Waves of Memories – Kabanata 49

November 19, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 49

Kabanata 49
Forgive

Sinama ako ni Ali sa ospital. Iniisip kong hindi dapat ako naroon pero kung iyon ang gusto niyang mangyari ay kailangan ko siyang suportahan.

Deep inside of me, I wanted to talk to her grandmother. Alone. I understand where Senyora Domitilla is coming from. I recognize my faults as well. I want to hear more of her side and I want to even just say a little of my side.

Alam kong maaaring puro masasamang salita lamang ang matatanggap ko galing sa kanya ngunit tatanggapin ko ang lahat ng iyon. This is Ali’s grandmother after all. She’s his family. At alam ko ang pakiramdam ng walang pamilya. Maswerte si Ali na may mga magulang siya, kamag-anak, at Lola. He should treasure her. Sa mga nangyayaring ito, tila mas lumalamang pa ang pagpapahalaga ni Ali sa akin sa kanyang lola.

“Ali, thank God she’s fine…” salubong ni Annaliese Mercadejas kay Ali.

Sa labas ng pribadong room sa isang exklusibong ospital ay naroon ang pamilya ni Ali. Uriel Mercadejas was on the phone while Ivo’s staring blankly at the floor.

Nasa likod ako ni Ali. Sinusubukang h’wag makalikha ng ano mang ingay na magpapalingon sa kanila.

“Should we halt the decision, Kuya?” tanong ni Uriel Mercadejas pagkatapos na ibaba ang cellphone.

Nag-angat ng tingin si Ivo sa dalawang nakakatandang kapatid. Anton Mercadejas fell silent. Obviously unable to decide what should be done.

“Tito,” Ali called.
Nilingon siya ni Uriel. Nakatayo silang tatlo habang nag-uusap. Ivo remained seated on the bench just in front of the private room’s door.
“Lola’s words are absolute. If the board wishes to change the CEO, please do so,”
“This is not a joke, Ali,” si Uriel na parang hindi makapaniwala.
“Would changing the chairman mean a joke to you, kuya? Kapag ba ako ang CEO, hindi na magiging mabuti ang patakbo ng kompanya?”

Kitang kita ko ang sakit na dumapo sa mukha ni Ivo pagkabitiwan ng mga salitang iyon. Everyone fell silent. They all turned to Ivo.

Anton Mercadejas slowly went to their youngest sibling. Kitang kita ko ang pamumula ng mga mata ni Ivo habang tinitingala ang kanyang kuya. He looks like he’s ready to punch someone.

“That’s not what we mean, Ivo. I’m sure father would want you to create something from scratch instead of inheriting what’s already considered on top…” Huminga ng malalim si Anton.
“Don’t you bring that up. You just want it for yourself kaya ayaw mong ako ang ipahawak kahit na nagdesisyon na kanina!” Ivo said in a frustrated growl.

Parang pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan siya. What does it feel like to be in his position?

Tumawa si Uriel at pagkatapos ay umiling. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang magkapatid. Obviously, Uriel is the insensitive one.

“The decision isn’t done, Ivo. No facts has been given about the company’s sales. The investors should’ve been given that right to compare the sales of the company while you’re the CEO and when Ali’s the CEO. Hindi iyong personal na atake. Hindi iyong puro paninira at-”
“Uriel, that’s enough!” pigil ni Anton.
“Come on!” tinalikuran ni Uriel ang dalawang kapatid at umiling na lang ito.

Lumabas ang nurse galing sa pribadong room. Kasunod noon ang doktor. Tumigil sa pagtatalo ang magkakapatid para bumaling sa doktor. Tumayo si Ivo at naunang magtanong.

“She’s well. Nakapagpahinga ng ilang sandali but to be sure, she needs complete rest for the week…” sabi ng doktor.

Annaliese Mercadejas wants a thorough explanation of her condition. Pinagmasdan ko ang ina ni Ali habang nakikipag-usap ito sa nurse at doktor.

Bumukas muli ang pintuan at sumungaw ang isang nurse doon. Pinasadahan niya ng tingin ang mga lalaking naroon sa labas kasama ko.

“Gusto pong makausap ni Senyora si Uriel, Anton, at Ali,” anito.

