What Lies Beneath The Sand – Kabanata 12

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath The Sand – Kabanata 12

Kabanata 12
Fall

“Hello?” ulit ko nang walang sumagot sa kabilang linya.

Si Daniella ito ngunit hindi siya sumasagot. Tanging mga malalim na halinghing at singhot lang nag naririnig ko galing sa kabilang linya. Kinabahan agad ako.

I’ve known Daniella for years now. She may be spoiled but she’s also soft hearted. Mabilis siyang umiyak, mabilis matakot, mabilis malungkot… dahilan kung bakit madalas ko siyang pinagbibigyan. Pero hindi ang pabor na ito. This favor is not because I feel for her, it is for the money and solely for it.

Kung hindi ako nangailangan ng pera, hindi ako papayag na pumunta rito upang magpanggap. Kahit pa iyakan niya ako at awayin, hindi ko gagawin.

“Daniella?” I said softly.

Isang hikbi ulit ang pinakawalan niya bago nagsalita sa kabilang linya.

“Ang dami-dami kong problema, Ace. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko,” she said.

I admit it. The first thing that came into my mind is her ability to pay me for what I’m doing for her. Naisip kong kapag nagalit si Tita Matilda sa kanya, baka hindi niya bigyan si Daniella ng pera. Kapag nabuking kami… no, don’t think about that. I cannot afford that. Hindi ko kakayanin kung mabuking kami.

Pareho kaming malalagot ni Daniella. Siya, maaring putulan ng bank accounts. Ako, baka palayasin. That would be a double kill for me. Wala na ngang matutuluyan, wala pang pera para makapag-aral.

Hindi kami pwedeng mabuking ni Tita Matilda.

“Anong nangyari?” concerned kong tanong.
“Si Ashton! Nag-away kaming dalawa dahil pinipilit ko na makasal kami!”

I sighed. Thank God! Akala ko malala pa riyan ang problema niya. Akala ko madadamay pa ako.

“Ayaw niya. I get it, alright! Naiintindihan ko kung bakit hindi pa pwede ngayon pero ano ba naman iyong sumagot siya sa tanong kung kailan?”

Sinapo ko ang aking noo habang nakahiga sa aking kama. My doors are locked, gaya ng madalas kong ginagawa kapag tumatawag si Daniella.

“Hayaan mo na. Maghintay ka na lang kung kailan. Hindi kayo dapat nagmamadali.”
“I broke up with him!” she cried more.

What?

“Nairita ako, Ace, e. Para na ring inamin niya na hindi niya iniisip na magpapakasal kami, ‘di ba?”
“Tapos?”
“We’re still here in Boracay but I went out of our room. Kumuha ako ng isa pang room dahil sa away namin.”
“Naku! Ayusin n’yo ‘yan.”
“Ewan ko sa kanya! Nasa point na ako na iniisip kong marami pang ibang lalaki diyan! Kung hindi siya seryoso sa akin, e ‘di huwag!”

Napapikit ako. I have to remind myself that their relationship shouldn’t mean anything to me. Concern lang ako sa nararamdaman ni Daniella at wala ng ibang rason. Dahil may iba akong naiisip… may ibang nararamdaman.

“Tapos si Mommy…”

Kinabahan agad ako sa tinukoy niya. Hindi ako nakakibo sa paghihintay ng idudugtong.

“She wants a picture of my fiancee! I don’t know what for, Ace!” she cried.

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko pa nakukuhanan si Zamiel. Bukod sa nagkasakit ako, nawala rin sa isipan ko na kailangan ko nga pala iyong gawin.

“Nagdududa ba siya?”
“Hindi ko alam, Ace. She’s mad because I told her I can’t. Na hindi kami magkasama ngayon kaya pinagalitan niya ako!”

Hindi ako nakapagsalita. This is scaring the shit out of me. Tita Matilda is scary. She’ll do everything to destroy people she doesn’t like. Kung nakaya niya akong paputulan noon ng scholarship kahit na wala akong ginagawang masama sa kanya, paano na lang ngayon?

Tita Matilda is a known socialite in her days. Namatay ang husband niya dalawang taon bago namatay si Mommy. I don’t think my father loved her. Mukha lang ni Tita Matilda ang gusto ni Daddy. She looks like my mother at an angle. Dad’s firm is not doing well anymore pagkamatay ni Mommy. Daddy was so depressed. Ang konsolasyon lang sa pag-aasawa niyang muli ay ang tulong ni Tita Matilda sa firm.

