What Lies Beneath The Sand – Kabanata 14

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath The Sand – Kabanata 14

Kabanata 14
Fiancee

“Ayos lang po ako,” sabi ko sa mga dumalong trabahante.

Meanwhile, the security guard is already talking to Daniella. Binigay ko ang lubid ng kabayo sa trabahante at dire-diretso na akong naglakad patungo sa gate.

“Anong kailangan mo, hija?” naabutan kong tanong ng guard.
“I’m Daniella’s friend. I want to see her,” sabi ni Daniella sabay tingin sa akin.

Nilingon ako ng guard. Tumango ako rito at hinayaan niya nang lumapit ito sa akin. Niyakap ako ni Daniella ng mahigpit at nanginginig namang nilingon pabalik ang mansyon.

“I missed you! And oh my gosh, this house is huge and pretty!” deklara ni Daniella.

Nilingon ko ang guard na pinagmamasdan kami. Hinawakan ko ang kanyang siko at hinila patungo roon sa may duyan, palayo sa mga taong nagmamasid.

Wala si Senyora Domitilla sa ngayon. Sabi’y may binisita. Kajik is out as usual and Zamiel is in his office. Ako at ang mga tauhan lang ang naroon sa mansyon ngayon at sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpasalamat ako na ganoon nga.

Nagpatianod siya sa hila ko. Bagaman nakangisi si Daniella, ako naman ay hindi magkamayaw ang kaba.

“Anong ginagawa mo rito?” I asked when we finally are near the swing.

Malayo ang distansya noon sa mismong mansion. Mag-usap man kami sa katamtamang boses ay hindi kami maririnig ng kung sino mang naroon. Mas lalo pa kung hihinaan ko ang boses ko gaya ng ginagawa ko ngayon.

“What?” she laughed mockingly. “Visiting you…”

Naglakad siya palapit muli sa mansyon. Nanatili naman ako sa kinatatayuan. Tumigil siya at nilingon ako. Naglakad siya pabalik at patungo sa duyan.

Ano ang plano niya? Are we still pursuing the plan? Horrifying thoughts of betrayal made me more nervous. Surely, she’s not going to do anything like it, right? Abot-abot ang pagbundol ng kaba sa aking puso.

She playfully run her fingers on the cold brass chains of the swing. Nakaplaster parin sa kanyang labi ang hindi magkamayaw na ngiti, may halong mangha.

“You never told me their mansion is exceptionally beautiful,” her tone is almost an accusation.
“You never asked. Hindi ko rin alam na hindi mo alam.”
“Goodness. I’ve never been here. This is my first time.”

Naupo siya sa duyan at tiningala muli ang mansion. Alam kong namamangha talaga siya sa disenyo ng mansyon. Nilingon niya rin ang halamanan na sa tataas ay ang malayong dagat at pagtatagpo ng langit na lang ang nakikita kapag sa ganitong distansya.

“And is that a beach?” she asked.
“Daniella,” I whispered. “Why are you here and where is Ashton?”

Nakita ko ang biglaang pagpapalit ng ekspresyon niya sa mukha. Noong mas bata kami, mas halos pareho ang mukha namin. Ang ibang bisita, mga bagong nakilala, lalo na noong buhay pa si Daddy, inaakalang si Tita Matilda talaga ang tunay kong ina dahil bukod sa magkamukha, magkamukha rin kami ng “panganay” na anak.

Her straight brown hair is in ponytail today. Bakas sa kanyang mukha ang light make-up na suot, konting gloss at pampahaba pa ng pilik-mata. Ang suot ay inaasahan para sa isang turistang galing sa isla. A cropped yellow spaghetti strap top and a faded short shorts. She has a small backpack behind her. Naisip ko tuloy kung nasaan ang kanyang maleta gayong hindi ito umaalis ng hindi dala ang sandamakmak na damit.

“He went hope, the coward,” she said with so much bitterness na agaran ding naglaho. “Anyway, it doesn’t matter now.”
“Anong ibig mong sabihin? What about our plan!?” natataranta na ako.

