What Lies Beneath The Sand – Kabanata 11

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath The Sand – Kabanata 11

Kabanata 11
Sick

What a bad time to be sick. Galit ako sa sarili ko nang nagising ako ng madaling araw dahil sa panginginig. Gusto kong kontrolado ko ang sarili ko pero kapag talaga tinatamaan na ng sakit, hindi ko kayang mapasunod ang katawan ko.

Puyat na puyat ako. Pasikat na ang araw nang natigil ako sa panginginig at nakatulog ulit. Inaapoy ako ng lagnat at ayaw kong bumangon dahil pakiramdam ko, mahihilo ako.

Nagising ako kinabukasan sa biglaang paghawi ni Petrina sa kurtina ng kwarto. She was humming an old feel good tune. Gustuhin ko mang bumangon, sa sakit ng ulo ko ay hindi ko magawa. Dinilat ko nalang ang mga mata ko.

“Puyat na puyat, Miss, ah? Kanina pa si Sir Zamiel sa silong nag-aantay,” maligayang tukso ni Petrina sa akin.

I nodded. Sinubukan kong bumangon ngunit napadaing ako sa sakit ng aking ulo. I stilled for a moment.

“Anong nangyari, Miss?” si Petrina sabay upo sa aking kama.

Ang kanyang palad ay dumapo ng diretso sa aking noo. Suminghap siya sa unang dapo pa lang nito. Binaba rin niya sa aking leeg bago tuluyang nagdeklara.

“May lagnat ka!”
“Ayos lang ako,” sabi ko para pigilan siya pero bago pa ako makababa sa kama ay kumaripas na siya paalis ng kwarto.

Umiiling ako at dumiretso na sa banyo. Nag-ayos ako ng ilang sandali. Takot akong lumala kaya nagdalawang isip pa ako kung maliligo ba ako o hindi pero dahil sa init na nararamdaman ko sa aking katawan, minabuti kong ganoon.

“Miss Daniella? Miss Daniella?” tawag ni Petrina.

Kanina ko pa narinig ang pagdating niya. Binalewala ko iyon, akala ko’y makakapag-antay siya. Ngayon parang nawalan na ng pasensya kaya kinatok na ako.

Bumuti ang pakiramdam ko dahil sa pagligo. Kahit na mainit parin ang balat ko’y kahit paano nawala ang pawis at lamig kanina pag gising. When I opened the door, the first one I saw was Zamiel’s serious eyes.

“Uh, Miss, dinala ko rito ang pagkain mo. Kailangan mong magpahinga,” singit ni Petrina nang nakitang lumabas ako.

Naglakad si Zamiel patungo sa akin. Hinawakan niya ako sa noo pagkatapos ay ipinadapo ang likod ng palad sa aking leeg. I smiled just to conceal what I’m feeling but he saw no humor in it.

“Petrina, pakisabi kay Mercedita na tawagan si Dr. Fuentebella.”
“Zamiel, wala lang ‘to. Mabilis talaga akong dapuan ng lagnat pero agad ding nawawala. Pahinga lang ang katap-”
“Pakibilisan, Petrina.”
“Sige po, Sir…”

Sumulyap si Petrina ngunit agaran ding umalis. Tinagilid ko ang ulo ko at tinitigan si Zamiel. I thought he’d find it funny but he’s all too serious for it.

“Doon ka na sa kama mo kumain. May iba ka bang gustong kainin bukod sa mga niluto? Sabihin mo at magpapaluto ako.”

Tiningnan ko ang mga pagkaing dala ni Petrina. Umiling ako kay Zamiel at dumiretso na sa aking kama.

I admit it. Gaano ko man kagustong balewalain ang lagnat ko, alam ko sa sarili ko na gusto kong magpahinga ng mabuti. Kung sabagay, mas masayang mabilis akong maayos kesa sa pekein ko na lang ang aking pakiramdam.

Naupo ako sa kama. Agad na tinabunan ni Zamiel ang aking katawan hanggang baywang. Ngumisi ako sa ginawa niya. He’s really determined to make me rest.

