Waves of Memories – Kabanata 45

November 19, 2016 By In Waves of Memories 2 Comments

Kabanata 45
Love

I have limited clothes. Syempre, iyong mga damit lamang ni Penny ang dala ko. Pinalaba ko kagabi ang iilang naisuot ko na. Kokonti na lang ang natitira ngayon kaya sinuot ko muna iyong kay Ali.

We woke up very early. He ordered for coffee and breakfast but I told them to serve the coffee first. Hindi pa nga sumisikat ang araw.

Ali’s still in bed. Nakabukas ang pintuan ng aming kwarto dahil ako’y nasa labas, kaharap ang dalampasigan. Kulay abo ang langit. Wala pang bakas ng papasikat na araw pero paniguradong malapit na rin iyon.

Sumimsim ako sa aking kape pagkatapos ay inayos ang manggas ng suot kong puting longsleeves ni Ali.

“Sorry for calling you early…” sambit ko nang sa wakas ay tinanggap ni Penny ang tawag.

Pagkatapos ng ilang ring ay tinanggap niya rin sa wakas. Paniguradong nagising ko siya.

“Shit! Thraia! Oh my God! Where are you? Did Ali find you?” sunod-sunod ang katanungan niya.

A moan from her background echoed. Napangiti ako at binaba ko ang kape. Her voice filled the place dahil naka loud speaker iyon. Nakikita ko na ang sikat ng araw sa kung saan nagdudugtong ang dagat at langit.

“I-I’m sorry. Ang-Ang tagal kong naka alis sa airport noong umalis ka. Umiiyak pa ako roon tapos sumunod si Ali at Ethan sa akin. I don’t want to tell them about your parting. But Ali was furious, he wanted the information so bad. Ethan got mad at him for forcing me to tell him where you are so! Nag-away ang dalawa kaya napilitan ako. I’m sorry…”

Napainom muli ako ng kape. I could only imagine her struggle.

“Hindi dapat ikaw ang nagso-sorry. I’m sorry for getting you in that kind of trouble…”
“Is that Thraia?” Ethan’s voice is on the background.
“Where are you? Nagkita ba kayo ni Ali? I only told him you’re going to Costa Leona and your flight is to Iloilo…”
Huminga ako ng malalim. “He found me here in Isla de Gigantes…”

Mainit na braso ang pumalupot sa aking baywang. He sniffed on my neck and started kissing me slowly there. I tilted my head to the other side just so he can have more access to my neck.

“Huh? Ba’t ka nariyan? Anyway, ang galing talaga ni Ali. I only told him some details but he immediately found you?”
“Thanks, Penny…” si Ali sa napapaos na boses.
“Oh! Uhm… Hi Ali! Thraia naman, hindi mo sinabing loud speaker ‘to!”
“You idiot! Your parents called me last night!” si Ethan.

Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit nakakainit ng puso na pakinggan si Ethan at Penny sa kabilang linya. They’re both very supportive of us. Until now.

“Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Your grandma is furious! I tell you, you must come back here immediately.”
“I’m on vacation. All meetings will be moved next week…” si Ali.
“What about my proposal? Kung sana ay last week mo iyon inischedule, sana natapos na iyon…”

Iminuwestra ni Ali ang aking cellphone. Tumango na lang ako. Gusto niyang makausap ng mabuti si Ethan.

He turned off the loudspeaker. Nilagay niya sa kanyang tainga ang phone at nagsimula na silang mag-usap tungkol sa business.

Nakahapit sa kanyang baywang ang boxers. He’s not wearing anything on top. Lumapit ako sa kanya at idinikit ko ang palad ko sa kanyang abdominal muscles. It’s my turn to hug him from the back.

When he noticed it, he quickly put his arm on my shoulder para makayakap ako sa kanyang dibdib. Tinitingala ko siya habang seryoso niyang kausap si Ethan sa kabilang linya.

