What Lies Beneath The Sand – Kabanata 13

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath The Sand – Kabanata 13

Kabanata 13
Truth

Binigay ko kay Daniella ang picture. Kinuhanan ko si Zamiel ng palihim habang nasa dagat kami. Malayo man at medyo magalaw ay iyon na ang pinakamaayos na kuha. Ayaw kong kuhanan siya ng picture na alam niya. I don’t even want him to see my phone. Baka pa usisain niya ako at mabasa niya ang mga usapan namin ni Daniella.

Nilipat ko ang tingin ko sa sunod na kuwadro na naroon sa dingding ng opisina sa planta nina Zamiel. There were four portraits of Mercadejas men on the walls. Si Ivo ang naroon sa pinakakaliwa. Sunod nito ay ang pinsan ng magkapatid, siguro’y si Ali. Sunod si Zamiel. Sa kanang bahagi ay si Kajik.

Among the four men, si Ivo ang may pinakamaamong mukha. Aside sa siya lang din ang nakangiti, his eyes were twinkling and happy. Ali, looks too serious and uptight. Ganoon din ang magkapatid. Zamiel has a badboy air in him. Parang hindi gagawa ng mabuti at laging may masamang binabalak.

Ngumiti ako. Tama ‘yon. Lagi naman siyang may masamang binabalak, e.

Humilig ako sa kanyang swivel chair at tiningnan ang malaking mapa ng planta sa kanang bahagi ng haligi. Sa tabi nito ay ang pangkalahatang mapa ng buong lalawigan.

Sa araw na ito, sumama ako kay Zamiel sa trabaho. I was bored and he promised to bring me to the Hidalgo’s mansion again pagkatapos ng trabaho niya.

I’m already wearing another piece of the swimwears he gave me. Sa ilalim ng aking spaghetti dress ay iyon.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Zamiel. His brow shot up when he saw me ogling at their pictures again.

“Tapos ka na?” tanong ko.

Lumapit siya sa lamesa at yumuko ng bahagya. Ang pinapasayaw sayaw kong swivel chair ay pinigilan niya. Hinawakan niya ang arm rest dahilan kung bakit pumirmi ito. And then one peck on my lips without further ado.

“Yeah. Medyo natagalan. May kinausap ako,” he said.

Tumango ako. Hindi makapagsalita dahil bahagyang nagulat sa ginawa niya. I would probably never get used to his moves. Ever.

“Uuwi pa ba tayo?” tanong niya.
“I’m already wearing my bikini. Ikaw? May kukunin ka ba sa mansyon?”
Umiling siya.
“Hindi ka ba maliligo?”
“I’ll fish while you are swimming.”

Oh. Well, actually… sige. Ayos lang.

Humalakhak siya nang nakita siguro ang naguguluhan kong mukha. He pulled my swivel chair to the side and he squatted in front of me. The strange feeling I always have whenever he’s doing things is here again. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.

“Gusto mo mag swimming din ako kapag nags-swimming ka?” tanong niya.
Umirap ako. “Akala ko lang na maliligo ka rin.”
He chuckled. “You’re clingy.”
“I’m not!” naooffend kong agap.
“It’s okay. I like it.”
“Tss. Tayo na nga! Ang dami mo pang sinasabi, e.”

Tumayo ako. Sinundan ako ng mapaglaro niyang mga mata bago rin siya tumayo. May kinuha siyang gamit sa lamesa bago sumunod sa akin sa pintuan para makapanhik na kaming dalawa.

Sakay kay Alegro ay tinahak ulit namin ang daanan paalis ng planta. At dahil hindi na kami babalik ng mansyon, dumiretso na rin kami sa gubat sa tabi ng tarangkahan.

Tahimik ang kagubatan. Hindi gaya ng una naming punta roon, mas mabagal ang lakad ni Alegro. Siguro ay sinasadya na rin ni Zamiel para mas humaba pa ang aming usapan.

“You will grill a fish?” tanong ko.
“You want me to?”
“Syempre, mangingisda ka. Anong gagawin mo sa isda? Gagawin mong pet?”
He chuckled lazily. “I’ll grill it, then.”
“May dala ka bang lighter o posporo?”
“I have exceptional survival skills, Daniella. I can make fire with just stones and all.”

