Waves of Memories – Kabanata 42

November 19, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 42

Kabanata 42
Love

Sumunod siya sa akin habang dire diretso ang lakad ko pabalik sa lumang hotel. Ni hindi na ako nakapagsuot ng damit. Nilagay ko na lang sa balikat ko ang dress ko.

But then before I reached the stone path going to the hotel, hinigit niya na ang palapulsuhan ko.

“Let’s talk…” he said in a cold tone.

Bumaling ako sa kanya at matalim siyang tinitigan. The cold sea breeze blew my hair. Binawi ko ang braso ko galing sa pagkakahawak niya.

“I told you we will when I come back! Ba’t ka narito?”

At paano mo ako nasundan? I cannot believe it!

“Why did you leave?” he asked.
“I want some space-”
“Space for what?” his tone is very cold.
Umirap ako. “I want some time for myself-”
“Then I can give you that time for yourself…”
“Yes, thank you. So why are you here?”

Nakapamaywang na ako, handang makinig sa kanyang isasagot. May isang pamilyang dumaan. We both look their way… hinintay na makapasok sa hotel bago siya nagsalita.

“I can give you the time you want while I am here.”

Natawa ako sa sinabi niya. Nagkukulay kahel na ang langit hudyat na papalubog na ang araw.

“Hindi mo ba naiintindihan? I don’t want you here. I want to be alone so I can think properly…”
“Is this about the rumors about me and Lynea?”

Alam mo naman pala, e. Nilagpasan ko siya pero muli ay hinigit niya ang aking braso.

“Come on, Thraia!” he almost pleaded.

Muli ko siyang hinarap. Ngayon, punong puno na ng pagsusumamo ang kanyang mga mata. Pain is very evident in his eyes.

“This is how you want to deal with our first problem? You don’t want to talk about it with me? Aalis ka na lang at iiwan ako?”

Napakurap kurap ako sa pagkakaseryoso ng boses niya. His anger is dripping in his tone.

“Fine!” I snapped.

Now that he mentioned it, maybe it’s finally time to have this talk. At nang magkaliwanagan kaming dalawa.

Hindi ko alam kung paano ko hinayaan ang sarili kong magkaganito kami. May kasalanan din ako. Kung mas naging mahigpit lang ako sa sarili ko at hindi lang ako naging mapusok, sana ay hindi nagkaganito!

“Explain what happened two years ago! Explain why just last night, you’re in that private island with the girl who rejected you!” nanginig ang boses ko. “Tell me if you’ve finally moved on with her! Tell me the whole truth! Explain why you went back to her even after everything that’s in between us! Sabihin mo sa akin kung paano mo ginagawa ang lahat ng ito! Sabihin mo sa akin kung anong kaibahan ko sa mga babaeng pinaglaruan mo noon!”

He tried to reach for my arm but I stepped back. Hindi ko hinayaang mahawakan niya ako. I tremble in his presence and I melt in his touch. I can’t let myself fall for that again!

“Sabihin mo sa akin, Ali, kung bakit ka nagsisinungaling! Bakit mo ako pinaglalaruan!? Iniwasan kita, e! Pero hindi mo ako hinahayaan!”

My tears pooled but I didn’t let them fall. Nagbabara sa lalamunan ko ang sakit kaya tumigil ako sa panunumbat para makahinga ng maayos.

His cold face waited for more. At mas lalo lang nadepina ang galit ko dahil sa kanyang naging reaksyon. How can he be so cold as I pour the contents of my heart right now? He’s ruthless! And I cannot believe that I really did fall for it!

Noon pa man, binalaan ko na ang sarili kong h’wag lumapit sa kanya. There’s danger in his air. Danger that I don’t want to deal with. There’s a large wall between us that I’m sure I couldn’t break. Until now… And I don’t think I will… ever!

Hindi siya nagsalita. He really waited for more but I’m done pouring it all out! I just want to hear him speak. At least defend himself… o ‘di kaya’y umamin siya sa lahat. Then at least I’d know that he has some guilt within him!

“Ano? Sabihin mo sakin!” I desperately said.

He nodded and then licked his lips.

