Waves of Memories – Kabanata 35

November 19, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 35

Kabanata 35
Toxic

Sa likod ako dumaan para lang hindi makaabala sa ibang tao. Patungo ako ng bathroom nang hagilapin ko sa aking clutch ang aking cellphone para makapagtext kay Penny.

Alam kong hindi maganda ang iniisip ko pero mas lalong hindi maganda ang nararamdaman ko.

The laughters and chattering around the place made my heart sink a little bit more. Parang hinahampas sa sakit ang ulo ko at kasabayan pa nito ang kurot sa aking puso. The words of Senyora Domitilla kept on playing inside my head.

Guests saw me looking confused as I made my way to the powder room. Ang iba sa kanila’y nginingitian ako. Tila sanay na sanay na sa mga ganitong okasyon samantalang ni hindi ko maalala kung nakapunta na ako sa ganito noon.

Ano ang ginagawa ko?

Bakit nga ba ako narito?

I have this very unusual condition and all I think about is choosing between two men who aren’t for me. Bakit nga ba hindi ko na lang pinagtuonan ng pansin ang sarili ko?

Tinulak ko ang pintuan ng powder room. Two girls were inside. They were both laughing at something. Pumasok ako sa cubicle. Nang sinarado ko’y hinilot ko agad ang aking sentido.

It’s throbbing really bad. I’m just not sure of the pain scale but it has never been this painful. Sa sobrang sakit nito, pwede ko itong ihalintulad sa isang bulkang malapit ng sumabog.

Nanginginig ang mga kamay ko habang nagtitipa ng sasabihin para kay Penny.

Ako:
Penny, where are you? I want to leave.

God knows how much I do.

Hindi ko yata kakayanin na harap harapan akong mamaliitin ng kanilang pamilya. Like I’m some desperate bitch who wants any of the two.

I feel guilty. I admit it. Kahit paano ay tama si Senyora Domitilla. But then when I left Costa Leona, I was so sure that I just want to rebuild myself. But still, I end up being here… choosing between the two!

Napadaing ako sa sakit. Immediately, I went out of the cubicle hoping to have more access to air. Natigil ang sakit ng ulo ko. Hindi iyon dahil nakahinga ako ng mabuti, kung hindi dahil kay Lynea na naroon na rin sa bathroom.

We’re alone now. The girls who were here went out. Hindi ko na namalayan iyon dahil masyado ko nang ininda ang sakit ng ulo ko.

My phone beeped but I couldn’t take my eyes off Lynea who’s looking at me through my reflection on the mirror in front of us.

She closed her pressed powder. Sa sobrang tahimik sa loob ay masakit sa tainga pakinggan iyon. She smiled wickedly and then turned to me.

“I know I should be happy that Ali didn’t choose you to be his partner tonight but…”

I can’t believe it. Ito lang ba talaga ang alam niya sa buhay? Wala na ba talagang iba?

I have realized that what I’m doing between Ivo and Ali is wrong pero hindi na nito kailangan pang ipangalandakan ang kahit ano sa akin.

Nag-iinit ang damdamin ko. Nagningas ang galit na ayaw ko na sanang patulan pa.

“Did you hear what his mother said? I’ve known Ali for years. I know how their house works. Kilalang kilala ko na siya na alam ko kung kailan siya galit, masaya, at kung anu-ano pa. I’ve been with him almost all his life. At school, vacations, and at home… You think you’d change his parents’ mind?”

She smiled. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinagmamasdan siya. Parang naisasantabi ang sakit ng ulo ko dahil sa galit na namumuo sa aking sistema.

She looks so sure of herself. I envy how much confidence she has about something that she didn’t know about.

Pero ano nga ba ang alam ko?

Wala rin akong alam.

Ni hindi ko alam kung sino ang mas maraming alam sa aming dalawa.

Pero importante ba iyon?

My final stand will be to believe everything Ali told me. That’s going to be my last straw. Pagkapasok ko rito sa bathroom, alam ko na kung ano ang susunod na hakbang ko. Pero bago ang malaking hakbang na iyon, gusto kong makaganti kahit paano. Gusto kong lumaban kahit na alam kong wala rin naman akong batayan.

Humalukipkip ako at biglang gumaan ang aking loob. This feels natural. I feel free. For the first time since I don’t know.

“Ano ang gusto mong palabasin, kung ganoon? Na ikaw ang karapat dapat dahil mas matagal kayong magkakilala?”

Hindi niya nagustuhan na sumagot ako. Nawala ang kanyang ngiti at napalitan lang ng dilim sa mukha.