“Dito lang ako. Ayos na?” sabi ko.

Hindi siya nagsalita. Kinuha niya ang tray at inilagay sa isang bed table. Umupo siya sa tabi ng kama ko at dinama ang mangkok ng sabaw. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang tinitignan siyang seryoso at halos nagsisisi. Why do I find him more handsome everytime he’s this way? I can imagine people who will trigger his anger just so they could see him this handsome.

“Ako na niyan. Late ka na sa trabaho mo.”
“Hindi ako magtatrabaho ngayon.”
“Huh? Zamiel, ayos lang. Ganito talaga ako.”
“This is my fault. Nabasa ka kahapon dahil sa akin.”

Mas lalong lumapad ang ngisi ko. Mas lalo tuloy siyang nabadtrip. Halos iripan niya na ako nang nakitang nakangiti ako.

“I had fun. It’s worth it.”

Umigting ang kanyang panga at hinalo saglit ang mabangong sabaw. Hindi siya makatingin sa akin.

“Stop talking and eat.”

Sinubukan kong kunin sa kanya ang kutsara pero iniwas niya ang kamay niya at tinapunan na lamang ako ng masamang tingin. Tumigil ako at hinayaan siyang subuan ako.

Ang init ng sabaw ay kumalat kaagad sa aking sikmura. I feel like there is nothing more comforting than a hot soup when I’m sick. Patuloy niyang ginawa iyon dahilan ng pag-unat ng katahimikan.

Only our breathing and his light blow everytime he lifts a tablespoon full of soup. Pagkatapos ng sabaw ay paunti-unti niya akong pinakain ng kanin at ng ulam.

Suminghot ako nang naramdaman ang pagbabara ng ilong dahil sa sipon. Binaba niya ang kutsara at napatingin na sa akin.

“Ganito ako lagi magkasakit. Umaayos naman ako kinabukasan,” sabi ko.

Pumasok ang isa pang kasambahay na may dalang thermometer at kung anu-ano pa. Sumunod naman ang mayordomang si Mercedita na dumiretso na rin sa akin para tingnan ang aking noo at leeg.

“Inaapoy siya ng lagnat, Zamiel. Ang mabuti pa’y painumin muna siya ng gamot habang nag-aantay tayo kay Dr. Fuentebella?”
“Sige. Papunta na ba siya rito?”
“Oo.”

Si Petrina ang nagcheck sa aking temperatura. Pinainom naman ako ni Zamiel ng gamot pampawala ng lagnat kahit pa paulit-ulit kong sinabi na simpleng ubo at sipon lang iyon gaya ng mga nagdadaang sakit ko.

Nobody listened to me. Kahit pa anong ulit ko sa pag eenumerate ng mga gamot na posibleng pampawala nitong nararamdaman ko ay hindi niya pinagtutuonan ng pansin dahil gusto niya doktor ang tumingin sa akin.

“You’re not listening to me. Ayos na ang mga over the counter na gamot nito, Zamiel. Nagkakaroon ako ng ubo’t sipon sa amin iyon lang ang iniinom ko.”
“Kung ganyan ang turing mo sa katawan mo sa inyo, ibahin mo na ngayon. Hindi ako matatahimik hangga’t walang titingin sa’yo na propesyunal.”
“Iinom lang naman ako ng gamot pagkatapos ay magpapahinga ng buong araw. You can go to work and come back later this afternoon, I assure you I will be fine pagbalik mo.”

I smiled to prove a point but like usual, he didn’t listen.

Pakiramdam ko tuloy umaarte ang katawan ko. Dahil noong dumating na ang doktor ay mas lalo akong nag-apoy. Inubo ako. Mainit na rin ang buga ng aking mga mata dahilan ng mabilis na pagkakapagod.

Binaba ni Dr. Fuentebella ang kanyang stethoscope pagkatapos itong ipalapat sa aking likod. Ang lalaking doktor ay nasa mga late thirties or early forties. Mukha ring kilala ng buong pamilya dahil kahit si Kajik na ngayon ay nasa hamba ng pintuan ay maamo ang tungo rito.

