What Lies Beneath The Sand – Kabanata 1

Kabanata 1

Galit

Tumikhim ako. Inayos ko ng paulit-ulit ang aking damit at ang aking buhok habang pilit na ngumingiti sa mga nakasalubong kong bisita. Some lingering stares from the group of old people, lalagpasan ko sana ngunit sa huli ay hindi na nila napigilan.

“Daniella,” an old bird-like lady called.

Ngiting-ngiti siya at sa tabi’y dalawa pang babae at may isang ginoo. Napangiti rin ang mga kasama niya nang nakitang sumali ako sa grupo.

“How’s your Mom? Antagal na naming hindi nagkita ni Matilda…”

While she’s reminiscing her experience, sa malayo ay nakita ko si Zamiel na kakapasok lang sa bulwagan. Tumikhim muli ako at tumayo ng maayos. His eyes immediately flew to me, kahit pa hinarangan ng iilang mga kaibigang babae at lalaki.

“She’s been traveling a lot since your father died. How long has it been, hija?”

Mapait akong ngumiti. Father, Engineer Teodorico Zaldua, died when I was twelve. And that was four years ago. Taon man ang lumipas, ang sakit ay parang kailan lang. At ang paghihirap ko’y parang isang dekada naman sa sobrang tagal ng pakiramdam ko.

“Six years, po,” sagot ko.

“Matagal-tagal na pala,” sabi noong matandang ginoo. “But Matilda has not been present in social gatherings. Is she that busy?”

“Opo.”

Natigil ako nang naramdaman ang paglapit ni Zamiel sa amin. Binigyan siya ng espasyo ng matandang lalaki sa tabi nito ngunit namili pa ito kung saan makakatabi ako.

“Oh, Zamiel, hijo. Andyan ka pala,” sabi ng matandang ginang. “We we’re talking about Daniella’s mother.”

Zamiel looked at me with a menacing face. Kinabahan agad ako. What is he up to, now?

“Sa engagement ng anak niya ay dapat narito siya pero nagbakasyon. Anong masasabi mo roon?”

“Well, just as long as she comes to our wedding, I have no problem, Tita.”

Naghagikhikan ang mga matatanda. Forgive me but I’m trying my best to identify which part of it was funny. Wala naman ata?

A big warm hand slowly caressed my waist. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Nilingon ko si Zamiel at nakatingin lamang siya sa mga nagtatawanang matanda. What the hell is he doing?

“Speaking of engagement, hijo, I noticed Daniella doesn’t have a ring yet?”

“Ah! Yes, Tita, gusto ko po kasing sa pribado ko siya bigyan noon,” paliwanag niya sa mga ito.

Nagmamadali kong hinawi ang kamay niya sa aking baywang dahilan kung bakit nagkatinginan kami. He leaned closer to me to whisper.

“Let’s go.”

Hindi pa nga ako nakakaalma ay humingi na siya ng paumanhin at tumulak na palayo sa grupo, dala ako.

“What the hell are you doing?” mariin kong bulong.

He rolled his eyes lazily. Imbes na sagutin ako ay nilingon niya ang iilang bumati.

“Congratulations, Future Mr. and Mrs. Mercadejas!” tukso ng iilan pang matatanda.

“Thank you!” ani Zamiel.

Instead of frowning because of what is happening, napilitan akong ngumiti na rin gaya ng ginagawa niya. May isa pang humawak sa kamay ko para mapansin ko. Isa itong matandang babae na puro ngiti rin.

“Bagay na bagay kayong dalawa, hija! Surely, you’ll make such beautiful and handsome offsprings!” anito.

Zamiel chuckled in a low tone. “Dahan-dahan lang po, Ma’am. Hindi po kami nagmamadali. Ayos lang po ang isa pagkatapos naming makasal.”

Wow! This bastard!

Well, when I think about it, I really should stop overthinking. This is nothing personal. Lahat ng ito, gaya lahat ng bagay, maglalaho rin. Lalo na sa kalagayan ko ngayon. I just don’t know how it’s going to be in the end.

“Salamat po,” sabi ko sa matanda.

