Waves of Memories – Kabanata 38

November 19, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 38

Kabanata 38
Chance

“He’s years older than me kaya bata pa ako noong senior siya sa La Salle…” si Penny habang kinikwento ang tungkol sa kanila ni Ethan.

Hindi ang ribbon cutting ceremony sa Cavite ang huling pagkikita namin ni Ali. Iyon lamang ang una.

Nagkita kami sa opisina, madalas niyang kasama si Ethan. We also met at some company-related events. At higit sa lahat, dito sa condo! Oo, dito mismo sa tinutuluyan ko kay Penny! Ako na lamang ang umiiwas na magkrus ang landas naming dalawa.

“Ah… Ganoon ba?” nagkunwari akong interesado sa kanila ni Ethan para lang makakuha ng impormasyon. “So marami kang kilala sa La Salle?”

Nasa kitchen kami ngayon. Nagluluto siya ng pagkain habang ako naman ay gumagawa ng ceasar salad. She is expecting Ethan to come here and I’m pretty sure Ali will be here, too. Kaya kailangan matapos ko na ito bago ko pa lang sila dumating.

“Oo…” she nodded and then turned to the oven. “Hmmm. Siyempre, mga classmates ko. ‘Tsaka, ilang friends din ni Ethan. Ali is Ethan’s bestfriend…”

There!

“Do you know him?” kumunot ang noo ni Penny at tumingin sa akin.

Siguro’y nahahalata niya na parang kilala ko si Ali. Minsan na rin akong kinausap ni Ali sa harap niya kaya hindi ko pwedeng ideny.

“Taga Costa Leona ang pamilya niya…” sabi ko. “His Tito is a dear friend of mine.”
“Sino? Si Yorrick Von?”

Natigil si Penny sa ginagawa at biglang bumaling sa akin. Ayaw kong ibigay ang buong atensyon sa kanya dahil mahahalatang may kung ano sa sinabi ko. Nanatili ang tingin ko sa bowl ng puro lettuce.

“Boyfriend mo?” nahihimigan ko ang lubusang pagkamangha roon.
“Hindi…” Now, we don’t exactly have label so I can’t say he’s my ex. “I mean, we were very close and at some point pakiramdam ko kami na. Noon ‘yon. Pero hindi kami nagkaroon ng label… And now we’re truly just friends…”

Hindi na nagsalita si Penny. Sinulyapan ko siya at nakitang nakatitig sa akin at nakangising-aso.

“Oh… Now… Okay…” Parang may narerealize siya sa pagtango tango niya.
“Bakit?”
“Wala!” malapad parin ang ngiti niya habang tinitingnan muli ang oven.

Humilig siya sa counter. Nagpasya akong manguha pa ng mga impormasyon. Tutal ay mukhang maraming alam si Penny tungkol kay Ali.

“Ali’s a playboy… Very opposite kay Ivo…” sabi ko.
“Hmmm… If you say so…” her tone is laced with amusement.
Ngumuso ako. “But… I think he’s also in a serious relationship… well, if he isn’t married…”
“He’s not married. The engagement was called off…”

I tried not to act so interested about it.

“Talaga? Ba’t naman? Caught cheating?” humalakhak ako.
“Off agad ang engagement sa mismong party, two years ago. I don’t know but Lynea Angeles flew to the States right after it happened… Hindi ko nga lang alam kung bakit…”
“Baka nag cheat si Ali sa kanya?” pilit ko.

Nagkibit lamang ng balikat si Penny at muling nagngising aso.

Pakiramdam ko, experto na ako sa larangan ng pakikiramdam kung bubukas ba ang pintuan ng unit o hindi. Pagpasok pa lang ng susi sa keyhole, naririnig ko na agad ang tunog. Kaya nang naramdaman ko iyon, nilapag ko agad ang bowl ng ceasar salad sa lamesa.

“Tapos na ako!”

Then the door opened revealing our two expected guests – Ethan and Ali.