Hindi ko nakukwestyunin iyon. Sa itsura niya pa lang, ramdam ko na pwede nga siyang myembro sa palabas na Survivor.

“But it’s not the Flinstones era, Zamiel. Meron ng posporo at lighter para mas mapadali ang gagawin mo.”
“Maghahanap ako sa mansyon ng mga Hidalgo. Baka nga meron doon.”
Kumunot ang noo at nilingon siyang bahagya. “Hindi ba talaga tayo mapapagalitan? Are you close with the caretaker?”
“Mayordoma ng kaibigan ko ang caretaker nila. Kaya, oo, hindi tayo mapapagalitan.”
“Kaibigan? Raoul?”

He only sighed so nilingon ko siya. Nagtaas siya ng kilay sa akin. The menacing face is back again.

“Nakita ko siya noong kasama ko sina Peter at Kajik. He’s the one in horseback at the other side of your land, right?”
“You like him?”
“Uh, in terms of looks,” napaisip ako.
“So you like him…” malamig niyang sinabi.
“Oh my gosh, Zamiel. Napakaseloso mo!”
“Tsss…”

Our ridiculously nonsense conversation went on and on hanggang sa nakarating kami sa mga Hidalgo.

May nakatagong fishing rod doon sa mga kagamitan. Mukhang alam na alam ni Zamiel ang mga pasikut-sikot dito. I can imagine him spending his boring afternoons fishing alone, or with his friend, or with Kajik, or with girls. Ngayon, ako na ang kasama niya.

His eyes drifted on me when I started stripping para makapagswimming. Tumigil ako nang nakitang seryoso siya sa paninitig.

“Pagkauwi ni Ivo, hindi ba magyayaya ulit ‘yong magswimming tayo? Sasama ba tayong dalawa?” tanong ko.
Umiling siya. “I’m not yet ready.”
“Ready for what?” gulo kong tanong.
“You exposing your skin in front of other people.”

I laughed mockingly at him. Talaga ba? Like I said, all is fair in everything. Walang karapatang pagbawalan ng lalaki ang mga babae. Pwes, kung pagbabawalan niya ako, pwede ko rin siyang pagbawalan, hindi ba?

He went topless in a blink of an eye. Nakabrown boots parin siya, bahagyang nanghuhukay ang spike nito sa buhangin.

“Zamiel, hindi pwedeng ganyan. Men and women should be equal.”
“I know. I’m just not ready. Baka sa susunod, pwede na.”

Umiling na lamang ako at nagpatuloy na sa ginagawa. Kahit na nakababad lang naman ako sa dagat, nag-enjoy parin ako. Looking at the serene horizon and the calm torquoise water made me forget what is waiting for me in the coming days.

Sari-saring mga sitwasyon ang nabuo sa utak ko. Ang pinakagusto ko lamang ay iyong pagsunod ni Daniella sa aming plano.

Pero madalas, hindi naman talaga ganoon ang nangyayari. At minsan, ang katotohanan ay hindi paunti-unti. Hindi ka bibigyan ng pagkakataong maging handa… Dadating lang ‘yan ng kusa at malakas. Parang bumagsak galing langit at walang prenong lumagapak sa lupa.

He decided to bring the fishes at home, instead. Nalibang yata sa kakatingin sa akin habang naliligo sa dagat. Nalibang din yata siya sa pagupo roon sa sirang boardwalk para mangisda dahilan kung bakit naparami siya.

Sitting on the sand while trying to build another sand castle with Zamiel is my kind of day. I never thought simple things could make me feel this happy.

Pagkatapos noon ay nilamig ako. Ni hindi ko man lang namalayan na nagdala siya ng tuwalya para sa akin. Isang bagay na hindi ko rin naisip dalhin kanina nang naisip kong maliligo ako.

“Thank you,” sabi ko.

He’s so thoughful. Ang mga bagay na hindi ko inakalang maiisip niya ay naiisip niya. Ang mga bagay na hindi ko naiisip ay nakukuha niya. And I don’t think it required him so much effort. Parang wala lang sa kanya iyon. Parang natural lang ang ginawang pag-iisip tungkol sa akin.

