Waves of Memories – Kabanata 9

November 11, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 9

Kabanata 9
Truth

Lumulutang ako sa gitna ng pagtulog at pagkakagising. Small noises from an enclosed room filled my ears. They were whispering. Almost drowned by the sound of the airconditioning.

“Kailan, Ali? You’re lucky she doesn’t have any close relatives! If I were her family, I’ll file a case against you…” boses ng babae iyon.

Hindi nagsalita ang kanyang kausap. Hinihila muli ako ng antok pero pinilit kong magising kahit paano. I’m not sure if this is all a dream or what…

“Good evening, Mr. Mercadejas…” isa pang boses babae ang narinig ko pagkatapos ay ang pagkakasarado ng pinto.
“While the specialist you requested isn’t around, I am here to give you my own assessment towards the case…”
“You requested for a specialist?” tanong noong pamilyar na boses.
“Pinapapunta ko rito si Doctor Mariano kapag may ganito si Thraia…” si Ali.
“Her brain activity is normal. I think she’s only stressed when her memory is triggered. Tingin ko, kung pipilitin ay maaaring mas lalo lang mabibinat ang trauma sa kanyang utak kaya mas mabuting pagpahingahin na lang muna siya…”
“Oh my goodness, and how many weeks will that take?” the familiar girl asked.
“As long as she remembers, Miss. But then, it is also healthy to trigger her brain at times. Iyon nga lang, we don’t know when her brain can take all the information, at kailan hindi. Kasi kapag masyado natin siyang na stress, like what Doctor Mariano said, she might lose some parts of her memories forever depending on the area that was damaged by the injury.”
“What?”

Hinila agad ako ng dilim. The memory of the calm sea and the waves crashing on my feet was the only thing that kept on playing on my mind until light got me.

Sumilay ang malambing na ngiti sa labi ni Penny habang unti-unti kong dinilat ang aking mga mata. She moved closer to my bed. Maagap naman akong umangat. Umamba siyang aalalayan ako pero hinawi ko ang kamay niya at umiling ako.

Kumunot ang noo ko nang medyo may naalala ako sa mga mata niya. Pumikit ako ng marahan at nang dumilat ay dumapo ang paningin ko sa glass window na nagbabahagi ng silid sa corridor. Isang nurse at isang babaeng matangkad na medyo blonde ang buhok ang kasama ni Ali sa labas. Ali was nodding at whatever the woman was telling her.

“How are you feeling?” napabaling ako kay Penny.
“Fine…” sabi ko ngunit nanatili ang tingin ko sa mga kausap ni Ali.

She looked at who I’m watching pagkatapos ay bumalik ulit sa akin.

“Who’s that woman?” tanong ko at bahagyang kumunot ang noo ko.

A mocking laugh escaped Penny. Yumuko siya at tila hindi maitago ang tawa. Itinuon ko ang buong atensyon ko sa kanya. Umiling siya to assure me that her reaction isn’t valid.

“That’s the resident doctor in this hospital. The specialist Ali is still coming…” aniya.
Tumango ako at sumulyap muli sa kausap ni Ali. The doctor smiled sweetly at him. I even caught her glance at his tight arms.
“Pasensya ka na, Thraia…”

Napabaling ako kay Penny na ngayon ay seryoso na.

“Hindi ko alam na sobrang delikado ng lagay mo ngayon… If I have known, I would’ve stayed away…” she said.

Napalunok ako sa sinabi niya. I really just don’t remember her at all. The only one on my mind was the man in the horse called Ivo. And to me, because he’s part of my unknown past, he’s the only thing that’s important.

“I’m sorry. Ang tanging naaalala ko ay hanggang sa pagkamatay lamang ng Ama ko. Pagkatapos noon ay kay hirap nang isipin. I remember tiny bits but I’m not sure if those were dreams or the truth…”

She smiled weakly.

“As much as I want to stay here and be with you…” she held my hand. “May iniwan akong trabaho sa Maynila. I came here because I wanted to check on you, Aia. Nag-aalala ako sa’yo…”

I stiffened. Alam kong ipinangako ko sa sarili ko na huwag na munang magtanong sa ibang tao kung tungkol sa nakaraan ko. But that was because I was doubtful of Ali’s own version of truths. This woman might be the key to balance the truths out of what Ali said to me.

“Where did we meet?” tanong ko.