Nagpunas ako ng kamay at agad na umalis ng kitchen. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ng dalawa ay nilagpasan ko na ang sala.

“Good evening, Thraia!” bati ni Ethan.
“Aia, kain muna tayo ng dinner!” tawag ni Penny galing sa kusina.
“Busog pa ako. Mamaya na ako. Matutulog lang dahil medyo antok…”

Hindi ko na nilingon sila muli. Basta’t dumiretso na lang ako sa kwarto at nahiga roon.

Dilat na dilat ang mga mata ko. Nakatitig lamang sa kisame habang naririnig ang sikmurang tumutunog. My stomach feels so hollow! Next time, kapag bibisita ulit ang dalawa, kakain muna dapat ako bago pumasok sa kwarto. Kahit biskwit na lang o ano!

Damn it!

Napahawak ako sa aking tiyan nang may biglang kumatok. Dahil medyo magulong katok, alam kong si Penny iyon.

“Thraia! Dinner! Huy! Pagkatapos dito, magbo-bowling kami sa tower 2! Sama ka?”

Hindi ako nagsalita. Kunwari tulog. Pumailalim na lang ako sa aking comforter.

“Thraia?” si Penny parin. “Tulog yata… Hayaan na nga, babangon naman ‘yan pag nagutom…”

Pagkatapos noon ay iniwan niya na ako. Paulit ulit akong lumalapit sa pintuan para maidikit ang tainga roon at makinig kung tapos na ba silang kumain o hindi pa. May naririnig pa akong tawanan sa mga lalaki kaya paniguradong naroon pa sila.

Nanginginig na ang kamay ko sa gutom. Kailangan ko talagang magtiis dahil ayaw kong magpang-abot ulit kami ni Ali at magkaroon ng awkward moments sa harap ng magkasingtahan.

“Thraia!” sa wakas ay kumatok muli si Penny. “Alis na kami. Tower 2 lang kami. Magbobowling…”
“Uhmm!” kunwari kakagising lang.
“Bye!”

Ilang saglit ay narinig ko na ang tunog ng pagsarado ng pintuan namin. Hindi muna ako agad lumabas. Nanatili akong nakahiga ng tatlong minuto bago nagdesisyon.

Unti-unti kong binuksan ang pintuan para makita kung may tao pa ba. Nang nakitang wala ay lumabas na ako ng tuluyan at chineck na rin ang bawat sulok ng unit. Ang veranda, ang CR, ang silid ni Penny, at nang nakumpirmang mag-isa nga ako ay ‘tsaka ako dumiretso sa kusina!

“Shit… Gutom na gutom ako…”

Nanginginig ang kamay ko habang nililipat ang chicken with bacon and cheese sa aking pinggan. Kanina pa ako natatakam. Iniimagine ko ang niluluto ni Penny at naglalaway na ako. Tiniis ko lang talaga para ‘di kami magkita ni Ali!

Halos hindi ko na nginuya ang pagkain sa sobrang gutom. Nangalahati’y ‘tsaka lang ako kumalma.

Uminom ako ng tubig at inenjoy na ang pagkain.

When I heard a slight clink from the keyhole, naubo ako sa kinakain! What the hell? Tapos na ang bowling?

To my horror, my favorite person came back alone! Si Ali ang may hawak ng susi ang pumasok sa loob. Hindi pa natatapos kumain ay tinabi ko na ang tira tira.

Seryoso ang mukha ni Ali nang dahan-dahan siyang lumapit sa kitchen. He’s wearing a white round neck t-shirt and a dark blue jeans. Not his usual formal attire. Ngayon ko lang na proseso ng mabuti dahil ngayon lang nagtagal ang paningin ko sa kanya.

Tumayo ako at tinalikuran na siya para makapaghugas ng pinggan. Nagsalin din muna ako ng juice para makainom.

Nang narinig ko ang mga yapak niya sa kusina ay unti-unti na akong kinabahan.

