What Lies Beneath The Sand – Kabanata 23

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath The Sand – Kabanata 23

Kabanata 23
Lifetime

Kumain kami sa lamesang naroon habang mabilis na tumatakbo ang yate sa gitna ng karagatan. We have grilled fish and tinola for early lunch. Nasa loob naman cabin ang tatlong crew na kasama at ang dalawang bodyguard ay nasa harap ng yate, nag-eenjoy din sa tanawin.

Marahas na hinihipan ng hangin ang aking buhok habang kumakain kami kaya itinali ko iyong maluwag sa dulo ng aking buhok para hindi na lumipad.

I’m wearing a black floral spaghetti-string dress and another bikini inside. Narealize kong hindi ko masyadong gusto ang mga ipinadalang underwear ni Auntie Tamara sa akin. Kung alam ko lang na magkakaganito ay ako na mismo ang nag-impake para sa sarili ko.

“You’re still planning to go for a swim?” tanong ni Zamiel sa kalagitnaan ng pagkain namin.

Napatingin tuloy ako sa aking damit. The deep v neck of the spaghetti dress revealed a bit of what I’m wearing inside. Well, hindi niya mapupuna iyon kung ‘di niya tititigan ng mabuti. Kumunot ang noo ko nang natantong tumititig at pinag-iisipan ni Zamiel ang parteng iyan sa akin.

“No. I… I’m just short of underwear,” sabi ko.
Tumango siya at uminom ng tubig. “I don’t want you to swim on deep waters like that.”
“Marunong na akong lumangoy.”
“Even so…” agap niya. “May beach sa rest house ko, it will all be for us, no other people, and it’s safer. Doon na lang tayo maligo, kung gusto mo.”

Sumang-ayon naman ako. Sa bagay, nakakatakot nga ang lumangoy sa sobrang lalim. But then we all feed from our own fears. We like the thrill of it. O ako lang. At ibang tao.

“What are you going to do for the remaining hours of travel?” he asked curiosly.

Nilingon ko ang kalakhan ng sofa malapit sa barandilya. Wala akong ibang maisip kundi umupo at mag-enjoy sa tanawin doon. Ayaw kong matulog sa loob ng kwarto. It’s not everyday that I’m able to ride a yacht so lulubusin ko na.

Itinuro ko kay Zamiel ang sofa. Tumango ito, naintindihan agad ang gusto kong iparating. So for the remaining hours of the travel time, we spent it on that sofa. Nakaidlip din ako sa sobrang hangin at relaxing sa pakiramdam.

I sensed our arrival when the engine of the yacht slowly changed its gear. Pagkagising ko ay nagulat ako’t nasa loob na ako ng kwarto. Siguro ay dinala ako ni Zamiel rito nang nakatulugan ko ang tanawin.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko ang dami ng mga barko at lantsa sa labas. Mukhang nasa port kami ngunit hindi pa humihinto ang yate. In fact, it is acquiring speed again.

“We’ll be there in fifteen minutes,” si Zamiel nang nakita ang paglabas ko.

Kinusot ko ang mga mata ko at tumango na. Bumalik ako sa kwarto para mag-ayos at magligpit na rin ng mga gamit para hindi na ako magmadali mamaya.

And after a few minutes, we are there. Inilipat ang aming mga gamit sa isang mas maliit na bangka. Ganoon din kami ni Zamiel dahil hindi makakadaong ang yate sa beach.

Nang nagsimula nang umandar ang bangka ay iginala ko na ang mga mata ko sa hitik na tanawin ng bayang iyon. The beach feels so nostalgic. Like Sta. Ana, like Costa Leona, but I know this is different. The shores are dotted with huge rocks and limestones. The color of the sea looks regal from the boat. Palapit kami sa shore ay mas lalong tumitingkad ang kulay at nang unti-unting dumaong ang bangka ay naaninag ko kaagad ang maputing pebbled sand nito.

Naunang bumaba si Zamiel. Naglahad agad siya ng kamay sa akin. Tinanggap ko iyon at mas inabala ang sarili sa tanawin.

Isang bahay ang nakatayo sa hindi kalayuan. Natatangi iyon dahil sa paligid ay wala akong nakitang ni isa.

