What Lies Beneath The Sand – Kabanata 21

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath The Sand – Kabanata 21

Kabanata 21
Pera

Sa labas ay mistulang kahon ng ginto ang building. Sa loob naman, halos ganoon din ang mga muwebles at sahig. Kumikinang kahit ang dingding at ang matatayog na pundasyon nito. Every corner there is a uniformed chandelier in the color that accented the whole place.

Sa bawat sulok din, may nag-aantay na usherettes na gumigiya sa bawat lakad namin. They are wearing fancy uniformed dresses and smiles. They are expecting the guests to smile back but I have no time to stretch my lips as of the moment.

Pumasok kami ni Zamiel sa ginintuang lift at iginiya ulit kami ng kasama niyang usher sa rooftop na isa sa mga restaurant ng hotel.

Sa isang hiwalay na lamesa kami pinaupo. Malapit iyon sa tanawin ng buong syudad at sa magiting na araw na umaamba ng paglubog. The niew is breathtaking. The wind is blowing exquisitely slow. Tuwid akong naupo sa harap ni Zamiel habang pinapanood ang pagbuhos ng wine sa wine glass sa harap namin.

Hindi ko siya tiningnan though his eyes is all on me like I’d slip if he’d stop looking. Nang natapos ang waiter sa pagsasalin ng wine ay hindi na ako nag-alinlangan pa. Pinangalahatian ko agad ang wine glass. Kung kaya ko lang inumin ng buo ay ginawa ko na. I need this for my nerves.

“Thank you,” Zamiel said curtly.

Umalis ang waiter at iniwan na kaming dalawa mag-isa. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid at mukhang pinasadya talaga na ihiwalay ang lamesa namin sa iilan pang naroon. I thought there’s a business meeting or convention going on? Hindi ba roon niya ako isasama? Ipapakita at isasalida niya ako sa mga kaibigan at kasosyo? Or is he going to the casino? Isasama niya ako roon para may pumalakpak sa kanya kapag nanalo siya?

Thirty million para sa taga palakpak pag nanalo! Funny.

“You won’t have to work on that club anymore,” he said darkly.

Inilipat ko ang tingin ko sa kanya. His brooding eyes is hypnotic. Hindi ko magawang tumagal nang walang nararamdaman kaya mabilis kong binawi ang tingin ko.

Ang sinabi niya ang tunay kong gusto pero hindi ko kayang sumang-ayon sa kanya ng harapan.

“Why do you assume you know what I have to do?” balik ko sa kanya.
“Iyon ba ang gusto mong gawin?” now he sounds a bit pissed.

Mas nairita pa ako sa tinig niya kesa sa sinabi niya. Bakit siya magagalit? Totoo naman ang sinabi ko! How come he shows up here, pay and insult me, and claim that he knows what I’ll do?

“Bakit mo gustong malaman ang gusto kong gawin?”
“Is this what you were dreaming of? To become an escort and bed men for a living?” acid dripped with his voice.

Gustuhin ko mang sigawan siya at igiit na hindi iyon ang nangyayari, nagbalik ulit sa kaisipan ko na hindi ko na kailangang magpaliwanag sa kanya. Hindi ko na kailangang linisin ang pangalan ko. I am not here to please him.

“If it is then you’re out of that. Besides, ikaw? Ito ba ang gusto mo? Where’s your wife? Are you cheating on her? Are you bored? Is she nagging you?” patuya kong sinabi ang dalawang huling tanong.

Umigting ang panga niya at nararamdaman ko na kailangan ko nang tumahimik. I’ve known him well at alam kong wala siyang preno. Hindi siya pisikal na nananakit pero who knows, kung nagtagal pa ako sa mansyong iyon…

Sa katahimikan at sa pagpipigil niya ay inubos ko ang wine sa aking baso. I saw him look at the glass with so much indignation. Binaba ko iyon at lumapit agad ang waiter galing sa malayo para salinan ang baso ko.

“Thank you,” I said before he left again for his spot.

Napatingin ako kay Zamiel. He showed every sign of losing temper. He’s glaring at me like a provoked bull.