I wonder if he ever had a girlfriend. Paano siya pinakawalan ng girlfriend niya kung ganito siya?

“Nagkagirlfriend ka na ba?” tanong ko sa kalagitnaan ng pag-aayos namin ng kastilyong buhangin.
He chuckled. “Are you kidding me?”

Inirapan ko ang sarili ko dahil alam ko ang ibig niyang sabihin. Syempre naman. Ang dami nga, e.

“I mean, serious girlfriend?”
Umiling siya. “I had a bad start on relationships. No labels and just physical.”
“Halata sa’yo. You seem very physical.”

Kumunot ang noo niya at hindi na dinugtungan ang sinabi. Ayaw ko na ring dugtungan dahil natatakot ako sa mga madidiskubre ko sa kanya. Natatakot akong matuluyan.

Papalubog na ang araw nang lisanin namin ang abandonadong mansyon. Una akong sinampa ni Zamiel sa kay Alegro. I was laughing despite my fear. Ayaw kong nakikita siyang nasa baba habang nakasampa ako kay Alegro. Natatakot ako kaya dinaan ko na lang sa tawa.

Nangangabayo ako pero laging may kasama. At dumudoble ang takot ko kapag siya.

Tinanggal niya ang sandals ko dahil nahuhulog ito sa dulas ng aking balat. Sumampa siya, dala ang sandals at nakapaa ako nang nagsimulang kumabig si Alegro.

Nanginig ako sa sobrang lamig. Kahit pa nakabalot sa akin ang tuwalya at binabagalan pa ni Zamiel ang takbo, malamig parin.

His arms were already around me when he felt me tremble a bit.

“Lean on me,” sabi niya.
“Mababasa ka.”
“I don’t mind.”

Umiling ako dahil sa oras na lumapat ang likod ko sa dibdib niya, mababasa siya. Hindi pa naman siya naligo roon.

“Tss!” he said in an irritated tone bago niya ako tinulak patungo sa kanyang dibdib.
“Tss!” sabi ko rin sabay layo ulit sa kanya.

The irritated Zamiel lost his patience. Tinigil niya si Alegro at tinulak niya ulit ako sa kanyang dibdib. He hooked one forearm on me just so I won’t move.

“Nababasa ka, oh!” giit ko.
“I said I don’t mind.”
“Tayong dalawa na ang lalamigin kapag ganito!”

Umigting ang panga niya ayt tumingala para pakawalan ang iritasyon niya sa akin. Ngumuso ako at huminahon na dahil nararamdaman ko na hindi ko na dapat siya ginagalit pa.

Naggalawan ang muscles sa kanyang panga habang siya ay nakatingala. And when he looked down on me, he cupped my nape for support as he sealed my lips with a tender kiss.

Sa gulat ko ay nakalimutan ko ang mga bilin niya sa akin sa paghalik. I was so stunned that I only closed my eyes and couldn’t part my lips. He sucked on my lower lip. He slowly brought it down so my lips could open and his tongue could enter.

Mapupusok at mapaghanap na halik ang iginawad niya sa akin. Heat spread like wildfire in my system and I can’t do anything but indulge myself.

Unti-unting rumahan at bumabaw ang kanyang halik. Ang kamay na nakasuporta sa aking batok ay unti-unting lumipat sa aking panga. At ang haplos ng kanyang mga daliri ay nagpatindig sa aking mga balahibo. All his touch, his moves… is making me feel things that are foreign to me.

Mga patak sa aking pisngi ang inilapat niya. Pababa iyon sa aking panga. Namumungay ang mga mata ko pagkadilat. Lalo na nang nakita ko siyang nakayuko at nang-aangkin sa akin.

His nose touched my neck… and the he planted a soft kiss. Sunod-sunod na ang mga mababaw na halik sa aking leeg. Kinagat ko ang labi. He shifted for access to the other side of my neck. This time, he kissed it wetly and playfully.

Isang marahang halinghing ang napakawalan ko nang umahon siya. His fiery eyes bore into, e.

