Waves of Memories – Kabanata 37

November 19, 2016 By In Waves of Memories 1 Comment

Kabanata 37
Party

She offered me a reasonable price. Hati kami sa monthly niya sa condo na sobrang lapit lang dito sa Le Viste Lands office. Lalakarin lang iyon.

“Natanggap ka ba?” she asked and she opened her unit’s door.

Pinagmasdan ko kaagad ang loob. Hindi iyon ganoon ka laki. Pagpasok ay ang sala, kitchen, at dining area agad ang kita. May pintuan patungo sa balcony at may common bathroom pa. The first toom is near the sala. She opened the door.

“Kung papayag ka sa offer ko, dito ka tutuloy…”

Pinasadahan ko ng tingin iyon. Mainit at walang bintana. The reason why it has airconditioner. Hindi naman din siguro masama iyon dahil tuwing gabi ko lang naman gagamitin iyon. Ibig sabihin, hindi ganoon kalaki ang babayaran sa kuryente.

“My room is here…” itinuro niya ang isa pang pinutan sa gitna ng sala at kitchen. Sa may bintana iyon. Pero since this is her condo, I can’t be choosy.
“Pag-iisipan ko pa…”

Maghahanap muna ako ng ibang mas murang offer. Iyon ang nasa isip ko. Kailangan ko rin kasi ng mas mura dahil may pag-iipunan ako.

“Okay then! Let me get your number…” sabi niya at agad na pumunta sa counter ng kitchen.

Pinagmasdan niya ako bago kumuha ng dalawang pandak na baso. Kumuha rin siya ng alak at nagsalin sa mga baso. Tinulak niya sa banda ko ang isa at sumimsim naman siya sa kanya.

Kumuha siya ng ballpen at sticky notes sa ibabaw ng ref.

“This is my number…” she said and then scribbled.
“I don’t drink…” sabay tulak ko sa baso.
“Oh!?”

Nagkibit siya ng balikat at pagkatapos ay binigay na sa akin ang sticky notes. She wrote her name as “Penny”.

“Call me if you’ve made up your mind…”

Umupo siya sa high chair at nagpatuloy sa pag inom. Nilagay ko sa loob ng aking bag ang ibinigay niyang papel.

“How are you gonna pay your part, by the way? Hindi ka natanggap sa Le Viste…” hindi ko na napigilan ang sarili ko.
“Try again?” she said na parang normal lang iyon.

Hindi ko alam na pwede iyon. Akala ko nasa blacklist na siya dahil sa pagiging late niya. If she really wants the job, bakit siya late?

“Kilala ko ang boss nila. Hindi niya alam na nagtry akong pumasok sa kompanya. Magpapatulong na lang ako. We’re both from La Salle…”

Oh? She has some connections? Akala ko pa naman with latin honors din siya kaya siya nakuha?

And… La Salle? Sa La Salle siya nag college?

Napangiwi ako nang may naalala roon. Nagtaas ng kilay si Penny at halos maibuga ang kanyang iniinom na alak.

“Bakit? Taga La Salle ka rin ba?”
“Hindi. Hindi ako taga rito, e. Taga Costa Leona ako… sa Aklan.”
“Oh? Ang layo pala! Pero may kamag-anak ka naman dito?”
“Wala rin…”

Naisip ko bigla si Ivo. I’m not sure if he’s in Manila right now. I know he’s almost always traveling abroad. I’ll contact him once I’m settled here. Ayaw kong magpatulong sa kanya gayong kaya ko namang maghanap.

Umuwi ako ng mag-isa pagkatapos kong makita ang condo ni Penny.

Sa mga nalalabing oras bago ako magsimula sa trabaho ay nag intern ako sa papalitan ko ng posisyon. Na promote daw siya kaya ko siya papalitan. Hindi naman ako kailangang naroon oras-oras kaya nagkaroon parin ako ng panahon para maghanap ng ibang condo.

