Waves of Memories – Kabanata 46

November 19, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 46

Kabanata 46
Ring

Nag-unahan sa pagtakbo si Lorie, Daisy, at Pamela. Hindi naman ganoon ka tagal ang na mula nang umalis kami ni Ali rito. Nasa isang buwan o higit pa lamang pero nang bumalik ang alaala ko, mas lalong umusog ang mga araw para sa akin. It felt like years!

“Aia!” sigaw ni Lorie sabay takbo patungo sa akin.

Hinagod nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago ako niyakap ng mahigpit.

“Kumusta ka na?” patiling tanong niya.

Niyakap din ako ni Pamela at Daisy. Ang iilang kilala ni Ali na mga mangingisda ay nilapitan din siya roon.

“Ayos lang…” I smiled.

Kumunot ang noo ni Lorie at muli akong pinasadahan ng tingin.

“Parang may nagbago sa’yo! Kumusta ang Costa Leona? Kumusta ang lahat?” nanginginig niyang mga tanong.

Nagyaya si Ali patungo sa aming dating bahay. Hindi ko rin masagot ng mabuti sina Lorie dahil maging ang mga matatandang kakilala namin na nagtitinda rin sa palengke ay nakikichismis. I even saw Mylene on the sidelines looking at us.

“Ayos lang-”
“Anong ayos lang? Bakit nga pala kayo bumalik? Hindi naman sa ayaw kong bumalik kayo pero siguradong may nangyari kaya ka bumalik dito, hindi ba?” sunod-sunod ang sinabi ni Lorie.

Habang nagsinasagot din ni Ali ang mga tanong ng mga sumalubong sa kanya ay hinawakan niya bigla ang kamay ko. Pinagsalikop niya ang aming mga daliri.

“Magkita na lang tayo mamaya sa cottage,” si Ali.
“Marami kang kwento, ha!” si Dodong na siyang isa sa sumalubong sa kanya.
“Anong oras?” tanong ni Lorie nang narinig niya ang anyaya ni Ali. “Magtatagal ba kayo rito?” lumipat naman siya ngayon sa akin.
“Hindi kami magtatagal, Lorie. Magpapalipas lang kami ng gabi.”
“Huh?” litong tanong ni Lorie.

I smiled at her again. She looks so confused at our decisions but I’m sure she’d understand if I told her everything.

Ilang sandali kaming nanatili roon. Ayaw pakawalan ng mga kaibigan kaya matagal pa nang nakauwi kami sa dati naming bahay.

The furnitures were still there. Pati ang iilang appliances. Iyon nga lang, medyo maalikabok kaya naglinis pa kami ni Ali bago nag-ayos sa sarili.

“Are you going to tell them about everything?” tanong ko habang tinatanaw siyang inaayos ang sofa.
“Yes…”
“Wala ka bang pinagsabihan ng totoo sa kanila?”
Umiling siya.

Sometimes, it amazes me how he could stay so silent. He can handle secrets like a pro. Or maybe, the time calls for it.

“Pero nakilala ako ni Mang Emil…” ani Ali. “I told him to keep it a secret and he’s done a good job so far…”
“I don’t know how to exactly tell Lorie, Daisy, and Pamela about it…”

Hindi maalis sa isipan ko kung paano ko sisimulan ang pag-amin na ganoon nga ang nangyari. Although, it is understandable on their part since totoong wala akong naaalala noon.

Pagkatapos naming maglinis at mag-ayos ay umalis na kami sa bahay. Nagpaluto si Ali ng pagkain sa nanay ni Lorie at Dodong. It’s a treat for all of our friends there.

Nang nag alas sais y media ay nagsimula nang magsidatingan ang iba. Unang beses ko ngayong nakitang mas ginusto ng tatlo na nasa kabilang lamesa kami sa mga lalaki. Some common friend girls went, too. Naroon pa nga si Mylene. The shameless bitch has the guts to come here after everything.

Nakatingin ako kay Mylene ngunit ang tatlo ay diretso sa akin, expecting for more information about everything. I guess I have no choice.

