What Lies Beneath The Sand – Kabanata 15

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath The Sand – Kabanata 15

Kabanata 15
Envy

Sabay kaming bumaba ni Daniella sa hagdanan. Gaya ng madalas, hindi pa pumapasok si Zamiel sa mansyon at nanatili na lamang sa kuwadra. Nakatalikod siya sa amin nang nakalabas kami sa bulwagan. My heart hammered like a mad man.

Zamiel turned and his eyes drifted from me to Daniella who’s behind me. Parang sinaksak ang puso ko nang nakita kong tumingin siya roon. Binalik niya sa akin muli ang titig bago hinarap kami ng husto.

“Uh, Zamiel. This is Alena, my friend…” may idudugtong pa sana ako pero naglahad na ng kamay si Daniella kay Zamiel.

“It’s nice to meet you. Zamiel Mercadejas, right?” she smiled sweetly.

Tinanggap ni Zamiel ang kamay ni Daniella. He smiled at her and nodded.

“Yes. Hmm. I’m surprised. You have a friend from Costa Leona, Daniella?” sabay tingin ni Zamiel sa akin.

Gustong magsalita ni Daniella. Suminghap siya st umiling.

“She’s from Manila-”
“Yes. I’m not from here. Kababakasyon ko lang at nalaman kong nandito siya kaya pinuntahan ko. And I’ve heard from her that she’s staying on a nice estate. I got curious so here I am.”

Nagkibit ng balikat si Daniella kay Zamiel. Zamiel walked past Daniella just to come near me.

“Nagmeryenda na ba kayo? Let’s go inside so your friend could eat.”

Tumango ako. Nauna na si Zamiel sa loob. Sumunod naman ako pero bago makapaglakad ay hinila ako pabalik ni Daniella.

“Oh my gosh, he’s hotter in person,” she whispered.

Tumango ako at wala nang nasabi. Sumunod kami kay Zamiel na agad nag-utos sa mga kasamabahay. Umupo siya sa upuan sa terasa at hinawakan ang backrest ng katabing upuan niya nang nakatingin sa akin. He’s telling me to sit beside him.

Ginawa ko iyon. Hindi ko alam kung napansin ni Daniella iyon pero mukhang wala naman siyang pakealam. Naupo siya sa harap namin. Tumayo rin agad para tumingin sa labas ng terrace bago naupong muli.

“You have a pretty estate. Plus, the beachfront is exceptional!” papuri ni Daniella.

Zamiel smiled at me before finally speaking.

“So, my wife has toured you around?”

Kitang-kita ko ang ilang sandaling pagkakabalisa ni Daniella sa tinukoy ni Zamiel. Then she laughed mockingly. Napainom ng tubig bago siya nagsalitang muli.

“Well, yes. But… I didn’t know Daniella’s already married?”

Sinipat niya ako. Isang lengwaheng alam kong ginagamit niya kapag may bisita sa aming bahay noon.

“We will get married soon so she has to get used to me calling her my wife. Pareho lang iyon,” sagot ni Zamiel.
“Oh! But you’re not yet married. Right, Daniella?”
“Hindi pa,” sagot ko, hindi na rin nagiging kumportable.

Hinawakan ni Zamiel ang aking kamay. He leaned towards me and whispered something. Habang nangyayari iyon ay tinititigan ni Daniella ang aming mga kamay at pinagmasdan ang kilos. Kinabahan agad ako.

“We will marry each other so what’s the difference?” he whispered.

Ngumisi siya at bumaba ang kanyang mata sa aking labi. I am as firm and hard as a statue while he’s doing that. Tumikhim si Daniella dahilan ng agarang pagbaling ko. Nakataas ang kilay niya, marahan akong inirapan pagkatapos ay tumingin kay Zamiel.

“I’m surprised that my friend here agreed to a marriage for convenience. She’s braver back in Manila.”

Zamiel chuckled. Napawi ang naglalarong ngiti sa labi ni Daniella at napalitan lang ng pagkamangha.

“She’s still brave now. Bakit naman siya tatanggi sa alok kong kasal? There is nothing to lose and everything to gain.”