“Bakit? You think you deserve him better when you were just a bitch to fuck?”

Medyo nayanig ako roon. Isa rin ito sa hindi ko maintindihan.

Kitang kita ko ang pagliliwanag ng kanyang mukha nang nakita niyang naapektuhan ako roon.

“Yes, Thraia. In case you don’t know. You’re just his bitch who… he fucks everytime he’s bored! Umasa ka naman. This isn’t the first time I saw his bitch doing all the desperate moves!”

Nag-iinit ang gilid ng aking mga mata. I’m trying my very best not to burn her physically but it feels so right!

“At kung iniisip mong tulad sa mga libro’y pipiliin ka niya…” patuya na ang boses niya ngayon. “Kawawa ka naman. Matikman ka niya ulit, ibabalik ka niya sa pinanggalingan mo.”

Ngumiti ako. Hindi makapaniwalang nakaya ko pang makipaglaro sa babaeng ito.

“At ano ka? Isang estatwa na sinasamba niya? Gagalawin lang sa takdang panahon?” may bahid na panunuya ang sinabi ko.
“You’re right! Men fuck bitches, Thraia. In case you don’t know. That’s how it all works here. The girls they want to marry stay pure in the end. Kapag nagsawa na sila sa mga bitch nila, magpapakasal na sila sa tunay na gusto nila. And you’re lucky he hasn’t lost his appetite to you!”

Parang sinasaksak ang puso ko sa mga sinabi niya pero hindi ko iyon pinakita sa kanya.

Kung magkalasuglasog man ako rito ngayon, tatayo ako na parang buhay na buhay pa. I will face her with all smiles, once and for all.

I clapped my hands to praise what she just said. I cannot believe that she really is desperate too.

May punto siya roon. Pero hindi ko iyon tatanggapin. I will give everything. I will stand proud even without my memories and even without anyone’s support. Hindi ako pwedeng matalo ng paulit ulit.

“So he’s preserved you for that final day. I guess we’ll have to wait, then? I hope Ali’s allowed to marry…” nagtaas ako ng kilay.
She laughed. “And you believe that you really are married? Oh please! Men don’t marry their bitches. You deserve the sidelines. You smell like a rotten fish… act like a rotten fish. You don’t belong here…”

Ngayon kitang kita ko na ang iritasyon sa kanyang mukha. Halos manginig ang labi niya habang nagsasalita.

Patuloy na nagva-vibrate ang cellphone ko. It’s Penny calling I’m sure of that. After this, I’m gonna go out of this place!

“Kaya bakit ka papakasalan ni Ali? At umasa ka pa talaga? Kawawa ka naman…” nanliit ang mga mata niya.
“Sinong mas kawawa sa atin? At least Ali told me that we’re married. E, ikaw? Alam ng lahat na hindi kayo-”
“Well, that’s because I rejected him. Can you reject him? No! You will definitely say your big yes if he asks you. Which will never happen, by the way. Pero dahil desperada ka, kung sakaling mangyari iyon, paniguradong bukas agad papakasal ka, ‘di ba? At least I can proudly say that I have second thoughts about him. And it was him who wants to marry me! Not the other way around!”

I have to remind myself that I’m in a fomal occassion. Hindi dapat ako reresulta sa kalmutan. Lalo na’t gusto kong umalis dito! Lalo na’t gusto kong mawala!

“Pinapamukha na sa’yo ng pamilya niya kung saan ka nararapat, pinipilit mo parin. Nga naman? Bakit kaya hindi ka na lang magpahinga at magpatingin imbes na makipaglandian sa dalawang Mercadejas, ‘di ba? What? Is it because you don’t have anything? You’re poor as a rat? Ultimo ancestral house mo sa Costa Leona, nawala sa’yo? Kaya kumakapit ka sa patalim, hoping someone would save you from all of you mischiefs?”

Pilit kong tinitikom ang bibig ko at pinipigilan ang sarili kong manakit.

“And hoping it’s between the two men of Mercadejas? Kaya ba hindi ka na lang talaga nagpahinga? Talagang gumalaw ka sa mundong malapit sa kanila? Can’t you stand on your own? Build a name on your own? You’re a disgrace to the twenty first century women who are independent and achievers. You wish only to have a rich partner para mabuhay ka!”

Hindi ko na napigilan. My bottled up energy is all on my palm that I was able to slap her really hard.

Nalaglag ang panga niya. Napahawak siya sa kanyang pisngi nang bumaling muli sa akin.

