Waves of Memories – Kabanata 41

November 19, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 41

Kabanata 41
Lust

Tinigil ko ang sasakyan ni Penny nang maayos itong nakapwesto sa kanyang madalas na pinagpaparkingan. She clapped and then tapped my shoulders.

“Magaling ka na!”

Kapag may free time kami, she usually lets me drive her car. Gusto niya kasi akong turuan. There are times when I need to go out and buy stuff samantalang nasa condo lang sila ni Ethan. Ayaw niyang mag commute ako at gusto niya na lang ipahiram ang kanyang sasakyan. The problem is, I don’t know how to drive.

Buwan ang lumipas at mas lalong naging maganda ang relasyon namin ni Ali. We dated steadily but I chose to keep it private. I never mentioned it to anyone. I also told him that I prefer that lalo na dahil hindi pa naging maayos muli ang pagkakaibigan namin ni Ivo.

“Thraia, ibinenta ni Alejandro ang bahay sa isang napakamurang halaga!” balita ni Ate Ethel sa akin.

Kahit na nasa kabilang linya lamang siya ay nahihimigan ko ang kanyang mga luha.

“Ate, kaya kong bayaran ang utang ng ‘di ginagawa ni Alejandro iyon! Nag-usap na kami tungkol diyan! Sinabi ko na sa kanya na ako na ang magbabayad ng natitirang utang!”
“Narinig ko siya, Aia. At alam mo namang kapag pinagsasabihan siya’y sasaktan niya lang ako!”

Mas lumala naman ang relasyon ni Alejandro at Ate Ethel. Every night, their relationship kept me awake. Bakit hindi na lang lumayas si Ate Ethel doon? Ganyan niya ba kamahal si Alejandro?

Then I realized… maybe if you love someone, you will love them no matter what. If it’s like that, is it love or dependence?

Ayaw kong manghusga. Lalo na tuwing naiiisip ko ang sarili kong relasyon.

“I won’t be around this weekend…” Ali whispered on my ear.

Nakaupo ako sa edge ng kama pagkatapos ma replyan ang text ni Penny.

Penny:
Where are you? Hindi ka umuwi kagabi?

Ako:
Ang aga mong nakauwi ah? Uuwi rin ako.

Niyakap ako ni Ali galing sa likod. His legs fell on my sides. Naramdaman ko ang hita niya sa aking pang-upo. His hand lightly cupped my lower abdomen. His nose found their way to my clavicle.

“Hmm. Bakit?” I asked.

Holiday ngayon kaya kagabi pumuslit kami ng mga kaibigan sa malapit na club. Like all the other party nights, I bet Penny ended up on Ethan’s bed. At twing ganoon, lagi niyang iniisip na nakauwi na ako. Ngayon lang siya napaaga at naabutan niyang wala ako sa condo. Usually, mas nauuna akong bumalik sa kanya.

“May family event kami sa Palawan… Birthday…”
I nodded slowly. “Okay.”
“No parties, please…”

Nakikiliti ako sa kanyang mga bulong. I smiled and nodded again.

“Promise? You’ll stay in your condo?”
“Yes…”
“Very good…” he whispered softly.

Iyon nga ang nangyari. Nang nag Biyernes at nagyaya ulit si Sir Clement na magclub kami, I refused.

“Thraia naman, it’s Friday!” sunod nang sunod si Penny sa akin habang nagliligpit ako ng gamit.

She seems frustrated that I’m not going to be with them pero ayaw kong mabali ang pangako ko kay Ali. Nag-angat ako ng tingin kay Penny.

“I have to do some important things this weekend, Penny. Kaya hindi ako makakasama. Don’t worry about me.”
“Fine. Then, I’m not going, too!”

Tinalikuran niya ako para pumunta kay Sir Clement at kay Jenissa para ibalita ang desisyon niya.

“Penny!” tawag ko para pigilan siya.

Umirap ako. That’s really her threat when it comes to this. Hindi ko pa siya kailanman natanggihan kapag ganyan na ang drama niya. Totoo naman kaya iyang banta niya? I wonder.