Sumimsim si Zamiel sa isang basong tubig. Daniella’s lips parted. Yumuko ako. She’s starting to like him. And it’s not just because of his looks, I’m sure.

“I don’t know. I just thought na hindi siya mabilis maipapakasal. I just remeber her being close with a friend of mine back home.”

Sumulyap si Zamiel sa akin. Kumunot naman ang noo ko.

“Ashton is a nice guy. From a good university and definitely handsome. Madalas silang magkausap, hindi ba, Daniella?”

Hindi ko maitanggi iyon dahil iyon ang totoo. Nilingon ko si Zamiel na ngayon ay kunot ang noo.

“We are just friends. Nothing more. That’s all.”

Zamiel shifted on his chair. He looked at me with a playful warning in his eyes. Umiling ako. Sa ibang pagkakataon ay magpapaliwanag ako, kahit sino pa ang nasa harap. Pero iba ito… Daniella. The real Daniella is in front of us and there is nothing to explain.

“Oh well. Lahat naman diyan nagsisimula. Anyway, Daniella told me that you work?”
Tumango si Zamiel. Hindi pa ata nakakabawi sa huling narinig.
“Where do you work?”
“We have a cement plant few miles away from here. I manage just almost all the operations of the plant. Sa ibang planta, iba naman ang nangangasiwa.”
“That’s huge. Interesting.”

Daniella leaned towards the table giving us a good view of her cleavage. Her voluptuous body could really do wonders for any man’s interest. Hindi na ako magtataka kung maging si Zamiel ay ganoon.

“Why don’t we visit that plant? I’ve never been to a cement plant before,” si Daniella.
“Gagabihin na tayo.”
“Tomorrow, then?”

Nakatingin na lamang ako sa aking baso. I don’t want to interrupt. I don’t want to feel bitter when I see Zamiel’s eyes gleaming with lust for Daniella.

Bata pa ako, I reminded myself. Pera ang kailangan ko para mabuhay at makapag-aral. Iyon lang dapat ang iisipin ko. Sa huli, maagaw ang lahat pero hindi ang edukasyon. I need to invest on things that can’t be taken away from me.

“Do you have things to do tomorrow, Daniella?” si Zamiel.
“Wala naman,” sagot ko.
“That’s a done deal then. Anong oras ba? Also, can we swim on the beach, Daniella? Mag-isa kasi ako sa hotel, e, kaya mas masaya kung dito ako magswimming.”
“Oo naman.”
“Zamiel?” she turned to him.
“Sure thing. I’ll ask Mercedita to bring some food down the beach tomorrow. Para sa inyong dalawa.”
“That’s great! Pero… hindi ka kasama?”

Nasulyapan ko ang bigong mukha ni Daniella. Umiling si Zamiel.

“I have work to do.”
“Oh! Pilitin mo siya, Daniella. Minsan lang naman, hindi ba?” natatawang sinabi ni Daniella.

Tinitigan ko ang matamis na ngiti ni Daniella sa harap. Parang dudugo ang mga mata ko sa bottled up anger. Something that I shouldn’t feel. I don’t have the right to get angry. In the first place, this life is not mine.

“Please, Zamiel.”

Nagtaas ng kilay si Zamiel. He grinned evilly before he twisted his lips.

“I really can’t say no to my wife.”
“Then that’s good! I’m excited!” deklara ni Daniella.

Napabaling kami sa bulwagan nang nakitang humilera ang ilang kasambahay. Pumasok si Senyora nang hindi namin namalayan ang pagdating ng sasakyan.

Tumayo kami ni Zamiel para batiin na ito. Tumayo na rin si Daniella at gumaya sa amin.

Nagmano at humalik si Zamiel sa matandang donya at ganoon din ang iminuwestra ng matanda sa akin. I did the routine to before she finally turned to the third person of our crowd.

“This is Alena, Senyora. Kaibigan ko,” sabi ko.
Senyora smiled. Her eyes did not linger on her na para bang hindi siya importanteng pagtuonan ng pansin.

“Is Kajik around?”
“Kadarating lang po, Senyora,” sagot ng isang kasambahay.
“Good. Ask him what he wants for dinner. Zamiel, Daniella…” then she only smiled to the real Daniella. “Magapahinga na muna ako. Enjoy the sunset, my dear.”

