What Lies Beneath The Sand – Kabanata 19

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath The Sand – Kabanata 19

Kabanata 19
Agreed

He is the youngest of the bunch. Napatingin tuloy ang mga nakakatanda sa kanya ngunit kitang hindi nagulat na may kilala siya.

“Mr. S-Samaniego?” nauutal kong sinabi.
“Nasa Manila ka? Dito ka nagtatrabaho?” nag-uunahan ang mga tanong ni Caleb Samaniego sa akin.

Binaba ko ang order form para tuluyan nang makipag-usap sa kanya.

“Manager po kasi ang Tita ko rito, uh…” Pinasadahan ko ng tingin ang mga kasamahan niyang tahimik naman at hindi nanunukso.

Uminit ang pisngi ko nang narealize ang uniporme ko para sa gabing iyon. We are sailors for that night. Not just simple sailors, but of course the sexy sailors. Mistulang cosplay ng isang hentai na palabas ang aming itsura. But then again, this is my job.

“Teka lang. Nagulat ako. Ilang buwan ka na rito? Bakit hindi ka nagpunta ng opisina?”

Tumayo si Mr. Samaniego. Tumabi ang mga kaibigan niya. Naupo siya sa dulong gilid para mas mabilis akong maabot. Kinabahan ako. We are allowed to talk to the clients only when we permit them to talk to us. Kapag magreklamo, ‘tsaka lang aaksyon ang mga bouncers.

“Uh, isang linggo pa lang po ako rito sa Manila. Hindi ko kasi alam kung anong sasakyan patungo roon.”

Shit! Our first meeting place here in Manila is inside the unfortunate place. I expected it inside his HR’s office or something. Masyado talaga akong matayog kung mag expect!

A bark of laughter escaped from his mouth. Napangisi rin ako kahit pa nakakaasiwa na na rito kami nagkita. May sumasayaw pang hubo’t hubad sa harap.

“I can drive you to our office. When are you available?”

Namilog ang mga mata ko. Ang posibilidad na makuha ako sa kompanya nila at makaalis dito ay naaaninag ko na.

“Uh, D-Day off ko po bukas. Pero nakakahiya, Sir.”

Tinapik ni Mr. Samaniego ang gilid ng kanyang upuan. Agaran akong umupo roon para makausap ko siya ng maayos.

“It’s okay. Totoong namangha ako sa gawa mo. Even my cousin likes your work so it is only right to present you to him. Anyway, I’m serious, Ms. Zaldua.”

Ngumiti ako. Nakakahiya pero minsan talaga kailangan isantabi iyon para lang makaahon sa buhay.

“Sige po, Sir. Kaso lang, wala pa po akong mga papeles. Kagagraduate ko lang at hindi pa marerelease ang mga documents. I’m also not an Architect-”
“That’s fine. The skill is what I like. Kung ako ang papipiliin, I will hire you in our company but I’m not the only one who’s going to decide that. Siguro kung ipapakilala kita sa ibang magdedesisyon noon, we can convince them.”
Tumango ako.
“I’ll get your number so we can talk more about it.” Pinasadahan niya ng tingin ang paligid. “And not here, at least.”
“Sige, po.”

Ibinigay ko ang numero ko sa kanya pagkatapos ay tumayo na. Bago ko kinuha ang order nila ay may pahabol pa ako.

“Kapag po ba pupunta ako roon, anong susuotin ko?” tanong ko.
Nanliit ang mga mata niya at tumingin agad sa damit ko. Nahiya tuloy ako. Kailangan ko kasi ng impormasyon. Ayon sa undergrad studies, may mga dapat suotin sa interviews kaya inisip kong mag dress or mag corporate attire.
“You may wear something fashionable. Dress and heels? My cousin likes fashionable women. Mas magbibigay ka ng magandang impresyon sa kanya kung magustuhan niya ang suot mo.”
“Sige po, Mr. Samaniego.”

He smiled and turned to his friends. Nagtanong siya kung may-oorderin ba kaya siya natukso.

“Akala ko kailangan na nating magtawag ulit ng ibang waitress, e,” anito.
“No, sir. I can do the job. I’m sorry for the delay.”