Iilan pang guest ang sinalubong at binati kami. Some of them were even young, siguro’y ka edad lang ni Zamiel. It took us an hour to finally walk towards the grand staircase and to see his parents, and grandmother on their table. Ngiting-ngiti si Senyora samantalang tipid naman ang ngiti ng Mommy ni Zamiel.

Noong una, akala ko lalapit kami sa lamesa nila. Kalaunan napagtanto kong patungo si Zamiel sa grand staircase. What is this? He wants me to go upstairs and probably stay in my room?

Gusto ko naman iyon. I’m tired from all of what happened today, pero alam ko ring hindi niya ako pinapapunta sa kwarto ko para lang magpahinga. Hell, I doubt if he even cares that I’m tired at all.

“Oh, saan na kayo?” agap ni Senyora.

We stopped midstep. He turned to their table.

“Ihahatid ko na po siya sa kanyang kwarto, pagod na po siya, Lola.”

I knew it. This bastard knows his game. And you know what? The hell I care if he’s doing this for whatever reason. Mas gusto ko ngang sa kwarto na lang ako.

“Ganoon ba?” malungkot na sinabi ni Senyora.

Ngumiti si Tita Lucianna sa akin. “Bukas ay aalis din kami ng Tito mo, Daniella. I’m happy that you and Zamiel are getting along well, so far. We will visit you again soon.”

“Sige po, Tita.”

Kumawala ako kay Zamiel. His grip tightened. Nagkatinginan kami bago niya ako pinakawalan ng tuluyan. I went to his parent’s table para magpaalam ng mabuti.

“Good night, Tita, Tito…” sabi ko.

Tita Lucianna kissed me. Ganoon din si Senyora. Another smile before I finally went to Zamiel. Tumango ito sa mga magulang bago kami tumulak na palayo roon.

Nang tanaw pa ng lahat ay hinayaan ko siyang hawakan ako. Ngunit nang dumilim at nasa pangalawang palapag na kami ay lumayo ako sa kanya.

“Thanks for making it easy for me. Kahit na alam kong hindi dahil iniisip mong pagod na ako…”

He smirked.

Kahit sa dilim, sa konting liwanag na dala lamang ng wall lamps, nadepina parin ang kanyang itsura. Nagpatuloy ako sa paglalakad, never glancing him again because I can’t help but praise him. Boy, the Creator has favored him so much to look like that even in the dark!

Isang marahas na higit pa ulit sa braso ko ang ginawa niya. Malapit na malapit na ako sa pintuan ng kwarto nang ginawa niya iyon. Para akong spring na napabalik at napaharap sa kanya dahil sa ginawa. Uniformed maids are doing their thing somewhere along the dark corridors while we’re here busy with an argument.

“Bakit? Ano sa tingin mo ang iniisip ko?” he drawled.

Sixteen years old with the height of most who are of legal age, I can definitely lie about my age. Kung hindi man ako magsisinungaling, people assume my age from their perspective. At madalas, mas higit iyon sa sixteen. This is why this thing is easy for me. It is so easy to deceive people like this.

Lahat ng nag-aakalang mas matanda ako sa tamang edad ko’y kung hindi’y nanliligaw, nag-aalok ng kung anu-ano. Boys my age are easy to turn down. Men sometimes won’t understand. Kaya naman I can say that I have a bit of knowledge about men.

“Huwag na tayong maglokohan, Zamiel. And don’t you ever hold me again with your filthy hands,” puna ko.

He pursed his lips. He looks really amused and it is pissing me off.

Hindi ko kailanman naisip na magtanong tungkol sa iaasal ko rito. I just assumed I’d be my usual self. Hindi ko alam kung ano talaga ang plano niya. Heck, I don’t even know if I should encourage the marriage or not. Dapat ay magtanong ako mamaya.

“Are you bothered with it?”

Alam ko agad ang ibig niyang sabihin. Apektado ba ako sa nakita ko? Wala nga akong nakita, e. I did not see them kissing or doing things. Nakita ko lang na magkalapit ang katawan nila, dahil sa alitaptap na dumaan. Bukod doon, wala na. Pero alam ko kung ano mismo ang ginagawa nila roon. I’ve seen nature inspire that phenomenon. I’ve seen it in scientific documentaries, in books, in animals, and in love themed movies.

