What Lies Beneath The Sand – Kabanata 20

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath The Sand – Kabanata 20

Kabanata 20
Paid

I rushed back to the hall after a few moments inside the bathroom. Iniyak ko ang frustration ko kay Auntie Tamara. I heard her cry the moment I went out of her office. Hindi ako makapaniwalang kahit pa galit ako sa kanya ay nakaramdam parin ako ng nangangalabit na awa.

Ginawan ko ng paraan at eksplenasyon ang ginawa niya sa aking utak. I still refuse to believe that she is using me. But I know she is!

Nagamit niya ang pera. Gaano kalaking halaga kaya ang nagamit niya? I wonder if I can pay it back? But if it’s around a million or so, I don’t think I can. Mas malakas pa naman ang kutob ko na nasa ganoong mga halaga nga. Is it enough to pay for even half of the apartment since she mentioned it?

I convinced myself that this should be okay. Na hindi naman siguro ako ipapahamak ni Auntie Tamara. She cares for me. Sa pitong taon naming magkasama hindi niya ako kailanman binigo. Sa mga project kong mamahalin, hindi siya kailanman nagreklamo. Binibigay niya ang pera, nahihirapan o natatagalan man. She never once told me that she couldn’t provide and now… one request and I couldn’t do the same.

Iba kasi ito. Ibang intensidad ng request. This is not a simple project. This is like selling my soul to the devil. Minsan ko na itong ginawa para sa pera at iyon na ang pinakamasamang nagawa ko.

I want to believe that I still should trust Auntie Tamara. Na talagang sasamahan ko lang bilang companion ang kung sino mang nagbayad para sa akin. But… am I sure that he is not expecting me to have sex with him? Kung ganoon kalaking halaga ang ibinayad, he will expect it.

Gaya ng sabi ni Auntie, six figures ang pinakamahal na nabayaran ng kliyente para sa isang escort. And I’m sure they’ve done more than laugh, talk, and hold hands! Kaya imposibleng iyon lang din ang gusto ng kliyente sa akin.

Ayaw kong isipin iyon pero nangailangan ako ng pang-alu sa pananaw ko sa isang taong naging sandalan ko, itinuring na magulang, at nirespeto ko ng maigi sa loob ng ilang taon.

“May I take your order, Sir?” wala sa sarili akong lumapit sa harap na sofa para makakuha ng order sa naroon.

Sa laki ng sofa, dalawa lang ang lalaking naroon. Hindi ko na inabala ang pag-angat ng tingin. Pero nang walang sumagot sa dalawa ay tumingin na ako.

“Hmm. We’d like two shots of whiskey, please?” a familiar man said and I immediately remember him. Raoul. Shit.

Para akong nabingi nang nakita kung sino ang nakatitig sa aking harapan, katabi lamang ng nakilala kong lalaki.

The intense brooding eyes feels so familiar and foreign at the same time. Para bang kilalang kilala ko ang mga matang iyon noon at ngayo’y sa dami ng nangyari, hindi ko na alam kung saan magsisimula. My heart hurt.

My thoughts scattered in different places. Nagkakarerahan ang mga salita sa aking utak. Bakit sila nandito? Is he going to make use of our entertainers services? Are they regulars? Anong gagawin ko!? Hindi ko inasahan ‘to!

Nakaupo siya ngunit nakita ko ang pagbabago sa kanyang pisikal na anyo. His body was already mature back then but right now it aged with grace and power. I memorized every bit of his face back then, but right now I don’t know if I memorized it right. Thick eyebrows intensified his dark and mysterious eyes. Ang labi, na napatunayan kong tanging bahagi sa kanyang katawan na malambot ay ganoon parin na hindi.

His hair is a bit longer than what I remember and it suited him very well. His masculinity is heightened by his stance on that sofa: parte ang magkabilang tuhod na tila ba nagdedeklara ng kanyang teritoryo. Ang kanyang pangangatawan ay hindi ko na makilala. He looked beautifully virile, in the same wild and powerful way his horse, Alegro, is.