Tumuwid siya sa pagkakaupo. Kitang kita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya. Gone is the woman that would probably tell me everything she knew.

“I don’t want you to faint again. Fainting might mean your brain activity is going abnormal, Thraia…”

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. All the frustration is bottled up inside me. I want to know but the people around me care too much of my health! I want to know the truth, whatever it might cost me!

“I know when I’m going to faint. Sumasakit ang ulo ko bago ako mahihimatay… Please, I want to know a bit.”
Ngumiti siya pagkatapos ay huminga ng malalim. “We met in Manila. We’re colleagues.”

Parang pinipiga ang puso ko sa sinabi niya. Kung ganoon, bakit sinabi ni Ali sa akin na mag-asawa kami na tahimik na naninirahan sa Estancia at ngayon, sa Carles?

“Ali didn’t mention that to me! He told me I was his wife and he’s a fisherman!” giit ko.
Pagod siyang ngumiti. “I understand what Ali did. He probably tried to make you remember things and you ended up in the hospital.”
“If he can’t feed me the truth, why did he feed me lies?”
“If he feeds you the truth at hindi mo na makakaya pang ibalik ang mga alaala mo, Aia, will you not resort to lies instead?”
Hindi ko maintindihan iyon. Umiling ako habang tinitingnan si Penny. She seems to be a good friend. It makes me wonder if I was good to her. Before I got here, pinagbintangan ko pa siya bilang kabit ni Ali!
“The only person who can make you understand your version of truths is just yourself, Aia. If I tell you things right now… things I think were the truth to you, in my opinion… Maaaring magkamali ako. At ayaw kong paniwalaan mo ang bersyon ko ng katotohanan. You have your own version of things. As much as I want you to remember them right now, I also want you to remember your own stand…”

Ilang sandaling katahimikan ang lumipas ay pumasok si Ali sa silid. Our eyes met and I can sense he’s guarded. Tumayo si Penny at pareho na kaming nakatingin ngayon sa babaeng doktor na siguro’y mas matanda lang sa akin ng ilang taon.

She scribbled something on her paper and then she turned to Ali. Ngumuso ako at tiningnan na lamang ang kumot ko.

“It’s late. If Doctor Mariano can’t come here tonight, I suggest these meds, Mr. Mercadejas…” sabi noong doktor.

Humarap si Ali sa doktor. The doctor smiled shyly at him as she gave him the piece of paper. Nagtaas ako ng kilay at agad na nag-iwas muli ng tingin.

I wonder if he’s always this… whatever. Kung boyfriend ko siya noon, at ganito ka rami ang babaeng nahuhumaling sa kanya… Well, that woman is clearly flirting! Sumulyap ako kay Penny na ngayon ay nakatingin sa akin at nakangising aso.

Umupo siya sa tabi ko at hinawakan niya ang kamay ko. I can sense that she wants to say something… like something is very funny and I don’t know what it is!

“Then shall I leave you here now?” sabi noong doktor at isang beses na sumulyap sa akin.
“Thank you, Doc…” si Ali bago bumaling sa akin.

Nagkatinginan si Penny at si Ali. Penny whistled a bit at pagkatapos ay tumayo na.

“I will leave for Manila. If I can snatch another leave, I’ll come back here…” si Penny.

Nanatili ang tingin ni Ali sa akin. His piercing eyes could almost burn my soul. The memories I’m trying hard to remember almost felt like a dream that never really happened. Para bang hindi totoo lahat ng napapanaginipan ko ayon sa mga mata niyang nag-aalab at tumatagos sa akin.

Umupo siya sa kaliwang bahagi ng aking kama. Inangat niya ang aking baba at nanatili ang mga mata ko sa sahig at ang labi ko’y nakaawang.

“You had me worried…” he whispered.

Isang marahas pa paghinga ang pinakawalan ni Penny at humalukipkip siya habang nakatayo sa kanan ko. Nag-angat ng tingin si Ali sa kanya.

“We won’t be here on your next leave…” ani Ali.

Nakapag-angat agad ako ng tingin sa kanya dahil sa sinabi.

“Bakit?” si Penny.
“Uuwi kami ng Costa Leona…”

Halos ma estatwa ako sa sinabi ni Ali. Is that for real? Are we finally going home?

