What Lies Beneath The Sand – Kabanata 17

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath The Sand – Kabanata 17

Kabanata 17
Night

Hindi ko na alam kung panaginip na ba iyon o imahinasyon parin. I want something so bad that even when my body is tired, my mind can’t stop thinking about it.

Ginamit ko ang pera na ibinigay ni Daniella para makapag-aral sa gusto kong kurso. Umalis ako sa bahay at naghanap ng matitirhan. Kaya ko ang mag-isa. Hindi ko kailangan ng gabay nino man para maging responsable.

Nang nakapagtapos ako ay naghanap ako ng maayos na trabaho. Pinagbutihan ko dahilan ng mga mabilisang promosyon hanggang sa nakabili na rin ako ng sariling matitirhan.

The details were very vivid. The evolution of the clothes I wear, the small but efficient apartment where I live, and the few friends I would probably earn… kahit paano naibsan ang sakit at naging abala ako roon.

But sometimes, things won’t fall the way you expect them to be.

“Walang hiya ka!”

Nagising ako kinaumagahan sa sigaw na iyon. Kasabay pa ang paghila sa buhok ko dahilan ng pagkakahulog ko sa aking kama.

By instinct, nahawakan ko agad ang kamay ng humihila sa buhok ko. Tita Matilda’s furious eyes is the first thing I see.

“Ambisyosa ka rin, e!” she continued while dragging my hair.
“Tita! Tita!” I pleaded.

Nadala ako ng kanyang paghila. Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa paghila niya sa aking buhok. My heart pounded loud. Takot na takot ako. Hindi ko alam kung panaginip ba ito o ano. Pero ang pisikal na sakit na nararamdaman ko ay totoo.

Binagsak ako ni Tita Matilda sa sahig sa labas lamang ng kwarto ko. Mabilis akong bumangon at bahagyang lumayo para hindi niya na ako maabot.

“Anong ginawa mo, huh? May mukha ka pang ihaharap dito pagkatapos ng lahat?”

Tears rolled down my cheeks. The physical pain she inflicted matched the emotional pain I am going through. Ang iilang kasambahay ay nasa hagdanan namin, nanonood at natatakot.

Hindi ako kailanman pinagbuhatan ng kamay ni Tita Matilda. Kahit pa masakit siyang magsalita, hindi niya ako kailanman sinabunutan o kahit sinampal. This is the first time I saw her this angry and this violent.

“Tita, si Daniella ang nagsabi noon dahil ayaw niyang pakasal. Gusto niya si Ashton-”

Gamit ang isang kamay ay kinulong ni Tita Matilda ang aking mukha. Hindi ako nakapagpatuloy sa pagsasalita. Ramdam ko sa hawak niya ang panggigigil. My jaw and neck hurt so bad. Lalo na noong inangat niya ako at pinilit na mag lebel pero hindi niya nagawa.

“Sinungaling ka! Nag-aalaga pala ako ng ahas dito? Walang hiya ka!” marahan niyang sinabi.
“Nag-aalaga? Bakit? Inalagaan mo ba ako? Ako lang ang nag-alaga sa sarili-”

She pushed me with all her strength. Tumama ang likod ko sa dingding at agad akong gumapang pagilid para mas makalayo sa kanya.

“At nanunumbat ka pa? Pinatira kita rito dahil naaawa ako sa’yo!”
“Pinatira? Bahay namin ‘to! Bahay ‘to ni Daddy! Ako ang tunay niyang anak kaya wala kang karapatan na isumbat ‘yan sa akin. It was not out of your mercy!”
“Ah ganoon? Akala mo hindi kita mapapalayas? Huh?”

Marahas siyang pumasok sa kwarto ko. Namilog agad ang mata ko sa kaba. Susundan ko sana pero bago pa ako makapasok ay itinapon niya na ang maleta na dala ko. Sa isang kamay niya ay ang cheke na ibinigay ni Daniella sa akin.

Shit.

“Mukha ka talagang pera, ‘no? Manang mana ka sa ina mo.”
“Tita, please… Hindi na po ako manggugulo. Hindi na ako babalik dito. Please…” I begged.

Naglakad siya palapit sa akin. Umaatras naman ako sa takot. She is leading me to our wide glass staircase. I am aware of what she may be planning but I have to get the check.

“Para sa ganitong halaga, nanloko ka? At sinuway mo ako? Sinusubukan mo talaga ako, ‘no?”