The man’s eyes lingered on me. I can sense something else. Sabihin na lang nating sa ilang araw ko rito, mabilis akong natuto kung paano masasabing may ibang sadya ang isang tao sa akin.

“How much is your service for the whole night?” tanong noon.
I smiled professionally. Halos nasamid si Mr. Samaniego sa narinig.
“We have entertainers if that’s what you want, Sir. Magtatawag po ako para makita n’yo.”
“I’d like you,” he insisted.
“Pare,” Mr. Samaniego interrupted.

Tumawa ang katabi dahil sa matalim na titig ni Mr. Samaniego. He shrugged and then shook his head.

“I’m kidding, Caleb. I’m sorry, Miss.”

Tipid akong ngumiti at tinalikuran na ang lamesa nila. Kung hindi ko lang kilala si Mr. Samaniego ay kanina ko pa iniwan ang table na iyon.

So for the whole night, I served their table. May mga piniling entertainers at may mga specific type ang mga ito. Ang sabi ni Violet, may dalawa sa grupo nila ang regular dito. Meaning, hindi sila narito para sa isang bachelor’s party or whatnot. They’re here because it is a hobby.

“Hindi ako makapaniwala,” sabi ko kay Violet noong nanatili na kami sa counter para mag-abang ng magtatawag.

Ang ibang waitress ay abala sa kani kanilang mga table. Katatapos ko lang magserve sa isa pang table na nakatoka sa akin.

“I never thought I’d see that man here,” wala sa sarili kong sinabi.

Wala akong alam sa mga iniisip ng mga lalaki. Paano pa ng mga katulad nilang abala sa mga negosyo at kung anu-ano pa. Pero ang pang-unawa ko sa mga taong nagpupunta rito ay ang mga taong naghahanap ng panandaliang aliw. I don’t want to judge but my respect is a bit indented for the men who pay for such things.

“Hmm. Kilala mo?” si Violet.
“He will be my boss if I get hired in their company.”
“Hindi mo talaga masasabi, Ace. Even the most dignified men come here. Even the men you least expect…” naalala ko ang sinabi ni Auntie Tamara sa sinabi ni Violet. “Alin ba d’yan?”
“The one with the white long sleeve polo,” sabay tingin ko sa kanilang sofa.
“Ah. I don’t think he’s a regular here, though. Baka unang punta niya rito. Iilang kasama niya lang ang madalas. Baka nagkayayaan. Bakit? Bumaba ba ang tingin mo sa magiging boss mo sa pagpunta niya rito?”

Hindi ko rin alam kung bakit ganoon. Nagkibit na lang ako ng balikat. Maybe I should change my perception. Besides, I work here. Dapat nga si Mr. Samaniego ang makaramdam ng ganoon sa akin. Bakit dito ka nagtatrabaho? Are you an entertainer? An escort? And would he believe if I say no? Pinagkamali pa nga ako ng kaibigan niya bilang isang trabahanteng pwedeng itable?

“Hindi,” sagot ko kay Violet sabay tingin.

She smiled and shot a brow up.

“You learn fast.” Iginala nito ang mga mata sa aking katawan. “You are prettier than the escorts of Miss Tamara. Hindi ka ba papasok doon?”
Umiling ako. That’s a ridiculous question.
“You’d make a great deal of money. All you have to do is be a companion with the clients. Para sa meetings, conventions, isang gabi, o isang linggo, depende sa pinagkasunduan.”
“Bakit lahat kayo parang nangungumbinsi sa akin na gawin iyan? I’m not up for it, Violet.”
“Bakit? Virgin ka pa?” mapaglaro ang ngiti sa kanyang labi.

Hindi ako sumagot. Nakita ko na lamang ang panlalaki ng mga mata niya at pagbilog ng labi.

“Virgin ka pa!?” napalakas ang sigaw niya.

Nakita ko ang paglingon ng malapit na mesa sa amin. The men eyed me curiously. Kalaunan ay nahaluan na iyon ng makamundong pagnanasa. May nakita akong umiinom sa kanyang baso, may kandong na entertainer, pero sa akin ang malagkit na mga mata.

She smirked when she realized what she did. Umiling ako at nagpaalam na papasok muna sa loob at magpapalamig.

