Waves of Memories – Kabanata 36

November 19, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 36

Kabanata 36
Offer

Tanging ang tunog lang ng mga along humahampas sa dalampasigan ang narinig ko. It feels nostalgic. It feels like I’m back in the past and I didn’t know it’s possible.

Ang lamig ng hanging habagat ay nanuot sa aking balat habang dahan dahan kong binubuksan ang pintuan ng munting bahay namin ni Ali. Naaalala ko noon. Ang tanging pinaniniwalaan ko ay ang mga sinabi ni Ali. But when my dreams started, I started drifting away from him. I feel like he’s fooling me or he’s not telling me everything.

Ganoon pala talaga kadaling mabago ang pananaw ng mga tao. With a simple untold truth, you’d change your mind. With a simple unproved lie, you’ll start to mistrust. I guess it’s human nature. The reason why Ali couldn’t blame me at all.

Hindi ako makatulog kahit na sobrang dilim. I’m in a peaceful place but my mind would wander. I wander if my body should, too.

Days after the accident, hindi pa ako ganoon ka stable. May iilang araw na paulit-ulit na sumasakit ang ulo ko at paulit ulit din akong nagba-black out. Naaalala ko pa na ilang araw kaming nanirahan sa isa pang bahay bago rito. I don’t know why we moved here. Honestly, I didn’t care at all. All I care about is my hurting head. Noong hindi na dumalas ang sakit ay ‘tsaka lang ako nagkaroon ng panahon para sa ibang bagay.

Naghahalo ang itim at kahel sa langit hudyat ng nalalapit na pagsikat ng araw. It’s 5:15 in the morning. Tumunog ang lock ng pintuan nang nagdesisyon akong isarado muli ang bahay.

Tiningnan kong muli ang pamilyar na dagat sa aking harapan bago tumulak muli palayo.

Tinitingnan ko ang aking sandals ni Penny na suot ko ngayon. Bumabaon ito sa buhangin habang naglalakad ako. I guess the little things aren’t important for me for the past months that right now it means so much.

Namili ako ng pagkain. Funny how I want to be so independent when I don’t know how to cook food. I think it’s time.

I bought canned goods, biscuits, water, and more. Pagkatapos ko sa tindahang iyon ay sumakay na ako ng tricycle para maihatid ako sa terminal.

Hindi ako ganoon ka pamilyar sa Estancia kumpara sa Carles. Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang naisip ko sa ngayon. Siguro ay iniiwasan ko na rin talaga ang lahat. Staying in Carles would mean meeting my friends back when Ali was my supposed partner in life. That would be difficult. I don’t want to be asked questions about him everyday.

Dahil hindi kalayuan, hindi rin naging mahaba ang aking byahe. Nang nasa bayan ako’y pinagmasdan ko ang mga taong abala sa araw-araw na hanapbuhay.

“Turista ka, neng?” isang matanda ang lumapit sa akin.

Naka daster na kulay dilaw at berde ang matandang medyo kiba na. May sungkod na dala at isang balde sa isang kamay na may lamang mga isda.

Ngumiti ako at tumabi sa gutter para makadaan ang isang pedicab na may laman ding mga binibenta.

“Uh… Opo…” sabi ko.
Tumango ang matanda. “May sasakyan ka na ba? Ang anak ko’y bangkero. Pwede kitang patulungan sa kanya!”

Bago pa ako makapagsalita ay bumaling na siya sa gusali ng palengke sa likod at may tinawag na. Huminga ako ng malalim at muling pinasadahan ang kabuuan ng sentro ng probinsya.

“Juan! Tawagin mo ang kapatid mo’t may isa pa rito!” sabi ng matanda sabay tingin ulit sa akin.

She smiled at me. The sides of her eyes crinkled.

“Ayos lang po, La.”
“Bakit? May sasakyan ka na?” tanong niya.

