Waves of Memories – Kabanata 34

November 19, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 34

Kabanata 34
Gala

We didn’t talk about the coming gala launch. Ayaw ko rin naman pag-usapan na.

Tinanghali ako ng gising sa sumunod na araw. When I woke up, I received a text message from Ivo.

Ivo:
I can’t wait to pick you up later.

May trabaho si Ali. Mukhang totoo ang sinabi niyang marai pa siyang hindi natatapos.

So I spent the whole day in our condo with Penny. Naglinis kami roon, pagkatapos ay nagluto siya ng meryenda at nagpasya kaming manood ng movie.

At three in the afternoon, nagsimula na siya sa pangungulit sa akin na maghanda na para sa event mamaya.

Ivo will pick me up at around six in the evening. At dahil sa kagustuhan ni Penny ay iyon na nga ang ginawa ko.

Habang naliligo ako, she set up a chair and took some of her things in the living room. Pagkalabas ko ay nakita ko ang blower, mga make up tools, at kung anu-ano pa roon. She’s not around… probably still in her room, naghahanap ng kung ano pang pwedeng magamit.

Nagbihis ako ng robe para mas madaling tanggalin mamaya kapag natapos na sa pagmi-make up si Penny. Hinanda ko na rin ang dress at stilletos ko.

Nang nakita niya akong lumabas sa kwarto ay pumalakpak siya. She’s not excited for the gala launch, she’s excited for whatever she’s going to do with me.

Umupo na ako roon at nagsimula na siya sa aking buhok. After the blow dry session, she started putting make up on my face.

Pasado alas kuatro y media nang nasatisfy siya sa lahat ng ginawa.

Maayos siyang mag make up. Very light but it still looks defined.

Binagay niya iyon sa long maroon dress na napili ko. My lips were red and my eye make up is natural. Ang buhok ko’y naayos sa pagkakablowdry kaya mas lalong kumintab at gumanda ang bagsak.

“You look so beautiful!” puri ni Penny.

Pinandilatan ko siya. Of course, she’ll say that. I am her work!

“Tandaan mo, pose ka lang ng pose sa mga media na naroon, ha? Don’t feel awkward.”
“Paano hindi magiging awkward? How will I pose? They don’t even know me. Why would they be interested?”
“People get interested in people who’re beside their interest, Thraia. Kung si Ali ang nagdala sa’yo, for sure sa magazine ka agad kinabukasan. Ali is one hell of a shark in the construction industry, plus he’s a hot bachelor. Everybody wants him. They’d fish for information beyond his career life and that’d be you! Pero dahil kay Ivo ka sasama, kay Ivo ka muna machi-chismis…”
“That’s really how everything will go?” hindi makapaniwala kong tanong.
“Yes. Don’t be so stressed! Don’t worry. I’ll hang near the venue just so if you realize that it isn’t for you, I’ll immediately lead you to other places more interesting…” nagngising aso siya.

Hindi matanggal sa isip ko kung gaano ka extravagant ang party. Akala ko purong exaggeration lang ang mga sinabi ni Penny pero talagang ganoon pala.

Sa isang five star hotel sa Pasay gaganapin ang gala launch. Kaya alas singko pa lang ay nagtext na si Ivo na nasa parking lot na siya ng condominium.

Hinatid ako ni Penny pababa roon. Ivo was in his black tux. Isang palumpon ng rosas ang nasa kanyang kaliwang kamay at agad niya iyong nilahad sa akin pagkakita.

“You look stunning! Wow!” umiling siya at matamis na ngumiti.

Uminit ang pisngi ko. Tinanggap ko ang mga rosas na binigay niya at inamoy iyon.

“Thank you…”
“Thanks, Penny. Hindi ko alam na hindi ka sinama ni Ethan sa event?”
Penny smiled. “Hindi talaga ako sumama…”

Ivo nodded. Pagkuwa’y minuwestra niya sa akin ang looban ng sasakyan. Hindi na ako nag-atubiling pumasok.

“Okay then… We should go now, I guess. I don’t want to be late…” si Ivo.

