What Lies Beneath The Sand – Kabanata 16

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath The Sand – Kabanata 16

Kabanata 16
Darkness

Kabadong-kabado ako. Zamiel did not seem to realize what just happened. Sumunod ako kay Daniella dahilan ng pagsunod ni Zamiel sa akin.

Hinawakan ni Zamiel ang palapulsuhan ko. I can sense that he doesn’t want to go. Nagpatuloy parin ako, kahit ganoon. Wala nang kibo si Daniella at base sa tono niya kanina, hindi ko alam kung tama pa bang suwayin siya.

“Let’s stay here for a bit, Daniella, please?” Zamiel finally uttered.

Sinipat kaming dalawa ni Daniella. Her eyes were cold and angry. Sa akin iyon nakadirekta ngunit binaling niya rin kay Zamiel.

“She’s not Daniella. She’s not your fiancee.”

Sa likod ko si Zamiel at hindi ko siya nilingon. I just know that he didn’t speak. And Daniella’s way of looking at him changed from a scowl into a sweet smile. Ibig lang sabihin noon, nakuha niya ang gustong reaksyon kay Zamiel. Hindi ko magawang lingunin ito.

Bumalik sa paglalakad si Daniella patungo sa mga sun lounger. Sumunod ako pero nahila pabalik ni Zamiel.

“Anong ibig mong sabihin. Anong ibig niyang sabihin?” he asked coldly.

Nilingon ko siya. Ang galit at pagsusumamo ay magkahalo sa kanyang mukha. Parang nilulukot ang puso ko. I want to beg him to listen but he removed my hand from his hold.

“Anong ibig sabihin noon?”
“Zamiel, Ace,” padabog ang pagkakabigkas ni Daniella sa aking pangalan. “Magpapaliwanag ako sa harap ni Senyora Domitilla. Come with me.”

Huminga ako ng malalim at sumunod sa paglalakad. Hindi sumunod si Zamiel. Hindi ko na siya nilingon. Yumuko na lamang ako.

Kumuha si Daniella ng tuwalya at nagsimulang mag punas sa katawan at buhok. Kumuha rin ako ngunit itinapis ko lamang iyon sa akin.

“Oh, tapos na kayo?” Senyora Domitilla asked while removing her sunglasses.

Nilingon ni Daniella si Zamiel na ngayon pa lang naglakad pabalik sa amin. His eyes were fixed on me. Nag-iwas na lamang ako ng tingin.

“Magpapakilala po ulit ako. My name is Daniella Alena Zaldua, daughter of Matilda Zaldua,” panimula ni Daniella.

Kumunot ang noo ni Senyora Domitilla. Kitang-kita ko ang pagbabadya ng masasakit na salita para kay Daniella pero hindi natuloy dahil nagpatuloy ito.

“This right here… is Ace Zaldua, my stepsister, the daughter of Engineer Teodorico Zaldua and his wife, Dorothea Zaldua, who died years ago.”

Walang nagsalita. Zamiel was so attentive he couldn’t speak and Senyora Domitilla seems confused.

“I’m sorry. I did something very wrong from the very beginning-”
“You’re lying,” dinig ko ang galit sa boses ni Zamiel.

Bumangon si Senyora at naupo para mas makinig. Umiling si Daniella kay Zamiel.

“Ayaw kong pangunahan sa pagpapakasal kaya imbes na humarap dito ay umalis ako, naglayas. My stepsister, Ace, is willing and available kaya para may pumunta rito, at hindi malaman ni Mommy na wala ako, siya ang pumalit sa akin.”
“These are all lies!” Zamiel exclaimed.
Umiling ulit si Daniella, ngayon magkaharap na ang dalawa. “Sinamantala ko ang katotohanang hindi ninyo pa ako nakikita simula noong nagdalaga ako. We only met once, Senyora. And I was so young then, you couldn’t possibly realize what I would look like when I turn eighteen.”
“What are you talking about, stupid girl? Daniella!” sigaw ni Senyora sabay tingin sa akin.

Nangilid ang luha sa aking mga mata. I don’t want to fool them. Sa halos dalawang buwan ko rito, hindi ko maitatanggi na napamahal na ako, kahit paano.