Habang kumakain ay ikinwento ko sa kanila ang totoong nangyari. Kasama na roon ang pagkukwento sa tunay na katauhan ni Ali. I think that’s the most shocking part. At least, I’m still from Costa Leona, trying to make my ends meet through working in Manila. Ali is not the same. He’s so far from his “fisherman” identity.

Natulala ang tatlo pagkatapos kong sabihin iyon. Tingin ko’y pinakanagulat sila sa katauhan ni Ali.

Nilingon ni Lorie ang mga lalaking nagtatawanan na ngayon. Naka on na ang videoke at tingin ko’y pagkatapos nilang kumain ay magsisimula na ang kantahan.

“Konektado palang talaga siya sa mga Mercadejas ng Costa Leona?” medyo seryosong tanong ni Lorie.
“Kaya pala talagang pamilyar siya, Aia! At saan nga ulit kayo galing bago pumunta rito?”

I have to tell them that one, too. That while we were in Manila, I escaped and went here then to Isla de Gigantes for space. He found me so we talked. Doon na rin bumalik ang alaala ko.

Natulala si Pamela sa kanyang iniinom na softdrinks. Si Daisy naman ay kunot-noong nakatingin sa akin. Si Lorie ay tila nag-iisip ng karagdagang tanong.

“Jowa mo siya? Ang ibig kong sabihin, bago ka ma aksidente?”
“Parang ganoon… Nagpakasal kami sa barko pero hindi iyon legal dahil hindi naman na rehistro at bawal magkasal ang mga kapitan kapag hindi nasa bingit ng kamatayan-”
“E ‘di… ano kayo ngayon? Jowa mo siya ngayon?”
Tumagilid ang ulo ko. “Parang ganoon-”
“Anong parang ganoon? Ganoon!” pagalit niyang sinabi.
“Sinasabi ko na nga ba! Iyong tipo mo’y hindi sanay sa gawaing pampalengke! Kaya pala ayaw na ayaw ni Ali na magtrabaho ka ng kahit ano!” si Daisy.
“At si Ali rin. Hindi siya iyong tipong mangingisda ang kinagisnang trabaho. CEO? Gaano ka laki ang kompanya nila? Ang laki ng planta nila sa Costa, ah!” si Pamela naman ngayon.

Nagpatuloy ang pag eexplain ko kung gaano ka layo ang buhay ni Ali rito sa buhay niya roon. All the details about my work was brought up, too.

“Ang sweet! Ang swerte!” nanginginig ang ngiti ni Pamela habang paulit ulit ko ring sinabi ang nangyari.
“Ipapakasal siya ng Lola niya sa isang family friend nila,” sabi ko.
Tumango si Lorie. “Iyon nga ang sabi ni Dodong. Napag-usapan kasi namin iyan noong umalis kayo. Na iyong mga Mercadejas daw sa Costa Leona, mahilig sa pagkakasundo sa kanilang mga anak. Halos lahat yata ng Mercadejas d’yan ay pinagkasundo. Kaya naisip kong baka nga konektado si Ali sa kanila. At inilayo ka niya roon dahil inaayawan ka ng pamilya niya…”

Although it’s not really like that, I’m kind of touched that Lorie thought of this too much.

“Nasaan na iyong assistant ng tatay mo, kung ganoon?”

They were very serious when they talked about that part. Pero kalaunan ay nagawa na rin nilang mag loosen up at makipagbiruan.

“Grabe, parang gulat pa ako. Wala akong masabi,” si Pamela.

Sumulyap ako sa mga lalaki na ngayon ay nagtatawanan na. Mukhang tapos na ring nasabi ni Ali. Lalo na’t naroon si Mang Emil. Pasimpleng nakikisali na rin iyong grupo ni Mylene na nasa kabilang cottage naman kanina noong kumakain pa kami.

“O, ilang buwan na ba kayo bago na aksidente?” si Lorie, nang iintriga.
“Hindi ako sigurado kung kailan nag kami kaya…”
“E, ‘di ba kasal na kayo. H’wag mong sabihing walang nangyari sa cabin pagkabalik n’yo galing sa kapitan?”
Umiling ako pero dahil sa ngisi ko ay hindi siya naniwala.
“Weh?” si Daisy. “Kahit halik? Weeeh?”
“Kung halik lang naman ang tinutukoy mo, naghalikan na rin naman kami ni Ali kahit noong wala pa akong naaalala.”