He is wearing a white long sleeve polo folded on his forearm. Para akong nanibago dahil sa pagkakaalala ko’y t-shirt at maong madalas ang kanyang imahe. But then again, the changes of his physique is extremely bold. He’s dressed nicely bilang isang businessman sa isang metro city, yet, there is nothing metrosexual about him. Actually, like before, his air is screaming of lethal manliness.

Nakalimutan ko sa oras na iyon kung paano talaga ang naramdaman ko sa kanya noon. Nawala ng parang bula ang aking alaala at napalitan nitong bago na masyadong masidhi at mapangahas. I can’t believe it. Was it always this ardent? Did it always make me tremble seeing him this close? At ganito na lang ba ang takot ko sa intensidad niya noon?

“R-Right away, Sir,” sabi ko nang nakabawi.

Diretso kong naisip ang gagawin pero nagulat ako nang naglagay si Zamiel ng isang itim na card sa harap nang hindi inaalis sa akin ang tingin.

“I’d like you here beside me, too. Get another waitress,” Zamiel demanded.

Huminga ako ng malalim kahit na sobrang sakit na ng dibdib ko. My heart is hammering like a madman wanting to escape from prison.

The hurt intensified when the realization dawned on me. He’s paying me to sit beside him. Kung ibang lalaki ang nagsabi noon ay binabalewala ko lang pero ngayong siya, para akong nasampal sa katotohanan. Iniisip niyang bayaran ako. Iniinsulto niya ako sa pamamagitan noon. Magkano ako… I’m disgusting because my dignity can be bought.

May karapatan ba akong magreklamo sa insulto niya when it’s true from the very beginning?

“We have entertainers, Sir. I will get you some right away-”
“Ikaw ang gusto ko,” sabi niya na nagpapigtas agad sa maiksi kong pasensya sa gabing iyon.
“I am not for sale.”
“I already paid you,” he said in a deeper and darker voice than I remember.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. I stepped in front of him. Natakot agad ako lalo na nang nakitang hindi man lang siya nagulat sa paglapit ko. A clap thundered when my palm met his cheek. His face only tilted a bit.

Mabilis na dumalo ang bouncers pero agad na tumigil sa hindi malamang dahilan. I walked out of the hall. Diretso sa counter at ibinigay kay Violet ang aking order form para makaalis doon.

“Anong nangyari?” sunod-sunod ang katanungan ng mga kasamahan ko pero wala na akong pinansin.

I was trembling so hard I think I’ll have a heart attack. Dumaan ako sa mga opisina at naabutan kong lumabas si Ma’am Sonja, siguro dahil may nagreport na security team.

I totally forgot the viciousness and vulgarity of his mouth. I totally forgot that he’s crude and ruthless in all things. Na sa galit niya sa akin, ipapamukha niya ng paulit-ulit kung ano talaga ako sa paningin niya: isang bayaran simula’t sapul.

“Anong nangyari, hija?” pagalit niyang sinabi.
I held out my hand hoping to stop her from talking.
“May binastos ka raw?” paratang nito.
“Magpapalamig po muna ako sa labas-”
“Makakaltasan ka sa gabing ito. Hindi pa tapos ang shift mo,” anito at binalewala ko na. Kahit pa ubusin niya ang sweldo ko sa gabing ito.

Diretso ang lakad ko palabas ng backdoor. Hindi ko pa kailanman nasubukan na lumabas sa establishment na nakauniporme ng ganito pero wala na akong pakealam sa ganoon.

Saktong paglabas ko ay may nag-abang agad na humila sa akin. I shrieked, immediately, sa sobrang gulat at kaba. When I saw who it was, nawalan na ako ng tinig.

Marahas at mariin ang hawak niya sa aking siko. Hinaklit ko ang braso ko at nang nakalas ay natigilan din ako.

He’s looking at me intently and slowly. The way his eyes moved from part to part, para niya akong muling inaalala. Because maybe he forgot what I looked like…

Matalim ko siyang tiningnan pabalik. The way he insulted me way back and the way he insulted me tonight is a reflection of how he really perceives me. Masisisi ko ba siya? Hindi. Noon, ginawa ko iyon para sa pera. Ganoon din ito ngayon kaya ang insultong iyon ay panunuya niya sa akin.

