What Lies Beneath The Sand – Kabanata 22

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath The Sand – Kabanata 22

Kabanata 22
Whore

That night, akala ko makakatulog ako ng maayos. Pero dilat na dilat ako habang umiinom si Zamiel na tanaw ang kabuuan ng kalakhang Maynila.

I heard him answer some phone calls. Some business, and some were personal. A call that caught my attention is when he sighed slightly for it.

“Daniella,” he whispered.

Nilingon niya ako at naagapan ko ang pagkakabuking niya sa tunay kong estado. He thinks I’m asleep. Ganunpaman, wala siyang tiwala kaya pinili niyang lumabas ng suite para sagutin ang tawag.

Unti-unti akong dumilat. Sa lahat ng mga insultong natamo ko sa kanya sa gabing iyon, para akong batong hindi natatablan. Nasasaktan man pero nakakabawi rin. Naiiyak pero hindi umiyak.

But when I heard his crooning voice answer that call, para akong sinaksak ng paulit-ulit. I’ve been fine for years without him… forgetting him… forgetting everything. But from that moment, when I heard his voice answer that phone, parang sinampal sa akin ang mga pribado kong pinangarap noon.

I once wanted to be Daniella just so I could easily get my dreams and the man I love. I envy her life. I envy every bit of her. At ngayon, parang nagbabalik iyon. Ang kaibahan lang, nakapagtapos na ako at sobrang baba ng tingin ni Zamiel sa akin. Gaya noon, imposible ang lahat.

I was silent when we had our very early breakfast. Madaling araw pa nang pinaserve ni Zamiel sa suite ang pagkain. Tahimik ako na naligo at nagbihis para sa byahe. My eyes are bloodshot because of the unstoppable tears last night.

Hindi ko alam kung anong oras siyang bumalik sa suite para matulog o kung natulog ba siya pero nakatulugan ko na lang ang iyak ko at wala pa siya. Siguro ay natagalan ang usapan nila. The topic must be interesting. O baka naman ako ang topic nila? Do they want to seek revenge and this is their way of payback?

Para saan, Daniella? You wanted me to do that to him. I only obliged.

Panay ang tingin ni Zamiel sa akin habang wala sa sarili akong naglipit noong dress na sinuot ko. Maging nang kumain kami.

“We’re going to Romblon,” sabi niya sa gitna ng katahimikan.
Tumango at nagpatuloy sa pagkain.

Hindi na rin siya nagsalita. Nagpatuloy ang pagmamasid niya sa akin hanggang sa sumakay kami sa isang itim na SUV. We are escorted by three men and a driver. I bet those are his bodyguards.

Madilim pa nang tumulak kami pa-Batangas kaya natulog na lamang ako. I’m short of sleep and my eyes is sore from the crying.

“I’ll lay your seat back,” a whisper crooned me.

Dumilat ako at inangat ang ulo ko para hayaan siyang gawin iyon sa upuan namin. Bago ako pumikit ay nakita kong tumitig siya kahit madilim. Hinayaan kong hilahin na ako ng antok at hindi ko na inalintana ang pagmamasid niya.

Umaga na nang nagising ako ng marahan. The van is still moving but not at a fast pace gaya ng nakatulugan ko. And I’m on Zamiel’s shoulders. Gamit ang mga mata ko’y tinalunton ko ang dulo ng ugat sa kanyang braso at sa dulo ay nakita ko ang mga daliri naming nakapilipit. His thumb slightly brushing mine.

Mabilis kong kinalas iyon at mabilis din akong bumangon. He was startled because of my sudden movement. Umusod ako palayo sa kanya at palapit sa bintana ng van.

I’ve heard more hurtful words than the words he has told me. Pero kung ang pagbabayad na tinutukoy niya ay ang pananakit sa akin sa paraang iyon, magtatagumpay siya. No need to humiliate me. Just hurt me that way and I assure him he’ll laugh in the end.

“W-We’re here,” may pag-aalinlangan sa tono niya.

Napansin ko nga na nasa port kami. May mga lantsa at mga barko kung saan-saan pero pinapasok ang van sa ibang area noon.

“Are you hungry?” he asked even when he knows we did our breakfast before coming here.

Umiling lang ako. Binuksan na ang pintuan at linabas na ang mga gamit namin. The driver and the one on the front seat remained samantalang ang dalawa’y mukhang sasama sa kung saan kami pumunta.

Pagkalabas ay nakita ko agad ang isang puting yate. I remember their yacht years ago. I am not sure kung ito ba iyon o hindi. Mas malaki iyon sa naaalala ko pero hindi ko naman masabi dahil hindi ko iyon nakitang nakadaong ng ganito sa isang port.