“Finally awake, huh?” his tone is full of amusement.
“Done bowling?” hindi ko siya nilingon.
“Nope… May nakalimutan lang ako rito…”

Inuna ko ang mga baso sa paghuhugas. Habang tinatapat sa gripo’y tumingala ako at umirap dahil sa sagot niya.

“Kunin mo na at bumalik ka na sa Tower 2…”

Pero hindi siya gumalaw. Nanatili siyang nakatayo dalawang hakbang lamang ang layo sa akin. He crossed his arms. Sumulyap ako sa kanya. His piercing eyes feels really strange and intense. Until now, I still couldn’t fully fathom what I’m feeling towards him.

“You’ve been avoiding me…” puna niya.

Kung ang tinutukoy niya’y ang pag bibreak ko tuwing nasa opisina siya, ang pagkukunwari kong uuwi tuwing nalalapit siya sa events, tama siya. Ang galing niya ring makiramdam.

Tumigil ako sa paghuhugas ng plato at suminghap para lingunin siya.

“Anong gusto mong gawin ko? Dumikit sa’yo?”

Nagpatuloy ulit ako sa paghuhugas ng pinggan.

“Ba’t mo ako iniiwasan, kung ganoon?”

Humakbang siya ng isang beses. Sumulyap ako sa distansya namin pero hindi ako lumayo. Ang hirap niya talagang kausap.

“Look, I’m trying so hard to live my life alone… in a normal manner. I don’t want to get tangled with your family-”
“Bakit kay Ivo, ayos ka lang mabuhol?” may bahid ng sakit sa kanyang boses.
“Ba’t mo sinasali si Ivo sa usapang ito?” Binalingan ko siyang muli.

Hindi siya nagsalita.

“Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?” Ibabalik ko na naman ba iyong sinabi ko noon? “What do you want to prove yourself, huh? Na kaya mong kunin ang lahat ng tingin mo’y kay Ivo?”

Nanatili siyang walang sinabi. Nakakunot ang noo niya habang tila tinatantya ang mga sinabi ko.

Nang natapos na ako sa paghuhugas ng plato ay sinabunan ko ang kamay ko ng handwash. Pinapandilatan ko ang skycrapers ng Makati na kita sa bintanang nasa harap.

“If you’re here to find a girl to play with because your fiancee ditched you, maghanap ka na lang ng iba. Tutal, hindi naman siguro mahirap iyon, ‘di ba?”
“I’m not here to play…”
“Oh…” Natawa ako. “You think I would believe that? Probinsyana ako pero ‘di ako tanga at lalong ‘di ako gaga.”

Nilingon ko siya at halos manginig ako nang nakita ang kanyang mga matang puno ng galit at iba pang emosyong hindi ko mapangalanan.

“If I was here to play with you, I would’ve done that when I got the chance!” baritonong boses ang yumanig sa akin.

Napahawak ako sa sink pagkaatras. Humakbang siya palapit sa akin at bumibilis na ang tibok ng puso ko. That same intense feeling he’d give me before is more defined now. I don’t know what changed. And it changed… for the fucking worst!

Tumigil ako sa pag-atras para maharap siya.

“So anong ibig mong sabihin ngayon, ha!? Na seryoso ka kaya ka lapit nang lapit sa akin? Ganoon? Baliw ka pala, e!”

Hindi ko alam kung bakit nangilid ang luha sa aking mga mata. Pakiramdam ko may natutulog na bulkan sa akin na ngayon pa lang ulit nagising.

I remember clearly the day when the magazines were released. Syempre, dahil taga Costa Leona ang mga Mercadejas, big deal ang nangyaring engagement! People were talking about it. I remember how irritated I was everytime I heard stories about it. I wasted nights thinking about it but still I chose to ignore the pain I’m feeling.

Hindi iyon sakit, sabi ko sa sarili ko. Galit iyon. Dahil muntik na akong naniwala! Dahil… sa gitna ng iritasyon ko kay Ali sa mga nagdaang taon, alam ko sa sarili ko na naiirita lamang ako sa kanya dahil nagugustuhan ko na siya… Nagugustuhan ko siya ng higit pa sa naramdaman ko kay Ivo… In fact… walang wala sa naramdaman ko kay Ivo.