“Kapag hindi bumaba ang lagnat niya bukas, Zamiel, tawagan mo ako.”
“Hindi ba siya ididiretso sa ospital ngayon, Doc?” si Zamiel.

Gusto kong umapila pero naunahan na ako ni Kajik.

“Kuya, it’s just influenza. We can all have. Pahinga lang ang kulang, hindi ba, Daniella?”

Nagtaas ng kilay ang doktor kay Zamiel. Nanatili namang nakatitig si Zamiel sa doktor.

“Kajik is right, Zamiel. I do not recommend that one unless magdalawang araw o higit pa ang kanyang lagnat. Stay calm, hijo. She needs that. She needs rest, too, so I suggest you all let her.”
“Petrina, Frida, ilabas ninyo na ang mga gamit. Pagpahingahin natin si Daniella ng mag-isa.”

Tumango ako dahil pakiramdam ko, iyon nga ang kailangan ko. Buong umaga at tanghali yata silang pabalik-balik sa kwarto ko. Pakiramdam ko tuloy bedridden ako dahil sa mga nag-aalala.

Kinalas ni Kajik ang kanyang halukipkip at kinausap na ang doktor.

“Daniella, matulog ka na lang muna. Petrina will come here every hour to check on you,” si Kajik.

Sumabay si Mercedita sa Doctor samantalang nilingon ni Zamiel ang kapatid.

“Huwag na. Hindi ako aalis sa kwarto niya. Ako na ang magbabantay dito.”

Shit. Paano ako makakatulog niyan? I am not comfortable enough to let him watch me sleep! Pakiramdam ko’y mas lalo akong lalagnatin o hindi makakapagpahinga kapag nandito siya. Syempre, hindi ko iyon sasabihin!

“Sige. Bahala ka. Aalis na kami para makapagpahinga siya ng maayos.”

Sinarado na nila ang pintuan at natira si Zamiel doon. He looked at me with curiosity in his eyes. Ngumuso ako. Hindi ako dadalawin ng antok nito.

Naupo siya sa isang upuan sa gilid ng aking kama.

“Magpahinga ka na.”

Hindi ako gumalaw. Nanatili akong nakatingin sa kanya habang ang kumot ay nakapatong sa buong katawan ko.

“Ayos lang ako ng mag-isa rito. Matutulog lang naman ako.”
“I’ll stay here. I want to watch over you.”
“Maayos na ako bukas.”

Hindi siya nagsalita. Muli ay pinadapo niya ang kanyang palad sa aking ulo. His palm is rough pero magaan ang pagdapo ng palad niya sa aking noo. Marahan niyang binaba ito sa aking pisngi. He cupped my face gently. Dumaan ang takot at panghihina sa kanyang mga mata ngunit agad ding nakabawi. Pakiramdam ko tuloy guni-guni ko lang ‘yon.

“I’m sorry,” he said gently.
Umiling ako. “This is nothing. And I had fun yesterday kaya kung bibigyan ako ng pagkakataong ulitin iyon, uulitin ko ‘yon. Magpapabasa ako sa ulan ulit. Gaya ng ginawa natin kahapon.”

Naggalawan ang muscles sa kanyang mukha. Nararamdaman ko ang pagpipigil niya.

I laughed weakly. “Zamiel, you are over reacting. Trangkaso lang ‘to.”
“Kapag lumala ito bukas, magpapaospital ka,” banta niya.
I laughed again. “You are over reacting!”
“I don’t care what you say, Daniella.”
“Fine then. Magpapaospital ako. Pagtatawanan tayo ni Dr. Fuentebella kapag sinugod ako na ubo’t sipon lang meron. Pagtatawanan ka niya.”
“Wala akong pakealam. Ang gusto ko ay gumaling ka.”

Unti-unting nanghina ang ngiti ko. Lalo na noong marahan niyang hinawi ang tikwas ng buhok na bahagyang tumatabon sa mukha ko. The way his hand tenderly caressed my hair from its roots to tips made me weaker and weaker. Namungay lalo ang mga mata ko.