He looked so passionate. Like a driven businessman ready for all the meetings. Kaya hindi ako naniniwalang walang halaga sa kanya ang negosyo nila. True, he might not be vocal about it. Kahit noon na ipinagtutulakan siya ng kanyang lolo na sa kanya mapupunta ang negosyo’y parang wala lang iyon sa kanya.

Maybe, he knew. Maybe, he understood that Ivo wanted the company so bad. Kaya kahit na gusto niya rin ito, binibigyan niya ng daan si Ivo para makuha iyon. I think I know him better now. All those years, I see him as an arrogant man. Right now, I can see how gentle he is.

Pagkababa niya ng cellphone ay nilingon niya ako. Seryoso ang mga mata. I smiled.

“Kailangan mo na bang umuwi?”
“I moved my meetings next week. It’s okay…”

Hinaplos niya ang aking buhok. Lumapad lalo ang ngiti ko.

“Wanna go island hopping?”

Nagtaas siya ng kilay at ilang sandali pang tinitigan ako bago tumango.

Nag arkila kami ng isang bangka. Isang bangkero ang magdadala sa amin sa mga isla sa paligid.

Nagsuot ako ng isang shorts at loose sleeveless top while he’s topless and just wearing his black shorts. May dala din kaming mga damit at mga pagkain bago pumalaot.

Hindi ko mapigilan ang pagpipicture sa kanya habang nasa harap ko siya at inaayos ang mga gamit. He looks like a very delicious bachelor. Why he’s here with me is a big question!

Nasulyapan niya akong panay ang kuha ng picture sa kanya kaya tumabi siya sa akin.

He stayed beside me looking at all the pictures I took.

“What are you going to do with all those?” he asked.

Umiling ako. Collection lang, Ali. Pwede naman siguro, ‘di ba?

“Hmm. I’m a bit of worried. I’ll call Doctor Mariano later. I’ll ask him to travel back to Carles so he can check on you.”

Ni hindi ko na naisip iyon. He really is so thoughtful. Kung bakit ngayon ko lang na appreciate ang lahat ng ito, hindi ko alam.

“Okay. Ikaw ang bahala.”
“So we’ll stay for a while in Carles? Say a night?”
“Okay…”

Tumango siya at pareho kaming tumingin sa langit sa aming harap.

Nang palapit na ang isla ay tumayo na ako. Gusto kong umupo sa dulo ng bangka. Hinayaan kong mahulog ang mga paa ko nang naupo ako roon. Sumunod si Ali sa akin. Umupo rin siya sa likod ko. His chest covered my back and his feet touched mine.

Agad niyang pinalupot ang kanyang braso sa aking baywang. Ang hilig niya talaga sa ganito.

“Maraming turista sa isla na ito. Dito kasi madalas nagtatagal ang mga tao…” sabi ni Manong sa aming likod.

Palapit ay naalala ko ang mga ikinwento ng mga kaibigan ko sa Carles. Patungkol iyon sa Higanteng dati raw na nanirahan dito. At ang prinsesang pinatay ng mga pirata.

I closed my eyes to silently offer a prayer.

All my memories came back here. Thank you very much for hearing my prayers.

Kahit na hindi ko alam kung totoo ang alamat o kung talagang nakikinig ang Higante sa mga dasal, I still feel like I have to say thank you.

Agaw pansin si Ali sa isla. Wearing his aviators while buying a fresh buko, everyone looks at him like he’s some God from another world.

Magkahawak kamay kami pero tila walang nakikita ang mga tao sa kakatitig sa kanya. Umirap na lamang ako. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa mga babaeng shameless na tumititig sa kanya.

“Ohh… ‘Yong crush mo!” I heard a man’s voice from behind.

Napatingin ako roon at nakita ko iyong grupong nakasabay ko kahapon sa bangka. Bibili din yata sila ng buko.

Ang mga babaeng kasama nila ay biglang humina ang boses. Natataranta at nagtutulakan habang sumusulyap kay Ali. The boys however looked at me with shy smiles. Nginitian ko sila pabalik.

