang kilay at tumango na.

“Okay. I understand now. Gwapo, kung ganoon. Sige, naiintindihan ko.”

I sighed heavily before finally closing the door. Sinanay ko ang sarili ko sa distansya ng building sa aming apartment. Hindi naman ganoon kalayo kahit pa may konting traffic na. Though I’m sure if I leave the apartment a bit later, mali-late talaga ako dahil sa traffic.

My very first time in in the office is seven o’clock. Wala pa masyadong tao kahit sa lobby kaya inasahan kong maghihintay ako sa lobby ng palapag kung nasaan ang Samaniego Industries.

Dalawang palapag ang nasasakupan ng Samaniego Industries sa 30-storey building na iyon. Sakop nila ang 28th and 29th floor ng nasabing building. Ang alam ko, the executives are in the 29th floor (naroon si Amer at siguro ang opisina na rin ni Caleb), ang iba naman gaya ko ay nasa 28th floor.

“Astherielle Seraphine Zaldua,” sabi ko sa babaeng nasa lobby ng 28th floor.

Handa na akong mag-antay sa sofa pero noong umiling ang babae at ngumiti sa akin ay natanto kong informed na rin sila na may bagong papasok sa opisina.

“No need to wait, Ma’am. Handa na ang cubicle mo. Tatawagin ko lang si Architect Lagdameo, iyong head mo.”

Tumango ako. May sinabi ang babae sa tanggapan sa kanyang intercom. Ilang sandali akong tumunganga roon bago ko unti-unting napagtanto.

Architect Lagdameo?

Bago ko pa maidugtong ang mga puzzle piece ay isang pamilyar na mukha na ang lumapit at yumakap sa akin. I was so stunned that I couldn’t move. Is this serious.

“Kumusta na, Ace? I missed you! Where have you been?” sunod-sunod ang sinabi ni Ashton sa akin.

Wala akong nasabi. Naguguluhan ako habang nakangiting tumitingin sa kanya habang naroon kami. He laughed at my reaction.

“Noong nalaman ko na ikaw ang tinanggap ni Caleb Samaniego bilang apprentice ko, hindi mo alam kung gaano ako natuwa! Bigla ka na lang nawala sa mansion ng mga Zaldua! Tita Matilda told me that you lived with your Aunt sa probinsya pero hindi ko inasahan na magkikita tayo rito!”

Halu-halo ang naramdaman ko. Galak sa pagkakakita ko ulit sa dating kaibigan, kaba dahil alam kong may ugnayan sila noon ni Daniella, pagtataka kung bakit dito siya nagtatrabaho gayong alam ko may sarili silang firm. This is just unbelievable. Hindi ko tuloy ma proseso ang paghatid niya sa akin sa cubicle ko dahil masyado kaming maraming pinag-usapan.

“Kumusta na?” he’s all smiles.

The boyish Ashton Lagdameo did not change at all. Kung may pagbabago man sa kanya ay iyong katangkaran at kakisigan niya lang. Aside from Daddy, he’s one of those who inspired me to pursue architecture. Lagi akong nakakatanggap ng praises sa kanya noon tuwing nakikita niya ang disenyo at sketches ko. He said ang kailangan ko na lang talaga ay ang matuto ng siyensya ng arkitektura para kumpleto na ang skill set ko.

“We got bankrupt kaya heto… nagsisimula ulit ako,” he smiled at me habang ineexplain sa akin kung paano siya napadpad sa mga Samaniego.

Titig na titig parin ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon. Tumawa siya nang napansin ang titig ko.

“Don’t look at me like that, Ace…” his face reddened.
“I’m sorry, Ashton. Hindi ko inasahang magkikita tayo rito. And my gosh! You’re my direct boss!”
“Technically, yes. Nakita ko ang portfolio mo, Ace. Lahat ng disenyo mo, magaganda! And nasabi roon na kaya mo mismong gawin ang mga iyon with the proper materials, right? I can’t believe you’ve grown this much!”

Humalakhak ako at niyakap ulit siya. I really am very happy to see him again. Hindi ko inasahan na magkikita pa kami pagkatapos ng ilang taon at maraming trahedya.

“Well? Nagkita na ba kayo ni Daniella at Tita Matilda?”