“Sleep now, please,” he whispered gently.
“Over acting, Zamiel,” bulong kong mahina.
“Panatagin mo ako, kung ganoon. Magpahinga ka para hindi ako natatakot ng ganito,” his words were drowned by the darkness of sleep.

Lumala ang aking ubo nang umulan sa hapon at gabi. Lumamig kasi lalo kaya puro kain at pahinga lang ang nagawako buong araw.

Zamiel never left my room. Kung umalis man siya ay hindi ko na namalayan iyon. Siguro ay sa gitna ng mga pagtulog ko. Tuwing nagigising ako at bago matulog laging siya ang una at huli kong nakikita.

I slept again after dinner. Pinagpawisan na ako ng husto ngunit nariyan parin ang lagnat ko. Hindi ito bumaba o nawala man lang kahit na consistent ang pag-inom ko ng gamot. Hindi ko na rin makausap si Zamiel dahil kahit anong biro ko, hindi niya na pinapatulan.

Malamig ang naging gabi. Kumot at comforter na ang ipinatong sa akin para malabanan ang lamig ko pero gininaw parin ako ng siguro’y mga maagang madaling araw. Hindi ko mapigilan ang panginginig ko. Kahit anong position ay giniginaw ako.

“Daniella,” it was Zamiel’s voice but I’m too preoccupied with what I’m feeling to even open my eyes for him.

I heard him curse a lot habang inaayos ang kumot at comforter ko. Ang init galing sa aking gilid hanggang sa aking binti ay kumalat dahilan ng pagkalma ng aking panginginig. Ang buga ng init din sa aking pisngi ang dahilan ng unti-unti kong pagtigil. Mainit na bagay ang umangkin sa aking tiyan at kahit nanginginig parin ay unti-unti na akong nakapagpahinga.

Siguro ay dahil sa buong araw akong natulog, maaga ako nagising. Tilaok ng manok ang narinig ko galing sa malayong labas pero wala pang init o sinag ang nakikita kong pumasok sa silid. Gabi pa… o madaling araw. Ang lamig ay nanunuot sa aking balat ganunpaman ay hindi na ako giniginaw.

Sweat trickled down my forehead. Nararamdaman ko rin ito sa aking likod. Wala na akong lagnat. Ang sakit sa ilong at lalamunan ay hindi na rin ganoon kalala.

Bumaba ang tingin ko sa mainit na bagay sa aking tiyan at binti at nakita ko ang braso at binti rin ni Zamiel na nakapalupot sa aking katawan. Tahimik akong napatalon at napasinghap. Agad kong pinigilan ang sariling sumigaw sa gulat lalo na nang narinig ko ang marahan na hinga ni Zamiel sa kaliwa ko.

Slowly I turned my face to the left. Tumama agad ang dulo ng ilong niya sa aking pisngi dahilan kung bakit inilayo ko ang aking tingin para mas makita siya.

Namimilog ang mga mata ko sa pagkakamangha. Nakayakap siya sa akin buong gabi habang natutulog ako! Kaya pala ay nakaramdam ako ng init kagabi! It was his body!

Gagalaw sana ako para magising siya pero pinigilan ko ang sarili ko.

Huwag, Ace. You don’t see him sleeping this peaceful that much so just stay still and take it all in. Ang bahagyang kunot sa kanyang kilay na tila ba nagagalit kahit tulog, ang kurba ng kanyang mga pilikmata na tila dekorasyon, ang kanyang marahang paghinga, ang kanyang labing manipis at mamulamula… lahat ng iyan, isasaulo ko.

Binaba ko ang tingin sa aking tiyan kung nasaan ang kanyang braso. His protruding veins made him look more masculine and menacing. His rough hand on my waist is possessive. At ang marahang haplos ng maninipis na balahibo sa kanyang binti ay nakakawit sa akin na para bang angkin niya ako ng buongbuo.

Ang pintig ng aking puso ay parang tambol na nakikisali sa bawat haplos ng aking mga mata sa kanya. Nakawala ang kanang kamay ko at gamit iyon ay hinaplos ko ang kanyang buhok malapit sa noo.