Muntik ko na siyang minahal!

At malalaman ko na lang na talagang niloko niya pala talaga ako? Damn him!

“Gusto mo ako ngayon pero kinabukasang pagbalik mo sa Maynila, may fiancee ka na! Sinungaling ka rin, e!” sigaw ko.

His eyes remained soulful. Ngayon hindi ko alam kung galit nga ba talaga ang nakikita ko sa mga mata niya o iyong parehong intensidad na hindi nagpapatulog sa akin!

“Sinungaling ka!” sabay hampas ko ng buong lakas sa kanya nang ‘di siya natitinag.

At kahit patuloy kong siyang hinahampas ay patuloy din siyang lumalpit. He even have the guts to lock my position. Nilagay niya sa sink ang magkabilang kamay, locking me in place. Kaya mas lalo ko siyang sinaktan.

“Get off!” utos ko.
“Sabihin mo kung aling parte roon ako nagsinungaling…” he said coldly.

Mas lalo lang akong nairita! I swear I’d claw his face if only I didn’t like it so much! Damn it!

“Sa lahat!” sigaw ko at tinulak muli siya pero hindi siya gumalaw.
“I told you my family likes Lynea. I told you they have plans about us getting married. I didn’t lie about that-”

Fuck you, Ali! Ngayon ay harap harapan na siyang nanloloko!

“Fuck you!” sabi ko.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya at tinitigan ang akin. Nanginginig ang labi ko sa galit.

“I refused the marriage. I want to marry someone else…” he whispered.

Naghuhuramentado ang aking puso. Hindi ko halos mahabol ang aking hininga. Tinulak ko siya, hindi dahil sa galit, kundi dahil hindi ko na kayang ganito kami kalapit.

“I want you, Thraia…” he whispered on my ear.

Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. He’s a playboy. I don’t need an evidence to that. Bukambibig iyon nina Sir Clement, Jenissa, at Penny. Girls starve for him. This will only go downhill, for sure. Kapag nakuha niya na ang loob ko, paniguradong may iba agad siyang magugustuhan. Challenge, kung baga. And for years, he’d been vocal to this about me.

“I sent you a job offer so you’d work for me but I didn’t hear from you. Now I asked Ethan to send you one and you tried. You give other people their share of chance. You’re not fair to me…”

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. My hand flew to my lips. What? What the hell?

Sa bawat tulak ko sa kanya palayo, bumabalik siyang may panghatak na mas grabe. This one is just out of the world!

“What did you say!?” parang kulog ang sigaw ko sa buong kusina.

He leaned closer to stop me from hitting him. Mariin niya akong siniil ng halik. Buong pwersa ng kanyang katawan ay patungo sa akin dahilan kung bakit napaatras ako at napahawak sa sink.

Ang mga baso at kubyertos na naroon ay natabig ko dahilan ng kanilang pagkakabasag. But I couldn’t care less about them.

Ali’s illegal kisses is taking over my entire system. I couldn’t curse properly because his tongue made its way to the corners of my mouth. He sucked my lower lip as his tongue explored me.

Ang kaninang buong lakas kong pagtulak sa kanya ay unti unting bumaba ngayon.

Ilan pang kubyertos ang nahulog nang natabig naming dalawa ang mga iyon. We both ignored it.

Liquid heat gushed between my thighs as his body came closer to me. Hinawakan ni Ali ang aking batok para mas maanggulo ang halik.

“How could you kiss me like this and reject me easily, huh?” he whispered and then he kissed my jaw.

Hinahabol ko na ang aking hininga. My rising passion is blinding. Hindi na ako makapag-isip ng maayos lalo na nang ibinalik niya sa aking labi ang kanyang halik. His tongue delved on my mouth and something shifted in my heart.

