What Lies Beneath The Sand – Kabanata 2

Kabanata 2

Alak

Nang naghapon ay naging abala umano ang magkapatid sa negosyo. Apparently, their plant is near here at dinig ko’y malaki iyon. Probably that is where their riches come from, huh. Sa negosyo nilang semento na alam kong nangunguna sa buong bansa ngayon.

There is nothing more awkward than dinner. Sa hapag, si Senyora Domitilla, Kajik, Zamiel, at ako lang ang naroon. Tahimik ang magkapatid samantalang hindi rin ako nagsikap na bumuo ng usapan.

“Hija, anong ginawa mo buong araw? I hope you’ll enjoy your every day here. Although, pagkatapos ng kasal ninyo ni Zamiel maaaring tumulak muna siya sa ibang bansa para sa pag-aaral, kaya maiiwan kang talaga rito. So it’s better if you become familiar here.”

Napalunok ako sa sinabi ng matanda. She looks and sounds so sure that it would happen.

“I’ll bring her wherever I go, Lola,” Zamiel cut her off.

Napalingon ang matanda sa apo. Maging ako’y nilingon na rin ito. Nagkatinginan kami. He’s glaring at me. Tumikhim ako.

Madramang tumawa si Senyora Domitilla. “Well, paano ang pag-aaral niya, apo? Daniella will pursue her remaining years in college.”

“She’ll continue it in La Salle. When I leave for a week for school, I’ll bring her with me.”

Napainom sa kopita ang matanda habang tinitingnan si Zamiel. Bakas ang kanyang tuwa sa mukha, itinatago lamang ng seryosong reaction. Meanwhile, Zamiel is looking at me intently. I don’t need to look at him to see. His burning glare is evident.

“So there will be disruption of her classes, Zamiel? Anong masasabi mo, hija?”

“Uh, kung isang linggo l-lang naman po siya mawawala, ayos lang sa akin na maiwan na lang ako para na rin hindi ma istorbo ang pag-aaral.”

“Your professor will understand. I can find ways to talk to the people around,” mariing sinabi ni Zamiel kaya ako napatingin sa kanya.

Ang lalaking ito talaga. Look at him. Why do you think he wants me to be with him? What’s his problem? Bakit isang linggo lang ay ‘di pa siya makapayag na maghiwalay kami?

Alam kong hindi naman ako iyong makakaranas noon pero kung ilalagay na ako nga, kukwestyunin ko talaga kung bakit niya ipagbabawal iyon.

“It’s just a week. Surely, we both can afford to be away of each other for seven days.”

Isang halakhak ang narinig ko galing kay Kajik. He looked at his brother with an amused grin. He probably thinks that his brother is ridiculous for thinking that way. Syempre, kahit sino. Kahit pa maraming pera at kayang bayaran ng walang kahiraphirap ang pamasahe abroad at pabalik, you wouldn’t give so much effort in doing that when you can see each other after seven days. Kung isang taon, matatanggap ko. Pero isang linggo?

Come on!

Hindi na sumagot si Zamiel. Bumaba ang tingin niya sa kanyang pagkain, along with that intense look. Nagkatinginan kami ni Senyora.

“Oh, my dear grandson. You think college boys would interest your wife?”

“Tsss…”

What?

“I understand. Well, Daniella is a very good looking girl. And she’s much younger than you! She’s yet to explore her limits as a woman.” Kumunot ang noo ni Senyora at bumaling muli sa akin. “Nagkaboyfriend ka na ba, hija?”

Why is this topic suddenly going here? Don’t tell me it’s true? Takot siyang maagaw ako ng college boys? Aba, syempre, mas gugustuhin ko siguro iyong college boy na walang pera pero loyal naman kesa itong maraming resources, gwapo, pero babaero.

I figured, through books and movies, that in choosing a potential life partner, the most important thing you should consider is loyalty and faithfulness. Bakit? Kung walang pera, kaya ninyong magsikap dalawa. Kung pangit, maganda naman ako. Pero kung babaero, hinding-hindi ka mapapanatag buong buhay mo. And I guess it is safe to say that everyone’s goal in this life is not success, not financial stability or freedom, and definitely not material things… it is… in a very simple form: peace of mind.