“Kakasabi mo lang na ayaw mo siyang piliting makaalala!”
“Hindi ko siya pipilitin. Maybe the air of Costa Leona might help her remember it. If the doctor permits, we will immediately leave for Costa Leona… She might remember her teenage years and all the succeeding years she spent on Costa Leona.”
“Paano ang mga recent memory? What if her brain gets too much and-”
“Aia…” Ali calmly called.

Nagkatinginan kaming dalawa. The pain in his eyes told me that this, too, isn’t easy for him. That if I was bleeding, he’s dying. And I don’t understand. Nobody can help me understand.

“There’s no assurance that all of the memories will come back if we go to Costa Leona. Some, may. Others might not be retrieved anymore… Are you willing to sacrifice certain memories just so you can remember anything in your past?”
“Holy shit, Ali!” malutong na mura ni Penny.

Kinagat ko ang labi ko. He’s expecting me to say yes. He smiled. His smile is telling me that he’s willing to do anything that I want. Parang may humaplos sa puso ko habang tinatanaw siyang sobrang lambot ng tingin sa akin.

A man, so fierce and intense like him, should not be able to give me this kind of affection. Pero bakit siya?

Hinawakan ko ang kanyang braso. Tears formed in my eyes and the home that flashed on my mind is the home we have in Carles. I am tired of always, always ending up in these four white walls. I want to go back to our simple home. I want to stay there with him.

“Maaalala ko naman siguro lahat, Ali…” sabi ko.

When Doctor Mariano arrived the next day, nagulat ako at nagkaroon ng Go Signal galing sa kanya. I was so sure he won’t let us do that dahil sa ilang beses kong pagkawalang malay. I think he will think it’s not a good time for us to go.

Sa pagpayag niya ay hindi ko maintindihan ang sarili ko. Siguro ay naging sobrang pamilyar na ng Carles sa akin na ang pag-iisip ng pagkakawalay rito ay nahihirapan ako.

“Take care of yourself, Aia…” marahang sambit ni Penny sa akin dala ang isang kulay kayumangging bag.

She’s staying at the Inn where Lorie saw her and Ali. Ayaw ni Ali na magkita kami dahilan kung bakit ilang beses niya na itong tinaboy. But despite that, he trusted her because he’d known her to be my friend.

“Thank you…”
“Kung magkakaroon ulit ako ng pagkakataong mag leave, sa Costa Leona ako pupunta para bisitahin ka…” aniya.
Ngumiti ako at tumango.

Although I really can’t remember anything about her, my heart feels at ease everytime she expresses utmost concern to me. Pakiramdam ko ay tama na iyon para masabi kong naging mabuti siyang kaibigan sa akin at naging ganoon din ako sa kanya.

I spent two days in the hospital. Pagkauwi ko ay mas dumami ang mga tanong ko. Mga tanong na gustuhin ko mang isatinig ay hindi ko rin naman nagagawa.

Ali is not a fisherman. Ang sabi ni Penny, hindi niya kailangan ng tulong sa pera.

Why did he lie? Was my condition the only reason behind it?

Did I really marry him?

Ano pa ang kasinungalingang nasabi niya sa akin?

If he was so afraid to go back to Costa Leona because of my condition, why didn’t he go to Manila instead? Hindi ba roon kami nagkakilala ni Penny? Ibig bang sabihin noon ay may trabaho at namumuhay din ako ng payapa sa Maynila?

The questions were neccessary but I don’t find much eagerness for answers right now.

Tanaw ko si Ali habang nag-aayos ng lambat sa kanyang bangka. If he has no problems with money, why did he put so much effort in being a fisherman?

Marahas ang buhangin sa aking paa habang papalapit ako sa dagat. Natanaw ako ni Ali at panandalian siyang tumigil sa ginagawa.

“Papalaot ka?” tanong ko.

Umaambang bababa na ang araw. Ilang araw din siyang hindi nakapangisda. Sumulyap siya sa kalakhan ng karagatan bago sumagot.

“I just figured I’ll miss it so…” ngumiti siya sa akin.
“Gusto kong sumama…” sabi ko sabay hawak sa dulo ng bangka.

Malalim na hininga ang binuga niya. Tila nagdadalawang isip sa gusto kong mangyari pero nang lumapit siya at naglahad ng kamay sa akin ay naintindihan ko na.