“I have a rest house in Romblon. We’ll stay there,” imporma ni Zamiel.

Tumango ako at nagsimula ng maglakad. Napatingin ako sa dibdib kong bahagyang kita ang cleavage. I’m wearing a floral longsleeve jumpshorts. Longsleeves man, tinipid naman sa dibdib at sa shorts. And the sandals are new, siguro galing sa perang ibinigay ni Zamiel kay Auntie Tamara. It’s a brown stringed hanggang baba lang ng tuhod.

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri. Mamasa masa pa ito galing sa pagligo kaninang madaling araw. I blow dried it but not fully dahil nagmamadali na kami kanina.

Pagkaapak ko sa hagdanan ng yate ay nagulat ako nang hinawakan ni Zamiel ang kamay ko. Instead of creating another row with him, hindi ko na tinuloy. Binalewala ko iyon at hinayaan siyang alalayan ako pag-akyat doon. Mabilis ko ring kinalas nang nakaakyat na.

Napagala ang tingin ko sa wooden floor ng palapag na iyon. Sa gitna ay may lamesa at upuan at sa gilid naman ng barandilya ay may kulay gray na sofa. I’m not sure if this is their yacht years ago or they made changes?

“Napasok na namin ang mga bagahe ninyo sa kwarto, Sir.”

Tumango si Zamiel at narinig ko na ang pagsisimula ng pagmamaniubra sa yate.

“We’ll fush for lunch. Itigil ninyo mamaya para makakuha tayo ng isda,” utos niya.

Iniwan ko siya roon at nilapitan na ang barandilya. The yacht is slowly parting with the port. Pinanood ko ang bawat hampas ng alon at bawat paglayo naman ng yate.

“There’s a TV inside the suite. May jacuzzi rin. Anim hanggang pitong oras ang byahe patungo roon,” si Zamiel na agad na nasa gilid ko.

Hindi ko na siya sinagot. Natulala na lang ako sa unti-unting lumiliit na lugar sa harap namin. Malaki ang mga barko tingnan sa malapit pero kapag distansyang ganito ay tila kay liit. The greenish waters started to become blue and then torquoise… and so on.

“Are you okay?” Zamiel’s voice is laced with so much concern. I know it’s all fake.

Hinawakan niya ang baywang ko. Bumaba agad ang mga mata ko roon sa kamay niya. Binalingan ko siya at tinanguan ng marahan bago iniwan para tingnan ang kanang bahagi ng barandilya.

The cold morning wind is blowing hoarsely. Sa malayo ay kita ko ang mga secluded fishponds ng lalawigan. Funny how I’m here with him even after everything. Sadly, alam kong narito ako to satisfy his anger. I can’t wait for this to end.

Hindi ko alam kung ilang sandali akong nanatiling nakatitig sa karagatan. It reminded me so much of Sta. Ana. At hindi ko maiwasang isipin na noong nasa Sta. Ana naman ako, wala akong ibang maalala sa karagatan kundi ang dagat ng Costa Leona. And for years I have learned to love Sta. Ana more than Costa Leona. Maybe because Costa Leona has scarred my heart. Sta. Ana never hurt me no matter the storm and the rough seas.

Tumigil ang yate sa gitna ng karagatan. The torquoise waters is tempting me. Natuto akong lumangoy sa Sta. Ana sa tulong ni Auntie Tamara. I learned it the hard way. She was a ruthless teacher. Tinutulak ako sa parteng malalim, only relying on her swimming skills. Minsan ay sinubukan kong dayain siya at magkunwaring nalulunod na sa pagod kong matuto pero hindi siya naniniwala. She’d let me drown for real before finally saving me.

“We’ll fish for our early lunch. You want to try it?” si Zamiel.

Umiling lamang ako. Ilang saglit siyang nanatili sa likod ko bago tuluyang nawala para samahan ang iilang tauhan na siyang mangingisda rin para sa amin.

Bumaba ang tingin ko sa barandilyang kinatatayuan ko. Ito ang parte ng yate kung saan inaasahang aahon ang kung sino mang lalangoy roon. How timely it is to find it gayong naisipan kong lumangoy.

Pinilas ko ang cleavage ng aking damit. I’m wearing a bikini. For some reason, Auntie Tamara packed more bikinis than underwears kaya noong nalaman ko kung saan kami tutungo ngayon, bikini na lang ang pinangdamit-loob ko.