“Ano? Mainit na ba?” he whispered.

What? Gusto ko siyang pagalitan o sumbatan ng kung anu-ano pero nawalan na ako ng lakas para gawin pa iyon. He smirked evilly before finally pushing me back on his chest.

“Let’s go home…”

I am all flushed and silent pagkabalik ng mansyon. Wala akong nasabi. Hindi rin ako nakaramdam ng lamig. Siguro ay dahil sa halik ni Zamiel.

Shit!

Bumaba siya at tiningnan ako. Tulala ako at natigil lang nang nakita ang tingin niyang naninimbang.

Binalik niya sa aking paa ang sandals. At nang nakitang tulala parin ako’y ngumisi na siya.

“Come here,” aniya sabay hawak sa baywang ko.

Lagi kaming nagtatalo rito pero ngayon, wala akong lakas na makipagtalo pa. Hinayaan ko siyang ibaba ako.

“Want me to carry you to your room, too?”

Natauhan ako sa mapanuya at malisyoso niyang tinig. Sinipat ko siya. Naunahan nga lang ng palupot ng kanyang braso.

“Don’t worry, hindi lang ikaw ang nakaramdam. Damn, your soft moan turned me on.”
Umirap ako. “Shut up.”
“You always make me shut up when you’re feeling uncomfortable.”
“Anong gusto mong gawin ko? Patulan ang mga sinasabi mo? Tsss.” Inirapan kong muli. That’s the only defense I have as of the moment.
He chuckled. “You’re right. Baka magtuloy-tuloy pag dinugtungan mo pa.”

Nasapo ko na lang ang noo ko at natawa na rin. I curled the light hair of his forearm and pulled it softly.

“Masaya ako at nagkakamabutihan na kayong dalawa, hija, hijo!”

Napatalon ako sa gulat nang narinig ko ang boses ni Senyora Domitilla. Malaki ang ngisi niyang nakaabang sa bulwagan kasama si Mercedita na gaya ng madalas ay blanko ang ekspresyon.

Lumapit si Senyora sa amin ay marahan kaming niyakap na dalawa.

“I am so glad, mga apo. I am so glad…”
“La, you will be happier kung hindi mo kami inistorbo-” Zamiel’s rude tongue is here again.
“Zamiel!” saway ko.
He stopped and smiled at me.
“Tama nga naman pero pasensya na at talagang… na carried away ako nang nakita ko kayong dalawa na naglalambingan.”
“Anong oras po kayong dumating, Senyora? Si Ivo, po?”
“Ivo is not with me. He’s still in Manila with his father. Kaninang ala una ako dumating dito. Mabuti pa, maaga tayong maghapunan at marami akong kwento sa inyo.”

Iyon nga ang nasunod. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako dahil excited si Senyora na pag-usapan ang lahat.

Una niyang sinabi ang kalagayan ng Don sa Manila. She was at first sad but later on, when she told us about his developments, naging maayos na rin.

“Kayo? Marami kayong ikukwentong dalawa,” panunuya niya.
“Lola, huwag n’yo nang tanungin at baka mahiya pa si Daniella,” si Kajik.
“Nagpaplano pa kami sa tamang araw ng kasal, Lola.”
“Zamiel, ayos na ‘yong December,” sabi ko.
Umiling siya.
“Bakit, hijo? Hindi ba sa Disyembre? Nasabi ko pa naman kay Matilda. Anong araw ba ang gusto ninyo? I hope it will be earlier and not beyond the real schedule!”

Kinabahan agad ako. Seryoso pala talaga siya na kung kailan ako mahuhulog sa kanya, ‘tsaka pa lang kami magpapakasal.

“We have no definite date yet but-”
“Pwede na po ang December. I want to marry Zamiel on December, Senyora.”

Nagkatinginan kami ni Zamiel. His brow shot up on me as an inquiry. Tumango ako.

“Oh, that’s good. Ayos na, Zamiel? Bakit, hijo? Gusto mo bang iatras ang araw?” nag-aalalang tanong ng matanda.
“Hindi po. Kung pwede nga po ay mas maaga, matagal ko nang sinabi.”

