What Lies Beneath The Sand – Kabanata 10

October 22, 2017 By In What Lies Beneath The Sand Comments Off on What Lies Beneath The Sand – Kabanata 10

Kabanata 10
Good Night

Kapag masaya ka, mabilis na lumilipas ang mga araw. Magdadaan ang bawat araw na parang hanging hindi mo mamamalayan.

Gaya ng pangako niya, hindi niya ako ipapasakay ng kabayong mag-isa. Kaya naman alas tres y media ng hapon, pauwi kami sa kanilang mansyon galing sa planta’y nakasampa ulit ako sa kabayo niya.

“Stop wriggling,” panunukso niya sa ginagawa kong paggalaw.
“Bilisan kasi natin! It’s going to rain! Tingnan mo ang langit?”
“Hindi ‘yan…” marahan niyang sinabi.

Hindi ko alam kung saan siya nakatingin. Pagkatingala ko tila gabi na sa sobrang dilim ng mga ulap. Wala na ring mga ibon kaya positibo akong uulan na talaga.

He can make the horse gallop faster. Hindi ko man gusto iyon dahil pakiramdam ko’y mahihirapan ang kabayo, pare pareho rin naman kaming mas lalong mahihirapan kung maabutan kami ng ulan kaya mas mabuti sanang bilisan.

Nakarinig ako ng konting kulog dahilan kung bakit ko siya nilingon.

“Narinig mo ‘yon? Uulan na!” I pointed out but he was just lazily maneuvering the horse like we are walking in a park.
“Magmadali man tayo, maabutan parin tayo. Can’t you just admire the view of the fields and the forest from here?”

Napalingon ako sa kaliwa’t kanang maberdeng tanawin. The other side of Costa Leona is really different. I wriggled again to remind him that we’re not here for a site seeing.

Ilang beses niya na ako nadala sa planta nila kapag may trabaho siya. Ilang beses ko na ring naappreciate ang tanawin. Sure I will always appreciate it gaano man kadaming beses ko na iyong nasilayan pero hindi ito ang panahon para diyan. Babagyo nga yata, e!

We’re both wearing jeans and brown boots. Marahang nagbabanggaan ang sapatos namin bawat kabig ng kabayo. I rolled my eyes. Pakiramdam ko ay sinasadya niya na bagalan. Wala naman akong reklamo noong nakaraan dahil hindi naman uulan noon.

“Zamiel!” saway ko nang unti-unti nang naramdaman ang malalaking patak ng ulan.
“Why are you scared of the rain? It’s okay.”
“Bilisan mo na!” pagalit kong sinabi.

I know the rain is okay. Ayos lang din na mabasa ng ulan kaso iniisip ko pa lang ang suot ko, parang nahihirapan na ako. With all the boots and jeans, I don’t think it is fine to get wet with the rain wearing it. Pero wala na akong nagawa dahil unti-unti nang bumuhos ang ulan. And that’s when Zamiel decided to let the horse leap faster.

“Ayan tuloy!” sabi ko.

Unti-unting nanuot sa aking damit ang lamig ng ulan. He leaned closer to me dahilan ng pagtama ng likod ko sa kanyang dibdib. Naramdaman ko ang pinaghalong init galing sa kanya at lamig galing sa ulan.

“Kumapit ka,” sabi niya.

Hinawakan ko ang matigas niyang braso na nakahawak sa lubid ng kabayo. I won’t fall kahit pa hindi ako kumapit sa kanya. His forearms are too rock hard and firm in between me. He is not giving me a chance to slip or fall from the horse gaano man kabilis ang magiging takbo nito.

Pumikit ako ng mariin dahil ang mga patak ng ulan ay marahas na tumatama sa aking mga mata. It is scary to ride on a fast moving horse, in the midst of the rain, with eyes closed. Pakiramdam ko ay maaarin akong tumama sa mga bato, mahulog sa bangin, o tumilapon sa putikan. It’s a reckless thing to do… something that only Zamiel could make me do.

“Zamiel! Slow down!” nakapikit kong tugon.

Mas lalong dumiin ang kapit ko sa kanyang braso. Alam kong hindi ako mahuhulog, hindi niya ako hahayaang mahulog, pero kailangan ko paring kumapit.

“It’s fun like this.”

Shit! He even finds all of this dangerous things entertaining!

Pareho kaming basang-basa na. Sumilip ako sa pamamagitan ng isang mata at nakita ko na delikado ang dinadaanan namin. I suddenly wonder if Zamiel’s eyes are closed, too. Marahas ang patak ng mga ulan, e.