Ali quickly turned to me. Tumango ako sa kanya. Bumaling siya kay Ivo. Nagkatinginan ang dalawa. But in the end, Ali went to me for a quick kiss on the cheek.

“This will not take long,” sabi niya.
“I’ll wait here,” I assured him.

Nauna na si Anton at Uriel papasok. Huling pumasok si Ali at naiwan kaming dalawa ni Ivo sa labas.

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Only disturbed by the noise of his footsteps when he went back to the bench.

Nanatili ako sa kinatatayuan. Tinitingnan si Ivo.

It’s crazy how at one moment, my heart aches for him and the next I felt the weight’s been lifted on me.

Unti-unti akong lumapit sa bench. Bahagya niya akong nilingon pero nanatili paring nakatingin sa sahig.

I sat on the other end of the bench. Mataman ko siyang tiningnan kahit na nanatili ang mga mata niya sa sahig.

Siguro ay hindi naman ako nawalan ng problema kaya nawala ang bigat sa aking damdamin. Naging mas sigurado lang ako sa aking sarili kaya mas gumaan ang pakiramdam ko. I guess that’s it. If you have a sure stand in your life, it won’t be that hard anymore.

“Ivo,” marahan kong tawag.

He only glanced at me a little.

“I’m sorry for everything.”

Huminga siya ng malalim na tila maraming gustong sabihin pero pinili na manahimik.

“I know that sorry isn’t enough to bring everything back to whatever it was. I just really want to say sorry. Sa lahat ng mga bagay na maaaring ginusto kong gawin nang hindi iniisip ang kapakanan mo. Sa pagiging makasarili ko…”

Napangiti ako nang naalala ang aming kabataan. How I’m so fond of him. Thinking that he’s my lifeline.

“I can still remember how much I adored you back when we were young. Hindi ko na alam kung anong klaseng pagmamahal ang ibinigay ko sa’yo dahil hindi pa naman ako nakakaranas ng pagmamahal bukod sa pagmamahal sa pamilya.”

Tears rolled down his cheek kahit na matalim na ang tingin niya sa sahig.

“I just know that I can’t stand seeing you hurt. Not to the extent that I will keep quiet just so we wouldn’t fight, yes. But I really cared for you. Sincerely, Ivo-”
“Pagbalik ko galing ibang bansa, alam kong may namamagitan na sa inyo ni Ali. H’wag kang magkaila, Thraia. Nalaman ko na iyon at tumahimik na lamang ako dahil iniisip kong bata ka pa at wala ka pang muwang sa mga ginagawa mo.”

Namilog ang mga mata ko. I wonder when was the first time he realized that. Pakiramdam ko kasi ay bigla ko na lang naramdaman na may alam siya.

“If you loved me sincerely, what happened?” nilingon niya na ako ngayon.

His sorrowful eyes told me that I messed up bad. I hurt him and I’m hurting because of that.

“That’s why I’m asking for an apology. I couldn’t tell you about it because I wanted so bad to stay loyal. Ikaw ang meron ako noon kaya pinipilit ko ang sarili ko… na mahalin ka… na h’wag kang biguin. Pero habang ginagawa ko iyon, mas lalo tayong nagkakalayo. I tried hard even when I was falling for Ali. I denied my feelings for him. I ignored the pain because I wanted to stay like that with you…”

Napaawang ang labi ni Ivo at mas lalong bumuhos ang mga luha niya.

“I’m sorry that I’m not strong enough to hold on to us while I grow. Pero hindi nito ibig sabihin na hindi na ako nag-aalala para sa’yo. Mahalaga ka sa akin, Ivo. At palagi kang magiging mahalaga sa akin.”

Sinalubong ko ang takas na luha sa aking mga pisngi. For a long time, we stayed silent. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko. Basta ang alam ko, kailangan kong sabihin sa kanya ang lahat ng nasa aking puso.

Natuyo na lamang ang aking luha ay nanatili parin kaming tahimik. Kinalma ko ang aking sarili. Naramdaman ko ang mas lalong pag gaan ng aking puso.

Sa bawat katotohanang sinasabi ko, gumagaan ang aking pakiramdam. Siguro ganoon nga talaga ang nararapat.