“Let’s go,” si Zamiel na ginambala ang isipan ko.

Tumango ako at sumama na sa kanya. Hinatid ng crew ang aming mga gamit sa paanan ng resthouse pero agaran ding umalis ang mga iyon, hindi ko alam kung saan ang punta.

Binuksan ni Zamiel ang pintuan. Hindi ko alam kung bago ba iyon o luma. I just know that its interiors and the furniture are all new looking. Hindi rin ito sobrang laki gaya ng mansyon nila sa Costa Leona pero tama lang ang dalawang palabag bilang resthouse ng isang taong maraming ari-arian gaya ni Zamiel.

“Wala bang nakatira rito?” tanong ko sa pagtataka.
“May caretaker ako pero hindi siya rito nakatira.”

Veranda ang nakapaligid sa buong unang palapag ng bahay. Sa labas naman ay purong kagubatan at maliit na bakuran. Pumasok si Zamiel sa bahay upang ipasok na ang aming mga gamit samantalang sinuyod ko naman ang buong terasa.

There’s a stable with two horses. Isang kulay brown at isang puti. Naalala ko tuloy si Alegro, ang kabayo ni Zamiel sa Costa Leona. I wonder if he’s still alive? Or he’s still in Costa Leona?

Inubos ko ang oras ko sa pagmamasid sa tanawin. Lahat yata ng sulok ay nakakalibang. Sa harap, kita ang naglalakihang bato at mangasul-ngasul na dagat. Sa magkabilang gilid ay kagubatan naman at sa likod ay ang bakuran, mga kabayo, maliit na gate, at mga bulaklak.

Pakiramdam ko nasa ibang mundo ako. Pakiramdam ko, hindi ako sa buhay na ito nakatira at napunta ako sa dimensyon kung saan kaming dalawa lang ni Zamiel.

Nilingon ko ang mga muwebles at napansin ang iba’t-ibang disenyo ng mga upuan sa veranda. The loungers are made of plastic or fiber. Ngunit nang lapitan ko ang isang may kakaibang disenyo na upuan ay nakita kong gawa ito sa kahoy. Pinasadahan ko ng mga daliri ang kumpol ng maliliit at silindrong kahoy na siyang kabuuan ng silya o sofa na narito. Puti ang kutson at kakulay ng kahoy naman ang ibang parte.

I tilted my head to analyze what the design is all about. To me, it looks like a peanut. Pero tatlo ang alon nito. I tilted my head more and realized that it looks like a wave. Its curl and swirl is relaxing like the waves in front of the rest house.

Lumipat ang mata ko sa sunod na mga upuan at natantong iba at magulo rin ang disenyo ng mga ito. Kailangan ng masinsinang pag-iisip.

“You know how to woodwork, right?” boses ni Zamiel ang nasa likod ko.

Nilingon ko agad siya at binalewala ang tanong. Itinuro ko ang magandang silya na nakita ko.

“It’s nice. Alon ba ito?” tanong ko.
He smirked and nodded. “We export these furniture-”
“You make furniture?” gulantang kong tanong. Ngayon ko lang natanto ang job offer niya.
“Yes. It’s just actually accidental,” aniya sabay upo roon sa along sofa.

Malaki ang sofa ngunit nang naupo siya ay lumiit ito. His huge frame is intimidating. Kalebel ng paningin niya ang tiyan ko ngayon. I saw his eyes glance my chest before settling on my eyes.

“May lupain ang Mama rito kaya pinalaki namin ni Kajik at naisipan kong magtayo ng rotomoulding company.”

Kumunot ang noo ko.

“So we supply the big companies and the government with any plastic products, from large storage tanks to boats and more. Kalaunan, gumawa ng sun loungers, at iba pang kaya ng rotomoulding hanggang sa napadpad sa furniture. We export more of our products now.”

Sinipat niya ako. A playful smile is on his lips. Mukhang satisfied siya na nakikita akong namamangha sa mga sinasabi niya.

“Hindi kalayuan ang planta rito. We’ll go there when we have time and if you want to see,” he said cockily.