The condos offered were mostly studio types. Kung may room man, medyo mahal iyon. Napagtanto ko tuloy na maganda na nga talaga ang offer ni Penny. Kasi kung bubukod pa ako, kailangan ko pang mamili ng mga appliances tulad ng ref at pangluto. Kung rerenta ako kay Penny, renta, tubig, kuryente, at grocery lang ang iisipin ko. The appliances are already complete so that’s a better idea.

Itetext ko na sana siya noong Biyernes, huling araw ng aking internship. Magsisimula na ako sa Lunes. Pero nagulat ako nang nagkita kami sa opisina. Nag peace sign siya sa akin, malapad ang kanyang ngiti.

“Natanggap ka rin?” gulat kong tanong.

I don’t mean to sound offensive but I don’t think she realized it… o masyado lang siyang positive para pag-isipan ng masama ang tanong ko.

“Lunes na rin ako magsisimula!”

Mas corporate pa ag attire niya sa nagtitrain sa kanya. Simpleng polo shirt lang at jeans ang nasa mid-forties na papalitan niya.

Kumaway siya nang iniwan ako para sundan iyon. Hindi ako makapaniwala. I guess this company is not that strict after all!

Hindi mahirap pakisamahan si Penny. Lalo na nang lumipat ako sa kanyang condo unit.

I realized that she really is a bit loud and bubbly but she can be serious and silent at the same time. Sa opisina, may mga panahong pinagmamasdan ko siya habang nagtatrabaho dahil masyadong seryoso. Pero tuwing nagkakatinginan kami’y lumalaki ang ngiti niya.

Kahit malapit lang ang aming condo sa building, gumagamit parin siya ng sasakyan para hindi ma late. Sumasakay naman ako.

She’s a morning person. The only thing that’s keeping her from being too early at work is her make up and whatnots. Mas maaga siyang nagigising sa akin. Nagluluto siya ng pagkain at minsan ay nagsu-swimming pa sa pool ng condo. Pero natatagalan parin kami patungong opisina dahil sa kanyang pag-aayos.

“Saya mo, ha?” sambit ni Sir Clement nang napadpad sa aming cubicle.

Tinampal niya ang balikat ni Penny. Nagtawanan sila at may pinag-usapang bigla.

Itinuon ko na lang ang pansin ko sa trabaho.

Nagchat ako kay Ivo noong unang araw ko sa trabaho. He replied the next day and he told me he’s abroad. That he’s happy I’m pursuing my dreams… That we’ll see each other once he comes back.

I checked our conversation on Facebook. The last message was from me.

Ako: Sure! I’m excited!

Napalingon muli ako sa tawanan ni Penny at noong direct boss namin na si Sir Clement. He’s a man pero sa isang linggo ko rito sa opisina, may napansin akong kakaiba.

“Jenissa!” sabay gigil na tawanan ni Penny at noong isa pa naming katrabaho.

Mas matagal na si Jenissa sa amin dito. Pero tila kasing edad lang sila ni Penny. Penny towered over Jenissa. Siguro’y kasing tangkad ko lang siya pero mas maporma nga lang. She’s wearing a maxi skirt and a white v-neck spaghetti strap top. Her long multiple bohemian necklaces danced on her chest.

Si Penny naman ay naka itim na blazer, dark blue jeans, at stilletos. Iyon yata ang hilig niyang damit.

Pinasadahan ko ng tingin ang akin. I’m wearing my usual faded jeans, clean white sneakers, and white v neck t-shirt.

Sa unang sahod ko, siguro dapat din akong mamili ng damit.

“Hello, Thraia? Kumusta ka?” tanong ni Ate Ethel nang napatawag ako.

She sounds excited. Pero tuwing naiisip ko kung paano siya maaaring natrato ni Alejandro habang wala ako’y parang nasasaktan lang ako.