Hindi ko alam kung anong tinutukoy niya. Wala naman akong plano sa ngayon. I just really want to get here and see what it’s like to be here in Estancia. Hindi ko na kasi maalala iyong narito kami noon. I was too shocked.

“Kung wala pa ay sa anak ko na lang. ‘Tsaka kumain ka na ba? May agahan kaming binibenta! Halika!”

With her rough hands, she guided me to a wooden table. Nasa gilid iyon ng palengke. Halos naaamoy ko na ang mga isda at mga karne galing sa kinauupuan ko. Ang matanda ay nagsimulang mag mando sa mga batang naroon na kanina’y abala sa pag-uusap.

“Agahan!” sigaw ng matanda sa mga bata.
“Opo, La…” sabi noong isang teenager pa.

Nilingon nila ako at nagkatinginan ang dalawang naroon. Ngumiti sila at nagsimula nang kumuha ng pagkain para sa akin.

“Magdesisyon ka na, hija. Eto…” sabay lapag ng matanda ng isang papel na may nakalagay na breakdown ng tingin ko’y bayarin.

Galing iyon sa isang kasing edad kong lalaki na tinawag niyang Juan kanina.

“’Yang una ang bayad sa sasakyan mo patungong Gigantes. Kunin ko na ang bayad mo ngayon nang sa ganoon ay maibigay ko na sa anak ko at baka maunahan ka pa ng ibang turista…” she warned.

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Pero sa huli ay kumuha rin ako ng pera sa wallet. I handed it to her and quickly she received it.

Binigay niya iyon kay Juan at si Juan naman ang umalis para gawin ang kung ano. Pagkatapos noon ay hindi niya na ako ginambala.

The girls served my breakfast. Ang isang pinakabata ang naglagay ng kape sa tabi ng aking pinggan.

“Saan ka po galing?” she asked sweetly.
Ngumiti ako. “Sa Maynila…”
Her eyes widened. “Talaga po? Maganda ba roon? Sa TV ko lang kasi iyon nakikita!”
“Nenen! Dito ka na!” sigaw ng matanda sa bata.

The kid smiled at me bago siya umalis at bumalik muli sa kung nasaan ang kanyang lola. Nagpatuloy naman ako sa pagkain habang pinagmamasdan ang dalawang bata na nag-uusap at paulit ulit akong tinitingnan. Kapag ngumingiti ako’y nginingitian nila ako pabalik.

Innocence is, indeed, bliss.

Pagkatapos kong kumain at magkape ay binalikan na ako ng matanda.

“Pagbalik ni Juan dito, sasama ka sa kanya at ihahatid ka niya sa port nang mahanap mo agad ang sasakyan mo…” aniya.

Without any plan in my mind, iyon ang sinunod ko. Hinatid ako ng kanyang anak sa port kung saan ako sumama sa iilang turistang naroon.

The tourists were loud and they are all having fun. Pinagmamasdan ko ang malaking grupo ng mga magkakaibigan habang nagpipicture sila. Napapangiti ako tuwing nagtatawanan sila. They were all about my age. Mixed boys and girls. Nang naabutan ako ng isang lalaking nakatingin sa kanila at nangingiti ay agad akong nag-iwas ng tingin. And since then, the man won’t get his eyes off me.

They were cheering for the waves when the sea became rough. Nanatili naman akong nakatingin sa dagat.

I don’t know how to swim. If anything happens here, nobody will also know that I am here. I shiver at the thought that I will just disappear in the face of the Earth without anyone knowing where I am.

Nang dumaong ang bangka, nagmamadaling lumabas ang mga turista. Huli akong lumabas doon. Some men from their group looked at me as I walked out of the boat. Ang isang matangkad ay naglahad pa ng kamay para matulungan ako.

Habang abala ang kanilang grupo sa pagpipicture, dumiretso naman ako sa mga motor.

“Saan po ba may murang hotel dito?” tanong ko sa driver.

May sinabi siya sa aking pangalan ng hotel. He also told me how to get there.