Tumulak na si Senyora kaya nilingon ko si Daniella. I know that she probably felt insulted by the people’s lack of interest and importance for her.

Sumunod ang iilang kasambahay sa kay Senyora. Ang iba’y sinalubong ang pagdating ni Kajik. Like the my routine, I introduced Daniella as Alena to him.

“Nice to meet you,” Kajik said. “Dito na tayo maghapunan kung gusto mo.”
“Ah! Hindi na. I will go back to my hotel,” nag-aalinlangang sinabi ni Daniella.
Tumango si Kajik at hindi na namilit pa. “Kuya, father wants the reports. Are you done with it?”
Umiling si Zamiel. “Gagawin ko ngayon.”

Hinawakan ni Zamiel ang aking baywang at yumuko siya para mabulungan ako.

“I’ll leave you and your friend for now. See you on dinner and after that. We have things to talk about.”
“H-Huh? Talk about what?” bulong ko.
Matalim niya ang sinipat. “About your city boy…”

I can’t believe him. Iniwan kami ni Daniella sa bulwagan. Umalis ang magkapatid, siguro’y patungo sa study. Nilingon ko si Daniella at naabutan ko ang kanyang pilit na ngiti habang nakahalukipkip.

“What were you whispering about?”
Umiling ako. “Nagpaalam lang na aakyat na sila ng kapatid niya,” sagot ko naman.

Umirap siya at suminghap.

“Babalik na ako sa hotel ko at baka tumawag na si Mommy. I also have to arrange schedules.”

Sumulyap siya sa taas ng hagdanan bago bumaling sa akin.

“Tumupad ka sa usapan kung hindi wala kang matatanggap ni piso,” she said as parting words before she left.

Papalubog ang araw nang nasa kwarto ako, mag-isa. I took my luggage out. Wala sa sarili kong inayos ang aking mga damit. This is the moment just before losing and leaving. Iyong tipong alam mo na matatalo ka na. Hindi ka na lumalaban at sumusuko na lang.

This is not Daniella’s fault. I have no right to get mad at her. Kasalanan ko ‘to dahil pumayag ako kahit alam kong mali.

Naramdaman ko ang pagiging makasarili niya kanina pero sino ako para husgahan siya? Sino ako para sawayin siya? This is her life I am taking. It is normal for her to envy the life she gave away. Ako na pumayag sa gusto niya, sa pagsisinungaling, ay parehong may kasalanan tulad niya. I’m not clean. I’m not honest. I’m not kind.

“Where is your friend?” si Senyora nang nasa hapag na kaming lahat.

Pagkatapos mag-usap ng magkapatid tungkol sa negosyo ay si Senyora na mismo ang naghanap noon.

“Umuwi na po,” sagot ko.
“Oh! I thought she’ll eat her dinner here. Where is she staying?”
“Sa isang hotel daw po malapit dito.”
“Oh! Though any friend of you is our friend, too. You may offer her a guestroom,” si Senyora sa banayad na boses.
“Uh. Okay, po,” sagot ko.
“Well, if she’s staying at The Coast, I tell you. Pareho lang ang dagat namin dito sa dagat nila roon. Might as well let her swim on our beach front, instead.”
Tumango ako. “Iyon nga po ang plano namin bukas.”
“That’s great! I can arrange for your food. Zamiel,” bumaling si Senyora kay Zamiel.
“Po.”
“Daniella has a friend. You should put an effort of pleasing them. Magpahanda tayo bukas. Ibaba ang mga pagkain pagkaligo ninyo. Ilang buwan na rin akong hindi nakakapahinga sa tapat ng dagat, sasali ako sa inyo.”
“Okay po, Lola.”
“Should I invite friends, La? It sounds like a beach party to me,” si Kajik.
Tumawa si Senyora pero bago pa nakapagsalita ay naunahan na ni Zamiel.
“You can’t. Not Peter or anyone. You can invite your girls.”
Nag-ngising aso si Kajik. “Ikakasal ka na, babae parin ang iniisip mo?”
“That’s not because I like girls, Kajik. I just definitely hate Peter.”
Kajik laughed. Ganoon din si Senyora. Umiling si Zamiel at ngumisi na rin. Yumuko ako at nangiti na rin. Pansamantalang nakalimutan ang nagbabadyang problema. Zamiel caressed my shoulders slowly with his resting hand behind my chair.

