What Lies Beneath The Sand – Kabanata 25

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath The Sand – Kabanata 25

Kabanata 25
Engagement

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Ang sinag ng panghapong araw ay naaaninag ko sa iilang muwebles hindi kalayuan. The smell of soup attacked my senses first. Ilang sandali akong nanatiling nalulunod sa puting kumot ng kama. Pinoproseso ko ng mabuti ang nangyari kanina bago ako nakatulog.

I inhaled heavily when the memories flashed again in my mind. My gosh, Ace! What have you done? Hindi ko masisisi si Zamiel doon dahil ako mismo’y walang nagawa. I wanted it as bad! I could not stop myself from kissing him back. I could not even formulate the right things to say, imbes ay hinikayat ko pa siyang gawin iyon!

Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi nang naalala ang mga ginawa niya sa akin. Ganoon ba talaga siya? I expected him that way but it still shocked me. At pumayag pa talaga ako na roon? It’s my first time pagkatapos ay sinampa niya lang ako sa barandilya ng terasa. Pinaupo at doon na ginawan, hindi na nakapasok sa bahay o kahit sa sofa man lang? Damn, Zamiel Mercadejas!

Narinig ko rin ang pagsinghap ng tinatalikuran kong katabi. Bago pa mag full blast ang kaba ko ay naramdaman ko na ang kamay niyang pumalupot sa aking kumot. He climbed on my left shoulder and his head perfectly fitted on my shoulder blades. Pinatakan niya ng halik ang aking leeg. I pouted my lips and closed my eyes.

“You missed lunch. Dinala ko rito ang pagkain mo,” Zamiel whispered.

His hand forced entrance on my chest. Inangat ko ang kaliwang braso ko para pagbigyan siya. He then rested his nose on my neck, his breathing tickled me a bit. Napapikit ako ng marahan habang dinadama ang balat niya sa akin. Hindi man nanunukso ang kamay ay kinikilabutan ako sa ayos nito sa akin. Agarang nagliyab ang apoy na inupos ilang oras lamang ang lumipas.

“I’m still tired,” napapaos kong sinabi.

He chuckled sexily on my ear.

“Hmm, but you have to eat. I will help you,” he said huskily.

Pumikit ako at dinama ang sakit sa katawan ko. My thighs feel stretched and I’m sore deep. Gusto ko na lang matulog at magising na maayos na.

Naputol ang mga iniisip ko sa biglaang pagtunog ng cellphone kung saan. He groaned and removed his hand on my chest para abutin ang cellphone sa side table ng lamesa.

“I need to take this call,” he said.

Bumangon siya at umalis ng kama.

“Yes, what is it?” iyon ang narinig ko.

Ang malapad niyang likod ang nakita ko habang inaayos niya ang tray kung nasaan ang pagkain ko. The muscles on his wide shoulders sent shivers down my spine. Tila siya isang medieval warrior na handang sumabak sa isang battleground sa porma pa lamang ng muscles niya.

His spine is majestically indented and below it are the twin dimples can fairly remember. Hindi iyon naalis sa utak ko kailanman. Ang bawat parte ng katawan niya ay nasaulo ko ng husto. When I was younger, I would think of him as someone with that perfect body. Namamangha ako tuwing naiisip ko siya. Pero noong medyo tumanda ako ng ilang taon, tuwing naiisip ko ang katawan niya, hindi ko na kayang hindi mamula. My insides would beat hard and the heat will always spill within me.

Ngayong nandito siya sa harap ko at naiisip ko ang ginawa niya sa akin kanina, nagiging tubig ang lahat ng parte sa katawan ko. Nakakalimutan ko ang sakit at wala na akong ibang gusto kundi ang mangyari pa ulit iyon!

“Ano?!” his voice thundered.

Napabangon ako sa pagkakaalarma. Inangat niya ang isang bedtable at nilapag niya sa aking kama. Kahit na alam kong wala pa akong kain, hindi parin ako ginugutom.

