Waves of Memories – Kabanata 43

November 19, 2016 By In Waves of Memories 1 Comment

Kabanata 43
Black

Ang malaking commercial vessel ay puno ng mga tao. Turista at byahero galing sa karatig na lugar patungo sa isla ng Panay ang naroon.

“I’m sorry, I didn’t know…” Captain Solomon Galvez in his informal attire as he greeted us in front of the cabin.

Isang room ang nireserba ni Kapitan para sa amin ni Ali. His wife is beside him. Nakahalukipkip lamang si Athena Galvez habang pinagmamasdan kaming dalawa ni Ali. Agad akong nakaramdam ng kahihiyan.

“It’s okay… We’ll leave the things inside the cabin…” maagap na sinabi ni Ali.
“Are you sure, Ali?” bumaling si Captain sa akin.
Tipid akong ngumiti. “Sorry. It’s okay, Captain…”
“Hindi ko alam na dalawang room pala dapat. I reserved only one and it’s now fully booked. But I’ll see if-”
I cut him off. “It’s okay, po. This is already a big favor. Ali can sleep in my room…”

The awkward air never left. Kahit noong tumango na si Ali at iminuwestra na ang looban ng cabin.

“I really thought you two were…”
“Athena…” pigil ni Captain.

Pagkatapos noon ay ipinatawag na ito sa bridge para sa pagmamaniobra ng buong barko. The vessel is leaving in five minutes. Gabi na noon at bukas ng umaga ang dating namin sa isla.

Nilapag ni Ali ang mga gamit sa gilid lamang ng isang maliit na kabinet. The bed looks so comfortable. The small window has the view of the dark sea and the night sky.

“Can I use the bathroom? I’ll go out once I’m done…” punong puno ng pag-iingat ang kanyang tinig.
“S-Sure…” mabilisan akong tumango.

Umupo ako sa kama habang pinagmamasdan siyang pumasok sa banyo. Seconds later, the shower started.

Hinagod ko ng aking palad ang kama. Bago kami dumating dito ay inanyayahan pa kami ni Athena Galvez na kumain sa kanilang hotel. We ate our early dinner and there’s nothing to do here now but to sleep.

Pero dahil maaga pa naman, hindi pa ako dinadalaw ng antok. Humiga ako sa kama at inangat ang aking cellphone.

I charged it before we left and this is the first time I’m going to turn it on. Pagkabukas ay agad na bumaha ang mensahe galing kay Ali, kay Ivo, kay Penny, at sa kung sinu-sino pa.

I viewed Ali’s messages.

Ali:
Signal is bad here. I’m sorry.

Ali:
What is it, Thraia? When you get back? Why? Where are you going?

Ali:
I’m leaving early tomorrow.

Ali:
Where are you?

That was his last text. Siguro ay nalaman niya agad kung saan ako pumunta. Siguro ay kay Penny o ‘di kaya’y sa iba pang paraan? He always seems to find a way. Napangiti ako habang binasa pa ang mga naunang mensahe sa aming dalawa.

I smiled like an idiot! Naabutan niya pa akong nakangiti! Mabilis kong dinala ang aking cellphone sa aking labi pagkalabas niya. Sumulyap siya sa akin at ilang sandali ay dumiretso sa kanyang duffel bag.

He’s already wearing a white shorts. He’s topless. Water dripped from his hair to his body. Naglalakbay ang bawat patak na tila ba pinakawalan para magsaya.

Sinundan ko siya ng tingin. Kumuha siya ng kulay itim na damit at mabilisang isinuot iyon.

Naupo ako nang bumalik siya sa kanyang tinahak. I got his attention and then his lips opened a bit.

“I’ll take a shower…” I said.
He nodded. “Then I’ll go out. Lock the doors. I’ll go to the bridge or roam around the deck so you can… do your thing here…” iginala niya ang mata sa buong kwarto.
“Okay…”

Ngumiti ako. His eyes stayed on me a bit longer before moving towards the door. Sinundan ko siya para mai-lock nga iyon.

Unti-unti niyang sinarado iyon habang tinitingnan ako. My heart skipped a beat nang sumarado ang pintuan. I locked it as he told me. Pumihit ang door knob saglit, tila ba tinitingnan niya talaga kung ni lock ko. And when the door confirmed, narinig ko ang paghakbang niya palayo.

The cold shower calmed me.