“Ayos lang, Ate. Kayo ni Alejandro?” tanong ko.
“Ayos lang din. Eto… ganoon parin siya. Inom ng inom. Ewan ko nga kung saan niya nakukuha ang perang pang inom, e.”
Napalunok ako roon. I feel sad for Ate Ethel. I feel sad that he has to deal with Alejandro alone. “Te, unang sahod ko magpapadala-”
“H’wag na, Thraia! Kapag malaman iyan ni Alejandro, baka huthutan ka lang niya. Mas gugustuhin ko ngang ganitong palihim lang tayo magtatawagan. Hindi ko aaminin sa kanya ang lahat ng ito dahil ayaw kong mamanipula ka niya dahil sa pera!”

Hindi matanggal sa isip ko ang kalagayan ni Ate Ethel. I care for Alejandro too pero mas lubusan para kay Ate Ethel. Wala siyang ginawa kundi ang tumayong ina ko noon pa man.

Laging lumalabas si Penny tuwing gabi. Hindi ko alam kung saan siya nagpupunta. Hindi ko rin alam kung anong oras siyang umuuwi. Tulog na kasi ako tuwing umuuwi siya.

Basta ang alam ko, kapag Thursday, Friday, or Saturday, nagka-club sila ng mga kasama namin sa opisina. Alam ko dahil tuwing mas makapal ang eye make up niya at mas effort siya sa pagdadamit, ibig sabihin doon siya patungo.

“Gusto mong sumama?” tanong niya nang namataan akong nakatingin sa kanya habang nagsusuot ng stilletos.
Ngumiti ako. “Wala akong damit na maganda… ‘tsaka inaantok na rin ako…” palusot ko.
“Hmm. May damit akong paniguradong magkakasya sa’yo. Pero kung antok ka na, ‘di na kita gagambalain…”

During our breakfasts, mas lalong lumalalim ang kaalaman ko tungkol sa kaibigan. Naglayas daw siya sa kanila dahil sa mga kabulastugan niya. Galit na galit daw ang parents niya kaya halos itakwil na siya.

Pero kahit na ganoon, masiyahin parin siya. Sinusubukan niya naman dawng makipag-ayos.

“This Friday is the ribbon cutting ceremony of the second Le Viste Condominium and we are all invited!” sabi ni Sir Clement nang nagkaroon kami ng meeting.

Halos magtilian ang mga babae sa balita. Medyo uminit agad ang usap-usapan pero nang tumaas ang kamay ni Sir Clement ay natahimik agad ang lahat.

“I urge you to wear your best attire since this is a formal event. Ang mga investors at kasosyo ng mga Leviste ay naroon. We, as employees, should be presentable. We are one of the top real estate developers in the country. We should be proud of that!”

Pumalakpak din ako pagkatapos. Tamang tama dahil namili ako. The cream dress will do, I think.

“Hindi ba sa Cavite pa iyong bagong Condo?” tanong ko sa gilid kong si Penny.
“Oo. May damit ka na ba?”

Now, how to get there? I can’t just tell Penny to drive me there, right?

“Pwede bang… uh… hindi sumali?”
Tumagilid ang ulo ni Penny. “Ba’t naman?”

Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya nang ‘di tunog pumupukaw ng guilt. Nagkibit na lang ako ng balikat dahil ayaw ko na siyang sagutin.

It’s going to be my first formal event here in Manila since I came back. Ang huling alaala ko sa mga party ay noong bata pa ako. Napukaw ang damdamin ko kanina nang sabihin ni Sir Clement pero naupos din agad ang excitement ko nang napagtantong mahihirapan ako.

Pwede naman akong mag commute pero hassle na iyon lalo na’t ‘di ko kabisado. I’m not that close to the employees. Si Penny lang ang medyo close ko pero nakakahiya naman.

“Nagpaalam pa naman ako sa boyfriend ko na isasama ka namin patungo roon.”
“Huh?” Natawa ako. “H’wag na! Nakakahiya!”