Wala kang magiging hiling araw-araw kundi ang panatag na loob at payapang pag-iisip. And having all the material things in the world without the peace of mind is the saddest story that life will ever tell. So no thanks.

“Hindi pa po?”

“Not ever?”

Umiling ako para kumpirmahin ang naunang sagot.

Zamiel’s eyes are burning my skin. His thick brows are almost in one line. Hindi ko rin siya matingnan ng maayos dahil nagiging uneasy na ako sa titig niyang ganito.

“Manliligaw, hija? I won’t believe you never had one, too! Goodness! You look better than the models on TV! Makinis ka pa. Kung sabagay, manang mana sa kay Matilda.”

“Ah, meron naman pong manliligaw.”

Napasulyap ako kay Zamiel. His look remained stationary. Para akong iniinterogate sa harap niya at kapag nagkamali ako sa pagsagot ay malalagot ako.

“Ilan?”

Umawang ang labi ko at mabilis na nag-isip kung ilan ba iyon.

“Marami!” Senyora concluded. “And I bet from good families, too.”

Pinaglaruan ko ang aking baso. Naalala ko ang mga nangyari noon, but then this is not the right time to reminisce.

“Is that what you’re afraid of, hijo?” balik ni Senyora kay Zamiel.

Humalakhak muli si Kajik. “Galit talaga tayo sa kapwa nating…” hindi nito tinuloy.

Nangiti ako dahil alam agad ni Kajik kung anong meron.

He’s a playboy and a cheater kaya galit din siya sa mga playboy at sa mga cheater. The main reason why he’s planning to always bring me with him when he goes abroad is not because he wants to be with me all the time, but because he’s scared I might cheat.

“I’m not the type who will cheat once I’m married.”

Napainom sa kopita si Senyora Domitilla habang tinititigan ako. Umigting naman ang panga ni Zamiel. Ano pang problema niya? Does he want to really dominate the whole relationship? Kawawa naman si Daniella kung ganoon.

That was always the case everyday. Nagdaan ang mga araw at ganoon parin ang eksena. Minsan, sila ni Kajik ang may dalang babae, but I don’t seem to see Kajik touching the girl he’s with. Kaya pinagpapalagay kong kaibigan niya lang ang kasama niya.

Sa umaga, naghahanap ako ng payapang pwesto. Usually, the beach is fine with me. Nagkaroon na rin ako ng beach towel para maupuan sa ilalim noong kweba tuwing nagbabasa ako o nagdodrawing.

Madalas wala ang magkapatid sa umaga at tanghalian. Nasa planta atang mga ganoong oras. Kapag hapon naman, madalas akong mag siesta. Yes. Itinuon ko diyan ang pagtulog dahil umuuwi ang magkapatid, and often times they are with girls.

Then, the night is easy. We sit in the dining area, eat together while Senyora will ask them about work.

“Ali told me you have other plans, Zamiel…” si Senyora pagkatapos ng mahabang katahimikan sa hapag. “Sigurado ka ba riyan? You know that’s a big risk.”

Nakatingin lang ako sa kanila, hindi maintindihan basta ang usapan ay patungong negosyo.

“Eto po ‘yong gusto ko. And it is worth the risk.”

“That’s so great. I just hope Ivo will think about it, too. I know you are capable of running the business but your grandfather’s mind is already made up.”

“Hindi rin po ako interesado. I won’t prove anything just by being a successor of Lolo’s business.”

Ngumiti ang matandang senyora. “Parehong pareho kayo ni Ali. Sana ganoon din mag-isip si Ivo.”

Kapag gabi, binibisita ako ni Petrina. She would bring me milk. Pinapatagal ko ang pagpanhik niya sa pamamagitan ng pakikipag-usap. Besides, I don’t talk or interact much here.

Hindi ko namalayan ang mga araw. Hindi pa nagrereply muli si Daniella sa akin kaya wala parin akong alam kung paano dapat makitungo kay Zamiel. I’ll just stick to what I know then?

Bumaba ako ng hagdanan, dala dala ang aking sketchpad at lapis. Hindi ko namalayang Sabado na pala.

Isang lalaki ang nakasalubong ko nang pababa ako ng hagdanan. Messy hair, angelic features, and a calm aura… whoa! That’s new in this mansion. Lahat ata ng binata na nakasalubong ko rito (dalawa lang naman) ay parehong may kakaibang aura. Kakaiba dahil parehong vicious at dangerous. This man in front of me is a bit different. His aura is screaming of gentleness and kindness. Ngumiti ito sa akin nang nagsalubong kami.

