Waves of Memories – Kabanata 48

November 19, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 48

Kabanata 48
Credibility

After dinner, dumiretso kami sa condo ni Penny. Naroon na si Ethan. Mukhang nagkasundo yata sila ni Ali.

“Patingin!” Hinawakan ni Penny ang aking kamay habang pinagmamasdan ang ibinigay na singsing ni Ali sa akin.

Si Ali at Ethan ay nasa balkonahe at nag-uusap ng panigurado’y tungkol sa mangyayari bukas.

Nanliit ang mga mata ni Penny pagkatapos makita ang aking singsing. Nagtaas siya ng kilay at halos nilapit niya sa akin ang kanyang mukha.

“You married him in a ship?” tanong niya.

Hindi talaga yata nagsink in sa kanya ang sinabi ko kanina. I would understand. She didn’t know anything about my relationship with Ali. She only thinks I hated him.

“I thought you never liked him?”
Huminga ako ng malalim. “I kind of hated him but… well, yes. We’ve been dating before I went to Batangas.”

Hindi siya kumibo. Parang litong lito siya. Hindi niya matanggap na may hindi siya alam sa akin. At least now she knows.

“I want to keep it a secret-”
“And you went to Batangas because?”
Ngumiti ako. “I got jealous when I heard he’s in Palawan with Lynea.”
“All those times you’re lost in the bar, you’re with him?” halos tumaas ang tinig niya. “At hindi kita nabuking dahil lang wala rin ako sa condo! Oh my God!”

Natawa na lang ako sa kanyang mga sinabi.

“I already know that Ali is crazy over you but I always thought you just… ignore him! Ngayon heto ka at papakasalan na talaga siya!”

Iyon lang ang bukambibig ni Penny buong gabi. Panay lang ang asar niya sa akin kung gaano ako kagaling na artista at nabilog ko siyang mabuti sa actions ko.

We went home very late. Tuwang tuwa si Ethan noong nalaman niya ang plano ni Ali na ilipat ako sa kanyang condo. Meanwhile, Penny is disappointed. Sabi niya gusto niya iyong kaming dalawa dahil boring si Ethan kasama sa condo.

I don’t know how they fixed their problem. Nang umalis kami’y busangot na ang mukha ni Ethan habang tinitignan si Penny na panay ang ngiti kaka kaway sa akin.

“Siguro ayaw ni Penny sa condo ni Ethan dahil nahihiya siya. Hindi pa siya pinapakilala sa mga magulang ni Ethan, hindi ba?” tanong ko kay Ali nang nakauwi na kami.
Nagtaas ng kilay si Ali. “Tapos niya nang ipakilala si Penny sa kanyang mga magulang. The reason why they made up from their last huge fight. The one involving his ex?”
“Oh? Hindi niya sinabi sa akin!”

The night turned out fine. Pero bago matulog ay napagtanto ko ang malaking mangyayari bukas ng umaga.

Ali asked me to go with him tomorrow. He’s not comfortable when I’m not around. Naiintindihan ko naman iyon dahil malaking problema ito. Ilang beses akong umalis nang nakitang may malaking problemang darating at hindi niya na kaya pang hayaan akong gawin iyon. Although I am sure I won’t leave him this time, I also want to support him in whatever he’ll do so I assured him I’ll come.

Iniisip ko pa lang na haharapin ko si Senyora Domitilla ay gusto ko nang umatras. Ivo will surely be there. They all probably know that my memories came back. Hindi ako galit sa kanya. He hoped we could still be together nang nalaman niyang nagtampo ako kay Ali. I understand too that he only wants to help me regarding our house back in Costa Leona. Si Alejandro naman ang may kasalanan talaga. Kung bakit niya naisip na kailangan akong pakasal kay Ivo para lang mabayaran ang bahay ay hindi ko alam.

Ali’s in his formal coat and tie while I’m wearing a black bateau dress, trying to equal Ali’s formality. Nakatingin siya sa akin habang naglalagay ako ng kaonting make up sa aking mga mata. He’s done with everything and only waiting for me kaya mas lalo tuloy akong na pressure.