Saktong pagngiti ko ay hinila ni Ali ang kamay ko. Bumaling ako sa kanya.

“Who are they?” he asked.
“Nakasabay ko kahapon papuntang isla. They’re a loud group of friends…”

Nakakunot ang noo ni Ali habang tinitingnan ang grupo. Noong una akala ko kuryoso lang siya. Kalaunan ay nakitaan ko na ng pagka arogante ang mga mata niya. Siniko ko siya kaya napabaling siya sa akin.

“Alis na nga tayo…”

Tumugon naman siya sa gusto kong mangyari. Kaya lang, pareho yata ang ruta ng grupong iyon sa amin kaya nang umalis kami sa islang iyon para magtungo sa isa pa ay naroon din sila.

Mas maraming tao sa sunod na isla. Doon yata kasi kumakain ng lunch. Doon din kami nagpasya ni Ali na kumain ng tanghalian.

Habang tinatanaw ko ang mga tao sa paligid, nakasisiguro ako na kung wala ako rito matagal nang may lumapit kay Ali. Kaya paniguradong hindi niya na kailangang lumandi pa noong high school o college man siya. Mga babae na mismo ang lumalapit sa kanya.

“Women are gawking at you shamelessly. Akala ko sa bar lang iyon mangyayari… And they literally don’t care if you’re with someone else. Maybe they find me unattractive or… or… they expect you can have a better looking girlfriend?”

He’s already wearing a white t shirt but, for God’s sake, maybe they have x ray eyes.

Alam ko namang sobrang hot ni Ali. Parang kailangan niya ng girlfriend na pang Victoria’s Secret Angels. Iyong latina type. Tanned and tall.

“Stop looking at other people, Thraia. It doesn’t matter…”

Wow! Nagkibit ako ng balikat at nagsimula na sa pag kain. Nilagay niya ang kanyang kamay sa gilid ng aking upuan at bahagya siyang humilig sa akin. He started putting food on my plate.

“I think you’ll like this…” sabi niya na ang tinutukoy ay iyong grilled squid.

Kumuha siya ng maliit na parte at sinubo sa akin. I am not paying enough attention at him because my eyes quickly drifted on other women’s reactions. Nakita ko ang pag ismid nila. Sa wakas, nakita na nila ako!

“Is it good?” Ali asked.
“Yeah…” medyo napatango ako dahil preoccupied sa nakaka offend na reaction ng mga babae.

If these are the reactions of the people here, what’s the reaction of his ex-flings, Lynea, and his family. Hindi ko na maimagine!

“Thraia…” pagbabanta niya nang namalayang wala sa kanya ang atensyon ko. “Stop it…”

Umirap ako. I know where I stand, alright. I’ve made up my mind. Mas nadepina lang talaga para sa akin ngayon ang reaksyon ng ibang tao.

“Iyong ibang mga babae tingin nila mas mabuting choice sila kesa sa akin…” bumaling ako kay Ali.

Seryoso ang mga mata niya. Tila naiirita na sa ibang bagay na pinagtutuunan ko ng pansin.

“Hindi mo ba naisip iyon? I mean, I’ve seen three of your ex flings plus Lynea. They were different and they’re hot. They’re also young. Tapos itong mga babae sa paligid natin, siguro iniisip din nila kung bakit ako?”
“Tsss. Stop making a fuss about it…”

Ngumiwi na lamang ako. I really can’t stop thinking about it. Naiintindihan ko ang mga tanong sa isipan nila.

“I’m in love with you and that’s it-”
“I know, Ali. Pero syempre, ‘di ba? May looks din mga nagkakagusto sa’yo!” I can’t believe I just said that.
“You’re beautiful, Thraia.”
Nagtaas ako ng kilay. I need him to expound on that.
“You have nice legs… Your lips are pink…” Bumaba ang tingin niya sa aking labi. “You were very young when I first met you but… You’re cute. I really liked you.”

Ngayon, parang ayaw ko na lang siyang magsalita.