“I am Daniella, Senyora,” bawi ni Daniella. “Alam kong magagalit kayo sa akin dahil sa ginawa ko pero sana maintindihan ninyo na ginawa ko lamang iyon dahil ayaw kong pakasal sa isang taong hindi ko naman kilala. Now, I’m here to make amends. I am very truly sorry for fooling you all.”
“I don’t believe you!” giit ni Zamiel sa isang boses na punong-puno ng nakamamatay na asido.

Kinuha niya ang tuwalya at hinagilap ang aking palapulsuhan para mahila ako pero hindi ako nagpatianod. The feeling of revealing everything terrified me, but it is also freeing. It freed me.

Hinawakan ni Daniella ang kamay ni Zamiel na nakawak sa akin. Sa gulat ni Zamiel sa hindi ko pagsunod ay nanghina siya at mabilis nakalas ang kanyang kamay.

“I am your fiancee. I am Daniella Zaldua. I only hired her to fool everyone. Now I realize why we have to marry each other and I take responsibility for it-”
“Tatawagan ko si Matilda at tingnan natin!” banta ni Senyora kay Daniella.
“You may call my mother if that’s the only way, Senyora.”
“Daniella!” sa takot ko ay nasaway ko siya.

Zamiel’s eyes are like cold silver cutting through me. Kinagat ko ang labi ko at yumukong muli.

“Anong ibig sabihin nito, Daniella!” sa akin na nakaharap si Senyora ngayon.

She walked towards us until she’s only a meter away from me.

“Is this true!?” sigaw ng matanda sa akin.

Huminga ako ng malalim. My heart ached so bad but my tears couldn’t fall. Siguro dahil alam nila na kahit na masakit ito, kailangan kong pagdaanan ang lahat.

“Opo,” banayad kong sinabi.

Katahimikan ang bumalot sa amin. Hindi ko na kailangan pang tingnan ang reaksyon ng mga nakakarinig para malaman kung galit sila.

“Don’t lie to me,” Zamiel’s cold tone sent shivers down my spine.

Pinantayan ko ang titig niya dahil kailangan ko iyon. I need him to see me confess the lies I fed them.

“She is Daniella Zaldua. I am Ace Zaldua-”
“Huwag kang magsinungaling sa akin!!!” he screamed so loud that even Senyora Domitilla got so shocked. Napalitan ang galit ng takot at kaba sa mukha ng matanda.
“Please, Zamiel. It is my fault, not hers. I was so desperate. I paid her for it. Ginawa niya lang iyon dahil gusto niya ang pera. Ako lang ang may kasalanan dito dahil kung hindi ko siya inalok, hindi rin naman siya mapupunta rito.”

Nilingon ni Zamiel si Daniella. His eyes lingered on her. Hindi makapagsalita si Senyora sa gulat parin at takot.

“I am your fiancee. I am the real Daniella. I’m sorry for fooling you. Inutusan ko lang si Ace dito dahil gusto kong tanggihan si Mommy pagbalik naming Manila pero kalaunan na realize ko na politikal nga ang kasal na ito. Kailangan sa negosyo,” nagkibit ng balikat si Daniella.

Zamiel’s dangerous eyes looked more vicious now that it’s flushed. Umigting ang kanyang panga at humakbang ng isa, lalapit sa akin na parang hindi.

“Binayaran ka para rito?” tanong ni Zamiel.

Hindi ako tumango. Yumuko lang ako at nilukot ang lupi ng aking tuwalya.

“Sagutin mo ako! Binayaran ka para lokohin kami? Binayaran ka para lokohin ako!?”

Napapikit ako sa sobrang lakas ng boses niya. Wala ni isang nagsalita. I can hear Zamiel’s heavy breathing. Pakiramdam ko, sa galit niya ngayon, kayang kaya niya akong saktan. My knees are trembling in fear. Hindi ko rin siya kayang tingnan dahil pakiramdam ko’y tatakbo ako sa takot.

“Anong nangyari?” natigil pa ata si Kajik sa pagje-jetski dahil sa sigawang naririnig.

Dahan-dahan akong tumango.

“I paid her half million for this job. In fact…”

Umikot si Daniella at kumuha ng kung ano sa kanyang maliit na bag. Inilahad niya sa harap ko isang papel na naglalaman ng ticket ko pabalik ng Maynila at ang isa’y cheke na napirmahan niya at may tamang halaga gaya ng pinag-usapang dagdag.