Hinarap ko siya pagkatapos kong piliting matapos ang ginagawa.

“Sorry…” sambit ko.
He smiled a bit. “Come here…” sabay tapik niya sa kanyang hita.

Nagulat ako roon. Akala ko’y yayayain niya na akong umalis pagkatapos ko pero mukhang may oras pa kaming maglambingan.

Uminit ang pisngi ko. I find it so hard to come close to him. Or worst, sit on his lap. Dahan-dahan akong umupo roon, trying my best to balance myself from the pumps I’m wearing.

Agad niya akong niyakap. His head fitted on my shoulders.

“Promise me you’ll support me in everything that I do?” he asked.
Tumango ako. Ginantimpalaan niya ako ng malambot na halik sa pisngi.
“And you’ll have a meeting with our wedding organizers tomorrow?”
Natawa na lamang ako. “Fine.”
“Okay, then. I’m done.”

Hinalikan niya pa ako ng ilang beses sa pisngi bago siya nagpasyang umalis kami roon.

Ito ang unang pagkakataong makakapunta ako sa kanilang kompanya. Mas malaki ang kompanya nila sa Le Viste. Kung sabagay… sila na marahil ang nagsusupply sa lahat ng mga real estate companies. Matagal na rin ito at subok na kaya maraming kliyente.

The first floor of the building, it looks like a hotel. Ang sabi ni Ali, roon daw madalas ganapin ang meetings ng board, presentations, parties, at kung anu-ano pa. His great grandmother designed the whole place and it is screaming of extravagance.

Maihahalintulad ko iyon sa bulwagan ng kanilang mansyon, mas maliwanag nga lang at mas moderno.

Upstairs are the offices of their employees. Since ang ipinatawag ni Senyora Domitilla na meeting ay gaganapin sa isa sa mga hall doon ay ‘di na kami umakyat.

The media stayed outside the hall. Mayroon ding nag-aabang sa labas at nalagpasan namin iyon ni Ali. He refused to say anything to them and here we go again this time.

“Mr. Mercadejas, gaano po ka totoo na nagalit po si Paul Angeles dahil may third party daw ang relasyon n’yo ni Lynea?”

Nanuyo ang lalamunan ko sa tanong ng isang media. Ali’s jaw clenched. He tried so hard to keep quiet outside pero alam ko na sa tanong na ito, hindi niya na kakayaning manahimik.

Napatingin ang mga naroon sa akin. Cameras were directed at me and I realized how their family is too showbiz because of all of these. Tuwid akong tumayo nang tumigil si Ali para sagutin iyon. Ang aking kamay ay nasa kanyang braso.

“There’s no third party. Lynea Angeles is not my girlfriend,” sabi ni Ali sabay patuloy sa paglalakad.
“Paano nangyari iyon gayong muntikan na kayong ikasal ilang taon na ang lumipas-”

Hindi na sinagot ni Ali. Dumiretso na kami sa loob ng hall kung nasaan tila may party’ng gaganapin. Indeed, Senyora Domitilla loved this kind of set ups.

Ali found a table in front of the stage. Naroon na ang kanyang ama at ina. Iminuwestra ng kanyang ina ang upuang tabi niya para sa amin. Sumunod si Ali sa gustong mangyari ng ina at pinaupo niya ako roon.

She’s silent and serious. She greeted me with a cheek to cheek before turning to her husband. Umupo si Ali sa tabi ko at agad kaming napalingon nang nakita ang dumating.

The media flocked behind Senyora Domitilla Mercadejas. She looked dramatic. Almost like those western queens sporting an all white hair and terno dresses. Her lips were in a thin line as he graced the hall to sit on the next table.

Kasunod niya si Ivo na ngayon ay may suot na kulay abong coat and tie. Tumayo si Antonius Mercadejas Jr. para salubungin ang kanyang ina but I saw how she shook her head. She didn’t even look at him.

Bumalik ang ama ni Ali sa aming lamesa ng umiiling.

