Waves of Memories – Kabanata 39

November 19, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 39

Kabanata 39
Never

Sa ilang buwan ko sa Maynila, mabilis kong na adapt ang mga gawain ni Penny. Aside sa pag-impluwensya niya sa aking mag gym, ngayon, itong pagpunta naman sa mga club ang nakasanayan ko.

“Happy birthday, Penny!” bati ko sa kanya pagkauwi namin sa condo.

Today is her birthday. Magka-club kami para icelebrate ang birthday niya. Tuwang tuwa pa siya kaninang umaga nang sinorpresa siya ni Ethan sa opisina. Ngayon, ako naman ang sumorpresa sa kanya ng isang cake na binili sa labas.

“Aww! Thank you, Thraia!” sabay yakap ni Penny sa akin.

Hinipan niya ang candle pagkatapos ay pumalakpak na.

Dahil tapos na kaming nag early dinner sa opisina (dahil nagpa blow out siya), itong cake na lang ang kinain namin bago nag-ayos para sa party niya.

“By the way, ‘di ako uuwi mamaya. Baka kina Ethan ako. Pero ihahatid ka namin ni Ethan dito…”

Bigla akong nakaramdam ng hiya. I should be responsible for my own ride. Pwede naman akong magtaxi!

“H’wag na. Pwede akong magtaxi…” sabi ko.
Umirap si Penny. “I insist! Lalasingin ko kayo ngayon kaya dapat lang na ako na ang bahala sa pag-uwi mo!”

Hindi na ako nagsalita. Tutal ay birthday niya naman. Pero kung sakaling kaya ko pa, ako na mismo ang maghahanap ng taxi at itetext ko na lang siya pag nasa condo na ako. Ayaw kong ma hassle pa sila ni Ethan dahil lang sa akin.

Hindi ko rin alam na kukunin pala kami ni Ethan dito. Sumabay pa ako sa kanila sa sasakyan ni Ethan patungong club.

Kinabahan tuloy ako. I refused my date with Ali because it’s Penny’s birthday and we have this. Reasonable naman ang sinabi ko. Bukas naman, mag gogrocery ako pagkatapos mag gym.

I’m wearing a maroon mini dress which revealed a bit of my cleavage. Paano ba naman kasi. Iyong theme ni Penny sa kanyang birthday bash ay “cleavage party” so we’ll have to show our cleavage!

“Happy birthday, Penny!” sabay-sabay na sigaw ng lahat pagdating namin sa club.

Si Ethan ay nasa likod ni Penny, pilit na hinahawakan ang baywang niya habang tumatalon talon siya para mabati rin ang iba pang kaibigan.

Sumali ako sa palakpakan. Pagkatapos pumutok ng iilang wine bottles ay bumaha naman ng photo op.

Ang ibang kaibigan ni Penny ay hindi ko kilala. Tanging ang mga officemate lang ang kilala ko pero kilala nina Jenissa at Sir Clement ang ibang naroon.

“Bottoms up!” sigaw ni Penny kaya nilagok namin ang isang shot ng Henessy.

Sa lahat ng kaibigan ni Penny doon, ako iyong hinihila niya patungong dancefloor. Kapag nawawala ako sa paningin niya, hinahanap niya agad ako at sinasali sa lahat.

“This is my best friend, si Thraia!” pakilala niya sa mga college buddies niya sa akin.

Inisa-isa niya ang mga lalaki at babae pero hindi ko tuluyang nasundan. They were too many.

Kasama si Sir Clement at Jenissa, sumayaw kami sa dancefloor. Ethan remained on the sofa with a couple of other guys from Penny’s friends.

Expats danced with us. Si Jenissa ang pinagkakanulo ni Penny at pinagkakalat niyang girlfriend niya ako at lesbian kaming dalawa. Tawang-tawa ako dahil naniwala naman ang mga ito.

We continued dancing as the drinks pour. Naka limang shot yata ako nang naramdaman ko ang pamilyar na pag-alon ng tingin.

I continued dancing but Sir Clement elbowed me.

“Hmm?” nilingon ko siya.

He leaned in to whisper something. Medyo tumigil ako sa pag indayog para makinig ng mabuti.

“Mr. Mercadejas is on the second floor…” he pointed him with his lips.