She smiled again. Naiirita na ako pero wala ako sa posisyon para makaramdam noon. Huminga ako ng malalim at yumuko.

“Where are the people here? Zamiel and his grandma? Are they inside the mansion?”
“No. May lakad ang Senyora at si Zamiel ay nasa trabaho.”
“Trabaho? Saan?” nilingon niya ang gate.

Kinabahan ako at napalingon din. Akala ko’y umuwi ito ng mas maaga sa inaasahan ko. Nang nakitang wala ay huminga ako ng malalim at bumaling ulit kay Daniella. And she’s already looking at me with that ridiculous grin on her face. Tumaas ang kilay niya bago nagsalitang muli.

“You look so scared.”

Shit. Paano ako hindi matatakot? Nagpapanggap akong siya tapos pumunta siya rito? Is she out of her mind?

“Bakit ako hindi matatakot? Pumunta ka rito. Mabubuking ako!”
“Mabubuking ako. May I remind you, Ace, that you have no liability here. These are all my mistakes so you shouldn’t worry about it.”

Pumikit ako ng mariin at tumango. She’s right. Wala akong kasalanan. Kung mabubuking kami, siya ang masisisi dahil siya naman ang may pakana. I’m just her puppet. I’m just here so she could use me.

“Kaya huwag ka nang mag-alala.”
“Paano iyong plano natin? What are we going to do?” tanong ko, naguguluhan na.
“Well, I revised the plan.”

Shit. I did not see this coming. May takot ako sa ganito pero hindi ko inakalang mangyayari nga.

“What is your revised plan, then?”
“Hmmm. I’ve been thinking…”

Tumayo siya at umikot sa mga gumamela. Hinawakan niya ang isang bulaklak at hinaplos ng ilang sandali bago tuluyang nagsalita.

“Wala na kami ni Ashton. The coward refused to marry me. It broke my heart, Ace. Pero narealize ko na hindi ako dapat nag-aaksaya ng panahon sa isang taong hindi ako pinapahalagahan.”

Marami akong gustong sabihin gaya ng…

Maaaring pinapahalagahan siya ni Ashton, it’s just that today is not the right time to get married yet. They are so young. They have things to prove to each other.

After all, the only true love is the one that can endure time, distance, and pain. It is the only love that inspires art. It is the only love that should be presented in front of Him.

Ang magpadalos-dalos ngayon ay hindi maganda. Lalo na dahil wala pa naman silang napapatunayan sa isa’t-isa. But who am I to judge Daniella’s opinion, it is hers. My opinion is mine and I shouldn’t shove it to her mouth just so she’d understand.

“I’m thinking, my decisions could be wrong and too fast,” dugtong niya.

Huminga ako ng malalim. Tila ito ang matagal ko nang isinasantabi sa isipan, unti-unting nangyayari.

“My mother’s decisions were for the better.”

Hinarap ako ni Daniella. Alam ko na agad.

Kinailangan ko pang paalalahanan ang sarili ko, na narito ako para sa isa at isa lamang na dahilan. Everything else doesn’t matter. I need to be objective because I came here that way.

Alam ko rin na kahit anong gawin ko, wala parin akong magagawa.

“And she’s coming home. Bago pa siya makauwi at maabutan ka, kailangan na nating ituwid ito, Ace.”

Tumango ulit ako. I’ve always been objective in life, pero ngayon sobrang hirap maging ganoon ulit. Pinilit ko ang sarili ko. Kailangan kong magpakatatag dahil mahina ako. Mahina pa ako.

“Anong gagawin natin?”

She smiled with so much satisfaction.

“Wala kang gagawin. Let me handle everything.”
“Daniella, I came here and lied to everyone of them. Kay Zamiel, sa kanyang kapatid, sa kanyang Lola, sa kanyang ama’t ina… maging sa mga kasambahay. Hindi pwedeng-”
“I was the one who lied, Ace. I made you lie so it is my fault. Huwag ka nang mag-alala. Ako na ang bahala sa lahat ng pagpapaliwanag.”

Nalaglag ang panga ko. I have so many words but they got lost before I could speak.