Sa tili ng tatlo ay napatingin ang mga lalaki sa amin. Tumatalon talon si Lorie sabay headbang pa. Uminit ang pisngi ko sabay tingin sa mga lalaki. Ali was looking at me intently. He looks amused. Not sure if it’s because we’re too loud or something is funny in his group.

“Oy, anong kwento riyan?” si Dodong, biglang sumingit.
“H’wag na kayong makisali!” sigaw ni Lorie sabay lapit sa akin. “Sa labi ba, Aia? Sa leeg, wala?”

Now, I realized how uncomfortable this talk is. Damn it!

“Well, nahalikan na rin…”

Another wave of headbang and screams filled the place. Umiling ako at napainom na lamang ng tubig.

“Kahit noong mga bata pa naman kami-”

Tilian ulit na pakiramdam ko’y dapat na akong tumigil sa pagsasalita. They wouldn’t stop fishing for information. I couldn’t spill more because they’re violently screaming and shouting like something is wrong with us.

Pulang pula si Daisy at napapainom na rin ng alak dahil sa mga inamin ko. Iyon pa ng aang alam nila, ganyan na sila kung maka react.

“O, e ‘di magaling ba? Jusko, tingnan mo naman si Ali, hindi ba.”

Napatingin kaming tatlo ni Daisy at Pamela kay Ali. Nakahalukipkip ito habang nakangiti sa pakikinig sa kwento ng ibang kaibigan.

“Tingnan mo naman ang braso…”

Bumitiw na ako sa pagkakatingin. I know what’s next. His biceps are firm and looking at it reminds me of how they were also very firm each time he holds me close.

“Naninigas ‘yan kapag pinipirmi ang baywang mo, panigurado. Iyong nanggigigil na kasi masyado kang malikot-”
“Tumigil ka nga, Lorie!” putol ko sabay sapo sa aking noo.

Tinuro ako nI Lorie at nagtawanan silang tatlo. They just wouldn’t stop.

“’Yang mukhang ‘yan, panigurado may naiimagine! Lang hiya, Thraia! Ikaw na!”

Nagtawanan kami at hindi na ako nagsalita. Masyado na akong naaaliw na noong tumahimik sila ay nagtaka ako.

Ali’s arm snaked on my waist and he kissed my jaw. Amoy alak na siya. Pero kahit na ganoon, mukhang mas tumindig pa ang balahibo ko. His scent reminds me of those nights in the bar. Tuwing nakainom na siya at medyo matalim na ang dila. Damn it!

“What are you talking about?” he whispered.
“Naku, Ali! Leche! Tumigil ka! Nakakainggit kayo!” sigaw ni Pamela.
“Inom na nga lang tayo!” si Lorie sabay salin ng alak sa aming mga baso.

Humalakhak ako at pasimpleng nilingon si Ali. His lips pursed.

“You’re allowed to get drunk tonight…” he whispered.
Lumapad ang ngisi ko. “Wow. Are there nights that I’m not allowed?”
“May sariling mundo ang dalawang ‘to! H’wag na tayong sumali! Leche! Hustisya naman, oh!” si Lorie.

Nagtawanan kami ni Ali pero nagpatuloy siya sa sasabihin.

“Kapag wala ako, syempre hindi pwede.”

Sumulyap ako sa kanilang lamesa. Nasa tabi na ni Dodong si Mylene. Pero nakatingin parin ito kay Ali na tila dadagitin niya kapag malingat ako. Whatever, girl!

“Tapos ‘di ulit tayo tabi mamaya?” nagtaas ako ng kilay.
Umiling siya. “Definitely not…”
“Ba’t naman?” ngumiwi ako.
“Susubukin mo ang pasensya ko, I’m sure of that. You’re already testing my patience when you’re sane. Lalo na kapag nakainom, Thraia.”

Humalakhak ako.