She went back to my cubicle with a satisfied smile. She didn’t mention the party again. Instead ay pinatay niya na lang ang computer niya.

Ayaw kong magtanong dahil baka mamaya ay isipin niyang pwede pang magbago ang isipan ko.

“I’m hungry. Let’s go home? Marami akong lulutuin…”

Nanliit ang mga mata ko. Seryosong ‘di siya sasama dahil wala ako?

Parang nabasa niya ang nasa isipan ko. She smiled creepily and put her hands on her waist.

“You’re not gonna party so I’m bringing the party at home…”
“What?”
“Pinapapunta ko si Jenissa at Clement sa condo. Doon na lang kami mag-iinuman kung ayaw mo!”

Oh, this girl really finds her ways. No wonder she found her way to Ethan.

Hinayaan ko siya sa gusto niyang mangyari. She’s not bothered, anyway. Hindi man lang siya nanghinayang sa clubbing na plano nila. Lalo na noong naggrocery muna kami bago umuwi para lang sa gabing ito.

“Konti na lang kasi ang inumin sa condo…” she explained when she got more alcoholic drinks from the deck.
“Si Ethan?” I asked.
Nagkibit siya ng balikat. “May family gathering…”
“Oh? Sa Palawan?” I immediately asked out of nowhere.

Pareho pala sila ni Ali na may family gathering. Pareho kayang Palawan?

Umiling si Penny. “Sa Cavite lang…”
“Hindi ka sinama?” I asked lazily habang kinukuha ang isang bag ng chips.

Mabilisan akong nilingon ni Penny.

“Nakalimutan mo yatang hindi pa niya ako pormal na pinapakilala sa pamilya niya!”
“Oh!”

Ngumiti siya at nagsimulang dumiretso sa counter para magbayad.

I wonder if she so desperately wants to party so she’d forget about it?

At bakit parang may sakit na dumadalaw sa akin sa sinabi ni Penny. Like the pain isn’t just with her.

Nagluto si Penny sa condo. Ang madalas kong naitutulong ay ang pag gawa ng salad kaya iyon nga ang ginawa ko.

“Nasaan na kayo?” she asked.

Naka loud speaker ang cellphone niya sa pagtawag kina Sir Clement at Jenissa.

“Bagal n’yo! Hindi naman traffic sa baba!” she laughed.

Tahimik ko na lang na ginawa ang salad. Pumunta naman si Penny malapit sa balcony. Nag set up kasi siya ng maliit na table roon at iilang sofa dahil doon sila mag-iinuman. Hindi ko pa alam kung sasali ba ako o hindi.

I checked my phone for a possible text from Ali but there’s nothing. Maybe he’s busy. Ngayon yata ang flight nila.

Pagkatapos kong gawin ang salad ay dumating na si Sir Clement at Jenissa. Sabay kaming kumain sa dining area at walang pinag-usapan kundi ang masarap na luto ni Penny.

“Aia naman, ba’t ayaw mong magparty?” tanong ni Jenissa.
“May gagawin daw siya bukas…” sagot ni Penny para sa akin.

Nagpatuloy kami sa kwentuhan. Tawanan at chismisan ang ginawa namin kahit noong nasa tapat na ng balcony.

The city lights shined in front of us like stars. I think I will forever be in awe of its beauty. Hinilig ko ang aking siko sa barandilya. Ang malamig na hangin ay umihip sa aking buhok.

Inalog ko ang baso ko para mas maghalo ang whiskey at coke. Nagtatawanan sila sa inuupuang ball sofa. Napangiti ako.

Sir Clement is talking about their common friends. Nag-aaway dahil lang sa isang lalaki. Umiling ako at bahagyang natawa sa kwento.

I can see that Jenissa is a bit tipsy already. Alas dose na at kanina pa sila nag-iinuman. Unlike me… this is just my second glass.

Nilingon kong muli ang kabuuan ng syudad.