“Is it true that you escorted a businessman just a few days ago?” duro ni Zamiel.

Bahagya pa akong nag-isip. Of course, not! He’s my first and fucking last customer! Pero bakit niya nasabi iyon? What’s my recent activity? Oh!

I took a sip again. Tiningnan ko ang baso at napagtantong medyo nahihilo na ako ng konti sa kaiinom.

“Stop drinking!”

Nilapag ko ang baso at binalingan na ulit ang galit na si Zamiel.

“Why are we talking about my job?”

Hindi siya sumagot. Nanatili ang nagngangalit niyang tingin sa akin. I wish I can say I couldn’t care a whit of his anger.

“Bakit doon ka nagtatrabaho? Wala ka bang ibang mapasukang marangal at pinili mo talaga roon?”

Nagtiim-bagang ako. Kahit anong ilag ko sa mga tanong niya, tumatama ito sa akin.

“Ito ba ang pag-uusapan natin the whole time we’re here? Dinala mo ako sa mamahaling lugar na ito para pag-usapan ang trabaho ko. Dapat doon na lang tayo sa club nag-usap,” patuya kong sinabi.

Natigil ako nanglumapit ang iilang waiter para ilatag sa amin ang pagkain. The first course looks delicious. Doon ko na lang itinuon ang mga mata ko kahit na alam kong titig parin si Zamiel sa akin.

Hindi kami nagsalita ng ilang sandali. I started eating the appetizer after another sip of the wine. Ibinaling ko ang buong atensyon ko sa papalubog na ngayon na araw sa gilid namin ni Zamiel.

Nag-aagawan sa spotlight ang kahel at dilaw. Konting pula sa baba na siyang nagpatingkad ng husto. Naagaw ang atensyon ko ng isang babaeng naka corporate look ang lumapit sa aming lamesa.

“Sir, just want to confirm if you’re going to the party-”
“No. Confirm my absence for the next days, as well,” putol ni Zamiel at agad iminuwestra ang pag-alis na dapat ng babae.
Nagtaas ako ng kilay.

Party? We’re not going there, of course. Kasama niya ako at baka makilala pa na isa akong escort doon. But… isn’t that what he wanted? To humiliate me?

“Ano bang ginagawa natin dito bukod sa gusto mo akong ipahiya?”
“We’re eating here. Unless you want to do other things.”

Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya. Bulgar siyang magsalita kaya ikinabit ko agad ang huling pangungusap sa mga bulgar na kaisipan.

“We can shop or go to a bar just downstairs,” marahan niyang dagdag na nagpataka sa akin.

Shop? Go to a bar? Where is the expected convention? Okay. Kung ipapahiya niya ako, hindi naman kadudaduda ang mga binanggit niyang lugar para sa pagpapahiya sa akin.

“Did you hire me so we’ll shop and go to a bar?” tanong ko.

Hindi siya nagsalita. He’s just constantly clenching his jaw.

“Sa pagkakaalala ko, sinabi mo sa akin noon na hindi na dapat ako magpakita sa’yo. Did you really mean it? If you did, why are you paying me millions now just for companionship? For what, Zamiel? Humiliation?”
“Sino ang hindi magagalit sa ginawa mo? You used me to get what you wanted-”
“Kaya ba ako naman ang ginagamit mo ngayon?” I spat.
“You fooled me and my family, you evil wench! Why would I want to see you again?!” singhal niya.
“Why did you see me again, then?”
“To inform you that I can afford you no matter how expensive you are. At kung hindi ako, walang ibang hahawak sa’yo!”

Nanginginig ang kamay ko. Gusto ko siyang abutin at sampalin pero sa agwat namin ay hindi ko iyon magagawa. Bago ko pa maangat ang wineglass ay hinawakan niya na ang kamay ko para pigilan iyon. His hand firmly gripped mine and the glass to stop me from whatever I’m planning.

“Now, I paid you to come with me. Hindi kita binayaran para guluhin ang mga araw ko.”
“Pumili ka sana ng iba kung iyon ang gusto mo.”

