What Lies Beneath The Sand – Kabanata 18

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath The Sand – Kabanata 18

Kabanata 18
Future

Judson blocked my way. Patungo na sana ako sa kwarto ko para ihanda ang gamit pero nasa pintuan siya, nag-aabang.

Sadyang ginutay-gutay ang lupi ng kanyang puting sleeveless, gaya ng madalas na ayos niya rito. I smirked at him, hindi niya naman magawang ngumisi.

“Tuloy ka ba talaga? Pwede mo namang hintayin muna ang papeles mo bago ka umalis.”
“At kailan pa ‘yon? Lalo na kung kukumpletuhin pa? Mahuhuli ang iba, maaga naman ang iba. Hindi na ako makakapaghintay, Jud.”

He is one of those who trained me. Madalas ko siyang nakikita noong huling taon ko sa Senior High School pero ilang taon pa ang lumipas bago kami tuluyang nag-usap. He’s one of the best in woodwork sa maliit na shop na pinag-ensayuhan ko.

He’s been good to me. Madalas din siya rito sa bahay, bumibisita at random days. Auntie Tamara would sometimes invite him over. Masasabi kong isa siya sa mga naging close kong kaibigan dito sa amin.

I have a few friends back in school pero hindi nagtatagal ay nawawalan din ng communication. Bukod sa malayo ang bahay namin, pahinu-hinto rin ako ng pag-aaral. Hindi ko na usual classmates ang madalas kong kasama sa isang classroom. Minsan, mas bata pa sila sa akin dahil nahuli na ako sa batch ko.

“You should try to get a certificate for it,” payo ko kay Judson.

Matagal ko na siyang niyaya. Highschool lang ang tinapos niya dahil sa hirap ng buhay. Pagkatapos noon ay puro pagtatrabaho na ang inatupag. Magaling siya kaya sayang kung hindi siya magsisikap na magkaroon ng certificate o ano mang panghahawakan sa linya ng trabaho niya.

“Kontento na ako sa kung anong meron ako. Wala naman akong ibang kailangan na hindi ko nakukuha sa pagtatrabaho.”

Alam kong iyon ang isasagot niya sa akin. Iba-iba lang siguro talaga ang mga tao. Ilang beses na kaming nagtalo riyan. He always assumes that I have material things I want, dahilan ng kagustuhan kong magtrabaho sa Manila at maghangad pa ng higit. Pwede naman daw akong manatili rito sa Cagayan at mamuhay ng payapa.

I think about everything he’s told me almost every night. Ano nga ba talaga ang gusto ko pa gayong hindi man marangya, mabuti naman ang buhay namin dito. Hindi nga lang amin ang resthouse, pwede namang kumuha at umupa ng isang kwartong matatawag ko talagang akin.

But maybe, we are all somewhat made differently. Some people wants to stay where they are and be happy, some, like me, finds the meaning in life by the challenge of uncertainty. Iba-iba ang mga tao. The beauty of the differences is often neglected by many. But from here, I can see that it is devastatingly beautiful.

Tinapik ko ang braso niya at pumasok na sa kwarto.

“Imbitahin mo na lang ako kung ikakasal ka na o may binyag na gaganapin, uuwian kita rito,” tukso ko.

For the past seven years, I’ve been courted by different boys. Minsan, hindi ko maintindihan dahil ilang araw ko palang nakikilala at nasa mga dalawampung salita pa lang ang nasasabi ko sa kanila, naghahayag na ng pag-ibig. But maybe, it is somewhat linked to the differences, as well.

Bakit ako? Ilang taon ko nang kilala si Judson at lagi pa kaming magkasama kahit saan, bakit hindi ko mahanap sa sarili ko iyon?

Dumaan sa isip ko ang isang tao pero agad kong isinantabi iyon. Paano mo naman iyon majujustify, Ace? Sige nga? Hindi nga iyon nagdalawang buwan, e. Pumikit ako. Oo na. Bata pa ako noon. Vulnerable pa kaya agad nahulog ang loob ko.