Bumalik sa akin ang mga alaala noon. When I was back in Costa Leona with my father. Hindi ko alam kung paano ba magmahalan ang dalawang taong ikinasal. I have no definite view of romantic love from my parents because my mom died very early. Ganunpaman, alam kong mahal na mahal ni Daddy si Mommy. The reason why he was a workaholic was to forget Mom. He never paid attention to other women.

When he got sick, unti-unti rin akong nanghihina. I was young then. I saw my father die slowly. I cried yesterday, today… and I cried the next… I cried for his pain… for months or maybe years that when the time of his death came, I was so worn out. I was lost. Alone with a non relative who’s not in any way responsible of me.

Still, nagpapasalamat ako kay Alejandro at Ate Ethel. Sa pag aaruga nila sa akin. Sa pagtitiis na masamahan ako. People change… I guess that’s the bottomline.

Bukod sa relasyon ni Alejandro at Ate Ethel, wala na akong alam tungkol sa mga relasyon ng dalawang taong nagmamahalan. I thought Ivo taught me how to love. Or maybe he did. I cared for him so much. I was very loyal to him that even when my heart betrayed me, I chose him still.

It was a very hard choice, but that’s what loyalty means. To choose someone even when the temptation is glaring.

If I revisit my early relationship with Ali, something is very different in it. It’s so foreign that it scares me so much. So foreign that I want to choose to stay where I am because I am not up for it.

Indeed… he made me feel feelings I never thought buried deep within me. He made me feel desire, fear, excitement, thrill, warmth… despite of his intense and cold attitude.

Hindi kaya natatakot ako dahil talagang mahal ko siya? At hindi ko pa kailanman nararanasan iyon? O kahit nakita man lang? Hindi kaya natatakot ako dahil lahat ng nakita kong pagmamahal ay nauwi lang sa sakit? My father loved my mom dearly, he couldn’t move on from the tragedy. She left him. Ate Ethel couldn’t leave Alejandro because she loves him. That’s even a sadder tragedy. And I couldn’t stay loyal to Ivo because I like someone else.

Lumabas ako ng bathroom ng magaan na ang pakiramdam. I briefly wondered about Captain Solomon and his wife Athena Galvez. They’re around late thirties or early forties. They still look so sweet together.

Pagkatapos kong magbihis ng isang itim na shorts at kulay dark gray na spaghetti strap ay hinalughog ko ang aking duffel bag para maghanap ng jacket. I realized I didn’t bring one. Nilipat ko ang mata ko sa duffel bag ni Ali. Nang nakahanap ako ng isang itim na jacket ay agad ko iyong sinuot sa akin.

Now I realized how large he really is. The hem of the jacket fell below my shorts. Hindi rin kita ang kamay ko dahil natabunan na ng tupi sa palapulsuhan.

Lumabas ako ng room. Narinig ko agad ang ingay ng makina at ng mga taong nag-uusap sa ‘di kalayuang cafe.

I wonder if Ali’s on the bridge? He’s a friend of Solomon Galvez. Hindi ata iyon pwedeng puntahan pero malay ko… kung malapit na kaibigan ay pwede.

Instead of heading to the bridge, I chose to go outside. Sa pasilyong nasa gilid ng malaking barko, kita ang bawat alon ng dinadaanang dagat. Ilang hakbang ng hagdanan ay makakapunta ka na sa taas kung nasaan ang kanilang bar.

Iilang upuan ang naroon. May nakita akong iilang bottled beer sa kanilang mga lamesa. Nang namataan ko si Ali na mag-isa sa ‘di kalayuan ay nagpasya akong lapitan na sana siya.

“Hi, Thraia!” the formal tone from Athena Galvez is very familiar.

I stopped mid step to turn to her.

“Hello…” I smiled.

She handed me a bottle of beer. I don’t want to be rude so tinanggap ko iyon.

“Cheers…” aniya at humilig sa barandilya.
“Cheers…”

We clinked bottles at pagkatapos ay uminom ng sabay. Nilingon ko muli si Ali. Two girls were trying to strike a conversation with him. Napawi ang ngiti kong para dapat kay Athena dahil doon.

“Is he your boyfriend or something?” the woman asked.
Nilingon ko ito. “No…”
“Oh… That must’ve hurt…” she chuckled.

Kumunot ang noo ko. Nakita niya ang pagkakalito ko kaya bago siya uminom ay nagdagdag.

“He’s told me you’re in a relationship. Kung malaman niyang tumanggi ka, masakit iyan panigurado…” she smiled.