“Slow down for God’s sake, Zamiel! Basang basa na tayo!”

His chuckle were drowned by the sound of the pouring rain.

“Why are you scared of the rain anyway. Basa na tayong dalawa kaya hayaan mo na.”

Wala na akong nasabi. Kahit naman makipagtalo pa ako sa kanya ngayon wala na akong magagawa. And he won’t slow it down because he likes the thrill of it.

Nawala ang nakadagan sa aking puso nang naaninag ko na ang tansong gate ng mansyon. Hinilig ko ang katawan ko sa kay Zamiel na nasa aking likod para makapagrelax. Tumatawa na siya sa pagkakapagod ko.

“Nakakainis ka! Paano kung may nangyaring masama sa atin?”
“You just can’t trust me.”
“Umuulan at maputik, Zamiel. Ano sa tingin mo ang iisipin ko?”

Nakapasok na kami ngayon sa bakuran. Hiningal ako sa pag-aalala roon, ah. Unti-unti nang tumitila ang ulan. Nasasayangan man sa damit ay wala na rin akong magagawa. Sumilong man o hindi, parehong mababasa kami.

Bumaba siya sa kabayo at naglahad ng kamay sa akin. I tried to go down on my own but he just won’t let it. Hindi niya talaga kayang hindi ako alalayan sa baywang at bahagyang iangat para makababa. Sa tuwing ginagawa niya iyon, natatameme ako ng ilang saglit. Lalo na sa mismong paglapag niya sa akin sa lupa.

Nakayuko siya. Ang hininga’y tumatama sa aking noo. Hindi naman ako makaangat ng tingin dahil alam ko kung paano siya tumitig sa mga ganitong pagkakataon. His hand remained on my waist. Tumigil ang ulan kaya wala dapat dahilan kung bakit ‘di ko siya titingalain pero hindi ko ginawa.

“Pumasok ka na, linisan ko lang saglit si Alegro,” aniya.

Pinandilatan ko siya at umiwas na para makalma ang sarili. Sinundan niya ako ng tingin. I smirked. Kinuha ko ang hose at agad na pinadaloy ang tubig sa katawan ng kabayong puno ng putik ngayon.

Umiling siya at lumapit sa akin, umaambang kukunin ang hose kaya umiwas ako at itinapat iyon sa kanya. I laughed when he ducked for it.

Bumukas ulit ang gate dahilan ng pagkakawala ko sa concentration. Nilingon ko iyon at nakita ko ang pick-up na gamit nina Kajik noong umalis sila. At dahil sa distraction ay nahuli ako ni Zamiel. His arms snaked around me pagkatapos ay hinuli niya rin ang hose na dala ko. Inagaw niya iyon sa akin, hindi na ako nanlaban. Lalo na noong nakita kong bumukas na ang mga pintuan ng sasakyan nila at isa-isang lumabas.

Tumikhim ako at bahagyang naglakad palayo sa kabayo. Nahihiya akong naabutan pa kaming ganito – basa at marumi. Ngumiti na lang ako bilang pagwewelcome sa pagbabalik nila.

“Hi! Nagpaulan ka, Daniella?” si Kajik sabay tingin sa aking katawan.

Lumabas si Peter sa front seat at sa likod ay ang mga babaeng dala. Peter smiled at me and his eyes traveled on my body, too. Napatingin tuloy ako sa damit kong basang basa.

“Oo, e-”

Zamiel hooked his forearm loosely on my neck. Tama lang para mapaatras ako at mapalapit sa kanya. Uminit ang pisngi ko lalo na nang nakita ang gulat sa mga mata ng mga kaibigan nila. Kitang-kita ko ang bahagyang pagkakatigil ni Peter. Si Kajik ay wala namang reaksyon, parang sanay na siya.

“How’s the vacation?” kinain ng baritonong boses ni Zamiel ang dapat na sasabihin ko.
“Fine.” Nagtaas ng kilay si Kajik at nagpigil ng ngiti. “We’re exhausted. Magpapahanda lang ako ng meryenda. Nagutom din kami sa byahe.”
“Go and tell Mercedita to cook for all of you.”

Kajik nodded then smirked bago tumuloy na sa bulwagan. Tumango rin si Peter sa amin bago marahang sumunod kay Kajik kasama ng dalawang babae.

