Waves of Memories – Kabanata 6

August 29, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 6

Kabanata 6
Higante

Paborito ni Ali ang inihaw. Wala ako masyadong alam sa pagluluto pero tingin ko ay kakayanin ko namang gawin iyon. Pinapanood ko siya tuwing ginagawa iyon sa isda o ‘di kaya’y sa kahit anong karne. I guess I can do it.

Bumili lamang ako ng uling ‘di kalayuan sa amin. Nagtanong din ako ng karagdagang impormasyon kina Lorie, Daisy, at Pamela. Ang sabi nila ay kailangan pa raw i marinate ang karne.

Went home around two pm to marinate the meat I’m supposed to grill. Hinanda ko rin iyong lugar kung saan ako mag-iihaw. Nakinig lamang ako ng mellow music habang nakatunganga sa pintuan at nakatingin sa karagatan.

Nakapangalumbaba ako habang pinagmamasdan ko iyon. Maraming naliligo sa kaliwang bahagi ng dalampasigan. A small time resort stood there and people from nearby villages were curious.

Ang aming bahay sa Costa Leona ay nasa tapat ng kalsada. And although my father told me that the shores were crystal clear on the other side of the road, hindi ko maalalang nakabisita ako roon simula pa lamang noon bata pa ako.

But there’s an image of large and painful stones, white sands, and pristine waters at the back of my mind… which I’m sure isn’t Carles. It probably is Costa Leona.

Nakatulog ako sa kakahintay ng minarinate ko. Well, I thought Ali would be there when I woke up but still I’m glad he isn’t. Syempre, baka mag presinta siyang siya na ang magluluto imbes na ako. Sorpresa ko iyon sa kanya mamaya pag uwi niya.

Alas tres y media nang nagsimula akong mag ayos ng uling. Alam ko namang masyadong maaga iyon pero inisip kong baka kasi matagalan ako dahil unang pagkakataon ko pa itong mag-ihaw.

It took me an hour to produce fire. Pawis na pawis na ako. Hindi ko alam kung bakit sadyang ayaw mag-alab ng uling. Naubos ko yata ang isang pakete ng posporo bago ko napagtantong kailangan ko pala ng newspaper o kahit ano. But the newspaper didn’t work. I needed something to fuel it so I used the piece of wood near our house.

Nang inayos ko ang parilya, maagap kong kinagat ang kamay ko dahil sa pagkakapaso.

“Damn, this is hard,” sambit ko.

Buti na lang talaga inagahan ko. Kung hindi ay baka gabihin pa ako rito.

Malaking pasasalamat ko na wala pa si Ali. Pero ipinagtataka ko rin iyon dahil madalas narito na siya sa mga oras na ito.

I think his tardiness is still a blessing. This way, I can have more time to cook what I want.

Nagsaing din ako. Iniwan ko saglit ang inihaw at pagkabalik ko ay medyo umitim ang karne. I think it’s fine. Hindi naman sunog. Not bad, still.

Turned it around para iyong kabila naman ang maluto. In the end, kinuha ko iyong mga tingin ko’y luto na. The only manifestation that it’s done is the dark surface it has and the redness of the meat.

I opened the meat to see if it’s really done pero nang nakita kong may parte pang kita ang dugo ay binalik kong muli iyon sa grill.

Ganito pala kahirap. Well, at least I know how it’s done, huh? Unlike all the things above a stove. I will probably never get it right… ever.

Alas sais nang nasatisfy ako sa ginagawa. I feel good after all the cooking. Nilapag ko iyon sa lamesa at inayos ang mga plato.

Uminit ang pisngi ko nang napagtantong masyadong weird ang ginagawa ko. It’s true that I don’t remember anything about Ali and I have some doubts about him but… siguro nga ay masyado lang akong guilty sa mga ginawa ko sa kanya. I am too desperate to know so many things that I forgot that he’s probably hurt by my actions and words.

Naligo ako pagkatapos magluto. Nang matapos ay nagbihis na ako.

Hindi ako mapakali nang natapos ako sa lahat ng ginagawa. Nakapaglinis na rin ako ng kwarto, kusina at sala. Hindi naman maraming lilinisan kaya ayos lang iyon.

Seven thirty in the evening, I’m already starving as hell. Hindi pa nakakauwi si Ali. Nakapagtataka dahil hindi naman siya ginagabi ng ganito. Umuuwi naman siya para maghapunan, kung sakaling may inuman man siyang pupuntahan.