Buong araw niya akong kinulit doon. Bumibigay na nga ako dahil talagang gusto niyang sumama ako. But then I also think she’s just being nice to me so I insisted that I won’t come. If she’s with her boyfriend (na hindi ko alam na meron pala siya noon), ibig sabihin mas magandang mapag-isa sila. Epal lang ako sa kanila.

“Ah! Hindi ako sasama kapag ‘di ka sasama!”

Iyon na yata ang sukdulang paraan niya para mapasama ako. And she seems serious about it that even Sir Clement called my attention!

“Thraia, sumama ka na…” pilit ng aming boss.

Nakakahiya dahil si Penny naman talaga ang gusto nilang isama. They’re the close friends but since Penny told them about me, ako na tuloy ang pinagtuonan nila ng pansin.

“Marami po kasi akong gagawin-”
“Ay naku! Hindi mo ba iyan magagawa sa ibang araw? ‘Tsaka, you haven’t met Ethan Leviste, our CEO! If you want to get promoted sometime, kailangan mo syempre ng appearance sa mga ganitong event!”

Magaling si Penny mangumbinsi. At kung hindi niya nakukumbinsi, may ibang paraan siya.

Sa araw na iyon, half day lang kami para makapag handa ang lahat. Si Penny ang nag make up sa akin. Habang ginagawa niya iyon, nagsesermon din siya sa akin sa mga tamang paglalagay ng make up.

“Dahil kutis porselana ka, hindi mo na masyadong kailangang maglagay ng foundation. Pero dahil hindi ka naman talaga naglalagay, ang pupunahin ko na lang ay ang labi mo. Masyado naman yatang mapusyaw ang gamit mong lipstick! Bumili ka nga ng mas matapang na pink kung ayaw mong mag red? H’wag naman iyong nagmumukha kang mahihimatay sa sobrang pusyaw!”
“I like nude lipsticks…” paliwanag ko habang nilalagyan niya ng eye shadow ang aking eyelid.
“Nude lipsticks look good if you put a bit of eye make up. In my opinion nga, mas makapal ang eye make up, mas appropriate ang nude lipstick. In your case, wala ka ring eye make up. Talagang lipstick lang ang nilalagay mo! Nude pa! And you’re already pale! Put something on your cheeks!”
“May nabili akong blush on. Gagamitin ko iyon sa Lunes…” paliwanag ko ulit.
“Wala ka bang nabiling mas magandang lip stick?” hindi siya matigil doon.

Nagsimula ulit siya sa mga sermon niya tungkol doon.

“Your clothes improved. Nagshopping ka pala, ‘di mo ako sinama!” puna niya.
“Ah… Uhm… Wala ka kasi noong Sabado…”
“Ah!” Humalakhak siya. Makahulugang tingin naman ang nasa kanyang mga mata. Parang gustong magpapuna.
“Kasama mo ang boyfriend mo?” tanong ko.
Kinikilig siyang tumango.

Saktong iintrigahin ko sana siya sa boyfriend niya nang biglang may tumawag. She answered the phone call and after that she declared that we need to go.

Sa basement, isang malaking itim na sasakyan ang pinasukan namin ni Penny. Sa likod ako ng sasakyan na iyon at nasaksihan ko ang halikan nilang dalawa ng boyfriend niya sa labi bago niya ako nilingon.

“Ethan, this is Thraia. Thraia, si Ethan Leviste…”

Nilingon ako ni Ethan Leviste. He’s wearing a white longsleeve button down shirt. Sa likod ay may namataan akong coat and tie. Siguro ay isusuot niya pa ‘yon. Wait… is he invited at the event?

Wait. Ethan Leviste?

Naglahad ng kamay si Ethan Leviste sa akin.

“Nice meeting you, Miss Fortunato…” he smirked.

The man had some familiar air. Something cocky… something very, very irritating to me.

“Nice meeting you-”

Then it dawned on me. He’s our CEO!

“Oh my God?”