“Anyway, Ivo is asking for your opinion, Zamiel. About a matter involving the company,” baling ni Senyora sa ibang usapin.
“Si Ali ang tanungin niya. He left me the plant, Lola, even when I don’t want it.”
“You can just teach him the things that you know, hijo. Alam mo namang hindi magkasundo si Ivo at Ali, hindi ba?”

Their conversations went on. Tahimik naman akong nakikinig. Hindi ko halos magalaw ang pagkain ko.

Lumipat kami sa terasa pagkatapos kumain. Doon na nila pinagpatuloy ang usapin habang kumakain ng panghimagas. Zamiel’s arm is around me like usual. At kung wala lang nagpapabagabag sa akin ay naenjoy na ako sa pagtitingin ng mga bituin sa langit.

It was almost nine in the evening when we decided to call it a night. Umakyat ako at dumiretso sa kwarto nang bigla akong hinila ni Zamiel.

“Ano ba!?” gulantang kong sinabi.
“Let’s talk.”

He dragged me to his room. I did not exactly fight him. Nagpatianod lang ako kahit pa iba ang sinasabi ko.

Nang nakapasok kami sa kanyang medyo madilim na kwarto ay sinarado niya agad ang pintuan. He snaked his arms around me the reason why I started wriggling.

Sumalampak siya sa kama at ako naman ay sa kanyang hita.

“Zamiel, what the hell are you doing?”

He chuckled and then inserted his hand on my chest. Para akong mahihimatay sa ginawa niya. Tumigil ito sa mismong puso ko. Siniko ko siya sa sikmura dahilan ng pagpirmi niya sa mga kamay ko.

“You’re scared I might bed you tonight, huh? I just want to talk.”
“Then don’t drag me like that!” giit ko.
“I told you we’re going to talk. Ang tahimik mo kanina, ah?”

Sinubukan kong tumayo pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng pagyakap.

“Who’s the man your friend is talking about? You have a lover left in Manila?”

Oh my gosh. Sa lahat ng nangyayari, ito parin ang big deal sa kanya? I thought he’d realize that I’m not the true Daniella?

“Hindi ba sinabi kong kaibigan ko lang ‘yon?”
“She made it sound like you have something romantic going on.”
“You think I’ll come here and let you marry me kung may iba akong mahal, huh?”

Shit. I’ve gone too far with the words. Tinikom ko ang bibig ko.

“Hmmm…” he breathed.

Kinalma ko ang sarili ko. Yumuko ako at nagpaalala na dapat ay hindi ko na dagdagan pa ang mga iyon.

“So you’re letting me marry you because you’re in love with me?”

Hindi ako sumagot. Hindi rin niya ako pinilit pang magsalita. Nanatili kaming ganoon.

Tinabunan ng kanyang malaking kamay ang aking kamay. He then fitted his fingers inbetween mine. Nanghihina ang mga daliri ko habang ang kanya’y humihigpit ang hawak.

“Do you swear you’re not in love with someone else.”

But it is true, Ace. You are not in love with anyone else.

“I swear…” marahan kong sinabi kahit na parang kinakatay na ang puso ko.
“You should swear,” aniya sa isang seryosong tono.

Ilang sandali pa ang lumipas bago siya huminga ng malalim.

“I’m sorry,” he said.

Nagulat ako roon. My heart is melting for him. At ikinalulungkot ko na nagsinungaling ako. Na ang lahat ng ito ay para sa pera lang.

“I’ve never been possessive of anything. Not the attention of my parents, of other people… not our riches and our properties… not our money or our name… only of you. I have only been possessive of you.”

I smiled because I know, saan man ako mapunta, ilang taon ang magdadaan, at gaano ka daming sakit ang mararamdaman ko… I will always remember all of his tender words. I will carry it deep within my heart. In places I won’t dare admit. In secret and hopes. In dreams and imagination.