Si Paul Angeles ang unang nagsalita. Ali squeezed my hand as he started his speech. All the board members were behind us. Tingin ko’y namroblema ng husto sina Ali dahil majority ng board ang nakumbinsi ni Senyora na si Ivo ang iboto bilang CEO.

Si Lynea ay nasa tabi ni Senyora Domitilla. Nakalugay ang kanyang itim na buhok at isang puting spaghetti strap ang suot. Hindi siya kailanman bumaling sa banda namin.

“I am withdrawing my shares in this company for a very personal reason. My daughter is the only family left of me and I can’t afford her hurt. I know that most people know what happened and I’m disappointed how it all turned out. Madame Domitilla Mercadejas, I have my utmost respect to you and your family. However, I see no reason to continue investing in a company that I don’t trust anymore.”

Iyon ang pinaka lamang ng sinabi niya. Puro patama sa pamilya ni Ali ang sinabi. And I’m sure that it’s his direct family and not for Senyora Domitilla and Ivo.

Nagkatinginan kami ni Ivo. He looked serious. Hindi ko alam kung anong irereact ko but I tried to give him a weary smile… to tell him that whatever happened before, I still treat him the same. But then he looked away and crossed his arms. Yumuko ako at inintindi na lang ang lahat.

Si Senyora Domitilla ang nagsalita pagkatapos ni Paul Angeles. Umingay ang board members at agad akong nakarinig na ipapaboto na sila ngayon sa magiging bagong CEO ng kompanya.

I feel sad for Ali’s father. He’s talking to some of the board members who are there and probably his ally. Napatingin naman ako kay Annaliese Mercadejas na sinlamig ng yelo habang tinitingnan ang stage kung nasaan si Senyora.

“Good morning to the board and the important people of the MERC! First of all, I am deeply saddened at Paul Angeles’ withdrawal of shares in the company.”

Mahaba ang pagbibigay niya ng pugay sa pamilya ng mga Angeles. Paul Angeles kept on nodding his head. Lalo na noong sinabi ni Senyora na kakatapos lang ng kaarawan niyang naganap sa isang isla sa Palawan. She thought the bond was getting stronger until this happened.

“I assure you that our company can still be trusted despite the broken promises of my grandson.”

Halos mapamura ako nang tinukoy niya talaga ang ibig sabihin nito. Ali stiffened a bit. Immediately, I squeezed his hand. Sa gilid ng aking mga mata’y nakita kong tumingin si Ivo sa banda namin pero hindi ko na siya sinuklian ng tingin.

“To ensure the company’s loyalty to the investors, I now open the votation for a new chairman…”

Umingay pa lalo ang paligid. Umiling ang ama ni Ali pero bukod doon ay wala na siyang ginawa. He looked at Ali and he gave him a nod. Pero bago ko pa maintindihan ang ibig sabihin ng mag-ama ay nagulat kaming tatlo nang biglaang tumayo si Annaliese Mercadejas.

Habang nagtataas ng kamay ang mga board members nang tawagin ang pangalan ni Ivo ay lumapit ang mama ni Ali sa kinatatayuan ni Senyora. His grip on my hand loosened like he wanted to go up to his mother and stop her but it’s too late.

“We now have a new chairman!” patuloy ni Senyora Domitilla bago niya nakitang lumapit na ang mama ni Ali.

“Excuse the interruption but I felt the need to voice out something in my head,” sabi niya dahilan kung bakit natigil sa pagtataas ng kamay ang lahat.

Tumahimik bigla ang mga nagsasalita. This woman knows how to speak her mind. I’m in awe as I look at her on that microphone trying to look at everyone’s eyes in a very cold manner.

“The previous chairman, my son, was appointed by his father and grandfather a long time ago. It’s understandable…” napatingin siya sa akin. “He’s the first born of the Mercadejas’. And I’d like to believe that that’s one of the main reason why he was chosen to lead. Gusto ko pang sabihin ang iba pang bagay na makakapagpatunay kung bakit siya ang pinili pero ayaw kong isipin ninyo na nagbubuhat ako ng sariling bangko dahil anak ko siya.”