Itinapis ko ang kumot sa aking dibdib at inangat ang tingin sa kanya. Tumayo siya, at sumulyap sa akin. Hinilot niya ang kanyang sentido bago ako tinalikuran at umalis sa silid.

Ano kayang problema? Sa negosyo?

Tumunganga ako ng ilang sandali habang tinitingnan ang niluto ni Zamiel para sa akin. Dinungaw ko rin ang dibdib ko para makitang wala parin itong saplot. Mas lalo kong inangat ang kumot para makita ang baba. I’m now wearing a red panty!

Sinapo ko ang noo ko nang natantong siya ang nagsuot niyan sa akin habang tulog ako. Hindi ko naalalang may sinuot akong ano. Basta’t sumampay na lang ako sa kanyang balikat at inangat niya ako roon para madala rito.

Huminga ako ng malalim at pinansin na ang pagkain. Dalawang subo sa mainit na sabaw ay para akong hinihele. Ngayong nakakain ng konti ay napagtanto kong gutom pala talaga ako!

Nagpatuloy ako sa pagkain. Hindi pa bumabalik si Zamiel sa kwarto. Inasahan ko na may problema nga talaga ata sa business nila dahil mukhang gulantang at galit siya sa sinabi ng tumawag. Ipinagkibit-balikat ko iyon.

A phone vibrated on the side table. Nilingon ko iyon at nakitang cellphone ko nga pala ang naroon. Kinuha ko iyon at tiningnan ang tawag ni Caleb sa akin. I remember him telling me to keep in touch. Ito na siguro iyon.

“Hello?” sabi ko sabay tingin sa pintuan.

Wala pa naman si Zamiel. May kausap parin siguro.

“Good afternoon, Ace! Are you available today?” tanong niya sa isang business-like tone.
“Uh, hindi Caleb. Pasensya na. I will text you once I’m free.”
“Oh! I was just about to tell you that the board granted the mass hiring. Naisingit kasi kita roon at pinapagreport na sa office ang mga hired applicants bukas. Can you report?”

My eyes widened at that. Napainom ako ng tubig sa sobrang excitement na naramdaman. Marami akong tanong. Paano ang dokumento ko? Hindi ibig sabihin na dahil kilala ako ni Caleb, pwede na akong ma hire ng wala iyon, hindi ba? Though, this is great, great news for me!

“Uh, Baka sa makalawa na? Sorry, pero wala kasi ako. I’m sorry…” paulit ulit akong nag apologise para roon.

Ako na nga ang nangangailangan, ako pa itong makatatanggi? Maybe I can convince Zamiel to go home tonight or something? Hindi ko alam pero para sigurado, tatanggihan ko ang pagrereport bukas at sa makalawa ang ipapangako ko.

“Are you sure na pwede ka sa makalawa? Bukas kaya, nandyan ka? I want to personally give you your job description and contract.” tanong niya.
“Oo!” agap ko kahit na hindi pa naman talaga ako sigurado. I’m just gonna convince Zamiel.
“I’m sorry for the short notice, Ace. We just heard that our competitors are sneaky. Nangungumbinsi na naman daw ng ilang aplikante namin.”
“Don’t worry, Caleb. Buo ang desisyon ko sa inyong kompanya at I doubt kung matatanggap din ako ng kabila gayong wala pa akong papeles.”
“Well, we can’t tell. Sige. Should I expect you to report, then? And tomorrow, we can see each other?”
“Yes. Yes!” ulit ko.

Humagikhik si Caleb. Siguro ay natawa sa excitement ko. Natawa rin ako.

“Okay, Ace. Got to go. See you soon.”
“See you!” sabi ko at pinutol na ang linya sa gitna namin.

I finished my meal immediately para makabangon na at makausap si Zamiel tungkol sa pag-uwi. We need to go home. Kung hindi mamaya, bukas!