I smiled. Tinitigan kong muli ang payapa niyang mukha kahit pa medyo masungit itong tingnan. Hindi kita ang pagiging mapaglaro niya habang tulog siya.

Marahan kong hinawakan ang kanyang braso. Agad akong kinabahan dahil baka magising ko siya pero ang tanging ginawa ng tulog na si Zamiel ay ang paghigpit lamang ng panibagong hawak sa aking baywang.

Huminga ako ng malalim at nagpasalamat na hindi pa siya nagigising. I want to watch him this way. Nalungkot ako bigla nang naisip na baka kaya hindi siya agarang nagising dahil sa sobrang puyat. Anong oras kaya siya natulog kagabi?

Baka mamaya siya naman ang magkasakit?

Kapag nagkasakit siya, talagang hindi ko rin siya iiwan sa kwarto niya. I would probably blame myself, too. Kasi kung magkakasakit siya ngayon, dahil iyon sa akin. Nahawa ko siya at hinayaan ko pang magpuyat.

I can imagine him convincing me that he’s okay. I can imagine myself getting angry at him for not caring much about his health. Pareho kaming dalawa ng reaksyon kapag nagkasakit ang isa.

Napawi ang ngiti ko sa ilang minutong paninitig sa kanya.

Unti-unting suminag ang kahel sa aking silid. The color that is beating darkness is slowly creeping in my room and I know… it is the end of the cold and dark night. Isang tanda na dapat ay masaya pero hindi ko alam kung bakit nawala ang ngiti sa aking labi.

I never thought anyone could wish for more darkness. I never thought I could wish for a longer and deeper night.

Nagsimula na ang huni ng mga kulasisi sa labas. Iilang yapak ng siguro’y mga trabahante na rin ang narinig ko habang tumatagal ang sikat ng araw. I’m still here watching Zamiel’s peaceful face closely.

How I wish…

Dahan-dahan ay gumalaw ang kanyang mga mata. Mas lalong kumunot ang noo at naramdaman ko ang paggalaw din ng kanyang kamay. He’s awake!

Kinabahan agad ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero bago pa makapag-isip ay dumilat na siya.

His hand flew from my waist then to my neck and forehead.

“Morning,” he said huskily.

Pinilit kong huwag mangiti. Tinanggal ko ang kamay niya sa aking tiyan ngunit sa bigat nito ay hindi ko tuluyang nagawa.

“Gumising na tayo. Tanghali na,” sabi ko.

Imbes na sundin ako’y mas lalo niyang hinila ang katawan ko palapit sa kanya. His nose touched my ear and his hot breath is on my neck.

“Magpahinga ka pa para tuluyan kang maging maayos,” he whispered.
“I’m already fine, Zamiel!”

Tinulak ko siya palayo sakin pero masyado siyang malakas kaya hindi ako makawala. Marahan kong hinampas ang kanyang braso ngunit ‘di parin siya natinag kaya kinulot ko ang kanyang balahibo sa aking hintuturo at marahang hinila.

He groaned on my ears. Humalakhak ako sa halos pagmamakaawa niya roon.

“Sige na. Gutom na ako, Zamiel.”
“Kanina ka pa ba gising?” he whispered. Parang winawala ang usapan para hindi ako makawala, ah?
“Oo.”
“You watched me while I was asleep?” nahimigan ko ang paglalaro sa tono niya.
“Of course, not! Nakapikit ako the whole time. Hindi ako makagalaw sa hawak mo. Sige na. I’m hungry…”

Muli niyang pinasada sa aking leeg ang kanyang palad. Parang hindi siya nakukuntentong malaman na maayos na ako, ah.

“It’s still early. Let me sleep more, please,” he whispered again habang mas lalo akong niyayakap.
“Ayan ka na naman. Tsansing na naman!” tukso ko.
“Ganito rin naman tayo lagi kapag kasal na tayo.”

Oh, great! His logic is always so funny and selfish. Gigiit pa sana ako pero pinakawalan niya akong bigla at lumayo siya sa akin. Ibinaon niya ang mukha sa unan. He switched into prone position. May multo ng ngiti sa kanyang labi. Bumangon agad ako dahil sa pagkakataon.

