Waves of Memories – Kabanata 9

November 11, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 9

Kabanata 8
Friend

Hindi ulit siya nangisda. Umagang umaga ay naabutan ko siya sa lamesa namin at nagkakape. He looked at me with wary eyes. Dumiretso na lamang ako sa banyo para makaligo at makapagbihis.

My idea everytime he won’t fish is to stay at home and be with him. Pero dahil sa hamon niya sa akin kahapon, pupunta nga ako sa palengke at manininda ng kahit anong gawa ko noong nakaraan. Let’s see if he’s all words, then.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay nagtungo na ako sa lamesa. Food is already served and he ate breakfast with me. Wala ulit imikan. Ni hindi ko siya sinulyapan kahit na isang beses pero alam kong nakatingin siya sa akin.

“Didiretso tayo ng palengke ngayon?” tanong niya nang natapos kami sa pagkain.

Usually, I go to Lorie’s house first to see if we can make anything para may maibenta. It will be awkward to bring him there but I guess I just have no choice.

Umiling ako. “Pupunta muna ako kina Lorie. Ayos lang kung h’wag ka nang sumama…”

Sinali ko na lang ang huling pangungusap para isipin niyang wala na sa akin ang pagtatalo namin kagabi. But I know I’d get more angry if he’d tell me he won’t come with me.

“Sasama ako…” he said without looking at me.

Alas otso y media nang umalis kami ng bahay para kina Lorie. Madalas ay sa palengke o ‘di kaya’y sa karinderya malapit kina Lorie na ako kumakain ng tanghalian. Ali would eat somewhere in the market, too, kapag nangingisda siya.

Papalapit kami sa kina Lorie ay panay na ang ngising aso ng mga kaibigan ko. Alam kong nagtataka sila kung bakit kasama ko si Ali pero mas natutuwa pa sila kesa sa nagtataka.

“Oh, Ali… Hindi ka pala nangisda? Sana nanatili na muna kayo sa bahay n’yo…” tukso ni Lorie.
“Hindi na. Sasamahan ko si Aia sa ginagawa niya ngayon.”

Hindi na ako tumingin sa tatlo dahil paniguradong tutuksuhin lang nila ako. Nagbubulungan pa sina Daisy at Pamela ng kung anong tsismis. Nagbago dahil may ibang tao. Kung wala rito si Ali ay wala silang pakealam kung may makarinig man sa pinag-uusapan.

Gumawa ako ng iilang bracelet at necklace galing sa mga kabibe. Ganoon din si Lorie. Si Pamela at Daisy naman ay gumawa ng pamaypay. Sinubukan ni Ali na kumuha ng sinulid para makagawa ng bracelet tulad ko.

He is silent. He wouldn’t ask how to do it. Nakatingin lang siya sa mga kamay ko habang ginagawa ko iyon. Nasa tabi ko siya at sinusunod ang aking ginagawa.

The girls were abnormally quiet, too. Kung mayroon mang pinag-uusapan ay binubulong na lang. Napapatingin lang ako sa kanila, kuryoso sa mga kwento. Ayaw kasi nila akong isali, sa takot na rin na marinig ni Ali.

After the awkward hours spent in the cottage, nagpasya na kaming kumain muna bago tumulak sa palengke. Bumili kami ng pagkain sa malapit na karinderya at doon na kinain iyon sa cottage. Again, they were in an awkward silence cuz Ali is around.

Nilagay ni Ali ang kanin sa aking plato, galing sa supot. All of them were watching at his move. Nilagyan ko naman ng tubig ang sarili kong baso.

“Hay! Sana kapag nag-asawa ako, ganyan din ang asawa ko!” puna ni Lorie.

Ngumiti ako sa kanya. Maalaga si Ali. I give him that. For the past almost three months, hindi ko mapintasan ang pag-aalaga niya sa akin.

“Ali, baka naman may kapatid ka diyan. Ipakilala mo ako!” ani Lorie sabay tawa.

Napatingin ako kay Ali. Napawi ang ngiti ko sa tanong. Now that she mentioned it… I don’t know anything about Ali’s family background. Oo at may amnesia ako pero hindi ito kailanman sumagi sa isipan ko. Hindi ko gustong alamin iyon. Ang tanging gusto kong malaman ay kung ano ang nangyari sa buhay ko. Hindi sa buhay niya.

“Nag-iisang anak ako…” he said calmly.
“Ano? Bakit? Sana pinadami ang uri mo!” ani Lorie.