Hating hati ako. Kalahati sa akin gustong ayusin at ibalik ang aking dignidad sa pananaw niya. Na I’m more than money… more than the materialistic girl he is thinking about. That I’m doing my best to earn and I am determined to succeed sa paraang hindi nag-iinvolve ng pagbibenta ng makamundong serbisyo.

Pero ang kalahati ay halos wala nang pakealam. Para saan pa, Ace? Let him think ill about you. Let him be angry. Let him think that you are nothing but a materialistic girl. After all, anong halaga niya sa buhay mo? Bakit kailangan mong ayusin ang tingin niya sa’yo?

Noon pa nadungisan na ang tingin niya sa akin. Bakit ko pa itatama ang pananaw niyang paniguradong nag-ugat na sa utak niya. Kung iyon ang tingin niya sa akin, ayos lang. Ang mahalaga naman ay ang tingin mo sa sarili mo. Marangal ang trabaho mo at nagsisikap ka. You are not like him, born with the resources. Na kahit hindi magtrabaho ay mananatiling may pera at nabibili ang lahat. You are poor. Your way up is like a ladder. You reach it step by step. Everything you do is a step to your dreams.

Huminga ako ng malalim at umambang babalik na papasok sa backdoor. Nagsisi ako agad bakit pa ako gumawa ng komusyon pero nahila niya agad ako.

He eyed me from head to foot. His lips were apart

“You’re done for tonight,” he said in a voice so lush, and so foreign to me.
“You’re not my boss,” sagot ko.
“Binayaran ko na ang gabi mo kaya huwag ka nang pumasok. Iuuwi kita sa inyo.”

Marahas kong hinaklit ang braso ko sa iritasyon. Kahit pa anong kumbinsi ko sa sarili ko na hindi na dapat ako naiinsulto, hindi ko parin magawa. It still gets to me.

“Hindi ako bayaran. At mas lalong hindi ko kailangan ang tulong mo para makauwi na ako!”

I removed the ridiculous bunny ears on my head and the tail behind me. Nakaligid lang ang mga mata ni Zamiel sa akin, wala siyang imik habang nakaawang ang labing tiningnan ako. Slowly, his dark eyes narrowed. I saw a sheen of anger in them. The insult I’m receiving from the way he looks at me is terrifying. Para akong dinudurog sa puntong nawalan na ako ng pag-asang maayos pa ang imahe ko sa kanya.

It doesn’t matter, Ace. Temporary people like him doesn’t matter. If he thinks I am cheap, then so what? Bakit ba malaking bagay pa iyon sa akin? He’s just another maniac client who thinks he can buy everything.

Hantad ang hita at dibdib ko. Sa ibang pagkakataon ay hindi ko kayang maglakad man lang para pumara ng taxi ngunit iba ito ngayon. Nilagpasan ko si Zamiel at dumiretso ako sa kalsada para magtawag ng taxi. May agarang tumigil para ipasakay ako.

Natatakot na akong bumalik. Bukas, kapag bumalik pa ako para magtrabaho, natatakot akong makita ulit ako ni Zamiel doon at mainsulto niya ulit ako. I can imagine him getting back at me every opportunity he can get.

Hindi ko na nilingon pa ang kinatatayuan ni Zamiel. Pinaalalahanan ko rin ang driver na gusto ko sanang mas mabilis ang pag-uwi ko.

Sa loob ng taxi ay hinawakan ko ang kamay ko. Nanginginig pa ito ngayon. Umawang ang labi ko nang hindi ko na kinaya ang pagpipigil ng paghinga.

Dahil, Ace, alam mo kung bakit big deal sa’yo ang pananaw niya? Dahil… hindi mo maitatanggi. Mahal mo siya. Nakakalungkot na hanggang ngayon. Nakakalungkot na sa dami ng insulto at sa baba ng pananaw niya sa’yo, hindi mo parin magawang magalit ng tuluyan. You are even blaming yourself for his insults.

I doubt he would believe it, though. I doubt anyone would believe it. At alam ko na wala akong pag-asa, walang maniniwala at hindi ko na kailanman mababago ang mga nangyari na noon.

