Waves of Memories – Kabanata 7

August 29, 2016 By In Waves of Memories 2 Comments

Kabanata 7
Sting

We spent the day together doing our own activities. Nakakatawa nga at kahit abala ako sa ginagawa ay nagagawa ko parin siyang sulyapan paminsan minsan.

Naging tahimik din ang aming gabi. Nagluto siya ng pagkain. Once again, I am amazed by his skills in the kitchen. He really can cook!

Nang oras na ng pagtulog ay halos wala kaming imikan. For sure now that he’s not drunk, tatabi siya sa kama pero nang may kinuha siya sa kwarto at lumabas na may dalang unan ay nagtaka na ako.

Hindi ako kumibo nang nakita ko iyon. Nagpatuloy ako sa pagpupunas ng lamesa habang sinusulyapan ang unan sa sofa. The television is on but no one is watching it. Parang nagseserve lang iyon na pampaingay para sa aming dalawa.

“Uh…” sabi ko nang ‘di ko na napigilan.

Umupo siya sa sofa at nag-angat ng tingin sa akin.

“Diyan ka ba matutulog ulit?”

Humor was very evident in his eyes. Mas lalo lang tuloy naging awkward ang hangin sa aming dalawa.

Nagkamot siya ng batok, tila nahihirapan na sabihin sa akin ang tunay na saloobin. Umiling ako para sana ipahayag na ayos lang naman kung iyon ang gusto niya pero naunahan niya ako.

“Mas comportable ka ba kung dito ako matutulog?”
“No… I mean…” napapikit ako, hindi alam kung ano ang tamang sagot… o kung mayroon ba. “Ayos lang naman kung sa kama ka matulog. Ayos lang naman sa akin.”

Uminit ang pisngi ko sa sinabi ko. Nanatili ang titig niya sa akin. Para maiwasan iyon, nagpatuloy ako sa pagpupunas kahit na sobrang kintab na ng lamesa. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong tumayo siya dala ang unan.

Nang pumasok siya sa kwarto ay huminga ako ng malalim at humilig sa lamesa. Natulala ako roon.

Why am I feeling so nervous? Alright… maybe it’s the tension between us. Does that mean something, though? Does it mean that I’m not really comfortable with him even before? Kung siya ang asawa ko, bakit kaya wala naman akong maramdaman sa kanya tulad na lamang ng nararamdaman ko sa lalaking nasa panaginip ko?

Nauna akong humiga sa kama. Lumabas pa kasi siya pagkatapos. He turned the lights off before he went to bed beside me. Tinalikuran ko siya para hindi masyadong awkward. I tried closing my eyes but it just wouldn’t work. I’m very much alive.

The heat from his arm touched my back. Tumigil ako sa paghinga nang nangyari iyon at pinilit pa ang sarili na kumalma. I should be used to this. It’s been almost three months na lagi kaming ganito. Iyon nga lang, sa loob ng dalawang naunang buwan ay hindi ko siya gaanong naiisip. Hindi ko gaanong pinapansin ang espasyo o kahit hangin sa gitna naming dalawa but right now…

Tumihaya ako para makakuha ng magandang posisyon sa pagtulog at nagtama ang mga balikat namin. His hot and firm biceps made my breath hitch. Umusog ako ng konti para maiwasan iyon.

“Sorry…” he whispered and moved opposite so we wouldn’t touch.

Naiimagine ko palang na mahuhulog na siya sa kama dahil sa pag-usog ay parang nagi-guilty na ako.

“No… Ayos lang…” sabi ko at medyo bumalik sa dating distansya.

Nararamdaman ko ang mumunting balahibo sa aking braso. Why is this so important that I couldn’t sleep?

Huminga ako ng malalim.

There’s just two things here, really. Iniiwasan ko itong isipin dahil sa takot kong maospital muli at maabala si Ali pero dahil sa sitwasyon ko, doon parin dumadapo ang isipan ko tuwing nakakawala.

If he’s telling the truth, why aren’t we in Costa Leona? Why are we so far from our hometown? If he’s a fisherman, why can’t he fish on the waters of Costa Leona instead? Bakit dito sa lugar na walang nakakakilala sa akin?

And then the other one. If he’s lying about our marriage then what is the reason? Why are we here? Bakit tila ako nilalayo sa lugar kung saan maaaring magdala ulit sa akin sa nakaraan?