The door clicked open. Lumabas si Uriel at si Anton. They both went to Ivo. Tumayo si Ivo at tahimik na nakipag-usap sa kanyang mga kapatid.

Ali’s the last one to go out. Malalim na hininga ang pinakawalan niya nang nakita akong nakaupo sa bench.

Habang ang tatlong magkapatid ay nag-uusap at nagpasyang dalhin ang usapan sa ibang lugar, nakapagdesisyon naman ako ngayon.

Sinalubong ko si Ali. Tinatanya niyang mabuti ang nababasa sa aking mukha.

“Ayos lang ba si Senyora Domitilla?” tanong ko.

Tumango si Ali at hinawakan niya ang aking kamay. Hinawakan ko rin ang kanyang kamay para makuha ko ang buong atensyon niya.

“I want to talk to her. Alone.”

Kahit na nagulat si Ali ay nanatiling nananantya ang kanyang mga mata. I feel like he’s memorized every bit of my soul that he can immediately read what’s going on my mind.

“I don’t want you-”
“Ali, I can handle everything that she’s going to throw to me.”

Tipid akong ngumiti. Although I’m sure it’d hurt. I want everything that’s weighing me down lifted. And like what happened to me and Ivo, this is the only way to do it.

“Fine. I’ll give you fifteen minutes. Please, don’t stay there too long.”

Hinaplos ni Ali ang aking buhok. Tumingkayad ako para halikan siya sa pisngi. Kitang kita ko ang gulat niya sa ginawa ko at nilagpasan ko na siya para makapasok na sa kwarto.

Pagkapasok ko pa lang ay kitang kita ko na agad ang iritasyon sa mukha ni Senyora. The nurse looked at me with curious eyes.

“Bakit ka narito?” unti-unting nag-init ang kanyang tono.

Hindi na ako lumapit pa. Nanatili ako sa paanan. She looked a bit tamed than her long on stage. Wala ng bahid ng make up sa kanyang mukha. Ang damit ay pang ospital na. But then even though she’s all sick, you can still see her aristocratic features. Probably why her sons and grandsons are good looking.

“Senyora…” tawag ko.

Her lips formed a thin line. I know my words mean little to her but I think little words are better than silence and indifference.

“I’m sorry for the pain I inflicted to your family.”

Nanliit ang mga mata niya. Although my heart is aching so bad, I would like to take this chance to say everything to her. While she’s calm.

“Alam ko po na nakita n’yo ang paglaki ko. I have loved your son like a brother. I was young and naive then. I have no knowledge about the world until I realized my own dreams. Senyora, salamat po sa halos pagkupkop n’yo sa akin kahit na mahirap lang po ako. I’m Ivo’s friend and you treated me like a guest in your house until all of these happens.”

Bahagyang umawang ang kanyang labi. Hindi ko alam kung bakit.

“I didn’t mean to fall for your grandson while I’m growing and pursuing my dreams. Kung nadidiktahan lang po ang puso, sana sinunod ko na ang gusto n’yo… para lang matigil na ang lahat ng ito… para lang wala na akong masaktan kundi ang aking sarili.”

Kumunot ang noo ni Senyora. Her features hardened and tears pooled at the sides of her eyes.

“Hindi ko po kayang diktahan ang aking puso. At hindi ko rin po kayang diktahan ang mga taong nasa paligid ko. So… I accept your hatred and anger towards me. I accept that you just wouldn’t forgive me for all my mistakes. But I ask you to please forgive Ali.”

Tumayo ang nurse nang nakita ang mga luha sa mga mata ni Senyora. She’s mouthing words and telling me to stop but I just want another chance. Konti na lang, Miss.

“Forgive him as your grandson. If he’s let you down so bad because he chose me, please forgive him. Ako na lang po ang kamuhian ninyo. Dahil kung wala rin naman ako, hindi magkakagulo ng ganito.”

Napalunok ako at matapang ko siyang hinarap.

“Kaya pasensya na po sa lahat-lahat. Humihingi po ako ng paumanhin sa lahat.”
“Leave!” nanginig ang boses ni Senyora habang sinasabi iyon.

Tumango ako at tuluyan nang dumiretso sa pinto. I have said everything I want her to hear. it hurts but then it won’t be healed without the pain.