Nakatulog ako sa sofa dahil pinilit ko talagang hintayin siya. I kind of woke up when I felt my stomach hurt dahil sa sobrang gutom. Gusto kong bumangon at kumain na lamang pero nanatili akong nakapikit at nag-iisip.

Should I go out and find him? It’s late at night and I should…

Bago pa ako makapagpatuloy ay bumukas bigla ang pintuan. Pumasok si Ali roon at maagap naman akong bumangon at nagkusot ng mga mata. Sumulyap ako sa wallclock at nakitang alas nuebe na ng gabi.

Mahinahon akong tumikhim nang nagtama ang aming tingin at nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata.

Gusto kong magalit dahil sa tagal niyang umuwi pero alam ko ring hindi tama iyon. Siya ang dapat na magalit sa akin. Isa pa, hindi niya alam na may hinanda ako ngayon kaya paano siya uuwi ng maaga?

Pinasadahan ni Ali ng tingin ang pagkaing handa sa lamesa. Lumapit siya roon at bumaling muli sa akin. Tumayo ako at nag-ayos ng buhok. Medyo nalukot ang saya ng damit ko kaya inayos ko rin iyon.

“Uh, nagluto ako…” sabi ko kahit na may ebidensya na sa lamesa.
“Hindi ka pa kumakain?” nahihimigan ko ang pagkontrol niya sa kanyang boses.

His jaw clenched and his eyes were hawklike.

“Busog pa ako…” I lied and smiled.

Syempre, ayaw ko rin namang mag-alala siya sa akin. Pero tila hindi iyon tumalab sa kanya. Nanatiling ganoon ang kanyang ekspresyon habang tinatantya ako.

Tinuro ko ang inihaw.

“Tikman mo… Kaya lang baka malamig na…” I awkwardly said.

Hinila ko ang pinggang may lamang inihaw. Kinuha ko rin ang pinggang dapat kay Ali pera sana lagyan na ng kanin.

“Malamig na rin ang kanin…” sabi ko pero nilagyan ko parin ang kanyang pinggan.

Nanginginig ang aking kamay habang naglalagay ng kanin. Siguro ay dahil sa kaba at gutom na rin.

May nahulog pa sa lamesa. Ngumiwi ako at agad na pinag-initan ng mukha. Pupulutin ko na sana ngunit hinila ni Ali ang kamay ko patungo sa kanyang dibdib.

Nabitiwan ko ang kutsara dahil sa lakas ng pagkakahila niya. His arms immediately snaked around my waist. He hugged me tightly from the back. His face made its way to my shoulder blades. Ibinaon niya ang kanyang ilong sa aking balikat.

Nanlaki ang mga mata ko. I stiffened at his sudden move!

“I’m sorry…” he whispered.
“Huh?” Nanginig ang boses ko.

I want to act as normal as possible but his actions just won’t calm me down. Hinawakan niya ang isang kamay ko at sinalikop niya ang aking daliri galing sa likod ng aking palad. Bumaon iyon sa aking tiyan habang niyayakap niya ako ng mahigpit.

He smells like rhum and his usual scent. Bumagsak ang pakiramdam ko sa napagtanto. Nakipag-inuman siya.

“T-Tapos ka na bang kumain? Ayos lang… Ililigpit ko na ‘to…” sabi ko at pilit na gumalaw para gawin iyong gusto ko pero ayaw niya akong pakawalan.

Nanatili siyang ganoon ang posisyon.

“Ali, mapapanis ‘to kapag ‘di ko niligpit…” sabi ko sabay tulak sa kanyang braso.

He didn’t even move at my begging.

“Sorry…” he whispered again, ngayon inaangat na ang tingin sa akin.

His hot breath touched my face. My heart hitched at our distance. I was so sure it’s nor familiar. It’s uncomfortable.

“Ba’t ka nagsosorry?” I tried to smile to hide the pain I’m feeling.

Kitang kita ko ang pagsusumamo sa kanyang mga mata. Tila binabasa niya naman ngayon ang iniisip ko. I looked away only to find myself looking back at him once more. Humagikhik ako para maipakitang tunay na ayos lang.

“Kumain na tayo…” aniya.
“Kung busog ka na, ayos lang naman…”

Binitiwan niya ako at umupo na sa upuan. Bumaling siya sa akin at nilapit ang upuang para sa akin sa kanya. Tinapik niya ang silya bago kinuha ang kanin para malagyan ang aking pinggan.

Siguro ay nagkatuwaan sila ng kanyang mga kaibigan. Siguro ay nakalimutan niyang narito ako sa bahay. Kung sa bagay, pagkatapos noong ginawa ko sa kanya kagabi, mas gugustuhin niyang sa labas na lang manatili kesa sa humarap sa akin.