“Imagine the things I’m risking here just to own up to my mistakes. I can always accuse you of lying and identity theft but…”
“What?” halos pasigaw kong sinabi.

Minsan kasi sa sobrang pag-iisip ko, naiisip ko iyon. Those thoughts were so private that I did not dare to admit it to myself. Hindi ko pwedeng husgahan si Daniella ng ganoon. I’ve been with her for years and so far she did not do anything to deserve my cruel judgements. Pero ngayon, para itong bangungot na unti-unting nagkakatotoo.

She laughed mockingly and shook her head.

“Tingin mo gagawin ko sa’yo ‘yon? Don’t think so ill of me, Ace. I’m not my mother,” she said.

Pero hindi parin napanatag ang loob ko. I fear the unknown. I fear her capabilities. I fear her so much that I just suddenly want to run away.

“Anyway, let’s talk about my plan.”

Hindi na ako nagsalita. I have lost all the gleaming hope somewhere. Tingin ko nga, guni-guni lang ‘yon.

“Magpapakilala ako bilang kaibigan mo for the time being. I want to get to know my fiancee. At kapag nagustuhan ko, I will own up to my mistakes.”

Hindi ako makakibo. Hindi ako makapaniwala.

“I don’t know how long will it take me so we have to be patient. I need to know if he’s kind, or cool, or whatsoever.”
“Paano ako?”
“Paano ikaw? Huwag kang mag-alala, Ace. My checks are already ready. After my confession, you are to leave this place and go back to Manila.”

Kinagat ko ang labi ko. Iyon naman talaga ang importante, ‘di ba?

“Just as promised, I give you half million for this job. But since I changed my mind… at malaki ang possibility na magagalit si Mommy sa atin… sa’yo… I will double it so you can find a place to stay. Probably away from our house.”

Pagdating ko rito, ang pera ang tanging nasa isip ko. Ngayon, ni hindi na sumasagi iyon.

“So we both have to pretend first. And when I decide, I will confess to Zamiel and his grandmother… and all the people you lied to. I will own up to the mistakes and make sure you’re not going to be blamed. Ayos ba?”
“How are you going to confess? What if they won’t believe you, Daniella? What if… What if…”
“Ako na ang bahala diyan. You will be around my confession to justify that it is all my fault, Ace. Happy?”

Dapat ay umayos ang pakiramdam ko sa assurance niya pero bakit ni konti ay walang natatanggal sa nagpapabagabag sa akin?

“Aamin ako na inutusan kitang gawin ito dahil ayaw kong pakasal. Ngayon ay naintindihan ko na kung para saan ang kasal na ito, ang mabuting idudulot nito para sa amin, at ang pagtanggap ko sa desisyon na ito.”
“Magagalit sila sa atin-”
“I will make sure that the blame will all be mine. It’s obvious. Kung ako sila, sa nag-utos ako magagalit, hindi sa utusan. After the confession, and before you leave, I will give you the check. Kukuha rin agad ako ng plane ticket at ikaw na ang bahala sa sarili mo sa Maynila. I guess the money can do things for you just so you won’t see mother while she’s angry at us.”

Dahan-dahan along tumango. Nawawalan ng ibang rason at paraan. This is the only way out. This is the truth. There is no need to accept it because in the first place, we can’t deny the truths.

“Tandaan mo, just go with flow. The right to confession is not in you, Ace. Ako lang ang magsasabi ng totoo kung kailan ko gusto.”
“Paano kung matatagalan ka sa pagdedesisyon… kung… magugustuhan mo siya?”
“E ‘di matagalan? Just until I decide, you have to deal with that.”
“Paano kung hindi mo siya magustuhan?”
“I have to marry him, still. I know now why mother wants this. They are huge in the construction industry. There’s no other way, I think,” she said.

Wala akong nasabi na. Wala akong sasabihing mahalaga. Wala akong masasabi na makapagbagao riyan o sa kahit ano.

“Well, so are you saying na walang tao mansyon na iyan?”
“Meron. Mga kasambahay nila. Si Kajik, ‘yong kapatid ni Zamiel ay may nilakad din.”