Nanliit ang mga mata ni Tita Matilda. She’s dressed nicely with heels. Pakiramdam ko ay kadarating niya lang galing abroad. Ang malas ko naman talaga. Kinaumagahan agad ng pagdating ko ay siyang pagdating niya?

I refuse to acknowledge that these are my karma. Dahil kung karma lang din, bakit ang iba’y hindi dinadalawan nito? Tita Matilda has been so hard on me but she never had her dose of karma. She is always lucky.

Karma doesn’t come to everyone. I don’t believe in it.

“Tita, please… maawa ka. Hindi na po ako magpapakita sa inyo. Please.”
“Talagang hindi ka na magpapakita! At sisiguraduhin ko na masisira ‘yang buhay mo, Astherielle!”

Sa isang iglap ay pinagpira-piraso niya ang cheke. Paulit-ulit niyang pinunit ito hanggang sa mistulang abo na lang ang bawat piraso. Hinagis niya iyon sa ere. Kasabay ng paghulog nito ay ang buhos ng aking luha.

Tinulak ako ni Tita Matilda dahilan ng bahagyang pagkahulog sa isang baitan ng hagdanan. Humawak ako sa railing para hindi tuluyang mahulog.

“Tita…”

Baka may paraan pa? Kung ididikit ko ang mga piraso?

Lumuhod ako para sikupin ang mga piraso. Sinipa niya ang kamay ko pero ipinagpatuloy ko.

“Tandaan mo, Ace. Hindi kita titigilan hangga’t pareho pa tayo ng hinihingaan. I want you out of my sight! Never come back again!” she declared.

Nang nakuha ko na ang halos lahat ng piraso ay kinuha ko narin ang aking maleta at tumakbo na ako palabas ng bahay, umiiyak. I can hear Tita Matilda’s scream.

“Wala kang mapupuntahan. Sisiguraduhin ko ‘yan! You were here because I am a merciful step mother! Sinusubukan mo ako kaya iyan ang napala mo!”

Lumabas ako ng gate at tumakbo na sa kalsada ng village. Nanginginig ang kamay ko nang nilagay ko ang mga piraso ng cheke sa bulsa ng bag. Nagalit pa ako sa sarili ko dahil may iilang nahulog habang tumatakbo ako at ang ilan naman ay nasa sa aking luha.

Huminga ako ng malalim at pinalis ang aking luha. Pinuno ko muli ng hangin ang aking baga para tuluyan ng makalma. Walang magagawa ang pag-iyak. Kailangang magsimula ulit kahit hindi pa handa.

Tumulak na ako paalis sa village. I know that Tita Matilda’s words are true. She will destroy me. At wala akong ibang pag-asa kundi ang nagkapira-pirasong papel na ito.

Bumili ako ng glue sa kakarampot na perang dala ko. I charged my phone in a convenient store while looking at the food in its fridge. Napalunok ako at nagsimula na sa pagdudugtong ng mga piraso.

Nang nagkaroon na ng baterya ang aking cellphone ay si Daniella ang unang tinawagan ko. She did not answer my phone call so I texted her.

Ako:
Pinunit ni Tita Matilda ang cheke. Please, help me. Saan ko pwedeng ma claim ang pera?

Nagpatuloy ulit ako sa pag dudugtong pero sa huli ay nagmukha lang itong kaliskis na may mga bahaging nakakalbo. Hindi na mahanap at nasisiguro kong naiwan iyon sa bahay.

Pagod kong tiningnan ang cheke. I guess I really have no choice but to try it. Pagkatapos ko sa convenient store ay pumunta na ako sa pinakamalapit na bangko. Mahaba ang pila at gutom na ako pero tiniis ko iyon. Kailangan kong malaman kung may pag-asa pa ba.

“Anong nangyari? Bakit ganito? Hindi ito pwede,” sunod-sunod na sabi ng teller sa akin.
“Miss, baka po pwede. Pinunit po kasi ng Tita ko. Galit kasi siya sa akin at-”
“Naku hindi ito pwede, Miss, e. Ako ang papagalitan nito kaya sorry talaga.”
“Baka po kapag tinawag ninyo ang manager o ano. Baka payagan niya po?”
“Hindi talaga, e. Pagagalitan lang ako kasi inentertain pa kita kahit na ganyan ang itsura ng cheke mo. Tingnan mo, ‘yong mga numero hindi kumpleto. Kaya paano ‘yan? Hindi talaga pwede.”