Mabilis kong inalis ang kamay ko sa wineglass at tumahimik na. Lumapit ulit ang waiter para ibigay ang sunod na course. Pumayapa ang ere sa amin ni Zamiel. Walang nagsalita. Nilingon ko ang nawala nang araw at nakita ang pagpapalit ng dilim.

The night here in the metro looks so good. Hindi ko iyon kita simula nang bumalik ako dahil lagi akong sa club nagsisimula at nagtatapos ng gabi. Strobe lights decorated the club. The smell of alcohol, vomit, and sex perfumed its air. Ngayon ko lang tuluyang na appreciate ang gabi sa isang malagong syudad.

Maraming ilaw galing sa building. The streets are lit with the fast moving lights from vehicles. Nagmistulang ugat ang mga iyon, at ang mga sasakyan ang dugong dumadaloy. Malamig ang ihip ng hangin. Malamyos nitong hinaplos ang aking mukha. Ang tanging nagpapainit sa akin ay ang iniinom na wine.

“Let’s stop talking about the past,” he said casually nang mapag-isa muli kami. “I want you to assure me that you’re not going back to that club again.”

Sabihin niya man o hindi, talagang hindi na ako babalik doon. Maging si Auntie Tamara, salamat sa perang bigay niya. But I won’t rely to his money. Magtatrabaho ako at magsisikap ng mag-isa.

“If you want to work, I will give you a position in the company-”
“No, thanks. Kaya kong maghanap ng trabaho mag-isa. I’m already hired.”
“Where?” he asked.
“Bakit ba kailangan mong malaman?” iritado ko nang tugon.

Bakit ba parang gusto niyang makealam sa buhay ko? Bakit gusto niyang malaman lahat?

“I can hire an Industrial Technology major in drafting graduate regardless if there’s a transcript or not,” he said abruptly na ikinagulat ko.

Hindi lumabas ang salita sa aking labi. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ng buo ang kurso ko at ang problema ko sa kawalan pa ng dokumento.

“You can start immediately so you won’t have to work in that fucking club.”

What the hell?

“Paano mo nalaman ang kurso ko?” naguguluhan kong tanong.

Uminom siya ng wine. He licked his lips indulgently. I was quickly distracted. Damn him!

“You bastard! You did a background check?” asik ko.
“Just correcting my mistake years ago,” he drawled lazily na siyang mas lalong nagpaangat sa iritasyon ko.
“At anong nalaman mo?” duro ko pabalik.
“Huwag tayong magtalo sa harap ng pagkain.”

He started eating. Hindi naman ako makakain. Sobrang higpit ng hawak ko sa mga kubyertos habang siya’y normal na kumain lang ng main course.

Ilang subo lang ang nakain ko dahil hindi ako gutom. Paano ako magugutom kung puro nasa utak ko ay itong lalaking ito na nasa harap ko.

“Is that all you’re going to eat for the main course? Kaya namamayat ka,” he smirked.

At nagawa niya pang insultuhin ang pangangatawan ko. Kumain ako ng maayos at pilit na nilunok ang pagkain habang matalim din siyang pinagmamasdan.

The dessert is served after the main course. It’s a brownie with an icecream on top and some fruits on the sides. Pagkaiwan ng waiter sa amin ay agad na nagsalita si Zamiel.

“Turn down the offer of that company,” he started.
“Ayaw ko nga. Nakapasok ako roon dahil nakita nila ang talent ko. And why do you want me to work on your company? Hindi ba ayaw mo na akong makita?”

He chuckled evilly. Sumimsim siya sa kanyang wine at nakakalokong dinilaan ang kanyang labi. Nagtaas ako ng mga kilay nang napuna ang paglala ng kanyang… intensidad.

“Why would I want to see a liar and a scam!” mariin niyang sinabi na agad tumatak sa akin.
“Then why did you see me now? Dapat hinayaan mo na lang ako sa buhay na pinili ko! Hindi ka na nakikialam ng ganito!”