“Ali…” hindi ko na napigilan.
“Hmm…”

Naramdaman ko ang pagbaling niya sa akin. Ang tanging nagsilbing ilaw ay ang ilaw sa labas ng bahay. Bukod doon ay wala na. I am very sure that he can kind of see my expression right now.

“Ilang buwan na tayong kasal bago ako nagka amnesia?”

Hindi siya agad kumibo. Hindi ko siya nilingon. Ang tanging nadagdag lang sa aking isipan ay ang pagdududang maaring hindi nga totoo. Because if he wasn’t lying, he’d immediately answer in a very certain manner. Or… if our marriage didn’t matter to him, he’d atleast remember the exact months or year… or at least give me an approximate.

“Mga araw pa lang…” he said calmly.

Hindi ako nakasagot.

Kahit na anong gawin ko, hindi ko naaalalang nagsuot ako ng pangkasal na bestida. A priest, or even a judge doesn’t ring a bell to me. The look on his eyes in a calm moment isn’t familiar to me.

A sting on my temples made me realize that I’m hurting myself again because I’m thinking too much. Nagdesisyon ako na tumigil na roon at kalmahin na lamang ang sarili.

Pinikit ko ang mga mata ko at wala sa sariling naghanap ng posisyon kung saan ako kumportable. Ni hindi ko agad namalayan na hinarap ko pala siya. Nang napagtanto ko iyon ay unti unti akong dumilat.

Slowly, my eyes adjusted to the very dim light. Kumikinang ang mga mata niyang nakatingin sa akin. It was already too late. I can’t pretend that I didn’t look. We’re already looking at each other’s eyes.

“Wala talaga akong maalala. Sorry…”
“H’wag mo nang pilitin…” he whispered.

I looked away. Ngunit alam kong nanatili ang tingin niya sa akin hanggang sa tuluyan na akong hinila ng antok.

“Sa tingin mo, ano kaya talaga ang makakapagpaalala sa akin?” wala sa sarili kong tanong habang nag-aayos kami ng mga paninda ni Lorie.

Tumigil siya nang naitanong ko iyon. The concern in her eyes is slowly surfacing. Kahit abala ay nagawa niya paring mag-alala sa akin.

“Sabi sa mga palabas, iuntog daw. Totoo kaya ‘yon? Untugin kaya kita?” she laughed.
Ngumisi rin ako.
“Oo nga… Nasubukan mo na ba ‘yon, Aia?” si Daisy.
“Mga baliw! Anong akala n’yo kay Aia!” tumawa si Pamela.

We were chatting about my case when I saw the same beautiful girl again. In a high ponytail, her hair swayed as she’d watch all the stores in that market. She looks very out of place in here. Naka puting bestida, naka itim na slacks, at naka high heels.

I stopped arranging the bracelets. Nakita rin nina Lorie ang reaksyon ko dahilan kung bakit natigil sila sa pagsasalita.

“Oy, Aia!” sigaw ng isang pamilyar na boses galing sa ‘di kalayuan tindahan.

My eyes immediately went to where Mylene usually is. Nakahawak siya ng pantaboy ng langaw. Nakataas ang isang kilay niya at nakanguso sa babaeng palapit.

“Ayan o! ‘Yan naman sabunutan mo at tingnan natin kung papanig pa si Ali sa’yo!”

I suddenly felt the hollow space in my stomach. Ano ang ibig sabihin ni Mylene? Is this girl what she’s talking about when all along I thought she’s bluffing?

“Huwag kang maniwala kay Mylene, Aia…” sabi ni Pamela sa kalmadong boses.

The woman didn’t realize what Mylene just said. Abala kasi ito sa pagtitingin sa mga paninda pero hindi naman ito tumitigil para bumili.

“Aia…” si Lorie na nilapitan ako. “Roon ka muna. Ako na rito…”

Kumunot ang noo ko. Hindi siya makatingin sa akin. Umatras ako ng isang hakbang at maagap akong pinalitan ni Lorie sa aking pwesto.

When the woman was almost on our store, her eyes quickly scanned it. Tumigil ito nang tumama sa aking mga mata.

Lumunok ako. Mylene is cheering from somewhere. Only drowned by people with louder voices trying to attract more buyers.

“Magkano itong mga bracelet at necklace?” she said it with such art and her eyes quickly went to me.

Kung hindi lang tinabunan ni Lorie ang paningin niya ay iisipin ko nang ako ang kinakausap niya.

“Singkwenta ang bracelet. One hundred ang necklace…” si Lorie.