Bumaling ulit ako kay Ali. He left the table he’s in. Nakita kong bumaba siya sa hagdanan. Pilit na sumunod ang mga babae. Hindi ko nga lang alam kung matagumpay ba nilang nagawa iyon.

Bumaling muli ako kay Athena.

“I am not sure if love is really what’s in between us.”
“How can you be sure, anyway?”

Natahimik ako sa tanong niya. She smiled.

“You think I said I love Solomon when we married because I was pregnant back in the days?” sabay turo niya sa isang eternity ring sa kanyang daliri. “I was devastated. Siguro nasabi kong mahal ko siya… in the heat of desire… but when everything got hard. When I learned about my pregnancy and when I realized we were too young for it, I snapped!”

Napainom ako sa sinabi ni Athena.

“It’s so easy to say those three words when you’re happy. So hard when you’re in trouble. And even a lot harder to identify when you really think about it.”

Sinikop niya ang kanyang buhok na sumabog dahil sa hangin. I realized she’s probably cold because she’s not wearing any jacket.

“So… a piece of advice… If you can easily say the three words in times of deep pain and trouble, then maybe… it really is true…”

She smiled and then held my hand.

Hinigit niya ako palayo roon. Bumaba kami sa bakal na hagdanan at nakita kong nanginig siya.

“Tiniis ko lang ang lamig. Hindi ko na kaya. Let’s go to the bridge!” sabi niya at mabilis akong hinigit.

Nilingon ko ang pasilyo patungo sa aming cabin. Gusto ko sanang tingnan kung naroon ba si Ali pero nasa akin nga pala ang susi. Kaya paniguradong wala siya roon.

Sinuyod ng mga mata ko ang cafe sa paghahanap sa kanya. Ngunit sa bilis ng lakad ni Athena Galvez, agad kaming nakarating sa bridge nang hindi nakikita ang lahat.

When the door opened, I immediately saw some monitors and switches. Sa gitna ay naroon si Captain Solomon Galvez, nagkakape habang tinatanaw ang naglalakihang bintana.

“Thraia’s here…” Athena went to him.

Some crew were on their positions. May isang upuan akong nakita sa gilid at nang nakita ko kung sinong nakaupo roon ay namilog ang mga mata ko!

Parang may humawak na mainit na kamay sa aking puso habang pinagmamasdan si Ali na nakahalukipkip at nakaupo roon ng nakapikit. Mga yapak ni Captain ang narinig ko habang tinitingnan si Ali na nanatiling ganoon ang ayos.

The loud thud of the engine from somewhere echoed on the bridge but I didn’t think he minds it… He looked so exhausted.

“Shh… Ang sabi niya, rito siya matutulog…” Captain Galvez said in a low tone.
“Uh…” Tumango ako. “I-I’ll just…”

My heart got ripped seeing him trying to sleep in that position. Para saan iyan? Nababaliw na ba siya?

He’s bothered that I told him that this is all about lust! Maybe he thinks that by distancing, I’d realize that it isn’t about it! Kung nakamamatay lang ang sakit, matagal na akong namatay. Mas masakit pa ito sa lahat lahat ng pagseselos ko. Mas masakit pa ito sa lahat ng naramdaman kong insekyuridad. Seeing him there means so much to me and I couldn’t stand it.

Mabilis akong lumapit kay Ali. Umupo ako sa tabing upuan at pilit na hinarap siya.

Seeing him sleeping peacefully reminds me of so many things. Childhood, peace, comfort… and home.

“Ali…” nabasag ang boses ko.

Hinawakan ko ang braso niya. I wouldn’t be surprised if his biceps were numb because of their firmness.

“Ali…” I called a bit frustrated.

Inangat ko ang aking palad sa kanyang braso at hinigit siya pababa para matawag muli.

“Ali, wake up… Please, let’s go back to our room…” nanginig ang boses ko.

His eyes moved. Pumungay ang mga mata ko habang nakita siyang unti-unting dumilat. His eyes were bloodshot. Nakita kong medyo nagulat siya sa presensya ko roon.

He ran his fingers on his hair and licked his lower lips.

“You done showering? You should sleep…” the first words he told me when he woke up.

Napaismid ako sa iritasyon. Napadilat siya ng maayos at napatuwid sa pagkakaupo.

“Are you okay?” he asked.
“Bakit ka nandito? Bumalik ka na sa kwarto!” may halong iritasyon at pagsusumamo sa aking tinig.
“I’m fine here. You should go back-”
“Fine here? We have a room, Ali! The bed is big!” giit ko habang muling nangilid ang aking luha.