“Hindi ka po ba papasyal muna?” the old man asked.
Umiling ako. “Ilalapag ko lang po saglit ang mga gamit ko…”

Tumango siya at pinasakay na ako sa kanyang motor. I left the whole group there and I didn’t look back at them.

“Akala ko kasali ka sa grupo…” sabi ni Manong.
“Hindi po…” tipid kong sagot.

For the whole five minutes, he talked about the history of the whole Isla. He also offered me of packages but I didn’t say anything about it. Gusto ko lang munang magpahinga dahil kulang ako sa tulog kagabi.

“Nandito na po tayo…” sabi ng driver nang nakarating sa isang mapayapang resort.

Mga kawayan ang nagsilbing dingding ng bakuran ng resort.

“Maraming salamat po…” sabi ko pagkatapos magbayad sa driver.

Maputi ang kanilang buhangin at masarap sa paa. May mga halaman sa gilid ng kawayang dingding, hudyat na talagang puro ang lahat ng nasa paligid.

Isang mukhang lumang bahay ang pinasukan ko, tanggapan ng resort. Isang simpleng room naman ang kinuha ko pagdating.

“Mag-isa ka po?” the woman asked.

I smiled and nodded. Parang hindi makapaniwala ang mga taong mag-isa ako. Binigay niya rin sa akin ang susi ng kwarto.

Habang naglalakad patungo sa kwarto’y ‘di ko maiwasan ang paninitig sa kulay asul na dagat sa harap. The waves turned white when they hit the shore. Halamang dagat naman ang namalibot sa buhanginan kung nasaan ang ilang turistang nakaupo sa kanilang banig.

I opened the door to my room. Binagsak ko agad ang aking bag sa kama. Pati ang katawan ko, nang nakapasok.

Pinagmasdan ko ang kisameng kulay puti. Finally, it’s not that hard to sleep now.

I woke up at around 4:30 in the afternoon. Dumiretso ako sa bintana at hinawi ang puting kurtinang naroon. Tahimik ang dagat at wala akong nakitang ni isang turista. Siguro ay namasyal na ang mga ito.

Nagdesisyon akong lumabas. Pumunta ako rito para makapagmuni muni kasama ang tanawin. Kahit wala sa plano ay kailangan kong sulitin.

Hinalughog kong muli ang overnight bag ni Penny. Naalala kong may nakita akong two piece na kulay fuschia pink doon. Nang nahanap ko iyon ay agad kong kinuha. Napailing ako nang nakitang may tag pa iyon, tulad ng isang pares ng damit niya rito. Para saan ba ang overnight bag na ito at bakit laging nasa likod ng kanyang sasakyan?

I can only imagine her escapades with Ethan. The only probably reason why she needs some emergency clothes.

Dire diretso ang labas ko ng room. The colorful flags on the kawayan walls danced with the wind. Ilang sandali kong tinitigan ang dagat bago tuluyang matapang na umapak dito.

The waves were big. Dahil hindi ako marunong lumangoy, hindi na masyado akong lumayo. Tumingala ako at pinagmasdan ang kulay asul na langit. Hinayaan ko ang ulo kong mahiga sa asul na tubig hanggang sa unti-unti akong pumikit.

And in just seconds, years worth of memories came crashing on me like a huge wave.

“Good morning, Miss Fortunato…” ang aming dean ang nagpaupo sa akin sa sofa sa harap lamang ng kanyang lamesa.

Tinanggal niya ang kanyang salamin at hinilot ang kanyang sentido. Dean Ingrid Bernales looked weary ealy in the morning. Pero nang dumilat siya’y ngumiti sa akin at nagawa pang pumalakpak.

“I am happy to inform you that we received a letter from a company to you…”

Napakurap-kurap ako roon.

Hindi lingid sa kaalaman ng aming dean ang kagustuhan kong magtrabaho sa Manila. Noong nag exit interview kami, I made it all clear that the reason why I want to graduate in Latin Honors is because I want to land a job in the capital.