Humakbang ako pagilid para makita ang babae. Lorie raised the real price. Bente lang ang bracelet at bente singko ang necklace. Huminga ng malalim si Daisy nang napagtanto ang ginawa ng kaibigan.

“This is really pretty… Did you make these, too-”
“Syempre, sino pa ba gagawa, ‘di ba?” mas mataray na tono ni Lorie ngayon.

The girl’s eyes stayed on Lorie’s. Kita ko ang pagngiti ng kanyang mga mata pero agad din iyong nawala nang bumagsak ang kanyang mga mata sa mga bracelet at kwintas.

“I’ll buy all of it…” she said and took out her wallet.

Nalaglag ang panga ko. I made twenty pieces of bracelets and twenty pieces of necklace. Kung susundin ang sinabing presyo ni Lorie ay aabot iyon ng ilang libo!

Alam kong magiging maganda iyon para sa akin, para sa amin, pero ayaw ko namang maging masyadong madaya.

“Pwede kang tumawad!” maagap kong sinabi.

Nilingon ako noong babae. I heard Lorie’s groan at my decision but she didn’t interrupt. The woman’s eyes widened.

“It’s okay… I want to pay the right price…” she said.

And that’s not the right price, actually!

“Hindi. Talaga… Pwede kang-”
“H’wag na, Aia. Baka malugi ka pa kapag tumawad pa siya…” sarkastikong sinabi ni Lorie.
“She’s right… It’s okay…” sabi noong babae.

Nilagay na ni Lorie sa supot ang lahat. Her hand is already filled with the bills she’s about to pay. The guilt crept into me.

“Sigurado ka bang-”
“Aia…” untag ni Lorie.
“You made these?” the woman smiled.
Marahan akong tumango.
“They look so pretty. No wonder because you’re beautiful, too…”

Uminit ang pisngi ko sa sinabi noong babae. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya. She’s way prettier. With her make up and the way she dress… she’s like the life I had… or I dreamed about. I’m not sure which.

“Eto na, Miss… Ayos na!” sa tonong pinapaalis iyon.

Ngumuso ang babae. Tila nakikitaan ng katatawanan ang nangyayari. Lorie is extremely rude to her and I don’t know why she finds it very funny.

“Thank you, Miss. I might visit often. I like your products here. Some days, I don’t see you here, though…” bumaling muli sa akin.
“Uh… Nasa dalampasigan-”
“Busy kami, Miss. Nanay ko lang ang tindera rito kapag wala kami…”

Inalog ni Lorie ang supot sa harap ng babae para sabihing kailangan niya nang kunin iyon at umalis na.

“Thank you… Pasensya na sa abala…” ngumiti muli ang babae sa amin.

Tahimik kami hanggang sa umalis na ito. Nilingon agad ako ni Lorie, kitang kita ko ang iritasyon sa kanyang mukha.

“Anong problema mo, Lorie?” tanong ni Pamela.

Hindi lang yata ako ang nakakahalata sa inasal niya. Bumaling si Lorie sa banda kung nasaan si Mylene. Nilingon din namin iyon at nakita naming umiirap si Mylene sa aming lahat.

“Ayaw kong kumpirmahin ang sinabi ni Mylene pero…” she sighed. “Aia, nakita ko si Ali noong nakaraan na kausap iyong babae.”

Parang mas lalong nawalan ng laman ang aking tiyan. Hindi iyon gutom. It’s a hollow feeling I usually feel when something is leaving me. Now, I don’t know what is leaving. My faith? I’m not sure…

“Sigurado ka ba? Imposible iyon,” si Pamela.
“May sasakyan iyong babae. Nissan na kulay puti. Nagdate kami ni Jun noong nakita namin sila. Kumakain kami kina Aling Violi nang nakita ko sa labas na nag-uusap si Ali at iyong babaeng ‘yon. Syempre, nagtaka ako at tiningnang mabuti.”

Nanunuyo ang lalamunan ko. Kitang kita ko ang concern sa mga mata ni Lorie habang sinasabi iyon.

“Ilang sandali ang nakalipas, nang papalapit na sina Dodong sa kinakainan namin ni Jun ay agad na tinulak ni Ali iyong babae sa sasakyan nito. Ayaw pang umalis noong babae, nanlalaban pero nang may sinabi si Ali ay nagmamadali agad itong pumasok.”
“Lorie, baka nagkakamali ka lang!” si Pamela ulit.
“Dalawang beses ko silang nakita. Hindi lang iyon. Pagkatapos noon, nakita ko ulit silang dalawa na magkasama sa tapat ng inn hindi kalayuan kina Aling Violi. Seryoso ang pinag-uusapan nila hanggang sa pumasok na si Ali sa sasakyan noong babae.”