Pinalis ko ang luha sa aking mga mata bago tuluyang lumabas.

Silent days passed by in Manila. Habang nagpapagaling si Senyora Domitilla ay inaayos naman ni Ali ang lahat ng bibitawan niya sa kompanya.

Each day, he’s slowly giving everything to Ivo. I continued working at Ethan’s company. Iniisip kong kailangan ko nang isipin ang aking professional development at baka sakaling ma promote ako at lumaki pa ang sahod ko.

He won’t be the CEO of MERC anymore. And I realized that it’s actually exciting to have him as a normal person. Hindi ko alam kung bakit. At hindi naman sa hindi siya normal kapag CEO siya. It’s just too surreal.

“I don’t think I should do this,” sa wakas ay nasabi ko rin kay Penny.

Excited siya sa nalalapit na kasal namin ni Ali. Hindi na pinapatagal ni Ali ang lahat. Aniya’y kailangan na naming makasal kaya pinroseso na ang lahat ng kakailanganin.

He even published it on some popular fashion magazines and it’s kind of an awaited wedding of the year.

We’ve been planning it for two weeks now. Lagi kong kasama si Ali. Ngayon lang siya hindi nasama dahil iyong mga detalye ng papagawing damit ng maid of honor (Penny) at mga bride’s maid ang gagawin ngayon.

“What?” iritadong sinabi ni Penny.

Nasa loob sina Jenissa at ilan pa naming colleague na ginawa kong bride’s maid. Alam kong gustong gusto ni penny na Maid of Honor siya. Siya pa nga ang nangongontak ng iba’t ibang kakailanganin kahit na may organizer namang nahire si Ali.

“This is too grand!” giit ko.

Una, my gown costs 500 thousand pesos. Doon pa lang ay umalma na ako kaya lang ay kasalukuyan na iyong ginagawa. Alam yata ni Ali na aalma ako kaya hindi niya pinadisclose ang presyo. Huli ko nang nalaman noong nag first fitting ako.

“Aalis na si Ali sa MERC. Alam ko namang may pera siya pero hindi ibig sabihin na ayos lang magwaldas dahil meron. Now that we’re both are just going to be normal employees, siguro ay mas mabuting simple lang ang wedding.”
Umirap si Penny. “Tingin mo papayag si Ali? H’wag na! Ang dami n’yo nang nagastos tas ngayon ka pa aatras? Hindi ba mas magastos kung aatras ka pa sa ganitong napagplanuhan ng kasal?”

I can marry Ali. I can marry him even when we’re just in a ship, with no ring, no bride’s maids, no gowns, no cakes, no everything. Kaya ko iyon at magiging sapat na iyon.

“’Tsaka, alam mo Thraia, hindi naman siguro ‘to papasukin ni Ali kung pagkatapos ng lahat ay wala na kayong pera. Oh? Bakit, saan ba ang honeymoon n’yo?”

Isa pa iyan. He’s planned out a very extravagant honeymoon. Mahirap siyang kontrahin lalo na dahil alam niyang ang pinoproblema ko ay ang gastusin.

I also have interviews from magazines dahil lang sa kasal. Iyong mga wedding preparations at kung anu-ano pa.

Indeed, it’s true that he wants everything published. He wants the whole world to know about our wedding.

Iyon nga lang, kaakibat ng pagtatanong sa akin tungkol sa wedding ay ang pagtatanong din sa aming istorya. I’m with Penny on my interview with a famous fashion magazine. Naka ilang beses na rin akong ganito at ang mga sagot ko’y puro vague lang. I don’t want it too publicize lalo na’t isang eskandalo ang nangyari noong nag imbita ng media si Senyora sa mismong botohan ng mga board members sa MERC.

“Do you feel guilty for making Antonius Lienzo Mercadejas leave his company?”

Hindi ako makaalma dahil recorded ang lahat. I don’t want them to think that I’m refusing to answer questions that are like this.

“It was his decision. He believed in Ivo Mercadejas’ ability to lead the company and I respect him for giving someone a chance to finally fulfill his dream,” sagot ko.

Lumabas pa si Penny saglit at paniguradong kung narito iyon ay aalma na siya para sa akin.

“What can you say about those people who think you only married him for his money?”