Naghanap ako ng bra at kinuha na ang kahit anong dress sa aking maleta para masuot. Sa aking balat nakita ko ang ebidensya ng karahasang nangyari kanina. Mamula-mula ang iilang bahagi ko. Hindi na ako nagtataka kung bakit pa masakit ang katawan ko. Lumabas ako sa kwarto at dumiretso na sa hagdanan para masabi sa kanya ang gusto kong mangyari.

“Look, Daniella. We’ll talk once I’m back, okay? Bukas!” banayad ang boses ni Zamiel at kung hindi pa tahimik ang buong bahay ay hindi ko iyon maririnig.

Isang baitan pababa ay umatras ako pabalik sa pangalawang palapag. His voice got drowned by the distance. Siguro ay lumabas siya ng bahay para mas makausap pa ng masinsinan si Daniella sa kabilang linya.

Yumuko ako. Kumalat sa looban ko ang pait na agad ko ring isinantabi. For years, I have learned how to put that pain away and prioritize other things. Hindi ako binigo ng desisyon na iyon. Ang pagdadamdam sa sakit ay maglulumpo sa akin sa pagpapatuloy sa buhay.

Uuwi kami bukas, sigurado ako roon. Hindi ko na kailangang pakiusapan si Zamiel. Narinig ko kung paano niya pinangakuan si Daniella noon. Our business here is done. I gave myself to him and maybe that is his whole idea for this…

Pumasok ulit ako sa kwarto at itinabi na ang bedtable sa lamesa. Huminga ako ng malalim at tinabunan na lang ang sarili ng kumot.

He fucked me like I’m a whore he paid. Sinampa lang sa terasa at doon na ginawan. I wanted it as bad but thinking about it now, minus the hear of desire, I realize how ugly it sounds. At siguro sa dinami ng babaeng nakama niya, umabot naman sa kama ang lahat ng iyon. He even showered them praises they deserve, right?

Bumukas ang pinto at pumasok siya roon. Blanko na ang utak ko nang umuga ang kama pagkaupo niya roon.

“May iba ka bang gustong gawin? Uuwi na tayo bukas ng umaga kaya we should savor our last afternoon here,” aniya.

I knew it. Tumango ako.

“Maybe I’ll swim later. Magpapahinga muna ako ng ilang sandali,” sabi ko.

Yumuko siya at inabot ang aking mukha para mapatakan ako ng halik sa labi. Isang dampi pa lang ng halik at bahagyang pagkagat sa aking labi, para na ulit akong nasusunog. I can’t believe it! What’s wrong with you, Astherielle? Wala ka na ba talagang ibang gusto kundi ang pagnasaan ang lalaking ito? You’re not even happy! You’re just lusting over him!

“I’d do you again but you’re still sore,” he whispered.

Nahihilo na naman ako habang tinitingnan siyang mabuti, malapit ang mukha sa akin. His body is in a territorial stance. Ang dalawang kamay ay nasa magkabilang side ng hinihigaan kong kama, kinukulong ako.

“Shut up, Zamiel,” sabi ko nang ‘di ko siya tinitingnan.

Uminit ang pisngi ko. Gusto kong itulak siya sa galit at iritasyon. Sa kawalang pag-asa. Pero nang nagkatinginan kami, I realized that whatever happened, it’s worth it. This island, this house, is a fantasy with him. I will deal with the reality of us pagbalik na namin sa Manila. Ngayong nandito pa kami, I will indulge myself with him. Because I know that when we go back to Manila, everything will be back to normal. Ako sa trabaho, siya kay Daniella.

I gave myself to the only man I have ever loved. The man I can’t have. Ano man ang mangyari, hindi ako magsisisi.

“I am your first, and I will be your only one,” he whispered. “Remember that.”

Ngumiwi ako sa sinabi niya. Sa ngayon, oo. Sa ngayon, hindi ko pa maisip ang sarili kong magmahal ng iba kaya maaaring tama siya. He is my first and only.