Nang mas lumapit siya sa akin ay mas lalong nadepina ang katangkaran niya. I feel small. My head only almost touching his chin. My view is all his chest. Humugot muli siya ng hangin at marahang hinawakan ang magkabilang baywang ko. Immediately, I held on to his arms so he could help me to the boat.

Nang nakasakay na ako ng maayos ay tinalikuran niya na ako at nagsimula nang itulak iyon patungo sa dagat. The engined roared to life and then it started moving. Hinayaan ko ang kamay kong dumampi sa dagat habang dire diretso ang takbo ng bangka.

Unti-unting naging kulay kahel ang langit. Unti-unti ring lumalayo ang bangka sa isla hanggang sa na tanaw ko na ang iilan pang karatig isla. He stopped the boat when we were in between the islands and the sky burned like embers.

Sa sobrang kalibangan ko sa paninitig sa nagpapaalam na araw ay ikinagulat ko nang may bumagsak. Ali’s t-shirt was just near me. He removed it and then he dived deep. Tiningnan ko ang madilim na dagat para hanapin siya pero wala siya roon.

Ngumiti ako at agad na naramdaman ang pang-aakit ng tubig. Hinaplos ko ang malamig na tubig. The pristine waters reflected the sun’s fire. Tumayo ako at walang pagdadalawang isip na sumisid na rin sa dagat.

It took me a while before I realize that I really don’t remember how to swim or anything. Sinubukan ko pero kinapos ako sa paghinga dahilan ng unti-unting paglubog ko.

Bubbles rose as I fall deeper and deeper to the ocean until I felt an arm snake on my waist. Nang naramdaman ko ang pag ahon ay huminga agad ako ng malalim.

“What the fuck, Thraia!?” sigaw ni Ali sabay sampa sa akin sa bangka.

I struggled for air so I couldn’t say anything. Nanginig agad ako sa lamig. Hindi ko alam na hindi pala ako lumalangoy!

Umahon si Ali at walang kahirap hirap akong nilapitan sa kung saan niya ako pinaupo. Immediately, he put his t-shirt on me. Useless iyon dahil nabasa ko lamang ang kanyang t-shirt at mas lalo lang akong nanlamig.

“What the hell were you thinking?” mariin niyang sinabi sabay luhod sa aking harapan.
“Hindi b-ba ako marunong lumangoy?” tanong ko, nanginginig ang boses.

Kumuyom ang kanyang kamay. That same intense and hard feeling I always feel whenever he’s angry filled me. Kinagat ko ang labi ko at mas lalong nanginig.

He pulled me closer to his chest. His hand rested on the sides of the boat, ako ang nasa gitna para lang mapigilan niya ang pagtama ng hanging habagat sa akin.

“Sorry…” sabi ko.

Nasa gilid ng ko ang kanyang mukha. Hinuli ko ang kanyang tingin. Nang nagkatinginan kami ay napansin kong nakaawang ang kanyang labi. Drops of water fell from his wet hair to his thick eyebrow down to his eyelashes and cheek.

Hindi ko na napansin ang pag-awang ng labi ko habang pinagmamasdan iyon.

“Hindi ka marunong lumangoy…” wika niya.
“That’s crazy. I live in Costa Leona. I must know how to swim! At around fifteen, sixteen, or seventeen!” giit ko.

Hinawakan ko ang braso niya na ngayon ay sobrang lapit na sa akin. Nag-angat muli ako ng tingin.

“You can swim here… Kailangan nga lang nakadikit ka sa akin…” aniya.

Natupok ng alok niya ang konting kaba sa aking puso.

Ngumuso ako. May ngiting nakaamba na ayaw kong pakawalan. A playful smile played on his lips.

“Were you a playboy before I met you?” nagtaas ako ng kilay.

Slowly he leaned to me. Nang naramdaman ko ang hininga niya ay mas lalong tumingkad ang kahel ng langit dahilan kung bakit siya napalingon bahagya roon. I licked my lip. My heart slightly sank. My fingers dug his arm. He smirked again.

Isang dampi ng kanyang labi ay napapikit na ako. One shallow kiss awakened the deepest part of me I don’t think I remember. I pulled him closer for another and he gave me a deep one. I welcomed his kisses. Sinuklian ko iyon ng mas mainit pang halik. Tumigil siya at tumitig sa akin. Halos hindi ako makatingin dahil sa nakaliliyo niyang halik.

“I played because of you…” he said.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

2

Comments are closed.