Napawi ang ngiti niya. The hurt from the insults he’s telling me is now overflowing. Ang resulta ay ang pamamasa ng gilid ng aking mga mata. I want to walk out on him pero mas gusto kong makipagtalo sa kanya. Nasasayangan ako sa oras na pwede ko siyang makausap at mainsulto pabalik.

“You’re my liar and my scam,” he said in a darker tone.

Mabilis ang hininga ko. My heart hammered on my chest causing my ribcage to ache. Mabilis ang taas-baba ng dibdib ko dahil sa pagtatalo naming dalawa.

“Where is your wife? Or fiancee? Hobby mo ba ang pagpunta sa mga club na ganoon? Are you so lonely and so insatiable that you can’t be content with her?”
“I guess so.”

Fuck you, Zamiel Mercadejas.

I gritted my teeth and down my second glass of wine. Lumapit muli ang waiter para magsalin ng isa pa. Zamiel shook his head to stop him.

“Maglagay ka pa,” utos ko.

Nilingon ng waiter si Zamiel. Nagkatinginan naman kami ngunit sa huli ay tumango siya at hinayaan ang waiter na dagdagan pa ang shot ko.

“You cheating, bastard! I should thank the heavens na hindi ako ang naging fiancee mo. Baka wasak na wasak ako ngayon ‘pag nakita ko ang asawa ko na nagbabayad ng babae kahit na nandyan ako.”
“How would you know?” he said with clench jaw.

Umiling ako at inubos ng diretso ang pangatlo kong wine glass. Bumalik ang waiter para magsalin ulit sa aking baso.

I’m not alcoholic but I think I really need this one. Besides, hindi ko inakalang masarap pala ang mamahaling wine!

“Let’s go to a bar,” utos ko nang natantong kung gusto kong makatulog ngayong gabi, higit pa sa iniinom ko ang dapat kong inumin.
“Iyan ba ang natutunan mo sa trabaho mo?” his voice is stone-cold.
I smiled sweetly at him. “Why do you assume that I learn this because of work? Alam mo ba kung ilang linggo, buwan, o taon ako roon?”
“Barely two weeks,” he answered.

Fucking bastard. Pinaimbestigahan yata ako nito! Napawi ang ngiti ko at tumayo habang iniinom ang wine. Hinablot niya sa aking kamay iyon nang naubos ko ang sangkapat.

“Stop it,” wika niya at hinawakan na ang siko ko para maigiya ako palayo roon.
“Where are we going? I said I want to go to a bar, Zamiel.”
Kunot-noo niya akong iginiya palayo sa lamesa. May mga sinenyas siya sa waiters doon pagkatapos ay marahan na akong tinulak papasok sa indoor restaurant at diretso na sa elevator.

“Saan tayo ngayon?” tanong ko nang nakapasok na kaming dalawa. “Bitiwan mo nga ako!” puna ko naman sa kamay niyang nasa siko ko parin.

Years have passed but he’s still taller than me. Kung hindi ako nagkakamali, hanggang leeg o baba niya lang ang tuktok ko. Even with heels and some inches plus my height years ago. And he’s huge, like his natural built.

Hinubad niya ang kanyang coat. Bahagya akong lumayo ng bahagyang naeskandalo sa biglaan niyang ginawa. He looked at me with those ridiculously obscene eyes habang inaangat niya ang cuffs ng longsleeves para maitupi iyon hanggang malapit sa siko.

“We’re not going to the hotel! I want to go to the bar!” sabi ko na agad kong pinagsisihan. Heck, I sound like a struggling squirrel!
“We are! Just you wait! We will go there on my fucking terms!” he said the curse delectably dahilan ng pagkurap-kurap ko.

Nagtaas siya ng kilay at tumunog na ang lift. His hand snaked on my waist. Iginiya niya ako palabas ng lift kahit na panay ang tingin ng mga papasok sa amin.

“Zamiel!” I heard someone call him. “Hi!” isang babae.

Nilingon ko pero dinagil niya ang ulo ko gamit ang balikat para hindi ko makita kung sino iyong nagsalita. Lumayo ako sa kanya. Tumigil siya nang nakita ang ginawa ko. He tilted his head, expressing his authority and his frustration.