Life goes on. I’ve seen my life changing right before my eyes. May mga bagay na pinapaniwalaan ko noon, hindi na ngayon. Kaya sa huli, ang panahon ang magsasabi kung siya nga lang ba talaga ang mamahalin ko sa buhay na ito.

The whole seven years we’re apart, I have only ever loved him. But I don’t want to assume that my love for him will last a lifetime. May pag-asa pa akong makapagmahal ng iba. May pag-asa pa na tumibok ang puso ko para sa iba. Sa isang taong kapareha ko. Sa isang taong hindi ko na kailangan pang abutin dahil dati na siyang abot-kamay.

We spent the remaining hours on the beach, watching the sunset.

Kanina pa kami rito naliligo at hindi pa umaahon. Hindi kita sa likod ang bahay dahil nasa may batuhan kami. Our bodies submerged on the torquoise waters of Romblon. Ang tanging nagbibigay sa akin ng init bukod sa sikat ng araw ay ang kamay niyang nakapalupot sa akin sa aking tiyan.

Dahan-dahan niya akong tinutulak sa kanyang dibdib para makahilig pero hindi ko ginagawa. He groaned when he realized that I am not going to depend on him.

“What are you thinking?” tanong niya.
“Magtatrabaho na ako sa makalawa,” sabi ko.
He sighed. “Do you really want to work there? Ayaw mo ba talaga sa kompanya ko?”
“Magkikita tayo lagi pag sa kompanya mo ako magtatrabaho.”

Natigil siya at hinarap ako. Nakuha niya agad ang buong atensyon ko.

“We will see each other. Kahit pa hindi ka magtrabaho sa akin,” sabi niya at naglakad palapit sa akin.

Umatras ako. I said I will indulge myself while we’re here pero tumatakas parin ang pait sa akin. Tumama ang likod ko sa batuhan dahilan ng agad niyang pag hila sa akin palapit sa kanya. Nilagay ni Zamiel ang kanyang kamay sa batuhan, announcing his territories again on me.

I tilted my head. Seryoso siya at halos galit na habang tinatantya ang ekspresyon ko. I smiled. Itinigil ko na ang pagsasalita para hindi na kami magtalo pa habang nandito.

Nilagay ko ang mga kamay ko sa kanyang balikat. Bumagsak ang tingin niya sa aking braso at sinundan niya iyon ng nakaawang ang labi. Marahan kong hinagod ang kanyang braso at balikat. His sensual breathing slowly became labored. Nang nag angat siya ng tingin sa akin ay kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang nakakapasong pagnanasa. I’m sure my eyes reflected his.

Inangat ko ang sarili ko para mapatakan siya ng halik sa labi. He did not respond. Imbes ay nanatili siya sa ganoong ayos, matigas at mapuwersa. His dense body is really an opposite to mine. Para akong munting babasagin tuwing tinatabi sa kanya.

“Why won’t you kiss me back?” my tone curled deeply like a full grown woman’s voice. Maging ako’y pinanindigan ng balahibo sa tono ko.
“Give me the assurance that I want,” hamon niya.

Ngumuso ako at tumingin na lamang sa kanyang dibdib. Hinagod ko ang kanyang dibdib na nalalatagan ng maninipis na balahibo.

Dumidilim na dahil kalahati na ng araw ang nakalubog. Tumingkayad ako para maabot ang kanyang labi at mapatakan siya ng isang halik. I smiled.

“Why can’t you?” his voice was hard.
I sighed. “Let’s not ruin our sunset.”
“I want the assurance, Astherielle. I want a relationship with you.”

Shit! Para lang itong pinapapili ako kung aling buhay ang gusto ko: iyong madali o mahirap. Hindi ako bobo para piliin ang mahirap.

“I want to see you every day. I want to date you.”
“Nasabi ko na sa’yo ang opinyon ko, Zamiel.”
“That you hate me? You don’t want me?”

Bigo ko siyang tiningnan.