Senyora Domitilla gave her the floor. Tumabi ito at tahimik na pinagmasdan si Annaliese Mercadejas. Ali’s already busy telling his father to stop her. Pero salungat ang tingin ko roon. Mas mabuting magsalita rin ang isa sa kanila dahil masyadong nainsulto ang kredibilidad ng kanilang pamilya dahil lamang doon.

“Years ago, I agreed to a pragmatic marriage for my son. It is convenient and I don’t see any problem with it since Lynea Angeles is a good woman. My son then was young and too playful.”

Kitang kita ko ang bahagyang pagpapanic ni Paul Angeles.

“To tell you frankly, gaano siya ka passionate sa negosyo’y ganoon din siya ka walang interes sa pagpapakasal. I thought there was something wrong with him until I learned that he already has his eyes for someone.”

Ngumiti si Annaliese. I cannot believe that she can have a speech this organized at times like this. Siguro ay talagang ganoon na siya.

“Two years ago, he’s bound to marry Lynea Angeles’ and I’m sure you know the marriage is for convenience. We’ve known the Angeles since then and my son treats Lynea fairly. When he refused, nalaman ko ang dahilan niya. He never also wanted to talk about it with the media because he respects Paul Angeles and Lynea. He realized it’s his fault. For tolerating the culture of the family at nang dahil doon ay may nasaktan na siyang mga tao. I always wonder why Paul…”

Matalim na tingin ang iginawad niyta sa ama ni Lynea.

“Didn’t withdrew his shares back then. That was clearly a greater insult. But then maybe because Ali did not say anything about the rejection. He let everyone think otherwise since he was too guilty to inflict more pain to the family and of course to Lynea.”

She smiled. Hindi ko mapigilan ang biglaang kaba ko.

“By then, you should’ve known that my son isn’t up to it anymore. We closed that part a long time ago. We all know my son’s stand on this. His respect for Paul and Lynea is to the roof. He expects everyone to respect his decision, too. So now, in behalf of Anton and my son, I’m sorry that we’ve disappointed you. But… also, you have disappointed us, too.”

Lumapit si Senyora Domitilla kay Annaliese Mercadejas. Tila may hindi siya nagustuhan sa sinabi nito dahilan kung bakit din ito nagsalita.

“There is no doubt that I believe in Ali, Annaliese. Pero this decision speaks so much of his attitude towards the business. If he can’t stand for what the business needs, that means he’s not passionate enough to hold the business together. This is not all heart, anak. This is business. The competitors, at this moment, are celebrating. Thinking that we lost our legs and we’re only crawling back to stay put,” mariin niyang sinabi.

Nakitaan ko ng amusement sa mukha ang ina ni Ali. Tumango siya at tila tapos na sa sinabi.

“If my grandson couldn’t fight for what’s right for the busines, then he’s not suited to be a leader of the top cement company of the Philippines! If he is, then, Ali, I urge you to speak your mind right now. For the last time, prove to me how eager you are to get this position once more.”

Binitiwan ni Ali ang aking kamay. Tumayo siya at lumapit sa harap. Umiling si Ivo at tumuwid sa pagkakatayo si Lynea. Gusto kong kabahan pero ang tanging nagawa ko ay pagmasdan siya sa harap ng taas noo.

He gave me an unwavering confidence. Hindi ko mapigilan ang pagngiti.

He started it with a greeting for the board members and his family. He reviewed the past achievements of MERC at lahat ay nanatiling nakatingin sa kanya, obviously thinking that he’s really going back to the company.

Lynea couldn’t even help herself but clap with the other board members.

“The past years have been great. I never thought I could be this passionate in this business… however, months ago, I have completely made up my mind.”

Natahimik ulit ang lahat. Kumunot ang noo ko habang iniisip kung ano ang sinasabi niya.

“It’s a choice between the company and my fiancee.”

Umingay bigla sa usap-usapang inaya na ako ni Ali ng kasal. Napatingin si Lynea sa akin. I saw how angry she is at me.