Napatingin ako sa mga ulam. Nag-iisang anak pala siya? Asan na kaya ang kanyang ama at ina?

“Kamag-anak, kahit ano?” tanong ni Lorie.
“May mga kamag-anak ako…” simpleng sinabi ni Lorie.
“Ano? Saan? Ipakilala mo naman kami. Dapat tatlo ha para tig iisa kami nina Daisy at Pamela!” humagikhik si Lorie na agad namang hinampas ni Pamela.
“Baliw ka! May boyfriend ka na, uy!”

Nag-irapan ang dalawa. Ngumiti ako at nagsimula nang kumain. Nilingon ako ni Ali na ngayon ay nagdadagdag ng ulam sa aking pinggan.

“Kulang na lang magsubuan…” bulong-bulong ni Lorie na pinigilan naman ni Pamela.

Pilit kong itinago ang ngiti ko. Kahit na nag-away kami ni Ali kagabi, hindi parin talaga ako tuluyang nagagalit sa kanya. I’m not sure if it’s because I don’t remember anything about us or… because of something else.

Pagkatapos naming kumain ay nagpasya na kaming tumulak na sa palengke. Nilakad namin iyon dahil hindi naman ganoon ka layo. Ali helped us carry the things we’re going to sell. Noong nakita kami ng nanay ni Lorie ay agad na itong umambang aalis para makakain na rin ng tanghalian at makapagpahinga. Babalik lamang siya mamayang mga alas dos o alas tres para palitan kami.

Limang minuto ay naramdaman ko na ang boredom ni Ali. Nakaupo lang sina Pamela at Daisy samantalang abala si Lorie sa customer ng kanyang nanay. Ako naman ay nag-aayos ng mga paninda kahit na hindi naman kailangan.

Ali was on a high chair looking at the people around. Nasulyapan ko rin si Mylene sa ‘di kalayuan at nakita kong tumitingin tingin siya sa tindahan.

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa ginagawa. Biglang may mga dumaang kasamahan ni Ali na mangingisda. Binati nila ako bago bumaling kay Ali.

“Oh, ‘di ka na naman sumama?”
“May gagawin lang…” sagot ni Ali.

Nilingon ako ng kasamahan niya at nagngising aso ito.

“Bantay sarado ang misis, ah? Bakit? May pumuporma?” tanong noong lalaki.

Hindi ko alam kung anong reaksyon ni Ali sa sinabi pero tumango ang lalaking nasa harapan ko.

“Hinahanap ka nina Dodong kanina…” nginuso niya ang mga paparating na kaibigan ni Ali.

Nang nakita nila si Ali sa tindahan ay agad lumapit ang mga iyon sa amin. Naiirita pa nga si Lorie dahil natataboy daw ang mga customers dahil sa mga lalaki. Lumabas si Ali para makalayo ng bahagya habang nag-uusap.

Siniko naman agad ako ni Lorie.

“Anong nangyari at ba’t sumama?” tanong ni Lorie.
Nagkibit ako ng balikat. “Nagtalo kami kahapon. Naabutan ko kasi siyang kausap iyong… si Penny…”

Kumunot ang noo ni Lorie, tila ilang sandali pa bago nakuha kung sino ang tinutukoy ko. She sighed. Our two other friends went to us.

“Tapos? Ano raw?” tanong ni Daisy.
Umiling ako. “Hindi ko alam. Wala raw silang kahit ano. Ang sabi niya. Kaya sumama siya ngayon para raw matigil mga iniisip ko.”
“Paano matitigil ang iniisip mo?”
“Siguro ay kung pumunta si Penny dito? Hindi ko alam pero hinayaan ko na lang siya…” sabi ko.
“Paano kung hindi pumunta iyong Penny na iyon dito ngayon? Bukas ulit, sasama si Ali? Hay naku!” ani Lorie.
“Huy… Andyan!” puna ni Pamela sabay tingin sa ‘di kalayuan.

Napatingin ako sa madalas niyang panggalingan. Kitang kita ko ang ngiti ni Mylene sa kanilang tindahan nang nakita kung sino ang papalapit. Penny is, once again, looking at the other stores products. But it’s like she’s pretending to be interested in them…

Agad na kumalat ang mga kaibigan ko sa kanilang mga posisyon. Saktong pagbalik ni Ali iyon at hindi ko na siya malingon. Umupo muli si Ali sa high chair at mukhang hindi napansin ang paparating na babae.