Hindi ako nakapagsalita. Tiningnan ko pa ang iilang silya at lamesa na naroon at natantong high end nga lahat ng ito. The designs were well thought and everything is intricately made. Walang wala ang mga gawa namin dito. This is highly advanced.

Naisip ko ang mga disenyong nagawa ko noon. Minsan ay hindi ko kayang itranslate ang disenyo sa papel o sa digital sa makatotohanan. Maybe because we have limited woodworking materials! Tapos ngayon, malalaman ko na kayang gawin ang mga ganito kahirap na disenyo?

Wala sa sarili kong hinaplos ang gitna ng isang lamesang may mga paang geometric figures. This is really export material. Not that the country shouldn’t have these but this is definitely for five star hotels and the likes.

Napatalon ako nang naramdaman ang init ng kamay ni Zamiel na marahang humawak sa aking palad. He pulled me back to him. Nang napaatras ako sa kanya ay hinila niya naman ako paupo sa sofa na inuupuan niya.

“Leave that company. I can give you a better position in mine if you want,” he whispered slowly.
Umiling ako. “Nakilala ko ang CEO nila. He’s kind and I don’t want to fail him. Ayos na ako roon. Besides, these are export qualities. I’m new to this field. Kailangan ko ng experience. Hindi pwedeng malalaking proyekto agad ang kaharap ko.”

Tumayo ako at bumitiw sa kanya. Lumapit ako sa pintuan papasok ng bahay at palihim siyang nilingon.

Mariin ang pikit ng kanyang mga mata at umiigting ang panga habang nakayuko na tila ba nabigo sa kung ano. Ayaw ko mang mangiti ay hindi ko kaya. The smirk escaped on my lips. Pumasok ako para hindi niya ako naabutang nakaganoon.

“Zamiel? Saan ang kwarto ko?” tanong ko sabay tingala sa isang wooden stairs paakyat.

Paniguradong nasa taas ang mga kwarta. Sa tamang lawak nito, hindi ako naniniwala na isa lang ang kwarto sa itaas! It mus be at least three! Or say, two?

“Hindi pa tapos ang ibang guestroom. Ang kwarto ko pa lang ang magagamit,” sabi niya galing sa labas.

Umirap ako. I knew it. Sa paraan niya pa lang noong nasa hotel kami? Walang pera? Pero kaya magbayad ng danyos?

Namamangha pa ako sa mga muwebles nang pumasok si Zamiel at nagpasya akong tumulak na sa kusina. Alam ko namang wala akong takas sa kanya pero hindi ko rin alam kung bakit nababalisa ako pag nariyan siya kaya pinipilit ng katawan kong tumakas.

“Anong kakainin natin mamayang hapunan?” tanong ko sabay bukas sa ref na puno naman ng mga produkto. Mukhang may tagalinis at bantay nga siya rito, ah?
“What do you want?” he asked, nasa likod ko kaagad. “I can cook.”

Magpipresenta sana akong magluto pero mas maganda nga namang siya na ang magluto. Baka kapag ako ang magluto, umaligid pa siya rito sa kusina.

“Kahit ano.”
“You want seafood?” tanong niya at nagsimula nang kumuha ng mga kakailanganin sa ilan pang kabinet.

He looks damn enthusiastic. Nasabi niya sa akin noon na marunong niyang magluto pero hindi ko inakala na marami siyang alam. Para sa isang lalaki na namuhay na nakahiga sa salapi, napaka responsable naman ng mga magulang niya para ituro rin ang pagluluto. Well, maybe he’s living alone in Manila and that’s one basic survival skill. More important than swimming.

“Kahit ano,” sabi ko at umambang lalabas ng kusina.
“Where are you going?” now he sounds offended.

Why? Did he expect me to hang around him? To sit on the nook and watch him cook?

“Sa labas lang. Magpapahangin. Ikaw naman ang magluluto, ‘di ba?” sabi ko.

Tumango siya pero ang mga mata’y misteryoso at mukhang maraming iniisip. I think he even looks pleading but maybe I’m making it all up, huh.