I am one of the leading students of the finance department. At hindi sa pagmamalaki’y malaki ang tsansa kong matupad ang mga pangarap ko ngayon. Ang mga kasabayan ko’y binibigyan na ng offer ng malalaking bangko. Hinihintay ko na lang ang akin.

Tumayo si Dean at nilapitan niya ako. She handed me an envelope. Binasa ko muna ang nasa likod nito at nakita ko ang pamilyar na simbolo ng isang pamilyar na kompanya.

Napawi ang ngiti ko nang nakita ko iyon.

For the past two years, Ivo didn’t really come here to stay. Bumalik lang siya para bumisita at agad ding umaalis. He visits me at home but the longer we stayed as friends, the farther we drift apart.

He’s pursuing his masters. He said it’s hard. Lalo na dahil tumutulong siya sa gawain sa kanilang kompanya. I told him that I’m doing better at school. He’d only smile and tell me that it’s good.

Hindi na rin nagpakita si Ali sa akin. Nang tinaboy ko siya ay tuluyan na nga siyang umalis. It bothered me but when I saw some magazines telling everyone the engagement between him and Lynea Angeles, my regrets turned into anger. Hinding hindi ko kailanman pagsisisihan na itinaboy ko siya!

“This is from MERC, Dean,” sabi ko nang ‘di binubuksan ang sulat.
She nodded. “You’re offered a good position, Miss Fortunato. At least kung gusto mo rito sa Costa Leona magtrabaho’y pwede kang magpatransfer na lang, ‘di ba?”

Ayaw kong makitaan niya ng attitude ngayong wala pa nga akong nararating. Tumango na lamang ako at tinanggap ang sulat.

Umalis ako ng office niya na gusot na ang sulat sa aking kamay. Kahit ano pang ioffer sa akin ng kompanyang ito, hindi ko matatanggap. I will never, ever let myself be tangled to them again. Ngayong medyo kumalas na ako, ayaw ko nang bumalik.

Sinarado ko ang bakal na gate namin. Hindi pa ako nakakaharap sa pintuan ay naririnig ko na naman ang pagbabasag ni Alejandro.

He shouted vulgar curses at Ate Ethel dahilan kung bakit tumakbo na ako papasok ng bahay, kabado.

“Ano ngayon kung ito ang gawin nating pambayad, huh?” he shouted.

Agad akong dumalo kay Ate Ethel. Galit na rin si Ate habang tinuturo si Alejandro. Alejandro’s grown thin. Nalulong din siya sa alak at ngayon ay lasing na naman siya.

“Kung sana ay hindi mo inubos ang pensyon ni Architect Fortunato’y sana ka nahirapan! Maghanap tayo ng ibang paraan h’wag eto!” sigaw ni Ate Ethel.

For the past months, binibigay na ni Alejandro ang ancestral house sa bangko. Ang pension na sana’y para sa akin at para sa gastusin sa bahay ay ininvest niya sa isang firm na bumagsak dahilan kung bakit naging tagilid kami.

“Gusto mo kasi ng madaling pera! Gumising ka, Alejandro! Hindi madaling magkapera ngayon!” sigaw ni Ate Ethel.
“Ikaw!”

Sumugod si Alejandro kay Ate Ethel.

“Tama na!” sigaw ko, naiiyak.

He locked her face with his fingers. Halos sakalin niya si Ate Ethel. Tinulak ko si Alejandro palayo ngunit masyado siyang malakas!

Binitiwan ni Alejandro si Ate Ethel at tumingin siya sa akin. Namumulo ang mga mata niya at tila kalansay na ang mukha dahil sa kanipisan.

“Siya lang ba ang inaalala mo, Ethel? Dahil walang magiging bahay ang isang ito?” he shouted. “Ano ngayon? Tutal ay utang ‘yan ng tatay niya!”
“Kung hindi mo kinuha ang pensyon para magkaroon ng mas madaling pera, sana ay hindi tayo mahihirapan-”

Muling sumugod si Alejandro para mapigilan si Ate Ethel sa pagsasalita. Tinulak ko siya ng buong lakas at agad akong sumigaw.