“Tubo lang, Tamara? Hindi sapat ito!” narinig kong sinabi ng kausap ni Auntie sa madilim na pasilyo malapit sa opisina.

Tumigil ako sa paglalakad para tingnan sila. Nakatalikod ang babaeng kausap ni Auntie. Kita naman sa mukha ni Auntie ang pagkakadismaya at pagsusumamo.

“Magagawan ko ng paraan ‘yan, Letty. Bigyan mo lang ako ng panahon,” si Auntie.
“Sana nga. Sayang at pinagkatiwalaan kita ng ilang taon, mauuwi lang lahat sa ganito.”

The old woman walked out. Pumikit si Auntie at yumuko. Ilang sandali siyang nanatiling ganoon bago pumasok sa kanyang opisina.

Natapos ang gabing iyon at wala na akong inisip kundi ang kinabukasan. Mr. Samaniego texted me early in the morning. Ilang oras lang yata ang tulog ko noon pero determinado parin akong magising at tugunan ang mensahe.

Caleb Samaniego:
Just tell me where I will pick you up. We can go to the office at 1pm.

Sinabi ko sa kanya ang aking address. Pagkatapos noon ay nagluto na at kumain. Naligo ako at namili ng damit ni Auntie Tamara.

Kagabi kasi noong sinabi ko sa kanya ang tungkol sa nangyari, inalok niya ako ng damit. She’s still sleeping right now and she’s given me the permission to go inside her room and open her closet.

Namili ako ng mga damit. Wala siyang corporate attire at puro dresses lang ang naroon. Magaganda iyon at mukhang mga mamahalin ang iba. Hindi ko na inisip pa kung saan galing ang mga iyon basta’t namili na ako roon.

“Try the light pink,” narinig kong napapaos na boses ni Auntie Tamara galing sa kanyang kama.

Nilingon ko siya at nakita kong nakapikit pa ang isa niyang mata. I smiled.

“Nakapagluto na po ako, Auntie. Kumain ka na rin, po,” sabi ko.
She groaned and went back to sleep.

Pinasok ko ang isang dark blue dress sa kanyang closet at kinuha ang ayon sa kanyang babagay sa akin. It is a lacy light pink dress. Konserbatibong tingnan lalo na’t long sleeves at ang neckline ay sa disenyong hollow out. Ang tupi sa leeg, cuffs, waistline, at skirt nito ay mayroong karagdagang eleganteng disenyo sa parehong kulay.

Pinulot ko rin ang isang simpleng beige na stilletos na tingin ko’y babagay roon bago umalis sa kwarto ni Auntie.

Hindi ko maalala kung kailan ako huling nag-ayos na inabot ng ilang oras. Hindi naman bongga. My hair is down with the clips on both sides, I added a round and elegant earring, at hiniram ko na rin ang isang clutch para bumagay.

Saktong alas dose y media ay natapos na ako. I was also pleased to receive Mr. Samaniego’s message by that time.

Caleb Samaniego:
I am now parking below your apartment.

Ngumiti ako at lumabas na sa apartment. Nakita ko kaagad ang isang puting sasakyan sa baba na kapaparking lang.

Bumaba ako at dumiretso na roon. Bago niya ako pinagbuksan ng pintuan ay ilang saglit na nanatili ang mga mata niya sa akin. Ngumisi ako nang nakitaan ko siya ng pagkamangha.

“Wow. You clean up nicely,” he said. “Not that you aren’t beautiful even with simple clothes…”
Ngumiti ako. “Thank you, Sir. Gusto ko lang talaga na pagbutihan para matanggap ako sa trabaho.”

He smiled and held the door open for me. Sa byahe ay masarap kausap si Mr. Samaniego. Bukod sa marami siyang topic tungkol sa trabaho, narealize kong concern din talaga siya sa pagkakapasok ko roon.

“Just call me Caleb. Huwag nang Mr. Samaniego,” aniya.

Hindi ko maitatanggi na may appeal si Caleb Samaniego. He’s the usual city boy rich, reminding me of Ashton. I wonder where he is now, though.

Maputi ito at may mapupulang labi. He is tall. His hair cut is clean and his eyes bold and doe.