“How fucking dare you!?” she shrieked.

May hinanap siya agad sa kanyang clutch and then when she found it, she threw it in my face! Nakatuping mga papel iyon.

Napapikit ako nang tumama iyon sa aking mukha at bumagsak sa sahig ng bathroom.

“See that?” she screamed desperately.

Humilata ang dalawang papel na dala niya at nakita ko sa isang papel ang pangalan ko at ang pangalan ni Ali naman sa isa.

“Kahit saan ka magpunta, walang rehistro na kasal kayo kaya h’wag kang magmalaki dahil lang tinulungan ka ni Ali! You have no fucking right! Ilusyunada ka! Ang kapal ng mukha mo!” sunod sunod niyang paratang.

Natulala ako habang tinitingnan sa baba ang dalawang papel. It’s a certificate telling everyone who’s reading that the person mentioned hasn’t married yet. Para sa aming dalawa. It was dated last week.

Alam ko na na nagsisinungaling si Ali sa akin. Alam kong walang katotohanan iyon. I didn’t want to confirm it dahil ayaw kong masira ang tingin ko sa kanya. Ngunit ngayon ko lang nalaman na kahit paano’y umasa ako na sana totoo na lang iyon. Na sana ay hindi siya nagsinungaling.

“If you think this is a plot, go ahead and produce your own paper like this! I dare you, Thraia! I’m just saving your ass and stop you from being a desperate bitch!”

Mas lalo lamang nabuo ang loob ko. Lalo na nang napapikit ako sa sobrang sakit ng aking ulo.

I pray to God that I make it. That my had will let me conclude everything.

I’ve realized that this life shouldn’t be about it. That life should be spent for myself… lived for myself. And if living peacefully with myself alone means letting go of everything, then I will.

All my life, I’ve been torn. So torn when I shouldn’t be. Torn when I can get away from all of it. Detach and burn all the bridges. Pero bakit ko hinayaang maging ganito ako ka buhol sa buhay nila? Paano ko nagawa iyon sa sarili ko?

“You’re like a prostitute minus the payment. Kasi sapat na na kabayaran ang sarap na nararamdaman mo, ‘di ba? Oh! No! The payment comes after… right? Like… if he offers you marriage, that’s enough payment for you! Pero gaya ng mga prostitute, hanggang kama ka lang. ‘Di ka na makakaabot ng simbahan,” she laughed bitterly.

Matapang kong inangat ang tingin ko sa kanya. She stopped laughing when she saw me smile. I will never back down… not right now… when it’s ending.

“Well at least I fucked him, right? E, ikaw? How many times did you fantasize about him squeezing and playing with your boobs? How many times did you got wet thinking he’d caress your thighs?”

Napawi ngiti niya sa sinabi ko.

“Countless times. Simula pa noong nakilala mo siya pero hindi kailanman nangyari. Even now that you’re so ready, he couldn’t lay a hand on you because you remain… unfuckable… And you hope he’d reserve all of him because in the end, it’s going to be you, right?”

Hindi na siya makapagsalita. Her hands were fisted on her sides.

“Hindi ko alam kung ano ang relasyon ninyong dalawa pero kung ang hinihintay ko’y nakikipaglaro sa ibang babae bago ako piliin, salamat na lang. And you? You’re more desperate than me. At least I tasted him. Pero ikaw? Hanggang panaginip ka lang, hindi ba? Sino ang mas kawawa sa atin? Oh don’t worry… If he asks your hand for marriage tomorrow, I’ll buy all the magazines and read all the articles about your breakthrough lovestory.”

Humalakhak ako.

“Kaya patuloy kang umasa. Baka sakaling matikman mo rin siya, okay?”

I smiled. Tinalikuran ko siya. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya.

Lumabas ako ng bathroom at napawi ang ngiti ko. Parang haliging nawasak ang inalagaan kong tapang. With each step going out of the venue, I fall… bruised…

“Hello…” halos hindi ko na makilala ang boses ko nang sagutin ang cellphone.
“Thraia!” maligayang bati ni Penny pero napalitan din agad ng pag-aalala. “I’ve been calling you. What happened?”
“Can you please… please… I’m here outside…”

Basang basa ang pisngi ko sa mga luha. Luha ng panghihinayang, pagsisisi, at kung anu-ano pa.

Can I turn back the time? When everything was still easy? Bakit ko hinayaang mabuhol ako ng ganito?

Her car parked in front of me. Agad ko iyong binuksan. Hindi pa nagsegundo’y pinaandar niya na paalis.