“Ipadala mo rito ang agahan nating dalawa. Huwag na tayong bumaba,” he said while his eyes are closed.
“Okay.”

Tumayo ako at dumiretso na sa pintuan. In fairness, wala nang sakit sa aking ulo at hindi na rin ako nilalagnat. Sumungaw ako sa pintuan pagkabukas at may nakita akong kasambahay sa hindi kalayuan. Nagpupunas ito ng muwebles sa pasilyo. Nang nakita akong nakatingin ay lumapit.

“Paki sabi po kay Petrina na ihatid na lang dito ang agahan namin ni Zamiel. Dito na kami kakain.”
“Sige po, Miss,” sabi nito at tumulak na.

Sinarado ko ang pintuan at nilingon si Zamiel na nanatiling ganoon ang posisyon. He opened his eyes once but he closed it again. Hindi na naman yata antok ang isang ito, e. Puro palusot lang.

I also noticed that he’s topless. Ang lukot na comforter ay nasa baywang niya pababa kaya kita ang kanyang likod at braso.

“Maliligo muna ako.”

Kumuha na ako ng mga damit at pumasok na sa banyo. Sa ilang sandali ko roon, huli na nang namalayan kong hindi magkamayaw ang ngiti ko habang naliligo.

Mas lalong bumuti ang pakiramdam ko nang nakaligo na. Saktong paglabas ko ng banyo ang siyang pagkatok din ni Petrina sa pintuan. Nanatiling nakahiga si Zamiel, pikit ang mga mata pero alam kong hindi siya tulog.

Pinagbuksan ko si Petrina. Kitang-kita ko ang paglikis ng mga mata niya nang nakita ang ayos ni Zamiel sa magulo kong kama.

“Pakilagay na lang sa lamesa, Petrina,” sabi ko para makita niyang naroon ako sa harap. Para kasing kay Zamiel lang siya nakatingin.
“O-Oo naman, Miss Daniella!”

Mabilis ang hakbang ni Petrina patungo sa lamesa. Isang beses niyang nilingon ang aking kama bago niya nilapag ang tray at dumiretso na sa akin ulit. Naroon parin ako sa pintuan, hawak ang door handle para maisarado ko iyon pagkaalis niya.

Nang nakita ni Petrina ang pag-aabang ko ay nagkukumahog na rin siyang umalis.

“Tawagin ninyo lang po ako, Miss, kung may kailangan pa.”
Tumango ako. “Thank you.”

Pagkalabas niya, sinarado ko na ang pintuan.

Nagpapatuyo ng buhok gamit ang tuwalya ay lumapit na ako sa aking kama. Umuga iyon dahilan ng pagdilat ni Zamiel. Umayos siya sa pagkakahiga at inipit ang braso sa gitna ng kama at unan sa ulo.

He then crouched para maabot ako. Pinalupot niya ang kamay sa aking braso at marahan akong hinila na para bang gusto niyang mahiga ulit ako.

“Zamiel, kumain na tayo.”

Hinawakan ko ang pisngi niya to make sure that he is okay and just pretending to be sleepy. Wala naman siyang lagnat kaya nakumpirma ko kaagad. Imbes na tatanggalin ko na ang kamay ko ay hinawakan niya ito at dinala sa labi para mahalikan ang aking palad.

Naestatwa ako sa ginawa niya. Parang may mainit na kamay ang humawak sa puso ko. Sakit ang nagdaan doon na tila hanging gustong kumawala.

“My wife smells so good. Naligo ka ba para mabango paggising ko?”

Binawi ko ang kamay ko at inirapan siya. Napakafeeling din talaga ng isang ito, no? Sanay na sanay talagang nagpapaimpress sa kanya ang mga babae! Nakakainis na nakakatawa!

“Kidding.”

Tatayo na sana ako para kunin ang bed table pero nahila niya ako pahiga kaya bumagsak ako sa dibdib niya.

“But it’s true, you smell so good.”
“Tss! Zamiel, kukunin ko na ang pagkain natin. Gutom na ako.”