What the hell?

Napalunok ako roon.

“I’m self-made. I spend my own money for everything that I need. I don’t live beyond my means so I’m not really high-maintenanced woman. Ganoon din si Ali. He’s born rich but he’s humble and he wants to earn his keep. Probably the reason why we both clicked. Kaya hindi ko alam bakit may mag-iisip ng iba tungkol doon.”

Hindi ko alam kung paano ko nalagpasan ang lahat ng iyon. It’s all just stressful but fun at the same time.

“Ang galing mo!” sigaw ni Penny nang nabasa ang article sa magazine habang inaayos na ang aking buhok.

Umiling na lamang ako at natawa.

Kabado ako.

Everyone in Ali’s family is invited. Si Ivo, si Senyora, lahat. But then we received a notice that they both won’t be able to come to our wedding. Walang sinabing dahilan pero alam ko na iyon.

On this day, I’m also thinking about my family. Si Mommy at Daddy na sana’y maghahatid sa akin sa altar. I gave ate Ethel an invitation, too. Siya lang ang binigyan ko ng plane ticket galing sa aking pera para lang makapunta rito.

Gustuhin ko mang isama ang mga kaibigan namin sa Carles, alam kong hindi na kakayanin ng pera ko. Ayaw ko ring ipaalam kay Ali at baka mag presinta pa siya na siya na ang gagastos.

The large double doors opened. My long gown flowed like a glittering lake behind me. I opened my eyes and saw how long the red carpet is before I go to Ali’s arms.

Hinigpitan ko ang hawak ng aking bouquet at mag-isang humakbang doon.

Unfamiliar faces of people filled my eyes. His direct family and my friends was the only one familiar to me. Doon ko napagtanto kung gaano ko ka kailangan si Ali. I can certainly do this world alone, but it’s so different when I’m with him.

Nakaputing tuxedo si Ali sa tabi ni Zamiel at Kajik. I want to see Ivo here too, happy for me. But I don’t want to be too idealistic. I know he just wouldn’t come.

Yumuko si Ali dahilan kung bakit natuon muli ang pansin ko sa kanya. Nagtawanan si Kajik at Zamiel at tinapik siya sa balikat.

Nang tumuwid siya sa pagkakatayo ay napagtanto kong namumula ang mga mata niya. Like he’s crying or is about to cry.

I smiled widely. This is the only tears I probably want to see in his eyes.

Tumigil ako sa harap nang malapit na sa kanya. Mas dumami ang mga camera roon. I kissed the cheek of his mother and father. His mother’s crying a bit pero pormal pa rin.

“Welcome to the family, anak…” bulong ng kanyang ina.

I bit my lower lip and I realized how good it is to hear that. Naglahad ng kamay si Ali sa akin sa isang paraang sobrang pamilyar sa akin.

I closed my eyes and I realized that it’s him. My memories are too messed up. I remember Ivo asking me for a dance but it has always been Ali’s hand that’s reaching out to me.

Dumilat ako at nakita parin ang kanyang kamay.

And I’d always reject him. Afraid of what he’s making me feel.

Hindi ko siya matandaan nang nagising ako. Wala akong maramdaman sa kanya nang nawala ang alaala ko. Siguro ay dahil sa takot ko. Dahil alam ko, ang pag-ibig na ito ay sadyang nakakapagpabago ng aking mundo.

Nilagay ko ang aking kamay sa kanyang mga palad tulad ng pagbibigay ko sa aking buhay sa kanya.

From this day on, whatever happens, I will stay with him.

Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay at agad akong hinigit. Pinadausdos niya ang kanyang kamay sa aking baywang para maalalayan ako…

I’m marrying the man of my dreams.

“Are you ready to be Mrs. Mercadejas?” he whispered in an amused tone.
Nagtaas ako ng kilay sa kanya. Tinitigan niya ako at agad siyang napapikit ng marahan.
“You’re too beautiful, I regret I invited the media…”
“Ewan ko sa’yo.”

Inirapan ko siya.

“Ali, pakasalan mo muna…” narinig kong marahang sinabi ni Kajik sa likod.

Ali smiled and then he touched the small of my back. We both turned to Him on the cross.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

2

Comments are closed.