Marahang tumawa ang matanda. Aliw na aliw sa sinabi ng apo.

“Oo nga naman at nang ibinalita ni Mercedita sa akin na nagkakamabutihan kayong dalawa, iyon din ang sinabi ko kay Matilda. The reason why she immediately booked a ticket to Manila! Hindi pa dapat iyon uuwi pero napaaga dahil sa pagkakaaliw niya rin.”

What? What the fuck?

“T-Talaga po?” sabi ko.
“Oo, hija! Hindi niya ba nabanggit sa’yo?”

Shit! Alam kaya ito ni Daniella? Pagkatapos kong isend sa kanya ang picture ni Zamiel ay wala na akong natanggap na reply ah?

“B-Baka po susurpresahin niya ako? Hindi po siya nagsabi.”
“Ah! Baka nga! Nasabi niya nga na kung nagkakamabutihan kayo ni Zamiel, dapat agahan ninyo na ang pagpapakasal? Perhaps before the summer ends-”
“La, let us decide about the wedding. No need to pressure her.”

Napakura-kurap ako sa gulat. Hindi ko kakayanin ang biglaang pagbabago ng lahat. Masusunod kaya namin ang plano?

Shit.

“Sinabi ko lang naman ang opinyon ng Mommy niya, Zamiel. You know it is also important to hear her Mom’s desires. But in the end, tama ka, you should both decide.”

Matamis ang ngiti ni Senyora nang palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Zamiel. Huminga siya ng malalim at nagsimula ulit sa bagong topic kahit na kabadong kabado na ako.

“Should you choose your gowns na, hija? Guestlists and entourage?”
“I will think about it, Senyora.”
“I will order the portfolio of the Philippine’s finest designers. Ibibigay ko sa’yo para makita mo kung alin ang gusto mo. Also, your Mom has a coordinator, I believe?”
“Opo.”
“La, chill. Let’s let her decide on that on her own.”
“She will, Zamiel. Pasensya na, hija. Naeexcite lang din talaga ako para sa inyo. I know you’d make a good couple. The chemistry is just so overwhelming.”

Nagpatuloy ang pamumuri ni Senyora sa amin… sa akin. Hindi na ako makasagot ng maayos. Naramdaman ni Zamiel iyon kaya lagi niyang pinipigilan ang matanda kapag masyado itong naeexcite.

Kaya naman nang pumasok na ako sa kwarto bilang katapusan sa gabing iyon, ang una kong ginawa ay ang tawagan si Daniella.

Her phone is ringing but she’s not answering. Kabado ako. Ano kayang nangyari sa isang iyon?

Nagkabalikan kaya sila ni Ashton?

Well, ganyan siya kapag may nangyayari sa kanya. Hindi siya nagrereply. Hindi namamansin sa cellphone. Kaya sana okay na siya.

But… we really need to talk. I really need to talk to her. I need to discuss things with her. At least kahit iyong pagdating na lang ni Tita Matilda.

A foreign number called my phone. Namilog ang mga mata ko sa takot sa nakita. I am sure kung sino iyon dahil wala nang tatawag sa akin na ganoon ang numero.

Huminga ako ng malalim bago ko iyon sinagot.

“Hello…”
“Ace, where are you?” Tita Matilda’s scary voice enveloped my ear.
“Uh, nasa kay Auntie, po.”

Shit! That was fast. Nangangapa na ako ng sagot at ang konsolasyon na lang sa tawag ay ang malamang foreign number iyon. Malaking probability na nasa ibang bansa pa siya.

“Magdadalawang buwan ka na raw na wala sa bahay, ah? Ano? Diyan ka na titira?”
“B-Babalik lang po ako sa inyo agad. Nagbakasyon lang, Tita.”
“Hmm. I don’t mind kung kay Tamara ka na titira, Ace. Mas gusto kong diyan ka na. But… anyway, I called because I want to ask if my daughter has been telling you things.”

Bahagya akong nasaktan sa una niyang sinabi. Kay Auntie Tamara ako titira? But that’s our house! Daddy gave Daniella his name. Dahilan kung bakit ang turing ay tunay na anak at panganay pa.