“Anong oras daw tayo babalik sa mansyon, Ace?” tanong ni Daniella habang nakatayo at titig na titig sa larawan ni Zamiel sa dingding.

Nasa loob kami ng opisina ngayon at gaya ng alok ni Zamiel kahapon, pinaunlakan niya kami rito. Daniella is in her cropped brown off shoulder top and a short shorts too. May dala parin siyang backpack na bumagay sa kanyang katawan.

“Alas dos.”

Kadarating lang namin dito ngayon. Naglunch muna kami sa bahay bago tumulak dito. Natagalan tuloy si Zamiel.

Daniella turned to me. Her eyes drifted on my hand that’s on Zamiel’s desk. Lumapit siya at ngumisi.

“Feel na feel mo, huh?”

Nakita ko ang bahagyang pagkakagulat niya nang nakita ang diamante sa aking daliri.

“Is that your engagement ring?”

I tried to hide it but it’s too late. Naramdaman niya rin ang ginawa ko kaya nilahad niya ang kanyang kamay.

“Patingin.”

I sighed and slowly removed it from my finger. Kinuha niya iyon at sinubukan sa kanya pero halos hindi iyon pumasok. Nang tuluyang pumasok ay tinaas niya ang kanyang kamay.

“This looks so good on me.” Nilingon niya ako.
“Daniella, I think you should give it back-”
“Bakit? Sa’yo ba ‘to? This should be mine if I didn’t hire you.”

Namilog ang mga mata ko.

“Kung makapagdesisyon ka na, bibigyan ka naman niya niyan!” medyo tensyonado kong giit.
“Kung sabagay,” she said playfully. “At ayaw ko rin namang tumanggap ng pinaglumaan ng iba.”

Pilit niyang tinanggal ang singsing at itinapon sa desk ni Zamiel. She smiled.

“Daniella, stop it,” I whispered habang pinupulot ang singsing at nilalagay pabalik sa aking daliri.
“Stop what?” natatawa niyang sinabi.
“You are making all of this like a joke. We will break the people’s trust-”
“I will break the people’s trust, not you. Ako ang may kasalanan. Hindi ko naman talaga kasali sa picture, Ace. Kaya may karapatan ako kung paano pakitunguhan ang lahat ng ito.”
“I lied for you. How can you say that I’m not involved?”
“Ayaw mo noon? I’m saving your ass here.”

Bumukas ang pintuan dahilan ng pagtigil namin sa pagtatalo. Daniella’s lingering stare at me sent shivers down my spine. Zamiel smiled and went directly to me. He kissed my forehead habang ako’y nanatili ang titig sa nakatingin sa amin.

Tinalikuran niya kami bago lumabas ng opisina.

“Tara na? I’m done,” Zamiel said.

Tumango ako at ngumiti. Zamiel tilted his head as if he saw something strange in me. Mas lalo kong pinalapad ang aking ngiti.

“Do you have a problem?” he asked.
Umiling ako. “Nothing. Let’s go?” sabay tayo ko.

His eyes lingered on me but he never said a word. Kahit pa noong sumakay na kami sa sasakyan. Ako sa front seat at si Daniella sa backseat.

Hindi kami magkakasya sa kabayo kaya pinili ni Zamiel na magsasakyan kami. At mas mabilis man ito, mas matagal parin ang uwi dahil iikot pa sa isang diversion road bago tuluyang mapadpad sa highway.

“Nakapamasyal na kayo sa buong probinsya?” tanong ni Daniella bilang pagbasag sa katahimikan.
Umiling ako.
“Hindi pa. Pero ipapasyal ko rin siya sa susunod,” si Zamiel.
“Gusto kong sumama.”

Napatingin si Zamiel sa akin. Hindi ako nakakibo. Hell, I don’t even know what my expression looks like.

“Ilang araw pala ang bakasyon mo?”
“I can always extend my vacation whenever I like it even when I’m staying in an expensive hotel.”

Nilingon ako ni Zamiel. Parang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi tinuloy. Alam ko mismo kung ano iyon. Hindi na ako nagsalita.

“So anyway, today, we are swimming right? Hindi ba hindi ka marunong magswimming, Daniella? Paano ‘yan? Kami lang ni Zamiel ang maliligo, kung ganoon?”