“Ace, magpaalam ka na kina Aling Goring. Uuwi na raw sila,” biglang pumasok si Auntie sa kwarto ko.

Tumango ako at ginawa nga iyon. Nagpaalam na rin ang ibang bisita. Samantalang si Judson naman, nanghiram ng tricycle para maihatid kami sa terminal pagkauwi na ng lahat.

“Oh, Jud, nasabi mo na ba kay Ace ‘yang nararamdaman mo?” patuyang sinabi ni Auntie Tamara nang hinatid ko na ang huling bisita namin.
“Naturn off ako, Auntie. May gusto pala akong iba,” ganti ni Jud.

Umirap ako at ngumisi ulit. Lagi akong tinutukso ni Auntie Tamara kay Judson. Hindi naman ito kailanman nagsabi ng nararamdaman pero hindi ko maipagkakaila na higit pa sa kaibigan ang pag-aalala niya sa akin minsan.

Duda ko, mas sinasabi ni Judson ang nararamdaman kesa kay Auntie. Pero hindi ako kailanman pinilit ni Auntie rito kahit pa tingin ni Auntie ay mabuting tao naman ito.

“Baka naman kaya ka talaga pupunta ng Manila, Ace, dahil sa mayamang Samaniego’ng iyon?”

Umirap ako. I can almost predict all his words. I’m sure that’s what they all think. Yes. Maybe.

“Oo. Umaasa ako na kahit na hindi ako qualified sa hinahanap nila, pwede parin akong makapasok sa kompanya kahit paano.”
“Sus! Parehong trabaho lang pala ang hanap mo. Ba’t ‘di ka pa rito?”
“Ang sabihin mo, Jud, gusto mo rito lang si Ace para magkasama kayo.”

I saw Judson’s eyes twinkle. Nangingiti siya pero pinipigilan niya dahil sa panunukso ni Auntie.

“Asus!” tukso ulit ni Auntie.
“Hindi, ah! Tingin ko lang may masamang binabalak iyong Samaniego’ng iyon!” giit ni Jud.
“Lahat naman ng lalaking lumalapit sa akin, tingin mo may masamang binabalak. Kahit nga classmate ko na nagpapaturo lang ng assignment, e,” sabi ko.
“Iba ‘to ngayon, Ace.”
“Kung may masamang binabalak siya, dapat kinuha niya na ako kahit hindi akma ang kurso ko sa hinahanap nila.”
“Kahit na!” hindi siya nagpatalo.
“Tama na nga ‘yan. Sige na at baka magbago pa ang isip ko. Kailangan na nating tumulak, Ace,” si Auntie habang inaayos ang mga tirang pagkain sa mesa.

Ang caretaker ng resthouse ay dumating na. Sila na ang bahala sa tirang pagkain at sa mga hugasin. Auntie Tamara just can’t wait for the morning. Ipinatawag na kasi siya ng boss niya. Ilang buwan kasing nagsara ang club dahil nagkaproblema sa management. Papalit-palit din ng management noong nawala si Auntie kaya gusto na nilang bumalik ito.

Sinakay ni Judson ang mga gamit namin sa tricycle na hiniram niya. Pumasok na rin ako sa kwarto para magbihis.

Kumpleto na kami ni Auntie. May baon para sa byahe, may dalang tubig, mga gamot, at plano pagdating ng Manila.

Sabi ni Auntie, nakahanap ng bagong apartment ang may-ari ng Club. Isasangla ito ulit kay Auntie pero ang plano naman ni Auntie ay ang bilhin iyon.

We still don’t have enough money. Just enough, actually, for the ride back to Manila, and food for a few days of stay. Mag ca-cash advance nga si Auntie pagtungtong niya roon para lang matugunan ang iba pang pangangailangan sa apartment, e.