Hinila niya ang kamay ko nang nakitang hindi ako umuupo. Nang naupo ako ay eksperto niyang hiniwa ang karne sa aking pinggan. He even spread the sauce on the meat. Tinusok niya ng tinidor ang karne pagkatapos ay tumingin sa akin.

Hinawakan ko ang tinidor para maisubo na ang pagkain.

Malamig na iyon pero masarap parin naman. Iyon nga lang, syempre hindi ako sigurado kung masarap talaga iyon o dahil lang sa gutom ko.

He bit a big size of meat then put it down his plate. Kumain din siya ng kanin na para bang hindi pa talaga siya naghapunan.

Tipid akong ngumiti at nagpatuloy sa pagkain hanggang sa nawala ang pagkakagutom ko. He was already drinking juice when I finally feel full. Tumikhim ako nang napagtantong nauna pa siyang matapos.

Hinawakan niya ang backrest ng aking upuan. We’re very close. I don’t remember being this close to him while eating. Palagi kaming malayo o ‘di kaya’y tapat. Ngayon lang kami naging ganito ka lapit na kaya niyang haplusin ang dulong hibla ng aking buhok.

“Did you cook these?” he softly asked.
“Uh… Yeah…” ngumiti ako at nag-iwas agad ng tingin.

He continued to touch the ends of my hair. Nakatitig siya sa akin gamit ang mapupungay na mga mata.

“You’re getting good at that, huh?” he said with a hint of smile.

Bumaling muli ako sa kanya.

“Inihaw lang naman ‘yon, Ali…”
“Still…”

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin. Nilingon ko ang TV para libangin ang sarili sa panonood ng teleseryeng nagsisimula pa lang. Nararamdaman ko ang kiliting dulot ng kanyang paghaplos sa dulo ng aking buhok.

“Sorry, ginabi ako. Nakipag-inuman pa ako saglit…” aniya.

Tumango ako at bumaling ulit.

“Ayos lang.”
“Sorry to keep you waiting.”
“It’s okay. Naiintindihan ko naman ‘tsaka ‘di naman ako nagsabi sa’yo na umuwi ka ng maaga kasi nagluto ako…”
Ngumiti siya. “I think it’s time to buy your own phone so we can text each other…”
“Huh?” uminit ang pisngi ko. “Huwag na… Ayos lang.”

Nilagay niya sa likod ng aking tainga ang takas na buhok. His eyes drifted on my lips. Tumindig ang balahibo ko at parang nabuhusan ng malamig na tubig ang aking sikmura.

“Ayaw kong gumastos ka pa. Isa pa, wala rin naman akong itetext, e…”
“Itetext kita…” maagap niyang sinabi.

My twitched. Ngumuso ako para pigilan ang nagbabadyang ngiti.

“Basta, huwag na. Ayos lang… Uhm…”

Nilingon ko siya. He looks serious now and from my lips his eyes went on mine.

“I’m sorry din… sa… lahat ng nasabi ko kagabi. I was just desperate…”
He nodded and looked away. “I understand.”

Ilang sandali pa kaming nanatiling tahimik bago ako nagdesisyon na kailangan nang magligpit.

“Ako na ang magliligpit nito…” sabi niya at tumayo na rin para kunin ang mga pinggan.
“Huwag na, Ali. Hayaan mo na ako. Pagod ka, galing sa trabaho kaya ako na ang gagawa nito at buong araw naman akong wala masyadong ginagawa…”

He didn’t stop. Nagligpit siya ng gamit. Hinatid niya ang mga pinggan sa sink. Huminga ako ng malalim at nilapitan na rin siya sa lababo.

“Please, Ali. Let me do this. As wife, I think it’s my duty to do this…”

Nakapamaywang siya at binalingan ako. Mapupungay ang kanyang mga mata. A hint of humor is evident in his eyes. Tinuon ko ang aking atensyon sa mga pinggan at nagsimula na akong maghugas.

Ilang sandali siyang nanatili roon bago niya kinuha ang basahan at bumalik na sa lamesa. Nilinisan niya ang lamesa pagkatapos ay dumiretso na sa kwarto.

Hindi ko siya sinulyapan nang nakitang pumunta sa banyo, siguro ay para makaligo. Nang natapos ako sa pagliligpit ng mga pinggan ay nagwalis naman ako ng sahig. He was done taking a bath when I was sweeping the floor. At nang natapos naman ako ay siyang paglabas niya ng kwarto.