“I need his picture so I can send it to Mommy kapag kinontact niya na muli ako,” wika ni Daniella kahit na bahagya parin siyang sumisinghot.
“Okay. I will send it to you.”
“If you’re worried na mabuking tayo, huwag kang mag-alala, hindi. At kung sakaling mabuking man, I will still give you the money I promised.”
“Hindi tayo pwedeng mabuking,” mariin kong sinabi.
“I know, alright. Just in case, Ace.”
“Hindi pwede,” ulit ko.

I agreed to this plan expecting a perfect execution. Hindi kami pwedeng mabuking ni Tita Matilda. Kung mabubuking kami, ano ang mangyayari sa akin. Even with the money, she will pursue me wherever I go para lang masiguro na babagsak ako. Bakit ko alam? Hindi pa ba sapat na explenasyon ang nangyari sa scholarship ko noon?

Hindi ako nanghingi ng pera sa kanya, tinutupad ko rin ang mga gusto niyang gawin ko sa bahay, pero hindi pa rin siya kuntento. She wanted me out of that school, too. And she got what she wanted.

“Send me the picture of my fiancee para hindi na magduda si Mommy. Send it to me now.”

It’s thirty minutes past three in the afternoon. Hindi pa nag-aalas tres ay kinatok na ako ni Petrina para ibalitang nakauwi na si Zamiel galing sa planta.

Bumangon ako. Iniisip siguro ni Zamiel ay tulog pa ako kaya hindi na rin ako binisita pa sa kwarto. I have to go to him and take a picture of him for Daniella.

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso pababa sa bulwagan. Hindi pa nakakalabas ng mansion ay naririnig ko na ang malambing na boses ng babae, paniguradong galing sa kwadra.

“Zamiel naman, e. Hindi ka naman ganito noon, ah? Saglit lang tayo. Miss ko na mamasyal sa beach ninyo.”

Nagpustahan ako sa utak ko kung sino sa mga babae ni Zamiel iyong malanding nagyayaya sa kanya. I have to think fast so I bet on Bethany. Dalawang segundo lang at nakita ko na ang itsura ng babae at napagtantong wala sa mga kilala kong naging babae ni Zamiel iyon.

“Come on! I’m not always here in town. Sa Manila, hindi ka naman mahirap yayain ah? What happened to you?”

Naaninag ko si Zamiel na nag-aayos ng mahabang lubid. Nakasilo ang lubid sa kanyang balikat hanggang siko habang inaayos niya iyon. Abalang abala siya. Ang kulot-kulot na babaeng nasa tabi ay malapad ang ngisi at mapang-akit ang mukha. Wearing a cropped top and jean skirt, her sweet smile is sending so many maliscious signals to the uninterested Zamiel Mercadejas.

Hmm? Hindi ba talaga interesado?

Tumigil ako para makita pa ang kanilang interaksyon.

“Czarina, I already told you-”
“Sus! I didn’t know you’re a loyal boyfriend? Ni hindi ko alam na you were capable of being one, actually. Kaya sige na! I bet you’re not really official. Nireto ka lang? So what if you come with me for a moment, Zamiel…” she said sweetly.

Humalukipkip ako. The intense anger I’m feeling made me smile evilly. I would break her neck one day.

“Papayag na ‘yan! Payag na ‘yan!” tukso noong babae nang humaba ang katahimikan kay Zamiel.
“I’m not up for any games anymore. Go home. I have things to do,” si Zamiel.
“Zamiel, nireto ka lang naman. Even if you have fun with other girls, you will still end up with your fiancee. Kaya ano pang problema mo?”

I shifted uncomfortably. Sinabi niya lang naman ang palihim kong naiisip. The marriage will not keep him from other girls. Alam niyang kami ang magpapakasal sa huli, magloko man siya o hindi. Kaya bakit nga ba tinalikuran niya iyon sa higit isang buwan ko rito?

Fears like this is because we are just beginning or maybe dahil hindi pa siya nagsasawa ang naiisip ko sa bawat nagdadaang araw. Hindi ko nga lang pinagtuonan ng pansin dahil sa huli, hindi rin naman kami magpapakasal. That is not my problem anymore.