Nilingon niya ang gate ng mansyon. Humalukipkip siya at marahang naglakad bago nagsalita ulit.

“Tour me around it. I want to see how big is the estate. Also, magpapakilala ako bilang Alena, my second name so it’s not a lie anymore. You’ll tell them I’m your friend. I’m staying in a hotel near here kaya uuwi rin ako mamaya pagkatapos mo akong mapakilala sa mapapangasawa ko.”

Napalunok ako.

“I noticed they have a beach front, too. Sayang at hindi ako nagdala ng swimwear. Well, the hotel’s beach front is already spoiling me.”

Sumusunod ako sa paglalakad niya patungo sa front yard. Pinagtitinginan kami ng mga trabahante at guard. Wala parin akong kibo. Masyadong mabilis ang lahat.

“Ang ganda ng buhay mo rito, huh, pa sakay-sakay ka lang ng kabayo. Who taught you how to ride a horse? Ang mga trabahante?”

Binalingan ako ni Daniella. Tumango ako. She smiled sweetly again then it’s suddenly gone.

“What are you waiting for, Daniella? Tour me. Ikaw ang mauna, dahil wala akong alam dito!” deklara niya.

Nataranta akong tumango at nauna na sa paglalakad. Suminghap ako. Minsan, hindi ka na bibigyan ng pagkakataong mag-adjust. You have to just suddenly do things you fear to do. Because you cannot really control anything.

“Kuwadra ng mga kabayo.”
“Ilang kabayo ang meron sila?”
“Hindi ko binilang.”

Tumango siya at tumingala sa mansyon.

“This is their mansion. Designed by an architect native of this province…” patuloy ko habang lumalapit kami sa bulwagan.

Bakas sa mukha ni Daniella ang pagkakamangha sa mga muwebles at sa kisame noon. She mimicked what I probably looked like the first time I came here. I admired the whole mansion for its majestic beauty. All the paintings and the swirls, all the antiques and the classic touches… all of it takes me back to the time when everything in this world was simple.

“This is where our engagement party was held.”
“Did they hire photographers for it?”

Nagulat ako roon. Naisip ko ang mga pictures na siguro’y nasa internet o kung saan man. Baka makita iyon ni Tita Matilda! Bakit hindi ko iyon naisip noon.

“Well, it usually takes time to release photos like that especially when the photographer is a professional one kaya hindi pa alam ni Mommy ngayon.”

Hinawakan niya ang isa sa grecian inspired sofas.

“If my hunch is right, that would probably be published on lifestyle magazines unless they want a private and elite party.”
“Paano ‘yon? Anong mangyayari?”
“That’s why I need to decide fast para hindi naman mapahiya ang pamilya nila kung sakaling ganoon nga ang mangyari.”
“Miss Daniella… meryenda, po!” si Petrina na bahagyang natigilan nang nakitang may kasama ako.

Sabay pa naming nilingon ni Daniella ang tumawag. It’s her instinct because it’s her name, after all. Punong-puno ng kuryusidad ang mga mata ni Petrina nang nakitang may kasama akong babae. Siguro, bukod sa hindi niya ito makilala bilang babae ni Zamiel, hindi rin siya sanay na may kaibigan ako rito.

“Petrina, kaibigan ko, si Alena.”
“M-Magandang umaga, Miss Alena. Saan ko ilalagay, Miss Daniella, ang meryenda? Sa terasa ba?” si Petrina.

Nagkatinginan kami ni Daniella. She smiled on me before finally setting for an answer I have to execute.

“I want to see your room,” she declared.
“Sa kwarto ko na lang, Petrina.”

Petrina nodded and went immediately to the grand staircase. Nang nasa tuktok na ay bumaling si Daniella sa akin.

“My goodness, you have a handmaiden?” natutuwa niyang sinabi.
“She just assists me in the things that I do, that’s all.”

Nauna na akong maglakad sa kanya sa engrandeng hagdanan. Sumunod naman siya sa akin.