Pumasok na rin si Ivo sa loob ng sasakyan. Binaba ko ang aking bintana para makawayan si Penny at makausap siya saglit.

“’Yong usapan ha…” I said, talking about her being just around the venue.

She nodded and smiled widely.

Pagkatapos noon ay tumulak na kami ni Ivo sa kalsada.

“I can’t take my eyes off you. Damn!” si Ivo habang natatraffic kami.
“Magaling talagang mag make up si Penny…”
“Not that you’re not beautiful when you don’t have make up. Of course, I still prefer your natural look…” malambing niyang sinabi.

Napangiti ako roon. But then again, I don’t want to say anything anymore. Ayaw kong bigyan niya ng kahulugan ang kahit ano. If being with him right now means something to him, I’ll make sure I’ll draw that line to finally make him realize my stand between us.

But then thinking about breaking Ivo’s heart is hurting me. It’s like I’ve seen him be disappointed with almost anything that I can’t afford to disappoint him more.

Nakipagtawanan at biruan ako sa kanya sa loob ng sasakyan. Just like the old times. When I wasn’t that pressured with anything.

Kinuha ng valet ang kanyang sasakyan pagdating namin.

Tama si Penny. Pag-akyat pa lang namin ng hagdanan ay marami na ang kumukuha ng picture. The event is star-studded. Figures from the show business, and respected actor-entreprenuers were there. The bachelors Penny talked about were there too. Pinagpipiyestahan ng mga reporters.

“Mr. Yorrick Mercadejas, please look here… sweet!” sabi ng isang photographer nang nilingon nga siya ni Ivo.

Wherever Ivo looks, I look too. So most of our picture probably look like we’re a couple.

“Mr. Mercadejas, is she your girlfriend?” tanong ng isang taga media habang hinahabol ang pag-akyat namin ni Ivo.

But then there were too many media. Panay ang tawag sa amin habang umaakyat kami hanggang sa nasa red carpet na. A famous host even approached us to talk to Ivo.

Nanatili ako sa gilid ni Ivo habang sumasagot siya sa mga tanong tungkol sa recent projects. Video cameras are around and I can’t help but feel awkward.

Hindi matanggal ang tingin ko sa mga limousine na nagsisidatingan. Lumalabas ang mga matatandang chinese businessman. The most recent limousine, however, shocked me.

Lynea Angeles in her long black greecian gown went out of that limo. Pagkatapos niya ay si Senyora Domitilla na naka kulay violet asymmetric neckline. Dinumog agad sila ng media.

The way Lynea posed for the cameras told me that she’s used to all that. Pagkatapos ng interview kay Ivo, umalis agad ang host para pumunta kay Senyora Domitilla Mercadejas para siguro makausap na rin ito.

Kinabahan ako nang hinawakan ni Ivo ang aking baywang upang maigiya pabalik sa hagdanan at patungo sa kanyang ina. Costa Leona feels so far away now… feels so distant. Ngunit nang nakita ko si Senyora, pakiramdam ko’y nasa tabi lang ito.

“Oh my son is here!” maligayang sinabi ni Senyora ngunit nang nakita ako ay unti-unting napawi ang ngiti.
“Mama…” yumuko ng konti si Ivo bilang pagbati sa ina.

Lynea greeted Ivo, too. Nang nakita ako ay pinagtaasan lamang ako ng kilay at ngumisi na parang may katawa-tawa.

Tumuwid ako sa pagkakatayo. What does she mean by that look?

“Antonius and Uriel are both in the venue. My grandson, Ali, is probably on the way. Lalo na’t narito na si Lynea…” tunog nagpapahiwatig si Senyora sa sinabi niya sa media.
“Senyora, are you saying that their postponed wedding is finally happening soon?” the girl-reporter asked.
“Kung papayag na itong si Lynea. There’s just no reason why she’d reject my grandson. Kung mayroon man, iyon siguro ay ang pagiging masyadong bata pa ni Lynea na pumasok sa pag-aasawa.”
Lynea laughed. Agad siyang dinumog ng mga reporters pagkatapos noon. She seemed to enjoy all the attention.

