Waves of Memories – Kabanata 50

November 19, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 50

Kabanata 50
Happiness

For two weeks, we went to five European countries. That was his plan for our honeymoon, to tour me around Europe. Gusto niya ng mas mahabang panahon pero inireserba niya ang huling isang linggo sa huling destinasyon naming dalawa.

Ang lamig ng hangin ay nanuot sa aking balat. Sumabog ang aking buhok at napahawak ako sa aking palda.

Isang linggo lang kami magtatagal dito sa Carles dahil nakiusap ako kay Ali na umuwi na kaming Maynila para makapagtrabaho na ako. Pumayag naman siya. Masyado na akong nalibang sa pamamasyal namin na nakakalimutan ko na yata ang pagtatrabaho.

It’s our sixth day here and he wanted to chase the sunrise so we did. Maaga kaming nagising para pumalaot at ngayon ay narito na nga kami habang kulay abo pa lamang ang langit.

The ocean looked so scary. Madilim at malawak. Ang tapang ko para tumayo rito sa gitnang harap ng bangka ay galing sa kay Ali. Being with him secured me. Like everything is fine even in the brink of danger.

Pinatay niya ang makina dahilan kung bakit mas naramdaman ko iyong alon ng dagat. Sinikop ko ang aking buhok at nilagay iyon sa kaliwang balikat ko.

“Anong oras kaya sisikat ang araw?” tanong ko habang pinagmamasdan ang malayong kawalan.

The rays of the sun were already seen but that’s all there is for now.

Isang maiinit na kamay ang humawak sa aking baywang. Ngumuso ako at hinintay ang isa pang kamay niya sa kabilang baywang ko naman.

“Let’s just wait,” Ali whispered on my ear.

Tumango ako at nanatili ang mga mata sa kung saan nagtatagpo ang dagat at langit.

“Uuwi na tayo bukas ng Maynila,” sambit ko.
He nodded. “Do you want to travel more?”
Ngumiti ako. “Well, we can travel more sa ibang mga araw naman. I should go back and think about my professional development. I have dreams, you know.”
“Okay, then, we will. You’ll have to meet an interior designer, we’re changing some furniture of the condo. We need to make it more like our home. Hindi iyong akin lang.”
“Fine, Ali.”

He started kissing my neck. Napapapikit ako tuwing nararamdaman ang kiliti ng kanyang labi at kanyang hininga. I saw the rising sun on the horizon and I had to gather my rational thoughts just to stop him from kissing me.

“Ali, the sun is rising,” sabi ko.

Tumigil siya sa paghalik para sabay naming makita ang sumisikat na araw sa harap.

I don’t know what the future holds for us but when I’m with him I feel safe. I feel fine. I feel better.

I know that life isn’t perfect. To wish for our bruised relationships with other people to heal is normal. But I realized that it’s also normal for them to get mad at us. There’s nothing I can do but to give people time and space to heal.

I know Ali’s broken about what happened with the company he loves the most. Kahit na hindi niya sinasabi sa akin, kahit na halos walang mawawala sa kanya dahil may iba naman siyang pinagkakakitaan bukod doon, at kaya niya namang magsimula muli pero alam ko na hindi iyon ang kailangan. Hindi ang pera ang mahalaga sa kanya. It’s the sentimental value of the company that his grandfather supposedly gave him.

“We should visit your parents. The last time I talked to your mother, she misses you,” sabi ko.
“Pagbalik natin ng Maynila.”
“By the way, I’ve submitted my resume on VHRV Holdings. You think I can work there?”

Tumigil siya saglit sa paghalik sa aking leeg. Nagkatinginan kaming dalawa.

“I know their Chairman,” panimula niya na inirapan ko agad.
“Don’t bend things this time, Ali. Hindi ko pa nakakalimutan na ikaw ang nag suggest kay Ethan na bigyan ako ng offer sa Le Viste. Without that offer, you could’ve slapped the hard truth. Na walang nag offer sa akin ng trabaho!”
Tumawa siya at niyakap ako galing sa likod. “I blocked the other companies who sent you offers, Thraia.”
“What?”

Kinalas ko ang kamay niya. Although I’m a bit amused, I can’t help but get mad at him. How dare he do that?! I couldn’t sleep for days right after I realized that nobody offered me work even when I have good grades!

Umatras siya nang hinarap ko. Nakikita ko ang ngiting pilit na tinatago.