Humikbi ako. My tears fell easily. Kung sana nagmahal na lang ako sa isang taong kapantay ko, sana hindi ganito.

Pinunasan ko ang luha ko at muling binuo ang sarili. Everything I do should be for myself. Sa ilang taon ko rito sa mundo, napagtanto kong ang sarili ko lang ang kakampi ko. If I please others, in the end they will hurt me for my other mistakes. Ikaw lang mag-isa rito, Ace. Kaya tulungan mo ang sarili mo sa abot ng makakaya mo.

Tumigil ang taxi sa tapat ng building ng apartment. Binayaran ko gamit ang tip na natanggap ko kanina at wala nang pag-aalinlangang pumasok doon.

I cried myself to sleep. In nights like this, I always conclude that the only person I can lean on when times are hard is myself. At the end of the day, mag-isa parin ako. Kung hindi ko tatatagan ang loob ko, magiging mahina ako. Ayaw ko ng ganoon.

Gising na ako alas nuwebe ng umaga kinabukasan. I heard Auntie Tamara’s voice behind the door.

“Ace, gising ka na? Nagluto ako ng almusal,” aniya.

Hindi ako lumabas. Namumugto ang mga mata ko.

Paulit-ulit niya akong kinatok at pinaalalahanan pero hindi ko parin siya hinarap. She usually wakes up late pero iba yata ang araw na ito dahil maaga siya. Madalas din akong maaga pero sinadya kong magpatanghali ngayon.

Alas dose na nang lumabas ako. Naabutan ko si Auntie Tamara na nakaupo sa lamesa at kumakain. Isang pinggan ang para sa akin sa tabi niya. Kamuntik na siyang nasamid nang nakita ang bigla kong paglabas sa pintuan.

“Ace, kain ka na…”

Hindi ako kumibo. Dumiretso na ako roon at kumuha ng baso para magsalin ng tubig. Uminom ako bago naupo sa lamesa para makakain. Hindi ko siya tiningnan man lang kahit na alam kong nakatitig siya sa akin sa buong pagkakataon.

“I heard what happened last night. Uh, nag explain na ako kay Ma’am Sonja na wala ka sa sarili dahil may pinagtalunan tayong dalawa. Hindi naman siya nagalit at ibibigay niya parin daw ang sweldo mo sa gabing iyon.”
“Hindi na ako babalik doon,” agap ko.

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagtango ni Auntie Tamara. Naintindihan niya ang desisyon ko. I know that it will be harder without work here. Mag-isa siyang magtatrabaho para sa aming dalawa gaya noon. Maghahanap na lang din ako ng ibang trabaho na walang kontrata para kung sakaling dumating na ang mga dokumento ko, makakapagtrabaho na ako agad sa mga Samaniego.

“Ayaw ko na ring bumalik doon, Ace. Hindi na tulad ng dati ang nararamdaman ko sa trabahong iyon,” she explained.

Hindi ako nagsalita dahil pakiramdam ko alam ko kung ano ang idudugtong niya.

“May paraan para pareho tayong tumigil na. The money will be enough to buy the whole building, so we can only rely on the tenant’s rent-”
“You are still pushing this, Auntie?” pagod kong sinabi.

Hinawakan niya ang kamay ko. I stiffened. Kitang-kita ko ang nakakadiring pagsusumamo at pagmamakaawa sa kanyang mukha. How can one be so beautiful and so devastating at the same time?

“Ace, gusto ko lang namang maging maayos ang buhay natin dito. I have debts and I have to pay them fast or else, hindi ko na mababayaran ang mga iyon. Hindi ako makakapag ipon sa perang kinikita ko dahil doon. Gustuhin ko mang umalis sa club, hindi rin pwede dahil doon tayo kumikita. This is the only way-”
“The only way? Ibubugaw mo ako para magkapera ka?!”
“I just want to provide a better living for you. Kung mag-isa ako, Ace, ayos lang sa akin ang kahit ano pero nandito ka at-”
“Ako ang pinapagtrabaho mo para magkapera tayo! Ayos lang, Auntie kung hindi ganyan ang trabaho! Pero… what the hell?”
“I made sure that the client is really trustworthy. Ace, believe me. Hindi kita ipapahamak. Nag downpayment na ako para sa deed of sale nitong building. Kapag may titulo na ako, hindi na natin kailangang magbayad pa at pwede ka ring pumili ng kwarto mo kung gusto mong bumukod sa akin.”