Ali, kailan ka matatapos sa laro mong ito?

Kailangan mo nang matapos ngayon dahil pakiramdam ko… hindi na ako muling makakailag sa tulak ng pag-ibig.

Bumaba na ang kamay ko sa kanyang dibdib. Tumigil iyon nang narating ang kanyang sinturon. His right hand covered my fully clothed breasts. Napadaing ako sa nakaliliyong sensasyon lalo na noong bumaba ang hinliliit niya sa at nadaanan ang munting umbok sa aking dibdib.

“Ah…” I breathed.

My hand is already on his zipper. I felt his growing manhood.Tumigil siya sa paghalik sa akin at sinandal niya ang kanyang mukha sa aking tainga.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang unti-unting hinahaplos ang nahahawakan ko ngayon gamit ang likod ng aking daliri.

Nagkatinginan kaming dalawa. Mapupungay ang kanyang mga mata nang dinungaw niya ako.

But when I heard the slight croak of the doorknob because of the key, buong lakas ko siyang tinulak palayo sa akin.

Pumasok si Ethan sa condo unit. Sunod naman si Penny. Bumaling agad ako sa sink samantalang nanatiling mangha si Ali sa ginawa kong biglaang pagtulak.

“Ali! ‘Di ka na bumalik!” si Penny.

Noong una ay medyo bayolente pa ang boses ni Penny pero siguro nang nakita ako’y medyo naging banayad na.

“Ah… Okay… Hmmm… Ethan, movie marathon na lang tayo?” anyaya niya sa isang maliit na boses.

Nagpunas ako ng kamay. Naramdaman ko namang lumapit si Ali sa akin. Naestatwa ako, natatakot sa kanyang gagawin pero nang yumuko siya para kunin ang mga kubyertos na nahulog at ang mga bubog ng baso ay nagrelax na ako.

Tumabi ako nang hinugasan niya ang mga nahulog na kubyertos. Lumapit si Ethan sa kusina at may kinuha sa ref. I can sense the way he looks at us.

“Nood tayo ng movie…” anyaya niya.
Nilingon ko siya at tinanguan.
“Great! Ali…” may hawak na isang pitsel ng juice si Ethan ngayon.

Tumango lamang si Ali at bumaling sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa. He looks serious while I probably look constipated.

“Halika na rito, Thraia!” anyaya ni Penny.

Nakita kong naglagay siya ng malaking foam at mga throw pillow doon. Humiga siya roon at kinawayan na si Ethan.

“Dito ka, Thraia…” sabay tapik niya sa couch na nasa ulunan niya.

Tumango ako at sumunod naman. Ganoon din si Ethan. Nahiga silang dalawa ni Penny doon at naglampungan.

Penny chose a horror movie. Sabi niya, gusto niya raw ng ganoon para hindi nakakaantok.

Naroon na ako sa couch. Ali remained in the kitchen. Nilingon ko siya at nakita kong inaayos niya ang sink kung saan may disaster kanina. And then when he turned, he caught me looking at him.

Nang nakita kong palapit na siya ay pinanatili ko na ang mga mata ko sa flatscreen. Nagtaas ako ng kilay. Umupo siya sa adjacent couch ng inuupuan ko. My eyes drifted to his pants. The buldge on his zippers didn’t disappear. Nilingon niya ako at muli niya akong nahuli.

Mabilisan kong binalik ang mata ko sa flatscreen. Uminit ang pisngi ko.

He rested his head on the couch’s back at hinilot ang bridge ng ilong. He bit his lower lip sexily at ang tanging nagawa ko na lang ay ang suminghap.

Nang tinuwid niya ang kanyang ulo ay muli kong binalik ang tingin sa TV. Binuksan ni Ali ang kanyang cellphone at nakita kong kunot noo siyang nagtitipa roon.

Ngumuso ako at medyo nagulantang sa biglaang pagsigaw ni Penny. May nagpakita na ba? I’m not even attentive to this horror movie. What the hell?