Tumagilid ang ulo niya. Kinunot niya ang kanyang ulo at nakitaan ko ng multo ng ngiti ang kanyang labi.

“I’m fine here, Thraia. We’ll be in Costa Leona tomorrow…”
“I know… Let’s go to our fucking room…” sabay hila sa kanya kahit na hindi naman siya natitinag.

Bumagsak ang mata niya sa kamay kong nakahawak sa kanyang braso. Ang isa’y nasa palapulsuhan at pilit siyang dinadala.

Athena and Solomon Galvez were already busy looking at a monitor together with some other crew. While I’m here busy convincing Ali to go back to our cabin. And he continued looking at my hand on his arm.

“Ali!” hinampas ko ang kanyang braso dahil hindi siya nakikinig.

Hinawakan niya ang kamay ko at ikinulong iyon sa kanya. He tilted his head again. Ngumuso siya at tinitigan ang aking mga mata.

“I’ve always wondered what your tears are for…” he said in his usual intense tone.

Kinagat ko ang labi ko at muling hinila ang kamay niyang nakahawak sa akin. He captured my fingers and one by one he fitted his fingers in between mine. His thumb carressed the middle of my palm.

“Is that lust? Hmm…” he said softly.

Napasinghap ako.

“I’m sure it’s not…”

Umigting ang kanyang panga. Yumuko ako pero agad niyang hinawakan ang baba ko.

“I’m fine here, Thraia. You don’t have to take me to your cabin…” his tone is sensual… o talagang ganoon na siya at masyado lang akong apektado sa kanya?
“No!” Umiling ako at muli siyang hinigit.

Muntik nang makawala ang kamay ko dahil sa lakas ng pagkakahigit ko. He captured my fingers again.

“Why? I’m fine here. You don’t have to think of me…”

Matalim ko siyang tiningnan. He smiled but I sensed something more in his eyes… something deeper… something painful… and sweet at the same time.

“Why? Tell me, please…” he whispered.

My tears fell and I realized something… something I have known a long time ago. Hindi ko nga lang tuluyang maamin sa aking sarili.

“Ali, I think I’m in love…” I bit my lower lip.

My heart ached so much. I never thought saying that could hurt this much.

“In love with who?” he asked in a soft tone.

Ngumuso ako at mas lalo lang na nairita. Damn it!

“With you…” mas malambot pa iyong pagkakasabi ko noon.

Huminga siya ng malalim at nanatiling malamig ang kanyang tingin sa akin. He didn’t react. Naninimbang siya sa ekspresyon ko.

“What?” iritado kong sinabi.

Mas lalo lang tumalim ang mga mata niya. Kaba, sakit, at takot ang naghalo sa aking sistema.

“Are you sure?” he asked coldly.

Hirap na hirap nga akong aminin iyon, hindi pa ako sure sa lagay na ito?

Hindi ko mapalis ang luha sa aking mga mata dahil hawak niya ang mga kamay ko. Hindi niya rin pinalis iyon. Nanatili siyang nakatitig. Like he’s meant to watch my cry for him… for my overflowing feelings. For everything.

“Of course, I am!” iritado kong sinabi.

Tumayo siya at hinila ako patungo sa gitna ng bridge. Hinabol ko ang hininga ko dahil sa ginawa niya. He wiped the tears on my cheeks and then he captured my fingers again. Tila ba ayaw niya na itong pakawalan.

“Captain, can you please hear my request…” sabi ni Ali habang nakatitig sa akin.

Kumunot ang noo ko. Napatingin si Captain at si Athena sa amin. Mas lalong humigpit ang hawak ni Ali sa aking kamay.

“What is it, Ali?” Captain Solomon Galvez asked and curiousity was laced in his tone.

Nasa tabi niya si Athena nang lumapit sila sa amin.

“Please, perform the matrimonial rites between us right here… right now.”

Namilog ang mga mata ko sa mariing sinabi ni Ali. His cold eyes never left me. Mas lalo lang bumilis ang pintig ng puso ko!

“Ali, Thraia…” Athena’s voice seemed excited.
Captain Solomon chuckled. “Ali, I know you know the guidelines for that.”
“Ali!” I bit my lowerlip.

Different emotions flooded in me. Hindi ko alam kung tama ba ito. Inamin ko lang sa kanya, gusto niya nang magpakasal kami!