Hindi man lang kinalas ni Zamiel ang kanyang braso. Ako pa mismo ang kumalas noon nang nakitang wala na sila. Tinapunan niya ako ng matalim na tingin bago tinalikuran at tinapat na sa kabayo ang hose. He’s suddenly grumpy? Ako nga dapat ang magalit dahil bigla niya na lang akong hinila palapit sa kanya?

Nagmartsa ako patungo sa kanya. Protruding lips and thick brows almost meeting, he silently washed away the dirt from Alegro’s body and legs. Nagtaas ako ng kilay. Kahit pa medyo giniginaw ay hindi ko siya magawang iwan doon para magbihis na.

“Anong problema mo?” tanong ko.

Sinipat niya ako ng isang beses. He only tilted his head just to give me another view of his grumpy face. Hindi ko nakayanan. Napangiti na ako. Akala ko gumaganda at gumugwapo ang mga taong ngumingiti. Hindi ako na orient na may mas lalong gumugwapo pala kapag galit?

“Nagseselos ka na naman?” I asked, smirking.

Naggalawan ang muscles sa kanyang mukha at nang ‘di ako tinitingnan ay sumagot pa…

“Ba’t ka lumalayo kapag nakatingin sila? You fancy him a lot, huh?”

What? Hindi ko mapigilan ang mas lalong paglapad ng aking ngisi. I can’t believe that he’s seen my awkward action. Tama siya. Bahagya akong lumayo sa kanya dahil nahihiya akong makita nila ang nangyayari sa relasyon namin. But at the same time, I think welcoming them like that is a good idea!

“Iwewelcome ko sana sila, Zamiel. Napakaseloso mo! Hindi ba napag-usapan na natin ‘to?”

Napawi ang kunot sa kanyang noo. Siguro ay naalala ang huling pag-uusap namin. Parang may lumukob na mainit sa aking puso habang tinitingnan siyang unti-unting naalu. Then he eyed me dangerously. Nagtaas ako ng kilay pero imbes na may sasabihin pa ako, hindi ko na nagawa. Hawak ang aking palapulsuhan ay hinigit niya na naman ako palapit sa kanya.

Tumama ako sa kanyang dibdib. He locked me with his arms. Nanatili siyang nagliligo sa kabayo at dahil sa gulo ko’y bahagya kaming nababasa ng tubig.

“So what if I want you on my arms while we welcome them, huh?”
“Ang sabihin mo nagseselos ka na naman!”
“Tsss…”

Pinakawalan niya ako. Pabiro ko siyang matalim na tiningnan.

“Umakyat ka na sa kwarto mo at magbihis. Ipapaakyat ko kay Petrina ang maaga mong hapunan. Malamig ang balat mo. Baka magkasakit ka pa…” aniya.

I pouted. Kahit na narinig ko ang utos niya ay hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Dahil… paano siya? Hindi pa siya aakyat?

“Ikaw? Dito ka pa?”

Nakita ko kung paano siya bahagyang nagulat sa tanong ko. His lips parted and then he looked at me. He turned the hose off. Pagkatapos, walang imik na ibinalik ito sa lalagyanan. May binilin siya sa trabahante bago bumaling sa akin. His face serious even when I can’t stop smiling.

“Umakyat na tayo,” aniya.

Tumango ako at tumalikod para mauna na sa paglalakad. I then felt his hand picking up mine. Naungusan niya ako dahil sa pagkakatigil ko bahagya.

Natigil din ako sa gitna ng pagsinghap. Hindi ko alam kung magpoprotesta ba ako o hayaan siya. Sa huli ay hinayaan ko siya. Ang pagiging seryoso niya sa ginawang iyon ang dahilan ng pagkapit din ng kamay ko sa kanya.

Nakita ko ang gulat sa mga mata ng kasambahay na nakita. Si Petrina ay pumwesto agad sa paanan ng engrandeng hagdanan para hintayin kami. She looks constipated while suppressing a smile.

“Basang basa kayo, Sir. Eto po,” sabay lahad ng isang tuwalya noong isang kasambahay.

Kinuha iyon ni Zamiel at isinuot sa aking likod. I smiled while he remain very serious. Gusto ko siyang punasan noon pero pareho lang naman kaming aakyat sa mga kwarto namin kaya ayos lang siguro.

“Petrina, dalhan mo ng hapunan si Daniella sa kwarto.”
“O… Opo!” si Petrina at agad na tumalikod para kumuha siguro ng pagkain sa kusina.

Tahimik kaming umakyat sa hagdanan. Sa huli ay binuksan niya ang pintuan ng kwarto ko at naghintay na sa aking pagpasok.