Lumabas na ako at naglakad-lakad na. Hindi gaanong mahaba ang beach dahil sa naglalakihang limestone na nakapaligid. The cove is just approximately a kilometer wide. Wala akong nakikitang ibang bahay bukod sa resthouse ni Zamiel. Puro kagubatan lang ang palibot dito. Ganito rin ang Costa Leona noon pero mas mahaba nga lang ang beach doon.

Naupo ako sa buhanginan at naisip kung madalas ba si Zamiel dito. I heard from those girls that he went abroad. At kapag umuuwi ba siya rito, may kasama kaya siyang babae? Perhaps, Daniella? My heart hurt at the thought.

I’m like the whore in the picture. Iyong binibenta sa isang lalaki bago ito ikasal. Preparing him for the forever marriage is offering. Umiling ako at naalala ang mga sinabi ni Zamiel sa akin sa yate.

The yacht is nowhere to be found. Siguro ay nasa port iyon at maghihintay lang sa magiging senyas ni Zamiel bago bumalik dito.

Huminga ako ng malalim. Baka nga last adventure na ito ni Zamiel. Baka hindi pa sila kasal ni Daniella. Baka pinahiram lang ni Daniella ang oras bago sila ikasal. To finally try me after all the years. At sa huli, babalik si Zamiel sa kanya.

How nice, right? And fucked up.

Ilang sandali akong nanatili roon hanggang sa muling paglubog ng araw. Nagiging kahel na ang langit at nagsisimula na ang pagbaba ng araw. Wala sa sarili kong hinaplos ang buhangin sa gilid. May mga puting bato itong kasama. May naalala agad ako. The treasures I buried along with my stubborn heart one afternoon in the shores of Costa Leona.

Nasaan na kaya iyon? Nabulok na? Wala na ‘yon. Hindi na mahahanap. Kaya tama lang na kalimutan na rin ang lahat.

“I’m done,” Zamiel made me almost scream sa biglaan niyang sinabi.

Lilingunin ko na sana siya pero naupo na agad siya sa likod ko, slightly impairing me of my personal space. Kumalabog ang puso ko lalo na nang hawakan niya ang aking kamay. Tumayo ako at nag-isip agad ng palusot.

“Kakain na ako, kung ganoon!” deklara ko.

Matalim ang titig niya sa akin. His dangerous eyes are like daggers aiming for bull’s eye.

My eyes widened a fraction at his viciousness. Napigil sa lalamunan ko ang paghinga nang pilit niya akong hinila para lang bumagsak sa kanyang kandungan.

“You’re avoiding me,” he said coldly when he finally realized what I’m doing.
“Hindi, Zamiel. Inisip ko lang na dapat na tayong kumain,” palusot ko nang ‘di siya tinitingnan.
“Magsasabay tayo mamaya. I’m pretty sure the food can wait,” wika niya.

Bago pa ako makapagsalita ay pinagsalikop niya na ang mga daliri naming dalawa. He bent his knees to jail my body in between him. At ang kanyang mga braso ay kinukulong na rin ang aking magkabilang balikat.

Napayuko ako ng konti nang idiniin niya ang dibdib sa aking likod at ipinilit niya ang malaking sarili sa aking leeg. I remember leaning on him everytime we’re in this position years ago pero ngayon, hindi ko magawa. Alsa ko ang katawan ko at hindi ako naging komportable sa presensya niya. It’s just so different.

Ilang sandali ang lumipas na puro paghinga lang namin ang naririnig. Nahihirapan akong mag-adjust sa ginagawa niya sa akin. Nag-aaway pa kami kagabi at ngayon ay ganito na siya.

“You did not pursue architecture because the school is far, right?” biglaan niyang sinabi.

Nanliit ang mga mata ko habang sinasalubong ang liwanag ng pababang haring araw.

“Yup. Mahal din,” sagot ko.

He sighed heavily. Ngumuso ako at sinulyapan ang hati ng mukha niyang nakikita ko sa posisyong ito.
“Pero gusto mo ba ang natapos mo?”
“It’s fine. Nagustuhan ko rin. Natutunan ko ring mahalin,” sabi ko.
“No plans of pursuing the course you want?”
Natawa ako. “I have no time and money for that…”

Nakalimutan kong pwede nga pala dahil may pera na akong bigay niya, hindi ba?