My heart ache at the thought. True… I might not feel anything for Ali but it hurt thinking that he’s lying to me. It hurts to think that he’s making me believe that he’s my husband when he can easily go with another girl.

“Siguro ay nakita rin iyon ni Mylene kaya ganoon…” dagdag niya.
“Naku! Kung totoo ‘yan, bakit kaya? Sino iyong babaeng iyon? Baka kilala n’yo na iyon, Aia, bago ka nawalan ng alaala…”
Nagkibit ako ng balikat. I’m trying to act calm but my insides was like a hurricane.
“Hindi kaya roon nakuha ni Ali ang malaking halaga ng pera na binayad niya sa ospital? Mukha kasing mayaman ‘yong babae…” si Daisy.
“Pasensya ka na, Aia. Ayaw ko sanang sabihin sa’yo ‘to kasi wala naman ako sa lugar para diyan at ayaw ko ring bigyan ka ng panibagong alalahanin pero… hindi ko na mapigilan.” Hinagod ni Lorie ang aking likod.

Umiling ako. I’m trying my best to stop all the doubts that’s forming on my head. Wala pa naman akong nakukumpirma. But I can’t just ignore what Lorie said… syempre, she’s my friend and she wouldn’t lie to me.

Nanghina ako at napaupo. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin.

Nilingon ko ang labasan para sana mahanap iyong babae. Agad akong tumayo at dumiretso roon.

“Aia!” Lorie called but it’s too late.

Mabilis akong naglakad patungo roon. Luminga-linga ako para hanapin iyong babae. Nakita kong lumiko siya pakaliwa sa labasan. But before I could move and go to her, I saw Ali at the other side of the street. He watched the woman.

Napaatras ako at nakapagtago sa dingding ng isang tindahan. Maraming nagagalit sa akin dahil sa pagharang ko sa labasan pero nanatili ako roon hanggang sa nakita kong tumawid si Ali sa kalsada at agad na hinigit sa braso ang babae!

My eyes widened when I saw his angry face. The girl smiled but then slowly her smile faded. Napalitan iyon ng takot.

Binitiwan ni Ali ang braso ng babae. Pagkatapos ay bumaling ito sa sasakyang nasa gilid. It was the Nissan Lorie was saying!

Nagtaas ng dalawang kamay ang babae. Ang supot ay nasa isang kamay. May sinabi ito bago pumasok sa sasakyan. Nakapamaywang si Ali habang pinagmamasdang umaalis ang sasakyan. Umatras agad ako at mabilis na naglakad pabalik sa tindahan.

Nanghihina ako. Nangangatog ang dalawang binti at bagsak ang mga balikat. Mylene was smiling at me. Kitang kita ko ang pagtatataka ng mga kaibigan ko sa tindahan. Huminga ako ng malalim at hindi na nagsalita.

“Ano?” tanong ni Pamela.
“I’m done for today. Uuwi na muna ako…” sabi ko sa isang malamig na tono.

I don’t want to direct my anger at anything today. Gusto kong sarilihin iyon. Gusto kong magkulong at mag-isip ng mabuti. Gusto kong mapag-isa.

“Hinanap mo ang babae?” tanong ni Lorie habang inaabot ang ilang libo kong nakuha galing sa babae.

Hindi mababayaran ang nararamdaman ko ngayon.

“Nakita ko sila ni Ali…” iyon na lamang ang sinabi ko bago umalis sa tindahan, at mag-isa at wala sa sariling naglakad pabalik sa dalampasigan.

For an hour, nanatili ko sa upuan sa labas ng bahay namin. Kaharap ang karagatan ay pilit kong winala sa sarili ko ang mga nangyari.

So what if he’s seeing another girl, right? I don’t feel anything for him, anyway.

Naisip ko si Ivo. Ali told me that I liked Ivo. What happened to us and why aren’t we married? Did he cheat, too? Pinikit ko ang mga mata ko at inalala ang mga panaginip na ilang hibla na lang ay makakalimutan ko na.

I don’t exactly remember anything anymore but all I know is that he made me feel very special. He made me believe. He made me feel so secured. I don’t think he’ll ever cheat on me.