I unclasped the pins of my sandals, too. Agad nahulog ang strings at nakawala ang mga paa ko. Hinulog ko panghuli ang jumpshort bago tuluyang nagpakawala sa sarili sa dagat. Bago tuluyang bumagsak ay narinig ko ang isang sigaw. But it’s too late to decipher it when I’m already under the cold water.

I dived deeper and saw the peaceful reef below it. Sa mga ganitong tanawin ko lagi naappreciate ang ginawa sa akin ni Auntie Tamara. Kung hindi niya ako marahas na tinuruang lumangoy, baka hindi na rin ako natuto pa. Sometimes, the lessons are learned the hard way.

Sumabog ang kanang bahagi ng tubig dahilan ng paglingon ko. Zamiel’s quick swimming shocked me. Bago pa ako makapagprotesta ay naipalupot niya na ang kamay niya sa akin at naisampa niya na ako sa isang kulay orange na salbabida.

“What the fuck are you thinking!?” his voice is that of the sky’s wrath.

Huminga ako ng malalim. Pinaghalong kaba sa nangyari at kaba sa kay Zamiel ang naramdaman ko. He harshly covered my stomach with his corded arms. He lifted me up swiftly, sinampa sa mainit na sahig ng yate.

Nakita ko sa gilid ang pagkakaabala ng crew at bodyguards na naroon. They were all shocked and are already waiting on the bannisters near us. Pero nang nakitang umangat na si Zamiel sa yate ay huminga ang mga ito ng malalim at bumalik sa kung saan sila nangisda.

“I’m trying to swim here!” giit ko.
“Swim?!” he whirled. “Nababaliw ka na ba? Paano kung may mangyaring masama sa’yo! Hindi ka marunong lumangoy!”

Nagulat ako roon. Bumangot ang nagngingitngit na galit sa kalooblooban ko at napatayo ako. Kinuha niya ang tuwalya at sinubukan niyang lumapit sa akin pero lumayo ako sa kanya.

“Marunong na akong lumangoy!” sigaw ko na nagpagulat sa kanya.

Agaran din siyang nakabawi. Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata pero tingin ko ay guni-guni lang iyon. Agad itong napalitan ng galit.

“Do not assume that you know everything about me just because you’ve done your research or stalk. Clearly, wala kang alam!” asik ko, punong puno ng kahulugan.

Kasabay ng kanyang pagkurap ang pagkahulog ng tubig dagat. His lips parted for words but I did not expect them to fall that easily.

“Then tell me! Tell me what I missed the whole seven years!”
“Akala ko ba alam mo? Hindi ba nagresearch ka naman? O baka naman alam mo talaga pero nagbubulagbulagan ka kasi mas nangingibabaw ang kagustuhan mong makaganti!”

Tinalikuran ko siya ngunit hinaklit niya ang braso ko para magkaharap ulit kami. I was taken abacked by the sorrow and pain on his eyes. Hindi ko maalala kung kailan ko siya nakitang naging ganito kahina ang itsura. I think I never saw him wear this eyes. Ngayon lang. Ngayon lang sa loob ng ilang taon. Ngayon lang pagkatapos ng lahat.

Binawi ko ang kamay ko pero hindi ko na magawa dahil mariin ang hawak niya sa akin. I can almost feel his fingers marking my arms because of the tight grip.

“Why would you wanna know? Para malaman mo kung ano ang mga kahinaan ko? Para madurog ninyo ako ni Daniella?”

Namilog ang mga mata ni Zamiel. I can sense that he got affected by the mention of her name.

“Pwes! Durugin n’yo na ako ngayon, Zamiel! I am here now out in the open in your face! Vulnerable and easy to hurt! What the fuck are you waiting for? No need to spend another dime to go to whatever island you have!”

Hinila niya ang siko ko pabalik sa kanya. Nanlaban ako pero sa panghihina ay bumigay rin.

“Let’s start, then,” he said while hugging me tight.

Kinalas niya ang yakap ko. Gusto kong umalis sa harap niya pero nag-ugat ako roon. Hot tears trickled down my face. Salamat sa tubig dagat at hindi halata ang pagtangis ko ngayon.

“Astherielle Seraphine Zaldua.”

Namilog ang mga mata ko at napaangat ng tingin sa kanya. He looked at me with so much fire in his dark eyes. Mabagal na inangat niya ang tuwalya at malamyos na ipinadapo sa aking pisngi.

“March 9, Pisces. Daughter of Engineer Teodorico Zaldua and Dorothea Zaldua. De La Salle Zobel scholar.”

My mouth dropped open.

“Transferred after a disqualification.”