Her hair is down now. Parted in half and it’s jet black. Her eyebrows, like the usual, were properly made and her lips is tinted with natural colors. Itim na slacks ulit ang suot niya, puting undershirt, at isang itim na blazer. Kumunot ang noo ko habang inaalala kung saan ko iyon nakita. Siguro siya parin. Siguro nasuot niya na iyan. Or siguro…

I saw her face change expression when she saw Ali on our store. Dumiretso agad ang kanyang tingin sa labasan. Don’t tell me now that Ali’s here she won’t go to our store!?

“Miss!” tawag ni Lorie nang napansin ang pagiging snob niya sa aming tindahan.

She hesitated at first but then she turned to us. Nakita ko ang tinginan nila ni Ali.

My insides turned at the thought that they are communication non verbally. Parang naiirita ako na may pinag-uusapan sila gamit ang kanilang mga mata na hindi ko alam. Hindi ko nilingon si Ali. The way he shifted on his chair was enough for me to know that he acknowledge her existence right now.

“May mga bagong necklace at bracelet kami rito. Baka sakaling magustuhan mo…” Lorie smiled but the sarcasm in her voice is dripping like acid.

Nahinuha kong napansin iyon ng babae. She smirked and then turned to thr bracelets and necklaces. May binulong si Pamela kay Daisy. Something about “walang hiya”.

Nagtiim bagang ako habang pinagmamasdan ang matutulis na kuko noong babae habang nakatingin sa mga bracelet at necklace.

“Well, this is nice? Did you make these?” her eyes were directed at Ali.

Nanlaki ang mga mata ko. Kung ano man ang sinabi ni Pamela kay Daisy. Kung iyon man ay tungkol sa kapal ng mukha ng babaeng ito, masasabi kong tama nga sila!

My blood boiled at the thought that she’s teasing Ali now. She wants Ali to feel how fierce she is when she can talk to him in front of me! Akala niya ba wala akong alam na tungkol sa kanila? Akala niya ba bulag ako rito kaya pwede niya lang paglaruan at gaguhin? Nagkakamali siya!

“Ako ang gumawa niyan…” sabi ko sabay kuha sa bracelet na ipinakita niya kay Ali.

Marahas ang pagkakakuha ko noon na bahagya siyang nagulat. Hindi siya sanay na medyo rude ako. Well, I’m not really rude. ‘Tsaka lang kapag may kinaiinisan ako.

Tumagilid ang ulo niya sa pagtataka pagkatapos ay ngumiti. She turned to Ali again.

“I see you have a new vendor, huh? And he’s cute…” Penny turned to me in an evil smile.

Agad na nag-init ang ulo ko sa sinabi ni Penny. Dumagdag pa ang ngising aso niya sa iritasyon ko. Tumayo si Ali at hinawakan ang aking baywang, tila ba alam niya na kumukulo na ang dugo ko at malapit na akong sumabog.

The girl glanced at Ali’s hand on my waist. Ngumuso siya upang itago pa ang mas malapad na ngiti. Her eyes revealed her amusement.

“Miss, may asawang tao na ‘yan. Asawa niya si Thraia…” singit ni Lorie na hindi pinansin noong babae.
“Oh? Asawa mo, Aia?” tanong niya sa akin.

Halos magdilim ang paningin ko sa iritasyon. I don’t understand why some women wants married men to cheat. Parang ginagawa na nilang achievement na maakit ang mga lalaking may asawa na!

“Please, stop it…” Ali said coldly.

Isa pa itong si Ali. Bakit niya pinapatigil? Is he crazy? If the girl wants to claim him, maybe he’s given her the right… or he’s made her think that she has the right to do it!

Hinawi ko ang kamay ni Ali sa aking baywang. Bumaling ang babae roon at ngumiti muli.

“Aia…” tawag ni Ali.
“Gusto mo ba ang asawa ko, Miss?” diretsahang tanong ko iyon.

I’m trying my best to manage my composure. Kung sabagay, kumpara kay Mylene ay mas pormal naman ang sinasabi niya. Susuklian ko iyon ng pormalidad din.

Humalukipkip ang babae at tinititigan ako. Tinagilid niya ang kanyang ulo pagkatapos ay bumaling kay Ali.

“Mr. Mercadejas, what did you do to her?” nanliit ang mga mata ni Penny habang tinitingnan si Ali.