Tumingala ako at nakita nga si Ali roon na nakaputing long sleeve button down shirt. Nakahilig ang kanyang mga braso sa barandilya at sa isang kamay ay may baso.

Nagkatinginan kaming dalawa. He looked so serious as he gazed on me. Bago ko pa maputol ang tingin ko sa kanya ay agad na may lumapit na babae.

The tall fair girl leaned on railing. Her eyes were all on Ali. May wine glass sa kamay ng babae at parang may sinabi ito sa kanya.

Ali talked to the girl. Naputol ang tingin ko nang siniko muli ako ni Sir Clement.

“See? Si Empress ang kasama… Tsss…”

Natigilan ako roon. Nanatili ang tingin ko kay Sir Clement. Umiling si Sir Clement, tila disappointed.

“If Ethan Leviste was a playboy, that Antonius Mercadejas never had a steady relationship with anyone. He’s a manwhore kaya beware…”

Another shot was served. Kung kanina’y plano kong tumanggi, ngayon buong puso kong tinanggap iyon. Hinabulan ko pa ng isa bago tuluyang pumikit at nagsayaw ulit.

Sinabayan ko ang tugtugin. At sa bawat lalaking nasa harap kong matangkad, lagi kong ninanakawan ng tingin ang pwesto ni Ali sa taas. He’s really with that model!

So ganoon pala iyon! Anong klaseng chance kaya ang hiningi niya, ‘no? Chance na maging isa ako sa fuck buddy niya? At pwedeng marami kami? This is fucking unfair!

“Hi…” a man in his early twenties approached me.

Kasing edad ko lang ang lalaki. His moves were subtle but I can see that he can dance well. Ngumiti ako sa kanya.

“Hi!” even my voice sounds so tipsy already!

Nahihilo ako at medyo masama na ang pakiramdam. Pero pinagpatuloy ko parin ang pagsasayaw.

I closed my eyes. Hinayaan kong maramdaman ng aking katawan ang musika. Pinasadahan ko ng mga daliri ang aking buhok at naramdaman kong medyo pinagpapawisan na ako.

Dumilat ako para lang pumikit muli dahil lubusan na ang pagkakahilo ko.

Heat from behind is all I feel right after I closed my eyes. Dumilat muli ako at wala na iyong lalaking bumati sa akin kanina. Hindi ko na namalayan dahil masyado akong preoccupied sa sarili kong nararamdaman.

The man behind me put his hand on my waist. Bumaba ang tingin ko sa kanyang kamay. His masculine fingers feel so hot against my waist.

Ano ba itong ginagawa ko?

Maagap akong nag-angat ng tingin sa second floor para tingnan kung naroon pa ba si Ali ngunit nang nakitang wala na ay agad akong nakaramdam ng galit! Ano? Inuwi niya na iyong modelo?

Pumikit ako ng mariin at patuloy na nagsasayaw. The man behind me pushed himself closer to me. Nararamdaman ko na ang kanyang hininga sa aking leeg.

I’m torn between leaving the dancefloor and dancing with the man behind me! Pero sa iritasyon ko kay Ali at siguro’y sa impluwensya na rin ng alak, mas pinili ko ang una!

If he can be with other girls while enjoying his chance, I can be with other men, too! Wala naman kaming usapan na siya lang ang bibigyan ko ng chance, ‘di ba? And what if the chance he’s asking me is the chance to be his fuck buddy?

The man’s hand went to my stomach and then slowly driften on my waist down. Kinagat ko ang labi ko habang dinadama ang kanyang pagkakahawak sa akin.

Thoughts about finally having someone that’s not a Mercadejas excites me. Pero alam ko rin na paniguradong walang narito sa bar na ito para maghanap ng pag-ibig. Ang mga narito ay naghahanap ng panandaliang ligaya. At paniguradong ang lalaki sa likod ko, ganoon ang pakay!

The man’s nose touched my ear. Imbes na tumigil ako’y parang may kuryente pang pumukaw sa aking damdamin sa ginawa niya.

He let his nose travel down my neck. Images of Ali’s kisses on my neck attacked my mind. Dumilat ako para mag-angat muli ng tingin sa kung nasaan siya kanina at nang nakitang wala siya ay kinabahan agad ako.