Hindi ako kumibo. I am so disappointed. No matter how safe she thinks this is, I still am very disappointed.

Nataranta niyang kinuha ang isang short brown envelope sa gilid niya. Umiling ako nang nakitang binuksan niya iyon para maipakita sa akin ang kontrata.

“Here is the contract. You can see thatit includes the clauses I demanded. No kissing and no sex. When the companion says “no”, the client will abide. Ace, he promised he only wants you as companion on his business trips.”
“What if I say no?” hamon ko sa iritasyon ko kay Auntie.

Bumagsak ang kanyang balikat at ibinalik niya ang mga dokumento sa loob ng brown envelope. Nakitaan ko agad siya ng pagkabigo at pagkakabalisa.

“I’ll have to find a way to pay back the money I used.”

Pumikit ako ng mariin. Ni TV nga hindi namin mabili. Sumasakit ang ulo ko sa problemang ito.

“I hope you can help me with it, Ace. Gusto ko lang naman talagang makaalis na tayo-”
“Alam mo naman pong hindi ako pumapayag sa pag eescort, hindi ba? What made you think that I will say yes to this, Auntie?” I said in frustration.
“Because I really hope you can trust me. I’ve been in this field for many years. I know when the client is trustworthy or not. I always trust the contract, Ace.”

Huminga ako ng malalim at tiningnan ko na lamang ang pagkain ko. Nawalan yata ako ng ganang kumain.

“If you do this, we won’t have to go back to the club again. At matagalan man ang dokumento mo, pwede nang hindi tayo magtrabaho,” si Auntie sa isang manghang tono.

At kapag hindi ako papayag, sigurado akong makukulong siya dahil pareho kaming walang pambayad sa halagang maaaring nagastos niya.

“I’m sorry, Ace. I was so desperate for money. I want to give you a better life here. Ginasta ko kaagad dahil akala ko maiintindihan mo. Akala ko gusto mo rin ‘to. Dahil ito talaga ang gusto ko, noon pa man. I know I can be charged of estafa and all that if you say no but I believed you wouldn’t.”

Labag sa kalooban kong pinulot ang brown envelope. Nagpatuloy si Auntie Tamara sa pagsasabi ng makakapagpakumbinsi sa akin. Nothing will ever convince me to say yes pero ang utang na loob ko sa kanya at ang kaalamang hindi niya mababayaran ang magiging utang niya kung sakali ang tanging nagtutulak sa akin. Plus the part that I don’t want to go back to the club again.

Binuksan ko ang envelope at binasa ng mabuti ang bawat clause. Nakita ko nga roon ang mga kondisyon. Nakita ko rin ang halaga ng pagbili sa magiging serbisyo ko bilang companion sa loob ng ilang araw para sa isang business trip.

I have to have my own suite if we go to hotels. I am allowed to use my phone whenever I want to. The club is to call the client and the companion everyday to check if the rules were followed. Any excess hours will be paid, as well.

And my services costs P30,000,000. Nagtiim-bagang ako.

“Magkano ka, kung ganoon?” I can hear Zamiel’s voice echoing in my head.

Nagtaka tuloy ako kung ganito ba talaga sa mundong ito. Are the people that lonely to pay that amount just for a companion?

“You are the highest paid so far. At tingin ko, hindi ‘yan mapapantayan magdaan man ang taon. Nine hundred thousand pesos ang pinakamalaking naging offer ng pinakamahal naming escort, Ace. Hahatiin natin ang matitira sa pagbili ko nitong building. Ipapangalan ko sa’yo ‘to, Ace. I want to assure myself that you are okay even when I’m not around.”

Whatever she says doesn’t matter to me. Gaano man kaganda ang naging dahilan niya. Gaano man kabuti ang intensyon niya. Walang makakapag justify sa gagawin kong pagpapakababa at pagpapakamura.