“Hindi naman, ah?”
“H’wag na. I have poor tolerance to your horny voice that if you beg, my promises will surely be damned.”

Uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Ali. Ngumuso ako para pigilan ang nagbabadyang ngiti.

“Ano nang pinag-uusapan ninyong dalawa? Share n’yo naman sa amin oh! Sarap ba, Aia?” nakakahiyang tanong ni Lorie.

Hinalikan ni Ali ang leeg ko na paimpit na tili na lang ang nagawa ng tatlo. Like it’s too much, they couldn’t react properly anymore.

“Tabi ka sa akin pagkatapos n’yo rito…” Ali whispered.

Tumango ako at binalingan na ulit ang mga kaibigan kong hindi parin natatapos sa kanilang tilian. Bumalik si Ali sa cottage ng mga lalaki at naiwan kami roong nagtatawanan.

The night was smooth. Nagmasid lamang si Mylene sa amin. Napalibutan naman si Ali ng mga lalaki kaya hindi niya ito malapitan. Nang natapos naman kami sa kwentuhan at nagpasya si Lorie na lumapit na sa cottage ng mga lalaki ay mas lalong napalayo si Mylene.

I sat beside Ali. His hand rested on the back of my chair. Nakisali kami sa kwentuhan at tawanan ng mga lalaki. Nasusulyapan ko ang tingin ni Mylene sa amin pero agad ko iyong binalewala. Kung alam ko lang noon ang tungkol sa mga nangyari sa amin ni Ali, hindi ko na ito pagtutuunan ng kahit anong pansin.

The night ended peacefully. I was too tired to even open my eyes when we got home. It’s a good kind of tired. It made me happy.

Kinaumagahan, alad diez nang nagpasya kami ni Ali na umalis na at magtungo sa Costa Leona.

Kagabi, nagpaalam na rin kami agad sa aming mga kaibigan. They were all eager to see us again. Ali promised to come back. Maging ako’y gustong bumalik dito.

“We’ll buy a property in Carles…” Ali murmured on my hair.

Nasa loob na kami ng bus ngayon patungong Costa Leona. Hindi punuan. Iilan lang ang sakay noon at siguro’y dahil hindi naman weekend.

Tumango ako at binalingan siya.

“We’ll marry there, too,” he said gently.

I can’t help but agree. Ibang iba ang Ali at Aia na namuhay ng payapa sa Carles sa Ali at Aia na naroon sa Maynila. I want to marry him in all of our lives… and in this case, we created two. The one in Manila, and the one in Carles.

Tinagilid niya ang kanyang ulo.

“Where’s your ring?” he asked.

Ipinakita ko ang aking daliri na nakasuot na ang singsing ni Athena Galvez.

“Are you sure they’re in Costa Leona? Hindi sa Batangas?”
Tumango siya. “I called their hotel…”
“Oh? So we’re going to their hotel?”
“We’ll stay there for a while before flying back to Manila. Is that okay with you?”
“Of course!”

I briefly wondered if his parents knew where he is. Well, hindi na siya bata para alalahanin pa ng mga magulang pero ang paraan ng pag-alis niya sa event na iyon ay medyo nakakabagabag.

Hapon nang dumating kami sa Costa Leona. Diretso sa The Coast, ang hotel ng mga Galvez.

It’s a five star hotel sitting a few blocks away from the Mercadejas’ mansion. Nang nasa tanggapan kami’y napansin ko ang lawak at linis ng buong hotel.

“Good afternoon, Mr. Mercadejas,” bati ng babaeng nasa reception. “We’ve reserved a room for you.”

Habang inaayos ni Ali ang booking ay hindi ko maiwasan ang pag gala ng mga mata ko sa buong tanggapan. Ang marmol na kisame at ang malaking chandelier ay nagsusumigaw ng karangyaan.

Hinatid kami ng room boy patungo sa malaking suite na kinuha ni Ali para sa amin. Patungo roon, hindi ako makapaniwalang may ganitong klaseng hotel sa Costa Leona.

Hinawakan ni Ali ang aking baywang habang tinatanaw ko ang karagatan galing sa balkonahe ng aming room.