“Thanks,” sabi ko.
“Magpatuyo ka agad. Dito ka na kumain.”
“Kakain ka rin sa kwarto mo?”
He nodded. I nodded back before we finally parted.

Tulala ako habang nasa bathtub. Nilunod ko ang sarili hanggang labi. Pinagmamasdan ko ang pag-alon ng tubig dahil sa aking paghinga.

Hindi ko kailanman naisip na magtatanong ako sa gitna ng ginawang ito. Noon akala ko hindi ako tatablan ng guilt sa ginagawa ko dahil para naman iyon sa pera at sa aking kinabukasan. Ngayon pilit kong inaalala ang ibang paraan para makakuha ng pera at matustusan ang aking pag-aaral.

Auntie Tamara’s name keeps on bugging me. But in the end, ang tanging nagpapabago sa isipan ko ay ang pagkakasimula ko rito. Nasimulan ko na lang din ito, tatapusin ko na, hindi ba?

And maybe… Zamiel’s kindness and thoughtfulness is not really for me. It is for Daniella. It is for his real fiancee. Kung si Daniella ang narito, nasisiguro kong ganoon parin ang gagawin ni Zamiel. Nasisiguro kong ganito rin siya ka thoughtful. Nothing is really for me.

Kung may gusto man ako sa mundong ito, ang pag-aaral iyon. That is the only way to save myself from the hell I’ve had since my father’s death. Kapag nakapagtapos ako, pwede na akong magtrabaho. Mababayaran ko na ang pagkakabuhay ko sa mundong ito. And if luck is kind, I can even be as successful as the people I look up to.

Lumabas ako ng banyo na papalubog na ang araw. Naroon na ang pagkain ko sa lamesa. Nakatingin ako sa salamin sa aking tukador habang sinusuklayan ni Petrina ang aking basang buhok.

I sneezed for the nth time. Inirapan ko ang sarili ko. I don’t remember being sporty ever since. Kaya naman madalas din akong dapuan ng sakit. Ayaw ko pa namang magkasakit dito. Kung sana ay pwedeng ipagpaliban iyon at iresume na lang kapag nasa Manila na ako ay hiniling ko na.

“Naku! Baka ubo at sipon na ‘yan, Miss,” si Petrina.
“Wala lang ‘to. Iinom lang ako ng maraming tubig,” sabi ko.
“Bakit ba kasi kayo nagpaulan ni Sir Zamiel? ‘Tsaka saan kayo galing?”
“Sa Planta lang. Naabutan kami ng ulan sa daanan.”

Tipid at makahulugang ngisi ang ipinakita ni Petrina sa akin. Kumunot ang noo ko at hindi na rin naiwasan ang pagngiti.

“Ang sweet sweet n’yo na ni Sir Zamiel, Miss! Masayang masaya ako para sa inyo!”

Wala akong naisagot kundi ngisi na lamang. Pakiramdam ko ay pinupuri ako kahit pa hindi naman talaga ako si Daniella.

“Nararamdaman ko na seryoso si Sir Zamiel sa’yo! Nahulog na ba siya, Miss? Nag I love you na?”
Uminit ang pisngi ko at umiling na lang. “Petrina, sa sitwasyon namin, hindi na kailangan ‘yon.”
“Anong hindi, Miss? Pero kahit anong sabihin mo, huli na yata lahat dahil mukhang mahal na mahal na ni Sir! Hindi siya ganoon sa ibang babae! Naku noon? Parang basura lang turing niya sa mga babae!”

Umirap at at suminghap. Alam ko na ang parteng iyan sa pagkatao niya. I am not a master of mankind’s tendency but I wonder if it is really possible to have a playboy change that way. O baka naman ngayon lang ito dahil bago pa kami? Kalaunan ay balik siya sa dating gawi?

Nagpasalamat ulit ako na hindi ako si Daniella kung sakaling totoo man ang negatibong kaisipang iyon.

Pagkatapos ng maraming pangaral ni Petrina ay nagpaalam na siya. Kumain na lang ako sa aking lamesa habang tinitingnan ang unti-unting pagkabuhay ng mga ilaw sa labas ng mansyon. Masakit ang ilong ko at panay parin ang pagbahin ko. Ayaw kong magkasakit. Magpapadala na lang ako ng maraming tubig at siguro’y gamot kay Petrina.