“I have told you from the beginning na ayos lang sa akin kahit anong gawin mo tungkol diyan. I don’t care at all, Zamiel.”

“Fine. Mabuti na alam ko ang iniisip ng mapapangasawa ko tungkol sa bagay na iyan.”

An image of myself in a matronly dress, a hat, and some neighbors gossiping about my cheating husband flashed in my head. Pinilig ko ng bahagya ang ulo ko, surely, hindi na ako aabot sa ganyan!

“Give me your hand,” utos niya.

Hindi ko ginawa. He sighed. Kinuha niya ang kamay ko at itinutok ang isang singsing doon. Bago pa ako makapagprotesta ay pinadausdos niya na ang gold solitaire diamond sa aking ring finger.

“Stay in your room the whole night. Don’t sneak out. I will know,” he said darkly.

“My pleasure,” iritado kong sinabi sabay bawi sa aking kamay at pasok sa kwarto.

Ilang sandali akong naupo sa kama. Alam ko ang gagawin ko roon ngunit sa mga nangyari ay parang natigil saglit ang mundo ko.

Dahan-dahan kong inalis ang lace sa likod ng aking damit ng nakabawi. Maingay parin sa tawanan at tugtog ang buong party. At paniguradong nakihalo na si Zamiel sa mga tao, ipinagpatuloy ang naudlot na gagawin kanina.

Gusto kong masuka. He’s is the usual city boy bastard. I never thought he’d be that type. In fact, mas naimagine kong tahimik at seryoso ito pero ngayong nagkasama kami, hindi pa nag-iisang araw, alam ko na kung gaano siya kagaspang at kabulgar.

I jumped a bit when someone knocked on my door. Agad na ito ang naisip ko ngunit nang nagsalita ay nabunutan ako ng tinik.

“Ma’am Daniella, si Petrina po ito. Nagpadala po ng gatas si Sir Zamiel dito dahil matutulog ka na raw po?”

I sighed. I doubt he really did that. Baka naman si Senyora ang nagpadala? Mabuti na ring nandito si Petrina nang matulungan ako sa aking damit.

Pinapasok ko si Petrina. Nilapag niya sa lamesa ang isang tray ng gatas. Nang nakitang naghihirap ako sa pagtanggal ng damit ay tumulong siya. Standing in front of a mirror delicately decorated with sculpted vines and flowers, I saw her reflection slowly untying my lacy dress from behind.

Tumikhim ako bago nagsalita.

“Saan nag-aaral si Zamiel?” tanong ko.

“Tapos na po siya, Ma’am.”

“Anong kurso?” tanong ko.

“Sa negosyo po ‘yon, e. Dalawa po ang paaralan niyan. Dito po ‘yan nag kolehiyo sa Costa Leona. Pero ang alam ko may klase din siya sa Maynila.”

Tumango ako. So that means he could be twenty three or so?

“Nagkagirlfriend na ba siya?”

Napatingin si Petrina sa salamin dahilan ng pagtatama ng aming mga mata. Bumaba ang strap ng aking damit hudyat na tapos niya nang nakalas ang nasa likod. She looked hesitant to answer my question. Maybe because she doesn’t want me to think that her master is a crude womanizer.

“Huwag kang mag-alala. Alam kong babaero siya. I’ve seen him tonight with a girl. I just want to know if he ever had a serious relationship with a woman.”

Nagngising-aso si Petrina. Kumikibot din ang kanyang labi tila ba tinutulak siyang magsalita at konting hibla na lang ang nagpipigil sa kanyang gawin iyon.

“Wala po! Kung sineryoso’y wala po ata siyang naging ganoon. Puro mga-” pinigilan niya ang bibig at ngumisi muli sa akin.

I smiled back at her. No need to cover up for you master. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang hanap ng lalaking iyon. Kahit na hindi na magsalita, titigan mo lang. His body is screaming of vigor, strength, and energy. Where does he spend all of that supposed energy, kung ganoon? Hindi siya kargador para mawalan ng enerhiya sa pagtatrabaho. My wild guess says he’s spending his great energy towards something… as pleasurable as… the three letter word.