“You must be Daniella?” sabi ng binata.

“Yes.” Napalinga ako. Hindi nabanggit ni Petrina sa kin na may darating na isa pang Mercadejas.

“I’m Ivo,” naglahad siya ng kamay. “Kadarating ko lang galing Maynila. I’m sorry, wala ako sa engagement mo.”

“That’s okay. I was told you were busy,” nangingiti kong sinabi.

Luminga-linga si Ivo. Pareho naming nakita ang iilang pagkain na dala ng mga kasambahay. Hindi ko nga lang alam saan patungo ang mga ito.

“May konting salu-salo akong hinanda sa beach. I hope you can join us. I’m with my friends. Ipapakilala kita sa kanila.”

Tumango ako. “Sige. Thank you!”

Well, I am not very much interested with parties. Siguro ay sa pagkakabagot ko’y medyo uhaw na rin ako sa panibagong pangyayari sa araw na ito. And a party with some people is a bit new so might as well grab that opportunity, huh?

Bumaba ako sa stone path kasama si Ivo. Nang nakita ko ang mga tao sa kubo ay parang gusto ko nang bumalik sa kwarto. There were other three boys and probably more girls. Tumingala sila nang namataan kami at nakita ko ang pagkakapawi ng ngiti ng ibang babae.

“Nakababa ka rin, Daniella,” Kajik laughed at me. “Stop staying inside your room. You’ll get bored.”

“Ipakilala mo ang fiancee mo, Kajik,” pagkakamali ni Ivo.

Mas lalong natawa si Kajik at agad akong hinila para sa kanyang mga kaibigan.

“This is Daniella. Daniella, si…” binanggit niya ang mga pangalan ng mga naroon ngunit hindi rin natapos.

“She’s my fiancee, Ivo. Hindi kay Kajik,” malamig na sinabi ni Zamiel.

“Oh! I’m sorry. Hindi ko alam!” deklara ni Ivo sabay tingin sa akin.

Ngumiti ako. He looks so worried because of his mistake. “Ayos lang.”

“Kilala na siya ng mga kaibigan natin. They were all there in our engagement day.”

“Oh!” si Ivo muli na mukhang nakakaramdam na ng tensyon.

“Shall we enjoy everything instead?” isang babaeng nasa tabi ni Zamiel ang nagsalita.

The rest agreed kaya nawala rin iyon. Tinapik ako ni Ivo at muling nagsorry. I assured him na walang problema roon.

May mga pagkain doon. Ang mga kaibigan nila’y naka bikini at mukhang handang maligo sa dagat.

I suddenly regret coming here. Hindi ako makasabay sa kwento nila at sa tawanan. Mas pinili ko pang abalahin ang sarili sa pagkain para hindi na ako tanungin ng kung ano.

Some of their boy friends would look at me for a while, lalo na pag may joke. Maybe to see if I would laugh at their jokes. I would smile everytime, though. Pero hindi na rin sila nagtatangka pang higitan pa ang interaction sa eye contact. And of course, the girls… the girls are not very friendly. Hindi rin naman siguro pakikipagkaibigan ang pinunta nila rito kaya naintindihan ko iyon.

Sa isang malaking limestone sa likod lamang ng kubo ay naupo ako at pinagmasdan sila. Nakakain na ako at ngayo’y ang iilan ay tanaw na sa malayo na nagsasaya. Ivo is even with his friends swimming.

Ang magkapatid naman ay nakaupo lang sa hinandang monoblock chairs na nagkalat. Parehong may mga kasamang babae ang dalawa. Ang kaibahan lang siguro’y mariing nakatingin si Kajik sa dagat.

People who look lost at some things is a good subject. I still need improvements when it comes to portraits but I’m not bad at it.

Pinili kong subject si Kajik, for Zamiel will probably take time. Hindi ko rin alam kung bakit ko naisipang gumihit ng tao gayong kahinaan ko naman iyon.

I made a quick sketch for Kajik. Nilingon ako nito at ngumiti.

“Swimming ka! Marunong ka bang lumangoy?” tanong nito.