Habang kumakain ay nakita kong umilaw ang cellphone ko. I don’t bring it wherever I go. Madalas ay dito lang ito sa kwarto kaya madalas ding naaabutan kong patay na. Ngayong kaka charge ko ay nakita ko agad ang tawag ni Daniella.

“Hello,” sagot ko sabay baba sa mga kubyertos.
“Hello, Ace… Kumusta ka riyan?” she sounds a bit weak.
“Ayos lang. Ikaw?”

Hindi ito agad sumagot. Parang may ginawa pa ito o nilayuan pa bago nagpatuloy. She also sighed first before answering.

“Tumawag nga pala si Mommy sa matandang senyora riyan.”
“A-Ano?” Kabado agad ako.
“Pero ayos lang kasi wala naman ata diyan iyon, ‘di ba? Nasa Manila raw. Kinumusta ako ni Mommy sa kanya.”
“Anong sagot?”
“Maayos daw. Nagkakaigihan daw kayo, actually,” Daniella chuckled weakly.

Hindi ko na nadugtungan. Baka nasabi iyon ni Senyora ayon sa mga balita galing sa mga kasambahay.

“Zamiel Mercadejas, right?” tanong ni Daniella. “May picture ka na niya?”
“Uh, wala, e. Iniiwan ko kasi ang phone ko kapag…”
She sighed again. “Gusto ko sanang tingnan ang profile niya sa Facebook kaso hindi tayo pwedeng mag log in doon. ‘Tsaka…”

The silence stretched. Alam ko kung kailan may problema si Daniella at ganitong ganito siya kapag ganoon. Noong humingi siya ng pabor sa akin ay tinitigan niya ako ng ilang minuto, tahimik, at nanghihina bago tuluyang nasabi ang gusto.

“Anong problema?” tanong ko.
“Gagamitin ko sana ang Facebook ni Ashton para makita ang profile niyan kaso… ayaw niyang pahawak ng phone.”

Oh.

“Don’t worry. I’ll send a picture of him. Susubukan ko siyang kuhanan bukas,” sabi ko para lang hindi siya malungkot.
“That’s not my point. I’m curious about him but I’m not very interested, Ace. Alam mo ang stand ko riyan at hindi ko talaga type ang mga probinsyano.” Pang ilang buntong hininga niya bago nagpatuloy. “My point is… bakit ayaw ipahawak ni Ashton ang kanyang cellphone?”

Nasapo ko ang noo ko.

“I know I shouldn’t ask you because you have less experience sa mga serious relationships pero you’ve been his friend. Bakit kaya ganoon? Ano sa tingin mo? May tinatago ba siya sa akin?”
“H-Hindi ko alam. Sa pagkakakilala ko naman kay Ashton, hindi siya ganyan. He’s a good friend-”
“Then why can’t he let me see his damn phone then? Nag-away kami kanina dahil diyan. Naiinis ako.”

Naubo ako. Uminom na lang ako ng tubig at nagpatuloy si Daniella.

“Tingin mo may ibang babae siya? O may nililihim sa akin? Wait… do you still text each other?”
“Hindi. I don’t use my phone that much.”
“I wonder what he’s keeping? Hay…” now she sounds so upset.

The silence between us stretched. Naghanap ako ng pwedeng maipayo kay Daniella.

“Mabuting tao naman si Ashton. Hindi ka niya lolokohin kaya baka he only values his privacy. Ayos lang ‘yan-”
“You know what’s worse? Sabi ko sa kanya na magpapakasal kami pero ang sabi niya’y masyado pa kaming bata para sa kasal!” nanginig ang boses ni Daniella.

Humikbi siya. Tumahimik ako at pinakinggan ang pag-iyak niya.

Hindi ko alam kung mabait ba si Daniella o mas mabait siya kumpara lang kay Tita Matilda? I can’t decide which. Though as far as I can remember, I was never angry with her. Hindi siya naging malupit sa akin sa ilang taon naming pagkakasama. Kapag may kailangan siya ay sa akin siya humihingi ng tulong. Ang kumpyansa niya sa akin ay hindi mapapantayan and I always make sure that she’s in full confidence on me, as well. She’s my sister, after all. Hindi man sa dugo, pero sa pangalan.

She’s not my father’s daughter but my father owned her. She’s not a Zaldua but my father gave her that name.

Hindi ako nag-aalaga ng sama ng loob. Hindi ako nagdidilig ng galit. Sa kay Tita Matilda man o sa kay Daniella. Lalo na kay Daniella na hindi ako pinagmalupitan at hindi rin pinagtanggol sa kung ano mang pang aalipusta ng kanyang ina.