“Then what are those moans for? Why did you kiss me back? Your struggles were half hearted and you came for me-”
“Ugh!” tumigil siya nang hinampas ko ang dibdib niya. “Stop it, Zamiel.”
“Hindi ka pwedeng ganyan sa isang taong hindi mo gusto!”
“Fine! Pag-iisipan ko!” sabi ko para matigil na siya.

Tinitigan niya lamang ako. His lips were in a hard line and his eyes threatening. A different kind of fear loomed within me. Takot para sa kanyang pagiging mapanganib. Takot na kahit pa manginig ako’y hindi ko magawang takbuhan. He’s too much to take. His appearance and his aura is too much to handle. Pero hindi ko rin talaga magawang iwasan.

His eyes remained menacing. Bumaba na ang tingin niya sa aking labi pero bumalik ulit sa aking mga mata. I can sense that he’s a bit satisfied with my answer. He’s fine with it. Or he’s trying to be fine with it.

Yumuko siya at hinawakan niya ako sa baywan. Pinatakan niya ako ng halik na unti-unting bumaba sa aking panga at sa aking leeg. The butterfly kisses he’s giving me is making me close my eyes.

“I’ll make you happy everyday,” he whispered.

Bumaba pa ang kanyang halik sa aking collarbones. Kinagat ko ang labi ko. Then he grazed his nose on the skin he just kissed before finally stopping on my ear.

“Damn, I missed you so bad,” he said breathily.

Idiniin niya ang kanyang ilong sa aking tainga. Nararamdaman ko ang marahang tinik sa kanyang mukha, his growing stubble may be. Hinayaan ko siyang yakapin ako ng mahigpit. Hindi ko na inalintana ang kanyang bigat at kalakhan.

He stilled for a moment. Parang kinukurot ang puso ko habang tinitingnan ang tanawin sa harapan ko. Tanawin na tinalikuran niya para lang mayakap at maangkin ako ng ganito.

“I’ll pick you up on your first day for work.”

Humalakhak ako at umiling na lang. Inubos namin ang oras doon hanggang sa magdilim. Bumalik kami sa resthouse. Naligo ako at nagbihis habang siya ang nagluto sa aming hapunan.

Night came and the exhaustion got us both. Maaga kaming natulog lalo na’t nalaman kong maaga rin kami bukas at by air ang pag-uwi namin. It’s that urgent, huh. Daniella is very urgent.

I can imagine Zamiel going home to her and giving her what she wants on her bed. Pilit kong inalis sa isipan ko iyon dahil alam ko naman na normal iyon. Gaya dapat noong nagpapanggap ako, I should be detached no matter how I feel.

Hawak niya ang kamay ko habang nakasakay kami ng eroplano. Hindi mahaba ang byahe. Pagkababa namin ay dumiretso na kami sa isang SUV na sumundo sa kanya.

My phone beeped for Auntie Tamara’s message. Binitiwan ko si Zamiel para makapagtipa. Nilingon niya ako at pinalupot niya ang kanyang kamay sa aking baywang.

Auntie Tamara:
Good morning, Ace. How are you?

Ako:
I’m fine, Auntie. Pauwi na po ako.

“Anong gagawin mo sa araw na ito?” tanong ni Zamiel.

Umaga pa lang kasi nasa Manila na kami. Nagkibit ako ng balikat.

“Might sign a contract.”
“Lalabas ka, kung ganoon?” klaro ang buong atensyon niya sa akin.
“Oo pero saglit lang. It’s for work.”
“I’ll go to my office to settle some things. We’ll see each other tomorrow,” aniya.

Tumango ako at tumigil na ang sasakyan nang tumapat sa aming apartment. Nilingon ko siya. Tinitigan niya ako, nananantya ang mga mata bago ako pinatakan ng halik sa noo.

Hindi na ako muling nag-angat ng tingin sa kanya. Dumiretso na ako sa paglabas at dumiretso na rin ako papasok nang ‘di na tinitingnan ang SUV na sinakyan.