“I choice her and gave the company to Ivo. I know anyone who’s passionate with the company can make a good leader. Nang bumalik ako para tulungan ang kompanya, ginawa ko iyon dahil importante ito para sa akin. And now, if the company will choose to have a new chairman, nothing has changed. I would gladly give way to the people who can probably do a better job.”

Umiling si Senyora Domitilla. Tila disappointed sa desisyon ni Ali.

“The company is owned by my grandmother, the board, and the employees. If I am not chosen to lead, I would gladly respect the choice of its owners. This is not about Mr. Paul Angeles’ withdrawal and Lynea…” napatingin si Ali sa dalawa. “This is about my credibility as your leader. If you think that I’ve lost it because I rejected the pragmatic marriage my family wanted… If you think that I’ve lost my strength because of the relationship I’m fighting for right now… If you think that I am not capable to lead because I chose the woman I love than to marry someone to keep the company intact… then I respect your opinion of me. I respect your decision.”

Parang tambol ang puso ko habang pinapakinggan si Ali sa harap. Pakiramdam ko’y mas tumaas ang respeto ko sa kanya!

Bahagyang pumalakpak ang kanyang ina. May iilang pumalakpak din sa board member. Pilit na tumayo si Paul Angeles. Lumapit na rin si Senyora Domitilla pero may ilan pang board na mabilis na pumunta kay Ali.

Bumalik si Ali sa aming upuan. Tumayo bigla ang kanyang ama at ina. They told us that they’ll leave from there.

“If Mr. Mercadejas is that confident to pull it off with lacking shares, then I am for him, Madame,” narinig ko ang isa.

Nagkagulo ang board members. Halos hindi nga makaalis ang ama at ina ni Ali dahil hinarangan na ng humangang board members. Paul Angeles looked so angry that he even cut off the board who’s talking in front.

“Let’s go…” ani Ali sa akin at naglahad siya ng kamay.
“Antonius Lienzo!” sigaw ni Senyora Domitilla nang nakita niya kaming tinatalikuran na ang lahat para makaalis doon.

Ali was about to turn around when everyone panicked. Nang bumaling ako sa kanyang lola ay nakita kong hawak na nito ang kanyang puso habang hinihingal, may dugong lumalabas sa ilong at unti-unting nawalan ng balanse.

Paul Angeles caught her. Pati rin iyong nagsasalitang board member. Mabilis na tinakbo ni Ali ang patungo kay Senyora Domitilla pero bago siya makalapit ay nakwelyuhan na siya ni Ivo.

“Look at what you’ve done!” sigaw ni Ivo sabay tulak kay Ali.

Nagulat si Ali roon. Dumalo si Ivo sa kanyang ina at siya na mismo ang bumuhat nito. Bodyguards immediately helped him.

Sobrang bilis ng nangyari na hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Both Annaliese Mercadejas and Anton Mercadejas went with the bodyguards.

Unti-unti ring nag silabasan ang mga board members. Nauna na rin si Paul Angeles. Huling tumayo si Lynea at nilagpasan niya si Ali. She stopped a bit in front of me pero nagpatuloy din sa pag-alis. Sumunod si Ivo at wala akong makita sa mukha niya para sa akin kundi disappointment. Iyon lang.

Pagod ko siyang tiningnan. Tumigil siya sa harap ko, nanliliit ang mga mata.

“This is what you want?” tanong niya sa akin.

Hindi ako kumibo. Nakita kong may kausap na si Ali na isang board member. Tumango si Ali at agad na may tinawagan sa kanyang cellphone.

“Tell me, Thraia, is this what you want?” sigaw ni Ivo sa akin.

Kitang kita ko ang pangingilid ng mga luha sa kanyang mga mata.

“Ivo-”
“Hindi ka ganito noon, Thraia! Masyado ka nang makasarili! What happened to starting alone with yourself? Huh? What happened to that?”

Hindi ako makapagsalita. I’m guilty of it. I told him I can’t entertain other matters aside from my personal life pero heto ako ngayon at magpapakasal kay Ali.