“I really like your works. Ipinakita ko na sa pinsan ko ang portfolio mo noon at nagsave na rin ako ng ganoong copy para sa meeting n’yo ngayon,” anito.
Tumango ako.
“I just hope he agrees with me. We don’t always agree with each other so, baka mahirapan tayo. Sana lang, maintindihan niya ang sinasabi ko.”
“Siya ba ang HR?” inosente kong tanong.
“No. He’s the Chief Executive Officer of our company.”
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. “I’m sorry… Akala ko…” Mas lalo akong kinabahan.
Ngumisi siya. “Huwag kang mag-alala.”

He parked his car in the basement of a very tall building. Pumasok kami sa lobby at agaran kong nakita ang napakaraming abalang mga tao na papasok at palabas sa building. Napatingin pa nga ang ibang nag-uusap sa amin. Kinabahan agad ako. Mabuti na lang at iginiya ako ni Mr. Samaniego sa daraanan.

Hinawakan niya ang baywang ko, I did not mind. I sensed he only wants to guide me where I should go.

Pumasok kami sa elevator at may iilang mga mata akong nakitang nagulat.

“Good morning, Sir Caleb,” bati ng iilang nandoon.
“Morning,” sabi niya at pumasok na kami.

Hindi ko maalala kung saang palapag iyon pero alam kong nasa pinakamataas. Iilan pa kasing stop ng elevator para sa pagpasok ng iilang empleyado. Iilan din ang bumati kay Mr. Samaniego sabay tingin sa akin.

Nang nasa tamang palapag na kami ay binati ulit kami ng iilan pang abalang empleyado. They are busy but it seems like they have time to watch and talk about us. Binalewala ko na lang iyon at sumunod na sa isang puting double doors kung saan ang opisina ng CEO.

Kabado ako pero hindi ko ipinapakita iyon sa aking mukha. Pagkapasok ay nakita ko agad ang dalawang naka itim na pigura sa magkabilang gilid ng isang maputi at pakahong lamesa. The CEO is sitting directly at the ray of the sun making him like some god to me.

“Amer,” paunang sabi ni Mr. Samaniego bago umikot ang swivel chair para makita kami.

Naka all black ang isang payat na lalaki sa kanyang swivel chair. The make up on his face revealed so much of his gender and choice. When he smiled, I realize that this won’t be easy.

“This is Ms. Zaldua. I trust you’ve read her portfolio that’s on your table right now?”
“Yes, yes, Caleb.”

Tumayo ang CEO at naglakad patungo sa harap ng kanyang lamesa. Humilig siya roon at humalukipkip.

“I know you can tell that she has talent. Ang problema lang ay hindi siya qualified sa gusto mo. She’s not an architect.”
“Let her speak,” utos nito sabay tingin sa akin.

Ngumiti ako. Parang tambol na ang puso sa sobrang kaba.

“My name is Astherielle Seraphine Zaldua. I’m from Sta. Ana, Cagayan Valley-”
“You graudated Industrial Technology? Anong magagawa ng kurso mo sa kompanya ko?” tanong niya.
“She knows woodworking and she’s good at designing, can’t you see?” putol ni Mr. Samaniego.
“Caleb, I want my designers with the degree. Kaya hindi ko siya maipapasok sa gusto mo. Go on…” utos sa akin.
“I major in drafting, po. Nakapagtrabaho rin po ako sa maliit na furniture shop sa Sta. Ana. Alam kong hindi po ako Architect. It saddens me that I couldn’t really take my dream course. I wanted to become one. Sa hirap ng buhay, hindi ko po naabot iyon. Nevertheless, I am happy with what I have achieved so far. Papangarapin ko parin po ang trabahong iyon pero sa ngayon, kahit anong trabaho na related sa course ko ay ayos na po sa akin.”

Nakatingin siya sa dress ko ngayon. Mr. Samaniego snorted.

“Hire her on the Architect’s guild, Amer.”
“Narinig mo ba? Ayos lang sa kanya ang-”
“You made our good architects go! Sa ating kalaban! At ngayon wala kang gagawin? Hindi ka maghahanap ng pamalit na alam mong may talent din? What the hell, Amer? Have you seen your achitect’s designs? The materials?” tumaas ang boses ni Mr. Samaniego.

Hindi na ako nagsalita. May away yata sa pagitan ng dalawa.