“Do you like it?” he asked.
Tumango ako. “I was so curious about this place when I was a child. Hindi nga lang ako makabisita rito dahil ang alam ko’y masyadong mahal ang pumasok.”

Karugtong lamang ito ng baybayin galing sa mansyon ng mga Mercadejas. only here, the sand is without sea weeds. Naglalakihang rock formation ang nakita ko sa gawing kaliwa. Tulad ng tinatayuan ng mansyon nina Ali roon sa kanila.

Tumunog ang telepono ng room. Hindi gumalaw si Ali sa pagkakahawak sa akin kaya ako na mismo ang lumingon.

“Someone is calling…” sabi ko.

He sighed and went to the phone. Humilig ako sa barandilya ng balkonahe at pinagmasdan siyang sinasagot ang tawag.

“Yes… We’re here… Okay. We’ll be right there…” si Ali sabay tingin sa akin.

Captain Solomon Galvez and his wife Athena Galvez are waiting for us in a table near the shore. Umiinom ng wine ang dalawa nang una kong nakita. May serbidorang nakaabang sa bawat gusto nila.

Tumayo si Athena Galvez nang natanaw ako. Solomon put his wine glass back to the table pagkatapos ay ginaya ang asawa.

Niyakap agad ako ni Athena. Napahalakhak ako sa kanyang reaksyon.

“Kumusta?” she said in an excited tone.

Nakitaan ko ng lungkot ang kanyang ngiti. Tingin ko’y alam niya ang nangyari sa akin.

“Ayos lang po. Kayo po?” tanong ko.
“We’re fine, hija…”

Nakipagkamayan si Ali kay Solomon. Iminuwestra naman ni Solomon sa akin ang upuan kaya sabay na kaming lumapit ni Athena roon.

“I was so worried when I heard the news. Mabuti na lang at naka recover ka na ngayon…” punong puno ng concern ang tono ni Athena sa akin.

The cloth of her white spaghetti strap maxi dress touched my legs. Naupo kami at agad na nagsalin ng wine ang isang waitress.

Napatingin siya sa aking daliri. Pagka angat ng tingin sa akin ay ngumiti siya. Slowly, I removed her wedding ring on my finger. Ikinagulat niya iyon. Nilingon ko si Ali at dahan-dahang kinuha ang kanyang kamay.

Ali understood what I’m about to do. Slowly, I removed Solomon’s wedding ring on Ali’s finger so I could give it back to the real owners…

“What happened?” medyo takot na tanong ni Athena Galvez nang nakita niya ang ginawa ko.

Ngumiti ako. She shouldn’t worry about it. We’re just returning these because it is truly theirs.

“No! No! No!” agad na umiling si Athena. “Don’t tell me…”

Kitang kita ko ang sakit sa mga mata ni Athena Galvez. Binawi ni Ali ang aking kamay. In one swift move, a he put a ring on my ring finger. Dalawang beses kong binalikan ng tingin ang aking daliri. Noong una, akala ko ay binalik niya ang singsing nI Athena. When I realized it’s a different ring, binalik ko ulit ang tingin ko roon, punong puno ng pagtataka.

“Thank you, Ma’am,” si Ali.

Laglag panga kong tinignan ang aking mga daliri. Athena’s face slowly relaxed. She smiled.

“The rings you gave us helped us remember the meaning of our relationship. I want to do it with her for real, this time.”

Nanuyo ang lalamunan ko. Habang inaangat ko ang aking kamay ay nanginginig ito. Bumaling si Ali sa akin. He smiled evilly.

Kailan siya bumili nito? And right when I removed Athena’s ring, ‘tsaka niya talaga ibinigay?

“We’re not leaving this island with your bare ring finger, Thraia.”

Kinagat ko ang labi ko. Kitang kita ko ang paghahamon sa kanyang mga mata.

“This is different, alright. If you remove that one, I won’t accept any apology…” he whispered.

Pumalakpak si Athena pagkatapos ay tumayo. Kinuha niya ang mga singsing at dumiretso na sa likod ni Solomon.