Kung ayaw pala ni Ali sa akin, at gusto niya sa ibang babae, bakit pa siya nagtitiyaga? Bakit hindi niya na lang ako hayaan kay Ivo? Does he respect the laws so much that even when he’s not happy, he’ll fulfill his duties to me as husband? Or is he that god-fearing that he’s willing to spend his whole life in a very boring relationship? Pero in the first place, why did he marry me if he likes other woman? Is this all a mistake?

Hindi ko alam. Cheating feels familiar. It’s like a trend these days. It’s not new. Kahit mga kapitbahay namin ay may mga kabit. So we’re not an exception to that, huh?

Natigil ako nang nakita si Ali na papalapit sa bahay. He smiled when he saw me there. I didn’t. I couldn’t.

Was he so eager to experience what it’s like to be married that he’s done it with another girl? Sa Inn ba kung saan nakita ni Lorie silang dalawa, roon ba nila ginawa?

My heart’s a storm and my head is haywired.

Nang lumapit siya sa akin ay nag-iwas ako ng tingin. Halos bumaon ang kuko ko sa aking palad dahil sa malakas na pagkuyom.

“Nagmeryenda ka na ba?” tanong niya.

Umiling ako, trying to act normal but the anger is dripping like acid.

“May dala ako. Pumasok na tayo sa loob…” he reached for my hand.

Agad kong inilag iyon kaya hindi niya nakuha.

“Mauna ka na… Susunod na lang ako.”

Ilang sandali siyang nanatiling nakatayo roon habang nanatili ang mga mata ko sa karagatan. The crashing waves looked calm. I thanked them for keeping me that way even when my insides are already at war.

Pumasok siya sa loob ng bahay. Narinig ko ang pagbaba ng mga dala niya pagkatapos ay ang tunog ng mga baso at kung anu-ano pa sa kusina. Nanatili akong nakaupo.

I feel like I’m a ticking bomb just waiting for the right second to explode. I want him so much to remember that he’s told m we’re married but if he didn’t like our marriage in the first place, he’s free to go since I don’t remember anything. I don’t love him. At malay ko’y baka pinikot ko lamang siya noon kaya siya nakulong ngayon sa akin at gusto niya nang kumawala!

Tumayo ako at agad na pumasok sa loob. Nilingon niya ako habang may hawak na pitsel. Kitang kita ko ang pag-iingat sa kanyang mga mata.

Nilapag niya ang pitsel sa lamesa. Agad ko iyong kinuha at nagsalin sa baso.

“Ako na…” sabi niya pero huli na ang lahat.

Natahimik siya. Nilapag ko ulit ang pitsel at agad na pinangalahatian ang juice sa aking baso.

“May problema ba?” he gently asked while I’m drinking.

Nilapag ko ang baso. I expected it to sting on my throat but the sweetness didn’t. Nilingon ko siya. Naaalala ko ulit ang ganda noong babae… Penny was it? She looked so twenty first century while I look like a plain desperate housewife. But… It’s just that… I’m not desperate!

Umiling ako nang tuluyang napigil ang sarili. Pagkatapos noon ay wala na rin naman siyang sinabi. Tila alam niya na may kung ano akong nararamdaman kaya nag-ingat na siya sa mga ginagawa at mga sasabihin.

We remained silent until the sunset. Pagkatapos niyang maligo ay nagluto siya. Nasa kwarto naman ako buong oras na mga iyon. Trying to sleep but I couldn’t. I want to rest my head and calm the bomb but I just couldn’t.

Alas syete nang sabay kaming kumain. We were very silent. Tanging ang TV ang maingay sa gitna naming dalawa.

“Kumuha ako kanina ng mga shells,” he said.

It’s funny how it all made sense now. Siya ang kumukuha ng shell, ako ang gumagawa, iyong babae naman ang bumibili. Very funny.

Nagtaas ako ng kilay habang humihigop ng sabaw. Hindi na ako umimik dahil paniguradong may masasabi lang akong masama.

Pagkatapos kong kumain ay naligo ako. Nakatapis nang dumiretso ako sa kusina para makainom ng tubig. Nakaupo si Ali sa sofa, nanonood ng TV. I felt his eyes drifted on me. Nagtaas ako ng kilay at nagsalin ng pangalawang baso at uminom muli. Nilingon ko siya. Nag-iwas agad siya ng tingin sa akin.

Pakiramdam ko ay uminit ang buong katawan ko, hindi sa ibang pakiramdam kundi dahil sa galit na nararamdaman. How dare he!

“You know what? I’m glad you finally found a way to release your lust other than doing it yourself…” parang hindi ko makilala ang sarili kong tono.