Nanghihina akong naging palaboy. Madungis na ako, walang ligo, at gutom. Funny how everything changed in a blink of an eye. I can go to some of my friends but I don’t want to bother them. Going to Ashton might complicate things more. Baka lalong hindi ako replyan ni Daniella kapag nalaman niya.

I used the last of my money to go to an apartment where Auntie Tamara is. May rason kung bakit hindi ako pinagkatiwala ni Daddy sa kanya. Alam ko iyon. Naiintindihan ko. Pero gaya ng sabi ko, wala nang mas hihigit pa sa ginawa ko sa Costa Leona. That was the worst for me. Nothing else.

Tatlong andana ang apartment na tinutuluyan ni Auntie Tamara. Balita ko, isinangla ito sa kanya. Balak niyang bilhin pero wala siyang ganoong halagang pera.

The whole building is painted with white. At kita ang katandaan nito base sa pintura. Pero naisip ko, kung maayos namang makulayan ito, hindi na rin masama.

Kinatok ng security noong apartment ang isa sa mga pintuan sa pangatlong andana. Ang sabi ay doon daw nakatira si Auntie Tamara.

The door opened and revealed my Aunt. Namumungay ang mga mata niya, tila kagigising lang. Nang nakita ako ay namilog ito. Nagpasalamat siya agad sa sekyu.

“Anong nangyari sa’yo?” she pulled me in and closed the door.

Ganoon na siguro kasama ang itsura ko dahil ganoon ang bati niya sa akin. Kinuha niya ang bag ko at nilapag sa sofa. Dumiretso siya sa kusina nang hindi winawala ang tingin sa akin.

“Saan ka galing, Ace? Bakit… Sinong may gawa sa’yo nito? Pinalayas ka?”

Kinagat ko ang labi ko. My lips are very dry. Lumapit ako sa kanya at iginala ang mata sa kusina para sa tubig. Hindi ko na kailangang magsalita. Nilapag niya na ang isang baso ng tubig sa aking harap at nag-ayos na rin ng pagkain.

Auntie Tamara is my mother’s younger sister. Like my mother, she is blessed with natural beauty. Isang bagay na tingin ko’y ginagamit niya sa kanyang bentahe. Her body is not voluptuous but her curves were proportionate – ito ang madalas na pinapangarap ng lahat. Hindi sobra at hindi rin kulang. Her skin is porcelain fair at walang kapintasan. Her hair is silky. Her face sultry and mysterious. Pareho sila ng mga mata ni Mommy, isang bagay na tingin ko’y mamamana ko rin.

Wala akong naririnig na may boyfriend man lang siya. I just know that she is living alone. Her lifestyle is the main reason why Daddy preferred Tita Matilda over her.

Pinakain niya ako roon. Nakinig siya sa pagkukwento ko tungkol sa nangyari. Habang sinasabi ko iyon, kita ko sa mukha niya ang pagkakamuhi. She did not interrupt me, though. She bottled her anger up until I’m done talking.

She ran her hand throuh her hair as she once more sucked on her cigarette. Binuga niya ang usok sa gilid.

“Napakawalang hiya talaga niyang madrasta mo…” kalmado niyang sinabi pero nararamdaman ko ang kaba niya.

Ipinakita ko sa kanya ang cheke na inayos ko kanina. Umiling siya at pumikit. Pakiramdam ko ay alam niyang wala itong pag-asa. But it is my only hope right now.

“Huwag kayong mag-alala, Auntie. Aalis ako rito,” pampalubag loob ko.

Ang huling banta sa akin ni Tita Matilda ay ang pagtigil sa pag-aaral sa malaking unibersidad na iyon. Kapag hindi ako tumigil, tatanggalan niya ako ng scholarship. I didn’t believe then pero kinabukasan, ganoon nga ang nangyari.

Alam ni Auntie Tamara ang kakayahan ni Tita Matilda. Her late husband gave her so much power in the public and private sectors. She can always tap her alta friends whenever she wants something done. Ayaw kong madamay si Auntie Tamara.