“You can still go to school. Bata ka pa…” may kakaibang tono akong narinig sa huling sinabi niya.
“Pwede rin pero ayos na ako sa kurso ko ngayon. Makakapagtrabaho naman ako at gusto ko rin ang paggawa ng furniture. That’s life. You can never really get what you want everytime. And it applies to everything… sa kurso, sa trabaho, sa mga taong gusto mo, sa lahat.”
“Bullshit,” he whispered.

Umangat ang gilid ng labi ko at nilingon ko siya.

“Kumusta na nga pala si Kajik? Si Peter?”

He sighed heavily again like it’s such a pain or something. Kumunot ang noo ko at nilingon siya nang hindi niya ako sinagot.

“What?” tanong ko.
“You are more interested with my brother and that motherfucker than me, huh?”

Hindi ko na napigilan ang pagtawa. Same old fucking Zamiel Mercadejas! I could never get tired of his frigging attitude!

“I’m just curious! Binanggit mo si Kajik kanina kaya napaisip tuloy ako.”
“Kasal na si Peter,” ani Zamiel.
“Oh! Good for him.”
“Kasal na si Kajik,” ani Zamiel.
Kumunot ang noo ko at nilingon si Zamiel. He’s kidding, right?
“Why are you upset?”
“I’m not upset! I think you’re bluffing!”

Umikot ang mata niya at kitang-kita na ang iritasyon. Oh the temper. No wonder pakiramdam ko mukha siyang nananakit. With the massive body and that hot temper, I think this is why I find him vicious and ruthless.

“I’m still single,” biglaan niyang sinabi.

Hindi ako makapaniwala. Natawa ako at napailing sa bigla niyang pagbabago ng topic. He really wants me to talk about him. Ayaw ko siyang pag-usapan! Baka kung ano lang ang malaman ko pero dahil mapilit siya…

“Bakit? Kailan kayo ikakasal ni Daniella? That’s long over due, Zamiel.”
“I’m not marrying her.”
Ngumiwi ako. “I thought you wanted a family at an early age? Bakit ‘di kayo nagpakasal?”

Normal lang ang tono ko pero parang nagkapakpak ang puso ko sa tanong na iyon. Hindi ko alam kung bakit.

“My supposed wife is a fucking minor,” laban niya sa tanong na iyon.

Kumalabog ang puso ko. Gustuhin ko mang magalit ay nangingiti ako. Pilit kong nilalagyan ng gitla ang noo ko para lang maipakitang na offend ako.

“Daniella isn’t. Zamiel-”
Pinutol niya ako. “You know how much it fucking hurt the moment I realized a child made me fucking horny?”

My jaw dropped open. Pumikit ako ng mariin at tinabunan ko ang bibig na ngayon ay hindi mapigilan ang pagkakamangha. The vulgarity of this man! Shit!

Sa huli ay nilipat ko ang mga palad sa aking tainga para mapigilan ang pakikinig sa mga sinasabi niyang puro kabastusan lang.

“It’s disgusting!” he removed my hands on my ears.

Pilit kong binalik pero mariin na ang hawak niya sa akin ngayon. Nilingon ko siya at nakitang nakangising-aso na at nakataas ang isang kilay. He’s enjoying every bit of my reaction!

“I was in denial for years!” he declared.

Hindi na ako nagsalita. Baka kung magtanong pa ako, kung ano pa ang masabi niya ulit.

Naisip ko tuloy, pareho kaming nasaktan na dalawa. In fact, sa aming dalawa, siya ang pinakanasaktan. Kaya lang, bukod sa sakit sa pusong natamo ko para sa kanya, naghirap din ako financially. I was betrayed and I felt hopeless.

Marami akong pinagdaanan at mas hindi ko siya inisip kumpara sa ibang problema ko. Ang tanging naging problema niya ay ang panloloko ko. I suddenly wonder if he’s thought about that every passing day at least that year?

“I’m not a child now,” sabi ko ng wala sa sarili.

He did not respond. Imbes ay mas pinagsalikop niyang muli ang aming mga daliri. His thumb brushed the back of my thumb and his knees squeezed me tighter in between him.