“Do you wanna go to that bar or you wanna go to our suite?”
“Our suite!” I exclaimed.

Nilapitan niya ako at sinubukang hagilapin ang aking siko para maigiya muli ako. Ang tanging nagpipigil sa akin na itulak siya ay ang kaalamang may mga matang nakatingin. He’s quite famous in places like this, huh? Where the elites are?

“Ang sabi’y may sariling suite ako! Hindi tayo mag-iisa ng suite!” mababa ngunit mariin kong boses habang naglalakad kami sa gitna ng lobby at patungo sa bar na tinutukoy niya.
“Wala na akong pera. Inubos ko na sa’yo. Stop whining about that.”

What the heck?

“And you think I will believe that? Labag ito sa kontrata, ah!”
“Magbabayad ako ng danyos sa mga lalabagin ko, huwag kang mag-alala!”
“And you just said wala ka nang pera pambayad sa suite ko!”

He groaned in frustration. Natigil ako sa pakikipagtalo nang napalapit na kami sa double doors ng bar na tinutukoy niya. He’s greeted by the ushers and usherettes as “Mr. Mercadejas”! That means, he’s always here!

Nakatingin na sa akin ang iilang naroon sa siguro’y pagtataka. Sinabi niya sa mga ito na gusto niya ang VIP lounge at iginiya nga kami roon.

Isang malaki at malawak na sofa sa gitna tapos kaming dalawa lang ang naroon.

“Thank you,” he said before the usherette left us.

Agad na dumating ang waiter para maglagay ng cocktails doon. Hindi pa nga kami nakakapag-order.

Naupo si Zamiel sa gitna ng tatlong metrong sofa. And his hand is already guiding my hips to sit very close beside him.

Naupo ako isang dangkal ang layo sa kanya. Hindi niya tinanggal ang kamay niya sa baywang ko at sinipat niya ako ng tingin.

“This is a huge sofa. And you expect me to sit so close beside you?” I reasoned.

He tilted his head and clenched his jaw again. Umusod siya sa tabi ko at napapikit na lang ako sa ginawa niya. Damn him.

Nilapit niya ang mukha sa akin para makabulong. The music is loud but I’m sure I can hear him if he’ll talk normally.

“Please, don’t be difficult. You know you have no other way around this.”

Umirap ako at agad nagtaas ng kamay para makuha ang atensyon ng waiter. Nakatitig si Zamiel sa akin habang nagtatawag ako. The waiter immediately went to us.

“Any Cabernet Merlot, and cognac, please,” si Zamiel na ang nagsabi sa waiter ng iinumin ko.

Umalis din ang waiter para tugunan ang inutos. Marahan ko namang inabot ang cocktail sa harap namin at tinikman iyon. It’s fruity pero kalaunan ay uminit na agad ang tiyan ko sa alak nito.

“Do you drink a lot?” he whispered while I took another sip.

Ang ilong niya’y kumiliti na sa tainga ko dahilan ng bahagyang pagtindig ng aking balahibo. Nilingon ko siya.

“Hindi ba iyan kasama sa impormasyon mo sa akin?”

Ilang pulgada lang ang layo naming dalawa. Nakakasindak tingnan siya ng ganito kalapit. Parang lumulundag ang puso ko para maabot ang lalamunan. Binaba ko ang cocktail para maabala ang sarili. I caught him smirking like a fucking idiot.

“Nilalasing mo ba ako?” narealize ko sa huli.

He chuckled. Idiniin niya ang kamay niya sa aking baywang. Kinagat ko ang labi ko at kunot-noong binalingan siya. Why is this suddenly feeling light?

“I ordered the wine with the lesser alcohol content and you accuse me that. Should I order juice for you, then?”

Umirap ako at bumaling sa cocktail. Aabutin ko ulit sana iyon nang biglang may dumaang tatlong babae. They are also wearing something dressy and with full make up. Puro matatangkad at halatang mga alta.

“Hi Zamiel! I knew it! Ikaw nga ang nakita kong pumasok kanina!” puna noong babae at naupo pa sa isa sa sofa sa gilid.
“Hi Zamiel! Long time no see? I thought you’re abroad!?”
“Umuwi ka for Ali’s wedding, right?”