Nilingon niya agad ako. Umawang ang kanyang bibig.

“Anong problema, Thraia?”
Umiling ako at dumiretso na sa kwarto. Mabuti na lang at hindi ako agad naghubad dahil sumunod siya sa akin. The room was dark. I forgot to turn the lights on when I entered. His dark sillhouette almost made me forget what I’m agry at!

Naramdaman kong lumapit siya sa akin. Tinulak ko siya palayo.

“Si Mylene man o kahit sino, ayos na, Ali. Naiintindihan ko na ngayon at salamat dahil pinanatili mong lihim imbes na ipaalam sa akin ng harap harapan. It’s your form of respect right?”
“What the fuck are you talking about?” he said it with fluency. Tila ba parang ilang beses niya na iyong nasabi.

I would die first before telling him what I saw in the market.

“Hindi ko naman kayang pawiin iyang nararamdaman mo that’s why you look for another woman who can, right? I just want to commend you for trying to keep it a secret but… I suggest you should try harder! Iyong tipong hindi ko malalaman! Sa ibang Inn naman, Ali! Sa ibang meeting place naman, please!” halos magmakaawa ako. “Hindi iyong nililihim mo nga, pero alam ng buong barangay dahil masakit!”

He advanced but I tried to keep more distance. I was cornered when the back of my knees reached our bed.

“They will talk about us! They will think why you’re so insatiable even when I’m still so young! Ganyan ka ba ka uhaw na hindi ko kayang pawiin ang nararamdaman mo? Huh? I’m not enough, huh? Hindi ko kaya? Hindi ako sapat?”
“Stop talking…” he whispered and tried to close our distance.

With full force, I pushed him away.

“Ayos lang!”
“Kung ayos lang bakit tunog galit ka? Bakit parang naiinis ka dahil hindi ka sapat sa akin, huh?” sigaw niya.

Ang mga luhang hindi ko namalayang namuo ay bumuhos. Fuck him! E ‘di nakumpirma ko nga na totoo!

“Bakit parang naiiinis ka na imbes na ikaw ang halikan ko, iba pa talaga ang hinahanap ko, huh?”

His lips found their way to mine even when it’s dark. Tingin ko ay maliwanag ako dahil sa ilaw na nasa labas samantalang dilim lamang ang nakikita ko sa kanyang katawan. His warm body was suddenly all over me!

His tongue made its way to the insides of my mouth. He claimed all corners like it was his. Tinulak ko siya pero halos mawalan ako ng lakas nang naramdaman ang paulit ulit niyang halik. He sucked my lip and he licked it with so much passion. Nagningas ang kung ano sa aking kaibuturan.

“Ali!” sigaw ko at tinulak ko siyang muli.

Hinawakan niya ang kamay ko at nang tinulak niya ako ay bumagsak ako sa kama. I felt his other hand trying to remove the towel habang dahan dahan niya akong hinihiga. I groaned in protest but it’s only drowned by his kisses.

I shut my legs but he tried to part them. Parang nawawalan ako ng lakas. Parang pinapantayan na ng katawan ko ang init na nagmumula sa kanya. He slowly rocked me in a very primitive manner. Like a classic dance known to everyone.

Namilog ang mga mata ko nang naramdaman ko ang kanyang pagkalalaki sa aking kanang hita.

“Ah… Shit…” bulong niya at tumigil siya sa paghalik at paggalaw. “Your mouth really stings when you’re fucking jealous, huh…”

His lips rested on my neck. Tinulak ko siya bilang protesta but it was almost a masked protest. Like I was unwilling for him to stop! I hated myself for it.

He slightly bit my collarbone bago siya tumayo at lumayo sa akin. Kahit na madilim ay sinikap ko paring takpan ang sarili ko ng tuwalya na ngayon ay halos mahubad na sa akin. Wala akong kahit anong saplot sa ilalim dahilan kung bakit abot-abot na ang tahip ng aking puso.

“Hindi ako nagseselos! Bakit ako magseselos!” pilit ko.

I was just so mad at him that I want to pull all his strings! I want to get even. I want him to get mad, too!

“Sasama ako sa’yo bukas sa palengke at nang matigil na ang mga walang kabuluhan mong iniisip!”

Without looking back, he stormed out of our room.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

2 Responses to Waves of Memories – Kabanata 7

  1. Went here to check if your stories are updated here advanced than on WP, but :( haha I’m currently addicted to this story. You’re the best! <3