“You smell so good…” in a low baritone he spoke.

It took me a while before my eyes got back to their focus. When I saw some girls were staring at me, mas lalo lang akong kinabahan.

The bulge on his zipper grew thicker by the minute. Iyong tipong hindi ko na maipagkakaila.

I know who this fucking is!

Halos mahilo ako nang umikot para lang makumpirma na tama ang hinala ko. Nakaawang ang bibig ni Ali at mapupungay ang mga mata niya nang nagtama ang tingin namin!

This is why all the girls were staring at me!

“You jerk!” iritado kong singhal bago tuluyang nagwalk out sa club!

Nilagpasan ko ang mga nagsasayaw. I cannot believe it! May guts pa talaga siyang bumaba at makipagsayaw sa akin pagkatapos ng lahat lahat!?

Mabilis kong hinalughog ang aking clutch pagkalabas ng club. Hindi ko nakita sina Penny at Ethan sa sofa. Ganoon din ang mga kaibigan ko kaya itetext ko na lang sila na sasakay na ako ng taxi ngayon.

My sight is unfocused and my stomach is upset. Hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko at kung hindi lang ako naengganyo sa nagsasayaw sa akin ay dapat kanina pa ako umuwi!

May nakita akong taxi at agad ko iyong hinabol pero tatlong hakbang patakbo pa lang ay sumuko na ang katawan ko. My vomit spreads on the pavement and I feel really bad!

Napahawak ako sa aking tiyan. Sabog ang buhok ko na agad kong sinikop para hindi masukahan.

“Son of a…” I heard the familiar baritone behind me.

Hinawakan agad ako ni Ali sa baywang at ang isa’y pilit na sinikop ang aking buhok. Kinagat ko ang labi ko. I’m too weak to put a fight but I swear to God once my stomach clears, I’m bringing him to hell!

“Thank you!” Ali said to someone I didn’t see.

Siguro ay ang valet o ‘di kaya’y bouncer. Narinig kong nagpark ang sasakyan sa tabi, e.

“Let’s go, Thraia…” he whispered on my ear.

Inalalayan niya ako papasok sa Aston Martin. Siya pa mismo ang nag-ayos ng seatbelts ko. Pikit ang mga mata ko at nakasandal ang buong katawan sa upuan.

I think I passed out. Ang sunod na dilat ko ay nasa loob na ako ng isang mukhang mamahaling bathroom.

There’s a large expensive bathtub. Nakaupo ako sa gilid ng bathtub at ang maligamgam na tubig ay unti unting pumupuno roon. The scent of lavender filled my nose.

“Where am I?”

Napatingin ako sa aking mga paang wala nang sapatos. I still have my clothes on and I smell really bad… like puke and alcohol.

Biglang bumukas ang pintuan. Halos napatalon ako nang nakita si Ali na ngayon ay may dalang bimpo. He’s half naked and on his boxer shorts now! What the hell?

“What the hell are you doing here?” sigaw ko.

Saglit na umawang ang labi niya bago nilapag ang bimpo malapit sa shower. Ang laking bathroom naman nito!

“You’re in my unit. Dito kita dinala dahil lasing na lasing ka na. Pupunasan sana kita ng-”
“I can do it myself!” sabay tayo para ipakita sa kanyang ayos na ako.

He sighed and nodded. Iniwan niya ang isang malinis na tuwalya kasama ang bimpo pagkatapos ay umalis na. I even saw a new set of toothbrush on the sink. Imbes na matuwa ako sa preparedness niya, naglakbay ang utak ko sa iba’t-ibang babaeng maaaring dinala niya rito. Damn him!

Even with the scent of lavender on the tub, hindi na relax ang senses ko. Kung may naitulong man ito, iyon ay ang pawiin ang sakit ng aking ulo at ang kalasingan.

Ilang minuto akong nagbabad doon. Gusto ko pa sanang magtagal ngunit naalala ko na naman kung ilang babae na rin kaya ang nagpakalunod doon!

Sa iritasyon ko ay agad akong tumayo para makaalis sa bathtub na iyon. Unang apak ko pabalik sa marmol na sahig ay nadulas na agad ako!

“Ah!” sigaw ko sabay hawak sa aking tuhod dahil sa sakit na naramdaman.
“Thraia!” sigaw ni Ali galing sa labas.
“No!” I immediately responded when I felt the door open!