I know that he will never stop convincing me unless I give him a satisfying answer kaya binigyan ko siya. But my stand will always remain… simula ngayon, pagbubutihin ko na ang pagtatrabaho para sa aking sarili. I will set aside the feelings I have for him. Whatever happened in Romblon, I will keep it within my heart. Visit it once I’m so down. And bury it while I try to carry on.

“Oh!? Ang aga mo!” natatarantang sabi ni Auntie Tamara nang nakita akong pumasok sa pintuan.

Naabutan ko siyang nakadikit sa kung sinong lalaki sa sofa. If I’m not mistaken, they were kissing. Pero nang bumukas ang pintuan ay tumayo siya at lumayo agad na parang walang nangyari.

Imbes na sagutin siya ay nagulat pa ako at napatingin sa lalaking nasa sofa. A huge older man (well, actually probably just her age), is sitting widely on our small couch. Tumayo ito nang nakita ako habang si Auntie Tamara naman ay naguguluhan kung ano ang unang gagawin.

The man looks familiar. Actually, parang nakita ko na siya. Hindi ko lang maalala kung saan pero nasisiguro kong nakita ko na siya.

Naglahad ito ng kamay.

“You may leave us,” Auntie Tamara said to him rudely.

Sumulyap ang lalaki kay Auntie at bahagyang umamba na ibaba ang kamay. I felt bad for him so I interrupted.

“I’m Ace, Auntie Tamara’s niece. Nice to meet you, po,” pauna ko.
“Ugh! Ace…” natataranta ulit siyang bumaling sa lalaki.

The man is tall, massive, hairy, and hard looking. Sunog sa araw ang balat at lalaking-lalaki tingnan kahit pa sa edad. Kung tititigang mabuti ay malalaman mo na guwapo siya. Ang tamang haba ng buhok ay malayang nahulog hanggang noo. His hard jaw reminded me of Zamiel’s pero iyon nga lang, ang stubble niya lang ang pinagkaiba roon.

Nang lumapit si Auntie Tamara sa lalaki ay nagmistula siyang batang white lady. Auntie Tamara’s milky skin is so oppisite with the man’s complexion. And Auntie Tamara’s petite body is also opposite with the man’s huge body.

“Renato, sige na, umuwi ka na!” utos ni Auntie na ngayon ay pinagpapawisan na.
“Renato,” mababa rin ang boses ng lalaki nang tinanggap niya ang kamay ko at saglit na pinisil para sa pormalidad ng pagpapakilala.

Nanliit ang mga mata ko lalo na noong tinulak na ni Auntie Tamara si Renato palabas ng apartment. He looked like a huge beast being pushed by a small fairy out of our apartment.

Wala akong imik pero gulong-gulo na ako. I think I remember now where I first saw him! Siya ang hepe ng police station noon!

Nang huminga ng malalim si Auntie Tamara at sinarado na ang pintuan ay pinagtaasan ko siya ng kilay. Now she is pretending to be busy with some laundry while changing the topic.

“Kumusta? Ayos ka lang? Anong nangyari?”

Tinuro ko ang pintuan. My attention was completely diverted.

“Sino ‘yon?” tanong ko.
Umirap siya. “Si Renato? Anyway, ano?”

Humalukipkip siya at hinarap ako, naghihintay ng isasagot sa mga tanong. Marahan akong pumikit.

“Hepe iyon ng police station noon, ‘di ba? Anong nangyari, Auntie? May kaso ka?” panunuya iyon dahil alam kong hindi iyon narito para arestuhin siya. He’s not even in his uniform.
“Wala. Kalimutan mo na ‘yon, Ace.” Ngayon medyo iritado na ang boses ni Auntie kaya hindi na ako nakialam. “Tell me what happened. I’m worried!”

Ngayon ay umahon pabalik sa akin ang katotohanang hindi ko pwedeng kalimutan na ibinenta ako ni Auntie kay Zamiel. I should be angry with her pero tingin ko ay ugali ko na talagang hindi mapagtanim ng galit kaya mabilis kong mapalagpas.