“Fuck…” I said softly when my tears fell on my cheeks shamelessly.

Pinalis ko kaagad ang mga luhang naglandas. He tried to wipe the tears away pero hinawi ko ang kanyang kamay at muli akong lumayo. Umawang ang kanyang bibig. Saglit ay nakitaan ko ng takot ang kanyang mga mata. Isang bagay na hindi ko madalas na nakikita sa kanya. I don’t think I saw his fears in his eyes before… but for a moment, I felt that he was vulnerable. Kung hindi man iyon guni-guni lang.

Nanginig ang balikat ko sa nag-uumapaw na emosyong naramdaman. I don’t think I cried this much before. I don’t remember crying desperately over something. The pain he gave me woke up feelings I couldn’t name. Fear mixed with pain and loneliness filled me. I never thought these feelings could feel this intense.

“Thraia,” he reached to me again.

Hinawakan niya ang siko ko at mabilis kong hinawi ang kamay niya. Pisikal ko siyang nasaktan doon pero hindi siya nagpatinag. He continued reaching for me. Kinain ng isang hakbang ang distansyang pumagitan sa amin.

The heat of his body comforted my cold skin. Ang lamig sa aking likod at braso ay nakakapanginig. Lalo na ngayong bumababa na ang araw at naghahari na ang hangin.

“I’m sorry…” he said softly.

He put his index finger on my chin para maiangat ang aking ulo at magkatinginan kami pero hindi ako sumunod. My tears fell like a faucet in full blast. Tahimik akong humihikbi. Ayaw kong ipakita sa kanya iyon. Ikinakahiya kong umiiyak ako para sa lalaking ito.

“Last night was a family event. I’m with some of my relatives. Imbitado kami sa birthday ni Paul Angeles, Lynea’s father. He’s my father’s dear friend and he’s part of the board. We weren’t alone in that island, Thraia. We were there along with other guests.”
“Liar…” halos walang lumabas na tunog sa bibig ko.
“The media makes up stories. Iyong nakita mong mga larawan ay iyong pagdating ko roon. I greeted her and we talked a bit. After that, I talked with the other guests…”

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. His eyes were submissive. Ang tanging ipinakita kong matalim na titig ang nagpapatatag sa akin ngayon.

“Two years ago, when I left Costa Leona, I called off the engagement. I refused to go to that party and told Lynea I’m not doing it-”
“You got rejected!” I declared.
Hinawakan niya ang pisngi ko. “Maybe, I did…”

The pain stabbed me like a dagger in bull’s eye.

“By someone I’m in love with. She told me to go and marry Lynea. Dahil sunod-sunuran ako sa pamilya ko.”

My eyes widened. I remember clearly what I said that day. Ang kalahati sa akin ay naniniwala ngunit may kalahating ayaw nang magpadala.

“Pero hindi ko ginawa. Isa lang ang gusto kong pakasalan, Thraia.”

Hinaplos niya ang aking buhok. In a defensive move, I started pushing him away.

“Do you remember it? You said you’ll never want me…” napapaos ang kanyang boses ngayon.

Halos tabunan ng mga alon ang bawat bigkas niya sa mga salita sa sobrang lambot. I can’t believe gentleness is very much present in someone like him.

Pumikit ako ng mariin. Thraia, h’wag kang magpadalos-dalos…

“Lynea talked to the press about it. Hindi ako kailanman nagpainterview patungkol doon. I respect her and her father that I’m not going to inflict more embarrassment to their family. Guilt consummed me but it will never be enough to make me marry someone that’s not… you…”

Kinagat ko ang labi ko at unti-unti siyang tinulak palayo.

Nangangatog ang binti ko sa sobrang panghihina. My blood rushed and I felt my heart come to life again.

“It’s been a really long time, Thraia,” he whispered.

Napalunok ako at unti-unting nilakasan pa lalo ang pagtulak sa kanya. He didn’t mind what I’m doing. Hinayaan niya lang akong itulak siya.

“I couldn’t forget you, even if I tried… And believe me, I really fucking tried…”

Pati ang mga balikat at braso ko’y nanghihina na. My brain is the only thing that’s giving me strength right now.