“Pero h’wag kayong mag-alala, Ma’am! Loyal ‘yan si Sir Zamiel sa’yo!” pampalubag loob ni Petrina para siguro hindi siya masisante kung sakaling lumayas ako dahil sa mga paninira niya.

I laughed mockingly. I don’t think someone in this age is still using that word – loyal. Loyal? The millenial and metrosexual love knows that that word is extinct. Malapit nang maalis sa diksyunaryo. Betrayal in friendship, love, and all things is too usual that the virtues have long died.

Umalis si Petrina pagkatapos. Hinubad ko ang singsing na bigay ni Zamiel at tumulak na sa bathroom para makaligo. I opened my outdated phone to text her about my questions but instead, iba ang sumalubong sa akin. Isang tawag ang sinagot ko.

“Hello.”

“Napag-isipan mo na ba, Ace?”

Auntie Tammy’s voice echoed like a lullaby in a peaceful room. I can imagine her drawing smoke from her cigarette while she offers me the world in exchange of other things.

“Auntie, hindi po talaga pwede,” sabi ko.

“I know your limitations, hija. And besides, you’re still a minor. It’s a long way to go!” alu nito.

“Hindi po talaga,” sagot kong pinal.

“Ano ang pagkakakitaan mo ngayon, kung ganoon? Sayang ang pag-aaral mo. You worked so hard for it and now it’s all gone,” panunuya niya. Hindi ako naniniwalang nag-aalala siya sa pag-aaral ko.

“Hindi na po talaga, Auntie.”

“You know where to find me once you’ve made up your mind, Astherielle.”

Wala nang pagpapaalam ay pinutol niya na ang linya sa gitna naming dalawa. I sighed and started staring at my phone.

Para maipagpatuloy ang pangarap ko, kailangan kong kumita ng pera. The last thing I’d ever turn to will be my Auntie Tamara. Natatanging kapatid ni Mommy na matagal na akong pinipilit na tumira sa kanya. I’d rather do what Daniella wants than go to my Aunt.

Ilang beses kong tinawagan si Daniella habang naliligo ako. I want to ask her what I should do. Gusto niya bang makasal kay Zamiel? Mas malaki ang tsansang hindi, dahil kung gusto niya, ba’t niya ako pinadala rito?

Hindi siya sumagot kaya tinext ko na lang.

Ako:

Daniella, hindi ko alam kung paano pakitunguhan ang fiancee mo. Papakasal ka ba sa kanya kalaunan o hindi? Should I treat him well or not?

It was a stupid question, actually. I immediately regret sending it. Dahil paano magpapakasal si Daniella kay Zamiel kung ang iniisip ni Zamiel ay ako si Daniella? Maybe she didn’t want the marriage. But will she have the money if she refused this?

Walang sagot sa mga katanungan ko. Hindi siya nagreply kahit noong nakatulog na ako. I almost forgot that she’s also on vacation and probably she didn’t want to be disturbed. Lalo na’t kasama niya ang kanyang boyfriend at ngayon lang sila magkakasama habang wala si Tita Matilda.

Nag-umaga na lang ay ganoon pa rin. I did not receive any text from Daniella so I decided to just carry on and do things my way.

Sa unang umaga ko sa mansion ng mga Mercadejas, mag-isa akong kumain. Maagang umalis ang mag-asawa gaya ng sabi nila kagabi. Tapos nang nag-almusal si Zamiel at hindi pa nakakababa ang kanyang kapatid. Senyora Domitilla is still sleeping so I was all alone on their huge dining table.

Isang serbidora at si Petrina sa aking gilid, nag-aantay ng mga utos ko. Ganoon ka rangya ang buhay ng mga Mercadejas dito. I can only imagine their lives in Manila or in any other provinces where they have properties.

Pagkatapos kong kumain ay nagpasya akong magbasa ng libro. Dinala ko talaga ang isang hindi ko pa nababasa para malibang ako rito.

A classic novel by Alexander Dumas is about revenge and a bit of love. Nakaupo ako sa isa sa mga grecian couches ng bulwagan. Tanaw ang iilang mga tao na nag-aayos ng mga lamesa at upuan, bakas ng party kagabi.