“You told me you’re in love with me. I am, too. Why don’t we marry each other right now, Thraia?”

Hinila niya ako palapit sa kanya. I heard Athena Galvez hyperventilating from somewhere. May ibinigay siyang itim na libro kay Captain.

Ali’s nose reached my forehead. Binaba niya ito hanggang sa nasa gitna na iyon ng aking mga mata.

“I will never let you go. You have to assure me that you won’t, too. You have to marry me…”
“Ali…” suminghap ako.
“You have to…” he pleaded.

Pumikit ako ng mariin at sa pagdilat ay nilingon si Captain. Ali’s eyes looked at me like I’m the only riches he has.

“What are the guidelines, Captain?” tanong ko.

Bumuga ng hininga si Athena at palihim na pumalakpak.

“I can only officiate marriage when there’s danger… maybe when the ship is sinking o… Kapag nasa bingit ng kamatayan,” ngumiti si Captain.
Ngumiti rin ako pabalik at tumango. “Please… I will die right now if we won’t marry each other. Can that be an enough reason?”

Isang mura ang pinakawalan ni Ali at marahas niya akong hinigit pa lalo palapit sa kanya. Kinulong niya ang aking katawan sa kanyang bisig at pinaglaro ang labi sa aking noo, sa aking ilong, at sa aking pisngi.

“Fuck, Thraia… Please, be mine…” he whispered in a frustrated tone.
“O-Okay then…” nagkamot ng batok si Captain Solomon.
“Wala kayong singsing!” puna ni Athena.

I didn’t think about that. Bago pa ako makapag-isip ng solusyon ay tinanggal na ni Athena ang kanyang singsing. She opened her palms for her husband’s ring, too.

“Please…” she pleaded.

Natawa si Captain at tinanggal na rin ang kanyang singsing. Ibinigay niya iyon sa kay Ali. Kinuha iyon ni Ali.

“I believe you can repay that one in the future?” Athena said in an excited tone.

Pumagitna si Captain Solomon Galvez sa amin at nagsimula nang iperform ang rites.

The memories were sweet but shortlived. I remember how we were so in love when we got out of the ship. Kung paano kami nagpaalam sa isa’t-isa at nagkasundong magkita pagkatapos ng mga problema sa bahay.

I remember how I told him I want us to live a simple life… which for sure is impossible given the nature of work he has. And he said he’ll make that dream come true soon.

We are not married officially. Dinaya namin ang rites. I wanted to marry him so bad. He wanted it, too. And it’s the best experience.

Nabasag ang mga plato dahil sa paghagis ni Alejandro noon sa akin.

Pagdating ko ng bahay ay naabutan kong hindi nakaparada ng maayos ang pick up sa bakuran. Maraming nawasak na mga babasagin sa paligid. Inilagan ko na lang ang mga bubog nang papasok ako. Pero ang mas nakakagulat pa ay nang nakita kong umiinom si Alejandro sa lamesa… halos buto’t balat na at pulang pula ang mga mata.

Nagkasalise kami ni Ate Ethel. Pagdating ko’y siyang pag-alis niya. She got tired of Alejandro that she left that same day I came back.

“Nababaliw ka na ba?” sigaw ko.

He offered me something he thought I couldn’t refuse. Akala niya lang iyon!

“Mas baliw ka!” sigaw niya sabay tayo.

Napaatras ako. Pa ekis ekis ang lakad niya dahil sa alak na ininom. Butas butas ang damit at madungis ang pantalon ni Alejandro.

He told me that our problem is solved. That the house is spared. Ang lahat ng bayarin ni Daddy ay wala na dahil ibinenta niya ang bahay na ito… at pati na rin ang mga utang sa isang mapagkakatiwalaang tao… na may kapalit.

“Hindi ba ay boyfriend mo naman ‘yon? Kaya bakit ka aangal ngayon? Swerte mo na nga dahil tinubos ng boyfriend mo ang utang mo! Pati itong bahay na dapat ay angkin na ng gobyerno ngayon, tinubos niya mahingi lang ang kamay mo-”
“Wala kang karapatang paghingan ng kamay ko! You’re not my father! And nobody can decide for me, Alejandro!” sigaw ko.
“Ang dami mong reklamo! Papakasal ka rin naman doon! Ang sabihin mo, inaaway mo na ako ngayon dahil gusto mong mapaalis kami rito! Puta ka! Ikaw ang dahilan kung bakit lumayas si Ethel!”