“No,” ani Auntie sa pinal na tono.
“Pumunta lang po ako rito para manghiram ng pera. I don’t have money for food. Kapag tumawag na si Daniella sa akin at bigyan ako ng paraan-”
“Do you honestly think that will happen?” putol ni Auntie.
“She has to! Tumupad ako sa usapan namin, Auntie! Kaya tutupad din siya.”
“Ace, hindi lahat ng tao gaya mo. Hindi ibig sabihin na dahil nagpakabait ka, magpapakabait sila sa’yo. She will never reply to you. She will never contact you again. I doubt if that account is still there, actually. By now, Matilda has closed that just so you won’t have a choice. Hindi sa may choice ka ngayon sa itsura pa lang ng cheke mo.”

Parang gumuho ang mundo ko sa sinabi ni Auntie Tamara sa akin.

“Ang bruhang Matilda na ‘yan. The house should be atleast yours pero hindi na ako magugulat kung napaikot niya rin ang Daddy mo bago ito namatay. She probably convinced her to sign a contract about that!”
“Baka magreply pa si Daniella!”

Sinubukan kong tawagan ulit ito. Patuloy iyon habang nag-uusap kami ni Auntie Tamara. Umiling si Auntie at bumuga ulit ng usok. She snorted when we both heard the operator telling us that the other number cannot be reached anymore.

“Dito ka na lang sa akin. Pag-aaralin kita.”
“Sa anong kapalit, kung ganoon?” mataman kong sinabi dahil alam ko mismo kung ano ang hihingin niya sa akin.

She can bend the rules. She’s good at that sa industriyang ito kaya paniguradong kahit sixteen pa ako, kaya niya akong ipasok.

“Look. Do you honestly think I will let that happen to you?”

Hindi ako kumibo. What could be worse, right?

Hindi ko nga lang matanggap parin na naging walang silbi ang pera ko dapat galing Costa Leona. Sana pala hindi na ako umuwi ng bahay. But then maybe Tita Matilda will close that account before the bank opens so what is the point?

“My goal is to finally claim this apartment mine kaya nag-iipon ako ng pera, Ace. With you here, I will still need help. Sana maintindihan mo at ang magagawa mo sa akin ay ang magtrabaho-”
“At anong trabaho ang maibibigay mo?”
“You can wait. I’m sure. I am not asking you to be like my girls but I know you can serve the tables?”

Bago pa ako makapagsalita ay may kumatok na sa pintuan ng silid. Tumigil si Auntie Tamara at inupos ang sigarilyo sa ashtray. Dumiretso siya sa pintuan. Sumungaw naman ako para makita kung sino ang posibleng bisita niya.

Namilog ang mga mata ko nang nakitang mga pulis ang kumatok. May naririnig akong iyakan sa labas. Napatayo ako.

“Ano ‘yan, Auntie?” tanong ko at lumapit para marinig ang usapan.
“Wala nga sabi, e! I have their files and they are not minors anymore!” pakikipagtalo ni Auntie sa mga pulis.

May isang nakamata sa akin sa loob. Pilit na itinulak ng mga pulis ang pintuan dahilan ng pagkakapasok nila. Agad nila akong pinalibutan.

“Hindi siya kasali! She’s my niece!” gumaralgal ang boses ni Auntie Tamara.
“Anong meron?” tanong ko nang hinawakan ako sa braso ng dalawang pulis.
“Nakatanggap kami ng lead. Sa presinto na kayo magpaliwanag!”

I saw my Aunt in chains after what the police said. Pumiglas ako ngunit ang matatandang ito ay masyadong malakas para makapanlaban pa ako.

“Hindi ito pwede! Legal kami! My boss can vouch for this!” Auntie Tamra declared but the police ignored her.

Parang nag slowmotion sa akin lahat. Ang pagpupumiglas at ganti ni Auntie Tamara. I saw her face twist like a beautiful mad woman in chains. I saw her hair disheveled artistically. Nilingon ko ang grupo ng mga babaeng nakatira sa ilan pang silid doon. Yumuko ang iilan para hindi makita ang mukha ng mga taong nanonood sa amin.

“Ang bata pa niyan, ah?” bulong ng mga usisero nang dumaan ako kasama ang dalawang pulis.
“Akala ko ba legal sila diyan at walang menor de edad?”

I don’t know what to do. I stopped doing anything. Pinanood ko lang lahat ng nangyari hanggang sa presinto. Napanood ko ang unti-unting pagpapauwi ng mga babaeng naroon. Napanood ko rin ang pakikipagtalo ni Auntie Tamara sa mga pulis. Napanood ko ang pagdating ng dalawang mas nakakatandang babae upang magsilbing taga payo ni Auntie.