Ayos lang ako at hindi niya kailangang pumasok lalo na ngayong hubad pa ako!

I was left with no choice! He opened the door so I tried to reach for the damn towel pero dahil malaki ang bathroom at malayo iyon, imbes na maabot ko’y tumama pa ang buong katawan ko kay Ali!

My breast got squished on his chest and his hands immediately supported my waist para hindi ako madapang muli!

“What the hell?” I screamed.

Nawalan ako ng pag-asa lalo na nang pinalupot niya ang isang kamay sa aking baywang. Tinabunan ko na lang ang aking mukha.

“Get out, please…” I pleaded.

Bago ako dumilat muli ay naramdaman ko na ang tuwalya sa aking likod. Siya ang nag-abot noon!

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, ang likod lang ang tinabunan niya at ang harap ay nanatling natatabunan ng kanyang katawan. He smirked.

“Feel better now?”

Binawi ko sa kanya ang ends ng tuwalya para tuluyang matabunan ang aking katawan. Lumayo agad ako sa kanya nang nagawa ko iyon. Lumapit naman siya. At first, I thought he wants to come near me but when he went to the bathrub, I realized he wants to drain it.

Nanatili akong nakatayo roon, nag-aantay na lumabas siya. But damn his naked back muscles looked more mature than it ever did before. Napalunok ako. Pinilig ko ang ulo ko para pigilan ang mga makamundong pag-iisip.

Nilingon ako ni Ali at naabutan niya ang pagpilig ko sa aking ulo. Umangat ang sulok ng kanyang labi at imbes na umalis ay umupo pa siya sa gilid ng bathtub.

“I want to change…” pagkasabi ko noon ay ‘tsaka ko napagtantong wala nga pala akong damit! “I’ll go home.”

He tilted his head. His dangerous stare is on now. Nanuyo agad ang lalamunan ko nang nakita kung paano niya ako hinagod ng tingin.

“No…” mariin niyang sinabi.

Namilog ang mga mata ko. Anong ibig niyang sabihin doon?

“Anong ‘no’? Uuwi ako… I’m not drunk anymore!” giit ko.
“I want my time. You gave me a chance but you never gave me your time-”
Pinandilatan ko siya. “Syempre, may trabaho ako. ‘Tsaka hindi mo ba alam na birthday ni Penny ngayon kaya nga ‘di ako pwede-”
“Her birthday’s done. Now you’re mine!”
I laughed mockingly. “At ilan kaming mine mo, kung ganoon?”

Kitang kita ko ang pagkunot ng noo niya. Galing ding umarte ng isang ito!

“You were with that model, right? What is she, your fuck buddy if I’m not around? Side chic? O baka ako ang side chic?”

Hindi ko na mawari ang mukha niya. He looked furious but nothing can stop me. I guess alcohol is still on my system!

“Kung pwede palang may side chic, dapat ako rin may side boyfriend, ‘di ba? Para patas naman tayo at hindi lang ikaw!”

Bago ko pa madugtungan ay hinablot niya na ang kamay ko at hinila pabagsak sa kanya. He locked me on his arms at napaupo ako sa kanyang hita!

Napasinghap ako nang naramdaman kong ang aking pang-upo ay nasa kanyang hita na! And I mean, nalilis ang tuwalya kaya walang tela sa pagitan.

“What are you doing, Ali?” kinagat ko ang labi ko.

Hawak niya ang palapulsuhan ko. Ang isang kamay ay nasa aking baywang at parang kay dali lang sa kanyang ipako ako ng ganoon!

“No, you’re not allowed to have sa side boy…” he whispered. “If that’s what you’re talking about…”

Parang nauupos na kandila ang galit ko. Pero isang alaala ko lang sa mga sinabi ni Sir Clement ay parang nasindihan muli iyon.

“At ikaw, pwede? Huh? Sino ‘yong model? Fuck buddy mo noon? Hanggang ngayon? Damn you!” Nagpumiglas ako.
“Shhh…” he rocked me slightly. “She’ll model our products, Thraia.”
“What products? Semento?”

He laughed a bit at my question. Pumungay ang mga mata niya.