Shit.

My sanity is hanging on to a piece of fiber. Malapit nang mapigtas ang pasensya ko. Inalala ko ulit ang lugar ko dahilan ng pagkalma.

“Sure,” sabi ko sa iritasyon.
Tumawa si Zamiel. “Pwede siya sa hindi malalim. And besides, lumalim man. Hahawakan ko siya para hindi malunod.”
“Oh that’s hassle on your part, huh?”
“Hindi naman. Gusto ko nga ‘yon, e,” Zamiel confessed maliscously.

He looked at me dangerously. Ayaw ko nang lingunin si Daniella. This will be really awkward.

Pagdating namin sa mansyon ay didiretso na dapat sa bulwagan ngunit tinawag si Zamiel ng isang trabahante sa kuwadra dahilan ng paglapit nito roon. I was already nearing the mansion when I stopped to look at Zamiel’s business. Nakita iyon ni Daniella dahilan ng paglapit niya sa mga lalaking nag-uusap.

“What’s wrong?” narinig kong usisa ni Daniella.

Zamiel explained to her what’s happening. Napalunok ako. Tumango si Zamiel at tumulak na pagkatapos magpaalam. Sumunod si Daniella, making sure that their walking pace is the same.

“Magpapaturo ako next time kung paano sumakay ng kabayo,” si Daniella nang narinig ko na ang pinag-uusapan.
“Daniella can teach you that. She rides good now,” si Zamiel.
“Oh? But she’s new to horseback. Hindi ba dapat iyong experto ang nagtuturo?”
“She’s already good at it. Don’t worry,” giit ni Zamiel.

Sumulyap ako kay Daniella at nakita ko ang pagnguso niya at pagkunot ng noo. I sense she’s going to fire back but it’s too late. Zamiel called for Mercedita to ask about Senyora’s plan for today.

At gaya ng sinabi ni Senyora, may handa nga sa beach front. May mga sun lounger na hinanda at naroon na siya kasama si Kajik na kakaahon lang sa dagat.

“Happy?” bati ni Kajik kay Zamiel sabay pakita ng naroon.

Wala siyang dala, ni babae. Si Senyora, ang dalawang kasambahay at si Petrina lamang ang naroon. Naupo si Kajik, tumutulo ang mga patak ng dagat sa kanyang katawan. Nagsalin din siya ng juice sa kanyang baso.

“Thanks for the effort.”
“Yeah. Thanks for the warning. I don’t want our friends to lose their front teeth,” sabay tawa ni Kajik.
“Shh. Stop it, you two. Kajik…” si Senyora.

Senyora is half lying on her sun lounger. She’s wearing a dark sun glasses. Nilingon niya kami at nginitian.

“I forgot how relaxing this feels.”
“Magandang hapon po, Senyora,” si Daniella.
Tumango lang ang matanda at bumaling ulit sa akin. “Daniella, mamaya ka na lang maligo at medyo mainit pa. Paunahin mo na lang ang kaibigan mo kung gusto niya.”

Kinagat ko ang labi ko. I know she means well but for Daniella to hear that, I think she will get even more offended. Nakita ko ang blankong ekspresyon ng aking step-sister. Nilapag niya ang kanyang bag sa lamesa at agarang tinanggal ang damit.

Iminuwestra naman ni Zamiel ang isang sun lounger sa akin.

“Zamiel, wanna join me?” Daniella said in a very sweet tone.

Napalingon si Senyora sa kanya. Yumuko ako.

“No. Mamaya na ako kapag kasama ko na si Daniella,” sagot ni Zamiel.

Anger passed on Daniella’s face. Mas lalo lang akong nanlamig. Tumabi si Zamiel sa aking sun lounger at nang nalingunan kami ni Daniella ay umiling ito at dumiretso na siya sa dagat.

A heavy sigh from Senyora Domitilla broke the silence.

“Anong trabaho ng mga magulang noon, Daniella?” Senyora asked.

Shit.

“Uh, her father died when she w-was young, p-po. M-May business ang kanyang Mommy.”
“Hmm. Just like you, right.”