“I’m in love with you…” sa sobrang hina ng pagkakasabi niya noon ay mas lalo akong natunaw.

The melting of my heart and the trembling of my legs gave me strength to fully push him away. If he’s giving me this kind of feeling, mas dapat ko lang siyang layuan!

Umiling ako at nag-iwas ng tingin sa kanya.

“I’m not. This is all fucking lust, Ali!”

I stunned him with my words. Ang gulat sa kanyang mga mata ang pumunit sa aking puso. He looked so devastated… so lost that he couldn’t move. Sinamantala ko iyon para tuluyan na siyang malagpasan doon.

Hindi na siya nakasunod sa dire-diretso kong lakad patungong hotel. My heart throbbed. The excruciating pain made me almost impaired of thinking rationally.

Pumasok ako sa aking kwarto at nagkulong. Natuyo ang mga luha sa aking mga mata at natulala ako habang nasa kama.

Hindi pa ako nakakapagbihis ng saktong damit. Ang tanging nagawa ko roon ay ang ulit-ulitin sa isipan ko ang usapan namin ni Ali sa labas. His words lingered on my ears like my subconscious.

The words marked my mind that I couldn’t think about anything else. Isang oras akong nanatiling ganoon… nasasaktan ako ngunit tuluyan na ring namanhid.

Slowly, I moved to take care of myself. I went inside the bathroom thinking about my next move.

Am I going to buy a ticket to Costa Leona? Should I go back to Manila? What should I do now?

Gustuhin ko mang pag-isipan iyon, hindi ko naman magawa. All that’s on my mind is his pleading voice. Paunt-unti ay nararamdaman ko ang paghihirap niyang masabi iyon sa akin. Sa bawat pag-uulit ko sa mga sinabi niya ay sumagi sa isipan ko kung paano niya tuluyang nabuo ang mga salitang iyon.

My heart ached. Hindi kontento sa pagkakawasak ng isang bagsakan, nawasak pa ito ng lubusan. And as I sit there contemplating about what happened, it is still destroying all its broken pieces. Making each as powdered as the sand.

Nanghihina akong tumayo. My wet hair fell on my chest. Hinawi ko iyon at nilagay sa aking likod.

I feel so drained. Tila ba may humigop sa lakas ko galing kung saan.

Siguro nga ay iyon lamang ang nararamdaman ko kay Ali. After all, it only made sense when I first kissed him. Si Ivo ang gusto ko noon ngunit simula nang mahawakan ako ni Ali, palihim na siyang gumagapang sa aking isipan… sa aking sistema…

At sino ako para magdeklarang pag-ibig iyon? How will I define that feeling when it all started at his first touch?

Pagkalabas ko ay nakita ko agad ang mga bituin sa langit. Dahil kaonti lang ang ilaw sa lugar na ito, nadepina ng mabuti ang liwanag na galing sa mga bituin at buwan. It looked majestic from here.

Sumabog ang malamig na hangin sa aking pisngi. I shivered.

Muli ay tinahak ko ang pasilyo na alam kong patungo sa hall at sa maliit na cafe roon.

I stopped midstep when I saw Ali on the middle table, alone. Nagkatinginan kaming dalawa. Seryoso at masidhi ang kanyang tingin. Napakurap-kurap ako. Hindi ko inasahang narito pa siya.

“Good evening, Miss Fortunato. Dinner?” salubong ng babaeng receptionist na nag welcome sa akin kaninang umaga.

Tumikhim ako. Ilang saglit pa bago ako nagdesisyong umupo sa lamesang hindi kalayuan kay Ali. The cafe was small so there was no choice. Lalo na’t ang mga pinakamalayo ay inuukupahan pa ng isang pamilyang guest din dito.

Sinundan ako ng tingin ni Ali. Tahimik naman akong tumingin sa menu na ibinigay ng babae.

“Chicken barbecue and iced tea, please…” I smiled at her.
“Okay, Miss…” sabay tango niya sa akin.

Lumipat ang tingin ng babae sa kay Ali. Kinuha niya ang menu sa akin at ibinigay naman ngayon kay Ali.