“Yeah,” he said painfully.
“Is that why you hired me?”
“No.”

Kumunot ang noo ko. Naglalakbay na naman ang isipan ko.

“Then why did you have to hire me?” Kabado ako sa tanong kong iyon.
“Just furious,” he whispered.
“Furious?”
“I thought you escorted that son of a bitch. Hindi ko rin gusto na nagtatrabaho ka sa club.”
“Caleb Samaniego is going to be one of my bosses. Stop calling him that!”
“Bakit ayaw mong ako ang maging boss mo?”

Natawa ulit ako sa sinabi niya.

“I’ll give you so many benefits,” now that sounds so maliscious to me.
“No, thanks!”
“You would rather work for someone else than me?” he sounds so offended.

Pinagpalit ko ang mga magkahawak naming kamay. Naka ekis na ang mga kamay ko para mahawakan ang pares na kamay nito na kay Zamiel. I bent my knees and he squeezed them together gamit ang kanyang mga binti.

Sana sa susunod na buhay, pantay kami ni Zamiel. Sana pareho ng estado, pareho ng kakayahan, at walang hadlang. If someone could assure me that, I’d definitely pray to grow up faster until I’m done with this lifetime so the next would start.

“Yeah…” sabi ko.

Suminghap siya at natahimik ulit ng ilang sandali.

“You hate me,” bulong iyon.

Tumango ako. May kurot sa aking dibdib kaya hindi ko nasabi ng husto. Ayaw kong manginig ang boses ko. Ayaw kong maiyak.

“Did you lie to me years ago? About everything?”

Shit. Tinanong niya na ‘to sa akin, hindi ba? Bakit itatanong niya ulit?

“Nasagot ko na ‘yan noon.”
“Answer it again. I want to hear it again.”

Shit. Naiiyak ako kaya hindi ko masagot-sagot.

“Hindi mo ba ako nagustuhan? Kasinungalingan ba ang mga pag-aalala mo? Gaya ng pangalan mo?”

Ngumuso ako at suminghap para makaipon ng lakas na sumagot. Tinitingnan niya na ako, tinatantya kaya wala na akong panahong magpakita ng kahinaan.

“No lying, this time,” he said dangerously.

Binitiwan niya ang kaliwang kamay ko at dumapo ang palad niya sa aking dibdib, sa taas lang ng pribadong bahagi. He inserted it inside my clothes.

“Zamiel!” saway ko sa gulat.
“Did you like me? Did you fall for me?” he asked seriously.

Ganito rin ang ginawa niya sa akin isang gabi sa Costa Leona. He inserted his hand in my shirt. Dinama niya ang aking dibdib.

Umiling ako. “Hindi kita gusto, Zamiel,” sabi ko. “You’re arrogant, hot-tempered, crude, and ruthless.”

I’m in full confidence of what I just said. Totoo ‘yon. Hindi ko siya gusto dahil sa mga nasabing dahilan. Pero…

Bagaya kong nilingon ang mukha niya. Naggagalawan ang muscles sa kanyang mukha, nagpipigil ng galit.

“Give it up. Maybe in the next lifetime, I’ll like you. Baka pwede tayo roon-”
“Shush!” mariin niyang agap. “You are mine in this lifetime and the next. Do you understand?”

Punong-puno ng banta ang kanyang tinig. Bumilis ang tibok ng puso ko. Uminit agad ang aking pisngi at alam kong nararamdaman niya ang tambol sa aking dibdib. He removed his hand on my chest. Hinagilap niya ang aking baba at marahang iginiya patungo sa kanyang mukha.

Isang halik ang giniwad niya sa akin. Sinundan agad ng dalawa pa. Tumigil siya at namumungay na tumitig sa akin. Kung kanina’y parang tambol ang puso ko, ngayon parang may karera na sa sobrang bilis at lakas nito.

“Part your lips,” he whispered and a memory flashed.

Unconsciously, sinunod ko ang sinabi niya. A smile flashed on his lips before he finally claimed mine. Para akong lalagnatin sa diin ng halik niya. Ikinakahiya ko rin ang pagtugon sa utos niya gayong kasasabi ko lang na hindi ko siya gusto.