Shit.

“Hindi… pa…”
Tumawa siya. “I broke up with Daniella that summer. Sinabi niya rin sa akin na may mahal na siyang iba kaya pinutol na namin ang ugnayan. After that, hindi na ulit kami nagcommunicate. Masaya si Tita Matilda sa nangyari. Kung hindi lang dahil sa kuryusidad ko tungkol sa’yo, hindi na ulit kami mag-uusap ni Daniella. I asked her where you were years ago, and they all told me you were with your Aunt.”
Tumango ako. “Sa Sta. Ana, Cagayan ako tumira ng ilang taon. Kababalik ko lang dito sa Manila.”

Literally the whole morning is probably for our catching up. Wala na kaming ibang ginawa kundi ang mag-usap. Ang malaman na hindi na siya konektado kina Daniella at Tita Matilda ay nagpagaan sa loob ko.

“Architect Lagdameo,” nagulat ako sa biglaang tinig ni Caleb kung saan.
“Sir,” si Ashton sabay ngiti kay Caleb.
“Nasabi mo na ba kay Ace kung anong mga gagawin niya rito?”
“Ah! Sasabihin pa lang po.”

Caleb’s curious eyes looked at us pero mas nagtagal kay Ashton. Kinabahan tuloy ako.

“Sabihin mo na sa kanya ang trabaho. I want you to train her properly. We have big projects coming,” mariing sabi ni Caleb.
“Yes, sir.”
“Ace, kung may problema ka, nasa 29th floor ang office ko.”
“Okay, Sir.”
He tilted his head and showed signs of disapproval. “Caleb.”
I smiled and laughed awkwardly. “Sorry, Caleb.”

Nagkatinginan kami ni Ashton pero para wala nang masabi si Caleb ay nagsimula na agad ang pagtuturo niya sa akin sa mga gagawin ko. I am tasked to produce and produce new designs for the furniture. Si Ashton ang mag aapprove sa designs ko.

Hanggang walang proyekto na kailangan, ang gagawin ko ay mag disenyo ng kahit ano. Kapag may proyekto naman, susundin namin ang gusto ng kliyente.

Ashton also told me that the clients are usually private hoteliers and the government, bukod pa sa mga produktong nilalagay nila sa mismong store ng SFurnitures.

I was introduced to some of my colleagues, too. Mga propesyunal ang mga narito at tingin ko’y ako lamang ang bago. I got flattered when I realized that they all knew me as someone who is good at designing. Ang disenyo ko kasi ang kinuha ng iilang kliyente nila noon kaya hindi sila makapaniwalang narito ako ngayon.

When lunch came, bumaba kami ng ilang floor para sa cafeteria. Ilang beses ko kayang naisip sa mga oras na iyon na masaya ako’t nakapagtrabaho ako rito. I like it here. The people are friendly to me. Lahat ngumingiti, aside pa sa instant celebrity ako dahil sa mga disenyo ko.

Alas tres nang nagbreak ulit kami sa hapon. Bumaba ulit kami sa cafeteria kasama ang iilang mga katrabaho. Though, Ashton is my only close colleague, nakakasabay naman ako sa iilan.

Alas singko nang natapos ang trabaho ko. Mag-oover time ang iilan sa katrabaho ko. Nahiya tuloy akong umalis ng maaga pero si Ashton na ang nagsabi.

“Habang bago ka pa, umalis ka ng maaga. Dahil kapag nagsimula na tayo sa proyekto, isasabay na kita.” He winked at me.

Ngumiti ako at umiling. Nagligpit na ako ng gamit para makaalis na rin doon.

Bumaba ako ng building na medyo magaan na ang loob. I like it here. The workplace is nice and the people seems friendly. Nasa lobby na ako at palabas na ng building nang natigilan ako.

Nag-iisip ako kanina kung paano uuwi pagkatapos ay namilog na lang ang mga mata ko sa nakita. Zamiel Mercadejas is attracting too much attention in front of the building’s glass doors and walls, and without even trying! Nakatingin ang mga tao sa kanya at ang iilan ay bumabati rin.

Hindi ko alam kung ano sigurado kung ano ang ginagawa niya rito pero ayaw ko nang subukan pa. Aatras na sana ako para makatakas. Perhaps, sa likod daraan? O pwede ring sa basement kahit wala naman akong sasakyan.