“I’m trying to win you. It won’t work when you’re so far from my circle,” he explained.
“Ang galing mo rin talaga, ‘no? I can only imagine if I replied to your letter from MERC. Ano kayang trabaho ang pinagawa mo sa akin?”

He smirked and then tried to reach for my elbows. Umilag ako sa kanyang halik na para sa aking labi. His kiss touched the side of my eyes.

“Bakit? Ayaw mo ba kung sakaling pinagtrabaho nga kita sa kompanya ko ngayon?” he teased.

Whatever, Ali. Working under his supervision will probably be a circus.

“I’d hire you and put your table beside mine on top of our building,” pabiro niyang sinabi. “You don’t like that? Hmm?”

Sumilay ang ngiti sa aking labi. Hinarap ko siya. Ang mapupungay niyang mga mata ay tila naghahamon. Then his eyes drifted on my lips.

I’d like that but will we finish anything? He’d probably cancel all his appointments everyday kaya h’wag na. Ayos nang asawa niya ako. Magkikita kami pagkatapos ng trabaho. Para naman kahit paano’y seryoso naman siya sa trabaho.

“Of course, I like that,” maliit na boses ang gamit ko pagkasabi noon.

He tilted his head and then he kissed me on my lips. He kissed me torridly. His lips ignited the fire only he could awaken within me.

Hinila ko ang kanyang t-shirt palapit sa akin. Pakiramdam ko’y masyado akong nabibitin sa mga halik niya na gusto ko pang lumapit pa siya sa akin. But then he’s too firm. He wouldn’t even come closer to me.

I moaned when he kissed me deeply. He cursed softly and stopped kissing me.

Ang puting v neck t-shirt niya’y hinihila ko pa nang lumayo siya.

“Ali,” it’s almost a beg.

Umatras siya at nanlamig ako. Mariin siyang pumikit ng saglit bago pinaandar muli ang rotor ng bangka.

Matalim ko siyang tinitigan habang minamaniubra ang bangka namin. We’re already at both ends and I can’t believe he stopped me when I’m already hot.

Damn, Ali! Bakit ba niya ako hinalikan kung hindi niya rin naman kayang panindigan at patapusin ako?

He looked so amused at my reaction. Pero mas lalo lang akong naiirita dahil tuwang tuwa siya sa pagkakabitin ko.

Patuloy niyang binabalik ang bangka sa baybayin. Ang mga mata ko’y patuloy na nakatingin sa kanya, busangot.

Ni hindi ko namalayan ang dami ng mga nakaputing mga tao na nag-aantay sa amin sa dalampasigan.

Unti-unting namilog ang mga mata ko nang palapit na kami sa kanila. Ali looked at me curiously when I realized what’s going on!

Kumaway-kaway si Lorie, Daisy, at Pamela sa akin. Pareho silang may dalang mga puting bulaklak. Ang ribbon sa dulo nito ay sobrang haba na sumasayaw iyon sa bawat ihip ng hangin.

Isang pathway ang ginawa sa puting buhangin ng carles. Dalawang linya ng corales ang ginawang giya para matungo ang isang arko na puno naman ng mga kabibe.

Nilingon ko si Ali sa sobrang gulat. He stopped the machine and he let the boat be washed back by the waves from the far ocean.

Lumapit siya sa akin. Pinalupot niya ang braso niya sa aking baywang at hinalikan ang aking noo.

“Ano ‘to?” naiiyak kong tanong.

Although I remember him telling me he’ll marry me here. Hindi na ako nag-expect ng kahit ano. I’m already very content with our wedding in Manila.

“Everyone’s waiting for us. We can’t make out in the ocean like what you want,” tukso niya.

Hinampas ko ang braso niya. Of course, it’s fine! But then this is too much!

“Aia!” sigaw ni Lorie galing sa dalampasigan.
“Come here. I’m marrying you again, Thraia,” Ali whispered and held my hand so we can go out of the boat.

Kinagat ko ang labi ko at pilit na pinigilan ang luhang nagbabadyang tumulo. Tiningnan kong muli ang mga kaibigan naming naroon lahat. Ang mga lalaki ay may dala pang gitara. I can only imagine them offering Ali their support through playing right now!

Malalapad na ngiti ang iginawad ng mga naroon sa amin. At the end where the arc is, naroon ang tatay ni Lorie na paniguradong siyang mag oofficiate ng kasalang ito. Natawa ako na naiiyak habang sinalubong ng aming mga kaibigan.

Ali lagged behind me. Nilingon ko siya at nakita kong nakatitig siya sa ‘di kalayuang likod ng aming mga bisitang naroon.