“Ano pong sa’yo, Sir?” the girl asked.
“Roasted beef and iced tea…” he said in a baritone.

Tumikhim ako at tumuwid sa pagkakaupo. Umalis ang babae sa harapan ni Ali at bumalik na sa counter na nasa likod ko.

Tumayo si Ali habang nakatingin sa akin. Bumilis ang pintig ng puso ko. His large frame almost covered my entire view nang lumapit siya sa aking lamesa. He pulled the seat in front of me and then I understood what he wants to happen now.

Hindi na ako nagsalita o nagreklamo. Hinayaan ko siyang maupo sa aking harapan kahit na sobra-sobra ang kabang nararamdaman ko.

May narinig akong paglapag ng tasa sa likod ko kasabay ng pagkakaupo ni Ali sa aking harap. Nang nagsalita ay napagtanto kong si Kapitan iyon.

“So how long are you planning to stay here, Ali?” the man asked.

Bumaling si Ali sa lalaki. I silently sighed.

“It depends…” Ali said.
“No plans of going back to Costa Leona? May ibabyahe ako bukas patungong Aklan. Binilin lang ni Elliot ‘yon sa akin.”

Unti-unti akong nag-angat ng tingin kay Ali. Bumaling siya ng saglit sa akin bago nagsalitang muli.

“I have no plans yet…” si Ali.
“The reason why I couldn’t go to Paul Angeles’ birthday is because of this. Well, if you want to go back to Costa Leona, just tell me early tomorrow so I can make a room for… uh, you two…”

Sumulyap si Ali sa akin.

“Yes, thank you…”

I think the man left. Umingay ang mga kubyertos nang dumating ang aming order. Nanatiling walang imikan kami ni Ali. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Hindi ko maintindihan kung bakit nanatili pa siya rito gayong marami na akong nasabing masasamang salita sa kanya.

Nilapag ng waitress ang aming mga pagkain. I’m hungry but then my mind just couldn’t properly appreciate the food in front of me. I’m too bothered that Ali’s watching me here. Bothered that he stayed even after what I said. I told him that I’m not in love with him. That there’s nothing in between us but pure desire and lust.

Silently, we started eating. Bawat pagsubo ko ay tipid. Lalo na dahil tuwing sumusulyap ako sa kanya’y nanonood siya sa akin na para bang may inaabangan.

When my eyes drifted to him again, he looked so expectant that I might say something. Nag-iwas ako ng tingin at muling ibinaling ang buong atensyon sa pagkain.

He sipped on his iced tea and then continued eating. Pinanood ko ang paghiwa niya sa kanyang pagkain. His huge fingers manipulated the spoon and fork with skill. Kinunot ko ang noo ko at pilit na pinanatili ang mga mata sa aking pinggan.

Mabilis akong nabusog. Kahit na hindi pa ubos ang aking pagkain ay tumigil na ako.

Although we aren’t in a good relationship right now, I don’t want to be rude. Nanatili ako sa kanyang harap habang papatapos na siya sa pagkain. Hindi naman nagtagal ay natapos din siya. He looked at me and I feel like there’s this secret communication between us. Something that doesn’t need words.

Walang imikan kaming tumayong dalawa.

“Ali…” the man behind me spoke again.

Lumapit si Ali sa kanya habang ako’y dumiretso na sa pasilyo. The cold wind from the sea blew to the walls of the resort. Imbes na dumiretso ako sa aking kwarto ay nagdesisyon akong lumapit sa isang duyan na gawa sa kahoy.

The colorful flags waved as the strong winds blew. A couple is enjoying their humble dinner by the sea sa hindi kalayuan.

Naupo ako sa duyang gawa sa kahoy. Ang langitngit galing sa mga tornilyo ang umingay nang naupo ako.

Napalingon ako nang isang anino ang tumabi sa akin. Muling narinig ang langitngit ng tornilyo nang naupo si Ali sa tabi ko. He was already looking at me. Iniwasan kong mapatingin sa kanya, o kahit sa banda niya man lang. Diniretso ko ang tingin ko sa ‘di tanaw na dagat sa harap.