“I won’t remove this, Ali,” nanginginig ang labi ko.
“Good…” he gave me a soft kiss before finally looking at the couple beside him. “Thank you, Captain… Ma’am…”
Tumawa si Kapitan. “Anytime, Ali. You’re lucky my wife is a sucker for romance…”

Nagtawanan ang dalawa samantalang nanatili akong tulala sa singsing na ibinigay ni Ali sa akin. The large diamond looked so pretty. The smooth white gold holding it is perfection.

“Patingin, Thraia…” si Athena sabay lapit sa akin. “He was only waiting for you to remove that ring!”

Binigay ko ang kamay ko sa kanya at ipinakita iyon. I can’t believe I feel all giddy because of the ring while Ali seemed so normal beside me. Habang nag-uusap sila ni Solomon ay nasa likod ko ang kamay niya, drawing soft lines and circles on my arm.

“Maria Emilia is abroad. Kuya Remus is in Boracay so there’s absolutely no one who can watch over the operations of this branch but me…” sabi ni Solomon.
Tumango si Ali. “Hindi pa ba kaya ni Kael?”
“Mana sakin. Gustong maranasan ang lahat bago tuluyang mamahala. Aren’t you like that, too, by the way?” he laughed a bit.
“He’s still young, too, Ali. Maging si Snow ay nababataan kay Kael para mamahala kaya maayos lang din kung gusto niyang magsimula sa pinakamababa…” si Athena. “Snow is my niece, darling. She’s the previous President of The Coast. She’s in Manila right now, very pregnant with a Riego’s child.”
Tumango ako nang napagtanto kung sinu-sino ang tinutukoy niya.
“Ikaw, Ali? You’re of age. When are you planning to have a child?”

Ngumuso ako sa tanong ni Solomon. Umangat ang gilid ng labi ni Ali.

“’Di ka gumaya sa akin…” sabay tawa ni Solomon.
“Oh you crazy man. Don’t be such a bad influence to them!” iritadong sabi ni Athena.

Nagpatuloy sa baritonong tawa si Solomon.

“Kung sinagot niya ako noon, baka nga nagaya kami sa inyo, Captain…”

Pumikit ako ng mariin at hinampas ang braso ni Ali. Tumawa rin si Athena.

“Oh you didn’t like Ali before, Thraia?” gulat na tanong ni Athena na parang isa akong malaking puzzle. Bakit hindi ko nagustuhan si Ali noon?
“Uh… I like him secretely…”

Nilingon ako ni Ali. Nagtaas siya ng kilay at hindi matanggal ang naghahamong tingin niya sa akin. It’s true. Alright, I denied it to death back then but that’s the truth now.

“Then that’s a good thing you made it a secret! At least now, you’re both of age,” si Athena.

Biruan at tawanan ang ginawa namin maghapon habang nag memeryenda roon. Hindi nauubusan ng topic si Athena Galvez tungkol sa buhay mag-asawa at sa pagkakaroon ng anak. Si Ali naman at Captain Solomon ay nag-uusap tungkol sa negosyo at kung anu-ano pang bagay.

Agaw eksena ang kahel na langit sa kalagitnaan ng tawanan namin. Pare pareho kaming natahimik habang tinitingnan ang langit sa malayong dagat. Papalubog na ang araw. Umihip ang hanging habagat at sa ilang segundong katahimikan ay ang tunog lang ng mga alon ang naririnig namin.

The peaceful silence got broken when a waiter went to Captain Solomon bringing a wireless phone. Noong una ay umiling si Solomon, refusing the call, but the waiter leaned in and whispered something.

Tumayo siya at nilagay ang telepono sa kanyang tainga.

“Yes,” he said.

Before he could go and have a private conversation with whoever’s on the other line, nilingon niya si Ali. Ilang sandali siyang nakinig sa kabilang linya. His eyes looked a bit of shocked.

“Sasabihin ko sa kanya, Anton…”

Kumalabog ang puso ko nang narinig ang pangalan ng ama ni Ali. Nilingon ko si Ali na ngayon ay nanatili ang tingin kay Solomon. Solomon put the phone down before telling us what that was all about.

“Paul Angeles is threatening to withdraw his shares. Domitilla also wants to give the company to her youngest son…”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.