Natawa agad si Penny nang nakita niya ang reaksyon ko. Umiling si Ethan Leviste at binalik na ang kamay sa manibela.

“S-Sir?” nanginginig kong sinabi.

I cannot believe I’m inside the car of our CEO. And he’s Penny’s boyfriend.

“Don’t call him sir, Thraia! Kung hindi pipilitin kitang mag Ma’am sa akin, sige ka!” banta ni Penny.
“But he’s our…” hindi ko napigilan.
“Just do it…” si Penny.

Parang hindi mag sink in sa akin ang lahat. Kahit noong nasa byahe na kami at nagbibiruan na ang dalawa sa harapan ko. Mangha ko silang pinagmamasdan. I cannot believe it! I really just can’t.

Then suddenly they talked about some basketball tournament. Narinig ko ang pangalan ng isang unibersidad na paniguradong common sa dalawa. They were cheering for it. Game daw nila sa araw na iyon at kung wala lang itong event ay nanood na sila roon.

“Anong team mo, Thraia?”
“I don’t watch basketball…” paliwanag ko sabay tingin sa labas.

The green plants outside reminded me of that school.

“La Salle ang ibet natin! Nagpustahan kami ni Jethro, e. Pumusta ka next time!”
“Anong unibersidad ba ang kalaban at doon ako pupusta?” bumaling ako kay Penny.

Napawi ang ngiti sa labi ni Penny.

“What? You don’t like my team? No! We should be on the same boat!” she insisted.

Nagkatinginan kami ni Ethan Leviste sa rearview mirror at agad akong nakaramdam ng pagkailang. He loves La Salle for sure. I can only imagine his disappointment because I didn’t like their team.

Gusto kong bawiin agad ang sinabi ko. Kahit for the sake na lang nila. Lulunukin ko na lang ang pride ko and pretend that I really like their school.

“Bakit ayaw mo sa La Salle?” tanong ni Ethan.
“Ah… Hindi naman ganoon. Gusto naman…” masarap ba ang pride, Thraia?
“Hala! Ang daya nitong si Thraia! Kapag ako ang kausap mo, ayaw mo sa La Salle. Pag si Ethan, biglang gusto?”

Inungkat ng inungkat ni Penny ang opinyon ko sa paaralan nila. Kaya buong byahe, nagkwento tuloy siya sa kagandahan ng school nila.

When we arrived at the venue, napagtanto ko agad kung gaano ka importante ang kasama ko sa sasakyan. The media flocked when they saw Ethan’s car. Dinumog iyon kahit hindi pa kami nakakalabas.

May mga lumapit na security sa pintuan ni Penny.

“Ethan…” sabi ni Penny.
“Mauna kayo ni Thraia sa loob. Papasok din ako. Sasagutin ko lang ang mga tanong ng media. It’s for advertising too…”

Sinunod namin ni Penny ang sinabi ni Ethan. Escorted by the security team, we made our way inside the venue unscathed. The symbolic ribbon is in front of the large door of the condominium’s entrance. Flower stands were everywhere and the important guests were already near the entrance. Ang mga empleyado ay nagku-kwentuhan. I realized how underdressed I suddenly am. Naka coat and ribbon tie si Sir Clement kasama si Jenissa na nakatube top dress.

“Hi!”

Nagulat ako nang pagkatapos nilang magbeso kay Penny ay sa akin naman.

“You look great!” puna ni Sir Clement sa akin. “I-I mean…”

Nakakunot ang noo niya habang paulit ulit akong pinagmamasdan mula ulo hanggang paa.

“You should wear things like these often!”

Ilang sandali pa kaming nag-usap tungkol sa mga damit namin bago tuluyang nakapasok si Ethan doon.

Nang naroon na siya, nagsimula na ang mga ritwal. Penny went beside Ethan while the three of us were just behind the more important crowd.