“Bye, Judson!” maligaya ko siyang kinawakan.

He only raised his hand as he watched us in serious eyes. Naupo na ako sa upuan ng bus at nanatiling kumakaway sa kanya sa bintana.

When the bus decided to go, unti-unting lumiit si Judson hanggang sa nawala. ‘Tsaka lang ako tumigil sa pagkaway noong nawala na ito sa aking paningin.

Siniko ako ni Auntie Tamara. Nilingon ko siya.

“Hindi mo ba sinagot?” tanong niya.
“Sinagot? Hindi siya nanligaw,” sagot ko.
“Hay…”

Tinitigan ako ni Auntie. Nagtaas ako ng kilay.

“Hindi ba obvious na may gusto ang tao sa’yo?”
“Hindi niya sinabi.”
“Alam kong alam mo. Hindi mo lang din talaga siya gusto kaya wala kang pakealam.”
“Auntie, mahalaga sa akin si Jud,” bawi ko.
“But you don’t like him romantically, right? He likes you. I can see that.”

Inangat ko ang gilid ng aking labi at hindi na sumagot pa. I really don’t know how to deal with confessions and courtships. Kaya masaya ako na kung ganoon nga ang nararamdaman ni Judson sa akin, mabuti na lang at hindi niya sinabi pa sa akin.

Judson is five years older than me or so. I’m not sure. Basta’t noong unang apak ko sa Sta. Ana, nasa lumber na siya. Ngayong paalis na ako, naroon parin siya.

He’s tall and very dark. Ganunpaman, he’s fairly good looking. Girls from the flowershop drool at him. Sabi nila, higit pa si Judson sa mga artistang mestizo. They all find him hot. They envy me for being close to him. Minsan, nagpasya nga silang mag-aral ng woodwork nang sinabi kong doon ko siya naging kaibigan.

But the drive of those who wants to learn for a shallow cause is less than the drive of those who are passionate. Judson saw that in them and realized it eventually. They all had their hearts broken, naroon naman ako para umalo.

He’s the heartbreaker of Sta. Ana. Kahit mga anak ng may kayang pamilya ay nagpapapansin sa kanya. And he’s so good at remaining very mysterious by remaining calm and oblivious to everything.

“Nakiusap nga siya kanina sa akin,” si Auntie.
“Na ano?”

Nilingon ako ni Auntie at pinatay niya ang hawak na tablet.

“Na huwag kitang ipasok sa club.”

I smirked. Ilang sandali pa akong tumingin kay Auntie. Kahit ilang beses na niyang sinabi sa akin ang tungkol sa nature of work doon ay parang hindi parin nanuot sa kokote ko. Siguro ay hindi ko lang siniseryoso kasi hindi ko kailanman naisip na magtrabaho roon.

“We can’t blame people. It has a bad image, Auntie. Like you can’t blame father for not trusting me to you.”
“Ayos lang kung hindi ako pinagkatiwalaan ng Daddy mo. Pero ag pagkatiwalaan niya ang bruhang iyon? Iyon ang hindi maayos, Ace.”

Natigilan ako. I wonder what happened to them now. Wala akong naging balita kay Tita Matilda at kay Daniella sa loob ng pitong taon. Hindi rin ako nacurious man lang. I just assumed that everything went smooth for them after that.

Siguro, nagpakasal si Zamiel at Daniella. Siguro, may anak na sila ngayon. Siguro, masaya na si Tita Matilda. Siguro, hindi niya na kami iisipin pa.

I don’t trust her forgiveness even when all her hopes and dreams came true. Kaya pagdating naming Manila, hindi ako magpapakita kay Tita Matilda. I will try my best to make my life far from theirs. Iiwas ako sa kompanyang may direct link kay Tita Matila, o sa MERC.

Galit si Zamiel sa akin. Hindi niya ako sinaktan ng pisikal pero alam kong konting tulak na lang, he’d kill me for what I did. I don’t want to trigger his anger kaya sisiguraduhin kong iba ang mundong gagalawan namin.