Parang choir na nag-uunahan ang mga tanong ng magagandang dilag. Napatingin pa ang dalawa sa akin mula ulo hanggang paa, stopping on Zamiel’s hand on my waist.

“Yup, Glaiza,” Zamiel said casually.
“But are you leaving again soon?”
“No,” sabay iling ni Zamiel. “I’ll be here for long. I’ll take care of my business.”
“Oh!”

Napatingin ng sabay ang tatlo sa akin. Nilingon ko tuloy si Zamiel sa pagtataka at nakita kong nakatingin din ito sa akin.

“Well, anyway, see you around!” sabi noong Glaiza sabay pasada ng tingin sa aming napakalaking VIP lounge bago umalis ang tatlo na nagbubulong-bulungan.

“Of course! Pano ko ba nakalimutan ang bisyo mo sa mga babae?” panimula ko kahit pa nilapag ng waiter ang mga wine glass namin at nagsasalin pa.
“Those are not my girls. They’re just family friends,” aniya.
Umirap ako. “No need to explain. Naalala ko lang naman.”

Huminga siya ng malalim at uminom na sa pandak na basong may lamang inumin na gusto niya. Pinangalahatian ko naman ang wine ko.

“Cancel your position on that company,” ibinalik niya ulit ang kanina pang namatay na topic.
“Why do you assume that I want to work on your company?”
“Then don’t work.”

Matalim ko siyang nilingon. Is he kidding me? Ang malikot na mga ilaw at ang iniinom ko’y nakakaapekto na sa paningin ko. I’d probably pass out if I keep this pacing. Good. I’d rather sleep mindlessly tonight.

“Are you kidding? Wala kang magagawa. Sa kompanyang iyon na ako papasok.”

He got another sip from his liquor at naamoy ko agad iyon sa kanya. Napalunok ako at nag-iwas ng mukha. Something about him and the alcohol he’s drinking is making my stomach flutter. Maybe the musk and perfume he’s wearing plus the erotic scent of liquor…

Nilingon ko ang dancefloor na may iilan nang nakatayo at nagsasayaw. They are dancing slowly and elegantly, very unlike the girls I saw in the club where I work.

“No dancing,” puna niya sa tinatanaw ko. “Kapag antok ka na, aakyat na tayo sa suite. Maaga pa tayo bukas.”
“Saan ba tayo bukas?” baling ko sa kanya.
“We’re leaving for Batangas.”
“Batangas!”

Naisip ko tuloy ang mga damit ko. I wonder if Auntie Tamara packed normal clothes. Ang nakita ko lang ay puro mga formal clothes, e.

“Bakit tayo pupunta roon?”

Kinabahan ako nang napagtantong pwede yatang doon galing patungo sa Costa Leona. I don’t want to go back there.

“I don’t want to be with you. Ikaw na lang kung gusto mong bumalik sa Costa Leona! Ang usapan ay sa convention or meeting mo with business partners at iba pa!” maagap kong pigil.
“We are not leaving for Costa Leona.”
“Then where?”
“You will see tomorrow.”

Umiling ako at uminom muli ng wine. Lumapit muli ang mukha niya sa akin para makabulong. His breath is a mixture of the cognac and musk. Para akong nanghihina sa nararamdaman ko. Why am I drawn even to that small bit of him?

“Leave that company,” ulit niya.

Ang kulit din ng isang ito. Hindi pa nakakalimutan ang pagkakabilang ko roon, ah!

“Your attracted to that son of a bitch, hmm? Kaya ba pumayag ka maging escort niya?

Shit. Here we go again.

Si Caleb Samaniego ang tinutukoy niya at iniisip niyang naging escort ako noon? Bakit? Dahil ba nakita kaming magkasamang dalawa?

“Hindi ba iyan kasali sa pinaimbistiga mo? I am not a fucking escort!”

Contradictory, Ace. Bakit ka narito at kasama siya kung totoong hindi ka escort, huh?