Parang may lumubog sa aking tiyan habang pinagmamasdan siyang maligayang nakikipag-usap sa kanila. She’s certainly very used to all of these.

“Mauna na kami sa loob, Mama…” Ivo said when he realized that we’re done here.

Sumunod ako kay Ivo. Naiwan si Senyora at si Lynea roon.

A wave of reporters went to us again on the lobby. May isa pang nagtatanong sa kung saan ko nabili ang mga damit ko, for magazine feature purposes lang daw.

“Thraia Gabriella Fortunato…” sabi ko nang tinanong ang aking pangalan.
“I thought it’s from a famous atelier! Who’d thought it’s from a mall boutique!” puna noong sinabihan ko kung saan nabili ang aking damit. “Well, nasa nagsusuot naman talaga ang fashion…”
“Are you Yorrick Von’s girlfriend?” he asked.
I shook my head shyly. “I’m his friend.”
“Oh! Na friendzone si Mr. Mercadejas. But… for sure something’s going on since he won’t invite you here if there’s none?”
“Uh… No… We’re childhood friends…” tipid ang aking sagot.

Dahil hindi ako interesante, nilubayan din ako ng reporter pagkatapos. Saktong tapos na rin si Ivo sa nagtatanong sa kanya kaya inalalayan niya ulit ako papasok sa bulwagan.

Pagkapasok namin, naramdaman ko agad kung gaano ka elite ang mga naimbita. The whole room was decorated with gold vines of flowers and candles. Dim ang light at ng tanging pinakamailaw ay ang screen sa harap na nagfeafeature ng mga sponsors at kung anu-ano pa.

This is a gala launch of new products in the market of construction. Pinapangunahan ng isang international brand na iwewelcome sa buong Pilipinas. Ang mga imbitado ay ang mga kompanyang related doon at ang mga investors na willing gumastos para sa produkto.

Rounded tables were on the sides. Pero mas marami ang mga high tables na paniguradong nilagay para lubusang makapag interact ang mga imbitado.

Nagsi-serve na ng appetizers. Ivo chose one high table and then he left me there because he saw some of his friends.

May naglapag ng champagne sa aking lamesa.

“Thank you…” sabi ko sa waiter.

Uminom ako habang tinitingnan si Ivo na papalapit sa akin kasama ang kanyang mga kaibigan.

“This is Thraia…” sabi niya sa tatlong lalaking dinala.

They introduced themselves pero hindi nagtagal ay naagaw ang atensyon namin sa nagsalitang host sa harap. Makikinig at manonood na sana ako kung hindi ko lang namataan si Ethan na pumasok mag-isa sa silid.

Sinuyod niya ang kanyang mga mata. When he saw me, tumulak siya palapit sa table ko at piniling tumayo kasama ang mga lalaking pinakilala sa akin ni Ivo kanina.

Binalik ko ang tingin ko sa pintuan at nakita kong may pumasok na pinaliligiran ng media. The security even had a commotion near the doors because of the media trying to chase the couple who went in.

Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang pamilyar na mag-asawa. A no nonsense woman scanned the whole room without a smile. Her partner smiled widely to the businessmen who greeted them.

Kung hindi ko narinig si Senyora ay hindi ko malalaman na nasa round table pala sila sa malapit.

“Let’s go, Thraia. Kuya Anton is here…” anyaya ni Ivo sa akin.

Sumunod agad ako. I gathered all the courage I have. Tumuwid ako sa pagkakatayo. Nagtama ang pangingin namin ng nanay ni Ali na kadarating lang. I suddenly admired how she can carry herself like that in the midst of this crowd.

Nakatakas ang mata ko sa tinginan namin nang muling may dinumog ang media dahil sa pagdating ng isa pang panauhin. Ali, in his clean cut and black tux swiftly walked inside the room.

The first part of the whole programme is dinner. Nag announce lang ang host na mag se-serve na ng dinner at umalis din para ipakita ang mga achievement ng produktong host.