“Sigurado kang hindi ka kasali sa mga iyon?” tanong ng pulis sa akin.
Tumango ako. “Kadarating ko lang po sa apartment na iyon ni Auntie Tamara. Galing po ako sa amin,” paliwanag ko.

Sa malayo ay tiningnan ko kung paano tinuro-turo ni Auntie ang hepe ng pulis. Napanood ko ang pagpipigil ng dalawang babae sa kanya. May binulong iyong unang dumating. Natigil si Auntie sa pagsisigaw at bumaling sa babae.

Umatras ang matanda nang nakitang sa kanya naman nakadirekta ang galit ni Auntie. Pinigilan siya noong kasama niyang babae pero nagpatuloy parin siya.

“Makukulong ‘yang Auntie mo. Mabuti pa, umuwi ka na sa inyo,” sabi ng pulis nang nakita ang titig ko sa pagtatalo.
“Po? Bakit siya makukulong?” tanong ko.

Hindi siya sumagot. Bumaling ulit ako kay Auntie na ngayon ay hinawakan na ng mga pulis at hinila na patungo sa maliit na kulungan ng presintong iyon.

Tumayo ako at dumiretso sa hepe na pinapalibutan din ng mga pulis.

“Bakit po siya makukulong? Wala po siyang ginawang masama. Kung ako po ang problema ninyo, hindi naman po ako kasali sa kanila!”

Tumitig lamang ang hepe sa akin. A man in his late thirties, fit, and demanding looking twisted his lips.

“She’s my only guardian left. Please, wala pong ginawang masama si Auntie!”
“May protocol akong sinusunod, hija. Kahit ako, ayaw ko siyang makulong,” anito sabay tingin sa isang papel.
“Pero bakit ganoon?” giit ko.
“She won’t be jailed for long. Ang mabuti pa, umuwi ka muna sa inyo. Hindi ka sa kanya nakatira, hindi ba?”

Binalewala ko ang sinabi ng hepe at dumiretso na sa kulungan kung nasaan si Auntie. Naroon pa ang matandang babae na inaway niya kanina. May pinag-usapan sila at kitang-kita ko ang talim ng tingin ni Auntie sa kanya kahit pa nasa loob ito ng rehas.

Lumapit ako at nang lumipat ang tingin ni Auntie sa akin ay napatingin din ang matandang babae. Her golden bushy hair danced. Isang beses niya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa bago binalik kay Auntie Tamara ang mga mata.

“Pasensya na, Tamara. Kailangan ko ng pera,” anito.

Umalis din agad ito. Hindi na sumagot si Auntie. Parang napagod na sa pakikipagtalo. Lumapit si Auntie sa rehas. Ganoon din ang ginawa ko. Parang pinipiga ang puso ko habang tinitingnan siya sa loob.

She smiled at me even when her eyes were sad.

“Makinig ka.”

Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang luha.

“Si Tita Matilda ba ang may gawa nito?” tanong ko dahil iyon lang ang tangi kong naisip.
Pumikit siya bago nagpatuloy. “Bumalik ka sa apartment. Kunin mo ang mga damit ko. Ilagay mo sa maleta. Kunin mo rin ang pera kong naroon. Magbabayad ako rito.”
“B-Bakit pa kailagan kong ilagay sa maleta ang damit mo?” tanong ko.
“Pinapaalis ako ng may-ari sa apartment. May bibili na raw.”

Nanuyo ang lalamunan ko. Seriously? The moment I stepped on that apartment, this happened?

“Si Tita Matilda ba?” I croaked.
“Putang inang babaeng ‘yan,” she snapped.
“Sorry, Auntie,” nanginginig kong sinabi.
Umiling siya. “Lilipat tayo.”
“Hindi tayo titigilan ni Tita Matilda.”
“Sundin mo na lang ang sinabi ko, Ace,” aniya.

There is just no other way around it. Kung aalis ako, tapos ko nang sinira ang buhay ni Auntie Tamara. It is only right to correct what I did. Bukod din sa wala akong mapupuntahan, kailangan din ni Auntie Tamara ng sandalan.

Nangingilid ang luha ko pagkalabas ng presinto. Malamig ang gabi. Naglakad ako pabalik sa apartment.

Kinuha ko ang mga sinabi ni Auntie Tamara sa akin. Ang kaisipang si Tita Matilda ang bumili nitong lumang building ay nagpakaba sa akin. Paano kung nandito siya? Paano kung sasaktan niya ulit ako?