Nang naputol na ang ribbon ng mga importanteng tao ay nagpalakpakan na kami. We went inside. A programme was waiting at the hall for us. May mga pagkain na rin pero dahil hindi pa nakakapagsettle down ang lahat ay iilang clips lang ng bagong condo ang pinakita muna sa mga panauhin.

Binalikan kami ni Penny. Hinigit niya si Sir Clement sabay turo sa importanteng taong malayo sa amin.

“Halika! Ipapakilala kita sa ilang investors! Sama kayo!” si Penny.

Si Sir Clement lang ang hinihigit niya pero dahil medyo nahihiya ito’y sinama kami. Nagpatianod kami ni Jenissa sa dalawa. Nang napunta sa mga investors ay agad akong nakaramdam ng kaba.

Pinapalibutan kami ng mga camera at medyo malalamig ang aura ng mga taong narito.

“This is Clement Villareal our Finance Head…” si Penny sabay pakilala sa mga medyo matatandang investors.

Tumango tango ako nang pinakilala isa-isa ang mga iyon. I smiled shyly, thinking I’m just some decoration here. Bakit ba kami sinali ni Penny dito kung si Sir Clement lang ang mukhang may interes na ma meet ang mga ito?

When Ethan went to the crowd together with his own, mas lalong lumamig ang aura.

“Ah! Ethan is here…” si Penny.
“Congratulations, Sir Ethan!” bati ni Sir Clement.
“Thank you…”

Habang nagsasalita si Ethan ay napawi ang ngiti ko. Sa gilid niya ay isang pamilyar na lalaki. There were other men with them but I’m looking at the one beside Ethan right now. What the hell? Why is he here?

Ali looked dashing on his clean coat and tie. His perfectly angled jaw screamed of strength and firmness. When our eyes met, pakiramdam ko’y nanuyo ang lalamunan ko. I coughed the dryness of my throat silently. What the hell?

“This is Mr. Mercadejas, Mr…” hindi ko na nasundan ang mga ipinakilala pa ni Penny dahil nanatili na ang mga mata ko kay Ali.

It’s been… what? Two years since we last saw each other. And damn it, I’d be lying if I’d say that my reaction towards him changed!

Yumuko ako nang naramdaman ang matalim na tinging ipinukol niya sa akin. If something’s changed with the way he looks at me, I must say it’s because the intensity is now beyond words!

“Ethan, sa table na lang nila ako sasama muna. But reserve a seat for me so I can go to yours too…” paalam ni Penny nang tinawag na ang mga panauhin.
“Thraia, let’s go?” bulong ni Jenissa.

Hindi ko na muli tiningnan si Ali. Sumama na lang ako ng diretso kay Jenissa at agad na umupo sa lamesang para sa amin.

My eyes wandered to the front tables where the supposed important people are. Nakita ko si Ali na pumapalakpak habang umaakyat ang isang matanda sa stage. He’s not smiling but he seems very passionate about what he’s looking at. When the old man said his speech, Ali looked so attentive that I couldn’t take my eyes off him.

Kumusta na kaya siya? Is he married to Lynea Angeles? Of course! Dalawang taon na rin ang lumipas simula nang nabasa ko sa magazine ang tungkol sa engagement. Imposible naman yatang limang taon ang preparasyon ng kasal!

Bigla akong nawalan ng gana. Hindi pumapasok sa akin ang usapan nina Sir Clement. Hindi rin ako nakakasabay sa mga biruan dahil masyado akong ukupado.

Nang naiserve na ang pagkain, konti lang ang nakain ko dahil medyo nawalan lang talaga ako ng gana. Tawanan at kwentuhan naman ang nakikita ko kay Sir Clement, Jenissa, at Penny. Lagi akong sinasali ni Penny sa usapan. Pero nang may tumawag kay Sir Clement ay iniwan na nito ang lamesa. May pansamantalang pumalit sa upuan ni Sir na isang lalaki. Kinausap ng lalaki si Jenissa kaya sa kanila natuon ang pansin ko.