My phone beeped. Nasa side table ko iyon nilagay. Kinuha ko iyon at hindi ko na kailangang magtanong kung kaninon numero iyon.

Unknown Number:
Give me my chance.

Fuck.

Ako:
Fine. Whatever. But I don’t want anyone to know.

Itinago ko ang cellphone ko. Kitang kita ko ang pagliwanag ng kanyang mga mata nang nakita ang mensahe ko. He turned to me. Hindi ko siya nilingon. I am watching the horror movie seriously without digesting the plot or even the dialogues because I’m preoccupied!

I saw him kiss his phone and put his head back on the back of the couch again. Pumikit siya, tila marami ang iniisip.

Hindi ko alam kung bakit naging ganoon ang desisyon ko. Half of me is telling me that I’m doing it because I want to find out what is this I’m feeling for him. Half of me wants it because I want him to get tired of me. Na siguro, kung pagbibigyan ko siya ay magsasawa rin siya sa akin.

But he can’t keep up with my only rule. He just couldn’t… He couldn’t keep it a secret.

Obvious na obvious siya tuwing bumibisita sa opisina. Lalo na kung umiiwas ako at bigla siyang napapadpad sa aking cubicle.

“Girl, umalis ka na naman kanina. Nandito si Mr. Mercadejas…” si Sir Clement habang hinahabol ako patungo sa water dispenser.
“Ah… Oo. May kinuha lang ako sa baba…”

What the hell, Ali?

“What’s going on?”

Tumigil ako sa dispenser at naglagay ng tubig sa mug. Humalukipkip si Sir Clement para intrigahin ako.

“Napapansin ko medyo madalas pumunta ‘yon dito, ha?”
Umismid ako. “I don’t know…” Better ask him. Pero baka naman umamin si Ali kaya ‘di ko na dinugtungan.
“Asus! Showbiz nito! Seryoso?”

Even during his meetings, he’d ask Ethan to include me on his board. Kaya pati si Penny ay nagtataka na kung bakit ako sinasali palagi.

“And… you’re here again… because…” natatawang puna ni Penny sabay tingin kay Ali.

Sumayaw ang buhok ni Penny nang palipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa. Malayo si Ali sa akin pero parang kada limang segundo ay napapadpad ang tingin niya sa akin.

“What do you think, Ali?” Ethan asked his friend.

Tumuwid sa pagkakaupo si Ali at nagsimulang magsabi ng kanyang opinion. Nanliit ang mga mata ko nang napagtantong may punto ang mga opinyon niya. Hindi ko naman alam na nakikinig pala ang isang ito!

Gumuguhit ang ngiti sa aking labi pero pinipigilan ko iyon. Yumuko na lang ako para tingnan ang mga papel na dala.

When the meeting got adjourned, kitang kita ko ang pag-aabang ni Penny at Sir Clement sa kay Ali at sa akin dahilan kung bakit agad kong niligpit ang mga gamit ko at nauna nang lumabas.

Ali:
I’ll pick you up tomorrow for our dinner date. Around six in the evening.

Parang nanlamig ako nang naisip na makikipagdate ako, for real, sa kanya!

Ako:
Not available. May lakad kami ni Penny.

Ali:
Saturday evening, then.

Ako:
Not available. I have to run some important errands…

Ali:
I can join you, still. Then we’ll have our date…

Bago pa ako makapagreply ay tinabihan na ako ni Sir Clement sa paglalakad. He smiled evilly at me.

“Ano ba talagang meron?”
“Huh?” patay mali kong tanong.
Nagngising aso siya. “Be careful! Maraming aligid diyan. Last week lang naging usap-usapan na Fuck buddy niya raw ‘yong si Empress. ‘Yong model?”

Umirap lamang ako at tinawanan ang banta ni Sir Clement.

“No need to warn me. There’s nothing…”

Ngumiwi ako at nilapag ang gamit sa aking lamesa pagkatapos ay nagtipa ng sagot kay Ali.

Ako:
No.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.