Nagmadali ako sa paghagilap ng mga gamit ni Auntie. Kinuha ko rin ang pera kung saan niya sinabing meron at inilagay ko sa kanyang maleta.

Nanghinayang ako sa iba pang kasangkapan kaya pinasok ko ang mga iyon hanggang sa napuno ang mga maleta naming dalawa. Bumalik ako sa presinto at dumiretso na kay Auntie Tamara.

I did not sleep that night. She paid for whatever violations only they could understand. Madaling araw nang nakalabas siya. Kitang-kita ko ang panghihina niya at ang pagkukunwari niyang malakas pa sa harap ko. I know because I’ve done that, too.

“I’m sorry,” ulit ko nang niyakap ako ni Auntie.

She did not assure me that it is okay and I like it. Because I know that it isn’t… It will never be.

“Aalis tayo,” aniya.
“Saan?” tanong ko.

She caressed my hair from roots to tips before finally saying it.

“Hindi tayo titigilan ni Matilda.”
“Hindi ako titigilan ni Tita. Kung sana hindi lang ako pumunta sa’yo, sana-”
“Stop it. I am your rightful guardian. Not her. Kahit pa anong mangyari ang importante nasa akin ka, ayos lang.”
“What about your apartment? What about your work?”
“The owner is my friend. She’d let me go and take me back whenever I want to. Galit na galit pa si Matilda ngayon kaya pahuhupain natin iyon. Magpapakalayo tayo…”

Tumango ako, hindi inalintana ang ibig sabihin noon. That maybe, my dreams are farther now than ever. The more we escape the problems, the further my dream is. Waa na rin akong magagawa. Sa ngayon. Bukas, baka meron.

Nakatulog ako sa mahabang sakay ng bus. Nagising na lang ako nang sumikat ang araw at tumama sa aking mukha.

Nilingon ko ang bintanang puno ng bulubundukin at tanim. We are heading to far north. Auntie Tamara’s boss has a property there. Rest house umano at doon nagdesisyon si Auntie na pansamantalang manirahan kasama ko.

Tiningnan ko ang cellphone para sa mensahe ni Daniella pero wala parin. Huminga ako ng malalim at nagulat nang biglang nagsalita si Auntie kahit nakapikit.

“I researched…” she said.
“A-About what?”
“Ano nga ulit ang gusto mong kurso pagkakolehiyo?”
“Architecture. But…” yumuko ako.

Last night, I lost all hope to achieve my dreams. Ang naisip ko na lamang ay ang pagkabuhay. To live and make ends meet. Gaano ko man kagusto mag-aral at mangarap, mukhang imposible iyon sa buhay ko ngayon.

The darkness I’m seeing is infinite.

“It’s okay. Hindi na muna ako mag-aaral para makapagtrabaho-”
“No, it’s not okay,” putol ni Auntie sabay dilat at tingin sa akin.
“Hindi na importante iyon, Auntie.”
“Niloloko mo lang ang sarili mo, Ace. Alam kong gusto mo. I still have money. Pag-aaralin kita at bubuhayin kita. I cannot assure to send you to a popular school but I assure you I will do my best para makapag-aral ka.”

Ngumiti ako habang tinitingnan si Auntie. My tears pooled when I realized that no matter how dark things are, there will always be light. Hindi parin ako sinukuan ng buhay kahit paano.

“Ayoko pong maubos ang pera ninyo para sa akin. Alam kong may patutunguhan dapat iyan at pinagtatrabahuan ko dapat ito.”
“Ace, makinig ka. Ako na lang ang pamilya mo rito. Maaasahan mo ako. Maasahan ba kita?”
Tumago ako. “Syempre po.”
“Good. Then this what I give you. Dadamayan kita sa problema mo. Ganoon ka rin sa akin. Tayong dalawa na lang.”

Hinawakan niya ang kamay ko. Nangahas na tumulo ang luha na agad kong pinalis. Tumango ako at sumang-ayon sa kanya.

Pinagmasdan ko sa harap ang papalubog na araw. Kulay kahel ang araw, nagaya ng mangasul-ngasul na dagat, at pati na rin ng buhangin. Everything, turned bright and dark orange. The sunset here is the most picturesque sunset I have ever seen my whole life. Mas maganda pa sa Costa Leona. O siguro, mas pabor ako rito dahil dito na ako tumira sa nagdaang panahon.