“Seriously, Ethan should introduce you to his parents…” si Sir Clement.
Umiling si Penny pagkatapos ay umasim ang mukha dahil sa ininom. “You know we started as fuck buddies. How will I know that we aren’t that thing right now? Hindi ibig sabihin na dahil mag iisang taon na kaming ganito, seryoso na agad!” Ngumiwi si Penny.

Mag-iisang taon na sila?

Hindi pa niya kilala ang parents ni Ethan. Is that neccessary, by the way?

“Naku! Tanungin mo! Mamaya malaman mong hindi pala talaga kayo?” Humagalpak si Sir Clement.
“Aba’y bahala siya. As long as I get the good stuff, I don’t mind!” Hindi ko nakitaan ng pagsisinungaling ang tono ni Penny.
“Hay. Hindi ko talaga trip ang mga ganyang relasyon. No. If I give myself to someone, that someone should love me!” si Jenissa. “I mean, we should be heading to the altar.”
“Which is so rare these days. You think playboys change? They don’t. Nag uupgrade lang ang mga iyan. Better excuses, better relationships, longer time… If you happen to stumble upon a man who you think is serious, dadating ang panahon na magchi-cheat din ‘yan. Say… five years or more while married,” Penny nodded.
“Wow!” Nag slow clap si Sir Ethan. “Very enlightened, huh?”
She smiled. “Wala na tayong magagawa. Tanggapin na lang natin. Kesa umasa…”

Napainom ako sa aking inumin. Hindi na ako makangiti, tulad nila.

“Tingnan mo si Thraia, hindi naloloko!”

Napatuwid ako sa pagtayo. Nilingon ako ni Sir Clement.

“That is amazing, actually. Antonius Lienzo Mercadejas, trying to get her attention pero walang nangyayari. Kukuyugin ka ng mga girls dahil diyan…” tumango si Sir Clement.
“Thraia, what’s your secret?” si Jenissa.

Gusto ko na tuloy umamin. Gusto kong sabihin sa kanila na may namamagitan sa amin ni Ali. Nag-antay ako ng magandang tyempo.

“Hindi pa ‘yon nakakarecover sa pag reject sa kanya ni Lynea Angeles, e…” si Jenissa.
“She rejected him and then she left, right? Grabe ‘yon. Highly publicized. Puno ang magazines sa kwentong iyon. Of course, a god is rejected?”
“If I were Lynea, I wouldn’t reject Mr. Mercadejas. If you’re looking for a perfect man, non existent iyon, kaya hindi bale na kung ‘di loyal basta guapo, mayaman, at may substance…”

Napatingin silang tatlo sa akin. I smiled awkwardly.

“H-He got rejected?” medyo napakunot-noo ako roon.
“Ang usap-usapan ay gusto niya parin si Lynea. In an interview, isang close friend ni Lynea ang nagsabing reserved daw si Lynea. Ayaw pahawak, ayaw pahalik, for sure Ali got hooked at someone very hard to get…”

What the hell?

“But then she knows that he’s a playboy kaya siguro nireject.”
“Stop it, Clement. Kahit ayaw ni Aia kay Ali, it’s not nice to hear that story…” si Penny sabay inom ng kanyang whiskey.
“I don’t mind…” agap ko sabay inom narin sa aking whiskey.
“By the way, I heard she’s back?” si Jenissa.

Kinuha ni Sir Clement ang kanyang cellphone. Sumilip naman si Jenissa roon habang si Penny ay nagsasalin ng kanyang inumin.

Kinuha ko rin ang cellphone ko sa bulsa para makapagtext.

Ako:
Are you in Palawan already?

“Oh she is!” sabi ni Sir Clement.
“Kanino mo nakita? Kay Celine?” Penny asked.

I don’t know the people they are talking about.

“There’s a picture of them… Wait? Is this Amanpulo?”

Halos maglapit na ang mga ulo ng tatlo sa kakatingin sa cellphone ni Sir Clement. Kating kati na akong sumali sa kanila para matingnan kung ano iyon.

“The fuck?” malutong na mura ni Penny sabay scroll sa screen ng cellphone ni Sir Clement. “Sa Amanpulo nga ito!”
“The private island?” kumpirma ni Jenissa.