“Eto na ‘yon, Ace. Gaya ng plano. Tumupad ako. I’m sorry,” si Daniella.

Napalunok ako at tumango. I came here for the money. Hindi ko inisip ang consequences at para roon, magbabayad ako. Eto ang kabayaran. I will hurt myself hurting these people who trusted me.

Nanginginig ang kamay kong tinanggap ang mga ibinigay ni Daniella sa akin. She smiled.

“Good.”

May kinuha ulit siyang papel sa kanyang bag. She gave one to Senyora Domitilla. Tinitigan iyon ng matanda at ang isa’y dapat kay Zamiel pero hindi nito tinanggap kaya nagpaliwanag na lang si Daniella.

“Patunay ito na ako ang tunay na Daniella Alena Zaldua. Here is a copy of my birth certificate, my highschool diploma, my school IDs and family picture. Here is Ace’s school ID,” ipinakita ni Daniella ang aking ID.

Kinuha ni Zamiel ang kopya ng mga papel ni Daniella. He looked down on it was his enemy. Umawang ang labi niya kalaunan nang siguro’y natantong nagsinungaling nga kami.

“Anong problema?” si Kajik na napatingin na rin sa hawak ng kanyang lola.
“I know it’s a bad start but I hope you all understand that it’s not easy for an eighteen-year-old girl to give in to a marriage she did not like. Nagawa ko lamang ito out of desperation. At dahil gusto ni Ace na kumita ng pera at kaya niyang gawin ang panloloko para roon, sinamantala ko iyon.”
“Kung ganoon, sino itong impostorang ito?” si Senyora nang nakabawi.
“She’s my step sister, po. She works in our house along with the maids.”

Shit. Nag-angat ako ng tingin kay Senyora at nakita kong nanlalaki sa gigil ang kanyang mga mata.

“She’s only sixteen. Doesn’t have enough money since her parents died and is desperate for it,”
“Daniella…” I warned her weakly.
She only smiled. “I don’t think anyone could do a better job than her. Walang papayag kahit pa gaano kalaki ang halaga ng ibibigay ko-”

Natigil si Daniella nang lumapit si Zamiel sa kanya at binalik ang mga papel. Without a word, he walked out of the scene. Yumuko akong muli. Hindi ko siya kayang tingnan na umaalis.

“Your mother will hear about this! This is such a disgrace! The pictures will be out soon at hindi pala ikaw iyon? Pinahiya mo kami sa lahat!” si Senyora.
“I know, Senyora. But I’m willing to confess to all the people and I am also positive they would understand. In fact, I think I will even get their attention for it-”
“Tapos na ang lahat! Napahiya na kami! Kanino pala ipapakasal ang apo ko? Sa babaeng ito? Na walang pinag-aralan at menor de edad! Isang malaking iskandalo!”
“I will confess to the media-”
“And they think they would believe you? Iisipin ng lahat na ipapakasal namin ang apo ko sa isang…” Senyora Domitilla stopped and looked at me with disgust.

Namamanhid ang buong katawan ko. Kajik still looks confused.

“I will tell them that I changed my mind because I realize that Zamiel is such a good man. Like a true Mercadejas. That I’ve fallen for him. That I no longer want this marriage only for convenience, but also for our happiness, for our love.”

Tinitigan ko ang ticket ko pabalik ng Maynila. Mamayang gabi agad ito. Sa distansya ng mansyon sa airport nito, ngayon pa lang ay dapat nag-aayos na ako ng gamit.

“I will talk to your mother about this!” giit ni Senyora Domitilla.

Napangunahan na ako ng panghihina kesa sa takot na malaman ni Tita Matilda ang tungkol dito. She’s out of the country, anyway. I will have time to encash this check and look for a place to stay before she goes back to Manila.

“Opo. You can. I’m prepared. Aamin na rin po ako sa kanya at tinatanggap ko ang kasalanan ko.”

Tumalikod si Senyora at naglakad na paakyat sa hinagdanang bato. Tiningnan kami ni Kajik bago siya sumunod sa kay Senyora.

Hindi alam ng mga kasambahay ang gagawin sa mga pagkaing nakalatag. Nag-alinlangan pang magdesisyon ang isa na iakyat na. Samantalang si Petrina ay lumuluha at nanatiling nakatayo sa likod lang ng mga sun lounger.