Sumulyap ako sa sofa nang nakitang dala niya ang isang unan hudyat na roon siya matutulog. I don’t know why I feel bothered that he’s going to sleep there. Nararamdaman kong nakatingin siya sa akin.

“Matutulog na ako…” sabi ko.

Nakatingin nga siya sa akin. Kahit na alam kong antok na siya ay nanatili siyang nakaupo, buong atnesyon sa akin. Tumango siya pagkatapos ng sinabi ko.

Dumiretso na ako sa kwarto at umupo na sa kama. Pinatay ko ang ilaw at sinarado ang pintuan. Sa maliit na espasyo sa ilalim ay kitang kong hindi pa patay ang ilaw sa labas. Pinatong ko ang aking mga paa sa kama ay niyakap ang aking tuhod.

Is this fine? What if Ali is telling the truth? What if he’s my husband? But are there other things? Are there secrets that he’s not telling me? Why? Because I’m going to breakdown if he did?

Nilagay ko ang aking noo sa aking tuhod. Sumakit ito kaya kumalma muna ako. Inayos ko ang aking paghinga at dahan-dahang humiga sa kama tanaw ang pintuan ng kwarto.

He can still sleep here but if he’s more comfortable outside, then that’s okay, I guess.

Umaga na nang magising ako. Sa bintana ay kita ko na ang matayog na sikat ng araw. Masyado yata akong napagod kahapon na hindi ako nagising ng maaga kahit sa pag-alis ni Ali para pumalaot.

Gaya ng madalas kong ginagawa, pagkabangon ay dumiretso na ako sa labas para sana makapag CR. Pagkalabas ko ng kwarto ay laking gulat ko nang nakita ko si Ali sa aking tapat, nakaupo sa silya sa harap ng lamesa at nagkakape. He spilled the coffee when he saw me and I knew why he was so shocked!

Napamura siya nang natapon ang kape. Inilayo niya iyon sa kanya at nag-angat muli ng tingin sa akin.

Sana ay kinain na lang ako ng lupa! My hair is bushy from sleeping at nakababa ang isang strap ng aking damit. Maagap ko iyong inangat at maagap ko ring sinuklay suklay ang aking buhok gamit ang aking mga daliri.

A small smile curved on his lips. Mas lalo lang akong nahiya.

“Hindi ako mangingisda sa araw na ‘to…”
“A-Ah! A-Akala ko umalis ka na… kaya…”

Inayos ko ang damit ko na nagkanda lukot lukot sa pagtulog.

“Excuse me…”

Dumiretso ako sa CR para magkulong imbes na gawin ang mga pang umagang ritwal. What the hell, Thraia! Syempre at malay ko ba na naroon siya sa lamesa at nag-aabang sa pagkagising ko!

Naghilamos agad ako. Nagsisisi ako na hindi ako nagdala na lang ng tuwalya upang makaligo.

I went out to get a towel so I can take a bath. He’s cooking our breakfast when I went back to our room. Bumalik muli ako sa CR para makaligo at nang matapos ay nasa hapag na kaming dalawa kumakain ng almusal.

“Anong gagawin mo sa araw na ito, kung ganoon?” tanong ko nang hindi malaman kung bakit hindi siya pumalaot.
“Maglilinis siguro ako sa likod pagkatapos… anong gusto mo?” he asked.
“Uh…”

My usual plan is to go to Lorie’s pero syempre dahil narito si Ali hindi ako aalis ng bahay. Dito lang ako.

“Hmmm. Gagawa na lang siguro ako ng mga shell bracelets? Iyon na lang…”
Tumango siya. “Kukuha ako ng mga shell sa dalampasigan. Ihahatid ko sa’yo rito…”

I think everything’s light. Awkward but still light and I’m glad.

Iyon nga ang ginawa ni Ali. Hinanda ko sa kawayang lamesa ang mga kakailanganin ko para sa pag gawa ng bracelet. I have small shells there but it’s not enough to make many. Pinagmamasdan ko siya sa dalampasigan na naghahanap ng mga shell. Ang araw ay natatabunan na naman ng makulimlim na mga ulap kaya hindi na masyadong mainit kumpara kanina.

Umihip ang hanging amihan. Pumikit ako nang maramdaman ang buhanging maaaring makapuwing sa akin. Nang medyo kumalma ay pinagmasdan ko ulit si Ali. His tshirt is slightly blown by the northeast wind, the reason why his built looked more defined even when he’s just standing.