Kabadong kabado ako. Mabuti na lang at hindi niya na dinugtungan. Bumaling siya sa isang kasambahay at nang hingi ng kung ano.

The clouds are covering the sun but Senyora Domitilla still finds it too sunny. Nilamon ni Kajik ang isang piraso ng pagkain bago niya tinungo ang hinandang jetski roon. Zamiel then curled his arms on me. Pinagmasdan ko si Daniella na naglalakad sa mababaw na parte. Her all red stringed bikini is so bold that it made her look paler than usual.

“Let’s rest first gaya ng ginagawa ni Lola,” Zamiel groaned behind me.

Pero nanatili akong nakaupo hanggang sa umahon muli si Daniella. She smiled after probably twenty minutes of swimming. Namumula na ang kanyang balat. Napawi ang ngiti niya nang nakita ang kamay ni Zamiel sa aking tiyan.

I saw a gleam of anger in her eyes nang nahagip niya ako ng tingin pero dumiretso siya sa lamesa para makainom ng cucumber juice.

“Swimming na tayo,” yaya niya sa akin.

Nilingon ko si Zamiel na kadidilat lang. Tumango ako sa kanya bilang pagsang-ayon kay Daniella. Nilapag ni Daniella ang kanyang baso at sinulyapan ang matandang natutulog sa sun lounger bago bumalik sa dagat.

I removed my dress. Ang suot ko ay isa muli sa mga bikini na binigay ni Zamiel. Zamiel removed his t-shirt, too. Sabay na kaming naglakad sa dagat. Nauna ako pero sinasabayan ako ni Zamiel. When he realized that I’m walking too fast, kinuha niya ang kamay ko at hinawakan.

Nakita ko si Daniella sa malayo, nakatingin at hindi mabasa ang ekspresyon.

We stopped when the water was on my shoulder level. Si Daniella naman ay lumangoy pa palayo sa kung saan, siguro’y hindi ko na kayang puntahan.

“Dito tayo!” yaya niya.
Umiling si Zamiel at hinarap ako. “Let’s just stay here,” sabi niya at umambang yayakapin ako.

Alam kong kaya niya pang lumayo pero mas pinili niyang samahan ako.

“Zamiel! Hindi ka ba marunong lumangoy?” si Daniella.
Ngumisi si Zamiel. “Marunong.”
“Sige nga. Languyin mo hanggang dito?”
“I can’t. Daniella likes it here!” Zamiel shouted back.

Hinawakan ko ang braso ni Zamiel. May mga salitang gustong kumawala sa akin pero ayaw ko. Ayaw ko. Ayaw kong pakawalan.

“Just leave her for a moment and show me if you can swim till here! Come on!” Daniella said in a frustrating tone.

Huminga ng malalim si Zamiel at hindi parin gumalaw. Nagkatitigan kami. I smiled at him weakly.

“Kailan ba uuwi ang kaibigan mo?”
Umiling ako at natawa sa ganitong uri pa ng pangyayari. Damn this bastard! He really knows how to make me look like an idiot.

He smiled back.

“Zamiel! Come on!” Daniella screamed. She sounds so frustrated.

Umikot ang mata ni Zamiel at agad nang nawala para tugunan ang gusto ng aking kaibigan. I saw him swim the distance expertly. I heard Daniella’s shrieks and giggles as she braced Zamiel’s arrival near her.

“Ang galing mo!” bati niya nang umahon si Zamiel sa harap niya.

Zamiel smiled and did not wait for her approval for another dive. Namangha ako nang nakitang lumangoy siya pabalik sa akin. Kumapit siya sa aking baywang bago umahon. Pinasadahan niya ng kamay ang kanyang buhok bago tumingala at huminga ng malalim.

Nang tumingin ako sa kanyang likod upang hanapin si Daniella ay nakita kong wala na ito roon. My heart skipped a beat but then it started to hammer when I saw her near us, too.

“Ace, tayo na,” she said coldly.

Binalewala iyon ni Zamiel pero ako, para na akong yelo na unti-unting humulas.

“Astherielle! Ang sabi ko, umahon na tayo,” pagalit at pinal na ulit ni Daniella at naglakad na paahon sa dagat.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.