“One of our condo-projects. Nagkataon lang kanina na naroon din siya sa bar-”
“At ikaw din? Nagkataon lang?” iritado kong sumbat.
“No. I know you’re coming to that bar. I was hoping we’d date before going there but you refused…”
“It’s Penny’s birthday! Symepre, hindi pwede-”
“Bukas, bakit hindi!?”
“I have to buy groceries… and gym.”
“Bakit hindi ako pwedeng sumama mamili ng groceries? O sa gym?”
“What?” nilingon ko siya.

Pero imbes na sagutin ako’y binaon niya na lang ang mukha niya sa aking leeg. Nang tumama ang kanyang hininga sa aking leeg ay parang nagputukan ang mga kuryente sa aking sistema.

Bolta boltahe ng kuryente ang naglakbay sa aking batok pababa. I immediately closed my knees. At dahil gumalaw ako’y mas lalo lang nalilis ang tuwalya. I felt his skin on my butt. Damn it! He moved slightly at pinag-initan lang ako ng pisngi nang bukod sa puwitan ay may ibang naramdaman sa kanyang hita.

“Shit…” he whispered softly.
“Uhm…” I stopped moving so it won’t happen again.
“So… don’t forget our rule. No side boy for you. You’re not allowed to date other boys… have any suitor… and entertain anyone. Ganoon din sa akin. No side chic. No anything. Just you… Promise me…”

Ngumuso ako at unti-unting kumalma sa sinabi niya. So what the hell is this? Is he courting me or what?

“Fine.”

Unconsciously, I moved again para maayos ang sarili ko and the same spot hit his thighs once more.

“Hmmm…” he whispered in an erotic way.

Nilingon ko siya. Pakiramdam ko’y nahihilo na naman ako. Hindi dahil sa alak kundi dahil sa kanya. Nang nagtama ang paningin namin ay halos mahimatay ako sa nakita sa kanyang mga mata. His eyes were full of lust, desire, and unadulterated need for something. Nakaawang ang bibig niya na tila pinipigilan ang sarili.

Bago pa ako makapagsalita ay hinawakan niya na ang batok ko bilang suporta at dinala ang labi ko sa kanya. Nagliyab agad ang katawan ko nang nagtama ang aming labi. The way he firmly stilled my face for him to have access on my lips told me that I’m not the only one so damn turned on!

His minty flavour spread in my mouth blinding my thoughts. I have no sense of time and space. Masyado na akong nalulong sa kanyang halik.

His other hand covered my breast. Ang tela ng tuwalya ay biglang naging sagabal para sa akin. Lalo na nang dumantay ang daliri ni Ali sa tuktok nito.

Tumigil ako sa paghalik dahil masyadong nawala ang aking sarili sa ginawa niya sa aking dibdib. But then he didn’t let me stop kissing him! His lips moved in a leisured kiss… tila ba mahaba ang panahon at gusto niya pang mas ienjoy ang halik.

His hand, from my left breast, went to the right. Iyon naman ang pinagbigyan niya ng pansin ngayon. I am slowly sliding from his thighs kaya inayos ko ang pagkakaupo ko. Namilog ang mga mata ko nang muling tumama ang aking hiyas sa kanyang hita.

He stopped kissing me and he leaned on my nape.

“Thraia, you’re fucking wet…” he whispered.

Napahawak ako sa kanyang hita. His bulge is slowly growing habang ang dalawang kamay niya’y inaangkin na ang aking mga dibdib.

How can I not fucking be?

Pinalis niya ang tuwalyang tanging saplot ko para tuluyang maangkin ang aking dibdib. The towel fell on his sides. Ang pakiramdam na kinakalabit ng daliri niya ang mga tuktok ng aking yaman ay nakakahilo at nakakawala sa sarili.

A breathy moan escaped my throat. Ali cursed softly before kissing my neck.

Ang isang kamay niya’y bumababa na sa aking tiyan hanggang sa aking puson. I couldn’t sit properly because of the bulge in between his thighs. Pero mas lalong ‘di ako nakaupo ng maayos nang bumaba ang kamay niya sa gitna ng aking mga hita.

Immediately, my folds reacted to his touch in a primitive way. Hindi ko na alam kung bakit tila hindi ako nakokuntento sa paghaplos niya roon at tila may gusto pa akong mangyari.