“Good evening, Kuya… Ate Annaliese…” Ivo said curtly.
“Good evening, Yorrick…” pormal din nitong sabi pagkatapos ay bumaling sa kay Senyora.
“If it’s not because of this event, we won’t have this mini reunion!” deklara ni Senyora.

Unti-unti kong nilingon si Ali na ngayon ay kasama na ang isa pang couple. They both look familiar. I’m sure I know them. Agad kong nakuha nang tawagin ni Senyora ang lalaki.

“Uriel, where is Zamiel and Kajik?’”

That’s the second Mercadejas!

The man kissed Senyora Domitilla’s cheeks. The woman did it too…

“They are around here…” pinasadahan ng tingin ni Uriel ang buong bulwagan.
“Sila na lang ang kulang. And… oh, Ali!” her tone changed at the sight of Ali.

She held out her hand like she wants to hug Ali so tight. Lumapit si Ali kay Senyora at pormal itong nagmano.

Tumabi si Ali sa kanyang ina.

“How are you doing, Tita?” Lynea said in a girly voice pagkatapos ay nakipagbeso sa kay Annaliese Mercadejas.
“I’m fine. You?” she smiled.

Marahan akong tumikhim. All the guts I gathered is put to waste.

Nakita kong kumunot ang noo ng asawa ni Uriel sa akin. She looks confused with my presence. I’m not sure if she knows me. By the look on her face, probably not.

“By the way everyone… I want to introduce my date tonight…” deklara ni Ivo sa kalagitnaan ng pagkakamustahan.

Everyone turned to him. Ali’s lips turned into a thin line. Nanatili ang malamig niyang tingin kay Ivo. Annaliese Mercadejas looked at me intently, with no traces of smile on her face.

“This is Thraia Fortunato.”
“Oh yes, I remember you, hija. You’re from Costa Leona, right?” Uriel Mercadejas told me.

I was shocked a bit. Tumango ako at ngumiti.

But then what shocked me most is when Annaliese Mercadejas held of her hand for me.

“Annaliese Mercadejas…” she said in a formal tone.
“Uhm… Thraia, Madame. This is an honor…” hindi ko na napigilan.

Malamig siyang tumango pagkatapos ng kamayan namin at pagkatapos ay bumaling kay Ali. Ali is trying not too look at me. Nakayuko siya ng kaonti pero napaangat parin ang kanyang mga mata sa akin.

“Tita, your skin looks flawless than ever! Is your vacation the secret?” humalakhak si Lynea.

Napalunok ako roon. Agad niyang naagaw ang atensyon ni Annaliese. Hindi ko maiwasang mamangha sa mga taong marunong makipag-usap ng ganoon sa mga taong sobrang pormal. I suddenly feel awkward.

“Thank you! Yes, I think it’s the vacation. How are you, Lynea? How’s the company, too?”
“It’s doing well now, Tita. Now that Ali’s back, he can surely concentrate on it…”
Nilingon muli ni Annaliese si Ali. Tahimik lamang si Ali roon.
“Syempre. Dapat lang talaga na bumalik si Ali sa kompanya. The past three months have been a waste… it’s sad. But what’s important now is that he’s back…” si Senyora Domitilla.
“Ali…” Uriel Mercadejas called.

Agad na nilingon ni Ali. He’s talking to some chinese businessmen. Ali excused himself on the crowd and went to Uriel Mercadejas.

“Shall we all find our table?” anyaya ni Annaliese.

May binulong si Antonius Mercadejas Jr sa asawa at agad na silang nagtungo sa round table malapit lamang doon.

“Sumama tayo sa kanila…” si Ivo.

Hinawakan ni Ivo ang aking siko para igiya ako sa kung nasaan ang kanyang pamilya. Lutang ako habang sumusunod sa kanila. Pakiramdam ko’y hindi dapat ako naroon.

Food are served in front of us. Habang hindi pa nakukumpleto ay nagkakatuwaan sila sa pag-uusap. I’m only a listener beside Ivo and Mrs. Annaliese Mercadejas. Gusto kong sumingit at sumali sa usapan para naman hindi ako magmukhang tanga pero paniguradong mas magmumukha akong tanga kung gagawin ko iyon.