“You will fall, fall crazily in love with me in this lifetime and the next, Astherielle” he whispered after a hot kiss.

Nakaawang pa ang labi ko at unti-unti kong dinilat ang inaantok na mga mata.

“You’re gonna pay hard for all your lies. I promise you that.”

Kinagat ko ang labi ko. Dapat ba akong matakot sa pangakong ‘yan?

Nanatili kami roon sa dalampasigan hanggang sa unti-unting nanalo ang dilim. Silently, we walked back to the resthouse. Umilaw na ang mga ilaw sa labas at sa loob din doon.

Naririnig ang gangis kahit sa loob ng bahay. Naisip ko tuloy kung hindi ba delikado rito gayong mukhang wala siyang kapitbahay. Panay ang tingin ko sa madilim na bahagi sa labas habang siya naman ay abala sa paglalagay ng pagkain sa aking pinggan.

“Tama na. Busog na ako,” sabi ko nang napansin.
“You’re not eating enough!” aniya.

Umirap ako at iniba na lamang ang topic.

“May mga kapitbahay ka ba?” tanong ko.
“Malayo pa. Bakit?”
“Hindi ba delikado rito? Mag-isa ‘tong resthouse mo?”
“There’s our factory guard near the gate. At ang tapat nito ay ang factory na rin namin.”
“Are we going there tomorrow?” tanong ko na biglang naalala ang naggagandahang furniture sa bahay na ito.

Ano kayang itsura ng pagawaan? Sigurado akong mas malaki at mas maganda pa iyon kesa sa pagawaan namin sa Sta. Ana!

“If you want to,” sabi niya habang naninimbang sa reaksyon ko.
“Paniguradong mas malaki iyon kesa doon sa Sta. Ana! Medyo matagal na nang huli akong nakagawa pero naaalala ko pa naman ang mga itinuro ni Judson sa akin,” excited kong sinabi.
“Judson?”
“Uh, isang kaibigan na taga Sta. Ana, rin. Siya ang nagturo sa akin magwoodwork.”

Tumuwid sa pagkakaupo si Zamiel at hindi na tumingin sa akin. He sipped on his glass of water.

“Babae?” he asked in a ridiculous tone.
“Does it sound like a girl?” Tumaas ang kilay ko.
“I was hoping it’s a girl!” giit niya.
“Why? You’ll hire him if he’s a girl?” iritado kong balik.

Natigilan siya. Nanliit ang mga mata niya. Huli ko na natanto kung bakit. Tumuwid ako sa pagkakaupo at sumubo na lang ulit ng pagkain.

Shit, Ace! Stop the banters! You are digging your own grave!

“Magaling si Jud sa woodwork. Ilang taon niya akong naging apprentice sa Sta. Ana,” bawi ko dahilan ng pagbabalik sa iritasyon sa kanyang mukha.

Nagpatuloy siya sa pagkain nang ‘di ako pinapansin.

“You should hire him! Wala nga lang degree but you know minsan ang mga magagaling ay iyong mga walang degree…” patuloy ko.

Umigting ang panga niya at binaba na ang mga kubyertos.

“You should give it a try!”
Tumango siya at bumuntong-hininga. “I’ll see if there’s a position-”
“Iyong sa Manila para masaya!” sabi ko.
“We’ll hire him once you assume the position of my company’s vice president!”

Nagulat ako sa sinabi niya. Ilang sandali pa akong natigil habang siya’y nagpupunas na ng kamay at umiinom na ng tubig. Like what he said is a mic drop to the topic.

“And how will that happen?” naguguluhan kong tanong pero mabilis din akong nagsisi.

I know how will that happen, Ace.

“You marry the President,” Zamiel smiled devilishly.

Tumikhim ako at nagpatuloy na lamang sa pagkain. His eyes bore into me like daggers. And do you know who the President of his company is? Obviously.

Uminom ako ng tubig at tumayo na para magligpit ng pinggan. Hindi ko na siya nilingon kahit pa sumunod ang titig niya sa akin. Tumayo rin siya at ginaya na ang ginawa ko.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.