Hinawakan ni Penny ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

“Pupuntahan ko lang si Ethan… Roam around… The champagne served is fine…” sabi ni Penny bago umalis.

Desserts were served in buffet. Kaya naman ay palakad lakad ang mga tao. It’s a great way to meet other people too.

Nang napagtanto kong hindi ako kailangan sa mesang iyon, I excused myself so I can see some desserts. Pero imbes na ang chocolate fountain ang tingnan ko, pinalusot ko ang mga mata ko patungo sa lamesa nina Ethan at Penny. Ali’s with them. May kausap si Ali roong matanda na ngayon ay katawanan niya na. Nang may binalingan si Ali ay agad akong nagtago sa likod ng fountain at kumuha na lamang ng marshmallow.

Ano ba, Thraia!?

Pinilig ko ang ulo ko at tinotoo na ang pagkuha ng dessert. Before I could get a plate for some fruits, may lumapit na sa aking lalaki na may dalang dalawang champagne flute.

“Champagne for the beautiful lady?” the man said and he handed me the flute.

Binaba ko agad ang platito para matanggap ang champagne. I don’t drink but then I guess… for special occassions, I may, right? I want to be polite so I sipped on it.

“Thank you…” sabi ko.
“Are you a Le Viste Land employee?” the man asked.
“Yes… You?” tanong ko.

Napatingin ako sa ininom nang napansing medyo umalon ang paningin ko sa isang hakbang kasama ang lalaki. Whoa!

“I’m from a similar line… Finance?” he asked.
“Paano mo nalaman?” nagtaas ako ng kilay at uminom muli ng champagne.
“Just wild guess?”

The man smiled. I saw a dimple on his cheek. Napainom muli ako ng champagne nang may biglang naalala. He looked a bit older than me. His curly hair and brown eyes looks harmless.

Naglalakad siya’t sumusunod lamang ako habang siya’y nagkukwento.

Pakiramdam ko’y gusto niya roon sa veranda malapit saback stage ng hall. Medyo dumidilim na dahil palapit na kami roon at hinayaan ko ang sarili kong sumama.

“Well, I admire the Levistes for having this. They always get the best investors… Magagaling din ang kasosyo so I guess to have a successful company, you must need be an ally of those who are successful too…” sabi niya.
“Siguro nga…”

He smiled sweetly at me and then stepped into the veranda. Bigla kong naramdaman ang malamig na hangin. Ang mga tinig ng nagsasalita sa hall ay tila nasa isang malayong kweba.

“What about you? Are you new at the Levistes or matagal ng employee?”
“Ah… Bago pa lang ako…” sabay laro ko sa aking champagne.
“Oh! You’re a new recruit. They’re known to pay their employees higher than most of the same lines… Kaya ka ba nag apply?”
Ngumiti ako. “They offered me the job.”
“Wow! That’s great! I heard pahirapang makapasok sa kanila-”

Natigil siya nang biglang nagdilim dahil sa isang anino. Napatingin kami sa dumating. Halos hindi ko makita ang lalaki dahil nakatalikod siya sa ilaw galing sa hall.

“G-Good evening, Mr. Mercadejas…” bati ng kausap ko sa lalaki.

Halos malaglag ang panga ko nang nakumpirma kung iyon nga ba iyon. Napaatras ako at mas lalong nakain ng dilim.

“Good evening…” bati niya. “You seem to have isolated yourselves here…”

Damn, that voice! Hindi ko alam na ganito ka baba ang boses niya noon!

“We were chatting at hindi ko na namalayan na napunta kami rito…” medyo natatawang sabi ng lalaki.

Ali turned his head to me. Napainom agad ako sa champagne at halos maubos ko iyon. Sinundan ng mga mata ni Ali ang champagne flute na binaba ko. And then he dangerously looked at the man beside me.

I grabbed that opportunity to look at his fingers. Sa dilim, nilakhan ko ang mga mata ko para makitang klaro kung may singsing ba roon at nang wala ay binalik ko ulit ang mga mata ko sa kanyang mukha.