Napainom ako sa inumin. Tiningnan ko ang cellphone at walang reply galing kay Ali roon.

“Oh the candid pics-” hindi na pinatapos ni Penny si Sir Clement.

Hinablot niya iyon at tumayo siya para dalhin sa akin iyon. Unang picture na nakita ko ay si Ali na may dalang baso kausap ang isang babaeng matangkad at mukhang modelo.

I have heard of her name countless of times. I have seen her pictures. She’s a well known socialite. You see her face in lifestyle magazines and she endorses some products too. Syempre, kilala ko siya at alam ko ang tungkol sa kanila ni Ali. Pero hindi ko alam na ganoon pala katindi ang nangyari sa kanila.

Napalunok ako habang pinapakita sa akin ni Penny ang mga pictures na sila lamang dalawa.

Hindi tumatalab sa akin ang mga babaeng lumalapit at nagpapakilala bilang ex ni Ali. Hindi tumatalab sa akin ang kanilang pagbabanta pero may kung ano sa relasyon nila ni Ali na parang naaapektuhan ako.

Whatever it is… it must really be something… for me to feel this way.

May isang picture roon na nagkatinginan ang dalawa. Ali’s wearing a white button down polo and a khaki shorts. Lynea is wearing a white maxi dress with some multiple vintage necklaces on her chest.

My chest suddenly hurt. Something I haven’t feel much in the past. It hurt physically na halos mapaigtad ako.

“Sinabi ba niyang pupunta siya ng Palawan?” palihim na tanong ni Penny sa akin.
I nodded. “Family event…” napapaos ang boses ko.

Hindi iyon nakaligtas sa tainga ni Sir Clement. He laughed at the excuse.

“Family event? Oh… please…”

Hindi nakapagsalita si Penny. Pilit ko namang tinatahan ang sarili ko.

That this is fine. That if he really is playing with me, okay lang. Ayos lang dahil ganoon naman talaga, sabi ni Penny. Men cheat and the only question is… when? And we’re not even in a relationship so why should I be bothered? He has all the right to be with other girls!

“Baka nagluluto ng engagement ‘yan…” sabi ni Jenissa.
“Malalaman din natin ‘yan sa Lunes. ‘Di na ‘yan bibisita sa opisina para kay Thraia kung ganoon…”

Nanatili ang pagtingin ni Penny sa mga pictures. Sumulyap ako at parang gusto ko nang itapon ang cellphone. I cannot stand seeing all of it. Ali laughing candidly as he talked to that girl.

“If he’s fooling her, why’d he tell her that he’s going to Palawan?” si Penny.
“Ewan? Para sa huli sasabihing, ‘Alam mo naman na meron kami, bakit ka pa maniniwala sa atin?’” Sir Clement laughed.

Bumagsak ang balikat ni Penny. Nagkatinginan sila ni Sir Clement. Matalim ang mga mata ni Penny sa kanya.

“I’m not saying anything…” ani Sir Clement.
“If Ethan’s going to be with Glaiza pagbalik noon, hahayaan ko siya…”
“You both started it the wrong way, you can’t expect it to be right in the future…”

Bumalik si Penny sa ball sofa at pabagsak na umupo. Bumaba ang mga mata ko sa aking inumin.

Bitterness filled my veins. Habang nag-uusap sila tungkol doon, tinatahan ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagsasabing ayos lang. Na kung totoong niloloko nga ako ni Ali, ayos lang. I hated him anyway. This is all for fun, anyway. I don’t mind it, anyway.

Ibinigay ko ang sarili ko sa kanya, I enjoyed it anyway. In that moment, at least. This is all cool because it’s nothing to me.

“You can only be sure that he’s serious if he introduces you to his family. In your case, Penny, ask him already to do that…”

Umiling si Penny sa sinabi ni Sir Clement.

Ang tahimik na sakit ang pinakamasakit sa lahat. Nilapag ko ang aking baso sa barandilya at nilingon ang kabuuan ng syudad.