“I don’t want to go, Czarina. Sonny, ihatid mo siya palabas,” sabi ni Zamiel sa isang trabahante.
“Oh my gosh! Are you throwing me out? Come on, Zamiel!”

Lumapit si Czarina kay Zamiel at nanghipo sa braso. Isang hakbang ang nagawa ko unconsciously, the reason why the girl looked my way. Nakataas ang kilay niya, nagtataka kung sino ako. Zamiel removed her hand on his arm pagkatapos ay nilingon din ako.

For a fleeting moment, naestatwa ako roon. Kalaunan ay nagpasyang nagmumukha akong tanga kaya huminga ako ng malalim at nagkunwari na naglalakad-lakad lang. Lumiko ako sa kaliwang bahagi ng bulwagan at dumiretso sa hinagdanang bato.

“Daniella!” Zamiel called but I heard Czarina’s voice.
“Is that your fiancee?”

Nawala na ang usapan nila nang mas lalo akong nakababa sa hinagdanang bato. Ang marahas na atake ng hangin ang nagpasabog sa aking buhok. Tanaw ang maaraw na kalangitan ngunit malamig na panahon, pakiramdam ko, malapit nang magtapos ang tag-araw.

Nang nakaapak na ako sa buhangin ay narinig ko na ang tawag ni Zamiel sa akin, siguro’y galing sa taas. Dumiretso lang ako sa paglalakad hanggang sa ilalim ng limestones. Naupo ako sa lilim at nilingon na lamang ang hinagdanang bato kung nasaan siya.

Isang tingin sa kaliwa bago sa kanan. Nakita niya agad ako. Pinasadahan ko ng mga daliri ang aking buhok at tumingin na lamang sa dagat.

I heard his fast footsteps. Parang nag jog siya ng kaunti patungo sa akin bago marahas na naupo sa aking gilid. He sighed and looked at me. Nanatili naman ang mga mata ko sa dagat.

“It was nothing,” unang sinabi niya.

Nahihimigan ko sa boses niya ang pagsisisi. Nang nilingon ko siya ay nakitaan ko naman ng guilt. Why is he guilty? It doesn’t matter.

“Pinauwi ko na ‘yon. Kanina pa, actually. Makulit lang talaga siya.”
“Stop explaining. Ayos lang,” sabi ko.

Naiwan sa ere ang paghinga niya ng malalim. His lips parted and he rested his tongue on his lowerlip. Napatingin ako roon pero agad ding binalik sa dagat.

“Anong ayos lang?” now he sounds offended.

Nilingon ko ulit siya. The sudden irritation in his eyes is dripping like acid. Ngumuso ako. No matter how hard I try to supress things, I just really lose it when it comes to him.

“It’s not okay. I don’t want you to see me with other girls. I don’t want you to get jealous. Ayaw ko rin namang mambabae kaya gusto kong mag explain dahil ayaw kong mag-away tayo.”

Kinagat ko ang labi ko sa attempt na pawiin ang malaking ngisi. I was successful, though. His arm snaked around my waist. His hand gripped my waist tight and pulled me closer to his chest.

“I’m not jealous, Zamiel,” I said matter of factly.

Hindi siya nagsalita. I can hear his heart beating. Nawawala kapag nagsasalita ako. Nandyan pag tahimik. Lalo na kapag napapahilig ako sa kanyang dibdib.

“Narinig ko ang pagtaboy mo. Ang aggressive ng mga babae mo.”
“Wala akong babae.”
“Tss…” Natawa akong bahagya sa seryoso niyang tono. “But she’s right… If you ever want to be with other girls, it doesn’t matter, we will get married anyway-”
“I don’t want to be with other girls. Stop it.”
“Tss.” Tumigil ako. This is a ridiculous conversation.

The silence stretched. Marami akong mga naiisip at sa lahat ng iyon, parati akong umiilag dahil alam kong hindi ito ang buhay ko. This is Daniella’s life and I am an outsider. I have no right to anything. I have no right to think about my future in her shoes.

“Nakatulog ka ba ng maayos?” marahan niyang tanong sabay palupot na rin ng isa pang braso sa baywang ko.

I gave him my full weight, like how I usally do it when we’re horseback. Hindi siya kailanman nagreklamo. Besides, I bet hindi siya nabibigatan. Milya ang layo ng katawan at tangkad niya sa akin.

“Yeah.”
“Kaya ba ang tagal mong bumaba? Hindi na kita inakyat dahil baka tulog ka pa.”