Binuksan ko ang libro sa pag-aakalang wala akong magiging distraction sa kahit ano. Ngunit nang inangat ko ang aking tingin at diretso sa labas ay may nakita, gumuho agad ang iniisip kong oras para mag libang.

Zamiel, topless, in faded blue jeans, and some brown boots flashed in my eyes. Diretso sa mga kuwadra sa labas, pinapaliguan niya ang isang kabayo. Even from afar, his skin is golden brown, a bit too masculine for my liking. Kumunot ang noo ko at bumaba ang tingin sa king aklat ngunit bumalik din kalaunan sa konting galaw ng imahe.

His shoulders were broad and powerful. His back muscles are well defined. The groove of his spine is well indented and below it, there were two twin dimples.

Humilig siya sa pintuan ng kuwadra at napalingon sa likod. I snapped out of it dahil nagkatinginan na kami. Tumayo ako at nagpasyang lumabas ng bahay at magtungo roon sa duyan.

His eyes bore to me intensely. Kung makatingin ay parang ako lamang ang nasa paligid kahit na dinig na dinig ko ang pambabaeng halakhak kung saan. A girl in her tube top and short shorts is with him. She giggled noong muntikan na siyang mabasa ng tubig dahil sa sariling gawain.

Iniwas ko ang aking tingin doon at dumiretso na sa daanan.

“Zamiel! Nababasa ako,” sabay halakhak noong babae.

Nawala rin ang ingay nang nakalayo na ako. Naupo ako sa duyan at nagsimulang magbukas muli ng libro.

For a while, I admired again the whole peacefulness of the place. Tanging ang ingay lang ng mga dahon sa puno ang naririnig, ang alon, at ang huni ng mga ibon. Konting galaw, ang ingay naman ng kinakalawang na tanso ng duyan naman ang maririnig mo.

I opened the book again and started reading a line or two when the giggles started ringing in my ears again. Huminga ako ng malalim. I prepared a lot of activities because I know I’d be bored. I have a book, I brought my sketchpad, pencils, pero kung ganito araw-araw ang paligid ay hindi ko alam kung may magagawa ba ako sa pagkakabagot.

“Ahhhy! Ano ba ‘yan, Zamiel!”

I rolled my eyes and tried to read another line.

“Oh my gosh!!!”

I stopped and realized na walang pumapasok sa aking isipan. Hindi ko na kailangang tingnan kung ano maaari ang ginagawa nilang dalawa roon. I can imagine them playing around with the water. And the tall and curvy girl would shriek everytime she gets wet. Tumayo ako at dumiretso sa kung saan ako nakatayo kagabi bago nahuli ni Zamiel.

That girl he’s with right now could be that same girl yesterday. Well, the hell I care. I just want some peace.

Nababalutan ng mga halaman ang batuhan, pwedeng bumaba rito ngunit dadaan muna sa matarik at mabatong parte. Nilingon ko ang kanang bahagi kung saan ka makakababa gamit ang gawang hagdanan. But then that would mean I will need to turn around the house before I could ever reach the stairs.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang halaman bilang suporta sa sarili. Muntik na akong dumausdos dahil sa maling pagkakapwesto ng paa ngunit mabuti na lang at nakahawak sa matibay na tangkay ng halaman.

Nabitiwan ko ang libro. Nauna itong bumaba sa batong hagdanan kaya mas nagmadali ako.

Thankfully, nakababa ako ng walang sugat o anuman. The view and the feel of the sea suddenly thrilled me. Sana pala, kung alam ko lang, nagdala rin ako ng damit panligo. Mukhang masaya maligo rito. And I should put that as one of my boredom killer here.

Pinulot ko ang libro nang nakababa na sa hagdanan. Pinung-pino ang buhangin. Tinanngal ko ang tsinelas ko para maramdaman ito.

Nakalatag ang rockformation at limestones sa haligi ng hagdanan. Tumingala ako kung saan makikita ang manson. Binalik ko ulit ang tingin sa haliging binuo ng hangin, tubig, at panahon. It looks majestic. Well, everything that time creates will always look majestic.