I’m used to being alone. So the pain can stay with me alone… I won’t have to tell everyone about it.

“These comments will spark some issues for sure…” si Jenissa.
“Bakit? Anong sabi?” si Sir Clement.
“Someone asked Lynea if she’s now ready for marriage, sumagot itong kaibigan niyang si Celine para sa kanya… That she’s back for Ali’s proposal two years ago. She’s now very ready to marry him.”

Muli ay kinuha ko ang aking cellphone para tingnan kung may mensahe ba galing kay Ali pero wala. Only my consecutive texts were there.

I wonder if I really exist on their world? Does that girl know me? Does she know that I exist, too? Alam kong nag eexist siya sa buhay ni Ali. Does Ali’s family know that I also exist? The answer is very clear… they don’t. They all don’t know me.

So… am I important? No. If I’m gone right now, I will stay gone because nobody knows me.

Okay lang, Thraia. After all, maybe this is just nothing. Maybe the pain in your chest is just your ego. Maybe it hurts because your pride won’t let you admit it… that you are losing this. You can’t accept it because from the start, you were so vocal about hating him. Tapos ngayon, ikaw pala itong naaagrabyado. Na mas malaki ang tsansang ikaw pala ang ayaw niya? Kaya hindi mo matanggap ngayon.

Kinukurot ang puso ko habang tinititigan ang likido sa baso. They all laughed at something. Hindi ko na maangat ang gilid ng labi ko.

Nabibingi ako sa ingay. Nabibingi ako sa sakit. Nabibingi ako sa lahat. I stayed there looking at my almost empty glass. Dahan-dahang nabasag ang puso ko. Bakit nga ba ako? Paano nga ba ako naniwala na ako?

Like a loud bang, my decision quickly dawned on me. Inangat ko ang tingin ko sa aking mga kaibigan at pinakawalan ang mabigat na hininga.

Penny looked at me with curiousity in her eyes.

“Magliligpit na ako ng gamit. Aalis ako mamaya…” sabi ko.
“Huh? Saan ka pupunta?” gulat niyang tanong.
“Sa Batangas…” siguro.

I have nowhere to go. Iyon lamang ang tanging pumasok sa isipan ko.

Umalis ako sa balcony at nilagpasan sila.

“Anong gagawin mo roon?” Sir Clement asked.
“May titingnan lang. Eto ‘yong lakad na sinasabi ko ngayong weekend…”

I didn’t look back. Patuloy ako patungo sa kwarto. Pagkapasok ay nanghihina akong sumandal sa headboard ng kama.

I feel numb. I opened a search engine and typed in my question. Kahit na maaaring wala roon ang sagot, ginawa ko parin.

“What happened to Antonius Lienzo Mercadejas and Lynea Angeles?”

Articles from lifestyle newspapers showed. Isa-isa kong binasa ang mga naroon galing sa interview ng malalapit nilang kaibigan.

“Lynea Angeles rejected Antonius Lienzo Mercadejas’ marriage. Shortly after the engagement, Lynea Angeles, daughter of David Angeles called off the engagement…”

Tears rolled down my cheeks. A devastated Ali Mercadejas wouldn’t talk about it with the media.

“Lynea thinks it’s too early for that. She’s too young for that…” ang sabi raw ng malapit na kaibigan ni Lynea.

Umalis ng Pilipinas si Lynea pagkatapos. A couple more article which featured the opinions of their friends and Lynea said that Ali’s not happy with the decision.

Pilit akong ngumiti habang binabasa ang lahat ng iyon bago muling binuksan ang mensahe ko para kay Ali.

Ako:
Ali, we’ll talk when I get back. Sorry.

Tumayo ako pagkatapos ay kinuha ang isang duffel bag. I filled it with easy clothes. Hindi ako makapaniwalang ito ang ginagawa ko ngayong madaling araw.

Alas tres ng madaling araw ay lumabas ako ng kwarto. I found my friends still near the balcony. Nakapikit na si Jenissa samantalang si Penny ay patuloy na nakatingin sa kanyang cellphone.