Hindi nakapagsalita ang mga kaibigan ko. Bumilis ang hininga ko. Parang may daang daang alaala ang nagdaan sa likod ko. Gustong-gusto kong hilahin ang bawat tagpo pero hindi ko magawa. Each time I hold a scene, it slips on my fingers.

Nilingon ko si Ali at nakita ko ang lamig ng kanyang mga mata. Halos magyelo ako roon. Nakadirekta iyon kay Penny.

I watched her look at me with curiousity. A curiousity that even Ali’s anger can’t extinguish. Unti-unting lumambot ang kanyang tingin sa akin. She reached for my hand which I immediately rejected.

Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata sa ginawa ko. Tahimik ang mga kaibigan ko. Lorie didn’t even butt in. I was about to say hurtful words nang inunahan niya ako.

“She really can’t remember anything, huh?” she then turned to Ali.
“Sino ka?” tanong ko sabay tingin na rin kay Ali. “Sino siya?”
“Penny… she might-”
“Sino siya, Ali!” sigaw ko sa frustration ko.

I feel like he’s keeping me in the dark. I feel like he’s keeping so many secrets about my life and all I want to do now is to know! I know that he just doesn’t want me to get hurt physically but…

“Is she your girlfriend? Your mistress? What?” halos tunog pagmamakaawa ang tono ko nang harapin ko si Ali.
Umiling siya. The girl slightly laugh at my question. I turned to her and look at her in the eye. Naging pormal siyang muli.
“I’m not his mistress or his girlfriend, Aia…”

That was enough for Ali to want a private space. Nagpaalam siya kina Lorie, Pamela, at Daisy na umalis na muna kami. He didn’t invite Penny but I guess she thought she’s allowed to join us.

“Thraia…” ani Ali sabay hawak sa kamay ko.

Gusto kong bitiwan niya ako pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya. Hinila niya ako palabas ng palengke. Nakabuntot si Penny sa aming dalawa. Nilingon ko siya habang hinihila ako ni Ali. Penny is smirking as she watch us together.

Kumunot ang noo ko. Sa kanya ba nanghiram si Ali ng pera? Sino siya sa buhay ni Ali? O sa buhay ko? She acts like she knows me? How does she know me? Is she my rival? What?

Nang napuno na ako ng mga tanong at bumagal ang lakad ni Penny dahil sa buhangin ay nabawi ko ang kamay ko galing kay Ali. We’re meters away from the door of our house but we didn’t make it because of what I did. Mataas ang araw ngunit natatabunan iyon ng madidilim na ulap. Pinagitnaan ako ng dalawa. Si Ali na nasa aming pintuan na at si Penny na palapit pa lamang sa amin.

“Sino siya?” sigaw ko kay Ali na ngayon ay gustong hulihin ang kamay ko.

Ayaw kong dinadaan niya ako sa pagmamakaawa. Now that my head isn’t aching from any information, I want to know. I want to push myself to the limits. I want to see kung hanggang saan ang kaya kong tanggapin na mga impormasyon!

“I didn’t know it’s this hard to walk here…” the girl said without thinking about my wrath.

Itinuon ko ang mga mata ko kay Ali na ngayon ay nakalapit na sa akin.

“Sa kanya ka nanghiram ng pera? Ano mo siya? Kabit mo siya?” sigaw ko.

Tumawa muli ang babae sa narinig galing sa akin. She removed her heels and she puts it on our bamboo table. Hindi ko alam kung bakit kalmado parin siya hanggang ngayon. When she’s finally done, she looks at me with a little smile until it turned into a concern face.

“My goodness, what did you do to her?” she asked Ali again.
“Aia, this is Penelope, a friend of yours…” ani Ali sa isang pormal na boses.

Namilog ang mga mata ko at pinasadahan ng tingin ang babae. She’s my friend? Paano?

“Friend? What? Don’t lie to me, Ali!” sigaw ko sa kanya.

Hindi ako naniniwala! Paano ko siya magiging kaibigan?

“The reason why you don’t want me to go near her because she’s changed a lot, huh? Thraia Gabriella, crying foul because she thinks Mr. Antonius Lienzo Mercadejas likes someone?” she mocked.
“Please, Penny. H’wag ngayon. Alam mo ang kalagayan niya…”
“Alam ko ang kalagayan ng kaibigan ko. She’s lost her memories. She’s lost me, too. And yet you’re here, not seeking anyone’s help to bring it back?”