The southwest wind blew and I shivered again. He sighed and slightly sat on the edge of the swing. Immediately, I felt comfortable with the heat from his body and the way he shields me from the wind.

Nanatili ang tingin niya sa akin. Hindi ako kumibo.

“How long are we staying here?” he asked.

I can’t believe he used that pronoun. Guilt washed over me. Parang nangangalabit ang isang mainit na kamay sa aking puso.

“You can go now…” I said coldly, putting beside the guilt.

I want him to remember that he’s not bound by any obligation. Na kaya ko ang sarili ko at hindi niya kailangang ma guilty kung ano man ang mangyari.

Ilang sandali niya akong tinitigan. Nakakaakit ang pagsulyap sa kanya kaya pinaunlakan ko ang sarili ko ng isang beses.

His eyes looked so down. Like something inside him is falling apart. But then I can sense how he can manage it properly… like he’s done this before.

Pilit na pumasok sa isipan ko ang lahat ng nangyari sa amin noon. The way I pushed him away and always… always, he’d disappear.

“I won’t…” he said in a broken tone.
“You don’t have to be here-”
“Is that really what you want?” his tone is as cold as ice.

Napatingin ako sa kanya. The intensity in his eyes told me that he’s very dangerous right now.

“You’re free to go, Ali,” nanginginig kong sinabi.

Nagkatinginan kaming dalawa. Tears pooled in my eyes. He blurred because of it.

Paano nga ba malalaman kung ang nararamdaman para sa isang tao ay pawang makamundong pagnanasa lang at hindi pag-ibig?

Napaawang ang labi niya at nag-iwas siya ng tingin sa akin. He looked at the darkness in front of us. Parang pinupunit ng husto ang puso kong kanina pang durog.

“Fine…” tumango siya.

Bumagsak ang luha ko sa aking pisngi patungo sa aking baba. Kinurot ko ang aking mga daliri. The pain in my heart is pounding like crazy. I wonder if that’s one clue that this isn’t just lust?

“You’re not in love with me. I can deal with that. But I’m sure my chance isn’t over, right?”

Nilingon niya ako. The hope in his eyes made me feel alive. Hindi ko maintindihan kung bakit kahit na tingin ko’y pagnanasa lamang ang nararamdaman ko sa kanya, a part of me is rooting for him. I part of me is cheering for him!

“I’ll do this the right way now, Thraia…” dagdag niya. “Please, let me…”

I didn’t speak. For a long time, his eyes remained on me. My lips were cold as the wind continuously blew. Nanatili siya sa aking tabi at ni isang segundo ay hindi ko naramdamang may plano siyang umalis.

“I’m going back to Costa Leona tomorrow…” marahan kong sinabi.

Bumangon ang balikat niya sa muling pagsasalita ko.

“I can make arrangements for us. I can tell Captain Galvez to take us with him. He will pilot a ship to Aklan tomorrow. O kung gusto mo rin, pwede tayong mag eroplano…”

My heart calmed at his tone. It’s casual and businesslike. Suminghap ako at tumango.

“The ship is fine…” sabi ko.
“Okay. I’ll make some arrangements tomorrow morning…”

How about your work? Sunday pa bukas ngunit kung sasama siya sa akin patungong Aklan, baka makapos lang siya ng oras.

Hindi ko naisatinig ang tanong na iyon. Inunahan na ako ng paghikab.

“You should rest now…” he said.

Tumango ako at ilang sandali pang pinasadahan ng tingin ang madilim na harapan bago tuluyang tumayo. Tumayo na rin siya at nanatiling ganoon sa aking harap.

Nauna na akong umalis. Sumunod kaagad siya.

As I walked in front of him, I kept on wondering if he has his own room. Siguro ay mayroon. Kahit na konti lang ang rooms na meron dito, sigurado naman akong hindi fully booked ang hotel.

Pinihit ko ang door knob ng aking pintuan at pumasok na sa loob. Nang nilingon ko siya ay nanatili siyang nakatayo malapit sa hamba. Expectations weren’t in his eyes. I could only see the calmness in them.

“Good night, Thraia…” he said.
“G-Good night…” I said guiltily as I closed the door between us.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

2

Comments are closed.