Pinakawalan niya ako at hinayaang asikasuhin ang aming agahan. Bumangon siya. Nasulyapan ko ang kabuuan ng kanyang dibdib. Nahulog ang lupi ng comforter hanggang kanyang hita. It revealed the bone and muscle structure on his lower abdomen. Napakurap-kurap ako. I’ve seen him topless before but never this “less”.

He tilted his head kaya ako napatingin din sa kanyang mukha. Ngumisi siya at alam ko agad kung bakit. He saw me checking his body out.

Nanginginig ang kamay ko nang dinala ko ang bed table patungo sa aking kama. Lalo na noong nakitang nag-aapoy ang kanyang mga mata.

“K-Kumain na tayo,” sabi ko. Nauutal pa! Shit!

Lumapit siya bahagya. Nakaupo na ako sa kama at hindi ako makagalaw lalo na nang tinabi niya ang bed table para maabot ako.

Hinigit niya ako palapit pa lalo sa kanya. He hooked his hand at the back of my bent knees para lang maipatong niya ang mga paa ko sa kama.

“What are y-you doing?” sabi ko.
“Stop stealing glances. I am yours, kaya titigan mo ako hanggang kailan mo gusto.”

Umirap ako at pinigilan ko ang ngiti. He licked his lips at natigil habang nagkakagat ng pang-ibabang labi. Ilang sandali kaming nagkatitigan bago niya hinawakan ang paa ko at pinagtabi iyon sa kanyang gilid. His thighs were spread apart and I’m in between him.

“What do you want?” tanong niya at iminuwestra ang pagkain.

Ngumuso ako at kinuha na ang tinidor at kutsilyo para hiwain ang ulam. Sa gilid ay nararamdaman ko ang titig niya sa akin habang ginagawa ko iyon. Sinubo ko ang pagkain at marahang nginuya. Gosh! Nacoconscious ako ng husto!

“I’m glad you’re fine now,” he whispered and rested his nose on my left cheek.

Bumaba ang kanyang iyong hanggang sa aking leeg. I shivered when I felt his breathing on it. Yumuko ako ng bahagya at binaba ang mga kubyertos.

“I’ve never been so bothered my whole life. Ayokong magkasakit ka ulit.”

The emotion I’m feeling is so overwhelming that I had to find a way or another topic. Hindi ko kayang manatiling tahimik pagkatapos ng sinabi niya. Pakiramdam ko ay masasaktan ako. Pakiramdam ko, hindi ko makakaya.

“Wait till I get pregnant and carry your child. Kung takot ka na noong nilagnat lang ako, paano na kung manganganak ako?” ilag ko sa sinabi niya.

Hindi siya nagsalita. Naramdaman ko na lang na humigpit ang yakap niya sa akin.

“You’re right. Damn! I’d probably lose my mind.”

Parang lumala pa yata ang naramdaman ko kaya natahimik na lang ako. Sinubukan kong kunin ang kubyertos kahit pa nanginginig na ang kamay ko. Hirap akong lumunok lalo na sa katahimikang ibinibigay niya. Para bang inisip niyang mabuti ang lahat. Parang lumalim ng husto na hindi niya na madugtungan pa ang sinabi kanina.

“Oh damn! You’re right. Fuck!” dinig na dinig ko ang frustration sa kanya. “Baka mapagiba ko ang ospital kapag nasaktan ka.”

Natawa ako pero hindi siya. He sounds so serious… looks so serious. Kaya bumawi ako.

“It’s years away. Magbabago ang nararamdaman mo. Don’t worry.”
“I will be bothered just the same,” he sighed.

Lumayo ang mukha niya sa akin na para bang nanantya ng aking magiging reaksyon.

“Magdaan man ang maraming taon, pareho lang iyon.”

Tumango ako para makita niyang naiintindihan ko ang sinasabi niya. Kahit pa sa gitna ito ng paninikip ng aking dibdib ay sumang-ayon na ako.

“Magdadaan ang mga taon, ayaw ko paring nasasaktan ka.”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.