“It doesn’t matter-”
“What the hell? We are losing this competition.”
“You are imagining things, Caleb!” giit ng CEO.
“We used to be the greatest of this field and now you let others shine? Someone who is new to this? Damn you!”
“They deserve it. It was managed very well,” puri ng CEO sa kung ano.
“Ano? Nagagwapuhan ka kaya mo hinahayaan? You know that company cheated on us! Pero sino pa ang magtataka roon, hindi ba? Alam natin ang kakayahan niya at ikaw mismo, hinayaan lang!”
“We are still the number one, Caleb! Stop it!”
“You know the dirty tricks of the other company. Offering our good architects…” umiling si Mr. Samaniego.
“Hayaan mo na,” marahang sinabi ng CEO.
“Hayaan? Can’t you feel the competition? Kaya ka dapat bumaba sa lugar mo, e. Puro iyan ang pinapairal mo.”
“We are still the best of our field, Caleb! Hindi mo kasi naiintindihan na walang kompetisyong nagaganap. I let them take our good architects because their designs don’t match our vision! Do you know our vision? It is to provide quality furniture to the poor and the marginalized!”

I am awkwardly standing in front of them. Sinusubukan kong huwag magparamdam ni hinga dahil baka mamaya ay ako naman ang awayin nila.

“That means, I have to have architects who knows our vision. Who creates crafts that are nice BUT made of local inexpensive materials! Iyon ‘yon, Caleb. Iyon ang ‘di mo maintindihan.”
“Tinanggihan tayo ng napakaraming mga hotelier dahil diyan!”
“Oo! Dahil sino ba ang mga hotel na iyon? The five stars hotel? Amans? Zariyah Leviste? My God! They want the premium, exported iron woods for even just the mere door of their hotel rooms! Kaya hindi talaga nila tayo pipiliin dahil ang target market natin ay ang masang Pilipino at ang mga four star hotels below who cannot afford our competitors mark!”

Kitang kita ko ang disappoinment sa itsura ni Mr. Samaniego. Umiling siya at tumigil na sa pakikipagtalo.

“I have seen her designs and all of it is pretty.” Ngumiti sa akin ang CEO. Tumango naman ako. “Intricate and very difficult. Isang bagay na tingin ko’y mabibili talaga ng mga malalaking hotel. Kaya lang, kung gusto mong pumasok sa amin, kailangan mong matutong magdisenyo ng maganda pero simple. Iyon ding lokal ang materyal na gagamitin. So we can mass produce the furniture.”

Tumango ako at naintindihan na baka ang tinutukoy ni Mr. Samaniego na kompanya ay gumagawa ng mga mamahaling furniture na export quality at kung anu-ano pa.

“So you can be an apprentice to my Architects. May I see your documents?”

Napatingin ako kay Mr. Samaniego. Huminga ito ng malalim bago nagsalita.

“Kukunin ko pa po dahil hindi pa narerelease,” sagot ko.
“Ay. Kagagraduate mo lang?” nanlaki ang mga mata ng CEO.
Tumango ako. Tumingin siya kay Mr. Samaniego.
“I need her documents. I have to wait until we have it before hiring her. We have to abide and respect the rules of the company no matter how much I want to hire her, Caleb.”

Tumango ako dahil naiintindihan ko talaga iyon. This is already more than enough for me. Ang malaman na may isang kompanya na willing akong kunin at ihire, ayos na sa akin. Tumango rin pabalik sa akin ang CEO pahiwatig ng pagkakasundo namin.

“You know what, Caleb. Their company is very good. They don’t see us as their competitors. Premium class exports ang ginagawa nila. They did not pirate our Architects-”
“Tss. They did. Alam kong mandaraya talaga ang mga iyan. You know their history.”
“Bahala ka kung ano ang isipin mo.”

Bumaling sa akin ang CEO. Ngumiti siya.

“You are hired once you give me your credentials. I hope it will be soon.”

Hinintay ko si Mr. Samaniego sa labas ng opisina. Kinailangan kasi nilang mag-usap noong pinsan niyang CEO bago lumabas. Niyaya rin ako ni Mr. Samaniego na kumain kami sa labas bilang celebration para sa pagkakahire ko kahit hindi sa posisyong gusto niya.