I traced where his eyes went and saw three men wearing white longsleeve polos and khaki shorts. Sa gitna ay isang lalaking hindi ko inasahang magpapakita sa ganitong lugar sa akin.

Zamiel smiled. Tinapik niya ang balikat ni Ivo na seryosong nakatingin ngayon kay Ali.

Naglakad patungo sa kanila si Ali. Nilingon ng aming mga kasamahan ang pinuntahang mga tao ni Ali.

At first I thought he planned this. Now I realized he’s shocked with their presence, too.

Nang nagkalapit ang dalawa ay tumigil sila sa paglalakad. They talked a bit but they’re too far. We won’t hear them.

“Hala? Sino ang mga ‘yan?” tanong ni Lorie habang pinagmamasdan ang kausap ni Ali.
“Kilala n’yo, Thraia?” tanong ni Daisy na kuryosong tiningnan din ang mga iyon.
Tumango ako. “Ali’s relatives. That’s Ivo he’s talking to…”
“Huh? Siya ‘yong…” hindi na nadugtungan ni Pamela ang sinabi.

Kumalabog ang puso ko habang pinagmamasdan ang mga matang seryoso nila. Ano kaya ang pinag uusapan ng dalawa.

Lumapit si Kajik at Zamiel sa dalawa at nang nakita kong nagtawanan na ay para akong nabunutan ng tinik.

The guitar strummed making Ali look their way. He invited the three men and then went to me.

Hindi na nagtanong pa ang aming mga kaibigan. Pumwesto na sila na tila ba pinag ensayuhan nilang mabuti ito.

“Thraia, dito ka!” sabi ni Lorie sabay turo sa pinadulo ng linyang ginawa nila.

Tumango ako at lumapit ngunit hindi ko na naiwasan ang paglingon sa tatlong lalaking kadarating lang.

Zamiel and Kajik blend in with our friends while Ivo’s eyes fixed on me.

Hindi ko alam kung paano siya pakitunguhan. He looked so serious and distant as he watch me lagging behind everyone.

Isang ngiti ang iginawad ko para sa aking kaibigan. To my surprise, he gave it back to me and then he slowly walked towards me.

Nagsimula na ang seremonyas. Si Ali ang unang naglakad patungo sa arko. Sumunod ang mga kaibigan naming naimbita.

Ivo walked beside me. He offered me his hand and gave me an assuring smile.

“Ako ang dapat na naghatid sa’yo patungo sa altar…” he said.

Nilagay ko ang aking kamay sa kanyang palad.

The tears that pooled in my eyes couldn’t stop from falling now. It only makes sense. Itinuring ko rin siyang pamilya ko bukod kay Alejandro at Ate Ethel!

“I’ll lead you to him,” his voice was filled with bitterness as we both walked slowly behind my friends.

Tapos na ako sa mga salita. My tears just wouldn’t let me speak.

“I’ll lead you to him now… willingly, Thraia.”

He smiled lightly. Naramdaman ko ang pagpapakawala niya gamit ang mga salita.

Nang ang lahat ng mga kaibigan ko’y nakapwesto na, ako naman ang dapat na maglalakad patungo sa seryosong si Ali na nag-aantay sa arko. Holding my hand, is Ivo, my beloved, my brother, my friend…

Beyond the pain and the past is the present that I’m sure could endure the future.

Waiting in front of us is Ali – my life, my everything, my love, my strength, my husband…

Destiny has its own way of writing things. Just when I’ve written it on the shore, that Ivo is my future. Ali’s already written in the stars for me. Kaya kahit anong iwas ko, kahit anong sagip ko sa nararamdaman ko, kahit anong trahedya ang nangyari, sa kanya at sa kanya parin ako patungo.

Naglahad ng kamay si Ali sa akin. Ang hawak ni Ivo na kamay ko’y nilapag niya sa palad ni Ali.

“Thank you for the brotherhood, Ali. For understanding me not as your enemy, like what I did… but as your brother. You completely deserve her,” Ivo said and tapped Ali’s shoulders.

Napagtanto ko kung gaano kahalaga ang bawat kasal namin ni Ali.

Ang unang kasal namin sa barko ay nagpapatunay na pakakasalan ko siya kahit na hindi pa naaayos ang lahat, kahit na walang nakakaalam, at kahit na halos walang bisa. Ang pangalawang kasal ay nagpapatunay na kaya ko rin siyang pakasalan, hadlang man ang lahat at sa gitna ng mapanuring mga mata. Ang pangatlong kasal namin ngayon ay nagpapatunay na kaya ko siyang pakasalan ulit habang pinapakawalan ang lahat ng sakit ng nakaraan.