“Ace?” Caleb’s voice echoed behind me.

Ayaw kong makisabay kay Caleb at ayaw ko siyang perwisyuhin pero iyon na lang ang tanging naiisip ko sa ngayon. How I wish he’d offer me a ride, instead. Para lang maiwasan si Zamiel.

“Ah! Hi!” I awkwardly said.
“Uuwi ka na? Tamang-tama pauwi narin ako. Gusto mong sumabay.”

Those words are music to my ears. I want to avoid the confrontation I will have with Zamiel. Natatakot akong masumbatan ko siya ng kung ano pagkatapos ay malalaman niya lang ang hinanakit ko sa engagement niya. I want us to just fall apart without any explanations. I don’t want to hear it from him, anyway. At ayaw ko ring gawan siya ng kahit ano dahil wala naman dapat na iexplain pa sa kanya.

“Ayos lang ba?” nahihiya kong tanong.
“Of course!” nangingiti na si Caleb habang iginigiya ako sa basement.

Sa ibang daanan dumaan si Caleb kaya hindi na ako nangamba na makikita kami ni Zamiel. Palinga-linga pa ako nang hindi pa kami nakakalayo sa kaba.

“Pasensya na talaga, Caleb. Nakakahiya talaga.”
“Ayos lang. I could actually get used to this. Madadaanan naman ang inyo pauwi sa amin.”

Hindi na ako nakadugtong dahil abala na ako. I checked my phone for any messages and I saw Auntie Tamara’s message for today.

Auntie Tamara:
Pumunta rito ‘yong si Mr. Mercadejas! Aba, Ace, ‘di mo sinabi sa akin na sobrang gwapo pala noon! Nagulat ako! Hindi ako nakapagsalita masyado. Sinabi ko lang na umalis ka na!

Kinagat ko ang labi ko. Auntie Tamara is not very reliable! Shit! She doesn’t take this seriously!

“Anyway, magkakilala pala kayo ni Architect Ashton Lagdameo?”
“Uh, yup. Childhood friends kami ni Ashton.”
“Kaya pala medyo close na agad kayo. That’s good. That will create a healthy environment at work.”

Hindi ko masabayan ang mga sinasabi ni Caleb dahil medyo balisa pa ako. Kahit na wala naman ay naiimagine kong susundan kami ni Zamiel o ano.

My phone beeped. Kamuntik ko nang mabitiwan iyon nang nakitang unknown number iyon. Hindi na kailangang magpakilala ng nagtext dahil pakiramdam ko alam ko na kung sino iyon.

Unknown Number:
You done?

This is… no doubt.

Nag-iisip pa ako ng isasagot nang bigla ulit akong napatalon sa biglaang tawag na narinig ko. I switched it to silent mode. Napalingon si Caleb sa akin.

“You okay?” Caleb asked.
Tumango ako. “Uh…”

Sa pangangapa ko ng topic para lang makalimutan ni Caleb ang pagkakabalisa ko, napili ko pa iyong mga pinag-usapan namin kagabi.

“So… Kumusta ang party kagabi?”

Kinagat ko agad ang labi ko. What the hell, Ace? Ang galing mong pumili ng topic! May pagkamasokista ka talaga.

“Well… it was awkward? What can I say…” humalakhak si Caleb.
“Uh. Bakit?” kuryoso na tuloy ako.

Pero bago niya ako masagot…

“And… we’re here,” deklara ni Caleb nang nakadating na kami sa apartment.

Ngumiti ako sa kanya at nagdalawang isip pang magtanggal ng seatbelts. Marami akong gustong itanong sa kanya tungkol doon pero nakakahiya naman kung makichismis ako gayong nandito na naman ako sa apartment.

“Thank you! And sorry ulit sa istorbo.”
“Ano ka, Ace. Walang anuman! We can actually do this everyday. Iyon ay kung ‘di ako busy.”

Kumindat siya sa akin. Ngumiti ako at nagpasalamat ulit bago lumabas at kumaway ng wala sa sarili.