“After years, when we saw each other…” nilagay niya ang kanyang ilong sa aking tainga. “You can already make me horny…”

Nalaglag ang panga ko. Pakiramdam ko’y pinag-initan ako ng pisngi ng husto. Hinampas ko ang braso niya. He chuckled like it’s his damn plan.

“You started having curves when you got into college so… It’s a damn struggle…” humagalpak ulit siya.
“Tumigil ka na nga lang. Nevermind! Don’t answer my question, Ali!”
“Why not, huh? Now that you asked, let’s talk about what you told me last night. You said you dreamed of that? What exactly were your dreams about, hmm? Anong ginagawa ko sa’yo sa mga panaginip mong iyon?”

Kung pinamulahan na ako kanina, ngayon ay pakiramdam ko maroon na ang kulay ko. His words were in a whisper but they are very cruel to my ears. Something inside me pooled. Gusto kong itigil na lang itong island hopping namin.

Hinawakan niya ang braso ko. He started drawing circles. I couldn’t look at the people around us anymore. He’s completely conquered my senses.

“Come on, Thraia. Did you scream my name on your dreams? Want me to do it in real life? After our marriage, of course.”

Ang galing talaga ni Ali. Ang galing niya talagang pukawin ang mga damdaming ‘di ko alam na mayroon ako.

Nanliit ako sa kahihiyan kahit na alam kong wala namang alam ang mga taong malayo sa amin. Sumiksik ako sa kanya. I’m melting with his words.

He keeps on teasing me. Kahit noong nasa isa pa kaming isla, ganoon parin ang ginagawa niya. Iniirapan ko na lang siya sa iritasyon. Lalo na tuwing naiisip kong hindi nga pala niya ako pagbibigyan dahil kailangan pa naming maikasal! Damn it!

I wished for longer days. I want to stay there forever with him. Kahit na alam kong hindi iyon mangyayari. We have to go back. May pamilya siya. At ayaw kong ako ang dahilan kung bakit pa malayo siya sa kanila o sa negosyo nila.

Malaking pasanin na niya ako simula noong nagka amnesia ako. Hindi maaaring ngayong wala na’y ganoon parin ako.

Nang nakabalik kami sa Carles, dumiretso kami sa ospital. Naroon na si Doctor Mariano.

He gave me a series of tests and general check up. All results were normal. Nasagot ko rin lahat ng kuryoso niyang tanong tungkol sa mga recent memories ko bago ako na aksidente. I’m not sure if it’s part of the test or he’s just really curious.

“I’m sure you can’t clearly remember what happened after the accident. You’re unconscious. Kung may conscious state ka man noon dalawang araw matapos ang aksidente, may brain trauma ka pa kaya ‘di mo na maaalala,” sabi nito.

Ali’s outside waiting for me. Kami lang muna ni Doctor Mariano dahil kakatapos niya lang mag general check up sa akin.

“Why? What happened?” tanong ko.

Maybe he’s checking if I still get migraines.

“Ivo Mercadejas was also in that hospital but you fainted when you saw him or even heard his voice.”

Alam ko ang parteng iyon pero wala akong maalala. At tanggap ko kung hindi ko na maalala iyon. Maybe my head injury is the reason.

“Wala ako roon but I’m just checking if you remember that detail. Maybe you really won’t remember days after the accident happen because of severe head trauma.” Tumango tango siya.
“Hindi ko maalala, doc. Pero alam ko ang detalyeng iyan. Ivo told me…”

Doctor Mariano nodded. Inayos niya ang kanyang eyeglass bago nag scribble ng kung ano sa kanyang records. Sinarado niya ang ballpen at ibinigay ang buong atensyon sa akin.