People seem to want the things they can’t have. I want architecture, hirap akong abutin iyon. Daniella wants Ashton, hirap din siyang hawakan ito. Bakit kaya ayaw ni Daniella sa buhay niya? Alam kong mali na pangunahan sa pag-aasawa lalo na’t bata pa siya, pero kung sinubukan niya lang sana.

“Medyo natagalan nga ako sa pag gising. Kanina pa ba iyong babae?”
He sighed, probably feeling uncomfortable with my back topic. “Yup. Apparently she waited for me hanggang nakauwi ako.”
“Oh? Hindi mo ba iyon kasama sa opisina mo?” biro ko.
“Ganyan ba ka baba ang tingin mo sa akin?” hindi ko alam kung may paglalaro ba sa tono niya pero naisip kong meron.
Tumingala ako pero nakita kong seryoso siya.
“You think I’ll bring girls to places as private as that?”
“Bakit? Saan mo pala dinadala dati? Sa damuhan? Sa buhangin? O may barn house kayo rito? Hote-” He covered my mouth with his palm.

Humagalpak na ako sa tawa. He cursed softly.

“Damuhan? Are you serious?” he chuckled, too.

Nanginginig pa ako sa tawa habang siya’y tila iniisip ang mga sinabi ko.

“You are giving me so many ideas. Damuhan, really, Daniella? Don’t tell me you have a fetish for public fucking?”
“Shut up, Zamiel!”

Pinag-initan ako ng mukha. Hindi na ako magtataka kung pulang-pula ito pagkatapos ng bulgar niyang salita. Iniwas ko ang mukha ko sa kanya pero pilit niyang inangat ang baba ko para makita ang naooffend kong ekspresyon.

“Buhangin, huh? I’ll take note of that, my wife. I’ll make sure to do you anywhere you want.”
“You pervert!”
“Sino sa atin ang may mga ideya diyan? Hindi ba ikaw naman? And you accuse me of being a pervert?”

Umirap ako. Hindi ko na kayang ipagpatuloy ang usaping ito. I can’t believe him. Kapag talaga ganitong usapan, ang galing niya. Pinag-aralang mabuti. Niliko pa ang tanong ko at ngayon ganito na.

Pinasada ko ang aking palad sa kanyang balahibo. Hinaplos ko iyon habang siya’y natatawa pa sa aming usapan.

“Zamiel,” tawag ko kahit na natatawa parin siya.
“Yes?” he kissed my hair and stopped laughing.

Isang buwan mahigit pa lang kaming magkakilala pero bakit parang ang tagal na. Bakit parang noon pa?

The silence stretched again. Isang tanong ang nasa aking utak, isa sa mga iniiwasan ko, pero ngayon ay parang kumakatok sa mga labi ko.

“Anong gagawin mo kapag sasabihin ko sa’yong gusto kong umatras sa kasal?”

The slight rocking of my body stopped. Binalingan niya ako at nang ‘di ako tumingala ay marahan niyang inangat ang aking baba. His hypnotic eyes bore into me, parang may binabasa sa mga mata kong maging ako’y hindi makita.

“Bakit ka aatras?” malamig niyang sinabi.
“Let’s say… I just don’t want to get married yet.”

He sighed heavily. Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya. Kinalas ko ang nakapalupot niyang braso sa akin at tumuwid ako sa pagkakaupo.

His brooding and dark eyes is looking at me intensely, gaya ng ginagawa niya kapag galit siya… pero may ibang halo ngayon. Pananantya at pag-iingat.

“Say I feel like I’m too young for it,” sabi ko kahit na hindi naman dapat na.

Ang tanong lang naman ang importante para sa akin. The follow-up statements were there so that he won’t think of other reasons why the wedding will be off. Ang takot ko na malaman ni Tita Matilda ang nagtutulak sa akin para magsinungaling ng ganito.

“Kailan mo pala gustong magpakasal?” tanong niya.
Nagkibit ako ng balikat at ngumiti para maipakitang hindi naman iyon seryoso talaga.
“Next year? Or when you graduate?”
“Hindi ko alam. Kung kailan ko gusto.”
“I will wait,” seryoso niyang sinabi.