“Tama naman ‘yon,” sabi ko. “You’re still young.”
“Pero kung mahal niya ako, it doesn’t matter when we’re going to marry each other! Bukas man o sa mga susunod na taon, ‘di ba?”

If only she fell for Zamiel instead, they’d both be happy. Zamiel will be very happy to move the wedding as soon as possible. Gusto rin kaya ni Daniella na magkaanak? Kung gusto niya ay masasabi ko nang magkakasundo talaga sila ni Zamiel.

I listened to her cry over the phone. I listened to her rants until she’s exhausted. Binaba niya ang cellphone. Nakahiga na ako sa kama, nilalamig at masakit ang katawan.

Isang katok ang narinig ko galing sa labas ilang sandali ang lumipas. Bumangon agad ako sa pag-aakalang si Petrina para mautusan itong kumuha ng gamot. But when I opened the door and saw Zamiel in front of it, parang nagbalik ang lakas ko ng panandalian.

He did not speak. Imbes ay iginala niya ang mga mata niya sa loob ng kwarto ko hanggang patungo sa lamesa.

“Kumain ka na?” tanong niya.
“Uh, yup.”

Wearing a comfortable looking white shirt and a black shorts, may dala siyang parisukat na box at may kulay pulang ribbon sa gitna. He rested his left hand on the door making it part wider. Nagtaas ako ng kilay sa ginawa niya. Kabado sa kung ano mang iniisip niya.

“What are you doing?”
Nagtaas siya ng kilay pabalik ngunit may naglalarong ngiti sa kanyang labi.
“You’re not allowed to sleep here, Zamiel. Go back to your room!”

Hindi pa ako natatapos sa aking sinabi ay nagsimula na siyang tumawa.

“You pervert!” he accused me. “Hindi ang kama mo ang pinunta ko rito. I’d drag you to my room if I wanted to sleep with you. I’m here to give you this?”

Kunot noo kong tinanggap ang dala niyang gift. Wala akong ideya kung ano iyon pero nang mahawakan ko ang matigas nitong katawan ay namilog ang mga mata ko.

We finished our drawing. Dinagdagan niya pa nga ng detalyeng sand castle iyon sa tabi. Ako na ang nagfinish at kinuha niya iyon para ipaayos daw. Tingin ko ay ito iyon.

He looked satisfied at my reaction. Mabilis kong hinubaran iyon at nang nakitang isa nga iyong frame ay namangha ako. It was wonderfully made and enhanced. At sa pinakababang kanan nito ay may matutulis, pahaba, at italikong letra na tingin ko’y sulat kamay ni Zamiel.

Z. A. and D. A. Mercadejas.

Napawi ang ngiti ko.

“Do you like it?”

Pilit kong binalik ang ngiti ko pag-angat ng tingin pagkatapos ay tumango ako. He poked my nose.

“Enough of your pervert thoughts. I won’t always visit your room for that.”
Huminga ako ng malalim at umirap. “You can’t blame me. You always give me that impression, Zamiel.”

He grinned boyishly making him hotter by the minute. Kung hindi ko lang talaga niloloko ang sarili ko ngayon. Napawi rin agad ang ngiti niya, nagulat ako nang ‘di niya dinugtungan ang tukso ko.

“Namumungay na ang mga mata mo. Magpahinga ka na.”

I was startled when I realized that even that small detail… he knew. He. Knew. That. Something. Is. Up. Hindi man niya alam ang dahilan ay nararamdaman niya.

“Sige na. Hindi mo ako maloloko sa mga biro mo. Matulog ka na at pinagod yata kita sa araw na ‘to.”
I smiled. “Thanks for this. I love it.”

Binaba niya ang kamay niya. Hindi siya tumango o kinumpirma man lang ang sinabi ko.

“Close the door and rest tight.”

I nodded and slowly closed the door between us. Nanatili ang mga mata niya sa akin, sharp and alert. Naninimbang siya at nararamdaman ko ang dami ng ideya sa utak niya. I opened it slowly back and smiled at him.

“Good night. Matutulog ka na rin ba?” hindi ko na napigilan

Baka kasi bumaba pa siya at makisali sa kina Kajik. O may iba pa siyang gagawin?

Umiling siya. “I’ll stay in my room and try to sleep, too. Do you want that?”

Shit.

“Yeah,” hindi ako makatingin sa kanya.
“Then I’ll do that.”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.