Isang maliit at walang haliging kubo ang naroon. Tila ginawa lang para sa isang araw na silong. Sa malayo ay kumurba ang limestone dahilan kung bakit pwedeng sumilong sa isang maliit na kweba.

Kung papipiliin ako sa dalawang silungan, pipiliin ko ang kweba. Dumiretso ako roon, thinking of finally having my small share of peace. Naupo ako sa buhangin at nagsimula ulit sa pagbubuklat ng libro.

I digested it page after page until I heard that same giggle, palapit at mas lalong lumalakas. Sinarado kong muli ang aklat para matingnan ang pinanggalingan noon.

“Ligo na tayo, Zamiel!” sabi noong babae.

She hooked her arm on Zamiel’s neck. Hindi natinag si Zamiel, imbes ay hinawakan pa nito ang baywang ng babae bilang suporta. They shared one long kiss before the girl giggled again.

I don’t think this was the girl last night. Takot iyong kagabi makita. Ngayon, ang babaeng ito, parang walang kahihiyan.

I remember Zamiel whispering sweet words to the girl last night. I bet he does that to everyone. Every girl he’s ever kissed, touched, or do things.

I hate people like that. Sila ang dahilan kung bakit magulo ang mundo. The lie he feeds the girl will make her hope. And false hopes will echo bitter hearts… bitter hearts, anger… anger, evil.

Sino ako para magsabi noon gayong nandito ako at nagsisinungaling din? Hinawakan ko ang puti at pinong buhangin. The giggles died down, nilingon ko sila ulit at nakita kong mas naging mainit ang kanilang mga halik. Pero natigil sila nang may nakita sa likod.

“Continue your thing. I just wanna take a dip,” Kajik Mercadejas, Zamiel’s brother is walking directly to the shore.

Binaba nito ang tuwalya. Nang nakita ako’y tumango at dumiretso na sa dagat.

“Maligo na rin tayo!” anyaya ng babae ni Zamiel.

For a while, they stayed in the hut. Samantalang si Kajik ay umaahon na.

Wala halos pinagkaiba ang magkapatid. Kung mayroon man, siguro sa pangangatawan lang. Zamiel’s body looked more mature than Kajik’s. Maybe, that’s because he’s older than him.

Nagulat ako nang lumapit si Kajik sa kung nasaan ako. With him is a large random shell. He smiled, and oh, without the grimace look of his brother.

“Gusto mo? Nakita ko sa dagat,” he said in a friendly tone.

Pinulot niya ang kanyang tuwalya at nilagay sa balikat. Pinunasan niya ang batok at buhok habang inaabot sa akin ang malaking shell. I smiled.

“Thank you! I’ve never seen a shell this big.”

“Have you ever been to a beach?” kunot-noong tanong ni Kajik.

“Uh, oo. Pero hindi rin sa kasing gandang dagat na ito.”

Binalingan niya ang mangasul-ngasul na dagat bago muli ako.

“Then, I guess you will enjoy it here. The sea is safe. Hindi rin mabato kaya hindi ka masusugatan.”

Tiningnan niya ang hinahawakan kong shell at iminuwestra niyang ilagay ko sa tainga.

“Kung ilalagay mo ‘yan sa tainga, maririnig mo ang dagat kahit na malayo ka pa rito.”

“Oh?” I said, a bit shocked.

Sinubukan ko iyon. Pinanood niya ako habang ginagawa. And yes, I heard the sea. Pero hindi ako nakasisiguro kung dahil ba iyon may dagat nga sa harap o talagang dahil totoo ang sinabi niya.

“Try it inside the mansion, you’ll see,” ani Kajik nang siguro’y nakita ang pagdududa ko.

I glanced at his brother and the girl. Nakita kong iritadong nakatingin si Zamiel sa banda namin. I can’t concentrate here, anyway, so I’d go back and try the shell inside the mansion.

Tumayo ako. Umambang maglalakad na si Kajik pabalik ng mansion ngunit hinintay niya ako. I immediately concluded that the younger Mercadejas is a better man or a better person than the older.

Sabay naming nilagpasan ang dalawa sa may kubo. Nakahalukipkip ang babae at ‘di ko na nilingon si Zamiel. Pero bago pa ako makaakyat sa unang baitan ay natigilan na kaming pareho ni Kajik sa baritonong tawag ni Zamiel.