Nagtanong na rin naman ako, lulubusin ko na. Nakangiti ako para makita niya na biro lang ito lahat. Sa huli, babawiin ko ang mga sinabi ko. I’m just asking because somehow, it made me curious. He made me curious. Baka lang… may kulay sa dulo ng dilim. Baka lang…

“Paano kung sabihin ko sa’yong huwag nang maghintay? Kasi hindi ako ang para sa’yo?”
“What do you mean?” now he sounds so lethal, I regret everything. “Umaatras ka ba?”
“It’s all what ifs, Zamiel. Chill.”
“Bakit? May mahal kang iba? May gusto kang iba? Paano ka nakakasiguro na hindi ka mahuhulog sa akin?”

Parang pinipiga ang puso ko. Hinawakan ko ang braso niya para kumalma siya but I think it is one of those moments when even that move couldn’t stop his anger anymore.

“Anong ibig sabihin ng hindi ka para sa akin? Irereto ka sa iba?”

Sometimes I wonder if he’s like this because I will be his wife. Kung si Daniella ba ang narito, ganito rin kaya ang turing niya?

Other times, I ignore my silly thoughts. Because like I said, in the end, whatever the answer will be… it won’t matter.

“Sino ba ang mahal mo? Sabihin mo sa akin.”
Umiling ako at ngumiti. Hinaplos ko ang umiigting niyang panga pero iniwas niya ang kanyang mukha sa aking palad.
“Are you in love with someone else?” seryoso at halos galit niyang tanong.
“No…”

His jaw clenched again so hard I can almost hear his gritting teeth. Ngumisi ulit ako pero mas lalo lang kumunot ang kanyang noo.

“Do you like someone else?”

Umirap ako, hindi niya ata naintindihan na hypothetical lang lahat ng iyon.

Lumuhod ako ng bahagya para makagapang palapit sa kanya. His severe jaw is still clenching and his lips in a thin line. Kitang-kita ko ang pagkakatigil niya at ang bahagyang pagkakabigla kahit pa seryosong seryoso.

I tilted my head just so our nose wouldn’t touch. Nang lumapat ang labi ko sa kanya ay naramdaman ko kung gaano kalamig iyong akin, at gaano naman ka init ang kanya. Like fire and ice, meeting for a kiss.

“It’s just a hypothetical question. I will marry you. I will be your wife,” and in that moment I know I have gone too far.

All my thoughts and emotions are haywired. Hindi ko alam kung alin sa dalawa ang hindi na gumagana, ang aking utak o puso. O baka ang dalawa mismo.

Aatras na sana ako para makaupo nang naramdaman ang hawak niya sa aking hita. He pushed me closer to him. Without hesitation, he pulled my bended knees towards him… in between him. Napaupo ako sa kanyang hita, mimicking a position I’ve seen from crude pictures.

Marahas ang pintig ng puso ko na halos masasaktan ako sa bawat tambol nito.

He tilted his head. Nanatiling seryoso at galit ang kanyang mukha. Hindi siya kailanman lumiwanag kahit pa binawi ko ang sinabi ko. Even when I’ve gone to far to reassure him again.

“Do you want to marry for love?” he asked with steel under his tone.
“O-Of course. Everyone wants t-that, Z-Zamiel,” wala na akong pakealam sa panic sa tono ko.
“Then let’s get married when you’ve fallen for me.”

Parang kinukurot ang puso ko.

Pagkatapos noon siniil niya ako ng mapupusok na halik. The kisses were hot and bothering. Namanhid ang aking mga tuhod at hindi ko alam kung makakapaglakad pa ako mamaya gayong parang naging tubig ang mga ito.

He flicked his tongue inside my mouth causing my heart to pound harsher. Tumigil siya. He licked his lips like it’s his favorite dessert before letting out a soft sigh.

“Let’s get married when you’re in love with me.”

Umiling ako. Una dahil kay Astherielle. Dahil sabi ni Astherielle, kelan ba ‘yon? Kung ‘yon ang basehan, pwedeng ngayon.

Umiling din ako. Pangalawa dahil kay Daniella. Dahil papakasalan ka ni Daniella sa araw na tinakda ng pamilya. We’ll go with the flow.

In the end, I have no say here.

“Zamiel, itutuloy natin ang kasal sa sinabing araw. Those questions where hypothetical. They are nothing. Okay?”

Hindi ko nakitang nakumbinsi siya pero hindi rin siya umapila. Nanatili siyang seryoso at nakatiim ang bagang.

I can’t fall for you. You are unreachable. Now… tomorrow… forever… and the next lifetimes.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.