“Tama na, Alejandro! Oo na!” sigaw ko. “Ibenta mo itong bahay para makabayad ka sa mga utang ng tatay ko!”
“Thraia, hindi. Bahay mo ito! Siya dapat ang maghanap ng paraan niya para makabayad sa sariling utang!” si Ate Ethel.

Alejandro’s stunned with my words. Pirma ko ang kailangan para tuluyang maibenta itong bahay.

“Ate, tutubusin ko ito sa bangko pag nagkapera ako.”

Hindi ko iyon pangako kay Ate Ethel. Pangako ko iyon sa sarili ko. This is where my mother grew up. This is where I grew up. This is my only home. I will do everything to save it. At mas nagkaroon ako ng rason para mangarap ng matayog… kailangan ko ang bahay na ito… This is the reflection of my past, my childhood dreams, my lost family, and everything about me.

Without it, I’ll be all alone. I’ll be more alone than ever.

“Pinatawag kitang muli dahil dito…” sabi ni Dean Bernales isang linggo bago ang aming graduation.

She handed me another envelope.

“You didn’t send in your resume for the MERC offer?” she asked.

Tumango ako habang tinitingnan ang envelope. Tiningnan ko ang likod at ibang simbolo ang nakita ko roon.

Le Viste Lands is known for their chain of real estates. Sikat iyon sa buong Pilipinas at medyo nagulat ako dahil may offer ang kompanyang iyon sa akin.

“This was sent this morning kaya kita pinatawag. If you’re planning to go to Manila to look for a job, mahihirapan ka. They don’t immediately reply to resumes unless they’re hiring. Your best option is to go through all the companies who offered you a job and when you found another, ‘tsaka ka mag resign.”
“I will try this company, Dean…”
“That’s good, Thraia. I’m just worried that you’re too idelistic. Hindi ka agarang makakahanap ng trabaho roon kaya mas mabuting kumagat ka sa kung anong opportunity ang meron ka ngayon.”

I emailed the Le Viste Lands my resume. Hindi pa nagdadalawang araw ay may schedule agad ako ng interview.

“Our priorities are those who are finance major with good standing,” basa ko sa email.

Ang sabi’y may isang linggo akong stay sa kanilang condominium malapit sa kanilang opisina. But after the one week stay, if I get the job, I will need to find my own place to stay.

Ito na yata ang magandang offer na gusto ko. Wala akong pera at malaking tulong ang isang linggong stay sa kanilang condominium para sa interview ko. At least I can also look for other jobs that whole week. Kung sakaling ‘di ako matanggap, may puruhan pang matanggap din ako sa ibang kompanya!

Isang plane ticket ang kinuha ko. Binigyan ako ng kaonting pera ni Ate Ethel pagkatapos kong pirmahan ang dokumentong nagpapatunay na payag akong ibenta sa bangko ang bahay. Masakit man sa akin pero wala na akong magagawa. Ang tanging magagawa ko na lang ay ang pagtubos nito kapag may pera na ako.

Ilang minutong lakad lang galing sa condominium patungo sa opisina ng Le Viste Lands kaya sobrang aga ng dating ko roon sa araw ng interview.

Kabado ako. Kahit malamig sa silid ay namamasa ang kamay ko dahil sa kaba. Dala ko ang aking portfolio kung nasaan ang mga kakailanganing dokumento.

“Miss Penelope dela Rosa?” tawag ng babaeng mukhang sekretarya sabay tingin sa akin.

Lima kaming naroon sa room pero walang tumatayo nang tinawag muli ang pangalang iyon.

“Not here so cancel… Yza de Guzman?” sabi ng sekretarya.

Tumayo ang katabi ko at sumama na sa babae.