Daniella’s promised money never came. Hindi na rin niya ako kinontact sa nagdaang panahon. At hindi ko na inisip ang perang iyon kahit pa pamalit iyon sa aking dignidad noon.

“Anong sagot mo kay Jud?” tanong ko.
“Hindi ko maipapangako dahil ikaw mismo, gustong magtrabaho roon.”
“Tss. This is the waiting, you are talking about, right?”

Auntie Tamara smiled and turned her tablet on. Tiningnan ko ang pagsisimula ng isang website na may isang puting de pakpak na kabayo sa isang stance na naghahayag ng awtoridad. The mythical creature, I remember, is a friend of the Muses.

“Hmm. It depends on what you want.”
“Auntie,” napabangon ang ulo ko sa upuan.
“Ace, you will be a waitress, yes. But I just want you to know that there are different types. Ang isa, iyong madalas sa club namin. They are sometimes housed in our apartments. The other groups are just plainly companions for executives. Meaning…”
“I’d like the waitress part, Auntie,” sabi ko.

She scrolled down the website. Isa itong sekretong site na kailangan pa ng password bago makapasok. Hindi basta-basta ang pagbibisita roon at may iilan pang kilalang mga artista at modelo ang kabilang sa “companions” na tinutukoy ni Auntie.

Sa madaling salita, Escorts.

“It’s an executive and legal companionship, Ace. We have a lawyer and you will sign a contract,” now she sounds so businesslike gaya ng madalas kong marinig sa kanya tuwing nanghihikayat doon.

Kumunot ang noo ko nang nakita ang iilan pang hindi masyadong sikat na artista at modelo. I can’t believe they are part of it. Parang wala sa mukha nila.

“Pwede mong tanggihan ang kontrata kung may hindi ka nagustuhan. At ang hindi rin sumusunod sa patakaran ay kinakasuhan at pinagbabayad. But so far, nobody had the audacity to break our rules since we are the best in the country!”

Gusto kong pumalakpak pero masyadong seryoso si Auntie Tamara sa mga sinasabi niya.

“Nobody has broken the rules because the rules are simple. Kung ilalagay kos a rules na bawal akong halikan habang sinasama ako ng tao sa kanyang mga business ventures, tingin mo kaya niya ‘yon? People pay for that to do things-”
“Men pay for it to hear compliments and refreshing ideas from girls who are not involved in their business. Tingin mo maliit na bagay lang iyan para sa ating mahihirap pero para sa mga mayayaman, it’s a breath of fresh air. It’s the world to them. They’d pay thousands, hundred thousands, just to have a companion who can make them smile while they are under pressure.”

Heto na naman kami at nagtatalo tungkol doon.

Pero naisip ko lang, hindi naman siguro ako ipapahamak ni Auntie Tamara. But the thought of having to work as an “escort” who’s actually just a “comapanion” daw is very wrong. Papasa pa ang waitress.

“Believe it or not, Ace. Sa sobrang hectic ng trabaho ng mga businessman, kaya nilang magbayad sa simpleng kausap lang. Kasabay kumain. Katawanan.”
“Where are their wives, anyway? Bakit kailangan ng ibang babae?”
“Sometimes, dead? Sometimes, separated, boring, naggers, and some wala pang asawa.”

I can imagine the dirty old men line up. I have nothing against old men but I have something against old men who are pervs.

“Alam mo, Auntie. Kaya walang reklamo kasi wala naman sa kontrata siguro na bawal humalik? Bawal hawakan? Bawal magsex?” binulong ko ang huling salita.
“Well, some have that on their contracts. Wala ring nagreklamo kasi sumusunod ang clients. It depends on you. Kaya kung gusto mong ilagay ‘yan, pwede nating ilagay.”
“Pano kung ako ang client at hindi ko iyon sundin?”
“We check the clients background first. Mga history ng kung anu-ano… bago namin ibigay.”
“I don’t trust that,” sabi ko.
“I’m not blaming you for not trusting it.”
“I don’t trust people who go to clubs and pay for women.”