“Hija, you really should thank Ali for taking care of you while you don’t remember anything. You didn’t know him the first time I met you for check up. I’m sure you remember that now. Tinalikuran niya ang responsibilidad sa kompanya nila para lang masamahan ka sa isang payapang buhay malayo sa mga bagay na makakapagpasira sa alaala mo.”
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. I already know that. I know that now, of course.
“I’ve seen him suffer silently while you can’t remember anything.” He smiled. “Pwede niyang sabihin sa’yo ang lahat lahat kung gugustuhin niya pero pinili niyang ibigay sa katawan mo ang desisyon kung kailan mo dapat maalala ang lahat. He decided to lie about your status in life to protect you. I hope you understand that.”
“Lubusan ko pong naintindihan iyon, Doc. I know of his sacrifices for me.”
“Ngayon, I bet you want to find your father’s assistant for justice?” he asked.
Tumango ako. “Iyon po ang iniisip ko kahapon pa lang. I just don’t know where to start. Maybe tell Ali about it.”
“I believe Ali has answers for that. You can go and ask him.”

Nagulat ako sa sinabi ng doktor. Ali’s waiting patiently on a bench in the corridor. Lumabas na rin si Doctor Mariano pagkatapos ko. Tumayo si Ali at nagkamayan ang dalawa.

“How’s she, Doc?”
“Congratulations… She’s recovered from her head trauma. She’s all normal…”
Ngumiti si Ali at niyakap ako.

Ilang sandali pang nagpasalamat si Ali sa tulong ng Doctor sa aming dalawa. Nang nakawala na kami sa ospital ay nagpasya na kaming sa Carles na umuwi at magpalipas ng gabi. It’s still afternoon but we have time to kill. I want to savour each moment with him. Dahil alam kong sa oras na bumalik kami sa Maynila, marami na naman kaming haharapin.

“Hmm… You know where Alejandro is?” tanong ko nang sumakay kami sa tricycle.

Nilingon ako ni Ali. Umawang ang labi niya bago tuluyang nagsalita.

“I filed a case against him.”

Namilog ang mga mata ko.

“Pero bukod doon, may ibang tao pang nagfile ng kaso sa kanya kaya nakulong siya. May niloko siyang businessman.”
“What?”
Tumango si Ali. “The case was already on going while you’re in Manila. Maybe the reason why he’s got problems with money.”
“Saan siya nakakulong?” tanong ko. “What about Ate Ethel?”
“Ethel is in Iloilo. Nakulong din si Alejandro sa Iloilo.”

Hindi ako makapaniwalang pati iyon ay pinagtuonan ng pansin ni Ali! Hinilig ko ang ulo ko sa kanyang balikat habang palapit na kami sa baybayin.

Sinabi niya sa akin lahat ng nangyari at nagawa niya para sa dalawa. He helped Ate Ethel get back on her feet. May contact din siya kay Ate kaya pwede kong tawagan kahit kailan ko gusto. She knew about my condition and she was scared she’d make me faint. Tulad ng reaksyon ko kay Ivo. Kaya hindi rin siya nagpakita.

“Thank you…” I said.

I am truly thanking him for everything. For every little thing he did just for me and for my loved ones. Pakiramdam ko’y wala nang hihigit pa sa pagmamahal na iginagawad niya para sa akin. I would never ever equal the love he’s given me. I can only try. I will try my best to keep up with the way he loves me.

Hinalikan niya ang aking noo.

Nakarating na kami sa baybayin. Ang maingay na tunog ng ‘di kalayuang palengke at ang mga tambutso ng mga tricycle ang sumalubong sa amin. Nang lumabas kami ni Ali ay agad kong natanaw ang dagat ng Carles.

Ilang tili ang narinig ko kung saan. Napalingon ako sa tatlong babaeng tumakbo patungo sa amin. At iilang pamilyar na mga lalaki ang dumumog.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

2

2 Responses to Waves of Memories – Kabanata 45

  1. Woah! I’m really loving the template/theme of this blog.
    It’s simple, yet effective. A lot of times it’s
    challenging to get that “perfect balance” between superb usability and visual appearance.

    I must say you’ve done a fantastic job with this.
    In addition, the blog loads super fast for me on Chrome.
    Exceptional Blog!

  2. I am sure this article has touched all the internet users, its really really fastidious piece of writing on building
    up new weblog.