Nilingon niya ako at napatuwid siya sa pagkakaupo nang nakita na handa na akong umalis.

“Anong gagawin mo ulit sa Batangas?”
Ngumiti ako. “Hindi naman ako magtatagal doon… I’ll text you when I get there…”
“O-Okay…” Kumunot ang noo niya.
“Bakasyon? Sana sinama mo kami…” si Sir Clement.

Tipid akong ngumiti at nagpaalam na lang.

Hindi ko alam kung paano ko natunton ang terminal patungong Batangas. Lutang ako habang nagtatanong sa mga tao. ‘Tsaka lang ako natauhan nang naupo na ako sa bus. I checked my phone again and there was just no text from Ali.

Bakit pa ako umaasa? Papatayin ko na sana ang aking cellphone nang may biglang tumawag. Nabuhayan ako ng loob ngunit nang nakitang si Ivo iyon ay muli akong nanghina.

“Hello…” I tried to sound as casual as possible.
“Hi! Are you okay?” salubong niya. “I saw some pics about-”
I cut him off. “I’m fine, Ivo…” nanginginig ang boses ko.

Hindi ko kakayaning aminin iyon sa kanya! He warned me about this and I assure him I won’t bother him if I get hurt!

“Thraia…”

Ang konduktor ng bus ay nagsusumigaw na na aalis na. Nagtatanong kung may sasakay pa ba. Halos napamura ako roon. I just suddenly want to turn off my phone.

“Thraia, where are you? Let’s meet! I’m going back to Costa Leona.” he asked.
“Ivo, I’ll just call you soon. Okay? I’m sorry…”
“Thraia, please. Let’s talk. Mag-usap tayo ng masinsinan tungkol sa ating dalawa! I have something to tell you… It’s important. We need to see each other at Costa Leona…”
“Ivo, I’m sorry…”
“Please, Thraia. I know Ali’s bound to marry Lynea. You have no future with him. Pero sa akin, kung papayagan mo ako…”
“Ivo, I need to go…” I’m drained. I couldn’t even deal with my own pain, how can I deal with others’?
“Thraia, wait! Where the hell are you?”
“Babalik ako… ng Costa Leona…” I said without thinking.

Pinatay ko na ang tawag at pagkatapos noon. Pati na rin ang cellphone ko. Mariin akong pumikit habang nagsisimula nang tumamo ng bilis ang bus.

Maybe it’s time to really face my real problems. Hindi iyong ganitong problema ang inaatupag ko. I have bigger problems than my feelings for Ali.

On that trip I am reminded how I am truly alone… and it’s okay.

Wala pang tulog ay naghanap ako ng mumurahing resort. Sa pagtatanong ko sa mga nakakasalubong sa probinsya ay idinirekta ako sa isang malaki ngunit hindi na develop na resort.

Barb wires surrounded the walls near the large gate. Walang security guard doon kaya diretso ang pasok ko. A large wooden hall greeted me inside. At galing doon ay kita ko na agad ang kulay asul na dagat. Waves crashed on the creamy sand.

“Ano pong atin?” a young lady asked me.

Dalawa sila roon. The other woman is probably around thirties. Nagkatinginan kami noong babae bago ko sinagot ang mas batang nagtanong.

“I want a room…” sabi ko.
“We have one that’s beachfront, Ma’am. May I know your name?” the lady smiled.

Kinuha ko ang aking I.D.s at ibinigay sa kanya.

Hindi maalis ang tingin noong babaeng mas matanda sa akin. I smiled at her to break the ice. She seemed very stoic but when I saw her smile, I realized she’s nice.

“Miss Fortunato, here’s your IDs… Antayin ko na lang po ang maghahatid sa’yo sa room n’yo…” the young lady said.
I nodded at napatingin muli sa babaeng nasa tabi.

She tilted her head and then smiled at me again. Magsasalita na sana ako pero may biglang dumating. An older man bringing a cup of coffee went up to the woman. Pinalupot noong lalaki ang kanyang braso sa baywang noong babae at hinalikan niya ang leeg nito.