“Ali…” My eyes were shut close when his fingers started to glided on my molten folds.

He rocked me kasabay ng marahang paghaplos niya sa aking pagkababae. Ang nakakatakot na kaligayahan at pagnanasa’y mas lalong nagpahilo sa akin.

His fingers continued to push in and out of me that my back arched. He kissed my nape, licked my neck… as his other hand still playing with my breasts.

“Ali-” tinakpan ko ang bibig ko nang narinig ang masyadong pagsagad ng pagsusumamo sa boses ko.

Isang mura ang pinakawalan ni Ali at tila napigtas ang inaalagaan niyang pagpipigil. He carried me bridal style to a king size bed.

Isang lamp lang ang may ilaw roon malapit sa kama. Binagsak niya ako ng pahalang. Ang dalawang paa ko’y bumagsak sa sahig pero tila ‘di siya kuntento! Ipinatong niya ang aking paa sa kama para mas lalong mabahagi ang aking mga hita.

Nilagay niya ang kanyang mga braso sa ilalim ng aking hita and he positioned himself in between my thighs.

“Wha-What are you doing, Ali?” tawag ko at pilit na bumabangon.

Before I could protest, he thoroughly kissed me down there! I can feel his wet lips on my creamy folds. I can feel the way he suckled and enjoyed on them.

“Ah! Fuck, Ali!”

Halos mapunit ang pang-ibabang labi ko sa kakagat lalo na noong naramdaman ko ang mainit na dila niya roon. Sinabunutan ko siya habang ginagawa niya iyon! Hindi malaman kung gusto ko bang magpatuloy siya o masyado na akong nahihiya!

But then his firm arms were unstoppable. He wouldn’t let me move even a bit! His masculine fingers caressed my trembling folds and one suck, my world is shaking uncontrollably!

Hindi ko na maipaliwanag ang tono ng daing ko. Natigil ako sa pagsabunot sa kanya dahil nawalan ako ng lakas.

I felt him leave that position. But I am too tired to even see where he was right now!

Nang naramdaman ko ang kanyang mga halik sa aking puson ay ‘tsaka lang ako dumilat muli. Nanunuyo ang lalamunan ko at nanghihina ang buong katawan ko. Pero nang umangat ang kanyang halik sa aking dibdib ay nagningas muli apoy!

He covered my breast with his mouth. His hand played with the other, not wanting to ignore it. He sucked at it like it’s his favorite fucking candy.

I’m not that innocent mentally. Thanks to him, actually! Simula noong nahahawakan niya na ako noon, hindi na muli naging puro ang pag-iisip ko. And hell, I’m lying if I tell you that I’m not fantisizing about him doing this one to me!

Nilipat niya ang kanyang labi sa kabilang dibdib. Kamay naman ang naglalaro sa isa ngayon.

I am swollen and tender. My flesh in between my thighs has never been this sensitive. Pero dahil sa ginagawa niya sa aking katawan ay parang naging alipin ang aking mga nerves.

He slowly climbed to me, leaving my breasts. His hand cupped them as he started kissing my neck. Ngayon, abot kamay ko na ang kanyang boxers. Slowly, I pushed the garter with my fingers. Hindi ko tuluyang mahubad iyon.

When he climbed closer to me, I violently removed his boxers. Tumigil siya sa paghalik at itinuon ang buong pansin sa paghuhubad ko sa kanyang boxers. In his naked glory, I saw his thickness with my own eyes.

Bumaling siya sa akin, lust still very evident in him.

“I’ve only fucking dreamed of this, Thraia…” he whispered and then he claimed my lips.

His manhood kept brushing the lips of my entrance. Napadaing ako sa nararamdaman kong sensasyon galing doon. My blood rushed like crazy and heat slowly boiled inside me.

“Ali… I…”

Sinabayan ko ang bawat hagod niya. I parted my legs more so he’d have better access.

“No, Thraia. You’re a virgin… We have to take this slow…” bulong niya habang muli akong hinahalikan sa leeg.

I have already forgotten modesty. With every seeming entrance his manhood gave me, I felt more and more frustrated. I trembled and tightened everytime he reaches my folds… I anticipated it too much that each time he leaves, I am growing more and more impatient!