It’s his engagement yesterday. Ang kapal talaga ng mukha ni Zamiel. May gana pa akong sunduin sa opisina gayong engaged na pala siya. Napakawalanghiyang sinungaling talaga ng isang iyon. I hate him to bits. I hated him before, right now I am so disgusted with him.

“How’s first day? Natanggap mo ba ang text ko?” si Auntie Tamara habang umiinom ng kape.
“Ayos lang.”

Huminga ako ng malalim at naupo na sa sofa. Sinipat ko agad siya nang naalala ang text niya kanina.

“Kapag pumunta pa ulit iyon dito sabihin mo sa kanya wala akong panahon sa kanya.”
Nagngising-aso si Auntie. “In fairness! Ang gwapo gwapo naman noon, Ace. Parang may liwanag na pumasok dito sa loob pagkabukas ko ng pintuan para sa kanya. I was so stunned that I couldn’t straight.”

Umirap ako at umiling. Dumapo ang kamay ni Auntie sa kanyang bibig para pigilan ang pamumuri.

“Sorry. Don’t worry, next time, mumurahin ko na ‘yon para umalis dito.”

Ngumuso ako at tumingin ulit sa cellphone sa mensahe ng unknown number.

Unkown Number:
You’re out of the building. Are you home?

I did not reply. Tulala ako habang tinitingnan ang bagong install na TV sa harap ko. Hindi ito naka-on pero nakatitig ako roon.

“Gutom ka na ba? Pasensya na. Galing akong mall, bumili ng TV kaya ngayon lang nakapagluto.”
“Ayos lang, Auntie. Hindi naman ako gutom.”
“Buksan mo ang TV. Papakabit pa ako ng cable pero may local channels naman…”

Hindi ako gumalaw. Nanatili akong nakatitig doon habang nagluluto at pasulyap-sulyap naman si Auntie Tamara sa akin.

“Nga pala, pupunta si Renato ngayon…”

Inangat ko ang titig ko kay Auntie. Nag-iwas naman siya at tiningnan ang niluluto. Tumango ako ng wala sa sarili. Tumunog ang door bell namin at agad kong nakitang nag-ayos si Auntie ng buhok. Natataranta niyang inayos ang pagkain kaya tumayo na ako.

“Ako na, po.”

Nilapitan ko ang pintuan para buksan. Inasahan kong si Renato ang makakasalubong ko, hindi si Zamiel na naka puting longsleeves at seryoso ang tingin. My traitor heart skipped a beat. Sinubukan kong isarado muli ang pinto pero hinawakan niya iyon sa itaas. His force is too much that I couldn’t even move to close the door.

“What are you doing here?” malamig kong salubong sa kanya.

He licked his lips. Kita sa mukha niya ang pagkakaintindi sa mood ko ngayon.

“I was worried with you-”
“I don’t need your worry.”
“Sino ‘yan, Ace?” si Auntie na agad yatang nakumpirma nang nilapitan.
“Magandang gabi, po,” bati niya kay Auntie.
“Fuck off, Zamiel…” pilit akong huminahon.

His lips parted, amazed by the intensity of my anger.

“What’s wrong?” sa matigas na ingles.

Para akong kinilabutan lalo na noong humakbang siya papasok at hinawakan ang siko ko. Umatras ako sa takot na maapektuhan niya ako sa kanyang paghawak. Hinaklit ko ang kamay ko para makawala sa kanyang hawak.

Si Auntie Tamara ay bumalik sa kusina. Naririnig ko ang pagkakataranta niya sa niluluto.

“Sige. Pasok ka para magkaliwanagan na tayong dalawa…” sabi ko, handa na sa mga sasabihin ko.

Pinapangunahan na ako ng matindi kong galit. I can’t hold it anymore. Nakatayo siya, sa likod ay ang sofa. Tensyunado siyang nakatingin sa akin. Nanatili naman akong nakatayo. Lumalayo ako sa kanya dahil ayaw kong nahahawakan niya ako.

“Come here,” banayad niyang sinabi sabay abot ng kamay.

Umiling agad ako. Hindi ko maitago ang pait sa akin.

“Let’s talk about your bullshits.”

He tilted his head. His eyes were brooding and his stance is everything that I want. Fuck!