“Kajik, will you escort Bethany back. I just want a conversation with my fiancee,” si Zamiel.

Nagkatinginan kami ni Kajik. But then he smirked and held out his hand for the other girl. Ngumiwi ang babae, mukhang hindi nagustuhan ang gustong mangyari ni Zamiel pero wala ring nagawa.

Nag-ugat ako ng ilang saglit sa kinatatayuan. Kahit pa bahagyang binangga noong Bethany ang balikat ko ay nanatili akong nakatayo roon. Tumuwid sa pagkakatayo si Zamiel. He’s not topless this time. In fact, he’s wearing a white t-shirt.

His arms corded when he tried to cross it. Iniwas ko ang tingin ko roon at naghahamon siyang tiningnan.

“What is it?”

“So… you fancy my brother, huh?”

Oh, the nerve of this guy. This is not jealousy. This is his ego talking. Iniisip niya sigurong makukuha niya ang lahat ng babae at walang maagaw sa kanya. Kaya naman ngayong nakitang nakipag-usap lang ako saglit kay Kajik, naapakan na agad iyon.

Well, it’s my pleasure to step on his ego. Lalo na dahil ayaw na ayaw ko sa kayabangan niya. Lalo na dahil hindi ko kailanman magugustuhan ang tulad niya.

“So what if I fancy him?” my brow shot up.

Umawang ang bibig niya. He licked his lower lip. One large step towards me and we’re just inches apart. Hinawakan niya ang braso ko, gaya ng ginawa niya kagabi at nilapit ako sa kanyang mukha para makabulong.

“You are engaged to me,” mariin niyang tinig.

I literally had goosebumps. Ang tanging naririnig ay ang hampas ng alon at ang lamig ng kanyang baritonong boses.

How dare he bring that argument up, by the way? Bakit? Kahapon at ngayon, hindi ako nagreklamo sa mga nakikita ko sa kanya. Kaya bakit siya nagrereklamo ngayon?

Gusto niya ata na loyal ako sa kanya pero kapag siya, pwedeng mambabae. Bakit? Boys will be boys? No! Men are unworthy if they cannot stay loyal. Ganoon din sa babae. This is an equal world. I don’t need another bullshit about that!

Sinubukan kong kumawala ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya.

“How can you say that? You… are engaged to me but you’re allowed to have girls. Pagkatapos ako, interaction lang sa kapatid mo…” I said and immediately regretted it.

Bakit ko ba iyon dadalhin sa usapang ito. I don’t fancy his brother but compared to him, I definitely like his brother more!

Umigting ang panga niya. Umismid naman ako sa kanyang reaksyon.

“Then, do you want him more as your husband? Mas gugustuhin mong sa kanya matali, kung ganoon?” dinig na dinig na ang galit sa kanyang boses.

My fear heightened. I don’t like him when he’s serious or amused. He always looks dangerous and vicious. But when he’s angry, he’s threatening!

“And…” his voice suddenly turned into a sexy drawl. “Where is your damn ring? Why are you not wearing it? Huh?”

Nanuyo ang lalamunan ko. Nahahapo kong binawi ang aking braso sa kanyang pagkakahawak. He looked at me with the glaring intensity of his anger noong nakawala ako. Hindi na ako nagsalita sa takot at kabang pinaghalo. Basta’y tumakbo na ako palayo sa kanya at paakyat sa mabatong hagdanan.

Hindi ko na siya muling nilingon.

Hindi ko inakalang may mas hihigit pa sa galit at iritasyon ko sa kanya kagabi. Hindi ko inakalang hindi pa nag-iisang araw ay nadagdagan ang inis at galit ko sa kanya. At hindi ko rin inakala na makakaramdam ko ng ganito katinding galit sa isang lalaki o tao sa buong buhay ko.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

47

One Response to What Lies Beneath The Sand – Kabanata 1

  1. Hi, I think your site might be having browser compatibility issues. When I look at your website in Safari, it looks fine but when opening in Internet Explorer, it has some overlapping. I just wanted to give you a quick heads up! Other then that, fantastic blog!