“Ayos lang ako,” sabi ko.
“Hindi na ako bumalik sa Club ulit. I gave Ma’am Sonja her part pero hindi ko sinabi sa kanya kung magkano ang tunay na binayad ni Mr. Mercadejas-”
“Ayokong pag-usapan ang pera, Auntie. Ayaw kong tumanggap ng kahit piso galing sa bayad na iyon.”

Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Auntie. Huminga siya ng malalim.

“I’m sorry, Ace. Alam kong galit ka parin sa akin pero ang kapakanan mo lang ang inisip ko. Ayaw kong maging pareho sa tatay mo na namatay ng walang iniwang kahit anong yaman para sa’yo.”
Umiling ako. “Hindi na ako bata. Kaya kong buhayin ang sarili ko. Wala kamang iwan, hindi ako magugutom.”
“I’m really sorry. I guess I was just selfish.”

Pumasok na ako sa loob at tinanggal na ang sandals. Parang nabunutan ako ng tinik nang nagrelax na sa upuan.

“Alam kong labas na tayo sa Club pero gusto kong malaman kung naging maayos ba ang lahat talaga? Wala bang nilabag ang kliyente sa kontrata?”

What the heck? Oo nga pala. Tumikhim ako at nag-iwas lamang ng tingin.

“It doesn’t matter now. Ayaw kong magkaroon pa ako ng kung anong koneksyon sa kliyente, Auntie kaya huwag na nating habulin. I guess the thirty million he gave you is enough for all your debts and plans? Huwag na nating habulin pa para sa ibang damages-”
“Bakit? Anong ginawa niya? May nilabag ba?” si Auntie na ngayon ay puno na ng kuryusidad.
“Ayaw ko na ngang habulin, Auntie. Malaki na ang halaga na nakuha mo. Huwag na tayong humiling pa ng higit-”
“Hindi ang danyos ang gusto, Ace. Maniwala ka’t sa hindi, ang gusto kong malaman ay kung hinawakan ka ba niya ng hindi mo pinapahintulutan?”

Nagkatinginan kami ni Auntie. It seems like she realize or she read the answer on my eyes.

“Well, hinalikan?”
Umirap ako at umiling.
“Ginalaw!?” nagtaas ang boses niya.
“Hindi, Auntie. Let’s just forget about it-”
“Ang ipinagtataka ko, Ace, ay kung bakit ganoon kalaking halaga ang kayang igastos sa’yo ng lalaking iyon para lang sa ilang araw. Perhaps, you know this person? Mr. Mercadejas? Zarrick Amiel Mercadejas?”

Pakiramdam ko ay walang silbi kung ililihim ko pa kay Auntie ang tungkol kay Zamiel. Besides, kung malaman niya, maiintindihan niya ang pinaghuhugutan ko, matutulungan niya pa akong umiwas kay Zamiel.

“He’s Daniella’s fiancee.”

Pakiramdam ko ay nayanig ang buong mundo ni Auntie sa sinabi ko. Paulit-ulit siyang humingi ng tawad. Paulit-ulit niyang sinabi sa akin na nagsisisi siya sa ginawa niya pero alam kong wala na ring magagawa iyon.

“Ace! Bakit hindi mo sinabi agad?! E ‘di sana nagawan ko ng paraan-”
“Paano mo magagawan ng paraan, Auntie? Ni TV, hindi natin kayang bilhin. Bayaran pa kaya ang nagastos mo na sa pera niya? That’s near to impossible!”

Malungkot niya akong tinabihan. She looks so upset but to me now, wala na talaga siyang magagawa. Kung meron man ay ang tulungan na lang akong iwasan si Zamiel.