“Oh my God! What happened?” natatarantang tanong ni Penny habang nakatingin sa kalsada.

Hinalughog ko ang clutch ko. My wallet and my cellphone is here. Nasa wallet ko ang aking ATM at aking iilang importanteng ID.

“I want to leave…” sabi ko.
“We already left!” si Penny sa nanginginig na boses.
I shook my head. “Airport, Penny…”
“W-What?” ramdam na ramdam ko ang pag-ayaw niya. “Thraia, kumalma ka muna…”
“I will leave to calm my head!” giit ko.
“Saan ka naman pupunta?”
“I want to go back to Aklan!”
“W-What?”

Hindi na ako dumugtong. Sa pagmamaneho ni Penny, ramdam na ramdam ko ang panic. Nilingon ko ang likuran at nakakita ng isang overnight bag na madalas niyang nilalagay sa likod. Hindi ko alam kung para saan.

“Can I have your bag?” I asked.

Napalinga linga siya saglit bago tumango.

“Thraia, let’s just calm down…”

Huminga ako ng malalim at kinuha ang bag niya. Nakita kong may dalawang pares doon ng damit. Ayos na siguro iyon. Hindi na kailangan ng marami.

I have enough money to get through all this. Babawi na lang ako pagdating doon. Magtatrabaho ako ng maayos. Ng malayo sa lahat ng gulo… Ng hindi na ulit magambala pa ng kahit sino…

Kinuha ko ang cellphone ko. I typed in everything I need to know about some flight details. Mayroon pang lipad mamaya at kung didiretso ako ng airport ngayon, makakaabot pa ako.

“Tell Ali that I’m coming back once I clear my head.” Or don’t… kung totoo ang sinabi ni Lynea, hindi na kailangan ni Ali ito.
“What?” gulong gulo na si Penny.
“If Ivo comes looking for me, tell him I’ll be back. I just need time-”
“Thraia, you can have your time in our condo-”
“Being in your condo will mean Ali’s around, Penny! At ayaw ko nang mabuhol sa dalawa! Dapat matagal ko na itong tinigilan! Dapat noon pa lang! Dapat iniwasan ko na ang bahay na iyon at hinayaan ko na lang ang sarili kong mabagot sa amin! Hindi ko nagawa kaya ngayon iyon ang gagawin ko! Ang iwasan ang lahat!”
“Thraia…” she groaned.

Hindi niya na yata alam kung ano pang pwedeng sabihin sa akin. Dapat lang, dahil buo ang loob ko sa desisyon ko.

May kinuha ako sa drawer ng dashboard niya. Isang papel at post it note. Nanginginig ang kamay kong magsulat para kay Ali… dahil alam kong hindi ko kayang harap harapan na sabihin sa kanya ang lahat. Dahil masasaktan lang ako… masasaktan sa pag-asa, masasaktan sa pagbitiw, masasaktan dahil mahal ko na siya… kahit wala akong maalala kung dapat ba.

Ali,
Thank you so much for everything. I appreciate your efforts. Maganda man ang dahilan o hindi. And I forgive you for everything I know and I don’t. So I hope we both can start a new beginning. A clean slate… in both our own lives… separately. I know you understand.
Aia

Napatakan ko ng isang luha ang kulay orange na papel. Agad kong pinalis iyon at tinapat sa aircon. My hand is shaking so bad that I think I’m sick.

Humagulhol na ako habang tinatapat sa aircon ang papel. Nanginginig ang kamay ko.

“Shit. Ano ‘yan?” tanong ni Penny habang pinapark ang kanyang sasakyan sa airport.

Ngumiti ako at nilingon siya. Tinupi ko ang papel at binigay ko iyon sa kanya.

“Aalis na ako, Penny. Thank you. Babalik din ako pagkatapos ng lahat ng ito-”
“Thraia naman, h’wag ganito!” natataranta niyang tono.
“If Ethan will ask about me, just tell him that he will need a replacement for my position. Pag balik ko, baka hindi na muna ako roon magtatrabaho. And… I’ll text you if I can. Sorry for the trouble…”

Bumuhos ang luha ni Penny. Puro malulutong na mura ang sumunod doon.

“Ewan ko sa’yo!” sigaw niya pero hinagilap ako para mayakap. “Nagpakahirap ako para hanapin ka… para may kaibigan ako pero…”

Hinagod ko ang likod niya. Mas lalo lang akong naiyak doon. Hindi mo alam kung gaano ko rin kagustong magkaroon ng kaibigan sa katauhan mo. All my life, I have no girl friends…

“If I’d found you earlier, nalibang na siguro ako’t ‘di na ako napadpad sa mansyon ng mga Mercadejas para magpalipas ng bagot…”

Nagawa kong tumawa pero hindi siya. Nanatili siyang umiiyak. Hanggang sa kalasin ko ang yakap namin.