Mabagal na mabagal nagdaan ang panahon. Gaano ko man kagustong magmadali, naging sobrang bagal ng bawat araw ko rito sa Sta. Ana.

Umihip ang hanging galing sa Pasipiko dahilan ng pagsabog ng buhok ko. I have drawn the sunset here so many times. At sa lahat ng naiguhit ko, walang paglubog na pareho ang mukha. They are all different.

Mabagal ang pagtatapos ko sa kolehiyo. Bukod sa malayo ang eskwelahan, hindi rin naging sapat ang pera namin ni Auntie Tamara. She worked on a fish market, like the usual work of the people in here. Tumigil din ako ng isang taon nang nakita kong hirap na kaming tugunan ang lahat ng pangangailangan. Nag full time ako sa isang flowershop.

The next year, she got so angry with me. Ang sabi ni Auntie, kailangan kong magtapos agad dahil babalik na kaming Maynila kung sakali man. Kailangan ko nang mag-aral muli. Kaya nagbalik ako sa pag-aaral, mabagal parin lalo na’t nagpart time parin ako sa flowershop na iyon.

It took me about six years before I could finish a degree. And that degree isn’t even what my dream is… pero ayos lang. Ganoon talaga ang buhay. Bukod sa malayo ang paaralang nag ooffer ng ganoon, mahal pa ang tuition kumpara sa State University na pinasukan ko.

Sa daanan galing sa rest house patungo sa flowershop ay ang pagawaan ng mga furniture. I have fallen in love with drawing and designing furniture in all forms. Be it wooden, plastics, and more…

Tiningnan ko ang isang calling card na ibinigay sa akin noong isang businessman na bumisita sa pagawaan. He liked my works. Sa dalas ko kasi sa pagawaan, hinamon ako ng may-ari na gawan sila ng disenyo. I did. I even helped with the making of the craft and they were so pleased. Unang beses nila ang napakalaking offer na iyon galing sa isang malaking kompanya.

Sa sobrang gusto ng may-ari noong disenyo ay bumisita ito sa maliit na pagawaan dito. Doon ko siya nakilala. He offered me a job on their company but I was still in school back then.

Ngumiti ako. The faint hope I’m feeling makes me happy. Hindi pa nga nangyayari, pag-asa pa nga lang, masaya na ako.

But I heard he’s looking for an architect. I’m not an architect. I major in drafting. I’ve donw woodworking for two years but if they want the degree, then I might not be hired.

“Hindi ka na bumalik, ah?” boses ni Auntie Tamara sa likod ko.

Nagkaroon ng munting salu-salo sa resthouse. Nagpalechon si Auntie dahil graduation ko kanina. Marami paring tao roon at pumuslit lang ako saglit para tingnan, sa huling pagkakataon, ang paglubog ng araw dito.

Ngumiti ako at binalewala ang tanong niya.

“Sasama na talaga ako, Auntie.”
“You can wait here. Hindi pa irerelease ang papeles ninyo. Kagagraduate mo lang, Ace.”
“Magtatrabaho ako sa’yo,” sabi ko sabay lingon.

She had been offering me that job ever since. I never said yes. Alam kong unfair iyon sa kanya. Utang ko lahat ng ito. Tulong niya ang lahat ng ito pero ako, hindi ko siya matutulungan kahit sa iilang maliit na bagay?

“At least until I find a better job.”
“Sigurado ka?” she smirked.
Tumango ako.
“Baka naman hindi ka na maghanap ng trabaho pag nakita mo magkano ang kikitain mo, Ace?”

Umikot ang mata ko at ngumisi na lang. She didn’t age. Baka naman bampira ito si Auntie. Sobrang ganda niya parin. Marami siyang naging manliligaw pero wala siyang sinagot ni isa. At sa tuwing may aakyat ng ligaw sa akin, lagi niyang binabara.

“Mas gusto kong magtrabaho sa gusto kong linya, hindi bale kung konti ang kikitain ko.”
Tumango siya. “Tiba-tiba ako sa’yo, panigurado.”

Huminga ako ng malalim at ibinalik ang mga mata sa papalubog na araw. After the slow and colorful day is the brightest hour. Sunset, I think, is the most beautiful hour of the day. Even better than sunrise. Pero ang kasunod ng pinakamagandang oras ng araw ay ang dilim ng gabi.

I’ve never fallen in love with the dark night. Not even when there is a moon. Not even when the stars are bright. Maybe, I did, once. But I will never again.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.