“Ali! Come on! Please…” I pleaded at sinubukan kong muling salubungin at baka sakaling matuluyan niya.

He chuckled on my ear. Kumunot ang noo ko at mataman siyang tiningnan.

“If I have claimed you years ago, I would’ve never left Costa Leona without you…” he whispered.

I licked my lowerlip and tried to grind myself to him.

Inangat niya ang sarili niya at mataman akong tinitigan. He stopped rocking me and then slowly he slid himself inside.

Nag-apoy ang aking kalooblooban. Hilo akong napatitig sa kanya habang unti-unti niyang winawasak ang kung ano mang nakaharang sa akin.

Searing pain made me shut my eyes. I swear I tasted blood on my lowerlip as he slowly entered me.

“Fuck!” sigaw ko sa sobrang sakit.

The burning pain made me want to stop him. In fact, nasa dibdib na ni Ali ang aking mga kamay para pigilan siya sa sakit na ginagawa sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko habang unti-unting pinasok ang kabuuan sa akin.

I screamed when I felt him enter wholly! Tears rolled down at the sides of my eyes and a sobbed escaped.

His heavily lidded eyes never left mine. Ilang sandali siyang nanatiling ganoon. Wanting me to get used of his thickness. I wonder if I ever will!

Slowly, he pulled himself back leaving me so lonely. Slowly he pushed himself back again filling me to the brim and making me scream from pain.

He stopped again and kissed me thoroughly. I gasped for air but I know that’s not what I needed.

“Ali…” I called him.

He seems to understood what I meant. He pulled himself back again to leave me then pushed me harder to the root. Lightning pleasure and pain both slammed together at his push. Napasigaw muli ako sa naramdaman.

He gave me hot kisses again which I returned back.

“You were made for me. Not for anyone else… You’re only for me,” he whispered and then he left me slowly.

I moaned when he slammed back. Sakit at kakaibang sensasyon ang naramdaman ko. A sharp pain together with a very intoxicating pleasure filled me, making me lose my rational thoughts!

I parted my legs wider and then slowly I rocked myself so he’d do my pace.

“Goddamnit, Thraia… Stop doing that or I’m gonna come!” bayolente niyang sinabi.
“I want more, Ali. Please…”

He stopped moving so I reached for him making him pull and push… Napasigaw ulit ako sa sakit na naramdaman.

“Fucking stop it…” he said gently but his curse only made me too wet to even hear him.

I pulled and pushed again kahit na pinirmi niya na ang baywang ko para mapigilan.

“Come on, please… Ali… I’m… so…” I moaned my last word.

At parang naputol ang pasensya niya sa akin. Hinawakan niya ang aking baywang and he dragged me closer to the edge of the bed, closer to him.

Dumilat ako para makita siyang pinamumulahan na habang mariing pinipirmi ang aking baywang nang nagsimula siya sa kanyang sariling bilis.

He rocked me so fast I couldn’t scream properly! He owned my body with mastered skill. With every push, he’d fill me to the brim. Before I could scream, he’ll pull and slam again! Kinagat ni Ali ang kanyang pang-ibabang labi habang patuloy na ginagawa sa akin iyon. My scream was endless. The searing pain and pleasure made me pant.

He pumped deeper and faster. The sharp pleasure burst on my womb making me scream in so much bliss! Hindi ko na makilala ang sarili kong boses. Halos hindi ko matawag si Ali. The earth shattering release was more intense than the first one na hindi pa nga natatapos ay may naramdaman muli ako.

“Ali!” I screamed when another wave of pleasure filled me right after the second.

Ali cursed and then pumped harder and faster that the bed thumped against the wall.

Ali growled and climbed on me for a kiss and then slowly, I felt his release filling my womb with hot liquid. Nararamdaman ko rin ang pareho naming pulso roon.

Mapupungay ang mga mata ko habang tinitingnan siya. He sucked my lips and then licked my jaw.

He covered my body with his. Pareho kaming hinahabol pa ang hininga. His shaft didn’t leave my entrance. I wonder if he even have plans to.

Binaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg. He kissed my collarbone and looked at me again. Hinaplos niya ang gilid ng mata ko para mapunasan ang luhang iniyak ko kanina.

“I will never let you go no matter what happens…” he whispered and buried his face on my neck again.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

3

Comments are closed.