“Oh my God! Oh my God!” she chanted as I got out of her car.
“Penny, I’ll text you soon. I promise…” sabi ko.

Pinalis ko ang luha sa aking mga mata. I have to leave now. I won’t catch that flight if I won’t. And I have to.

“Thraia, hindi ba pwedeng…”

Pagod akong ngumiti. She sighed and by her look I know she realized she’ll only get defeated. That I have made up my mind.

“I’ll text you, okay? Paki bigay kay Ali ang sulat ko.”
“Ito na ang lahat ng iyon?” ipinakita niya sa akin ang maliit na papel na parang hindi siya makapaniwala.
“Thank you, Penny…”

When I closed the door between us, I know what’s coming for me.

Inayos ko ang damit ko. I have an hour before the flight. Pinagtitinginan na ako ng iilang mga taong naroon dahil sa damit ko. Ang una kong gagawin ay ang magpalit.

Maingay ngunit mapayapa ang airport na sumalubong sa akin. I don’t remember being here in a cold night but I shiver at the thought that I’m leaving at this hour. Parang may ipinapahiwatig iyon para sa akin. Tila ba hindi na ako babalik pa. Tila ba pinal na pinal na ang lahat tulad ng nararamdaman ko ngayon.

Pagkatapos kong magbihis sa pinakamalapit na bathroom ay dumiretso na ako sa loob. I have no baggage to check in so dumiretso na rin ako sa domestic flights. When I got there, the plane was already boarding. I didn’t even have the chance to sit and think about what I’m going to do when I get there.

Habang nakapila ay nilingon ko ang board na nasa harap.

I am Iloilo bound. I chose that flight because it’s the only available. Nilingon ko ang airport na iiwan ko. Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap ay matapang akong makakapagdesisyon ng ganoon.

At mas lalong hindi ako makapaniwala na ngayon ko lang naramdaman ang maging malaya ulit. The decision is freeing. It feels good. I feel like I have the power over my life. That I won’t let anything dictate me… my feelings… my past… anything.

Pagkaupo ko sa assigned seats ay naramdaman ko ang kaginhawaan sa aking ulo. I don’t exactly have a plan in hand. I just want to get away from everything… I just want to detach from all of it. Ako ang nagbuhol sa lahat kaya ako rin ang kakalas. Walang ibang makakagawa nito kundi ako. Hindi si Ivo. Hindi si Ali. Ako lang.

This is something I should’ve done a long time ago. To let go of everything. To just live for myself. Not for a fleeting moment but for the rest of my life.

Hinilig ko ang ulo ko sa backrest at pinatay ang aking cellphone. I closed my eyes and cherished the pain and happiness I found myself in right now.

Hindi matagal ang byahe. Malalim ang gabi sa Iloilo nang nakarating ako roon.

Hindi tulad sa Maynila, payapa at banayad ang kanilang gabi. Pinagmasdan ko ng ilang sandali ang kaonting mga taxi na nag-aantay sa labas ng airport.

Where is my home?

The only thing that comes on my mind when I say home right now is… Carles. Iyon na lang talaga.

I don’t want to risk any more money for a hotel tonight. At hindi ako ganoon ka pagod para kailanganin nang matulog.

Galing sa airport ay pumara ako ng taxi para magpahatid sa terminal ng bus kung saan ako sasakay ng Carles. Sa mahigit tatlong buwan kong pamamalagi roon, medyo nakabisado ko na ang sasakyan pagdating sa bayan kaya kapag naihatid ako ng bus sa Carles, hindi na ako mahihirapan.

Hindi ako nakatulog kahit sa bus. Hindi ako dinalaw ng antok. Thoughts kept me awake. Patuloy kong iniisip kung paano kong hindi naisip ito noon pa? Kung bakit ko hinayaang mabuhol sa kanila? At kung bakit kumapit ako ng mabuti noon…

Kahit sobrang bigat ng aking puso ay para akong nakawala sa hawla. Parang kakakalas lang ng mga posas sa akin. And I feel sad that Ali’s one of those cages I want to run away from. He’s toxic. His family is toxic to me. And I might be toxic to them as well.

Maybe there’s a reason why I don’t have friends, after all…

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.