“Tumupad ako sa usapan kaya tumapad ka rin,” baling ni Daniella sa akin.

Hindi ako nakapagsalita. May iilang masasakit na salita akong narinig pero bukod doon ay tama siya. Tumupad siya sa usapan. Inako niya ang kasalanan. She protected me, somehow.

She smirked. Humalukipkip din siya at hinintay ang reaksyon ko.

“Magbalot ka na ng gamit para hindi ka maiwan ng eroplano. Hindi na kita kukunan pa ng bagong flight kung maiiwan ka niyan, ha. Ang laki na ng gastos ko sa’yo kaya makontento ka riyan.”

I am too speechless to say anything. I am sad and angry. Pero wala akong maisusumbat dahil tumupad siya sa usapan at ginusto ko rin ito. I willingly agreed to this so what is there to regret and be angry about?

Umakyat na rin ako. Sinundan ako ng tingin ni Petrina na ngayon ay nagpupunas ng luha pero hindi ko na siya nilingon pa.

I continued walking. Pagdating ko ng bulwagan ay walang naroon. Umakyat ako ng hagdanan, sumunod si Petrina.

Tiningnan ko ang kwarto ni Zamiel sa pasilyo at nakitang may dalawang nag-aabang na kasambahay roon. Dumating pa si Mercedita na sumulyap lamang sa akin bago nakisali sa mga iyon.

Pumasok ako ng kwarto at hindi na nagtagal pa. I wiped the sticky seawater off my body. Kumuha ako ng damit at pumasok na ng banyo. Si Petrina ay nanatiling nakatayo sa paanan ng aking kama, hindi malaman ang gagawin.

Wala sa sarili kong pinalitan ang aking underwear at nagbihis na rin ng damit. Hindi ko na sinuklay pa ang buhok ko. Lumabas na ako roon at nagsimula ulit na magligpit ng illan pang gamit.

“M-Miss…” Petrina croaked after a few moments of silence.

Tumigil ako at nilingon ko siya. Her tears won’t stop falling. I did not cry the whole time. Masakit. Nagbabadya lagi ang luha. Pero hindi ako umiyak. And here is Petrina, crying for me like she saw my pain… or… I pained her.

“I’m sorry,” amin ko.
“Totoo ba ‘yon?”

I smiled weakly bago tumango. Umiling si Petrina.

“Bakit?”

Kinagat ko ang labi ko at umiling ulit.

“Kailangan ko ng pera,” sabi ko at nagpatuloy sa pagliligpit ng gamit.

Suminghap si Petrina. Bago pa madugtungan ang sinabi ay bumukas ang pintuan at pumasok si Daniella roon.

“Leave us,” utos nito kay Petrina.

Petrina is hesitant to execute it. Nakita ko ang titigan nila ng ilang saglit bago yumuko ang kasambahay at tuluyan nang pumanhik at lumabas ng pintuan.

Nagkibit ng balikat si Daniella at naupo na sa kama. Nagpatuloy naman ako sa pagliligpit. Iniiwan ang damit na binigay ni Zamiel at kinukuha lamang ang akin.

Natigil ako nang nakita ang isang frame na itinabi ko roon. It was our sketch of the beach with us sitting on the sand.

“By the way, narinig ko na gustong magtawag ni Senyora Domitilla ng mga pulis. I stopped her and save your ass.”

Marahas kong binalingan si Daniella.

“Bakit ako ipapapulis? Hindi ba utos mo ‘to? Sumunod lang ako?”
“Kaya nga. But…” she smiled again. “You know. I’m the daughter of Matilda Zaldua. You’re not. Kaya mas iisipin nilang ikaw ang masama.”

Unti-unting namuo ang galit sa akin pero imbes na mag-aksaya ng panahon ay nagpatuloy na lamang ako sa pagliligpit. Nilapag ko sa sahifg ang frame at tinanggal ko rin ang aking singsing. Ang dalawang ito ang pinakamahalaga para sa akin. Pero hindi ko dadalhin iyon… Binigay iyon ni Zamiel sa akin na ako si Daniella. Hindi iyon para sa akin. Lalong hindi rin para sa pinagpanggapan ko.