Hindi ko alam kung bakit biglang nagpaalam ang kausap ko. Basta’t pagtingin ko kay Ali, bigla kaming naiwang dalawa roon. The man I’m talking to went inside the hall again leaving Ali and me alone in that dark veranda.

I opened my mouth to speak pero inunahan niya na ako. Hinablot niya ang wine flute at agad na inamoy ang nasa loob.

Umigting ang kanyang panga at muli akong matalim na tinitigan.

“Ilang ganito ang naubos mo?” tanong niya.
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. “That shouldn’t concern you…”

He put my flute on the railings of the veranda and then he turned to me. His presence in front of me is something that I couldn’t emotionally fathom. Pakiramdam ko ay nalulunod ako ngayon at sa kagustuhan kong maisalba ang sarili ko, kailangan kong mag matigas.

“You should’ve mind your own business. Ayaw kong nakikita akong mag isa kasama ang isang lalaking may asawa na!”

He laughed mockingly at that.

Napaatras ako. He advanced a stepped and my heart hammered on my chest. Damn it!

“Don’t worry, Thraia. I’m not married… So… ayos na ‘yon sa’yo?”

Fuck the way he plays!

“Hindi ibig sabihin na dahil wala kang singsing, maniniwala ako. You can always take off your wedding ring just to fool anyone…”

Umangat ang isang gilid ng kanyang labi. Pakiramdam ko ay pinipigilan niya ang sarili niyang mas matawa.

Pinag-initan agad ako ng pisngi. Kinagat ko ang labi ko dahil naunawaan kong mali ang nasabi ko!

“Oh… Now you’re attentive, huh? Did you look for that ring on my finger, then?”

Alam na alam niyang ayaw kong lumalapit siya sa akin! I stopped moving back to prove that I can handle him. Bring it fucking on! Kahit na sa totoo lang ay iyong nainom ko na lang siguro ang nagpapatapang sa akin ngayon!

Biglang napawi ang ngiti niya nang naging sobrang lapit na namin dahil sa pagtigil ko sa pag-atras. The wind from the outside blew my hair sideways. Naamoy ko ang mamahaling pabango niya at pakiramdam ko’y nililigawan nito ang pang-amoy ko.

“I pity the woman you married…” I spat. “The sacrament didn’t change you at all…”

The way he looked at me made me shiver. Muli kong naramdaman ang nakaliliyong takot dahil sa panganib na dala ng kanyang mga mata.

“Oh don’t worry now. If I’m married, I assure you I will never take off my ring.”

Liar… Hindi ko na nasabi. All I want to do now is to walk away from him. I couldn’t stand being around him this close!

Umilag ako sa kanya para makalakad na palayo nang bigla akong nahilo dahil sa nainom. Muntik na akong mabiktima ng sarili kong takong kung hindi lang nahawakan ni Ali ang aking braso.

Bumaling ako sa kamay niyang nakahawak doon. Nagkatinginan kami. I gave him the sharpest look I have. Pero nang hilahin niya ako palapit sa kanya ay hindi na ako nakapanlaban. Napapikit ako dahil mas lalo akong nahilo sa biglaang kilos.

“You’re fucking tipsy,” mariin niyang sinabi.

Kinagat ko ang labi ko. Mas lalo kong naramdaman ang paghigpit ng hawak niya sa akin.

Tumuwid ako sa pagkakatayo at kumawala sa kanyang pagkakahawak. Walang lingon-lingon akong naglakad pabalik sa party. Pero habang lumalayo ako ay mas lalo kong naririnig ang tambol sa aking puso.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

2

One Response to Waves of Memories – Kabanata 37

  1. I’d like to thank you for the efforts you’ve put in writing this
    website. I really hope to view the same high-grade content from
    you later on as well. In fact, your creative writing abilities has motivated
    me to get my own blog now 😉