Humalakhak si Auntie at sinarado ang tablet. Hinilig niya ang ulo sa backrest ng upuan.

“You’ll be surprised that even the most dignified men in the country could do that.”

Umiling ako at ginaya na lamang siya para makatulog na sa byahe.

It was a long, long journey. Pangalawang byahe ko palang ito sa ganoon kalayo. Una ay iyong umalis kami ng Maynila, ngayon naman ang pagbabalik.

Auntie Tamara’s new apartment is better than her old. Bukod sa hindi marumi ang gilid ng apartment, malapit din ito sa kalakhan ng syudad. The walls are painted with earth colors and the sides have stone walls. Kitang-kita ko ang pagkakamangha ni Auntie Tamara roon.

Naisip ko tuloy kung magkano kaya ito at kaya kaya naming pag-ipunan na bilhin ito? I also wonder if she’d stop working in that club kapag nabili na niya ito?

“Hindi ko yata maaafford ito,” aniya sabay iling.

Nasa gate parin kami noon. Hindi pa pumapasok sa sobrang pagkakamangha.

“Sa deductions pa lang na matatamo ko para sa pagkakasangla nito… hay… kung pwede lang talaga na bilhin ko na lang agad ito…”
“Kapag ba nabili mo ‘yan, titigil ka na sa Club, Auntie?”
Tumango siya. “Syempre. I’d rather stay home. Pamamahalaan ko ‘yan at mag-aantay na lang ako sa pagbabayad ng mga rerenta.”

Ngumisi ako. Ang galing siguro kung mabibili nga namin ito. Someday, I’ll buy her things. I know things won’t fall the way you expect them to, pero siguro naman kapag magsisikap ako kahit maliit na bahay lang at negosyo, magagawa ko.

Magkano naman kaya ito? Roughly twenty million? Or probably more?

Tiningnan ko ang paligid. Mga establisyemento. Pwede itong matutukoy na komersyal na lupa kaya mas lalong mahal. Pero makakaattract din ng mas marami dahil nga sa lokasyon nito. Kumpara sa dating mistulang squatter ang mga kapit-bahay.

Pumasok kami ni Auntie Tamara sa tinukoy na lugar niya. We’re on the third floor, just like before. Pero namamangha parin ako sa pagiging bago ng buong building.

Ayon sa boss ni Auntie, magkakapatid daw ang may-ari nito. Nag-away away kaya hindi na malaman kung kanino mapupunta ang kita kaya binenta na lang para maghatihati na lang sila sa kabuuan.

Natulog ako habang si Auntie ay namalengke at bumisita na rin sa kanyang boss. Pagkagising ko ay nilista ko kaagad ang mga kakailanganin sa apartment. Kama lang yata ang meron doon. Well, at least may kama, ‘di ba?

It has two rooms and one bathroom. Ganoon daw lahat ng room doon.

Pagkauwi ni Auntie ay nagluto na kami ng pagkain. Wala kaming TV kaya paulit-ulit akong nakinig sa mga kwento niya. Sabi niya’y TV ang una niyang bibilhin sa cash advance niya dahil baka raw mabaliw siya sa sobrang boring dito.

I wrote my plans, too. Magtatrabaho ako sa Club bilang waitress. Pagkatapos ng mga isang linggo, at kapag alam ko na kung paano pumunta, pupuntahan ko ang opisina ng mga Samaniego.

Narealize ko, sanay na sanay na ako sa buhay ko sa Sta. Ana. Matutuwa si Jud kapag nalamang hindi ako nakakapag-adjust dito sa Manila. Hindi ko nga lang sasabihin iyon sa kanya dahil alam ko, magbabago pa ito dahil kailangan kong masanay.