“No thank you?” patuyang sinabi ni Daniella.

Hindi ako sumagot. Sinipat ko lang siyang muli.

“Hay. I’m sorry to say na baka rin hindi ka maihatid sa airport. You see. They are still angry. Ikaw na bahala sa sarili mo. Sa bahay ka na rin tumuloy mamaya. Ako na ang bahala sa kanila rito. I will atone for my lies… pay for it here.” She tilted her head. “Why do you look so grim when you’re not really at fault?”
“Tingin mo madali ang ginawa ko? I lied to them, Daniella.”
“Don’t tell me you’ve grown to feel for them in a span of one month? Ang bilis mo namang maattach? And besides, hindi ba pera naman talaga ag gusto mo?”

There is no point in arguing. Hindi niya alam dahil wala siya sa kalagayan ko. She paid me to lie for her. Hindi siya ang mismong nagsinungaling at nanloko. Hindi siya ang araw-araw na nandito at nakaranas sa kabaitan ng lahat. Ako.

Tumayo ako at inangat na ang aking bagahe. Kinuha ko rin ang frame. Sa ibabaw noon ay ang aming engagement ring na tinanggal ko. I’ve decided to give it back to Zamiel.

“I want a new room. The sheets here are already dirty,” sabay haplos niya sa kama.

Nang bumaling siya sa akin ay nagpahiwatig pa siya ng pagkakagulat.

“Aalis ka na?”
“Obviously,” sagot ko.
“Hmm. Bye, Ace. I’ll just hang around here for a moment to contemplate. Paki tawag ang handmaiden mo pagkababa mo.”

Hindi na ako nagsalita. Diretso na ang pagtungo ko sa pintuan nang napuna niya ang mga iniwan ko.

“Hindi mo ‘to dadalhin ang ibang magagandang damit?”
“Hindi ‘yan akin,” huling sinabi ko bago sinarado ang pintuan sa gitna namin.

Nilingon kong muli ang malayong pintuan ng kwarto ni Zamiel. I wonder if he’s inside. Wala na ang mga kasambahay at sina Mercedita roon. Hindi man ako sigurado, sinubukan ko parin. I gathered all my remaining courage to walk towards his room.

Nang tuluyan na akong nakalapit ay kinatok ko na iyon. Tatlong katok bago ko binaba ang aking kamay. Nagtagal at walang bumukas, kakatok na sana ako ulit pero bumukas ito at bumungad sa akin si Zamiel.

He wasn’t surprised of my presence. He was just there, standing, staring at me with cold and dangerous eyes. Muli kong naramdaman ang takot kanina. Takot na baka masaktan niya ako sa galit. Dahil sa titig niya pa lang, nag uumapaw na ang karahasan. Pinaaalalahanan ako kung anong klaseng lalaki talaga siya. The cold brute who is ruthless and forceful.

Nanginginig sa takot ang kamay ko nang inangat ko ang kuwadro na may nakapatong na engagement ring. Inipon ko na ang lakas ng loob ko para rito dahil alam ko, hindi na kami magkikita pa ulit.

“I’m returning these-”
“Nagsinungaling ka ba sa akin?” tanong niya.

Yumuko ako at tumango. I heard his heavy sigh.

“Totoo ba na para sa pera!?” now his tone got forceful.
“Totoo,” amin ko.
“Magkano para magsinungaling ka? Magkano ka, kung ganoon?!” he blatantly asked.

Pumikit ako sa sobrang takot sa malakas niyang boses. Ang sakit ay nanunuot sa aking buto pero tiniis ko iyon. May kasalanan ako.

“And is it true…” mas mahinahon niyang sinabi.

But something about his cold and soothing tone that is scaring me more. Para bang kalmado siya pero sasabog na. Para bang iyong munting pagtigil ng oras bago mo maramdaman ang sakit sa mga sugat.

“That you’re just sixteen?”
“I’m just sixteen,” sagot ko sa nanginginig na boses.

Binalot kami ng katahimikan. Nakatingin na ako sa kuwadrong nasa ere parin, hindi niya tinanggap. Kalebel lang iyon ng kanyang dibdib.

“You are disgusting,” wika niya sa tono na nagpangatal sa akin.

Shit.