“That’s still a handmaiden, right? And goodness, this is a fancy staircase. At ilang chandelier meron ang bahay na ito bukod sa pinakamalaking nasa gitna? Ilan din ang kwarto at gaano alaki? I bet you have a bathroom in your room, at guestroom pa ‘yon? Pang ilang guestroom ang kwarto mo?”

Hindi ko masagot lahat ng tanong ni Daniella dahil hindi ko naman naisip na mahalaga pala na malaman ko ang mga bagay na iyon.

“I bet these are real gold figures?” turo niya sa mga kasangkapan sa pasilyo. “And my… these antiques are worth a fortune, for sure!”

Daniella’s father was one of the greatest engineers of all time in the country. Iilang mga pampublikong imprastraktura na ang nagawa nito. Hanggang ngayon ay ginagamit pa at matibay pa. Her grandfather was once the head of a department related to construction, the reason why her father landed on some of the biggest projects for the country.

Kilala ang pamilya nila ngunit maagang namatay ang kanyang ama. Kung mas mahaba ang naging buhay nito, baka pa mas marami pa itong nagawa. Father was a great engineer. He owns a firm inspired by my mother. My father’s strengths were always praised by the large foreign companies making him one of the best in the private sectors.

Ang pagpapakasal ni Daddy kay Tita Matilda ay naging tungkol sa pag-aalaga sa akin pero kung iisipin ang banda ng pera, Tita Matilda has more money than us but her money was not regenerating anymore. Hindi kami ganoon kayaman gaya nina Tita Matilda ngunit paangat ang firm kahit pa noong namatay si Mommy.

Tita Matilda invested on the firm dahilan ng pagkaka maintain nito kahit pa hindi na ganoon ka aktibo si Daddy. She hired new good engineers and architects. Hindi man malaki ay may ibubuga parin.

At ngayon, ang ikinakabuhay ng firm ay ang mga magagaling na na hire ni Tita Matilda, at ang koneksyon niya sa departamentong pang imprastraktura. My father may have left me money but his money is growing right now because of Tita Matilda’s connections. Kaya kahit paano ay nakakatulong talaga si Tita sa amin. Hindi ko ipagkakaila ‘yan.

“This is my room,” deklara ko nang nakalapit na sa pintuan.

Pagkabukas ay nakita ko na ang tray ng pagkain sa lamesa. Wala na si Petrina, siguro ay bumaba para magdagdag ng pagkain.

Nilingon ko si Daniella na ngayon ay nilalapitan ang aking kama. Naupo siya roon, tinatantya kung gaano kalambot ang kutson. Nilingon niya rin ang bintana at dumungaw siya roon. Naglakad siya patungo sa bathroom at iginala ang mga mata.

“Wow! You have a bath tub. And this is a guestroom, right?”
“Yes.”

Tumango siya. She looks so pleased with the details of the room.

She checked the dresser and saw some expensive perfumes and lotions, iilan sa bigay ni Zamiel noong namili siya.

“Bulgari?” Inamoy niya iyon. “Sinong nagbigay?”

Parang may nagbara sa aking lalamunan. Hindi ko siya agad nasagot.

“An Estee Lauder cream? Do you use this?”
“Uh, minsan.”
“Sinong nagbigay nito?” now she sounds a bit tensed.
“Si Zamiel,” pag-amin ko.

Nanliit ang mga mata niya at agad bumaling sa aking closet. She run through my usual shirts until she found the other branded clothes… at iyong dress na suot ko sa engagement. Her eyes widened when she saw the tag.

“He has some good taste, huh. Classy and expensive.”

Pati ang mga sapatos ko’y tiningnan niya. Hindi na niya sinabi pa ang brand ng mga naroon pero alam kong namamangha siya.

“I bet it’s the handmaiden or his mother or a secretary who choose everything. Sa mamahalin lang nag shopping.”

Kumatok si Petrina at pumasok para dagdagan ang aming pagkain. Natahimik kami. Nagpatuloy naman si Daniella sa panunuri sa mga bagay sa aking kwarto. Nang nakita ang bagong dating na pagkain ay nilapitan iyon ni Daniella at tinikman. Ngumiti si Petrina sa kanya.