“Gusto kong malaman mo na hindi mo na kailangang gawin ang kahit ano para sa akin dahil tapos na ang kontrata natin.”
He sighed. “We talked about that back in Romblon-”
“I lied to you just so you stop annoying me!”

Kitang-kita ko ang dumaang sakit sa kanyang mukha. Hindi siya nakapagsalita. Umirap ako at hindi na binalik ang tingin sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit sa dami ng atraso niya sa akin, sa galit ko sa kanya, para paring may humahawak sa puso ko.

“Naiintindihan mo ba, Zamiel? I did that only because you paid me to do it!”
“I did not pay you to make love to me-”
“Thirty million and you think I did not understand what was that for? Tapos na ang ilang araw na binayaran mo, kaya huwag ka nang magkunwari na ayos tayong dalawa dahil hindi!”
“I call bullshit on that…” mahinahon niyang sinabi.
“Then call it whatever you want to call it! Pero sana respetuin mo ang desisyon ko! Ayaw ko nang makita ka! I hate you. I hate you so much! How many times do I have to tell you that before you understand!?”

Hindi siya nagsalita. Yumuko siya, nakaawang ang labi.

“We can talk this without the shouting…” Humakbang siya palapit sa akin at masuyong hinawakan ang kamay ko.

Hinaklit kong muli ang kamay ko at itinulak siya ng malakas. Nagulat ako nang bahagya siyang napaatras at muntik na siyang napaupo sa sofa. The lump in my throat grew.

“Hindi, Zamiel! Hindi mo kasi maintindihan! I don’t want you here with me! Gugulo ang buhay ko kapag nandito ka kaya sana lubayan mo na ako!”

Suminghap siya at lumapit muli. He looks so miserable that I have to close my eyes and imagine him with Daniella to renew my anger.

“Come on, baby, what’s this all about?”
“Bakit ‘di mo maintindihan? Ilang beses kong uulit-ulitin na tungkol nga ito sa atin! Na ayaw ko ng ganito! Huwag mong ipilit ang sarili mo sa akin, Zamiel! You think I don’t know what you’re planning? I know pero pinagbigyan lang kita sa islang iyon para matapos ang lahat!”

His eyes widened at that.

“What plan are you talking about-”
“Don’t bullshit your way around here! Sinungaling ka! I don’t want to hear anything-”
“Nagmamadali ako kahapon pauwi dahil nalaman ko na may ginawang party para sa akin.”
“Engagement party, you mean? Get out!” I shouted till my voice is strained.

Suminghap si Zamiel at sinubukan ulit akong lapitan.

“Please, let’s stop the shouting. Baby, please, we won’t solve anything if we raise our voice-”
“Get. Out. Zamiel!” sabay turo ko sa pintuan. “I don’t want to see you again.”

Kumunot ang noo niya at yumuko siya. Ilang sandali siyang huminga ng malalim habang ako’y mabilis na ang paghinga. I swear I can see red, right now. Gusto ko siyang itulak pero nanginginig ako sa sakit at sa galit.

“It was a surprise birthday party for me by Daniella. Hindi tinuloy ang engagement, Ace…” he whispered.

Kinagat ko ang labi ko. Buhol-buhol na ang nasa utak pero kailangan kong panindigan ang lahat.

“Get out now! I don’t care, Zamiel!”

Tumango siya nang ‘di tumitingin sa akin.

“Can I stay for a little while. I don’t think I can drive.”

Parang pinipiga ang puso ko habang naririnig ang boses niyang pilit. Nakayuko siya, hindi ko makita ang mga mata.

“No! Get the fuck out of here!”

He bit his lower lip before nodding a bit. Hindi niya na ako tiningnan pagkatalikod niya.

“Have a good night-”

Sinarado ko ang pintuan ng walang pag-aalinlangan sa takot na maunahan ako ng mga luha sa pagtulo.

Pumikit ako ng mariin. All the shades of black is the only thing I see while I squeezed my hands together for a prayer. Please, guide him while he drives. I can lose him in my life but I don’t want to lose him in this world.

Bakit ang dali lang sa kanya na itaboy ako noon? Pero ngayong ako ang nagtataboy sa kanya, nagkukumahog pa ako pabalik sa kwarto para makita sa bintana kung maayos nga ba siyang nakaalis. This is so fucking unfair!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.