Nanatili ang tingin ni Ali sa akin. Namuo ang luha ko habang tinitingnan siya. Halos magmakaawa ang mga mata.

Hinawakan ni Ali ang aking kamay. Agad kong binawi iyon. Ayaw kong hawakan siya. Totoo ba ang sinasabi ng babaeng ito? Is she really my friend? Or are they…

“Please don’t lie to me, Ali. Is she my friend or are you two…”

Napaawang ang labi ni Ali sa tanong ko. Unti unti niyang kinuha ulit ang kamay ko. The way he gently caressed my hand made me feel dizzy.

“She’s your friend. Wala kaming relasyon…” aniya. “Please, Aia…”

I let him hold my hand. Nang naramdaman niya ang pagbibigay ko sa kanya ng pahintulot ay agad niya akong hinila patungo sa kanyang dibdib. Kinagat ko ang labi ko at pinakawalan ang hiningang kanina ko pa pinipigilan pagkatapos ay nilingon ang babae.

“Anong pangalan mo?” I asked.
She’s now serious as she looks at me. “My name is Penelope dela Rosa. Kaibigan mo ako…”
“Bakit ka nandito?”

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya dahil sa tanong ko. Nagulat din ako sa sarili kong tanong.

“I was curious of your whereabouts, Thraia. Hindi ka na bumalik…” Then she looks at Ali for further explanation.
“Ikaw ba ang nagpahiram kay Ali ng pera noong naospital ako?” A question that kept on bugging me escaped my mouth!
Tumawa siya. “I don’t think Ali needs help when it comes to money, Thraia.”

Nanlamig ako sa libo libong alaalang umatake sa aking puso. It was as if they all hate to come back. They won’t come back! Nanginig ang aking tuhod hanggang sa hindi ko na iyon maramdaman.

I heard a curse from Ali until it all went black.

“Aia!” a soft voice called me.

The chains I’m holding on to were cold against my hand.

“Thraia!” tawag ulit ng isang pamilyar na boses. “Gumising ka na…”

Inangat ko ang ulo ko at gumalaw ng bahagya ang inuupuan ko. Isa iyong duyan. Nasa isang lumang playground ako. My heart swelled when I saw butterflies and flowers.

“Thraia, bilis…” the voice called.
“Huh? Gusto ko rito…” sabi ko habang linanghap ang amo’y ng maalat na dagat.

Gusto ko roon. Iyon lang ang tanging nasa isip ko. That was my favorite place!

“Halika na kasi!” aniya.

Unti unti akong tumayo. The damp grass of the ground told me that it’s well tended. Nilingon ko ang kaliwang gilid at nakita ko ang karagatan. We’re on an elevated place.

“Bilis!” tawag niya.

Nilingon ko ang diretsong tanawin. Sa hindi kalayuan ay ang isang malaking mansyon. The mansion was very familiar. It almost felt like home except that I can perfectly picture our house.

Sumampa ang lalaking tumatawag sa akin sa isang kilay kayumangging kabayo. Inayos niya ang kanyang buhok at tinapik ang likod ng kabayo kung saan niy ako balak na ipasakay. I smiled. It was all so familiar. Like we’re doing that all the time.

“Ivo, sandali lang!” tawag ko nang nagsimulang maglakad ang kabayo.

Tinigil niya iyon at muli ay hinintay ako.

“Paano ang pagkain natin?” tanong ko.
“Bibili na lang tayo mamaya. Bilis na!” ulit niya.

Mabilis akong tumakbo patungo sa kanya. Naglahad siya ng kamay at walang kahirap hirap kong sinampa ang sarili ko sa likod ng kabayo. Right after I was seated properly, agad na tumakbo ang kabayo. Ang lamyos ng malamig na hangin ay masarap sa aking pisngi. Niyakap ko ang kanyang likod. Ivo laughed at my move.

Tumigil ang pagtakbo ng kabayo nang nasa harap na kami ng highway. Two trucks passed and then the horse continued to gallop of what’s ahead. Mabilis ang takbo at dinilat ko ang mga mata ko. Sa taas ng mga burol at bundok ay nakita ko ang nakahilerang windmills ng Costa Leona.

I hugged him tighter. I hugged him tighter and tighter until he slipped away from me. Bumuhos ang luha ko habang sinusubukan siyang hilahin pabalik pero masyado na siyang malayo at hindi ko na siya makuha pabalik.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.