“Wala akong pang swimming, e. ‘Tsaka hindi rin ako marunong lumangoy.”

“Oh?” Tumuwid siya sa pagkakaupo.

Now I can’t finish my portrait dahil sa paggalaw niya. Binaba ko ang sketchpad at bahagyang umismid. Nakita niya ang reaksyon ko kaya tumayo siya at lumapit.

“Paturo ka! Pwede kitang turuan. ‘Tsaka, pwedeng ibilin mo kay Petrina na kailangan mo ng bikini,” anito sabay lapit sa akin.

“Sige, next time. Susubukan ko.”

“Kajik! Daniella! Join us!” si Ivo.

Tumagaktak ang tubig galing sa buhok ni Ivo. Kumuha siya ng tuwalya tapos ang cellphone para magtipa ng kung ano bago muli bumaling at lumapit sa amin.

“Hindi siya marunong lumangoy, e,” si Kajik.

Tumawa ako dahil sa kahihiyan.

“Pwede ka naman sa mababaw!” Ivo insisted.

“Wala akong damit.”

“We should tell the maids to buy one for you, then,” si Ivo.

Hindi ko namalayang tinitingnan na pala ni Kajik ang sketchpad ko. Binawi ko ngunit hindi ko natuloy dahil inilayo niya iyon sa akin. Ngayon pati si Ivo ay kuryoso na sa naroon.

“Oh wow! You’re so good!” si Kajik, medyo mangha.

“This is Kajik, huh?” puna ni Ivo.

Uminit ang pisngi ko. Baka isipin ng dalawa na may gusto ako kay Kajik. Wala! I just want to practice portrait and that’s it!

Ngumisi si Ivo. Bakas sa kanyang mata ang dami ng iniisip. Si Kajik naman ay panay parin ang tingin sa sketch na nasa kanya parin.

“Akin na! Nakakahiya! Nagpapractice akong magportrait, e. Kahinaan ko kasi,” sabi ko.

“Zamiel? Where are you going?”

Pansamantalang nawala ang tingin nila sa aking gawa dahil sa biglaang pagtayo at pag-alis ni Zamiel sa grupo. He went directly straight to the stone stairs and then he disappeared. Hinabol siya ng kasamang babae (na hindi na si Bethany).

Hilaw akong ngumiti nang napatingin muli ang dalawa sa akin.

“Ako naman! Ako naman!” sabi ni Ivo sabay porma.

Tumawa si Kajik. “Tapusin mo muna ‘yong akin. Daya mo, Ivo!”

Nagtawanan kami roon. Akala ko’y may mapapansing kakaiba ang dalawa sa pag-alis ni Zamiel pero nang nakitang kong normal lang ang tungo nila ay wala naman siguro. Kahit pa noong bumalik na ang busangot na babae sa kubo ay wala ring nasabi ang dalawa.

“Si Zamiel?” tanong ng isa pang babae na kanina ay naliligo ng dagat.

Nagkibit ng balikat si Kajik at pinasadahan ng tingin ang mga bagong pagkaing hinanda.

I made a new sketch for Ivo. Hindi na rin masama. Nakapagpractice pa ako sa pagguhit.

Lumipas ang isa at kalahating oras ay hindi parin bumalik si Zamiel. Nakaligo na ang lahat at ginawa na akong tagabantay sa maaaring dumapo o kumain sa mga pagkain sa mesa, hindi parin siya bumalik.

Bumalik si Kajik sa mesa nang nakitang may bagong pagkaing hinanda ang isa sa mga kasambahay.

“Si Kuya, Wen? Nasaan?”

“Ay nasa kuwadra, po. Nagpapaligo ng kabayo.”

“Huh?” Tumawa si Kajik. “E, may party kami rito tapos nandoon siya?”

Nagkibit ng balikat ang kasambahay at tumulak na.

Ngumuso ako at nagpatuloy sa pag-upo roon hanggang sa unti-unti na silang umahon. Hindi naman gaanong mainit pero bakas parin sa mga mukha nila ang pamumula. Huminga ako ng malalim nang nakitang may inumin nang hinanda.

“Ikaw, Daniella?” sabay bigay sa akin ni Ivo.

Umiling ako. “Hindi ako umiinom, e.”

“Oh? You haven’t tried even a bit?”