Kakapasok lang ng dalawa sa opisina nang biglang may dumating. Isang maganda at mukhang mayamang babae ang nagmamadali sa pagpasok sa silid. Nang nakita niyang bakante ang upuan sa aking gilid ay umupo agad siya roon.

“Tinawag na ba ako?” she asked me. “I’m Penelope dela Rosa…”

Napaturo ako sa pintuan kung saan kakapasok lang ng sekretarya.

“Ilang beses kang tinawag kanina…” sabi ko.
“Oh fuck now. I have to get fucking in of this company…” she said in panic.

Kinakalma ko ang sarili ko rito samantalang balisa na ang katabi ko. Paulit ulit siya sa pagtatanong kung Penelope dela Rosa ba talaga ang tinawag at maiyak-iyak pa siya nang paulit ulit din siyang sinasagot ng mga kasama ko ng “Oo.”

“I have to pay for my rent! It’s expensive and I’m alone! My God! I have to get this job!” she said like she’s close to everyone.

Lumabas ang ininterview at ang sekretarya. Agad tumayo si Penelope.

“Miss, I’m Penelope dela Rosa…” sabi niya sabay turo sa kanyang sarili.

Her hair is tied up in a high ponytail. She’s wearing an all black dress. Pakiramdam ko’y hindi siya nag aapply bilang empleyado, kundi bilang may-ari ng kompanya. Ngumuso ako habang pinagpapantasyahan ang damit niya.

Her handbag is even designer. How can she not pay her own rent? Magkano ba ang renta niya? Thirty thousand? Fifty thousand?

“I’m sorry, Miss, but you’re late…” sabi ng babae sabay tawag sa susunod. “Thraia Gabriella Fortunato…”

Tumayo ako. Nilingon ako ni Penelope at kitang kita ko ang pagsusumamo sa kanyang mukha.

“Come here, Miss Fortunato…” sambit ng sekretarya.
“Miss, Please…” she called the secretary.
“I’m really sorry. Bilin po ito ng boss namin… We need to reject applicants who are one hour late… I’m sorry, Miss. I’m just following orders…”
“I need this job, Miss. I have ten thousand rent for my unit and I am so broke. Please, I’m sure your boss knows me…”
“I’m really sorry…” ulit ng babae.

Pumasok na ako sa loob. Isang nasa mid-forties na babae ang nag interview sa akin. She’s the company’s HR. Sinagot ko ang mga tanong niya, konti lang naman ito at puro teknikal pa.

“You’re hired…” she said. “You should look for a place to stay. You’ll start on the 16th of the month…”

Ni hindi na ako nabigyan ng pagkakataong maghanap ng ibang trabaho sa ibang kompanya dahil binigyan na agad ako ng job description at breakdown ng sahod. I’m satisfied with the pay. Actually, I find it really big! Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa hindi ako sanay sa malaking pera o talagang malaki ang pasahod sa kompanyang ito. Iyon ba ang dahilan kung bakit lubusan na lang ang kagustuhan ni Penelope na makapasok sa kompanyang ito?

Pagkalabas namin ng sekretarya ay patuloy si Penelope sa pagmamakaawa. She started crying but then the secretary just didn’t find her tears effective.

Pinandilatan niya ang sekretarya at humabol siya sa elevator na pinasukan ko. Pinunasan niya ang mga luha sa kanyang mga mata habang patuloy na nagmura sa loob. Kaming dalawa lang at tahimik lang ako.

“Nakakainis! Sisisantehin ko ang feeling na iyon kapag ako na ang may-ari ng kompanyang ‘yan, makikita niya!” aniya.

Natawa ako ng bahagya at napatingin muli kay Penelope. Seryoso ba siya? May pag-asa bang maging may-ari siya ng Le Viste? Posible naman ang lahat at libre lang mangarap.

Namataan niyang nakatingin ako sa kanya kaya ngayon ako ang pinagdiskitahan niya.

“Ano nga ulit ang pangalan mo? I have an offer!” maligaya niyang sinabi nang tila may napagtanto.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.