Sumang-ayon naman ako roon. Kaya nang lumabas siya ay tumayo na agad ako sa upuan para salubungin niya.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o ano pero pinagtitinginan talaga kami ng mga empleyado ng building na iyon. Mabuti na lang at patapos na at paalis na rin kami.

“Hindi talaga ako maalam sa mga restaurants kaya ikaw na ang bahala, Sir,” sabi ko.
“Stop calling me that. Just Caleb, Ms. Zaldua.”
“Then stop calling me Miss Zaldua, too. Just Ace.”

Pinagtawanan na lang namin ang nangyari noon. He explained to me what happened between the two companies. I felt bad for their company actually.

“Palihim na hinikayat ng kakumpetisyon ang mga magaling na architects namin kaya lumipat.”
“Ang pangit naman kapag ganyan. Hindi ba pwedeng mag-antay na lang ang kabilang kompanya ng mag-aapply din sa kanila na architect?” sabi ko.
“Kaya nga. Hinayaan lang ni Amer. That’s the reason why I sometimes disagree with his choices. Sa mga meetings, kapag ang kausap ay nagugustuhan niya. You know, gwapo, matipuno, at kung anu-ano pa. Ngingiti lang iyon at sasan-ayon agad!” giit niya.
“But you have a say, right?”
“Yes, I have. I am the Chairman of the Board. But it’s just frustrating to have to deal with these problems just because he’s attracted to the competitors.”
“Baka may relasyon sila?” usisa ko.
Humagalpak si Caleb ng tawa. “Wala. Kapag lang nagu-gwapuhan siya. Kahit na sino, actually. Kung competitor niya ako, naisahan ko na siya,” nagyayabang niyang sinabi.
Tumango ako at tumawa.
“See? I even got you!”

We both laughed the whole ride to an expensive fine dining restaurant. Pagkapasok pa lang ay napawi na ang ngiti ko nang nakita ang isang pamilyar na mukha.

A dark handsome man with a light stubble and in his tux is looking at me. May dalawang lalaking nakasunod sa kanya na tingin ko’y bodyguards. His intense eyes bore into me like I am in debt of him or something. Yumuko agad ako at nagpasalamat na lumiko si Caleb para sa naka reserve na lamesa sa aming dalawa.

Raoul Riego, that’s what I remember. Hindi ko na masyadong maintindihan ang mga sinasabi ni Caleb dahil sa kaba ko. I imagine Zamiel walking in front of me. Paano kung siya iyon?

Sa huli, nakabawi ako at inisip na hindi naman siya at paniguradog wala na kaming pananagutan sa isa’t-isa. I have paid for my sins and that’s it. I did not enjoy the expected money and I have suffered financially for years.

Nilingon ko kung nasaan siya kanina at hindi ko na ito nakita. Siguro naman, hindi na niya ako naalala, hindi ba?

Hinatid ako ni Caleb sa apartment pagkatapos kumain at nag-inuman ng wine pagkatapos ng araw na iyon. Nagpasalamat ako sa kanya, sa tulong niya at inalok niya agad ako na lumabas kami minsan ulit. I assured him I will make time for him and said goodbye.

Nakatulog ako sa araw na iyon sa kaisipang puno ng pag-asa. I imagine myself resigning on the club and starting to work under the Samaniegos. Ang saya siguro kapag ganoon na, hindi ba? Kailangan nang ma release ang documents ko! Excited na ako.

Sa sumunod na gabi ay duty ko ulit. Nakapagpahinga na ako ng mabuti at energized na energized ang pakiramdam dahil sa pagkakakuha ng trabaho sa mga Samaniego.

“Ace,” si Violet pagkatapos kong magserve ng isang inumin sa aking lamesa.
“Yes, captain?” ganado kong sinabi.
“Pinatawag ka ni Miss Tamara sa opisina niya.”
“Okay…”

Dumiretso na ako sa opisina ni Auntie. Sa bawat salaming nadadaanan ay nakikita ko ang New York Bunny attire namin sa gabing iyon. Pumasok ako at naabutan si Auntie na naninigarilyo at nag-aabang sa akin.