Pilit kong pinigilan ang paghinga para mapigilan ang luha pero hindi ko nagawa. Nagpatuloy ang pagpupunas niya sa aking buhok ngayon. He pinched every bunch of hair through the towel while uttering the words slowly.

“Napunta sa akin at nakawala agad. Lived in Sta. Ana, Cagayan Valley with Tamara Figueroa. Graduated Industrial Technology major in Drafting this year. Worked on an expensive club. Now, back in my arms again.”

He swallowed hard before finally settling on my eyes. Basang basa pa siya at pakiramdam ko’y natuyo ako sa ginawa niyang paghaplos.

“Tell me more.” Umiling siya. “I only know a few facts about you and it will never be enough.”
“Bayarang babae. Liar and scam. Binayaran ni Daniella Zaldua noon ng isang milyon para manloko. Binayaran din ni Zamiel Mercadejas ng tatlumpong milyon para maging escort. Ba’t ‘di mo sinali? Alam mo naman ‘yon, diba?” nanginig ang boses ko.

Bumalatay sa kanyang mukha ang galit na hinaluan ng pagsusumamo. Sa galit ko pabalik ay nagawa kong kalasin ang aking kamay sa kanyang pagkakahawak.

Tinalikuran ko siya at umambang papasok sa loob ng yate pero bago ko magawa iyon ay nayakap niya na ako ng marahan galing sa likuran. Tumigil ako. His face is buried deep on my shoulders. Ang tubig dagat sa kanyang katawan ay dumikit sa akin at ang init na dulot ng kanyang balat ay humele sa aking katawan. It’s like cradle making me very comfortable. Hindi lang ako sigurado kung ganoon din ang nararamdaman niya.

“I don’t care what you’ve done. I don’t care what you’ll do,” he muttered.

Kinagat ko ang labi ko. Sana totoo ‘to. Sana pwede ‘to. Sana… Sana…

“Do you know things about me?” he asked slowly.

Ngumuso ako dahil wala talaga akong alam sa kanya. I did not even care to check his whereabouts on social media and lifestyle magazine just to keep in track. Ni hindi ko alam na magku-krus pa ang landas namin. Akala ko, hindi na ulit kami magkikita. Na matatapos ang buhay kong ito na hindi na makakabalita pa sa kanya.

“No,” I said with all honestly.

I heard him breathe harshly. Binawi ko at natantong sasabihin ko na rin ang nararamdaman ko.

“Zarrick Amiel Mercadejas. An insatiable husband to Daniella Alena Zaldua-”
“Wrong.”
“Content husband, then? But for some reason found himself in a men’s club wanting to pay for the services of a cheap whore-”

He groaned harshly. Mas lalo ring pumulupot ang mga braso niya sa aking katawan at umangat ang isang kamay niya para takpan ang aking bibig pero binaba ko iyon.

“Paid thirty million pesos to an unknown escort-”
“Wrong.”
“To Astherielle Seraphine Zaldua just to escort him for days in his rest house-”
“Wrong.”
“Anong mali roon? Tama naman.”

Hindi siya nagsalita. Nakapagtataka dahil madalas ay sumasagot naman siya.

“Let’s get this over with, Zamiel. Let’s have a deal,” matapang kong sinabi.

Hindi parin siya nagsalita. Nanatili siyang nakayakap sa akin, ayaw akong pakawalan kahit na paniguradong nilalamig na siya. Inangat niya ang kanyang mukha, seems attentive to whatever I have to say.

“After this, you’ll leave me alone.”

Hindi siya umimik kaya ipinagpatuloy ko.

“Isipin mo ang gusto mong isipin sa akin at iisipin ko ang gusto kong isipin sa’yo para wala tayong problema.”

Parang nilulukot ang puso ko habang sinasabi iyon. My thoughts is deeply rooted on the realization that even when all of these are true, Daniella is married to him or is bound to marry him one day. I will never be accepted by his elite rich family. Nadungisan ko na ang pangalan ko ng ilang beses sa buhay na ito, isang bagay na hindi ko na kaya pang linisin.

“Hundred thousand each time you try to see me again,” sabi ko na parang tinutulak ang sarili sa bangin.

Suminghap siya.

“Five hundred thousand if you try to talk to me again,” sabi ko.
“If that’s the case then should I transfer all my accounts on your name now? I’ll use every damn penny I have just to get fucking close to you.”

I laughed mockingly even when the pain is excruciating. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang kinalas ang yakap niya sa akin.