“So that means sa akin ka lang pumayag?” may bahid ng tudyo ang kanyang tinig.

Iritado ko siyang nilingon. He’s boosting his ego again like what happened before. Ganyang ganyan siya, hindi ba? Na walang ibang lalaki, at siya lang? Ano bang makukuha niya sa kaisipang iyan? Just the self confidence?

I am torn between ruining his self confidence and feeding it until he’s done with me.

Mas gugustuhin ko pang isipin niyang pumayag ako dahil sa pera kesa sa pumayag ako dahil gusto ko siya. Wala roon ang dahilan ko pero kung sasabihin ko ang totoo, alam kong magkakaroon lang ulit ako ng attachment sa kanya at iyon ang ayaw kong mangyari.

Inubos ko ang isa pang baso ng wine bago siya sinagot. Wala akong pakealam kung lumapit ang waiter para magsalin ulit.

“Your offer is good. Who could resist that?”

Umalis na ang waiter at mabilis agad akong uminom. Zamiel noticed the small gap between us so he pushed me closer against him again.

“Pera lang ba talaga ang mahalaga sa’yo? If you want money, I can give you more.”

I couldn’t blame him kahit na para akong dinudurog sa sinabi niya.

“Sa’yo na ‘yan. Nakukuntento naman ako.”
“Ako, hindi. Gusto ko pa ng higit,” he said huskily.

Lumapit siya kaya tinulak ko siya palayo sa akin. Ininom ko ang isa pang baso at agad na tumayo. Naramdaman ko ang epekto ng pag-inom nang umalon ang paningin ko pero nagawa ko paring tuloy-tuloy na maglakad paalis doon. I heard him down his shot before finally stalking me out.

Naungusan niya ako pagkalabas. Hinatak niya ako sa lift at nagpatianod na lang ako. I can sense the anger on his grip. Nilingon ko siya nang nakapasok na kami sa loob. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagwo-walk out ko o sa ibang bagay.

I need to sort out my feelings. Sinira ko ang sarili ko sa paningin niya pero nasasaktan ako dahil doon. Ano ba talaga, Ace? But then am I allowed to get confused?

I don’t want him to think ill of me pero para saan pa iyon? Wala rin namang mangyayari kahit anong pabango ko pa kaya mas mabuting husgahan niya ako ng ganito.

“Sa sofa ako matutulog!” I declared when I saw the large suite.

Isa lang ang bed pero may sofa naman. Kita ang view ng buong syudad pero hindi ko na maappreciate iyon dahil masyado nang magulo ang utak ko sa alak at sa mga iniisip.

I walked towards the sofa to sleep but he groaned and pulled me to the bed.

“Ayokong katabi ka!” mariin kong sinabi.
“Hindi ako tatabi sa’yo. Ako ang sa sofa. Happy?” balik niya.

I glared at him, content of his decision. Sa huli ay inabot ko ang paa ko para kalasin ang stilletos kong medyo mahirap tanggalin. Suminghap si Zamiel at lumuhod sa harap ko para tanggalin ang kabilang stilletos.

Tumigil ako at tiningnan siya sa ginagawa. The way his fingers slowly grazed my heel made me shiver. Tumayo siya at nagsimula nang maghubad ng longsleeves.

Nagkatinginan kami nang tuluyan niyang nahubad ang dulo ng longsleeves. He removed it in front of me revealing the taut and hardened muscles rippling down his body. They bulged and flattened on the right places. Nalalatagan ng maninipis at itim na balahibo ang kanyang dibdib gaya ng braso. His expansive shoulders sharpened down to a lean waist carpeted with sculpted abs. Sa baywang ay nakausli ang malalim na linya sa korting V, pababa sa itinatago sa namumukol na gitna ng pantalon.

I saw his eyes leered on me. Iniwas ko agad ang tingin kahit na positibo na ang pamumula ng aking mukha base sa temperaturang nadarama.

“Good night. I’ll stay up for a while. Hindi yata ako makakatulog ngayon,” sabi niya bago tumalikod at lumapit sa refrigerator sa ‘di kalayuan para kumuha ng inumin.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.