“You were problematic that’s why I paid for whatever’s causing your problems! I paid for your house and all your debts! When you told me you want to start a life alone, I gave you space! Binigay ko lahat ng gusto mo, Thraia! Pero ngayon? Malalaman ko na hindi mag-isa ang gusto mo? Iba ang gusto mo?”

Napapikit ako sa sobrang lakas ng boses niya. Tears rolled down my cheeks as I try to compose myself.

Bago pa ako makapagsalita ay nakita ko nang sinuntok ni Ali si Ivo. Mabilis akong hinarangan ni Ali na tila ba may magagawa ang katawan niya sa lahat ng sakit na binato sa akin ni Ivo.

Pinalis ni Ivo ang dugo sa gilid ng kanyang labi. Ngumiti siya kahit na sobrang lungkot ng kanyang mga mata.

“Ano? Masaya ka na?” bahagya siyang natawa.

Hinawakan ni Ali ang kamay ko at naramdaman ko kung gaano niya kagustong manuntok ulit. Agad ko siyang hinila para mapigilan.

“Ali, stop…” I softly said.
“Kita mo ang ginawa mo kay Mama? Sana maging masaya kayong dalawa!” sabi ni Ivo pagkatapos ay iniwan na kaming dalawa ni Ali roon.

Huminga ng malalim si Ali pagkatapos ay hinarap ako. He brushed off some strands of hair on my face. Inangat niya ang aking mukha.

“I’m sorry… Come on, let’s go home…” sabi niya sabay palis sa luhang lumandas sa aking pisngi.
Umiling ako. Hindi makabuo ng mga tamang salita.

Kitang kita ko ang takot sa mga mata ni Ali. Takot na sa pagkakaalam ko’y hindi ko pa kailanman nakita noon.

Hinila niya pa ako palapit sa kanya. Bumuhos ang luha ko sa lahat ng sakit. Sa lahat ng paninisi ko sa aking sarili. Patuloy naman niyang hinaplos ang pisngi ko. He locked my face with his palms as he grazed my nose with his.

“What are you thinking? Please, tell me…” he said.

Kinagat ko ang labi ko pagkatapos ay umiling.

The guilt crept in me but I promise I won’t leave. I will never leave again. I will never ever do that to him again. Hindi bale nang maisip ng lahat na ako ang masamang tao rito. Na dahil sa akin ang lahat ng ito. The only thing that matters to me is Ali. I have lost my family and for years I lived without anyone by my side… without anyone who cares for me like family. Si Ali na lang at meron ako.

Kailan naging kasalanan ang pagkapit sa mga mahal natin?

“Am I still worth the sacrifice, Ali?” nanghihina kong tanong. “Nawawala sa’yo ang lahat. Your family. Your riches. All because of me…”

Huminga ng malalim si Ali at hinawakan ang mga kamay ko.

“You are both my family and my riches, Thraia,” he said clearly.

Nagkatinginan kaming dalawa. Parang naghahamon ang kanyang mga mata. He’ll never really realize that even after all of these, I will never leave.

“Mr. Mercadejas…” tawag ng isang bodyguard sa aming likod.

Bumaling si kami ni Ali rito.

“Pinapasabi po ni Ma’am Annaliese na sumunod po kayo sa ospital. Nagkaroon po ng high blood pressure attack si Senyora at inabisuhan na dumiretso na lamang sa ospital para umayos ang pakiramdam.”

Tumango si Ali. Agad akong umiling sa takot na kung ano man ang nangyari sa kay Senyora, ang pagsunod ko’y mas lalo lang magpapalala rito.

“I can stay home, Ali. You should go and check your grandmother…” sabi ko.

Nanatili ang titig ni Ali sa akin. Tila may malalim na iniisip. Tumagilid ang ulo ko habang pilit na iniisip kung ano marahil iyon.

“Ali, I won’t leave your condo. I promise you…” ulit ko para malaman niya pero may iba pa siyang iniisip na hindi ko alam.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

21

Comments are closed.