“Pero bakit? Para saan?”
“Ewan ko? Revenge? Ipamukha sa akin na kaya niya akong bilhin?”
“Ano?!”
“Na bayaran akong babae at wala akong ipagmamalaki.”
“Astherielle! Thirty million for just that? He can throw thousands on your face to prove a point, hindi ang itanan ka ng ilang araw sa isang isla for that amount!”
“Hindi ko alam, Auntie. Ayaw ko nang isipin pa. Basta ayaw ko naring makita ang lalaking iyon, so please, if he ever contacts you again and offer you more, huwag mo nang tanggapin.”
“Ace, kung alam ko lang na siya iyon, noong una pa lang, hindi ko na tinanggap.”

Kahit anong paulit-ulit naming pagtatalo ni Auntie Tamara tungkol doon ay wala na siyang magagawa. She can’t get over of that fact na kahit noong nagtanghalian na kami, iyon parin ang aming pinag-usapan. Ni hindi siya nagsiesta para mapag-usapan ulit namin iyon.

Gabi nang sinundo ako ni Caleb sa apartment para sa aming contract signing. Sa isang malapit na restaurant kami pumunta kaya nagbihis na rin ako ng magandang damit kahit paano. I’m relieved to not have to wear Auntie Tamara’s choice of clothes. Speaking of, kailangan ko rin siyang kausapin tungkol diyan. How dare she lets me wear those crap!

“I’m really sorry for the short notice, Ace,” si Caleb habang sinasalinan kami ng wine.

In grey suit and properly groomed hair, Caleb Samaniego is a scene stealer in that restaurant. Kaya naman nag-ayos talaga ako para hindi naman ako kahiya-hiyang kasama.

“No problem! Ako nga dapat ang humingi ng dispensa. Isa pa, nag-abala ka pa talaga na dalhin ako rito gayong may pupuntahan ka naman…”

Ang sabi niya kasi sa akin, pupuslit lang siya saglit dahil may party siyang pupuntahan. Kaya nahiya tuloy ako. Sinabi ko namang pwede nang ‘di kami kumain sa labas but he insisted.

“Actually, speaking of that, how are you related do Daniella Zaldua?”

I froze right after I heard her name. Tumawa si Caleb, oblivious sa naging reaksyon ko. Bumawi agad ako.

“I mean, I know maraming Zaldua but I’m just wondering if you know her?”
“Bakit?” agap ko.
“She’s actually hosting the party I’m in right now. Karibal namin sa negosyo pero kahit paano ay nasa iisang circle lang kami kaya imbitado parin ako. You know, her engagement with her long time boyfriend… But I’m sure if you’re related to Daniella, you’ll be invited, right?”

I am at lost for words habang dinidinig siyang dire-diretso ang sinabi. Nagpasalamat pa si Caleb sa waiter nang dumating ang pagkain. Hindi niya namalayan ang pagkakagulantang ko sa mga sinabi niya.

Nang tumitig na siya sa akin ay uminom na lamang ako ng wine para makalmante.

“Have you heard of them? I mean Daniella Zaldua?”
Nanliit ang mga mata ko at marahang tumango. I’m still hesitant if I should tell him about my relationship with her.
“One of the reasons why Amer approved the mass hiring is this. The merging of their firm and Zamiel Mercadejas’ company is a threat to us.”

Alam ko na kung kanino maeengage si Daniella pero kinailangan ko paring kumpirmahin.

“Zamiel Mercadejas?”
“Yes,” litong sagot ni Caleb. “Siya ang boyfriend ni Daniella Zaldua. Malapit na ata silang magpakasal. Based on rumors, Zamiel is still trying to convince some of our important personnel to join him. Pati nga yata mga may potensyal na applicant. Bakit? Nakilala mo ba iyon o pinadalhan ka ba ng sulat na nagsasabing lumipat sa kompanya nila?”

What the hell?

Is this why he’s trying to convince me to join him? Para matulungan ko ang kompanya niya? Gagamitin niya ang mga disenyo ko para sa kompanya niya? At para rin malaman ko na sila nga ni Daniella at ako’y bayaran lang?

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.