Nag-iwas ako ng tingin. A memory flashed on my mind.

“Are you from Aklan?” the woman asked me suddenly.

Napabalik ang tingin ko sa kanila. Ngayon ay nakatingin na rin ang lalaki sa akin. His cold eyes is now directed at me. Napatingin muli ako sa braso ng lalaking may maninipis na balahibo.

“Y-Yes…” sagot ko.
“Costa Leona?” tanong ng babae sabay ngiti muli.
“Who’s she?” the man asked.
“I know that family name. She looks familiar, too.”
“Uhm… Bakit po? Taga Costa Leona rin kayo?” kabado kong tanong.
“Taga Costa Leona ako…” the man said in a low voice. “Solomon Galvez…” he held out his hand. “This is my wife, Athena Galvez…”
“I’m… Thraia Fortunato…”

The man’s face lit up. He smiled.

“You’re Architect Arthur Fortunato’s daughter?” the man asked.
Napatango ako roon. He nodded, too.
“Nandito na po ang maghahatid sa’yo…” sabi noong nasa reception.

May isang kasing edad kong lalaking de uniporme ang dumating. Bumaling ako sa mag-asawa.

“Enjoy your stay here, Thraia!” the woman said.
“Thank you po…” tinanguan ko ang dalawa bago tuluyang sumama sa lalaki.

I guess they were the owner of the whole resort. Nang nasa loob na ako ng room ay pinili kong matulog. Wala akong tulog simula pa kagabi kaya naubos ko ang oras ko sa pagtulog.

Lumabas lamang ako ng kwarto pagdating ng mga alas tres ng hapon. I was so hungry so I looked for their restaurant. May isang maliit na cafe nga roon. May isang pamilyang kumakain ng tahimik. The beach view is in front and it feels so relaxing.

A waitress handed me a menu. I ordered. Habang nag-aantay sa order ay isa-isa kong tiningnan ang mga antique na muwebles. Nakita ko rin ang mga lumang kuwadro sa kanilang dingding.

The latest frames were pictures of the couple. With their names below it carved in a gold plate…

Captain Solomon Rodolfo Galvez. He’s a captain?

Dumating ang meal na in-order ko at hindi ko na pinatagal. Kumain na ako. Gusto kong maligo ng dagat pagkatapos.

After eating, I went back to my room so I could change to my swimming clothes. A one piece suit with a stringed cleavage is under my dress pagkababa muli. Mas nagkaroon ako ng confidence ngayong walang tao rito. Maybe floating in the ocean would relax me… clear my mind.

Hinayaan ko ang katawan kong bumagsak sa tubig. Sa unang bagsak ay nanuot agad sa akin ang lamig.

Pinasadahan ko ng daliri ang aking basang buhok pagkatapos ay hinarap muli ang undeveloped resort na pinuntahan ko.

A man in a familiar built was standing in front of the shore. His hands were on his pockets. Tila lawin ang mga mata habang matalim akong tinitingnan sa malayo. His intensity made my cold skin burn.

That’s it… This is nothing but lust. This is nothing but pure carnal desire!

Hindi pa nagtatagal ay naglakad ako pabalik sa buhangin para makaalis na sa lugar na iyon. Kung paano ako nasundan ni Ali rito sa Batangas ay hindi ko na alam. Kahit na sinabi pa ni Penny na nasa Batangas ako, paano naman nito nalamang narito ako sa specific na resort na ito?

Wearing his white v-neck t-shirt and a dark blue jeans, he doesn’t fit the whole view.

“Anong ginagawa mo rito?” salubong ko nang nagkalapit na kami.

His eyes drifted immediately on my body. Nagtangis ang bagang ko sa galit. Mas lalo ko lang nakumpirma ang nararamdaman naming dalawa.

This is fucking nothing but lust!

Galit ang ibinalik niya sa aking mga mata. And in just a split second, I trembled at the intensity of his presence. I couldn’t believe it!

Imbes na kausapin siya’y nilagpasan ko siya. I don’t think I can handle him when I’m fucking trembling like this!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.