Hindi ako sigurado kung may iniwan bang pera si Daddy pero ayon kay Tita, wala. The house is the only tangible thing na alam kong may hati o karapatan ako kaya anong karapatan niyang sabihing hindi na dapat ako umuwi pa roon?

“What things, Tita?”
“You know. Daniella opens up to you. Sa kahit ano. Kahit lovelife. Ano? Wala na sila ni Ashton at kinikwento ba niya ang tungkol sa fiancee niya?”
“O-Opo!”

Shit. Nakapikit na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

“Gusto niya ba ang fiancee niya?”
“H-Hindi po siya nag ku-kwento-”
“Sila pa ba ni Ashton? Magtapat ka, Ace. Malalagot ka sa’kin kapag nagsinungaling ka!”
“Wala na po. Sabi niya last time noong tumawag siya, wala na sila,” agap ko.
“Kung ganoon. Nagkwento ba siya sa fiancee niya?”
“Hindi po, e.”
“Fine. If she ever calls and tells you about her fiancee, don’t forget to tell her na kailangan bilisan ang kasal. Kung pwede’y bago ang Disyembre. Understood?”
“Opo, Tita,” sabi ko.

The line went dead immediately. Nagkukumahog agad akong tumawag kay Auntie Tamara. Isang bagay na hindi ko ginagawa pero kailangan kong gawin ngayon.

“Hello, Ace, finally…”
“Auntie…” natataranta kong bungad.
“Anong nangyari? I was hoping you’d change your mind-”
“If Tita Matilda calls you and asks you where am I, paki sagot na nasa inyo po ako tumitira ngayon. Please, Auntie.”
“Bakit? Anong problema? Inaalipusta ka na naman ng Matilda’ng ‘yan?”
“Please, Auntie. Just tell her, in case.”

She sighed heavily.

“Ace, makinig ka. I am the only family that’s left of you here. Trust me. Ang bobo mong ama ay nagpauto diyan sa Step Mother mo. At inaalipusta ka ngayon. Don’t be like your father. You are braver and smarter than he ever was.”

Parang pinipiga ang puso ko sa mga sinabi ni Auntie. Alam ko iyon pero…

“Marami kang magagawa sa mundong ito, marunong ka lang dumiskarte ng maayos. Live with me and you will never have to deal with Matilda again.”
“I’m sorry, Auntie,” bigo kong sinabi.
Bigo rin siyang bumuntong hininga. “Don’t worry. Kapag tumawag si Matilda, sasabihin kong sakin ka tumitira ngayon.”

Inubos ko ang gabi sa pagtawag kay Daniella ngunit walang sumasagot. I am already so, so scared. I’m scared because I know… I felt the truth… coming like thunder from the heavens… unstoppable and loud.

Nangangabayo ako umaga ng sumunod na araw. I want a distraction from my paranoia. Lalo na’t hanggang ngayon ay hindi pa tumatawag si Daniella. Kahit reply man lang.

“Mag-ingat ka, Miss,” laging bilin ng matandang nakatingin sa akin habang nakasampa ako sa kabayo.
Tumango ako. Mag-iingat talaga ako dahil baka magalit si Zamiel kapag nabalitaang nahulog o nasaktan ako.

Nilibot ko ang bakuran ng mansyon. From the cold brass swing to the hibiscus and yellowbells behind it… pinuno ko ang aking mga mata ng mga matitingkad na kulay. Baka mamaya ay guguhit ako ng ganyan.

Pinuno ko rin ng sariwang hangin ang aking baga. Unti-unti akong lumapit sa gate nang nakita ang isang pamilyar na babae roon.

My extremities went weak and my heart hammered so fast when I saw her.

Tumingala, halata ang pagkamangha ni Daniella sa mansyon at sa bakuran nito. Wala sa sarili akong bumaba ng kabayo dahilan ng bahagyang pagkakahulog ko.

“Miss!” sigaw ng dalawang trabahante para daluhan ako.

Daniella turned to the sudden commotion. Nang nakitang ako iyon ay matamis siyang ngumiti.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

11

Comments are closed.