Guard your heart, Ace. No matter how good people are, there will always be a bad side. Daniella, Auntie Tamara, Caleb, Judson, Zamiel is no exeption. Do you remember the night you cried yourself to sleep? Do you remember that it’s just you? Do you remember that you were alone that night? Ganoon din sa susunod na mga gabi, kapag natanto mo na kasinungalingan ang lahat ng ito.

Pumasok ako sa loob ng yate. May isang tamang laki ng room doon na tingin ko’y iyong suite namin. Nakita ko ang aming mga bagahe sa cabinet at kumuha ako roon ng underwear na pamalit.

Binuksan ko ang isa sa dalawang pintuan nito at nakita ko ang tinutukoy ni Zamiel na jacuzzi. It’s a 2 by 2 wide jacuzzi, just perfect for the size of the bathroom. Napapaligiran ito ng reflective mirror. Kita ko ang labas ngunit paniguradong hindi ako kita sa loob.

The water is already bubbling, tila pinaandar bago pa tumulak ang yate. I soaked myself in there for a few moments that stretch into minutes.

When I got satisfied with the relief and the comfort I got from there, nakabathrobe akong lumabas sa bathroom.

Hindi ko pa nga natatali ng maayos sa baywang ang roba ay nanginig na ang kamay ko sa nang nakita si Zamiel sa kama, nakaupo at medyo seryoso.

His eyes glistened with savage anger and confusion. And damn, I think he’s only wearing his boxers. Nakapatong ang puting tuwalya sa kanyang hips hanggang hita. Hantad ang kanyang binti at dibdib. Ang buhok niya’y basa parin. Nagkalat ang tulo nito sa kama. Naisip ko tuloy kung paano na lang magpapahinga kung basa ang kamang meron kami rito.

He looked at me with soulful eyes. Tila nanantya at nambabasa ng mga mata. Nag-iwas ako ng tingin at kumuha na ng damit sa loob ng aking luggage. Namili pa ako roon at wala paring imik si Zamiel. Nanatili siya sa kama.

Nang nakapili na ako ay nilingon ko siyang muli.

“Basa na ang kama. Paano ako magpapahinga?” I said.

He licked his parted lips before he slowly stand up. Ibinalik ko agad ang tingin ko sa kanyang mga mata nang nakitang nahulog sa kamay niya ang tuwalya at boxers nga lang talaga ang suot! Damn him!

Ngayon ang sahig naman ang nababasa niya. Hindi yata siya nagpunas sa sarili niya.

Hinablot ko ang tuwalya sa kanyang kamay. Sinubukan niyang labanan pero hindi gumamit ng lakas kaya wala siyang nagawa.

I sighed and started drying his longer hair. Sumulyap ako sa kanya at nakita ko ang titig niya sa akin. And it hurts to see him that serious… like he is memorizing every bit of me… like he knows that in this lifetime, we really are not meant to be. O guni-guni ko lang siguro iyon. We declare the things we want to happen.

Ngumiti ako at pinagpatuloy ang ginagawa. Isang alaala ang umawit sa aking isipan.

“Ba’t ‘di ka nagpunas? Nabasa tuloy ang kama at sahig,” I said lightly.
“I’m sorry,” he said the words deeply.

Natigilan ako ng ilang sandali bago nagpatuloy. Gusto kong magsalita pero ‘tsaka na pag nakabawi na ako. Paniguradong manginginig pa ang boses ko ngayon.

Binaba ko ang tuwalya sa kanyang dibdib. The light dusting of damp hair clung on his skin while I’m wiping it. His hardened chest is properly chiseled and very manly na kahit anong lamig ay mainit parin sa pakiramdam.

“I’m hungry? Are they done f-fishing?” sabi ko nang nakabawi.
“Yes.”

Tumango ako at binaba na ang tuwalya.

“Kakain na ako sa labas,” paalam ko.
“Can you wait outside. I’ll just change for a bit.”

Tinitigan ko siya. Dama ko ang bahagyang kaba niya. Hindi ko inakalang sa kauna-unahang pagkakataon ay makikita ko na siya, a full grown Zamiel Mercadejas, a bit hesitant with his decisions.

“Gusto kong sabay tayong kumain,” mariin at sugurado niyang dugtong.

Tinalikuran niya ako at dumiretso na papasok sa bathroom ng walang imik. Naupo ako sa kama gaya ng paghihintay niya sa akin kanina.

And for the first time since seven years ago, I feel okay. I feel content. I feel fine. I want my days to never end. I want to just live this life over and over again until the end of this lifetime.

Ngumiti ako. How ironic. I’m happy in the arms of the only person who can wreck me into millions of pieces.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.