Umiling muli ako. Pero hindi ko maipagkakaila, medyo kuryoso rin ako roon. Hindi ko nasusubukan dahil wala akong panahon para mag aksaya ng pera para diyan. Hindi rin naman ako pinapainom ni Tita Matilda kung sa bahay kahit maraming wine.

“I’m surprised!? Even wine?”

“Wala pa…” sabay ngiti ko.

Nagsalin si Kajik ng inumin sa kanyang baso. He mixed it with an orange juice. Nagulat ako nang lumapit siya.

“Try this for beginners. Don’t worry. Isa lang para hindi ka masobrahan. Eighteen ka na, hindi ka pa nakakatikim nito? What about your debut? Did you have any? Kahit wine? Baka nakalimutan mo lang?” pagtataka nito.

Tinanggap ko ang inumin. Pilit kong inalala ang debut ni Daniella. Nag-inuman nga sila noon! Shit! Pero ako… bilang si Ace, hindi pa.

“Uh, no.”

Mahirap magsinungaling sa hindi ko pa nararanasan kaya mas mabuting sundin ko ang alam ko… o ang hindi ko alam.

“Masarap ba ‘to?” pagdududa ko.

Tumango si Kajik. “Oo! Subukan mo!”

It’s true, alright. Pero sa huli, pagkalunok ko ng lahat, may mainit na sensasyon sa aking lalamunan hanggang sa aking tiyan. It is slowly taking over my senses… my arms… my hand… and my head. But overall, I am still okay.

Tumawa si Kajik. Kumunot naman ang noo ni Ivo.

“You immediately blushed!” si Kajik.

“It’s her first time. That’s enough,” si Ivo.

“I know. I’m just letting her drink one.”

Tawanan at kwentuhan ang ginawa nila. Sa huli ay sumuko ako at nagpasyang magpahinga. Medyo malakas ata ang alak o talagang ganoon katindi kapag unang beses makainom. I feel a bit warm inside… and my head is fuzzy.

“Mauna na ako sa inyo,” sabi ko nang sa wakas ay nagkaroon ng tyempo.

Pumayag naman sila. Kajik is teasing me. Lasing na raw ako na agad kong pinabulaanan. Sinabi ko lang na ibabalik ko ang sketchpad at siguro’y mag si-siesta saglit.

Hiningal ako pagkaakyat sa stone stairs. Pakiramdam ko ay may kinalaman ang alak sa pawis at medyo uneasy kong feeling. Umikot ako at dumiretso sa bulwagan.

Naroon nga si Zamiel sa kuwadra at nagpapakain ng kabayo kasama ang isang tagapangalaga. Nagtama ang tingin namin bago ako lumiko. He looks angry. Oh well, kailan ba siya hindi nagmukhang galit at nakakatakot? Milagro kapag dumating ang araw noon.

Lumiko ako at dumiretso sa kusina para makainom ng tubig bago umakyat. I can always call for Petrina but I’m not used to a life with a maiden so I can do it myself.

Walang tao sa malawak na kusina. Kumuha ako ng baso at naghanap ng dispenser para makainom. Kasali pa ang pag-iisip ng milagrong araw kung kailan magmumukhang maamo si Zamiel Mercadejas. Naku! Puputi ang uwak kung sakali.

“Nakainom ka?”

Kamuntik ko nang nabitiwan ang baso ko sa gulat. Si Zamiel ay nasa malayong likod ko nang nagsalita. Napahawak ako sa dibdib sa kaba.

“Nakakagulat ka naman-“

“Nagtatanong ako kung uminom ka ba?” he demanded an immediate answer that I’m suddenly pissed.

Nakakainis talaga ang lalaking ito! Sino ba siya sa akala niya para makapagsalita ng ganito? Para makapagtanong at demand ng ganito?

I am not a rude person but when someone is rude, I can’t help but mirror the attitude.

“Anong problema mo?” medyo nataasan ko ang boses ko. Hindi ko alam kung dahil sa alak o talagang napupuno na ako sa isang ito.

Lumipad ang mata niya sa sketchpad na nailagay ko sa nook malapit sa kanya. I saw him lick his lips. Mas nadepina ang pamumula nito dahil sa ginawa. He tilted his head giving me a good look at his corded neck and angled jaw.