Pinasadahan ako ng tingin noong boss ni Auntie mula ulo hanggang paa. Ang sabi ni Auntie, hired na raw ako bilang waitress sa club. Sa pangalawang gabi kasi namin sa syudad, kinailangan na naming magtrabaho.

Papasok pa lang kami kanina, kinakabahan na ako. With the name and the statue of that mythical creature, a winged stallion, in front of the establishment, para akong binagsakan na talagang dito ako magtatrabaho.

Mabuti na lang at close pa nang pumasok kami. Wala pang tao bukod sa mga tagalinis. The tables were all clean and the chairs were properly arranged. Ang entablado ay may mga poles, gaya ng nakikita ko sa movies na itsura ng mga club na ganito.

The interior, however, is very elegant. Kaya naman naniniwala ako na hindi mga basta-basta ang nagiging kliyente nila. But nonetheless, it is all the same.

“Sigurado ka bang waitress mo ipapasok ang pamangkin mo, Tamara?” tanong ng matanda.

The old woman is very familiar. Siya iyong unang umalis noong gabing nakulong si Auntie. Siya pala iyong boss.

Her jet black hair is in ponytail. I’m guessing her age is around early fifties. Sa kanyang lamesa ay isang bag na alam kong isa sa pinakamamahalin sa buong mundo. She look so elegant. Kung sa ibang pagkakataon at lugar kaming nagkakilala, hindi ko iisiping sa ganito siya kumikita.

“You might consider our escort program, hija.”

Umiiling na ako sa alok ng matanda. Tumawa si Auntie Tamara bilang pahiwatig na hindi ako papayag diyan.

Tumayo ang matanda, mukhang determinadong alukin ako pero inunahan ko na siya.

“I’m here to be a waitress po.”
“Kikita ka ng malaki. You’re young and very beautiful,” sabay hawak niya sa aking buhok.
“Ma’am Sonja, hindi rin ako payag sa alok mo. I want my niece to just wait for us.”
“Bakit?” she turned to Auntie Tamara. “How young is she?”
“I’m twenty three,” sagot ko.
“Hindi na masama,” ang matanda.
“Huwag na, Ma’am.”
“Ayaw ko pong pagkakitaan ang katawan ko. Marami pang ibang trabaho na pwede bukod diyan,” sabi ko dahilan ng paglingon ulit ng matanda.
“Oh, Tamara, you did not tell her about our exclusive offer?”
“She knows, Ma’am. She’s not interested.”
“You’re witty, hija. And that’s what we need. I can put your profile along with those who are limiting their services. Pwede ka bilang companion lang, hindi na ang… ibang bagay,” parang nahihiya pa siyang banggitin ang makamundong salita.
“I’m not interested, po,” sabi ko.
“Pity…” deklara niya bago bumalik ulit sa desk.

Nagkatinginan kami ni Auntie Tamara at ngumisi siya sa akin.

“Men pay even six digits for that face and witt. Someday you will learn to use that to your advantage. Pumunta ka na sa locker at kumuha ng uniporme ninyo ngayong gabi. Violet, the captain of the waitresses, will teach you what to do.”

Tumango ako at tinalikuran na sila para puntahan na ang tinukoy.

So far, Violet is a good captain. Hindi ako nakakasense ng masamang vibes sa kanya. She’s a friend to the other waitress. Nakakaramdam din ako ng matinding bonding galing sa kanila.

Magaganda at mga maalaga sa katawan ang mga kasama kong waitress. Mga rebonded straight ang buhok at puro magaganda ang hubog ng katawan. Nag-aaral pa ang mga ito at gaya ko’y natatagalan din sila dahil pahintu-hinto. Mahirap talaga ang buhay.

“Here’s your order, sir,” sabi ko sa isang grupo ng mga matatandang japanese executive na naroon sa isa sa mga lamesang ako ang maghahandle.