“Pinatawag mo raw po ako, Auntie?” sabi ko at sinarado ang pinto.
Tumango siya at humithit muli sa kanyang sigarilyo.
“Anong meron, po?”
“Ace…” she trailed off.

Nilingon ko ang salamin at tiningnang muli ang sarili.

“I got you a big job.”

Kunot noo ko siyang nilingon.

“I’m sorry.”
“Anong job? Na hire ako sa Samaniego, Auntie. Ano po ‘yan?” concern kong tanong.
“No. This isn’t a regular job. I mean… the…” ngumiwi siya at binuhay ang kanyang tablet para ipakita sa akin ang aking picture.

It’s a picture taken from my graduation ball just this year. Naka spaghetti strap ako na dark blue dress. Nakalugay ang aking buhok at may kulot-kulot sa dulo. I have light make up for the ball. I wonder why she is showing me this.

“Escort job,” dagdag niya.
“Escort job! Bakit? Escort ba ako?” naguguluhan kong tanong.
“I’m so sorry, Ace. Kahapon kasi, may natanggap akong tawag na naghahanap ng escort.”

Shit. Ano ‘to? Go on, Auntie. What the hell!

“I showed the website. Pero you know, may specific na hinahanap.”
“Tapos?” kabado kong tanong.
“So I brainstormed. Offered our highest paid escorts. And even tried the new ones. Nakapag recruit pa ako ng marami pero wala talagang napili.”

Hindi ako nakapagsalita pa. I am so nervous that I lost the words. Pakiramdam ko alam ko na kung ano ang sasabihin ni Auntie.

“Even the fresh faces did not pass the standards. Ang hirap kasing tanggihan, Ace. Malaki ang ibabayad, e.”

Pakiramdam ko nag-ugat ako sa sahig.

“Kaya lang inisip ko walang makakapasa na escort namin. Tinawanan ko na lang. Kahit mga artista at sikat na modelo, ayaw. Iyong madalas na mamahalin, ayaw. So for fun… I kind of sent your picture and…”
“And?!”
“He wants you.”
“Auntie!” sigaw ko.
“I know, Ace. I’m sorry…” nanginginig na sinabi ni Auntie. “I refused, of course. Kailangan natin ng pera pero alam kong ayaw mo kaya inayawan ko rin. But he insisted and offered me eight figures for you, Ace. And do you know that the biggest offer ever is just six figures?”
“At dapat ba masaya ako dahil diyan, Auntie?! Binugaw mo ako!”
“Ace! Hindi!”

Sa galit at paninibugho ay nahampas ko ang mesa ni Auntie. Hindi ako kailanman nagalit sa kanya at ayaw kong maging bastos pero sa ngayon, hindi ko na napigilan.

I remember my father. I remember why he never trusted her. I remember why he chose Tita Matilda as my guardian. Tama siya? Shit!

“Ace, marami akong utang at ayaw mo sa trabaho rito. Give your services and you won’t have to come here everynight. I would even stop if that happens!”

Fuck!

“Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Auntie!? You want me to spend time with a stranger for the eight figures you are talking about!? Ako? Ako na pamangkin mo? Anak ng Ate mo?”

I saw her eyes glint with unshed tears pero hindi ko alam kung bakit wala akong simpatyang nararamdaman.

“You don’t have to have sex with him! Or kiss and touch him, Ace! I made sure he knows that and he agreed, still! He offered a larger amount, even! Hindi ko maintindihan but it’s true! He even transferred the money immediately!”
“Fuck! And you agreed? You agreed for me?!” halos pumiyok ang boses ko sa kasisigaw.

I am so damn frustrated. Para akong mamamatay sa sakit na mismong pinagkatiwalaan kong tao ay ganito.

“Ace, I’m sorry. Nasilaw ako. Inisip ko makakaalis na tayong dalawa rito kung pumayag ako.”
“Ikaw na lang kung gusto mo!” bastos kong nasabi dahil hindi ko na talaga napigilan.
“Nagamit ko ang pera. Binayad ko sa ibang utang ko at… I even paid for the apartment’s-”
“What the fuck!” sigaw ko at tinalikuran na siya sa sobrang galit at disappointment.
“Ace, please…” she cried.

Padabog kong sinarado ang pintuan sa gitna naming dalawa.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.