“And should I be proud and happy for this, Auntie?” malamig kong tanong.
“I’m sorry,” she bowed guiltily.

Binasa ko ang bawat pahina at sa huli, alam kong wala akong magagawa. Alam din ni Auntie iyon. She used it to her advantage. Wala na talagang mapagkakatiwalaan sa panahon ngayon.

Hindi ko alam na may mas ididilim pa pala sa kadilimang taglay ng club. Nasa maliwanag akong apartment pero ang tanging nararamdaman ko ay ang kadiliman na bigay ng magiging desisyon ko para rito.

Tumuwid sa pagkakaupo si Auntie nang nakitang pinulot ko ang ballpen at tiningnan na ang huling pahina, kung nasaan ang kumpletong pangalan ko.

Beside it is the name of the client.

Zarrick Amiel Mercadejas.

What. The. Fuck.

The bastard!

Pumikit ako ng mariin. The pain stabbed my heart a million times. Sinapo ko ang noo ko, dala ang ballpen na ipampipirma ko sana. Siguro, iniisip ni Auntie ngayon na nag-iisip akong mabuti kung pipirmahan ko ba ito.

What is he up to? He wants to insult me? Hindi pa ba sapat ang dating pang-iinsulto niya sa akin para mabayaran ko ang panlolokong ginawa ko sa pamilya nila?

Recklessly, I opened my eyes and signed the contract immediately without thinking more.

Kung gusto niyang insultuhin pa ako hanggang sa madurong niya ako ng husto, subukan niya. Hahayaan ko siya. Pagbabayaran ko ang lahat ng nagawa ko. And I will never touch his money. Auntie Tamara’s got plans with that, anyway? Aalis din ako rito, kapag may pera na ako. I will never touch a single penny from him.

Suminghap si Auntie Tamara. I can almost hear her big “Yes” pero hindi niya sinabi.

“Are you sure about this, Ace?” tanong niya, imbes.
“Do you want me to erase my signature on that, Auntie?” sarkastiko kong nasabi.

She smiled and hugged me. Hinayaan ko siya pero nang binitiwan niya ako ay tumayo ako at umalis na sa lamesa at dumiretso na ulit sa kwarto.

I texted our School’s Registrar. Alam kong malabo pa pero nagbaka sakali ako.

Ako:
Good noon, po, Ma’am. Magtatanong lang po ako kung marerelease na po kaya ang Transcript of Records ko at Diploma ngayon?

Paulit-ulit kong inisip kung ano maari ang nangyari sa loob ng ilang taon. Did he marry Daniella? Is he bored with their marriage or do they just both want to get even with me? Kasali ba si Daniella sa plano niyang ito? Do they want to torment me over and over again?

Ano man ang mangyari, sisiguraduhin kong babangon ako. I will work hard and live a normal life. Hindi na ako mangangarap ng matayog, gusto ko lang magkaroon ng maayos na buhay. I’ve learned that dreaming too much is not for the people with no resources. Kailangan sa mundong ito, alam mo kung hanggang saan ka lang. Kung hanggang saan lang ang “tagumpay” na tutukuyin mo.

“These are the things you will bring. Ako na ang nag-ayos para sa’yo,” si Auntie Tamara nang naabutan ko siya sa sumunod na araw na nag-iimpake ng mga damit sa isang bagong luggage.

Hindi ko alam kung kailan iyon pero base sa pagiging abala ni Auntie, malapit na iyon. I don’t care about the clothes I will wear. I don’t even think about packing for it.

Hilaw na ngumiti si Auntie Tamara nang nakita ang distaste sa mukha ko. She looks foolish. Excited sa mangyayaring kapahamakan sa akin.

Hindi ko alam kung mas maganda bang kilala ko ang magiging kliyente o hindi. I probably would rather have someone I don’t know than Zamiel who just wants to torment me. Pero ano mang pag-iisip ang gagawin ko, hindi na mapipigilan pa ito.

Caleb Samaniego:
Hi, Ace! Are you free tomorrow night? Just want to invite you to hang out with us in a party.

Mabagal kong binasa sa utak ko ang text ni Caleb habang kaharap si Auntie na pawisan na sa pag-iimpake para sa akin.