Umalis ako agad. Besides, their eyes are fixed on the lewd dancers in front. Minsan, natutulala ako habang tinitingnan ang nangyayari sa entablado. I wonder if the dancers like what they are doing? May luha kaya sa likod ng ngiti nila? Paano kung masaya sila sa ginagawa nila? Posible kaya iyon?

“Ace,” tawag ng isa sa mga waitress na hindi ko pa masaulo ang pangalan.
“Yes?”
“Pwede bang ikaw muna roon sa table ko? Niyaya kasi ako noong isang matanda.”
“Okay.”

The waitresses are not allowed to entertain the clients. Pwedeng kausapin at makipagtawanan pero ang ibang bagay ay nakareserba lamang sa mga entertainers.

Nilapag ko ang order ng mga lalaki sa table na iyon. Hindi ako masyadong nakikipag-eye contact pero nakita kong may nakatitig sa aking isa. Sumulyap ako ng isang beses.

“Anything else, sir?” tanong ko sabay dasal na sana wala na.

Nagbigay ng tip ang iba sa akin. Tinanggap ko naman iyon. Nakakagulat makakita ng malalaking halaga bilang tip lang sa isang waitress.

“Bago ka rito, ‘no?” tanong noong kanina pa nakatitig.
Ngumiti ako. “Yes, sir.”
“Upo ko muna rito…” anyaya niya.
“We have entertainers for that, Sir. I will call one, right now.”

Hindi na ako naghintay ng pagsang-ayon niya. Alam kong umapila man siya, hindi ko parin siya pagbibigyan.

So for the five nights I worked there, I’ve learned how to outsmart the men who are hitting on me. So far, wala namang nantsa-tsansing. Kung meron man, may bouncer naman. Papanig sa amin dahil strictly waiting lang ang gagawin ko. Ang entertainers na ang bahala sa pag-upo at pagsaliw sa mga kliyente.

In fairness, I realized that I expected the worst. Akala ko makakakita ako ng liveshow sa mga tables. Akala ko palaging may basag-ulong mangyayari pero wala naman, so far. The regulars seem to understand the rule of the establishment.

If you want to do things with the entertainer, you pay and live the premises. Auntie Tamara is nowhere to be found. Ang alam ko, in charge siya sa pagchi-check sa entertainers at sa Escorts.

Escorts are not found in the establishments, as well. Nasa site lang ang pictures nila at ang mga pinakamayamang guests lang ang makakapasok doon.

I cannot deny na sobrang laki talaga ang tip na natatanggap ko sa pag wi-waitress doon. Kahit paano, nakakabili kami ng mga bagay para sa apartment. Kumot, unan, rice cooker, ref, at kung anu-ano pang importante.

“Sa may BGC ‘yan, ‘di ba?” tanong ni Violet sa akin sa gitna ng aming shift.

Ngayon lang ako naglakas loob na magtanong kung paano makakarating sa opisina ng mga Samaniego.

“Violet!” tawag sa kanya dahilan ng pagkakaputol ng usapan tungkol sa pagsasakay ko ng MRT at jeep bago makarating sa Bonifacio Global City.
“Maya na,” sabay diretso niya sa tumawag.

Nakita ko ring may isang grupo ng lalaki ang nagtatawag ng waitress. Pinuntahan ko iyon. The seven men who are in the front sofa are probably around early thirties. Siguro ay may bachelor’s party? Ganoon naman lagi ang dahilan ng pagpunta ng mga ganyang edad dito.

“Good evening, gentlemen. May I take your order?” I confidently asked.

Isa-isa kong tiningnan ang mga lalaking naroon. Natigil ako nang nakita ang pagtuwid ng upo ng isang pamilyar na lalaki.

“Ms. Zaldua?” he asked and shot his brow up.

Muntik nang natigil ang mundo ko nang napagtanto sa dilim kung sino iyon. I am waiting for the order of my future boss, Caleb Samaniego! Shit!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.