“How’s your father?” Annaliese asked Lynea.
“Oh, he’s recovering, Tita. Nanghingi na nga ng apo, e.”

Annaliese laughed. Even when she laughs, I can sense her reservation. Namamangha ako.

“Good to hear…”
“Naku! Tell your father that it’s going to happen very soon!” Si Senyora naman ngayon.
Nahihiyang tumawa si Lynea.
“Now that everything’s back to normal in the company, alam ko na ang susunod na gagawin ni Ali.”
“My son is not getting any younger, Mama. We’ll see…” si Annaliese.

Napalunok ako roon. To hear it straight from his mother, how she’s supporting Lynea and Ali, feels painful.

“Mabuti naman at talagang bumalik na siya. Ang akala ko’y wala nang makapagpapabago sa isip niya…”

Yumuko ako. I deeply wonder if they knew I’m the reason why he’s gone for months!

“His vacation helped him relax, Madame, so I think it still did good to him…” si Lynea.
“Oh yes, of course! And hopefully, if he proposes again… you won’t say no this time.”
“I surely won’t. We already talked about that…” si Lynea.
“You did? That’s great!” natutuwang sinabi ni Annaliese.

Antonius Mercadejas Jr. is talking to someone so he’s not very attentive to the conversation. Ganoon din si Ivo kaya kami lamang ang nakikinig. Sana ay may kausap din akong iba, para hindi rin ako nakikinig ng ganito.

“Si Ivo, Mama…” Annaliese glanced at me and Ivo. “Any plans of getting married soon?”

Kitang kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ni Senyora Domitilla.

“I’m sure wala pa. Sana wala pa. I’m not very fond of the girl he likes, Annaliese. Mabuti pa itong si Ali at marunong tumingin sa isang babae. Pero si… I’m starting to think that he’s under some kind of spell!” Tumawa si Senyora.

She didn’t mention anyone but I feel like it’s all for me. Yumuko ako. Tinitingnan ang pagkain sa aking pinggan.

A burning sensation on my head suddenly erupted. Mahigpit kong pinagpipipisil ang mga daliri ko para ma divert ang sakit galing sa aking ulo patungo roon.

“Madame, don’t be so rude…” natatawang sinabi ni Lynea.
“Ivo is not listening anyway but it’s true. Oh I hate her so much, Lynea. She even have the guts to be with my son. Hindi ba talaga pwedeng lubayan niya na lang ito? Cut all the connections? If she really isn’t desperate to get my son, then she should’ve burned all the bridges! I bet she wants it so bad kaya hindi niya magawa…”

Bumaling si Ivo sa lamesa. Sumimsim kaagad si Senyora Domitilla sa kanyang wine at hindi na dinagdagan ang salita.

“Ivo, we were talking about your possible marriage if there is any anytime soon…” Annaliese said in a formal tone.

Ramdam na ramdam ko ang tingin niya sa akin pero hindi na ako tumingin pabalik. Nanatili na lamang akong nakayuko.

Tumawa si Ivo.

“Kung papalarin at sagutin, Ate…” si Ivo.
Tumango si Annaliese. “Good luck to that…” Sinuyod niya bigla ang buong lugar. “Where is Ali, by the way?”
“He’s with Kuya Uriel.”

Unti-unting nawala ang sakit sa ulo ko. Pero parang hinahampas ang puso ko habang nakaupo roon. Hindi ko tuloy sigurado kung nawala ba ang sakit o namanhid lang ako.

Bakit nga ba hindi ko magawang bumitiw na lang? Bakit kailangan ko pang sundin ang puso ko at mamili sa kahit sino? Bakit hindi ko na lang isakripisyo ang puso ko at bitiwan ang lahat? Tutal ay wala naman akong ginawa rito ngunit maging pabigat?

Nilingon ko si Ivo. He smiled at me. He looks geniunely happy with all these.

“Powder room lang ako…” halos mapaos ang boses ko.
He nodded and smiled again.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.