“You are to wear something dressy tomorrow,” si Auntie Tamara.

Nag-angat ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Huminga siya ng malalim.

“I prepared your clothes and shoes. Mamili ka lang,” dagdag niya.

Hindi ako kumibo. She sighed and went to me. Naupo siya sa tabi ko at hinawakan niya ang kamay ko. Hindi niya alam na ibinibenta niya ako sa isang taong matindi ang pagkakamuhi sa akin. I wonder if she’d change her mind if I tell her that Zarrick Amiel Mercadejas is Daniella’s husband?

“Tawagan mo ako araw-araw o kung may kailangan ka. I will be right here, waiting for your call,” she assured me.

Mapait kong nilingon si Auntie.

“Promise, Auntie. This is the last time you betray me like this…” sabi ko.

Kita ko ang panlalaki ng mga mata niya at pagtulo ng kanyang mga luha. Yumuko siya. Tumulo ang mga luha niya sa aking kamay.

I trusted you. Akala ko nagkamali si Daddy sa iniisip niya sa’yo pero narealize ko, tama pala siya. Gusto kong sabihin iyon pero hindi ko maipagkakaila na nasasaktan ako ngayong nakikita ko siyang umiiyak.

Ako:
Hindi ako pwede, Caleb.

Caleb Samaniego:
Oh. When is your day off, then?

Ako:
I will be gone for days. I’ll just text you kung nakauwi na ako.

Caleb Samaniego:
Okay. Let’s keep in touch.

Ako:
Sure.

Ang sabi ni Auntie Tamara, walang inclusive dates na nakalagay o sinabi ang kliyente. Kaya noong nalaman nito na pumayag ako, mabilisan siyang gumawa ng oras para mangyari iyon. Oh the desperation to get back at me, right?

Ang huling pagkakataon na naging ganito ako ka dressy ay noong graduation ball ko. Si Auntie Tamara ay tumulong sa paglalagay ng make-up and she’s the best in that field. She knows everything concerning about looking good and formal.

Sinusuklay niya ang buhok ko sa likod bilang finishing touches sa itsura. I’m wearing a darkblue halter top long gown, with a long slit, and black stilletos. Ang sabi’y magkikita kami ni Zamiel sa isang mamahaling hotel ngayon.

A black SUV will pick me up from here at doon na siya sa hotel restaurant mag-aantay. The bastard!

Baka may meeting sila roon o party? Kabado ako tuwing naiisip ko na makikita ko si Daniella at Tita Matilda. But then I guess even when I see them, they can’t touch Auntie Tamara anymore. May pera na si Auntie. Hindi na basta-bastang mapapaalis sa apartment, hindi tulad noon.

Ako? Ako na ang bahala sa sarili ko. Tingin ko, hindi naman maiimpluwensyahan ni Tita Matilda si Caleb. Caleb is a good man. I don’t think he’ll turn his back on me just because someone told him to.

Pumasok ako sa isang itim na SUV, alas tres ng hapon sa tamang araw. May dalawang de unipormeng lalaki ang sumundo sa akin. Isa ang driver at ang isa’y siguro’y bodyguard.

Mahaba ang naging byahe dahilan ng pag-igting ng kaba ko. At nang tumigil ang SUV sa sinabing hotel ay pinagbuksan na ako ng bodyguard at naglahad ito ng kamay sa akin.

He smiled on me. I couldn’t smile back because I know what’s next. Beyond the staircase and the fancy glass walls of the premium hotel, I saw Zamiel standing in his dark tux. Ang paraan ng pagtitig niya ay nagpatindig sa balahibo ko. Isang hakbang at naramdaman ko ang pamamanhid ng tuhod ko, isang bagay na sa kanya ko lang talaga mararamdaman.

The door opened for him. Lumabas siya at naglahad ng kamay sa akin. I am well aware of the eyes of people looking at us. Nagtiim-bagang ako. I imagine him mocking me right now. I imagine his thoughts: I paid for you so fucking do my bidding.

Tinanggihan ko ang kamay niya. Nilagpasan ko siya at naglakad ako paakyat sa hotel nang walang umaalalay.

This is what you fucking paid for, bastard.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.