“Huy!” tawanan ng mga pamilyar na boses ang narinig ko sa kanang bahagi.

Nilingon ko agad si Lorie, Pamela, at Daisy. Nakatuon si Lorie sa akin samantalang ang dalawa ay nilingon si Ali na nasa dalampasigan ngayon.

“Aba’t nalaman naming may ‘di pumalaot! At syempre, may hindi naghabi ng pamaypay! Kilala mo kung sino?” sabay tawa ni Lorie.

Umikot ang mata ko at nangiti rin. Alam ko na ang iniisip nila pero nagkakamali sila roon.

Umupo si Lorie sa tabi ko. Ang dalawa naman ay tiningnang mabuti ang mga gawa kong bracelet.

“Kumusta kagabi? Nasuyo mo ba?” taas baba ang kilay ni Lorie.
“Hindi tulad ng iniisip mo-”
“Asus! Kunwari ka pa!” tukso niya.

Nalingunan kami ni Ali. Nang nakita ang aking mga kaibigan ay bumalik siya sa amin.

“Hi, Ali!” bati ng mga kaibigan ko.
“Magandang umaga…”
“Maganda nga ang umaga!” nagngising aso ulit si Lorie sabay tingin sa akin.

Nilapag ni Ali ang lalagyanan ng kabibe sa aking harap.

“Hindi ka pala pumalaot, nalaman ko kay Mang Emil… Kaya naisip naming pumunta rito kasi hindi rin bumisita si Thraia sa amin.”

Nagkatinginan kami ni Ali. My face warmed again. Pakiramdam ko ay kasing pula na ako ng kamatis ngayon.

“Gusto ko lang sanang magpahinga kasama ang asawa ko rito sa bahay…” Ali said.

Kitang-kita ko ang eksaheradong pagngisi at pagngiwi ng tatlo. Nangiti si Ali sa ginawa nila.

“Kaya nga aalis na kami agad ngayon, ‘di ba, Lorie!?” si Pamela.
“Huy!” agap ko.
“Hindi… Ayos lang at paniguradong matutuwa si Aia na nandito kayo…”

Nagkatinginan muli kami ni Ali. Eksaheradong reaksyon muli galing sa tatlo ang natamo namin.

“Bibili muna ako ng meryenda ninyo pagkatapos kong kunin ang ilan pang shells sa dalampasigan.”
“Naku, huwag na, Ali!” untag ni Daisy.

Ngumisi lamang si Ali. Alam namin na talagang gagawin niya ang gusto niya. Umalis si Ali sa harapan at tahimik namin siyang pinagmasdang apat.

Kung hindi lang ako kinalabit ni Lorie ay baka natulala na ako sa kakatitig kay Ali kahit na malakas ang ihip ng hangin.

“Ay naku! Ano na?” ani Lorie at mas lalong tumabi sa akin.

Sinuot ko ang isang shell sa sinulid. Itinoon ko ang atensyon ko roon. Pagkatapos ay bumaling ulit sa harap kung nasaan si Ali at ang malalaking ulap sa kanyang background.

“Wala naman.”
“May nangyari? Na kahit ano, ha?” si Lorie.
“Wala nga…” sabi ko.
“Ay naku! Hindi parin naririnig ng Higante ang dasal ko ‘no?”

Nilingon ko si Lorie, seryoso. She’s smiling but I can sense her seriousness, too.

“Hindi naman ata talaga maririnig ng higante ang dasal ng isang maliit na tao…” sabi ko ng wala sa sarili.
“Maririnig niya dahil nasa paligid lang siya kahit saan dito sa Carles, Aia…” I don’t know if she’s kidding me or what. Hinayaan ko siya at nilingon na lang muli si Ali.

“Higit sa lahat, siya ang makakarinig,” si Daisy naman ngayon. “Pinatay ng mga pirata ang pinakamamahal na prinsesa ng Higante. Ang prinsesa ang rason kung bakit nagbago ang higante at naging mabait kaya noong namatay ang prinesa, nagwala ang higante at natapon lahat ng ari-arian sa buong Carles. Nahati ang katawan ng Higante at naging mga isla… Kaya nasa paligid lang siya at nakikinig.”

Pumikit muli ako nang naramdaman ang hagupit ng parating na hangin. Then… maybe, I should start praying now, too. Pray that I’m going to finally remember.

Ibang klase ang takot na naramdaman ko sa aking dasal. For the first time in almost three months, I felt content and calm. Natatakot akong kapag may maalala ako, guguho ang pagiging banayad ng buhay ko.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.