His hair is falling a bit on his forehead, tanda na medyo nag overwork siya kanina sa mga kabayo.

“Nagtatanong ako kung uminom ka ba?” malamig at marahan niyang tanong.

“Ano naman ngayon kung Oo? Sino ka ba para kwestyunin iyan?”

Kitang-kita ko ang galit sa kanya. Agad akong nagsisi sa sinabi lalo na nang lumapit siya sa akin. Malalaking hakbang ang iginawad niya sa marmol na sahig para lang mabilis siyang makalapit. Sa takot ko, akala ko’y sasaktan niya ako. My heart thumped so fast that I thought my ribcage would break apart.

“Ako ang mapapangasawa mo, kung hindi mo alam! Ngayon nagtatanong ako sa’yo dahil responsibilidad kita simula noong idineklara tayong dalawa!”

Oh this hypocrite?

“Hindi pa tayo kasal! And oh, shut up! You’re not actually doing this because I’m your responsibility! You’re doing this for yourself! For your ego! Ano? Ano?” hamon ko with matching facial expression ng naghahamon. “Naaapakan ba? Naapakan, Zamiel?”

I saw him inhale so deep I though he’d explode.

“You are my future wife! I will not tolerate this kind of attitude from you!”

Wow!

Really. Wow!

You have exceeded my expectations, Zamiel Mercadejas!

You are not just a hypocrite. You are also demanding and manipulative. I pity Daniella so much. Buti na lang pinili niya ang boyfriend niya ngayon.

“And you are my future husband! If I say I cannot tolerate this kind of attitude from you, what are you going to do? Huh?”

Nalaglag ang kanyang panga. Napatingin ako sa kanyang labi. Unti-unti niyang inigting ang bagang habang ganoon ang itsura. And I’ve never seen him more vicious than right now. Nanliit ako kaya hindi ko alam kung anong pwersa ang nagpapatayo pa sa akin sa harap niya. Maybe it’s the alcohol. Totoo siguro pala ang sinabi nilang nakakalakas daw ng loob ang alak.

“Anong ibig mong sabihin? Mas gugustuhin mong makasal sa iba, kung ganoon?” marahan niyang sinabi.

“Oo! Mas gugustuhin ko! Ivo and Kajik are better men. Kajik is better than you! I like him better! I’d rather have him as my husband than you!”

A punch right through the granite nook made me tremble. Kumalabog ang buong kusina at napapikit ako sa takot.

Nang dumilat ako’y nakalayo na siya. Mabilis ang lakad niya palayo sa kusina kaya nilubos-lubos ko na ang lahat.

“Hindi ako nagrereklamo sa mga babae mo kaya wala kang karapatang mag reklamo sa mga ginagawa ko. Kung sinabi kong tumigil ka sa pambababae, gagawin mo? Huwag kang magmalinis, ipokrito ka rin, e! Kapag ako hindi pwede, ikaw pwede? Wala akong pake sa’yo kaya wala ka rin dapat na pake sa akin!” I screamed at the top of my lungs kahit pa nakaalis na siya ng kusina to God knows where.

Hiningal ako pagkatapos na magsalita. Pumikit ng mariin at sinapo agad ang aking noo. Goodness! What was that!? But damn, it feels so good to finally say it.

“A-Anong nangyari, Ma’am Daniella?” bungad ng nanginginig na si Petrina.

Lumabas din ang iilang kasambahay kasama ang mayordomang si Mercedita. The lady looked at all the housemaids. Ngumiwi ako at yumuko.

“Pasensya na po,” sabi ko.

Tumango ang mayordoma sa akin. “Maayos sana ito, bago makarating sa Senyora.”

“Pasensya na po talaga…” ulit ko.

Tiningnan niya ang sadya kong tubig na hindi ko halos nainom bago niya inutusan si Petrina na ihatid ako sa kwarto kasama ang isang pitsel ng tubig.

At bago pa ako nakaakyat ay narinig ko na ang marahas na pagsakay ni Zamiel sa kabayo paalis ng mansyon. Tumingin si Petrina sa akin.

“N-Nakakatakot p-pala magalit si Sir.”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1413

2 Responses to What Lies Beneath The Sand – Kabanata 2

  1. Heya i am for the first time here. I came across this board and I find It really useful & it helped me out much. I hope to give something back and aid others like you aided me.
    science