Tinapon niya malapit sa akin ang basong kanyang hawak at diretso nang ininom galing sa bote ang alak. Galit at poot ang naramdaman ko habang nakikinig sa kanya.

“H’wag mo akong masisisi sa isang bagay na ikaw ang may gawa! At hindi ako papakasal kay Ivo! Naintindihan mo ‘yon? Ha? Ibalik mo ang kung anong perang natanggap mo! At kung mawala man itong bahay, tutubusin ko ‘yan sa sarili kong paraan! Hindi mo na kailangang magkautang ng loob sa kanya-”

Isang malakas na sampal ang natanggap ko galing kay Alejandro. Napahawak ako sa aking pisngi sa sobrang gulat.

“Ang galing mong magsalita ng ganyan! Bakit? May naipon ka na? Asan? Huh? At mawala itong bahay? Saan kami pupulutin kung wala itong bahay, ha? Estupida ka!”

Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinigit ako patungong kusina. Mabilis akong nanlaban.

“Dito ka lang. Dito ka lang. Dito ka. Lang!” sigaw niya sabay pilit sa akin.”Pupunta rito iyon si Ivo para makapag usap kayo…” he smiled creepily.

His teeth showed signs of smoking and other filth.

“Bitiwan mo ako!” sigaw ko.
“Hindi!” sigaw niya pabalik at kumuha na ng lubid.

Namilog ang mga mata ko at agad na pilit binawi ang kamay ko galing sa kanya. Malakas siya kahit na mukhang mahina na. Hindi ako makawala. Tinadyakan ko siya dahilan ng pagkakaantala ng pagkuha ng lubid.

I kicked his legs. I tried to kick higher just so I could kick that spot but it was so hard.

“Akala mo, ha!” sigaw niya sabay hawak sa lubid at lagay niyon sa aking palapulsuhan.

Tinulak ko siya ng buong lakas at mabilisang tinadyakan ang kanyang hita. I hit the spot and immediately ran away.

“Puta ka! Papatayin kitang puta ka!” sigaw ni Alejandro at narinig ko ang kalampag ng mga gamit na nagsasabing parating na rin siya.

I saw the key of the pick up. The only way I could get away was that. Maabutan niya ako, for sure. And he’d drag me back to the house.

Nanginig ako sa takot ngunit nangibabaw ang katatagan. Kinuha ko ang susi at agad na tinungo ang pick up. Bago ko pa masarado ang pintuan ay naiharang niya na ang kamay niya roon.

“Papatayin kita!” sigaw niya nang naipit siya roon.

Nanginginig ang kamay ko habang pinapaandar ang sasakyan. Ininda niya pa ang sakit. Hawak ang braso’y pumikit ng mariin si Alejandro. Nang narinig na nabuhay ang makina ng pick up ay muli niyang binuksan ang pintuan!

“Bitiwan mo ako!” sigaw ko nang nahawakan niya ang braso ko.

Binitiwan ko ang clutch and then I stepped on the gas. He got dragged when the pick up advanced.

Ilang mura ang pinakawalan niya hanggang sa tuluyan ko nang napaandar ang pick up at naiwan siyang nakahilata sa daanan at sinusubukang bumangon.

Hingal, malamig na pawis, at nakakamatay na kaba ang naiwan sa akin. Nilagpasan ko ang mansyon ng mga Mercadejas sa kagustuhang makawala roon. I stepped on the gas just to feel more at ease.

Ilang sandali ko pang pinagbigyan ang sarili ko para kumalma. Naiwan ko roon sa bahay ang aking mga damit ngunit sa aking bulsa, naroon ang aking cellphone. Nanginginig ang kamay kong ni-dial si Ali nang bigla kong nabitiwan ang aking cellphone dahil sa panginginig.

I glanced at the road again to check if there’s a vehicle. Nang wala ay sinubukan kong abutin ang phone sa baba.

Sa isang palikong daan ay may biglang nagpakitang truck sa aking lane. Isang van ang in-overtak-an ng truck. I panicked that I didn’t pick up the phone properly just so I could evade the truck.

Niliko ko ang pick up sa pag-aakalang maisasalba ko ang sarili ko at ang mga tao sa nakasalubong. Sa huli, sa isang malaking puno tumama ang sasakyan ko. Nabagok ang aking ulo sa manibela at headboard. Mga bubog ng bintana ang tumama sa aking braso at leeg.

Everything went black.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

One Response to Waves of Memories – Kabanata 43