“Ilang cook meron kayo?” tanong ni Daniella.
“Uh, tatlo po.”
“Oh? And exactly how many maids are here?”

Natagalan si Petrina sa pag-iisip o pagbibilang kung ilan kaya nagkibit-balikat si Daniella.

“Nevermind. That many dahilan kung bakit ‘di mo masagot agad. You may go now,” she said.

Nilingon ako ni Petrina. Nagulat ako nang nakitang nakatingin lang ito sa akin. I realized that maybe she was told not to take orders from other people aside sa miyembro ng pamilya at sa akin.

“It’s okay, Petrina. You may leave us now.”

Iniwan kami ni Petrina gaya ng utos ko. Nang tuluyang nawala ito ay umiling si Daniella at tumawa.

“Titingnan ko ang itsura niya kapag malalaman niya nang ako ang mapapangasawa ng kanyang amo. Hm.”

She then turned to me.

“Where is his room?”

Habang tumatagal, para na akong sinasakal. Itinuro ko kay Daniella ang silid ni Zamiel. Tinanong niya rin ako kung nakapasok na ba ako kaya sinabi kong hindi. She then smiled and made me tour her to the other rooms I know.

She was pleased because the study and library is large and that they have a drawing room. Pati noong nag lunch kami ay hindi nakatakas ang puri niya sa taga luto at sa dami ng pagkaing ihahanda kahit mag-isa naman ako dapat na kakain.

In the afternoon I thought she’d go back to her hotel pero nagpatour pa siya sa akin sa beach ng naroon. Kailangan lang naming bumaba at ayon na pero hindi siya nakuntento. She also wanted to go and see the priced Windmills of Costa Leona, na pinagawa at ideya raw ng mga lolo nina Zamiel.

“Ilang windmills ito?”
“Hindi ko alam, Daniella,” sabi ko nang nasa daanan na kami patungong planta.

I will not encourage her to go to the plant. Bukod sa malayo iyon, hindi rin ako handa. Hindi pa ako handa. But does the world really care when I’m ready or not? It did not care if I was ready for Daniella’s arrival.

“Hindi mo siya natanong? You don’t talk that much, do you?”
“Uh… Yeah…”

She smiled again.

“At itong lupaing ito, kanila?” turo niya sa mga burol kung nasaan ang nagtatayugang windmills.
“Oo.”
“Where is their cement plant? Have you been there?”
“Oo pero malayo iyon. Kailangan nating mangabayo. Kung lalakarin ay baka magreklamo ka lang.”
“Oh. Right. I prefer he show me that, instead so let’s just go back to the mansion, then? Anong oras ang uwi niya?”
“Alas tres.”

Dumungaw si Daniella sa kanyang wrist watch. She was pleased to know that three in the afternoon is just fifteen minutes from now.

“Let’s go back to the mansion now. I have to use your bathroom and dresser.”

Sinunod ko rin iyon na parang robot. I want to defy her right now but I know I have no chance. Gaano man kalakas ang fighting spirit ko, kung hindi pabor sa akin ang panahon at pagkakataon, hinding-hindi ako magtatagumpay.

Pinagmasdan ko siyang nags-spray sa buhok. Naglagay din siya ng make up sa mukha. Marami siyang nilagay pero kaonting pagbabago lang meron. She knows how to make it look natural even with all the products.

She smiled at me on the mirror. Ngumiti ako pabalik. Nanlalambot ako. My heart skipped a beat when I heard the brass gates open and the coming of the galloping horse.

Dumungaw ako sa bintana at nakita si Zamiel na sakay nito. Natigilan ako.

The truth, Ace, doesn’t wait till you are ready. The truth will come even when your guard is down. All you have to do is brace it. All you have to remember is the reason for your lies. All you have to think about is your future. And these lies are not your future.

“Sinong tinitingnan mo?” si Daniella sabay dungaw din sa baba.

Binibigay ni Zamiel ang lubid sa tauhan. Daniella giggled.

“That’s him, right?”
“Yes.”
“Introduce me to him, Ace. I want to see if my fiancee is worth a try.”

He is.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.