Wala akong ginawa kundi ang tingnan si Ali habang kinakasal kami. Habang patuloy na lumuluha ang aking mga mata.

I worship him so much. It amazed me how much he can forgive everyone who hurt him, easily. It amazed me how he stayed silent whenever he’s in pain… he never expected anyone to notice he’s hurt.

Our second wedding gave me only a little time to explain the love I’m feeling. Right now, I couldn’t help myself anymore.

“Ali, women who fell for you see yout physical appearance and your money,” Humalakhak ako. “I’m falling for your very nature. I fell for your cruel side. I fell for your playful side. I fell for you who patiently braced the pain I gave while I’m hurting. I fell for you who constantly reminded me that relationship doesn’t work without honesty and communication. I fell for you who healed me from the pain and sorrow life gave me. I fell for your love, Ali. Thank you so much for showing it first.”

Narinig ko ang mga singhot galing sa mga bisita namin. Yumuko si Ali at kitang kita ko ang pamumula ng kanyang mga mata.

“You showed me how to love me. You showed me understanding, patience, sincerity. You showed me forgiveness. I reflected everything you showed me. Maraming salamat at dahil sa’yo natuto ako makinig, mag pasensya, magpakatotoo, at magpatawad. Dahil sa pagmamahal mo, natuto akong magmahal ng tunay.”

Nag-angat siya ng tingin. He smiled playfully like he’s already annoyed with my speech. It made him tear up so bad that he gave me dagger looks.

Humalakhak ako ng kaonti.

“You told me I’m your everything. It’s the other way round. You are my everythig. You told me I’m your riches. No, Ali. You are my riches. My memories of you and all the memories we’ll create in the future. Ali, you are my everything.”

Naganap ang salu-salo sa mga cottage. Nagset up ng mga upuan at lamesa ang mga kaibigan ni Ali at doon kumain ang lahat.

He was silent the whole time as he sat beside me. Si Zamiel, Ivo, at Kajik ay nasa parehong lamesa namin, kumakain at nag-uusap na tungkol sa lugar na ito.

“You should research, Kajik,” si Ivo.
“Ginagawa ko iyon. Maayos naman ang nagpaplano roon.”
“Did you research about your plan then, Ivo?” si Zamiel.
“Of course, I did. Nakapagresearch na ako ng ilang taon tungkol doon.”
“Kung ganoon, bakit ngayon mo lang naisip?”
Nagkibit ng balikat si Ivo.

Hinayaan ko silang mag-usap. Ali’s silent. Nakakapit sa akin at tingin ko’y natutulala. Probably very amazed by what I just told him on our wedding.

Humalakhak ako at nilingon siya.

“Tahimik ka…” bulong ko.

Matalim niya akong tinitigan.

“You gave me too much words to ponder today.”
Tumawa ako. “Hmm…”

Niyakap niya ako at ibinaon ang kanyang mukha sa aking batok. Pakiramdam ko’y hindi ako makakawala talaga sa kanya.

“I wish our children will look like you,” he whispered. “And act like me.”
Natawa ako roon. Hindi na ako umangal.
“I can’t wait to bed you,” he whispered softly.

Uminit ang pisngi ko at tinampal muli ang kanyang kamay. Sumungaw ang ulo niya para sa kanyang mga kamag-anak.

“Uuwi rin ba agad kayo, Zamiel?” tanong niya.
Umiling si Zamiel. “We have time.”
“And we’re not staying in a hotel,” dagdag ni Ivo. “We’ll stay wherever your house is, Ali.”

Kumunot ang noo ni Ali at muling binaon sa aking batok ang ulo.

“Damn Ivo.”

Nagtawanan ang tatlo. Tila talagang pinaglalaruan nila si Ali. Nakitawa na lamang ako sa kanila.

“Thraia, Thraia!” si Lorie na panay ang tingin sa tatlong kasama namin sa lamesa. “Ihagis mo na ang bouquet mo! Sige na!”

Tumawa ako at tumayo.

“Sige!”
“Oh, Ali. Iyong laro naman para sa mga lalaki ha? Para malaman kung sino ang susunod na ikakasal.”

We spent the whole day partying beside the shore. The happiest moments in life aren’t those that cost so much, sometimes it doesn’t cost anything.

Most of the time, happiness means being there. Being together.

That’s what matters the most.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

2

Comments are closed.