“I’m sorry. Aalis na ako, Zamiel. Ibabalik ko na itong-”

He hit the frame with the back of his left hand. Parang kulog na kumalabog ang frame habang natapon naman ang singsing na ibinigay niya sa akin noon. My hand felt the force of his hit. Nanginig ako ng husto sa takot. Sa takot dahil pakiramdam ko, ako ang pisikal niyang sinaktan. Binaba ko ang nanginginig kong kamay at inangat ko ang tingin ko sa kanya.

“Leave, child! I don’t want to see you again!” his voice thundered.

Talagang umakyat ang iilang katulong dahil sa narinig na pagkakabasag ng kuwadro at sigaw ni Zamiel sa akin.

Padabog na sinarado ni Zamiel ang pintuan creating another thunderous boom. Nanatiling nakatayo ang mga kasambahay, walang nangahas na lumapit at tumulong sa akin. Pinulot ko ang nagkalasug-lasug na bahagi ng kuwadra. Tayo, upo, tayo, upo, habang paisa-isa kong kinuha ang mga iyon sa harap nila.

Ang huli kong pinulot ay ang engagement ring. Lumunok ako at nagsimula nang maglakad patungo sa hagdanan.

Pinanood lang ako ng mga kasambahay. Dumiretso na ako palabas ng bulwagan. Wala nang pagpapaalaman pa.

Pero nagpasya ako na bago ako umalis, ililibing ko sa buhangin ang mga ito, kasama ng alaala ng aking mga pagkakamali at mga sakit na ako rin ang nagdulot.

Bumaba ako sa hagdanang bato. Nang nasa buhangin na’y nilapag ko muna ang bagahe para maghukay.

I promise to myself that I would work hard just so I could reach my dreams. Ito na ang pinakamalalang pwede kong gawin. The rest will be easy. Lahat ng mga pwede kong gawin para makamit ang aking gusto ay magiging madali na dahil nagawa ko na ang pinakamahirap.

Tinulak ko ang bundok ng buhangin pagkatapos kong ihulog ang mga piraso, kasama ang singsing. At sa huli, parang walang nangyari. Parang walang nilibing. Sana ganon din ang mga alaala. Na kapag nagdaan at nailibing na, hindi na babangon at magpapaalala ulit.

Papalubog ang araw nang nakasakay ako ng pampublikong van patungo sa airport. Tulala ako buong byahe. Maging nang nasa terminal na, hindi ako nakaramdam ng pagkakagutom. Tulala lang ako sa lahat.

When I boarded the plane, that’s when I realized that it sucks. It sucks to be so helpless. It sucks to be me.

Hindi ako kailanman nagreklamo sa ibinigay sa aking buhay, gaano man kadilim ay nakikitaan ko parin ng kulay. Pero ngayon… habang umaangat ang eroplano at iniiwan ko ang isang lugar na minahal ko, naghangad ako na sana ako na lang si Daniella. Sana hindi ako naghihirap. Sana ay kaya kong tuparin ang mga gusto ko sa isang iglap.

My tears rolled down my eyes when someone whispered in my mind.

“You are loved by your mother and father pero naghahangad ka ngayon na maging ibang tao?”

I felt so guilty. Nagalit ako sa sarili ko. Nagalit ako dahil naiinggit ako sa buhay niya. Naiinggit ako sa mga kaya niyang gawin. Naiinggit ako na abot kamay lang ng ibang tao ang mga pangarap na papakamatayan ko.

Nanghihina na ako pagkadating sa bahay. Madilim na at tulog na siguro ang mga kasambahay. May susi ako kaya nakapasok parin hanggang sa aking kwarto. I turned the lamp on. Tinapon ko ang bag ko sa gilid at sumubsob na sa kama.

I thank God for the exhaustion. Makakatulog ako dahil sa pagod. Natatakot akong hindi dahil sa dami ng iniisip at iniiyakan ko ngayon, pakiramdam ko’y hindi na ako makakapagpahinga pa.

Inabot ko ang lampshade sa gilid ng aking kama.

Akala ko noon, pagka uwi ko galing sa probinsyang iyon ay masisiyahan ako. Akala ko tapos ang problema ko pagnakauwi na at natapos ko na rin ang sinugong misyon ni Daniella pero nagkamali ako.

I turned the lamp off. The darkness consummed the room like how it consummed my life from that moment… till this day.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.